Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
AXIS Mega
Base…..
Sa kanyang
Private Compartment, ay kasalukuyang pinapanood ni Megiddus ang mga nakaraang
laban ng Gammarangers at ng mga Terrozoids. Pilit pa rin niyang pinag-aaralan
kung paano nila matatalo ang mga ito.
MEGIDDUS (sa sarili): Hindi ko maintindihan…bakit sa dinami-dami na ng laban namin ng
grupong ito, hindi namin sila matalo? Lahat, ginawa na namin….
Habang
pinapanood ang video ay kasalukuyan din siyang nagre-research ng mga hayop na
posibleng maging susunod na Terrozoid…..hanggang sa makarating siya sa isang
site kung saan nakakita siya ng isang langgam na biglang namatay. Ilang saglit
pa ay may isang maliit na insektong pumasok sa loob ng ulo ng langgam. Nagulat
si Megiddus nang makitang muling nabuhay ang langgam at tila iba na ang
kinikilos.
MEGIDDUS: Aba, muling nabuhay ang langgam nang pumasok ang maliit na
nilalang na iyon!
Walang
anu-ano……biglang may naisip si Megiddus.
MEGIDDUS: Pwede kayang---
Mission 25: Biglaang Pagtalikod
Unti-unti
nang nakikilala ang pangalan ng Gammarangers sa buong Pilipinas. Dahil sa
sunud-sunod na pagkapanalo nila laban sa AXIS, ay naisip ng Pamahalaan na
bigyan sila ng isang Special Day. Sa pahayagan, sa radyo, sa TV at maging sa
Social Media ay sila ang laman…..patunay na sila na ang bagong pag-asa ng
sangakatauhan laban sa mga mananakop na AXIS.
Dahil dito
ay ipinulong ni Gen. Angeles and buong sandatahan ng GAMMA upang ihayag ang
nasabing balita….
“ATTENTION
ALL GAMMA CADETTES AND PERSONNEL…PLEASE PROCEED TO THE CENTRAL PLAZA!”
Kaagad na
nagtipon ang lahat ng sundalo sa labas ng Base. Ilang sandali pa ay dumating na
si Gen. Angeles.
“Atteeennn….tion!”
“Sabay saludooooo……tah!”
Kaagad
sumaludo ang lahat ng sundalo sa Heneral.
“Tikaaaaassss….pahinga!”
GEN. ANGELES: Magandang umaga sa inyong lahat. Kaya ko kayo tinipon ay dahil
nais ko ibahagi sa inyo ang isang magandang balita. Kahapon ay tinawagan ako ng
ating Mahal na Pangulo upang tayo ay pasalamatan sa ating walang tigil na
kampanya laban sa AXIS. Natutuwa siya na dahil sa ating pagkakaisa at pagtutulungan
ay nagawa nating iligtas ang kaisa-isang bansang hindi pa nila nasasakop. Nananatili
pa ring ligtas ang bansang ito.
Pagpapatuloy
pa niya….
GEN. ANGELES: Dahil sa sunud-sunod na tagumpay ng GAMMA, ay napagkaisahan namin
na magkakaroon ng Public Viewing dito sa Gamma Base. Magiging bukas ang buong
Base simula bukas hanggang gabi. Ito ay bilang pasasalamat na rin natin sa mga
mamamayan na walang sawang sumusuporta sa atin. Kaya sabay-sabay nating
isigaw…..MABUHAY ANG GAMMA!
ALL: MABUHAY!!!
At nagpalakpakan
ang lahat ng sundalo.
_______________________________________
Matapos ang
General Assembly ay ang anim na Gammarangers naman ang ipinulong ng Heneral.
Kaagad
sumaludo ang anim sa Heneral.
GEN. ANGELES: Alam niyo na kayo ang pinakadahilan ng atin tagumpay. Kaya nais
kong kayo ang manguna sa Public Viewing bukas. Bukas ay darating ang Mahal na
Pangulo upang kayo ay parangalan. Kaya kailangang ihanda niyo ang inyong mga
sarili. Nais ko rin na ibalik niyo sa akin ang inyong mga Morphing Badges upang
isama sa exhibit.
MALIN: Wow, sikat na tayo! Bonggacious!
JAKE: Aba, syempre magaling ang pinuno niyo! Hindi tayo magtatagumpay
kung wala ang magaling na Red Ranger! Kung wala ako, baka nasa kangkungan kayo
ngayon, ha ha ha ha!
BRIAN: Tumigil ka nga diyan, dami mo rin namang kapalpakan eh.
JAKE: Anong sabi mo?
BRIAN: Bakit, totoo naman ah!
PAOLO: Ops ops, tama na nga yan! Eh Dad, paano kung bukas e biglang
umatake ang AXIS?
ABBY: Oo nga po, alam naman natin na magaling silang manamantala ng
sitwasyon. Mga oportunista!
GEN. ANGELES: Huwag kayong mag-alala. Our Defense Forces are standing by for
possible Enemy Attacks. At kapag kailangan, kunin niyo ang mga Morphing Badges
sa Exhibit Area.
SCOTT: The U.S. Troops are also standing by for assistance, Sir.
GEN. ANGELES: Very well, then. Okay team, move now!
ALL: Sir Yes Sir!
_______________________________________
AXIS Mega
Base….
Sa isang
malaking Screen ay kitang-kita ng mga AXIS Generals ang sunud-sunod na tagumpay
ng Gammarangers laban sa kanila.
BALAAM: Nakakasawa na…..palagi na lang tayong natatalo.
DYMARO: Peste! Kung gaano natin kadaling nasakop ang ibang bansa, ay siya
namang kahirap sakupin ang Pilipinas!
NECROMA: Ginawa na natin ang lahat, ngunit wala pa rin! Maging ako ay
nauubusan na ng pasensiya.
CALYX: Hmmm….nasaan kaya si Master Megiddus?
CORVUS: Hi hi hi…ang galing-galing talaga ng Gammarangers---ARRRKK!!!
(sinakal ni Calyx)
Ilang saglit
pa ay dumating na si Ganelon. Kaagad lumuhod ang lima.
GANELON: Nasaan si Megiddus?
“Nandito na
po, Panginoon!”
Kaagad
napalingon ang lahat sa dumating na si Megiddus. Bakas sa mukha nito ang
pagkakampante.
GANELON: Saan ka nanggaling, Megiddus?
MEGIDDUS: Diyan lang po, Kamahalan…gumagawa ng paraan upang mapabagsak ang
Gammarangers.
DYMARO: Nagsasayang ka lang ng oras! Ni wala akong natandaang nagtagumpay
ka laban sa kanila!
MEGIDDUS: Tumahimik ka, Bakulaw! Di ako tulad mo! Kalaki mong tao, siya
namang kaliit ng kukote mo---
GANELON: TAHIMIK!!! Megiddus, maaari mo bang ibahagi sa amin ang
pinagkakaabalahan mo?
MEGIDDUS: Alam ko po kung gaano na kayo kadesperadong matalo ang
Gammarangers. Naisip ko, kung hindi natin sila makuha sa dahas…..dadaanin natin
sa utakan!
NECROMA: Utakan?
MEGIDDUS: Tama. Maaaring dehado tayo sa kanila kung ang pag-uusapan ay
armas, puwes, bakit hindi natin subukang gamitin ang kung anong meron sila?
BALAAM: Ano ang ibig mong sabihin?
MEGIDDUS: Alam niyo ba ang tungkol sa Zombie Ants?
Na-curious
ang lahat sa sinabi ni Megiddus.
MEGIDDUS: Kung
maaalala niyo, may isang maliit na Organism na kung tawagin ay Ophiocordyceps
unilateralis, isang Parasite na kayang pumatay ng isang langgam sa pamamagitan
ng pagpasok sa ulo nito. Pagkatapos ay sisimulang kontrolin ang utak ng biktima
at bubuhayin ito upang ipagawa sa langgam ang nais nitong gawin. Sa pisikal na
aspeto ay patay ang katawan ng langgam, ngunit nakakagalaw siya sa pamamagitan
ng nasabing Parasite.
NECROMA: Ibig mong sabihin, ay gagawin mo sa
Gammarangers ang ginawa ng organismo sa langgam?
MEGIDDUS: Mismo! At ang aking bagong likhang
Terrozoid ang siyang gagawa noon! Ipinapakilala ko si Stromazoid!
At mula sa isang Glass
Capsule ay lumabas ang isang napakaningilabot na halimaw.
MEGIDDUS: Sa pamamagitan ng ilalagay niyang Stroma pigment sa Morphing
Badges ng Gammarangers ay makakalikha ito ng isang Microchip na kapag nagbagong
anyo ang anim ay siya ring hahalo sa kapangyarihan nila. Ito ang siyang
magpapabago sa takbo ng isip ng Gammarangers at---
CALYX: Ibig po bang sabihin ay nasa ilalim na ng ating kapangyarihan ang
Gammarangers?
MEGIDDUS: Tumpak! Mabe-brainwash natin sila at maaari natin magamit ang kanilang
lakas upang mapabagsak na ng tuluyan ang UDF GAMMA at sakupin ang Pilipinas!
GANELON: Napakagandang ideya! Mahusay!.......Ngunit isang tanong, paano mo
mailalagay ang Stroma sa kanilang Morphing Badges?
MEGIDDUS: Magandang tanong Kamahalan. Panoorin niyo po ito.
Mula sa
Screen ay ipinakita ang isinasagawang paghahanda ng GAMMA para sa Public
Viewing.
DYMARO: At ano nanaman ang ginagawa nila?
MEGIDDUS: Bukas ay magsasagawa sila ng isang Public Viewing ng Base sa
lahat ng tao. Maaari nating samantalahin ang dami ng tao upang mailagay ang
Stroma sa kanilang Badges nang hindi nila namamalayan.
GANELON: Kung ganon, bukas na bukas ay gawin mo ang dapat gawin! Umaasa
akong sa pagkakataong ito ay mapapasakamay na natin ang Gammarangers at
sasakupin na ng tuluyan ang mundo! Bwa ha ha ha ha!!!
______________________________________
UDF Gamma
Base, 9:07
Dumating ang
araw ng Publi Viewing ng UDF Gamma Base. Madaming tao ang dumalo, mapa mga
kilalang personalidad man o sibilyan. Nagmistulang isang malaking museo ang
Base.
Naroroon si
Alice at inaasikaso ang mga panauhin. Naroroon din si Gen. Angeles na kausap
ang mga matataas na opisyal ng UN at ng Pamahalaan. Habang abala naman ang anim
na kasapi ng Elite Squad upang asikasuhin ang kaayusan ng Public Viewing.
Nagkaroon
muna ng maikling programa na pinangunahan nina Gen. Angeles at ni Alice.
Pinagsalita rin sa programa ang Pangulo at ang UN Sec. General. Ilang sandali
pa ay pinapasok na ang mga tao sa Base.
Sa West
Atrium….
Inihahanda
ni Owen ang mga Morphing Badges na ididisplay sa silid, at dahil marami pa
siyang gagawin, nakakita siya ng isang sundalo upang siya na ang magdisplay sa
mga Badges na nakalagay sa isang Glass Box.
OWEN: Uy Bossing, patulong naman. Pakilagay naman itong mga Badge sa
Shelf ng West Atrium.
SUNDALO: Sige po.
Pagkasabi
nito ay dinala na ng sundalo ang mga Badges sa silid.
_____________________________________
JAKE: Grabe, andaming tao! Ganito na pala tayo kasikat eh no?
Nasabi ni
Jake habang kasama si Abby na papunta sa West Atrium at magbabantay ng Exhibit
sa nasabing silid.
ABBY: Oo, kaso yun ang concern ko eh.
JAKE: Bakit naman? Ayos nga eh, hindi na ako magtataka kung kunin nila
ang Gammarangers bilang mga artista! Ha ha ha ha!
Pagkapasok
nila sa Main Lobby, nagulat sila na may tao palang nasa loob ng silid….ang
sundalo na naglalagay ng mga Morphing Badges sa Shelf.
JAKE: Hoy! Sino ka?
Maging ang
sundalo ay gulat din nang pumasok ang dalawa. Taranta siya na humarap kina Jake
at Paolo.
SUNDALO: Whoa?! Ah..eh…ilalagay ko lang po ang mga Morphing Badges
dito….utos po si Boss Owen…..si-sige mauna na po ako…..
Nagmamadaling
umalis sa West Atrium ang sundalo na tila nanghihinayang.
JAKE: Langhiya, akala ko magnanakaw na.
ABBY: Mukhang anytime ay darating na ang mga tao dito upang makita ang
portion na ito ng Base.
______________________________________
At ilang
minuto pa ay dumagsa na nga ang mga tao sa halos kabuuan ng Gamma Base. Ang
lahat ng bahagi ng Base ay puno ng mga nais makita ang himpila, maliban sa
Database kung saan naroroon ang Command Center ng GAMMA at kinaroroonan din
nina Gen. Angeles, Alice at Owen. Patuloy pa rin ang pagmomonitor nila sa
paligid habang isinasagawa ang Public Viewing.
______________________________________
Nang mga
oras na iyon ay abala si Malin sa pagseserve ng pagkain para sa mga bigating
panauhin. Kasama ang ilang Food Service Crew dala nila ang ilang Buffet Meals
na ise-serve sa Central Lobby.
Nang
biglang…..
BAAAAAAGGGGG!!!!
MALIN: Ahhhh!!!!
Nabangga si
Malin ng isang sundalo. Kapwa napakasat sa sahig ang dalawa. Maging ang dalang
pagkain ng dalaga ay nagkalat sa sahig. Kitang-kita ng maraming tao ang
insidente.
MALIN: You son of a bitch! Look what you’ve done! Bakit di mo
tinitingnan dinadaanan mo ha?! Andaming pagkain ang nasayang dahil sa iyo!
SUNDALO: Anong—aba ako pa sinisisi mo?! Ikaw nga dapat tumabi eh! Kadaming
tao pilit kayo sumisiksik!
MALIN: Aba, how dare you! Ginutom mo ang mga bisita dito!
BOG!!!
Isang suntok
ang ginanti ni Malin. Nagkagulo sa Lobby nang dahil sa pangyayari. Maraming
naratanta, habang marami ring nakiusyoso.
_____________________________________
ABBY: Huh, anong ingay iyon? Daming hiyawan ah.
Sabi ni Abby
nang makarinig ng ingay na naggagaling sa Lobby.
JAKE: Ano ba meron? Tara tignan natin!
Nagmadaling
pumunta ang dalawa sa Lobby upang makiusyoso din sa gulo.
_____________________________________
Gulat sina
Jake at Abby nang makita ang nagkalat na sira-sirang mesa at upuan sa Lobby.
Mas nagulat sila ng makitang inaawat ng mga Security Personnel sina Malin at
ang nakabanggaang sundalo.
JAKE: Anak ng jueteng, may riot pala dito eh! Aba at sangkot pa si
Malin!
ABBY: Teka, di ba yan yung sundalo na naglagay ng Badge kanina sa
Atrium?
Ilang saglit
pa ay dumating na sina Brian, Paolo at Scott upang pigilan sina Malin.
PAOLO: Malin, tama na nga yan. Nakakahiya sa mga bisita!
MALIN: Kuya binangga ako eh!
Kaagad
nilapitan nina Brian at Scott ang sundalo.
SCOTT: Dude, what’s wrong with you?
BRIAN: Huwag nga kayong mag-iskandalo dito!
Ilang saglit
pa ay dumating sina Gen. Angeles.
GEN. ANGELES: Anong kaguluhan ito? Ong, bakit ka kasali dito?
MALIN: Binangga po ako eh!
GEN. ANGELES: Kahit na, nakakahiya sa mga bisita!
Kaagad
pumunta sa Stage si Alice upang pakalmahin ang sitwasyon. Kaagad siyang lumapit
sa Rostrum.
ALICE: We are requesting everyone to please calm down…this situation will
be taken care of by our Security Personnel. Everything will be settled
accordingly, thank you.
Ngunit
lalong lumala ang sitwasyon nang magwala nanaman ang sundalo. Nakawala siya sa
pagkakahawak kina Scott at sa mga Security Personnel. Natakot ang mga tao.
Ngayon ay
nasa gitna na ng Lobby ang sundalo. Bigla itong umakyat ng Stage at nagtangkang
kunin si Alice.
JAKE: Huwag mong gagawin yan!!! Yaaaaahh!!!
Lumundag
siya sabay sipa sa sundalo.
JAKE: Alice, lumayo ka na dito.
ALICE: Salamat Fonseca!
Ngunit
nasipa palayo si Jake ng sundalo. Nagulat ang lahat sa lakas nito. Ngunit mas
nagulat sila nang tumayo ito at nagliwanag ang katawan. Ilang sandali pa ay
nasaksihan ng lahat ang pagbabagong-anyo ng sundalo……ito pala ay isang
TERROZOID! Si Stromazoid!
BRIAN: AXIS!
MALIN: Hah?!
SCOTT: What the hell---
ABBY: Oh hindi...
PAOLO: Isang halimaw?
JAKE: Napasok tayo!
Nagsitakbuhan
ang lahat ng tao palabas ng Gamma Base dahil sa takot. Nagkaroon pa ng Stampede
dahil sa sobrang pagmamadali.
GEN. ANGELES: Open Fire!!!
Kaagad
nagpaputok ang mga sundalo ng Laser Rifles upang mapigilan ang halimaw, ngunit
sadyang malakas ito. Naminsala ito sa loob ng Base.
GEN. ANGELES: Alice, Owen, return to Database at once!
ALICE/OWEN: Sir yes Sir!
GEN. ANGELES: Rangers, you know what to do!
RANGERS: Opo!
Kaagad
umakyat ng Database ang heneral at tumawag ng backup. Nagmadaling kumaripas naman
ang anim at kinuha ang mga Morphing Badges sa West Atrium. Pinindot ang mga
ito, at….
“GAMMAMODE,
ACTIVATE!”
“PATRIOT,
GAMMA ON!”
Ilang
sandali pa ay naging Gammarangers na ang anim. Hinarap nila ang halimaw.
Ngunit ang
mga sumunod na pangyayari ay hindi nila inaasahan.
Tila
nanghihina ang apat na lalaking Rangers pagkatapos magmorph.
GAMMA RED: Aaahh…ano ito?!
GAMMA BLUE: Sumasakit ang ulo ko!
GAMMA VIO: I can’t….move!
GAMMA PATRIOT: Aaaaaahhh!!!
GAMMA GREEN: Guys anong nangyayari sa inyo?
GAMMA YELLOW: Uy mga Kuya! What’s wrong?
Hanggang sa
napadapa na lang sa sahig ang apat at nawalan ng malay.
GAMMA GREEN: Boys!
GAMMA YELLOW: Oh no!
Sinamantala
ito ni Stromazoid upang atakihin ang dalawang babaeng Rangers. Napilitan ang
dalawa na harapin ito. Hirap man ay pinipilit nilang tapatan ang lakas nito.
GAMMA GREEN: Ang lakas niya!
GAMMA YELLOW: Di ko carry ito!
Sumugod ang
dalawa gamit ang Gamma Daggers, ngunit isa-isa silang hinampas ng malakas, kaya
napadapa na lang sila.
Ngunit
pagkalingon nila, tila nabuhayan sila ng pag-asa….dahil bumangon na ulit ang
apat na lalaking Gammarangers.
GAMMA GREEN: Uy guys, okay lang ba kayo?
GAMMA YELLOW: Yehey! Buti na lang!
Ngunit
nagtaka ang dalawa nang hindi man lang sumagot ang apat. Lumapit si Gamma
Yellow kay Gamma Red.
GAMMA YELLOW: Hello, earth calling G-Boys!
Biglang
sinakal ni Gamma Red si Gamma Yellow!
GAMMA GREEN: Malin!
GAMMA YELLOW: *Ulk….*
Biglang
itinaas sa ere ni Gamma Red si Gamma Yellow at ibinato sa labas ng Glass
Window.
GAMMA GREEN: MALIIIN!!!! (bumaling sa apat) Ano bang problema niyo? Bakit nyo
ginawa iyon?!
Sa halip na
sumagot, ay tinutukan pa si Gamma Green ng apat na Gammarangers ng G-Firearms.
GAMMA GREEN: Alam nyo, hindi magandang biro ito!
Isa-isang
inatake si Gamma Green ng apat na Gammarangers. Sipa, tadyak, suntok at hampas
ang tinaggap ni Gamma Green sa kanila. Habang si Gamma Yellow naman ay
nilalabanan ni Stromazoid sa labas.
_____________________________________
ALICE: Sir, may kakaibang nangyayari sa ibaba! Masdan niyo!
Kaagad
pinanood ni Gen. Angeles ang labanan sa Lobby. Laking gulat niya nang makitang
naglalaban ang mga Gammarangers sa isa’t-isa.
GEN. ANGELES: Ano ito?!
ALICE: Hindi ko rin maintindihan Sir. Bakit nagkaganyan angmga lalaki?
GEN. ANGELES: Alice, tumawag ka ng Support Troops, kailangang maawat ang apat!
ALICE: Yes Sir!
_____________________________________
Napatilapon
sa labas si Gamma Green matapos pagtulungan ng apat na Rangers. Ngayon ay
nakahandusay ang dalawang babae, habang unti-unting lumalapit ang apat na
Rangers kasama si Stromazoid sa kanila.
GAMMA YELLOW: Ate….bakit tayo nilalabanan nina Kuya Jake?
GAMMA GREEN: Hindi ko rin alam….litung-lito ako.
“GUSTO
NIYONG MALAMAN?”
BOOOOOMMMM!!!!
Matapos
magsalita ang isang bagong dating ay naglabas siya ng malakas na pasabog sa
dalawang babae.
GAMMA GREEN: Anong---MEGIDDUS!!!
Si Megiddus
pala ang dumating. Nasa tuktok siya ng Base at bumaba katabi ang mga kaalyado.
MEGIDDUS: Kanina kasama niyo lang sila, ngayon ay kalaban niyo na. Malas at
hindi kayo nabiyayaan ng kakaibang karisma ni Stromazoid!
GAMMA GREEN: Anong ginawa niyo sa kanila?!
GAMMA YELLOW: Anong karisma?
MEGIDDUS: Habang abala kayong lahat sa aktibidades ninyo, ay nagawang
makapasok ni Stromazoid sa inyong Base at lagyan ng Stroma Chips ang kanilang
Badges. Ang Stroma Chip ang siyang bubura sa alaala ng inyong mga kasama at
siyang magiging mga alagaad namin upang mapabagsak na ng tuluyan ang GAMMA at
mapasakamay naa namin ng tuluyan ang mundo!
GAMMA GREEN: Ibig sabihin, nung nakita namin siya ni Fonseca na naglalagay ng
Morphing Badges sa West Atrium, ay nilalagyan na niya ng Stroma Chips ang mga
ito?
MEGIDDUS: Tama! Malas lang at nahuli niyo siya, kaya hindi nalagyan ang sa
inyong dalawa. Pero hindi rin magtatagal at maging kayo ay mapapasaamain din!
Ilang
sandali pa ay dumating ang mga Support Troops na ipinatawag ni Gen. Angeles.
MEGIDDUS: Aba nagtawag pa kayo ng mga extra…Evil Gammarangers, wasakin
sila!
Kaagad
sumunod ang apat na lalaking Gammarangers at nilabanan ang mga sundalong dati
nilang kasangga.
GAMMA YELLOW: Guys huwag! Allies natin sila---aaahhhh!!!
Hinampas
siya ni Stromazoid ng ubod lakas. Kaagad
tumulong naman si Gamma Green at sumugod din kay Stromazoid.
_______________________________________
ALICE: Sir, masdan niyo, nagtulungan ang AXIS at ang apat na lalaking
Rangers na inuubos ang pwersa natin!
GEN. ANGELES: Ano ba ang nangyayaring ito? Ano ang nangyayari kina Paolo?
Sinubukang
kontakin ng heneral ang apat sa pamamagitan ng Communicator sa Helmet, pero
hindi tumatalab.
GEN. ANGELES: Hindi ko sila ma-contact. Parang may kung anong kumokontrol sa
utak nila.
ALICE: Sir ano na po ang gagawin natin?
GEN. ANGELES: Wala ng choice. Activate Cosmic Launchers!
ALICE: Pero Sir, pag ginamit natin iyon, pati ang mga puwersa natin ay
madadamay—
GEN. ANGELES: Gawin mo na lang!
ALICE: (nag-aalangan) Ah….Roger Sir.
_______________________________________
Hindi
nagtagal ay napahandusay na lang sa lapag ang GAMMA Forces matapos silang
talunin ng apat na lalaking Gammarangers.
Habang wala
ring magawa sina Gamma Green at Gamma Yellow matapos silang patumbahin ni
Stromazoid. Ngayon ay napapaligiran na sila ng apat na Evil Rangers, Stromazoid
at Megiddus.
MEGIDDUS: Ha ha ha, paano yan, hanggang diyan na lang kayo. Mabuti pa ay
sumuko na lang kayo at magpalagay na rin ng Stroma Chips gaya ng apat niyong
kasama, kung ayaw niyong mamatay!
GAMMA YELLOW: Hell no! Over my dead body!
GAMMA GREEN: Kahit patayin niyo pa kami, hindi kami sasali sa inyo!
MEGIDDUS: Ah ganon ha? Mga bata, todasin na ang mga yan!
Ngunit bago
pa sila makakilos….
BAAAAAAAAMMMMMM!!!!!
Isang
malakas na Energy Blast na nanggaling sa GAMMA Base ang tumama sa mga nasa
Field. Ito ang Cosmic Launcher na pinaandar ni Gen. Angeles.
Napatalsik
ang lahat, kaya sila ay nasaktan sa pagsabog.
MEGIDDUS: Mandaraya! Nagpakawala kayo ng Energy Blast! Puwes hindi pa tayo
tapos, babalik kami upang wasakin ang GAMMA! At gagamitin namin ang apat nyong
kagrupo para manira! Tayo na mga kasama!
At tuluyang
naglaho sina Megiddus, Stromazoid at ang apat na Rangers.
GAMMA GREEN: Sandali! Fonseca! Mistah! Scott, Pao!
GAMMA YELLOW: This can’t be….sumama na sila sa AXIS….
Ilang
sandali pa ay tinawagan sila ni Gen. Angeles.
GEN. ANGELES: (sa kabilang linya) Ladies, return to Base at once. We need to
regroup!
Nagtinginan
sina Gamma Green at Gamma Yellow.
GAMMA GREEN: Roger Sir.
_______________________________________
Database…..11:21
Kasalukuyang
ginagamot sina Abby, Malin at ang Support Troops dahil sa pinsalang natanggap,
habang pinag-aaralan pa rin nina Gen. Angeles ang nangyari sa apat nilang
Rangers.
GEN. ANGELES: Alice, give me the Damage Report.
ALICE: Sir, karamihan po ng Glass Panels ng Base ay nasira. Several
damages were also done around the periphery of the Lobby.
GEN. ANGELES: Any casualties?
ALICE: So far wala po, pero major injuries po ang natanggap ng ating
puwersa.
GEN. ANGELES: Kailangang maimbestigahan kung paano nakapasok dito ang intruder
at kung papano nagbago ang pag-iisip ng apat na Rangers. Nag-aalala na ako,
lalo na kay Paolo.
“Alam na po
namin kung papano.”
Napalingon
naman ang lahat sa pumasok, sina Abby at si Malin na may benda sa katawan.
GEN. ANGELES: De Leon…Ong….kumusta na kayo?
ABBY: Nagawang makapasok ng AXIS habang abala tayo sa Public Viewing.
Nagpanggap siyang isang sundalo upang magawa niya ang plano niya, ang lagyan ng
Stroma Chips ang mga Morphing Badges.
OWEN: Teka, siya ba yung sundalo na inutusan kong magdala ng Badges sa
West Atrium?
ABBY: Oo, kaso hindi niya nagawang lagyan lahat dahil nakita namin siya
ni Fonseca. Kaya hindi nabigyan ang sa amin ni Malin.
MALIN: Tapos akala mo kung sinong haharang-harang sa dinadaanan namin at
babanggain ako!
GEN. ANGELES: Magaling ang pagkakaplano ng intrusion. Hindi man lang na-trace
ng security.
MALIN: Sir, ang problema po ngayon, e papano po natin maibabalik sa dati
sina Kuya Jake? Pansin ko po nung nagmorph kami, that is also the time na
nagbago sila.
ALICE: Based sa residue ng Stroma Chips na nakuha sa Shelves, may
kakayahan itong i-brainwash ang pag-iisip ng tao at paglingkuran ang nagbigay
sa kanya ng kapangyarihan.
GEN. ANGELES: Kailangang maalis natin sa kanila ang Stroma Chips sa kanilang
katawan.
Ngunit
naputol ang pag-uusap nila nang mapanood nila sa Control Panel Screen.
ALICE: Panoorin niyo ito! Naghahasik na ng lagim ang Stromazoid sa Caloocan!
Pati ang apat na Gammarangers!
GEN. ANGELES: Hindi maaari ito! Dinudungisan nila ang imahe ng GAMMA dahil sa
ginagawa nila!
MALIN: Oh no….iisipin nila na Bad Guys na ang Gammarangers at pumanig na
sa AXIS!
ABBY: Pipigilan namin sila! (dali-daling tumakbo palabas ng Database)
MALIN: Uy sama ako!
GEN. ANGELES: Sandali lang, De Leon! Ong!
Ngunit hindi
na nagawa pang pigilan ng heneral ang dalawa.
ALICE: Hayst, hindi ko po akalaing kakalabanin natin ang ating sariling
kamiyembro.
GEN. ANGELES: Kailangang humanap tayo ng paraan para mawala ang Implanted
Stroma Chip sa kanilang katawan. Sa ngayon ang tanging magagawa lang natin ay
labanan sila kahit labag sa kalooban natin. We’ve got no other choice.
______________________________________
Caloocan City……13:33
Sa gitna ng
kalye ay kasalukuyang nagwawasak ng mga ari-arian si Stromazoid kasama ang apat
na Gammarangers. Naroong wasakin nila ang mga daan, sasakyan at mga gusali. Anagsitakbuhan
na din ang mga taong naroroon. Ang iba ay hindi makapaniwala na gagawin ng Gammarangers
ang ganito kabrutal na gawain.
TAO 1: Takboooo!!! Papatayin tayo ng Gammarangers!
TAO 2: Akala ko ba sila ang tagapatanggol natin? Bakit nila ginagawa sa atin
ito?
TAO: Masasamang tao pala sila! Iniidolo ko pa man din sila!
Maging sa
mga balita ay kalat na ang ginagawa niang pagwasak.
“Isang malawakang pagwasak ang nagaganap ngayon sa may Lungsod ng
Caloocan, na pinangungunahan ng isang AXIS Monster….di po kayo maniniwala…..mga
miyembro ng sikat na Defense Force na Gammarangers! Ano nga ba ang dahilan ng
biglaang pagbaligtad ng naturang grupo mula sa kabutihan patungo sa kasamaan? May
report si Mariet Sigwa na live ngayon sa Caloocan….”
Patuloy pa
rin sa ginagawang pananalasa ang grupo, nang….
“ITIGIL NIYO
YAN!!!”
Napalingon
naman ang lahat sa dumating….sina Abby at Malin, na kahit sugatan ay pinilit pa
ring harapin ang mga dating kasamahan.
ABBY: Guys tama na! Aitigil na ninyo yan! Wala ba kayong naaalala? Ako ito si Abby!
MALIN: Mga Kuya, don’t you know me? Kanina okay-okay tayo ah. What’s
wrong with you?
Walang
sabi-sabi ay sinugod sila ng apat. Sina Gamma Red at Gamma Vio ay sinugod si Abby,
habang sina Gamma Blue at Gamma Patriot naman ay sinugod si Malin. Wala ng
ibang choice ang dalawa kundi harapin ang mga ito. Habang si Stromazoid naman
tuloy lang sa pananalasa.
ABBY: Fonseca! Scott! Tama na!
Ngunit lalo
lamang nasasaktan si Abby dahil sa gamit na Gamma Daggers ng dalawa.
MALIN: Kuya Brian! Kuya Pao! Please stop! Di tayo dapat naglalaban!
Ngunit hindi
nakinig ang apat, bagkus ay sinipa pa nila ang dalawang babae. Ilang sandali pa
ay sinugod naman sila ni Stromazoid at pinaghahampas sila. Hinang-hina na ang
dalawang babae.
MALIN: Ate…ano na gagawin natin?
ABBY: Wala ng ibang paraan…kung hindi natin sila mapipigilan…lalabanan
natin sila!
MALIN: Pero Ate, hindi ko sila kayang labanan, mga friendships natin
sila! Ayokong saktan sila….
ABBY: Ano mas pipiliin mo, sila o ang kaligtasan ng lahat? Kung di
natin sila lalabanan, lalo lang nilang itutuloy ang pagwasak sa lugar na ito. Kaya
kahit labag sa kalooban ko, lalabanan natin sila!
Nag-aalangan
man ay tumango na lang si Malin.
Papalapit na
ngayon ang limang kalaban. Kaya naghanda ang dalawang babae para
makapagpalit-anyo.
ABBY: Ready, Malin?
MALIN: Reading-ready!
ABBY/MALIN: GAMMAMODE,ACTIVATE!
At nagpalit-anyo
nga ang dalawa bilang Gamma Green at Gamma Yellow.
_______________________________________
Sa itaas ns
isang gusali ay may nilalang na nanonood ng mga kaganapan sa ibaba….si
Megiddus.
MEGIDDUS: Ranger laban sa Ranger…magiging masaya ito, he he he….
_______________________________________
Walang
sabi-sabing sumugod ang apat na lalaking Gammarangers, ganun din ang dalawang
babaeng Gammarangers. Katapat ni Gamma Green sina Gamma Red at Gamma Vio,
habang si Gamma Yellow naman kay Gamma Blue at Gamma Patriot. Palitan sila ng
Gamma Daggers at G-Firearms. Halatang hirap ang mga babaeng Rangers dahil sa
bukod sa mga lalaki ang kanilang kalaban, ay ubod pa sila ng lakas.
Si Stromazoid
naman ay tuloy lang sa pagsira. May dumating na mga apulis upanag pigilan ito,
ngunit bigolang sila, dahil pinaghahampas lamang niya ang mga ito hanggang sa
mapatay ang mga ito.
Walang-anu-ano
ay bumuo ng Bayonets sina Gamma Red, Gamma Blue at Gamma Vio habang pinalakas
pa ni Gamma Patriot ang kanyang Pyrrovolver, tila tatapusin na nila ang dalawa.
GAMMA GREEN: Sige lang! Gamitin niyo sa amin yan! Hindi kami natatakot!
GAMMA YELLOW: Kung kaya niyo, kaya rin namin!
Naglabas din
ng Gamma Bayonets ang dalawang babaeng Ranger. Iisa lang ang nasa isip nila….ang
makipagsabayan sa apat, anuman ang mangyari.
At nagsagupa
na nga sila gamit ang kanilang mga sandata.
Sa gitna ng
kanilang laban, nagawang maagaw ni Gamma Red ang sandata ni Gamma Green,
dahilan upang gamitin din ito laban sa kanya. Isang malaking slash ang ibinigay
ni Gamma Vio kay Gamma Green, at napahandusay ito.
Pinagtulungan
namang pagtatagain nina Gamma Blue at Gamma Patriot si Gamma Yellow, nabitawan
tuloy ng babaeng Ranger ang kanyang sandata. Magkasabay na sipa ang natanggap
ni Gamma Yellow mula sa dalawa.
Ngayon ay
sabay-sabay na titira ng malalakas na Bayonet Blasts ang apat sa dalawa….
BOOOOOOOOOOOMMMM!!!!
Napatalsik na
lang ang dalawang Rangers at napahandusay. Ilang sandali pa ay nagbalik sila sa
dating anyo. Sabay ding bumagsak ang kanilang mga Morphing Badges.
ABBY: (humuhingal)
Ang…lalakas…nila….
MALIN: (humuhingal)
Hanggang dito na lang ba tayo, Ate?
Pupulutin na
sana nila ang kanilang Morphing Badge, ngunit inapakan ito ni Megiddus, na
bumaba na mula sa gusali.
Napatingin
na lang sa itaas sina Abby at Malin at tinngnan si Megiddus. Hawak na ngayon ng
AXIS General ang kanilang mga Badges. Umupo si Megiddus at tiningnan ang
dalawang babae, at saka hinaplos ang kanilang mukha gamit ang daliri.
MEGIDDUS: Ha ha ha! Sabi ko naman sa inyo, masayang makipaglaban sa kapwa
niyo Gammaranger! Ngayon ay lalong wala na kayong magagawa, dahil nasa akin na
ang inyong mga Morphing Badge. Ipalalagyan ko ng Stroma Chips ang mga itokay
Stromazoid at ipagagamit sa inyo para maging katulad din ng mga kasamahan ninyo,
pero para magawa ko iyon, tatapusin muna namin kayo!
ABBY: Pweh!
Dinuraan ni
Abby si Megiddus.
Isang
malakas na sipa sa mukha ang ibinigay ni Megiddus sa dalawang babae, at nasaktan
ang mga ito.
MEGIDDUS: Barumbada! Sa lahat ng ayaw ko ay ang dinuduraan ang mukha ko! Tapusin
niyo na yang mga yan!
Tumayo si
Megiddus tangay ang dalawang Morphing Badges. Lumapit naman ang apat na
lalaking Gammarangers at pinagtatadyak ang dalawang kawawang babae. Sobra-sobrang
pananakit ang tinanggap nina Abby at Malin, tila tanggap na nila ang kanilang
sasapitin.
Ilang saglit
pa ay itinaasa na ng apat ang kanilang mga Gamma Bayonets at akmang isasaksaka sa
dalawa……napapikit na lang ang dalawang babae….
TSAAAAKKK!!!!!!
Itutuloy……