Saturday, March 7, 2015

Mission 34: Sakripisyo

Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.



Mission 34: Sakripisyo

AXIS Mega Base…..

Sa kaniyang Capsule, tahimik na nag-iisip si Megiddus ng paraan para siya mismo ang makatalo sa Gammarangers. Habang abala ang ibang taga-AXIS sa kanilang pagsasanay at paghahanda ng panibagong banta, siya ay naiwang mag-isa na nasa loob. Habang nakapikit, isinasaisip niya ang kanyang mga pinagdaanang laban.

Isa si Megiddus sa mga matataas na opisyal ng AXIS na siyang sumakop sa halos kabuuan ng Asya. At dahil nasa ilalim na rin ng teroristang grupo ang rehiyon, naisip ni Ganelon na malaki ang maitutulong niya para mapadali ang pagsakop sa Pilipinas, ang kaisa-isang bansa na hindi pa nasasakop ng AXIS.

MEGIDDUS: (sa sarili) Kailangang makaisip ako ng paraan para mapuksa na ng tuluyan ang Gammarangers! Isang magandang paraan…..

Habang nasa ganoon siyang kalagayan, biglang dumating sa loob ng silid si Osmalik at kukuha ng Weapons Program. Kahit nakapikit ay ramdam siya ni Megiddus.

MEGIDDUS: Anong ginagawa mo dito?

OSMALIK: Tila ata hindi mo pa rin tanggap na ako na ang kanang-kamay ni Ganelon, kaya mo natanong iyan.

MEGIDDUS: Wala akong pakialam doon! Ang gusto ko lang ay mapuksa na ang Gammarangers sa lalong medaling panahon!

OSMALIK: Bilib din ako sa iyo. Tila mas masidhi ang pagnanais mo kaysa kay Ganelon. Parang may gusto kang iparating.

Lumabas si Megiddus sa kanyang Cylinder at hinarap si Osmalik. Sinipat si Osmalik mula ulo hanggang paa.

MEGIDDUS: Naisip ko lang, kung nagawa nating maagawan ang GAMMA noon, bakit hindi natin gawin ulit?

OSMALIK: At ano naman ang ibig mong---

MEGIDDUS: Alam mo ang sinasabi ko. Kukunin natin ang pangalawang SIGMA!

Tila napaisip si Osmalik, at parang nagustuhan ang plano ni Megiddus.

OSMALIK: Alam mo, minsan dumaan din iyan sa aking isipan. Paano nga kaya kung napasaatin din ang Phase 2 ng Sigma? Eh di hindi nangyari ang naunang kabiguan.

MEGIDDUS: At may paraan para diyan…..
________________________________________________________________

Sa Forum Hall ng AXIS, sumang-ayon ang lahat sa plano ni Megiddus na agawin ang pangalawang Sigma mula sa GAMMA.

GANELON: Hmmm…magandang ideya. Pero papaano mo naman aagawin mula sa kanila ang pangalawang Sigma?

MEGIDDUS: Master, alam po natin na mahihirapan na tayong kubkubin ang kanilang Base dahil mas pinaigting na nila ang kanilang seguridad. Pero kaya po nating makuha iyon sa pamamagitan ng Circuit Reverse.

NECROMA: Circuit Reverse?

MEGIDDUS: Tama. Babaligtarin natin ang sistema ng mandirigmang iyon upang gamitin siya laban sa Gammarangers. Sa medaling salita, magiging kakampi natin siya.

DYMARO: Pero papaano natin babaligtarin ang kanyang Circuit?

OSMALIK: Alam ko kung papaano. Magkaugnay ang Program ng Sigma 1.0 at ng Sigma 2.0 na taglay ng mandirigmang iyon. Sa pamamagitan ng Chip na ito (inilabas ang isang Microchip mula sa kanyang braso).

Kinuha ni Megiddus ang Chip at ipinasok sa kanyang braso.

MEGIDDUS: Ngayong naipasok ko na ito sa aking Braso, kaya kong baguhin ang Properties ng ating taglay na Sigma. Sa pamamagitan ng Satellite Connection, magyayari din sa katawan niya ang nagyari sa akin…At iyon ang pagkakataon na lalasunin ng Chip ang Circuit niya, at siya na ang haharap laban sa Gammarangers, kahit hindi na natin kailangan pa ng bagong Terrozoid.

GANELON: Tutal sawang-sawa na ako sa kapalpakan ng mga Terrozoids, sige pagbibigyan ko yang plano mo. Kahit papaano hindi na ako umaasa pa na magtatagumpay kayo, pero wala akong ibang pagkakatiwalaan kundi kayo. Sige, simulan niyo na!
___________________________________________________________

UDF Gamma Base….15:56

“RED ALERT! RED ALERT! INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!”

Kaagad pumasok ang anim na Rangers sa Database para tignan ang nangyayari.

JAKE: AXIS ba?

ALICE: Oo, isang Army ng Omnicrons at Cranumites ang nanggugulo sa Area 15, Sector 9, S19D 15’ W, sa Batangas Port.

PAOLO: Teka, wala ba silang kasamang Terrozoid?

GEN. ANGELES: May Terrozoid o wala, kailangan silang mapuksa. Rangers mobilize now!

ALL: Sir Yes Sir! (sabay saludo)

“Sama ako! Sama ako!”

Nagulat ang lahat sa narinig na tinig at lumingon patalikod.

BRIAN: Charlie!
ABBY: Hindi pwede Charlie, delikado ang misyon naming.

CHARLIE 9: Charlie tulong! Charlie tulong!

MALIN: Guys, isama na kaya natin siya.

GEN. ANGELES: Rangers, tutal miyembro na siya ng team, pinapayagan ko siyang sumama sa inyo. Malaki ang maitutulong niya sa inyo.

JAKE: Oh siya sige. Charlie, let’s go!

CHARLIE: Yehey! Yehey!

Lumabas ang mga mandirigma at sumakay sa kani-kanilang mga Ranger Vehicles.
______________________________________________________________

Batangas Port….16:20

Mabilis na nakarating ang Gammarangers sa kinaroroonan ng kaguluhan. Nakita nila agad ang isang batalyong Omnicrons at Cranumites na namiminsala sa lugar.

JAKE: Ang dami ah, tara na at magbihis!
ALL: Roger!
MALIN: Charlie, handa ka na ba?
CHARLIE 9: Charlie ready! Charlie ready!

Kinuha nila ang kani-kanilang mga Morphing Badge, sabay bigkas ng mga katagang---

ALL: Gammamode, Activate!
PAOLO: Patriot, Gamma On!
CHARLIE 9: (palit-boses) Sigma Engage!

Nagbago na ng anyo ang pitong mandirigma bilang Gammarangers, Gamma Patriot at Sigma Guardian.

GAMMA RED: Attack!!!

Kaagad sumugod ang mga ito upang harapin ang mga Omnicrons at Cranumites. Sa isang banda, ginamit ni Sigma Guardian ang kanyang angking kakayahan upang pabagsakin ang mga ito.

SIGMA GUARDIAN: Multiple Targets Lock On!

Kanyang inilabas ang mga Sigma Torpedoes at pinasabog ang mga nakapaligid na AXIS Soldiers.

Sa isang banda naman ay nakikipagsagupa sina Gamma Patriot, Gamma Yellow at Gamma Blue. Gamit ang kani-kanilang mga sandata ay mahusay nilang pinatumba ang mga Omnicrons at Cranumites.

GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver Rifle Mode!
GAMMA YELLOW: G-Smasher!
GAMMA BLUE: G-Launcher!
ALL: FIRE!!!

BOOOOOOMMMM!!!!

At sabog ang lahat ng nakapaligid na kalaban.

Mahusay namang tinalo nina Gamma Red, Gamma Green at Gamma Vio ang kani-kanilang mga katunggali gamit ang kanilang husay sa Martial Arts.

GAMMA RED: Ratratin na natin sila!
GAMMA GREEN / GAMMA VIO: Roger!

Kanilang inilabas ang kanilang sandata mula sa kanilang Leg Armor.

GAMMA RED: G-Magnum!
GAMMA GREEN: G-Booster
GAMMA VIO: G-Machinegun!
ALL: FIRE!!!

BOOOOOOOMMMM!!!!!

Ang naglaho ang mga kalabang nakapaligid sa kanila.

GAMMA PATRIOT: Huling batch na nila!
GAMMA RED: Okay, isang bagsakan na!

Nagsama-sama muli ang pitong mandirigma at pinagsanib ang kani-kanilang mga lakas upang pasabugin ang huling batalyon ng Omnicrons at Cranumites.

SIGMA GUARDIAN: Big Shooter Lock On!
GAMMA PATRIOT: Pyrronium Overload Full Power!
GAMMARANGERS: Gamma Bayonet Rifle Mode! FIRE!!!

BOOOOOOMMM!!!
BOOOOOOMMM!!!
BOOOOOOMMM!!!

At sumabog ang lahat ng kanilang kalaban.

GAMMA RED: Ha ha ha! Sana ganito kadali lagi ang lahat ng laban!
GAMMA BLUE: Pero nakakaduda, wala silang pinakawalang Terrozoid.
GAMMA VIO: Let’s go back to Base, guys.

Papasakay na sila ng kani-kanilang mga Vehicles nang may mapansin sila kay Sigma Guardian. Gulat sila nang makitang nanginginig ang buong katawan nito at tila sumasakit.

GAMMA GREEN: Oh Charlie….may problema ba?
SIGMA GUARDIAN: #@$$%%^$%%&^%&**^*

Nagtataka ang lahat sa nakikita nilang pagkakagulo ni Sigma Guardian…hanggang sa nawalan ito ng malay.

GAMMA YELLOW: Charlie!!!

Kaagad sumaklolo ang anim na Gammarangers upang buhatin ang kanilang kasamahan, ngunit…..

SIGMA GUARDIAN: Sigma Phase 1.0 Activated!

At biglang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata, agad itong bumangon at pinagtatapon ang mga nakapaligid na Gammarangers sa kaniya.

GAMMA PATRIOT: Charlie!!! Anong---

Dinampot ni Sigma Guardian si Gamma Patriot at binagsak sa kalsada. Nagulat ang lahat sa nakita.

GAMMA RED: Hoy bata, anong ginagawa mo?!
GAMMA YELLOW: Charlie itigil mo yan!!!

Ngunit walang narinig ang mandirigma. Patuloy lang nitong pinagsusuntok ang ulo ni Gamma Patriot saka ito inapakan. Matapos iyon ay binuhat nito ang kanyang ulo para pasabugin, nang--

BOOOOOOMMM!!!

Isang Blast mula sa G-Machinegun ang nagpabitaw sa kanyang hinahawakan. Bagsak si Gamma Patriot at bumalik  sa pagiging Paolo.

GAMMA VIO: Stop that Charlie! What’s wrong with you?!

Ngunit humarap si Sigma Guardian kay Gamma Vio at….

SIGMA GUARDIAN: Big Shooter Target Lock on!

GAMMA VIO: Hey don’t do that!!!

BAAAAAAANNNNGGG!!!

Hindi na nagawang makaiwas pa ni Gamma Vio sa atake at tinanggap ang pasabog. Napatilapon siya sa isang pader at bumalik bilang Scott.

“Ha ha ha ha ha!!!!”

Nagulat ang lahat nang may marinig na tinig mula sa kung saan. Paglingon nila ay nakita nila si Megiddus.

GAMMA BLUE: Megiddus!
GAMMA RED: Anong ginawa mo kay Charlie?!

MEGIDDUS: Ha ha ha ha!!! Nagulat ba kayo? Baka nakakalimutan niyo na taglay din namin ang Sigma Technology, at may kaugnayan ang Circuit naming sa kanyang Circuit.

GAMMA GREEN: Ano, minamanipula niyo siya?!
GAMMA YELLOW: Napakasama mo! Ibalik mo si Charlie sa dati!!!

MEGIDDUS: Marahil nagtataka kayo na hindi kami nagpakawala ng isang Terrozoid. Puwes, ang inyong kasamahan na iyan ang siyang aming bagong Terrozoid!!! Sigma, patumbahin ang mga iyan!!!

Kaagad humarap si Sigma Guardian sa apat at tumakbo pasugod sa kanila. Taranta naman ang Gammarangers at hindi alam kung lalabanan nila ito o hindi.

GAMMA YELLOW: Charlie ko!!! Huwag!!!

SIGMA GUARDIAN: Four Targets Lock on!

Nagpakawala ng Sigma Torpedoes si Sigma Guardian at pinasabog ang apat na katunggaling Gammarangers. Wala ng nagawa ang apat kundi tanggapin ang atake.

GAMMA BLUE: Mga kasama, awatin natin siya!
GAMMA GREEN: Tatawag ako sa Base para humingi ng tulong!

Habang sinisikap awatin ng tatlong Gammarangers si Sigma Guardian, nagtago muna sa isang tabi si Gamma Green. Tumawag siya sa Communicator niya at kinontact ang Gamma Base.

GAMMA GREEN: Gamma Base, do you read me?
______________________________________________________________

UDF Gamma Base….

GEN. ANGELES: Gamma Base read you, napapanood namin ang mga pangyayari De Leon. Bakit nagkaganyan si Charlie?
______________________________________________________________

GAMMA GREEN: Sir, minamanipilate ng AXIS si Charlie at ginagamit siya laban sa amin!
______________________________________________________________

GEN. ANGELES: Gumagawa na ng paraan si Owen para diyan. Sa ngayon, ang magagawa niyo lang ay pigilan siya.
______________________________________________________________

GAMMA GREEN: Sisikapin po namin! Over and out!
______________________________________________________________

GEN. ANGELES: Owen, ano na? May paraan ba para ma-shut down muna si Sigma Guardian?

OWEN: Sir, ang totoo po niyan, dapat nai-shutdown ko na siya kanina pa. Pero hindi ko po maintindihan, ayaw po niyang mashutdown!

GEN. ANGELES: Ano?!

ALICE: Sir, malapit ng matapos ang 20 minutes. Posibleng bumalik sa dati si Charlie ngunit hindi ang Artificial Intelligence niya.

GEN. ANGELES: Ano bang nangyayari?!
_______________________________________________________________

Hinahawakan nina Gamma Red at Gamma Blue sa magkabilang braso si Sigma Guardian upang pigilan itong makapaminsala.

GAMMA RED: Tumigil ka na bata!!!
GAMMA BLUE: Charlie, huminahon ka!!!

Habang sina Gamma Green at Gamma Yellow ay hinarap si Megiddus na noo’y masayang pinapanood ang mga pangyayari.

MEGIDDUS: Aba, ang lakas ng loob niyong harapin. Maaaring magaganda kayo at maalindog, pero hindi ko kayo sasantuhin!

GAMMA YELLOW: Hindi naming kailangan ang pambobola mo! Ibalik mo ang Charlie ko sa dati!
GAMMA GREEN: Hindi na kayo nakuntento! Pati ang aming kaibigan pinipirata niyo!

MEGIDDUS: Sige nga, talunin niyo muna ako!!!

Wala ng nagawa ang dalawang babaeng Ranger kundi labanan si Megiddus.

Sa kabilang banda, niratrat ni Sigma Guardian sina Gamma Red at Gamma Blue gamit ang Big Shooter. Napahandusay ang dalawang Gammaranger sa natamong pinsala.

GAMMA RED: Ayaw talagang tumino.
GAMMA BLUE: Bumababa na Energy Levels ko.

SIGMA GUARDIAN: Time Delay On!

Biglang tumigil ang oras matapos bigkasin ni Sigma Guardian ang mga katagang iyon, at saka nagpakawala ng malalakas na tirade sa dalawang Ranger.

SIGMA GUARDIAN: Time Delay Off!

BOOOOOOMMM!!!!

Napatilapon sina Gamma Red at Gamma Blue at bumalik sa pagiging Jake at Brian.

Unti-unti naman ay nanghihina sina Gamma Green at Gamma Yellow sa pakikipaglaban kay Megiddus. Dahil sa taglay na Sigma Properties ng AXIS General ay walang magawa ang dalawang babaeng Ranger.

GAMMA YELLOW: Ang lakas niya, ate.
GAMMA GREEN: Hindi ko na kayang lumaban….

MEGIDDUS: Ano ba iyan, di man lang ako hiningal sa inyo. Di ko na sasayangin ang oras ko sa inyo, mabuti pa si Sigma na lang ang humarap sa inyo. Sigma! Ikaw na ang bahala sa kanila!

Kaagad tumalima si Sigma Guardian at sinugod ang dalawang babaeng Ranger.

GAMMA YELLOW: Charlie huwag!

Hindi nakinig ang Robot. Pinaghahampas niya ang dalawa at saka pinagbabato ng sasakyang nakaharang sa kalsada. Labis na nasaktan ang dalawa.

GAMMA GREEN: Patawarin mo ako Charlie, pero kailangang matapos na ito….G-Booster! Fire!!!

Tumira ng G-Booster si Gamma Green, ngunit----

SIGMA GUARDIAN: Copy!

In-absorb ni Sigma Guardian ang atakeng binigay sa kanya, at----

SIGMA GUARDIAN: Paste!!!

Bigla niyang ibinalik ang G-Booster Blast kay Gamma Green at napinsala ang Ranger. Bumalik ito bilang Abby.

GAMMA YELLOW: Ate Abby!!!

Kaagad nilapitan ni Gamma Yellow si Abby, ngunit….

BAAAANNNGGG!!!

Natigilan si Gamma Yellow nang isang malakas na Big Shooter blast ang humarang sa kanya galing kay Sigma Guardian.

GAMMA YELLOW: Charlie tumigil ka na! Di mo ba kami kilala? Ako ito, si Malin ganda!

Ngunit walang narinig ang mandirigma, bagkus nagsibukasan pa ang mga armas nito sa katawan. Ngunit tumakbo palapit si Gamma Yellow upang pigilan ito, kaagad nitong niyakap ang mandirigma. Pilit niyang pinipigilan ito sa kanyang pag-atake.

GAMMA YELLOW: Charlie….nagmamakaawa ako….tama na….bumalik ka na sa dati….

MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Kahit anong pakiusap pa ang gawin mo, hindi na magbabago pa ang kanyang isip. Kaaway na ang turing niya sa inyo!

GAMMA YELLOW: Hindi ako papaya na mapupunta siya sa inyo!

Ngunit…..

PAAAAAKKK!!!!

Isang malakas na hampas ang ibinigay ni Sigma Guardian kay Gamma Yellow at napatilapon ito. Sa lakas ng hampas ay bumalik siya sa pagiging Malin.

Maya-maya pa ay….

SIGMA GUARDIAN: Twenty Minutes Log Off!

Ilang saglit pa ay bumalik ito sa pagiging Charlie 9 at nawalan ng malay. Kaagad siyang dinampot ni Megiddus, na ikinagalit ni Malin.

MALIN: Huwag! Bitawan mo siya!

MEGIDDUS: Ano ka hilo? Pag-aari na naming siya ngayon! Ha ha ha ha!

At nagteleport si Megiddus at naglaho. Naiwan ang anim na Rangers na sugatan at nanghihina. Napaiyak naman si Malin sa mga pangyayari. Pinagmasdan niya ang mga sugatang mga kasamahan.

MALIN: (humihikbi) Bakit—hik—kailangan pa nilang agawin si Charlie k-ko?….hik---Hi-hindi ko sila mapapatawad! Hik-hik---Babawiin ko si Charlie sa kanila!
_____________________________________________________________

AXIS Mega Base…..

Tuwang-tuwa naman ang lahat ng naroroon matapos maiuwi sa kanilang himpilan si Charlie 9, na noon ay natutulog pa sa sobrang pagod.

CALYX: Tignan mo nga naman….napasaatin din ang alagang manika ng Gammarangers.

DYMARO: Hindi ako makapaniwala, na ang mandirigmang nagpahirap sa atin ay isa palang maliit na Robotic Doll!

MEGIDDUS: Hindi na mangyayari iyon, dahil ang Gammarangers na ang kaniyang pahihirapan.

OSMALIK: Salamat sa Chip na itinanim natin sa ating System at naipasa natin sa kanyang katawan ang Virus na taglay nito.

NECROMA: Sa nangyaring ito, hindi na natin kakailanganin pang lumikha ng isang Terrozoid, dahil ang taglay niyang lakas ay sapat na para patumbahin ang Gammarangers.

GANELON: Huwag muna kayong magdiwang diyan….hangga’t hindi tuluyang naliligpit ang Gammarangers, wala akong nakikitang dahilan para sumaya. Kaya ituloy niyo lang ang inyong plano!

Maya-maya ay lumabas si Corvus at tinignan si Charlie 9, saka hinampas-hampas ito.

CORVUS: Yahihihihi! May kalaro na ako!!! May kalaro na ako!!!

Nagising si Charlie 9 sa mga hampas ni Corvus.

CHARLIE 9: Sino ka! Huwag mo ako hampas! Panget ka! Panget!

Hinabol ni Charlie 9 si Corvus at nakipaglaro ito sa kanya.

MEGIDDUS: Mukhang magkakasundo ang dalawang iyan.

GANELON: Megiddus, ora mismo ay magsimula kayo ng isang kaguluhan kasama si Sigma. Maglulunsad tayo ng malawakang pag-atake sa buong bansang ito, alam kong hindi kakayaning harapin ng Gammarangers ang kanilang dating kasamahan, kaya sasamantalahin natin ang bagay na iyon para masiguro ang ating tagumpay!

MEGIDDUS: Masusunod, Master! Sigma, oras na para maghasik ng lagim!

Biglang natigilan si Charlie 9 sa pagtakbo, at nagliwanag ang mga mata….

CHARLIE 9: Sigma Engage!
____________________________________________________________

UDF Gamma Base…..17:01

Pagod na pagod naman ang anim na sundalo dahil sa mga natamong pinsala na gawa ni Charlie 9. Hindi pa rin sila makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

ALICE: (sabay abot ng Energy Drink) Inumin niyo ito para mawala ang pagod niyo.

JAKE: (sabay lagok ng inumin) Leche! Hindi ako makapaniwala na magagawa nilang agawin sa atin si Charlie! Napakatuso nila.

SCOTT: That’s ridiculous! Just plain bullshit! How can they?!
ABBY: Charlie….hindi….hindi magagawa ni Charlie na saktan tayo….wala lang siya sa matinong pag-iisip….

BRIAN: Pero papaano nila nagawang mabago ang sistema ni Charlie? Ano nanamang pamamaraan ang ginawa ng AXIS?

Ngunit biglang tumayo si Malin at lumabas ng Database ng walang sabi-sabi.

PAOLO: Malin! Saan ka pupunta---Malin!

GEN. ANGELES: Pabayaan niyo muna siya. Napamahal na sa kanya si Charlie, kaya masakit para sa kanya ang mga nangyari.

OWEN: Sir, masdan niyo ito.

Lumapit ang lahat kay Owen upang tignan ang kanyang natuklasan.

GEN. ANGELES: Anong natuklasan mo, Owen?

OWEN: Sir, minamanipulate si Charlie gamit ang isang Microchip na puno ng Memory Corrupting Virus.

ABBY: Pero paano nangyari iyon? Wala namang nagtanim sa kanya ng ganoon dito.

OWEN: Posible iyon. Alam naman natin na taglay ng AXIS ang Phase 1 ng Sigma, ibig sabihin noon, ang Software na taglay nila at ang kay Charlie ay magkaugnay pa rin. Gamit ang Satellite System, inupload nila ang Chip sa kanilang katawan, at ang nangyari, nagkaroon din nito si Charlie.

SCOTT: I see. That’s what made his Artificial Intelligence change as well.

OWEN: Kahit anong gawin ko, hirap akong masolusyonan ang problemang ito, dahil wala sa katawan ni Charlie ang Chip.

GEN. ANGELES: Kahit anong mangyari, babawiin natin si Charlie. Hindi ako papayag na siya ang magiging kasangkapan sa pagkasira ng mundong ito.
_____________________________________________________________

Habang naglalakad sa may Hallway, nakita ni Alice si Malin na nakasandal sa may Railing ng Balcony. Malungkot ito at balisa pa rin sa nangyari kay Charlie 9. Agad siyang nilapitan ni Alice.

ALICE: Mag-isa ka diyan.

MALIN: Ate Alice, bakit kailangan pang mangyari ito? Pati si Charlie nadadamay na sa kaguluhan naming ng AXIS…

ALICE: Isa si Charlie sa mga unang Robotic Figures na nilikha ng GAMMA. Ang totoo niyan, siya ang dapat na unang Warrior Prototype ng isang Gammaranger tulad ng sa inyo, kaya lang pumalpak dahil hindi nasunod ang Blueprint. Kesa sa itapon namin siya, nakiusap kami sa Creator na alagaan na lang namin siya.

MALIN: Mula ng mapili ako bilang Gammaranger, siya ang unang naka-close ko, kasi kailangan ni Mei-Mei (manika ni Malin) ng kalaro. Mula noon, naging parang pangalawang anak ko na si Charlie. Kami ni Ate Abby, kami ang madalas na kalaro niya. Napaka-cute kasi niya at masayang kasama.

ALICE: Ngunit sana tanggapin mo rin na nagbago na ang papel ni Charlie sa ating organisasyon. Hindi na siya isang cute at nakakatuwang Robot, ngunit isa na ring mandirigmang tulad niyo. Pero tiwala akong babalik siya, Malin. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.

MALIN: Salamat Ate Alice. Pinaganda mo pakiramdam ko, he he.

Ngunit biglang…..

“RED ALERT! RED ALERT! INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!”

ALICE: AXIS!
MALIN: Tara Ate!
____________________________________________________________________

Pagpasok nila sa Database, nagulantang sila sa nakita sa Screen. Si Sigma Guardian, nanggugulo sa lungsod ng Marikina.

MALIN: Charlie!

GEN. ANGELES: Rangers, bawiin niyo si Charlie at all cost!

ALL: Sir Yes Sir! (sabay saludo)

MALIN: Sir, hindi po ako sasama.

GEN. ANGELES: Cadet Ong, bakit?

MALIN: Sir, hindi kop o kayang saktan si Charlie….hindi ko po maimagine na labanan siya.

GEN. ANGELES: Alam ko kung gaano kaimportante sa iyo si Charlie, pero huwag mong hahayaan na mangibabaw ang iyong damdamin sa operasyong ito. Kahit anong mangyari, ililigtas natin siya. Kung kailangan natin siyang labanan, gagawin natin, kung iyon lang ang paraan.

MALIN: Pero Sir---

GEN. ANGELES: That’s an order! The team needs you. Dismissed.

Labag man sa kalooban ni Malin ay sumama ito sa ibang kadete. Umalis ang anim na Rangers upang harapin si Sigma Guardian.
____________________________________________________________________

Marikina City….19:34

Nagkakagulo ang lungsod ng gabing iyon nang dumating ang Gammarangers sakay ng kanilang Patrol Vehicles. At nakita nga nila si Sigma Guardian na naninira ng anumang makita sa kalsada.

GAMMA RED: Charlie!

Pagkakita sa kanila ni Sigma Guardian, kaagad silang pinagpupuputok ng Sigma Torpedoes nito na agad naman nilang naiwasan. Tumama ang mga ito sa mga sasakyan.

GAMMA GREEN: Charlie tama na! Marami ka ng nasisira!

Hindi sila pinakinggan ng kanilang kaibigan, bagkus lalo pa itong nagwala at nagpakawala ng Big Shooter sa kanila.

SIGMA GUARDIAN: Lock-on Targets!

BOOOOM!!!
BOOOOM!!!
BOOOOM!!!

Malalakas pa na pagsabog ang ibinigay pa ni Sigma Guardian. Lalong nasira ang kalagitnaan ng lungsod at lalong lumala ang Traffic sa nasabing lugar.

GAMMA PATRIOT: Hindi pwedeng tumayo na lang tayo dito at panoorin siya! Pipigilan natin siya at ibabalik sa dati!

“Hindi niyo na magagawa iyan!”

Sa isang iglap ay nagpakita sa kanila si Megiddus.

GAMMA RED: Megiddus!

MEGIDDUS: Kahit ano pang gawi ninyo, hindi niyo na mapipigilan pa si Sigma! Kapag tinapos niya kayo, isusunod niya ang buong bansang ito!

GAMMA BLUE: Hindi mangyayari yan, babawiin naming siya hangga’t kaya namin!

MEGIDDUS: Ha ha ha! Hanggang salita lang iyan! Sigma, ikaw na ang bahala sa kanila!!!

Isang kumpas lang niya ng kanyang braso ay nagliwanag ang bahagi na naglalaman ng Chip, kaya nagsimulang umatake ulit si Sigma Guardian.

Pasugod si Sigma Guardian sa mga Rangers nang pinigilan siya nina Gamma Blue at Gamma Vio hawak ang magkabilang braso nito.

GAMMA VIO: Guys, take the opportunity while we hold him!
GAMMA BLUE: Gawin niyo na ang nararapat!

GAMMA RED: Okay, guys! Gamma Bayonet time!

Inihanda naman ng Gammarangers ang kanilang mga sandata upang pabagsakin si Sigma Guardian, ngunit….

GAMMA YELLOW: HUWAAAAGGG!!!

Humarang si Gamma Yellow sa kanilang target upang pigilan ang kanilang atake.

GAMMA PATRIOT: Malin, huwag kang humarang diyan!

GAMMA YELLOW: Hindi! Itigil niyo na yan!

GAMMA RED: Hoy! Ano ba?! Gusto mo bang ikaw ang tirahin namin?!

GAMMA YELLOW: Hindi ko kayang saktan niyo si Charlie! Kung labanan niyo siya parang halimaw ang turing niyo sa kanya ah!

GAMMA BLUE: Malin ano ba?! Hirap na kaming awatin siya, pwede bang huwag mo nang sirain ang plano natin?!

GAMMA YELLOW: Ang hirap sa inyo, hindi niyo siya pinapahalagahan! Palibhasa, isa lamang siyang gusgusing robot para sa inyo!

GAMMA GREEN: Hindi totoo yan Malin! Ano bang nangyayari sa iyo?! Mahal naming si Charlie gaya ng pagmamahal namin sa iyo!

GAMMA YELLOW: Puwes ako na lang ang tapusin ninyo! Di baleng ako na lang ang mawala, huwag lang si Charlie!

Nagulantang naman ang lahat ng naroroon sa mga binitawang salita ni Gamma Yellow.

GAMMA VIO: Malin, are you nuts?! What the hell are you saying?!

GAMMA RED: Bakit namin gagawin iyon?! Naka-drugs ka ba? Ang drama mo!!!

Tila hindi na makaawat pa sina Gamma Blue at Gamma Vio kay Sigma Guardian.

GAMMA BLUE: Malin, hindi na namin kaya! Umalis ka na diyan!

Biglang humarap si Gamma Yellow kay Sigma Guardian.

GAMMA YELLOW: (naiiyak) Charlie….naaalala mo pa ba, nung palagi tayong naghahabulan sa Database, palagi mo inuubos ang pagkain ko…..palagi mo akong sinisilipan….palagi mong sinasabi, Charlie lakas, Charlie tapang….na ayaw mong umiyak kami….na ililigtas mo kami at poprotektahan natin ang isa’t-isa….na love mo kami lahat…..Love ka naming Charlie….

Unti-unti ay lumuluwag ang kapit nina Gamma Blue at Gamma Vio kay Sigma Guardian, tila unti-unti ay bumabalik-tanaw sa kanyang memorya ang lahat ng sayang dala niya sa Gammarangers….

SIGMA GUARDIAN: Malin…..Malin….

BOOOOOOOOOMMMM!!!!

ALL: AAAAAAHHHHH!!!!!

Napatilapon ang lahat nang magpakawala ng malalakas na Sigma-Operated Bombers si Megiddus.

MEGIDDUS: Sukang-suka ako sa eksenang napapanood ko! Pweh!!! Sigma, huwag ka nang sumali sa kadramahan nila! Puksain mo na sila!!!

Biglang bumalik ang pagiging masama mi Sigma Guardian at winasiwas sina Gamma Blue at Gamma Vio papunta sa kalsada.

GAMMA YELLOW: Charlie!!!

GAMMA RED: Napakasama mo Megiddus!!!

MEGIDDUS: Iligpit mo na ang mga kalat na yan!!!

Kinumpas ulit ni Megiddus ang kanyang braso upang kontrolin ulit si Sigma Guardian. Tila napansin ito ni Gamma Patriot.

GAMMA PATRIOT: Teka, parang alam ko na kung paano kinokontrol ni Megiddus si Sigma Guardian! Kailangang masira ang Control!

Habang abalang nakikipaglaban ang Gammarangers kay Sigma Guardian, mabilis namang lumapit si Gamma Patriot kay Megiddus.

MEGIDDUS: Aba, kumusta ka na, KO36? Na-miss mo ba ako?

GAMMA PATRIOT: Huwag mo nang ipaalala sa akin ang pangalang iyan! Pakawalan mo si Sigma!

MEGIDDUS: Yun ay kung kaya mo akong talunin!

Muli ay naglaban sina Gamma Patriot at Megiddus, ang dating magkasangga sa AXIS. Nagpalitan sila ng taga gamit ang kani-kanilang mga patalim, ngunit tila nadedehado si Gamma Patriot sa laban dahil sa taglay na Enhanced Armor ni Megiddus.

MEGIDDUS: Nasaan na ang dati mong lakas, Black Patriot?!
GAMMA PATRIOT: Huwag mo akong tatawaging ganyan!!!

Nakakita ng pagkakataon si Gamma Patriot na hawakan ang braso ni Megiddus, ngunit nahihirapan siyang puksain ito dahil sa lakas niya.

MEGIDDUS: Anong binabalak mo?! Bitawan mo ako!
GAMMA PATRIOT: Malin!!! Tulong naman dito!!!

Kaagad lumapit si Gamma Yellow kina Gamma Patriot at Megiddus.

GAMMA YELLOW: Kuya Pao!!!

GAMMA PATRIOT: Barilin mo ang braso niya! Ito ang kumokontrol kay Charlie!
MEGIDDUS: Alam mo na pala!
GAMMA PATRIOT: Malin, gawin mo na, para kay Charlie!!!

GAMMA YELLOW: Oo Kuya! G-Smasher!!!

BAAAAANGGG!!!

Nagpakawala ng G-Smasher Blast si Gamma Yellow, ngunit, tumama it okay Gamma Patriot dahil winasiwas siya ni Megiddus.

GAMMA PATRIOT: AAAAAAAHHHH!!!!

GAMMA YELLOW: Kuya Paolo!!!

Napahandusay si Gamma Patriot. Bigla namang sumugod si Megiddus kay Gamma Yellow at sinakal ito.

MEGIDDUS: Muntik na akong tamaan nun ah….hindi kita mapapatawad sa ginawa mong iyon!

GAMMA YELLOW: *ulk* bitawan mo ako! *ulk*

GAMMA VIO: Malin!!!

Sasaklolo sana si Gamma Vio nang banatan siya ni Sigma Guardian ng malakas na hampas. Hindi na rin makasaklolo ang ibang Rangers dahil pinatumba sila ni Sigma Guardian. Ilang sandali pa ay lumingon si Sigma Guardian sa kinaroroonan nina Megiddus at Gamma Yellow.

MEGIDDUS: Paano iyan, wala ng sasaklolo sa iyo! Mabuti pa hindi ko na patatagalin pa ang buhay mo. Sigma, pasabugin mo na siya!!!

Nakahanda namang pasabugin ni Sigma Guardian si Gamma Yellow….

MEGIDDUS: Magpaalam ka na, binibini!!!

GAMMA YELLOW: Charlie----

BOOOOOOOOOMMMM!!!!!!!

Tumilapon sina Gamma Yellow at Megiddus sa kalsada. Nagulat naman si Megiddus nang makitang putol ang kanyang kanang braso.

MEGIDDUS: HAAAHHH??!! Ang braso ko!!!

GAMMA YELLOW: Charlie!

SIGMA GUARDIAN: Lock-on Target!

Biglang lumapit si Sigma Guardian sa kinaroroonan ni Megiddus at tangkang pasasabugin ito. Nagawang makaiwas ni Megiddus sa atake.

MEGIDDUS: Hindi!!! Sigma, bakit mo ako sinaktan?!

GAMMA PATRIOT: Ha ha ha! Ang laki mong tanga! Hindi mo ba naramdaman na nataga ko na yang braso mo kanina? Humingi lang ako ng tulong kay Malin upang masigurong ang braso mo nga ang kumokontrol kay Sigma!

GAMMA RED: Kaya pala kaninang nilalabanan namin siya ay unti-unti siyang nanghihina at hindi na makalaban. Unti-unti na palang bumabalik siya sa dati.

GAMMA YELLOW: Ngayon alam ko na, hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!!! Charlie, tag team tayo!!!

SIGMA GUARDIAN: Order Copy!

Nagtulong sina Sigma Guardian at Gamma Yellow na labanan si Megiddus na noon ay iisa na lang ang braso.

MEGIDDUS: Hindi patas ito!!!

Nagsanib pwersa ang sandata nina Sigma Guardian at Gamma Yellow

SIGMA GUARDIAN: Sigma Giant Storm Engage!
GAMMA YELLOW: Gamma Bayonet Rifle Mode Full Power!!!

FIRE!!!

BOOOOOOOMMMMM!!!!!

Sumabog ang katawan ni Megiddus at napatilapon. Kahit nanghihina ay nagawa pang tumayo nito.

MEGIDDUS: Hindi pa tayo tapos…HINDI PA TAYO TAPOS!!!

At naglaho itong parang bula.

SIGMA GUARDIAN: Twenty Minutes Log-Off!

Ilang sandali pa ay bumalik si Sigma Guardian sa pagiging Charlie 9. Natumba ito sa sobrang panghihina. Nagbalik na rin sa dating anyo ang Gammarangers.

MALIN: CHARLIIIEEE!!!

Lakign tuwa naman ng lahat nang bumalik na sa dati si Charlie 9.

MALIN: Baby ko….akala ko hindi ka na babalik sa amin…hu hu hu (napaiyak)

CHARLIE 9: Malin, tahan na….Malin tahan na….Charlie bait na! Charlie bait na!

JAKE: Sa wakas, bumalik na din ang bastardong robot!
PAOLO: Mabuti na lang at natuklasan ko ang sikreto.
SCOTT: That was a great teamwork between you two.
ABBY: Pero Pao, paano mo nagawang mataga ang kanyang braso.

PAOLO: Ang totoo nyan, medyo mintis ako sa Part na talagang dapat kong tagain. Tingin ko, mas nangibabaw pa rin ang pagmamahal ni Charlie sa ating lahat, lalo na kay Malin.

BRIAN: Ang importante, nagawa natin ang ating misyon. Bumalik na tayo sa Base.
___________________________________________________________________

UDF Gamma Base….22:00

Habang ang lahat ay nagpapahinga na…..magkatabi namang nakahiga sina Malin at Charlie 9.

MALIN: Charlie….naaalala mo pa ba ang mga nangyari kanina?

CHARLIE 9: No….no…no…no….wala maalala….wala maalala….

MALIN: Buti naman, hindi mo naalala kung paano mo kami saktan at muntik patayin---

CHARLIE 9: Waaaaaa…..Charlie ayaw dinig! Charlie ayaw dinig!!! Charlie guilty…..hu hu hu….

MALIN: Okay lang iyon, hindi mo naman sinadya eh.

TOK TOK TOK!

MALIN: Tuloy po!

Pagbukas ng pinto ay naroroon si Alice.

MALIN: Ate Alice!

ALICE: Kumusta na kayo? Siya nga pala Malin, pagbalik na pagbalik niyo ditto, nilagyan ni Owen ng Program Firewall ang System ni Charlie para hindi na mapasukan pa ng masasamang Virus.

MALIN: Hayst, salamat naman. At least ligtas na siya.

ALICE: Pero hindi ko akalain na kaya mong isakripisyo ang buhay mo para kay Charlie, kahit na mga kasamahan mo pa ang tumapos sa iyo.

MALIN: Ganyan kasi akong magmahal, Ate.

ALICE: Talaga? Eh papaano kung nagka-boyfriend ka na? Ganyan pa rin ba ang gagawin mo?

MALIN: Ummm….depende eh, hi hi hi!

At masayang nagkwentuhan sina Malin at Alice ng gabing iyon, habang si Charlie 9 ay nakatulog na ng mahimbing….


WAKAS....