Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
Ang nakaraan
sa UDF Gammaranger…..
Isang Alien
Pod Ship ang biglang bumagsak sa Australia na lumikha ng ingay sa buong mundo.
Kaagad kumilos ang GAMMA upang maiuwi agad ang Alien Pod Ship at mapag-aralan. Nagulat ang
lahat nang lumabas mula sa Pod Ship ang isang batang Alien, na kinilalang ina
si Abby dahil siya ang unang nakita nito. Napamahal ang Alien kay Abby, at pinangalanan niya itong Coco.
Ngunit nagawang madakit ng AXIS si Coco at ginawang isang Terrozoid na nagngangalang Alpheriozoid. Nahirapan ang Gammarangers na talunin ito, ngunit dahil sa pagmamahal ni Abby sa alaga nito, nanumbalik ang alaala nito at bumalik sa dati.
_____________________________________
Mabilis na
bumubulusok si Odiah Ultimus lulan si Osmalik palapit sa GAMMA Base.
OSMALIK: Lagot kayo ngayon Gammarangers!
_____________________________________
Mission
32: Sa Bingit ng Pagkabigo
Nataranta naman ang mga
nasa GAMMA Base nang umatake ng biglaan si Osmalik.
JAKE:
Nakanambaka naman, at
dito pa sumugod ang gagong yan!
ALICE: Sir, masyado pong mabilis ang
pagsugod ni Osmalik dito! 1,200 meters….1000….800….
GEN.
ANGELES: Alice,
i-activate mo ang Cosmic Barrier. Alert our In-House Forces. Rangers, stop him
at all cost!
GAMMARANGERS: (sabay saludo) Yes Sir!
ALICE: Roger Sir. (kaagad lumapit sa Control
Panel Paging System) Attention all GAMMA In-House Forces, prepare for a
possible assault! All Armories and Ammunitions activate!
Kaagad kumilos ang anim
na Rangers upang harapin ang Odiah Ultimus at si Osmalik.
Paparating pa lang ang Odiah Ultimus ay sinalubong na
siya ng anim na Gammachines.
GAMMA PATRIOT: Bawal ang Gatecrasher dito! Pyrro
Cannons!
Nagpakawala ng malalakas na Pyrro
Cannon Blast ang Desert Panzer ngunit iniwasan lang ito ng Odiah Ultimus.
OSMALIK: Ha ha ha! Ganyan ba kayong tumanggap
ng bisita? Pero sige, pagbibigyan ko kayo, pauunahin ko na kayong umatake!
GAMMA BLUE:
Ang yabang mo! Tank Multiblaster!
Nagpakawala ang Blue Battle Tanker ng
malalakas na Blast mula sa mga kanyon nito, ngunit madali lang naiilagan ito ng
Odiah Ultimus.
OSMALIK: Ano ba iyan? Wala ka man lang
natamaan?
GAMMA GREEN:
Tumahimik ka! Sonic Smasher!
Ganoon din ang ginawa ni Gamma Green,
mula sa Green Combat Chopper ay nagpakawala ito ng Sonic Smasher, ngunit dahil
mabilis ang kalaban ay walang epekto ang mga atake niya.
OSMALIK: Hindi pa ba kayo tapos?
GAMMA VIO: Shut up, kiddo! Malin, help me out on
this one. Let’s Double-Team him!
GAMMA YELLOW:
Hai, Scott!
Magkasamang sumugod ang Vio Turbo
Trailer at ang Yellow Patrol Armor at naglabas ng kani-kaniyang mga Blast.
OSMALIK: Walang kuwenta! Ni hindi man lang
nagagalusan ang aking Odiah!
GAMMA RED:
Eto tikman mo, kupal ka! Fighter Air Beam!
Naglabas na rin ng Air Beams ang Red
Jet Fighter, ngunit mabilis kumilos ang robot ni Osmalik.
OSMALIK: Bwa ha ha ha ha! Ang sarap niyong
paglaruan! Ako naman!
ZZZAAAAAAAPPPP!!!!
Nagpakawala ng malalakas na Eye Beams
ang Odiah Ultimus sa anim na Gammachines, sunud-sunod ang mga ito kaya hindi
gaanong makaiwas ang mga ito.
GAMMA PATRIOT: Jake, buuin na natin ang Gammatron at
Patriot Titan para manahimik na ang kumag na ito!
GAMMA RED:
Mabuti pa nga! Guys, Integrate Gammatron!
GAMMARANGERS: Roger!
Ilang sandali pa ay nagsanib ang
limang Gammachines at binuo ang Gammatron, habang nagbagong-anyo naman ang
Desert Panzer bilang Patriot Titan.
Ngayon ay kaharap na ng Odiah Ultimus
ang Gammatron at Patriot Titan.
GAMMA RED:
Humanda ka ngayon sa Ultimate Tag Team namin!
GAMMA PATRIOT: Yari ka ngayon!
OSMALIK: Ha ha ha! Kahit magtulong pa kayo,
wala kayong panama sa akin!
Sabay sumugod ang Gammatron at Patriot
Titan sa Odiah Ultimus, ngunit mabilis pa sa kidlat na nakakaiwas ang kalaban,
na ikinagulat ng Gammarangers.
OSMALIK: Ambabagal niyo mga pagong! Pero ayos
lang, nag-eenjoy ako sa pakikipaglaro sa inyo!
GAMMA VIO: Damn, he is just too fast!
GAMMA GREEN:
Bakit sobrang bilis niya?
GAMMA RED:
Nakakabanas ka na, tarandado ka!
GAMMA PATRIOT: Jake, labanan natin siya
side-by-side!
GAMMA RED: Sige Pao!
Ngayon ay pinagitnaan ng dalawang
Mecha ang Odiah upang labanan siya ng sabayan.
OSMALIK: Ha ha ha! Sige lang mga bubuwit!
GAMMA RED:
Gamitin na natin ito, Gammatron Mechatronic Ultra Blaster!
GAMMA PATRIOT: Patriot Titan Heavy Arms Mode!
OSMALIK: Ha ha ha! Sige lang!
GAMMA RED:
Fire!!!
GAMMA PATRIOT: Titan Juggernaut, Fire!!!
Sabay nagpakawala ng malalakas na
Finishing Blasts ang dalawang Gamma Mechas, ngunit mabilis na umalis ang Odiah
Ultimus, dahilan na matamaan ng dalawang Mechas ang isa’t-isa.
BOOOMM!!!
GAMMARANGERS: Aaaaaaahhh!!!!
GAMMA PATRIOT: Aaaaahhh!!!
Sa lakas ng mga Blast ay natumba ang
dalawang Mecha.
GAMMA PATRIOT: Guys, sorry kayo ang tinamaan ng
Titan Juggernaut!
GAMMA RED:
Grabe ang laki ng nasira! Madulas talaga ang siya!
Pagkatapos ay tumayo ang Odiah Ultimus
at inapakan ang dalawang Mecha.
OSMALIK: Ha ha ha! Magpatayan kayo diyan mga
talunan!
Ngunit may iba siyang plano….
OSMALIK: (sa sarili) Mabuti pa ay bahala na si
Odiah sa inyo, pupunta na ako sa aking tunay na pakay! Odiah, bahala ka na sa
kanila!
Inactivate ni Osmalik ang Automatic
Response Technology ng Odiah Ultimus at saka nagteleport. Ngayon ay lalabanan
ng Gammatron at Patriot Titan ang isang robot na walang piloto sa loob, at iyon
ang hindi alam ng anim na Gammarangers.
GAMMA RED:
Hindi pa tapos ang laban! Pao, pagtulungan pa natin ito!
GAMMA PATRIOT: Tama ka Jake!
Kaagad tinulak ng nakahigang Gammatron
at Patriot Titan ang Odiah Ultimus at natumba naman ito.
GAMMA BLUE:
Jake, pagsamahin na kaya natin ang dalawa para mabuo ang Patriot Gammatron.
GAMMA RED:
Alam ko, huwag mo akong turuan! Pao, magsanib na tayo!
GAMMA PATRIOT: Okay! Form Patriot Gammatron!
Kaagad nagsanib ang dalawang Mecha at
nabuo sa wakas ang Patrol Gammatron.
_________________________________________
UDF GAMMA Base…
ALICE: Masama ito, maraming Energy na ang
nasayang ng dalawang Mecha, bakit pinilit pa nilang buuin ang Patriot
Gammatron? Halos wala na silang natitirang Energy Reserves. Kahit magsama pa
sila, balewala din kung iiwas-iwasan lang ng kalaban ang kanilang atake.
GEN.
ANGELES: Napakadulas
ng nilalang na iyan. Mabuti na lang at na-activate na ang Cosmic Barrier at
protektado na ang GAMMA Base.
OWEN: Pero sana po kayanin ng Rangers na
talunin ang Odiah bago pa sila maubusan ng Energy. Kundi, mas delikado po.
Maya-maya pa, biglang tumakbo palapit
kay Owen si Charlie 9 na tila takot na takot.
CHARLIE
9: Mumu! Mumu! Mumu!
OWEN: Charlie, anong problema? Anong mumu?
BAAAAAANNNNGGGG!!!!
Isang malakas na pagsabog ang nangyari
sa Left Control Board ng Database na ikinagulat ng lahat ng naroroon. Napadapa
sa sahig sina Gen. Angeles, Alice, Owen at Charlie 9.
GEN.
ANGELES: Anong---?!
OWEN: Araay….
Pagtingala ni Alice
ALICE: Haaahh---!!!
Nagimbal ang lahat pagtingala nila,
dahil bumungad sa ulunan nila si Osmalik.
OSMALIK: Ginulat ko ba kayo?
GEN.
ANGELES: Osmalik!
Paano kang nakapasok dito---
OSMALIK: Hep hep! Baka nakakalimutan niyong
kaya kong magteleport sa destinasyon na gusto ko, at kaya ko ring paandarin si
Odiah kahit wala ako…at kahit tawagin niyo pa ang mga Gammarangers, wala rin
naman silang magagawa dahil pahihirapan lang sila ni Odiah.
Kaagad tumayo sina Gen. Angeles at bumunot
ito ng isang malaking Laser Gun. Takot namang napaatras sina Alice, Owen at
Charlie 9.
GEN.
ANGELES: Alice, Owen,
umalis na kayo. Ako na ang bahalang haharap sa kaniya.
Tango lang ang tugon ng dalawa, at
nagmadaling umalis papunta sa pinto ng Database…ngunit….
BOOOOOMMM!!!
Nagpakawala ulit ng malakas na Eye
Beam si Osmalik sa may pintuan ng Database, dahilan upang magulat sina Alice at
mapahinto sa takot.
OSMALIK:
Saan kayo pupunta?!
GEN.
ANGELES: Huwag mo na
silang idamay pa dito!
OSMALIK: Kung ayaw mo silang malagutan ng
hininga, mabuti pa ay ibigay niyo sa akin ang hinihingi ko! Nasaan ang Sigma?!
Lalong tinutok ni Gen. Angeles ang
baril kay Osmalik.
GEN.
ANGELES: Hindi namin
alam!
OSMALIK: Sinungaling!!!
BAAAAANNNGGG!!!
Nagpaputok ulit ng Eye Beams si
Osmalik sa heneral, kaagad naman niya itong naiwasan.
GEN.
ANGELES: Itigil mo
yan!
BAAANNGG!!!
Nagpaputok na rin ng Laser Gun si Gen.
Angeles, ngunit nakaiwas ng mabilis si Osmalik. Nagulat ang lahat nang kaagad
nahostage ni Osmalik si Alice, sabay tutok ng High-Intensity Laser Pistol.
OSMALIK: Ano? Kung makikipagmatigasan kayo,
mabuti pang tapusin ko na ang babaeng ito!
ALICE: (umiiyak) General….
Sa puntong ito at takot na takot na si
Alice at pinagpapawisan ng husto.
GEN.
ANGELES: Bitawan mo
siya! Maawa ka!!!
Ilang minuto pa ay biglang dumating
ang mga In-House Soldiers ng GAMMA upang alamin ang narinig na pagsabog.
Pagpasok pa lang sa pintuan….
SOLDIERS: Huwag kang kikilos ng masama!!!
BANG! BANG! BANG!
Biglang ipinutok ni Osmalik ang
High-Intensity Laser Pistol si Osmalik sa mga bagong dating na sundalo.
GEN.
ANGELES: HINDIIIII!!!!
TAMA NAAA!!! TUMIGIL KAAA!!!
OSMALIK: Hindi niyo ibibigay ang Sigma?!
Sinusubukan niyo ba ako?! Kung ganon iisa-isahin ko na kayo!!!
Ngunit biglang may sumunggab sa mukha
ni Osmalik, mabilis na lumundag si Charlie 9 papunta sa ulo ng kalaban, kaya
nataranta ito.
CHARLIE
9: Bad Bad ka! Bad
Bad ka! Panget! Panget!
OSMALIK: Umalis kaaa!!!
Kaagad inihagis ni Osmalik ang batang
robot at saka….
BAAANG! BA-BANG!!!!
GEN.
ANGELES:
HUWAAAAGGG!!!
ALICE: CHARLIEEEE!!!!
OWEN: HINDEEEEE!!!!
GEN.
ANGELES: Napakahayop
mo, walanghiya ka! Hindi ka na naawa sa walang labang nilalang!
OSMALIK: Kasalanan ng basura niyong robot kung
bakit bigla na lang makikialam! Ngayon, kung ayaw niyong matulad sa laruang
iyan, ibigay niyo sa akin ang Sigma!
Nag-aalala na si Gen. Angeles sa
kalagayan ng kanyang mga kasama. Hindi rin naman niya matatawagan ang
Gammarangers dahil hirap sila sa pakikipaglaban kay Odiah Ultimus. Kaya wala na
siyang alam na gawin kundi ibigay ang kagustuhan ng kalaban.
OSMALIK: Bibilang ako ng tatlo….ISA!....
Hindi pa rin makakilos ang tatlo. Si
Owen at nakaupo pa rin at hinahawakan ang nasirang si Charlie 9, si Alice ay
tuloy pa rin na hawak ni Osmalik, habang si Gen. Angeles naman ay tulirong
tinututukan ng baril si Osmalik.
OSMALIK: DALAWAAA!!!
Nagngingitngit na ang bagang ni Gen.
Angeles dahil naiiipit siya kung ibibigay ba niya ang Sigma o hahayaan niyang
mamatay sila na hindi naibibigay ang Sigma.
OSMALIK: TATLO---
GEN.
ANGELES: Sandali! Oo
na, ibibigay na namin ang gusto mo! (lumingon kay Owen) Owen, ibigay mo na sa
kanya ang Sigma.
OWEN:
Pero Sir---
GEN.
ANGELES: GAWIN MO NA
LANG!
Kaagad sumunod si Owen at pinuntahan
ang Gamma Lab, pagbalik niya ay dala na niya ang isang Advanced Hard Drive at
iniabot kay Osmalik.
OSMALIK: Magaling…..
Ngunit bago pa ito makuha ni Osmalik….
GEN.
ANGELES: Ipangako mo muna
na hindi ka na babalik dito at huwag nang gumawa pa ng pinsala! Kung ayaw mong
durugin ka ng mga kadete ko! Alam kong gagamitin mo sa kasamaan yang bagay na
iyan, pero pipigilan ka ng Gammarangers, tandaan mo iyan!
OSMALIK: Usapang lalake, huwag kang mag-alala.
He he he.
Kaagad kinuha ni Osmalik ang Sigma at
itinulak si Alice.
OSMALIK: Nagpapasalamat ako sa inyong maling
desisyon, ha ha ha!!!
Walang anu-ano ay nagteleport na si
Osmalik. Naiwan sina Gen. Angeles na nakayuko, habang tulala pa rin si Owen. Si
Alice ay umiiyak pa rin sa takot at sindak sa mga pangyayari.
________________________________________
Sa labas ng GAMMA Base….
Hirap pa rin ang Patriot Gammatron na
labanan ang Odiah Ultimus.
GAMMA RED:
Lecheng robot ito! Hanggang kelan tayo pahihirapan nito?
GAMMA BLUE:
Patuloy na bumababa ang Energy Level dahil sa mga nasasayang nating pag-atake!
GAMMA PATRIOT: Mabuti pa tapusin na natin ng maaga
ito, gamitin na natin ang Turbulent Fusion.
GAMMA RED:
Bahala na!
Nag-ipon ng lakas ang Patriot
Gammatron upang tapusin na ang Odiah Ultimus
GAMMA RED:
Oras na! Patriot Gammatron Turbulent Fusion!
GAMMARANGERS:
Lock-on
Target!.....FIRE!!!
BOOOOOOOOOMMMM!!!
Pagbugang-pagbuga ng Turbulent Fusion,
biglang nagteleport ang Odiah Ultimus at nawala. Tumama ang Blast sa isang
bundok at sumabog.
GAMMA YELLOW:
Ngeh?! Nawala?
GAMMA BLUE:
Napakadaya niya!
GAMMA RED:
Malilintikan din sa atin ang hinayupak na iyon!
GAMMA GREEN:
Pero nakapagtataka, umalis siya nang hindi man lang nagsasalita. Magmula kanina
tahimik lang siya.
Ilang saglit pa, tumunog ang Cockpit
Communication Monitor at lumitaw si Gen. Angeles.
GAMMA RED:
Sir, umatras ang kalaba----
GEN.
ANGELES: (sa kabilang
linya) Rangers, return to Base at once. May importante tayong pag-uusapan.
GAMMA PATRIOT: Sige po Dad. Pabalik na kami diyan.
Kaagad lumipad ang Patrol Gammatron
pabalik sa GAMMA Base.
____________________________________________
Habang nasa Hallway papasok ng Database,
nagulantang ang anim nang may makita silang ilang grupo ng mga sundalo na
nagbubuhat ng mga bangkay ng kapwa sundalo palabas.
PAOLO: Mate, anong nangyari? Bakit may
duguang sundalong inilalabas?
SUNDALO: Sir, nilooban po ang Database.
ABBY: Anong sabi mo?!
SUNDALO: Tanungin niyo na lang po si General
Angeles.
JAKE: Anong nilooban? At sino naman?
Nagmadaling umalis ang mga sundalong
bitbit ang bangkay.
SCOTT: What’s going on?
BRIAN: Magmadali tayo, kailangan malaman
natin ang nangyari dito.
Pumasok ang anim sa Database.
Nagulantang sila nang bumungad ang wasak na bahagi ng Database. Nakita din nila
si Gen. Angeles na nakatayo at di-mapalagay, si Alice ay nakayuko at umiiyak sa
ibabaw ng mesa, habang si Owen ay nakasaluk-baba. Bakas pa rin ang kaba sa
silid na iyon.
PAOLO: Huh?! Anong--
ABBY: Anong ba talaga ang nangyari dito?
SCOTT: What the hell….
MALIN: OMG!
BRIAN: Sir, bakit po sira ang kaliwang
bahagi ng Database?
JAKE: Sir, bakit nagkaganito? At bakit may
mga patay na sundalo dito?
Dahan-dahang lumapit ang heneral sa
anim.
GEN.
ANGELES: Si
Osmalik….nanggaling dito si Osmalik…..at nakuha na niya ang Sigma.
Nagimbal ang lahat sa narinig.
JAKE: Ano?! Imposible! Papaano po nangyari
iyon?
PAOLO: Dad, kalaban namin si Osmalik kanina,
papaano niya makukuha ang Sigma?
GEN.
ANGELES: Nagawa
niyang mapenetrate ang Database sa pamamagitan ng Teleportation.
OWEN: Hindi ko rin maintindihan, tanging
ang buong GAMMA Team lang ang pwedeng makapag-teleport dito. Pero nagawa niyang
mapenetrate ang Electronic Security.
ABBY: Ibig pong sabihin, ang kalaban namin
kanina ay isang robot na walang piloto?
GEN.
ANGELES: Tama. May
Automatic Response Technology ang Odiah Ultimus kaya gagalaw pa rin ito ng
walang nagpapaandar nito. Nagawa niyang makapasok dito sa kabila ng higpit ng
Electronic Security. Nagbanta siyang papatayin kami kapag hindi niya nakuha ang
Sigma. Subalit nangyari nga….pumatay siya ng mga rumespondeng sundalo.
ALICE: (mangiyak-ngiyak) Si Charlie…..hu hu
hu….
MALIN: Bakit Ate Alice? Anong nangyari kay
Charlie?
OWEN:
Hinostage kasi ni
Osmalik si Alice, tapos bigla na lang lumundag si Charlie sa ulo ni Osmalik
para labanan ito….pero napakasaklap ng nangyari sa kanya.
ALICE: Iniligtas ni Charlie….ang buhay ko…..
MALIN: (umiiyak na) Oh hindi! Nasaan si
Charlie?
OWEN: Sumama kayo sa akin sa Lab.
Pumunta ang lahat sa GAMMA Lab at
bumungad sa kanila ang kalunus-lunos na itsura ni Charlie 9. Halos kalahati ng
katawan nito ay sunog at wasak gawa ng natamong Laser Blast. Halos nawala ang
kalahati ng katawan nito.
MALIN: (umiyak) Charlie!!! Hu hu hu hu….
Kaagad lumapit si Malin at niyakap ang
kawawang robot. Napaluha naman si Abby, habang napayuko na lang ang mga lalaki.
Napasuntok na lang si Jake sa pader.
BOG!!!
JAKE: Bakit kailangan pang madamay ang
isang inosenteng nilalang ng dahil lang sa buwiset na Sigma na iyan?!
Biglang hinarap ni Jake si Brian.
JAKE: Ikaw….kung hindi mo sana dinala dito
ang bagay na iyon, di sana walang ganitong problema!
BRIAN: Bakit ako nanaman ang sinisisi mo?!
Alam mo, kesa pumutok yang butsi mo sa kakaputak, umisip ka na lang ng paraan
kung paano mababawi ang Sigma at matalo si Osmalik!
GEN.
ANGELES: Tama na yang
bangayan niyo! Walang mangyayari kung sisihan tayo ng sisihan! Sa ngayon
kailangang higpitan pa natin ang seguridad ng Base, tsaka humanda sa anumang
pagsalakay ng AXIS at ni Osmalik, siguradong may bago nanaman silang ihahandang
atake gamit ang ninakaw nilang Sigma.
MALIN: Kuya Owen, may pag-asa pa bang maayos
si Charlie?
OWEN: Malaki ang Damage niya. Kung sa Body,
wala akong problema…pero medyo malabong maiayos ko pa ang Main Circuit Board
niya….madaming piyesa ang nasira, ang tanging magagawa ko ay palitan ang buong
System niya, yun nga lang, hindi na siya si Charlie 9 kundi isang panibagong
Robot. Nag-iisa lang kasi ang Charlie 9 Circuit at walang Backup.
SCOTT: This is just terrible…
GEN.
ANGELES: Sige,
magpahinga na kayo…Dismissed.
Umalis na sa Lab ang lahat at
nagpahinga sa kani-kanilang mga silid.
___________________________________________
Sa isang ilang na lugar….
Naroroon si Osmalik at nagpapahinga
kasama ang Odiah Ultimus. Masaya ang mandirigma dahil sa wakas ay nakuha na
niya ang Sigma.
OSMALIK: He he he! Sa wakas ay napasaakin ka
rin, Sigma. Oras na para gamitin ka para mas lalo pa akong lumakas at ng sa ganon
ay wala ng makakatalo pa sa akin!
Binuksan ni Osmalik ang kanyang
Circuit Compartment na nasa gawing dibdib. Dahil sa halos kalahati ng kanyang
katawan ay makina, maipapasok niya ang Sigma Drive sa loob ng kanyang dibdib.
Ngunit…..
“Anong ginagawa mo?!”
Nagulat si Osmalik sa narinig na
tinig. Paglingon niya ay nakita niya si Megiddus at tinutukan siya ng malaking
patalim.
OSMALIK: Oh, Megiddus, ikaw pala.
MEGIDDUS: Sinong nagsabi sa iyo na solohin mo
iyang Sigma? Hindi ba’t nagkasundo kayo ni Master Ganelon na ibabahagi mo sa
amin ang kapangyarihan niyan?
OSMALIK: Ganoon ba? Bakit, may naitulong ba
kayo para makuha ko ito----oo nga pala, nagawa niyong ma-upgrade si Odiah….pero
yun lang.
MEGIDDUS: Ang mabuti pa, dalhin mo yang Sigma
sa Mega Base at nang magawa na natin ang ating plano!
OSMALIK: Sige, pero may kapalit….
MEGIDDUS: Ano naman?
____________________________________________
Nang hatinggabing iyon…..
Tulog na ang lahat ng nasa GAMMA Base,
maliban kina Alice at Owen. Pilit nilang pinag-aaralan kung paano bubuhayin si
Charlie 9. Lahat ng paraan na maiisip nila ay ginawa nila, ngunit hindi pa rin
nila magawang buhayin ito muli. Kita sa kanilang hitsura ang puyat at pagnanais
na maibalik sa dati ang batang robot.
ALICE: Hinalungkat ko na lahat ng Files,
pero wala akong makitang compatible sa Charlie 9 Hardware.
OWEN: Yun nga ang problema eh, wala akong
makitang malapit-lapit sa Charlie 9 Hardware na pwedeng ipalit sa nasirang
bahagi niya.
ALICE: Di ko akalaing ililigtas niya ako
mula sa kamatayan…kahit na halos wala siyang gaanong naitutulong sa
Team….nakakapanlumo.
OWEN: Pero kailangang maibalik natin siya
sa dati kahit anong mangyari. Siya ang nagpapasaya sa Team, siya ang isa sa mga
unang robot na naimbento ko pagpasok ko ng GAMMA.
Habang kinukumpuni si Charlie,
napansin ni Owen ang Case na lagyanan ng Sigma, saka kinuha ito. Tiningnan lang
ito ni Owen, kahit na wala ng laman ito.
OWEN: Napakasama talaga ng taong iyon.
ALICE: Hindi siya tao, isa siyang Cyborg.
OWEN: Kahit ano pa, kailangang maiganti
natin si Charlie. Kahit mapasakanya pa ang Sigma, hindi tayo papatalo sa kanya.
Hindi man tayo mga mandirigma kagaya ng Gammarangers, lalaban tayo sa paraang
alam natin.
Napatingin ng makahulugan si Alice kay
Owen.
ALICE: Alam mo, sa tagal nating magkasama
dito, ngayon ko lang narinig sa iyo ang mga salitang iyan. Nakakapanibago ka,
he he he.
OWEN: Dahil sa nangyari kanina, mas lumakas
ang pagnanais kong lumaban para sa kaligtasan ng lahat.
Maya-maya ay pumasok sa Lab si Malin
dala ang manika niyang si Mei-Mei.
ALICE: Oh Malin, bakit gising ka pa?
MALIN: Hindi ako makatulog….hindi ko pa rin
kasi masikmura ang nangyari kay Charlie ko.
Kaagad lumapit si Malin at hinawakan
ang sirang robot.
OWEN: Napamahal na sa iyo si Charlie ano?
MALIN: Siya lang kasi ang nagpapasaya dito, tsaka
ang cute-cute kasi niya. Silang dalawa ni Mei-Mei ang mga babies ko.
ALICE: Huwag kang mag-alala…babalik din si
Charlie.
OWEN: Ibabalik naming siya, pangako iyan.
MALIN: Salamat sa inyo…sana nga maibalik pa
siya….hindi na magiging tulad ng dati kapag wala na siya.
__________________________________________
AXIS Mega Base……
Naroroon ang lahat ng matataas na
opisyal ng AXIS upang masilayan ang dalang Sigma ni Osmalik. Naroroon si
Osmalik at nakaluhod sa gitna ng bulwagan sa harapan ni Ganelon.
GANELON: Osmalik, alam kong nagtagumpay kang
mapasakamay ang Sigma. Ngayon ay ipakita mo sa amin ang bagong sandatang iyan.
Ipinakita ni Osmalik ang Sigma.
OSMALIK: Narito ang hinahanap niyong Sigma.
Pinagmasdan din ito maging ng ibang
Heneral.
DYMARO: Mukhang isa lamang itong ordinaryong
Hard Drive.
NECROMA: Wala rin akong nakikitang espesyal
dito.
CALYX: Ano ba ang meron sa Sigma na iyan?
Si Megiddus ay tahimik lang na
nakikinig.
GANELON: Magsitigil kayo. Osmalik, ang mabuti
pa ay ipaliwanag mo kung ano ang mayroon sa bagay na iyan.
OSMALIK: Ayaw ko sanang ibahagi sa inyo, pero
dahil mapilit kayo, sasabihin ko na. Ang Sigma ay isang Weapons Program kung
saan naglalaman ito ng isang Armor Configuration taglay ang pinakamalalakas na
sandata. Ginawa ito ng isang sundalong imbentor upang dalhin sana sa GAMMA,
ngunit sa kasamaang palad ay napasaakin ito.
NECROMA: Armor Configuration?
DYMARO: Kung ganon, ibig bang sabihin, kapag
naipasok sa isang Cyborg na katulad natin ang bagay na iyan, lalong lalakas ang
kapangyarihan ng may taglay niyan?
OSMALIK: Eksakto. Kaya kapag taglay ng isang
Cyborg ang Sigma, siya ay magiging pinakamakapangyarihan sa lahat, na kahit ang
Gammarangers ay walang magawa.
GANELON: Kung ganon,ibigay mo sa amin ang
kapangyarihang iyan…
OSMALIK: Ibabahagi ko sa inyo ito….pero sa
isang kundisyon.
CALYX: Bakit may kundisyon pa?
Naglakad si Ganelon palapit kay
Osmalik.
GANELON: At anong kundisyon naman?
OSMALIK: Kung ayos lang sa inyo, gawin niyo
akong pangalawang pinakamataas sa inyong Imperyo.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni
Osmalik. Napakunot-noo naman si Ganelon.
DYMARO: Anong sabi mo?! Sino ka para sabihin
iyan?!
NECROMA: Ang kapal ng pagmumukha mo! Wala kang
respeto!
CALYX: Ambisyoso ka!!!
GANELON: At bakit ko naman gagawin iyon? Sino
ka ba sa akala mo?
Sa wakas ay nagsalita si Megiddus.
MEGIDDUS: Panginoon, hawak niya ang susi sa
ating tagumpay. Sa tingin ko ay nararapat lang na bigyan niyo siya ng
gantimpala.
CALYX: Master Megiddus?! Bakit kumakampi
kayo sa kaniya?
Saglit na nag-isip si Ganelon.
Susugod si Dymaro kay Osmalik.
DYMARO: Walang hiya ka!
OSMALIK: (sabay labas ng Light Saber) Sige!
Aangal ka? Baka gusto mong gawin kitang Chicharon!
GANELON: Tigil! Osmalik, siguraduhin mo na
matatalo mo na sa wakas ang Gammarangers. Kapag nagawa mo iyon, sige gagawin ko
ang iyong kahilingan. Ngunit kapag nabigo ka, alam mo na ang mangyayari sa iyo!
OSMALIK: Naiintindihan ko po.
GANELON: Magaling kung ganon. Ngayon ibigay mo
ang Sigma sa akin at nang maibahagi namin sa inyong lahat. Ipapa-upgrade natin
ang lahat ng ating mga sandata, upang madali na nating matatalo ang
Gammarangers! Sa ngayon, maglalabas muna tayo ng isang Terrozoid upang pagurin
sila ….kapag napagod na sila at nahigop ang kanilang lakas, doon tayo
magpapakita!
Maya-maya pa ay dumating si Corvus sa
bulwagan.
CORVUS: Wahoohoo! Wahoohoo! Namiss kita
Osmalik! Yiheee!!! Idol talaga kita ahihihi!
Nabanas naman ang lahat ng heneral ng
AXIS. Natawa naman si Osmalik.
___________________________________________
Pagsanjan, Laguna, 9:11
Masaya ang mga bakasyonista na
nagbababad sa Pagsanjan Falls. Marami sa kanila ay nasa ilalim mismo ng talon
ay nagpapakasasa sa malakas na bagsak ng tubig. Ang iba naman ay kumakain sa
tabi ng ilog na malapit sa Falls, habang ang iba naman ay nakasakay sa balsa ay
sinasagwan ang tubig.
TURISTA
1: Ang sarap dito,
sana next year dito tayo ulit.
TURISTA
2: Oo nga, tara dive
tayo! Woooo!!!
TURISTA
3: Ang linaw ng tubig
oh, ang lakas pa ng daloy ng Falls!
May mga bata na kumukuha ng kung
anu-ano sa mababaw na bahagi ng tubig.
BATA
1: Wow andaming susó!
Sarap ilaga ng mga ito!
BATA
2: Hoy banda dito mas
madami!
Sumama naman ang una sa kasama at
lumapit sila sa isang maliit na kweba malapit sa Falls….at paglapit nila, may
napansin silang isang kakaibang bagay.
BATA
1: Uy ano iyon? May
dalawang maliit na ilaw oh.
BATA
2: Tara puntahan
natin.
Lumapit ang dalawang bata sa nasabing
bagay. Medyo nagulat sila nang makita ito.
BATA
2: Ay, isang malaking
susó!
BATA
1: Grabe sobrang laki
naman niyan.
BATA
2: Ano, kukunin ba
natin iyan?
BATA
1: Ano ka ba,
masyadong malaki iyan! Di natin kaya iyan!
BATA
2: Pambihira ka
naman, pwede natin pagkakitaan yan! Sa laki niyan, ibebenta natin yan sa
malaking halaga, para may pang-DOTA na tayo araw-araw!
BATA
1: Oo nga ano. Tara
pagtulungan natin!
Sabik na lumapit ang dalawa sa
higanteng susó….nang biglang….
“RAAAAAAAARRRRR!!!!”
MGA
BATA: AAAAAAAHHHH!!!!
__________________________________________
Nagulat naman ang mga bakasyonista sa
narinig na sigaw mula sa maliit na kweba.
TURISTA
1: Teka, boses ng
bata iyon ah!
TURISTA
2: Tara puntahan
natin, baka kung ano na ang nangyari doon!
Kaagad tumakbo ang mga ito papunta sa
maliit na kweba, at papasok pa lang sila nang bumungad sa kanila ang isang
nakakapangilabot na nilalang….
TURISTA
1: AAAAHHHH!!!!
TURISTA
2: TAKBOOOOO!!!!
Isang malaking Robotic Monster na
anyong susó. Isa nanamang Terrozoid na likha ng AXIS. Siya ay si Molluskazoid,
at bitbit niya ang dalawang patay na bata na hinigupan niya ng lakas.
Mabilis na tumakbo ang mga turista
palayo sa Falls, ngunit mabilis silang nahabol ni Molluskazoid at idinikit ang
nguso sa likuran ng biktima. Pagkahigop ng lakas nito, ibinalibag niya ang
patay at nalantang turista.
_________________________________________
RED ALERT! RED ALERT! INTRUDER
SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!
Pagkarinig ng Alarm, kaagad pumasok
ang anim na Gammarangers sa Database.
PAOLO: Anong meron?
ALICE: Isang AXIS Terrozoid ang nanggugulo
ngayon sa Pagsanjan, Laguna…malapit sa Pagsanjan Falls.
MALIN: Yuck, mukha siyang Snail!
JAKE: Kahit ano pa hitsura niyan, todas sa
amin iyan!
GEN.
ANGELES: Huwag kayong
makampante Rangers. Ang Terrozoid na iyan ay kayang humigop ng lakas ng kahit
na anong nilalang upang lalong lumakas. Kaya kailangan ng ibayong pag-iingat.
Pumunta na kayo doon, on the double!
GAMMARANGERS: (sumaludo) Roger!
Kaagad umalis ang anim at sumakay sa
kani-kanilang mga Patrol Vehicles papunta sa lokasyon ng kalaban.
GEN.
ANGELES: Alice,
nasaan si Owen?
ALICE: Nasa Lab po, pilit pa ring inaayos si
Charlie.
GEN.
ANGELES: Bakit pa ba
niya pinag-aaksayahan ng panahon ang pagkumpuni kay Charlie? Mas importante ang
Operation natin ngayon. May ibang araw naman para ayusin ang robot.
ALICE: Sandali lang po, tatawagin ko po
siya.
Nagpunta sa GAMMA Lab si Alice upang tawagin si Owen.
__________________________________________
Mabilis na nakarating ang mga
Gammarangers sa lokasyon ni Molluskazoid. Pagdating nila, nagkakagulo na ang
mga tagaroon dahil sa pagsalakay ng halimaw. Kita rin nila ang mga rumespondeng
awtoridad para pigilan ang halimaw.
Kaagad bumaba sa kanilang Patrol
Vehicles ang anim.
JAKE: Nasaan na ang kalaban?
PAOLO: Hanapin natin!
Kaagad ginamit ni Paolo ang kanyang
GPS Scanner para mahanap ang eksaktong lokasyon ng halimaw.
PAOLO: Nandun siya! Malapit sa Plaza!
BRIAN: Tara na!
Tumakbo sila papunta sa Plaza, at
gulat sila sa nakita….si Molluskazoid, hawak ang dalawang bangkay ng babae na katatapos
lang higupin ang lakas.
ABBY: Mukhang marami ng napatay ang halimaw
na iyan!
SCOTT: Let’s bring this Barnacle Head back
to Bikini Bottom!
JAKE: Magbihis na tayo!
ALL: Roger! GAMMAMODE, ACTIVATE!
At nagbagong-anyo na ang anim at
naging Gammarangers. Kaagad nabuhayan ng loob ang mga tagaroon nang makitang
may lumalaban na sa mapaminsalang halimaw.
___________________________________________
AXIS Mega Base….
Saksi ang buong AXIS sa pakikipaglaban
ng mga Gammarangers kay Molluskazoid.
OSMALIK: Magaling…umaayon lahat sa plano.
NECROMA: Oras na mahigop ni Molluskazoid ang
lakas ng mga iyan, saka na tayo kikilos para tapusin sila ng tuluyan.
MEGIDDUS: At doon na natin gagamitin an gating
pinakabagong panlaban.
Tahimik lang na nanonood si Ganelon.
____________________________________________
UDF GAMMA Base….
Matamang pinapanood ni Alice si Owen
sa ginagawa nito.
ALICE: Owen, kagabi ka pa diyan. Pinapatawag
ka na ni Gen. Angeles dahil mas importante ang labanan ngayon ng Rangers.
OWEN: Hindi ako titigil hangga’t hindi ko
naaayos si Charlie.
ALICE: May ibang araw pa naman para maayos
siya. Tara na!
OWEN: (nainis) Sige na nga!
Lumabas na sa Lab si Alice. Sa
kakamadali naman ay nasagi ni Owen ang isang Box at nahulog. Ito ang Box na
lalagyan ng Sigma na nakuha ni Osmalik.
OWEN: Haynaku….nandito pa pala ito. Dapat
itapon ko na ito.
Itatapon na sana niya ang Box nang may
malaglag na Disc mula dito. Kaagad na pinulot ito ni Owen.
OWEN: Teka, di ko alam na may disc palang
laman ang box na ito, akala ko Hard Drive lang. Hmmm…ma-check nga.
Kaagad ipinasok ni Owen ang Disc sa
Lab Control Board, at nagulat siya sa nakita.
OWEN: Ooohhhh---!!!
OWEN: Ooohhhh---!!!
__________________________________________
Samantala, hirap na hirap naman ang
anim na Gammarangers sa pakikipaglaban kay Molluskazoid. Napatumba sa kalsada
ang anim habang dahan-dahang papalapit sa kanila ang halimaw.
GAMMA GREEN:
Grabe, ngayon lang ako nakaharap ng ganito kalakas na Terrozoid!
GAMMA BLUE:
Di na ako magtataka kung bakit marami na siyang napapatay na tao.
GAMMA PATRIOT: Nakakapanghina….di ko akalaing bababa
ang Pyrronium Level ko.
GAMMA YELLOW:
Pero di ako papayag na mananalo ang Snail na iyan! Yaaaaahhh!!!
Kaagad sumugod si Gamma Yellow papunta
kay Molluskazoid.
GAMMA VIO: Malin, wait!
Ngunit hinampas lang siya ni Molluskazoid.
Ilang sandali pa ay biglang sinunggaban ni Molluskazoid si Gamma Yellow at saka
dumikit sa katawan nito.
GAMMA RED: Bitawan mo
siya!
Sumugod ang limang Gammarangers sa
halimaw ngunit naglabas ng nakakamatay na likido sa mga ito na ikinasaktan nila.
Ilang sandali pa ay sinimulan ng hinigop ni Molluskazoid ang lakas ni Gamma
Yellow.
GAMMA YELLOW:
Aaaaaaahhhh!!!!
GAMMA
VIO: Malin! Noooo!!!
Hindi makabangon ang lima dahil sa
bagsik ng likidong ibinuga ni Molluskazoid. Ilang minute pa, binitawan na ni
Molluskazoid ang Ranger, bumalik ito sa pagiging Malin at hinang-hina.
GAMMA GREEN:
Anong ginawa mo sa kanya?!
GAMMA VIO: Damn you Barnacle Head!
Sabay na umatake sina Gamma Green at
Gamma Vio, ngunit bumuga ulit ng likido ang halimaw. Pagkatumba ng dalawang
Ranger, sinunggaban di niya ang mga ito at hinigop ang kapangyarihan. Bumalik
sa pagiging Abby at Scott ang dalawa at medyo namumutla na.
GAMMA BLUE: Delikado….tumba
na ang mga kasama natin.
GAMMA RED:
Malas! Wala bang ibang paraan para mapigilan siya?
GAMMA PATRIOT: Sabay-sabay natin siyang sugurin!
Sabay-sabay sumugod ang tatlong
natitirang Gammarangers kay Molluskazoid, gamit ang kanilang Daggers ay
pinagtataga nila ang halimaw ngunit walang epekto. Bigla niyang hinablot si
Gamma Blue tsaka itinapon sa isang pader at nawasak. Hindi pa nakakatayo ay
sinunggaban na siya ni Molluskazoid at saka sinipsip din ang lakas. Pagkatapos
ay iniwan niya ang Ranger na nagging Brian ulit at maputla na.
Nagulat naman sina Gamma Red at Gamma
Patriot habang tumatayo.
GAMMA PATRIOT: Imposible! Nagawa niyang mahigop ang
lakas ng mga kasama natin!
GAMMA RED:
Mukhang tayo na lang ang natitirang lalaban sa susóng iyan!....Pao, handa ka
bang isugal ang buhay mo para matalo ang halimaw na iyan?
GAMMA PATRIOT: Basta para sa kaligtasan ng lahat,
handa akong mamatay! Laban na!
Kaagad pumwesto ang dalawa at inihanda
ang kanilang mga baril.
GAMMA RED:
G-Magnum!
GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver Rifle Mode!
Pinagbabaril ng dalawa si Molluskazoid
habang patuloy na lumalapit ito. Bumuga ulit ito ng nakamamatay na likido. Kaagad
namang nakailag ang dalawa.
GAMMA RED: Tapusin na natin siya bago pa tuluyang mahigop ng susóng
iyan ang lakas natin!
GAMMA PATRIOT: Tama!
GAMMA RED: G-Magnum Full Power!
GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver Maximum Intensity!
Ngunit biglang…..
BAAAAAAAANNNGGG!!!!!
GAMMA RED / GAMMA PATRIOT: AAAAAHHHH!!!!
Bago pa sila makapag-atake, bigla
silang tinamaan ng malakas na pagsabog mula sa kung saan. Napatilapon ang
dalawa.
GAMMA RED:
Saan galing iyon?
GAMMA PATRIOT: Ang lakas non….Uhhhh…
Nang humupa ang usok….nagimbal sila sa
mga dumating na nilalang….dahan-dahang lumalakad papunta sa kanila sina
Osmalik, Megiddus, Necroma, Dymaro at Calyx, nagbago na ang kanilang mga anyo
at tila mas lumakas pa sila. Habang ang apat pang nanghihinang Rangers ay pilit
tumatayo at lumalapit sa kanilang mga kasamahan.
GAMMA PATRIOT: Teka….sila ba iyan? Ang…AXIS?
GAMMA RED:
Pero….bakit nagbago na ang itsura nila?
Nagsalita si Osmalik.
OSMALIK: Ha ha ha ha! Kumusta, Gammarangers?
Mukhang pagod na pagod na kayo sa pakikipaglaro kay Molluskazoid. Sayang naman,
gusto pa man din naming makipaglaro sa inyo.
Tumayo sina Gamma Red at Gamma Patriot
habang mahinang nakipag-regroup naman sina Brian, Abby, Scott at Malin.
MEGIDDUS: Masdan niyo, hindi ba kayo
nagagandahan sa aming bagong anyo? Sayang naman at gusto sana naming
makipaglaro gamit an gaming bagong laruan.
BRIAN: (nanghihina) Laruan?
OSMALIK: Tama. Ito ang nagagawa ng Sigma na
ibinigay niyo sa amin. Pagmasdan niyo, nakakatakot di ba? Salamat sa inyong
katangahan ay maipapakita na naming sa inyo ang kapangyarihang ipinamigay
ninyo….
CALYX: Gaya nito!
BRAAATATATATATATAT!!!
Bumuka ang dibdib ni Calyx at lumabas
ang mga malalakas na Machine Bullets mula sa kanyang dalawang breast. Mabuti na
lang at gumawa ng Pyrronium Shield si Gamma Patriot para hindi matamaan nito.
Ngunit dahil limitado na lang ang lakas niya, hindi rin nagtagal ang Shield.
DYMARO: Eto pa!!! Raaaaaa!!!!
BANG-BANG-BANG-BANG-!!!
Bumuka ang mga braso ni Dymaro at naglabas
ng malalakas na Bazooka. Kahit anong iwas ng anim ay natatamaan pa rin sila.
NECROMA: Ako naman!
Sumabay pa si Necroma na naglabas ng
isang Electron Gun mula sa bibig at bumuga ng malakas na Electron Waves sa
anim, lalong nasaktan ang mga ito sa natanggap na pinsala.
MEGIDDUS: Gusto niyo pa? Eto ang sa inyo!
BOOM! BOOM! BOOM! BOOM!
Naglabas ng malalaking Mega-Launchers
si Megiddus mula sa kanyang balikat at sunud-sunod na pinagbabaril ang mga
kawawang Rangers.
SCOTT: (humihingal) This…is….too much….
MALIN: Hindi ko na kayaaaa….
ABBY: Yan ba? Yan ba ang nagagawa ng Sigma?
BRIAN: Hindi na ako makalaban pa….
GAMMA RED:
(humihingal) Hanggang dito na lang ba tayo?
GAMMA PATRIOT: Tama naaa….
OSMALIK: Anong tama na? Ni hindi pa nga kami
nag-iinit eh….ngayon ako naman….
Mula sa kanyang kamay ay lumabas ang
isang malaking Giga-Sniper, bumuo ito ng isang malaking Energy Ball…napaatras
naman ang anim na sundalo sa nakikita.
OSMALIK: Tikman niyo ito!
ZOOOOOOOMMMM!!!!
BOOOOOOOMMMM!!!!
Biglang ibinuga ni Osmalik ito sa mga
Rangers, napatilapon sila sa ere t bumagsak sa kalsada. Bumalik sa pagiging
Jake at Paolo sina Gamma Red at Gamma Patriot, habang hindi na rin makakilos pa
sina Brian, Abby, Scott at Malin.
Dahan-dahang naglalakad papunta sa
kanila sina Osmalik, Megiddus, Necroma, Dymaro, Calyx at si Molluskazoid.
OSMALIK: Sample pa lang iyan! Ha ha ha ha!!!
_____________________________________________
ALICE: Delikado na po ang sitwasyong Rangers
Sir. Wala na silang natitirang lakas para lumaban pa.
GEN.
ANGELES: Hindi ko
akalaing gagamitin nila sa ganyan ang Sigma….Alice, i-teleport mo muna ang
Rangers, mukhang hindi na sila makakalaban pa…magpapadala na muna tayo ng
Temporary Forces diyan….
ALICE: Okay Sir….
“Sandali lang!”
Nagulat naman sina Gen. Angeles at
Alice sa tinig na narinig. Pumasok si Owen sa loob ng Database.
ALICE: Bakit ngayon ka lang? Kita mo ng
hirap na hirap ang mga kasamahan natin, habang ikaw, nag-aaksaya ka pa rin ng
oras doon!
OWEN: Oo nga, pero mas maganda kung ang pinag-aaksayahan ko ng oras ay makakatulong sa iba, hindi ba?.
Napatingin ulit sina Gen. Angeles at Alice kay Owen na tila nagtataka.
Napatingin ulit sina Gen. Angeles at Alice kay Owen na tila nagtataka.
GEN.
ANGELES: Anong ibig
mong sabihin?
ALICE: Huh?
ALICE: Huh?
__________________________________________
Nakahandusay ngayon ang anim na
Rangers at wala ng lakas para lumaban. Nagkapasa-pasa na at duguan ang kanilang
katawan, hapong-hapo at wala ng lakas pang lumaban. Nagatingala sila ngayon sa
anim na malalakas na kampon ng AXIS…
JAKE: Malas…..malas!
OSMALIK:
Ha ha ha ha! Paano
iyan, mukhang ito na ang inyong huling hantungan….Mga kasama, sama-sama nating
tuldukan ang pakikialam ng Gammarangers sa ating mga plano!
Kaagad inihanda ng anim na kampon ng
AXIS ang kanilang mga sandata at pinaikutan ang anim na Rangers.
MALIN: Mommy ko….
SCOTT: Oh good Lord….please forgive us for
our sins…
ABBY: Paalam, mga kasama….
BRIAN: Hindi….
PAOLO: Dad, patawad ko….nabigo kami….
JAKE:
(napapikit) Paalam,
Earth….
AXIS
GENERALS: PAALAM,
GAMMARANGERS!!!
BOOOOOOOOMMMM!!!!
Isang malakas na pagsabog ang
gumulantang sa lahat ng naroroon. Napatilapon ang lahat sa biglang pagdating
nito.
NECROMA: Ano iyon?!
MEGIDDUS: Sinong may gawa non?!
At biglang….
ZOOOM!!!
ZAAAP!!!
BAAAAMMM!!!
Mabilis na inatake ng isang malakas na
liwanag ang anim na kampon ng AXIS at napatilapon ang mga ito. Gulat na gulat
naman ang anim na sundalo.
ABBY: Anong nangyayari?
BRIAN: Ano ang liwanag na iyan?
Ilang saglit pa ay tumigil sa
pag-atake ang liwanag. Hindi pa nakuntento ay naglabas pa ito ng malalakas na
Light Beams sa mga kalaban at sumabog. Bagsak ang anim na kalaban.
AXIS FORCES: AAAAARRRHGGGGHHH!!!!
AXIS FORCES: AAAAARRRHGGGGHHH!!!!
CALYX: Ang lakas non!
DYMARO: Anong klaseng kapangyarihan iyon!
OSMALIK: Sino ang may gawa non?!
Nang lumapag sa isang gusali ay nakita
ng lahat ang nilalang….isang bagong mandirigma ang dumating….
Itutuloy…..