Friday, January 3, 2014

Mission 32: Sa Bingit ng Pagkabigo


Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________

Ang nakaraan sa UDF Gammaranger…..

Isang Alien Pod Ship ang biglang bumagsak sa Australia na lumikha ng ingay sa buong mundo. Kaagad kumilos ang GAMMA upang maiuwi agad ang Alien Pod Ship at mapag-aralan. Nagulat ang lahat nang lumabas mula sa Pod Ship ang isang batang Alien, na kinilalang ina si Abby dahil siya ang unang nakita nito. Napamahal ang Alien kay Abby, at pinangalanan niya itong Coco.

Ngunit nagawang madakit ng AXIS si Coco at ginawang isang Terrozoid na nagngangalang Alpheriozoid. Nahirapan ang Gammarangers na talunin ito, ngunit dahil sa pagmamahal ni Abby sa alaga nito, nanumbalik ang alaala nito at bumalik sa dati. 

Nang isauli na ng GAMMA sa ASRI ang Alien, isang panibagong banta ang biglang dumating....
_____________________________________

Mabilis na bumubulusok si Odiah Ultimus lulan si Osmalik palapit sa GAMMA Base.

OSMALIK: Lagot kayo ngayon Gammarangers!
_____________________________________


Mission 32: Sa Bingit ng Pagkabigo


Nataranta naman ang mga nasa GAMMA Base nang umatake ng biglaan si Osmalik.

JAKE: Nakanambaka naman, at dito pa sumugod ang gagong yan!

ALICE: Sir, masyado pong mabilis ang pagsugod ni Osmalik dito! 1,200 meters….1000….800….

GEN. ANGELES: Alice, i-activate mo ang Cosmic Barrier. Alert our In-House Forces. Rangers, stop him at all cost!

GAMMARANGERS: (sabay saludo) Yes Sir!

ALICE: Roger Sir. (kaagad lumapit sa Control Panel Paging System) Attention all GAMMA In-House Forces, prepare for a possible assault! All Armories and Ammunitions activate!

Kaagad kumilos ang anim na Rangers upang harapin ang Odiah Ultimus at si Osmalik.
______________________________________





Paparating pa lang ang Odiah Ultimus ay sinalubong na siya ng anim na Gammachines.

GAMMA PATRIOT: Bawal ang Gatecrasher dito! Pyrro Cannons!

Nagpakawala ng malalakas na Pyrro Cannon Blast ang Desert Panzer ngunit iniwasan lang ito ng Odiah Ultimus.

OSMALIK: Ha ha ha! Ganyan ba kayong tumanggap ng bisita? Pero sige, pagbibigyan ko kayo, pauunahin ko na kayong umatake!

GAMMA BLUE: Ang yabang mo! Tank Multiblaster!

Nagpakawala ang Blue Battle Tanker ng malalakas na Blast mula sa mga kanyon nito, ngunit madali lang naiilagan ito ng Odiah Ultimus.

OSMALIK: Ano ba iyan? Wala ka man lang natamaan?

GAMMA GREEN: Tumahimik ka! Sonic Smasher!

Ganoon din ang ginawa ni Gamma Green, mula sa Green Combat Chopper ay nagpakawala ito ng Sonic Smasher, ngunit dahil mabilis ang kalaban ay walang epekto ang mga atake niya.

OSMALIK: Hindi pa ba kayo tapos?

GAMMA VIO: Shut up, kiddo! Malin, help me out on this one. Let’s Double-Team him!
GAMMA YELLOW: Hai, Scott!

Magkasamang sumugod ang Vio Turbo Trailer at ang Yellow Patrol Armor at naglabas ng kani-kaniyang mga Blast.

OSMALIK: Walang kuwenta! Ni hindi man lang nagagalusan ang aking Odiah!

GAMMA RED: Eto tikman mo, kupal ka! Fighter Air Beam!

Naglabas na rin ng Air Beams ang Red Jet Fighter, ngunit mabilis kumilos ang robot ni Osmalik.

OSMALIK: Bwa ha ha ha ha! Ang sarap niyong paglaruan! Ako naman!

ZZZAAAAAAAPPPP!!!!

Nagpakawala ng malalakas na Eye Beams ang Odiah Ultimus sa anim na Gammachines, sunud-sunod ang mga ito kaya hindi gaanong makaiwas ang mga ito.

GAMMA PATRIOT: Jake, buuin na natin ang Gammatron at Patriot Titan para manahimik na ang kumag na ito!

GAMMA RED: Mabuti pa nga! Guys, Integrate Gammatron!
GAMMARANGERS: Roger!

Ilang sandali pa ay nagsanib ang limang Gammachines at binuo ang Gammatron, habang nagbagong-anyo naman ang Desert Panzer bilang Patriot Titan.

Ngayon ay kaharap na ng Odiah Ultimus ang Gammatron at Patriot Titan.

GAMMA RED: Humanda ka ngayon sa Ultimate Tag Team namin!
GAMMA PATRIOT: Yari ka ngayon!

OSMALIK: Ha ha ha! Kahit magtulong pa kayo, wala kayong panama sa akin!

Sabay sumugod ang Gammatron at Patriot Titan sa Odiah Ultimus, ngunit mabilis pa sa kidlat na nakakaiwas ang kalaban, na ikinagulat ng Gammarangers.

OSMALIK: Ambabagal niyo mga pagong! Pero ayos lang, nag-eenjoy ako sa pakikipaglaro sa inyo!

GAMMA VIO: Damn, he is just too fast!

GAMMA GREEN: Bakit sobrang bilis niya?
GAMMA RED: Nakakabanas ka na, tarandado ka!

GAMMA PATRIOT: Jake, labanan natin siya side-by-side!

GAMMA RED: Sige Pao!

Ngayon ay pinagitnaan ng dalawang Mecha ang Odiah upang labanan siya ng sabayan.

OSMALIK: Ha ha ha! Sige lang mga bubuwit!

GAMMA RED: Gamitin na natin ito, Gammatron Mechatronic Ultra Blaster!
GAMMA PATRIOT: Patriot Titan Heavy Arms Mode!

OSMALIK: Ha ha ha! Sige lang!

GAMMA RED: Fire!!!
GAMMA PATRIOT: Titan Juggernaut, Fire!!!

Sabay nagpakawala ng malalakas na Finishing Blasts ang dalawang Gamma Mechas, ngunit mabilis na umalis ang Odiah Ultimus, dahilan na matamaan ng dalawang Mechas ang isa’t-isa.

BOOOMM!!!

GAMMARANGERS: Aaaaaaahhh!!!!
GAMMA PATRIOT: Aaaaahhh!!!

Sa lakas ng mga Blast ay natumba ang dalawang Mecha.

GAMMA PATRIOT: Guys, sorry kayo ang tinamaan ng Titan Juggernaut!
GAMMA RED: Grabe ang laki ng nasira! Madulas talaga ang siya!

Pagkatapos ay tumayo ang Odiah Ultimus at inapakan ang dalawang Mecha.

OSMALIK: Ha ha ha! Magpatayan kayo diyan mga talunan!

Ngunit may iba siyang plano….

OSMALIK: (sa sarili) Mabuti pa ay bahala na si Odiah sa inyo, pupunta na ako sa aking tunay na pakay! Odiah, bahala ka na sa kanila!

Inactivate ni Osmalik ang Automatic Response Technology ng Odiah Ultimus at saka nagteleport. Ngayon ay lalabanan ng Gammatron at Patriot Titan ang isang robot na walang piloto sa loob, at iyon ang hindi alam ng anim na Gammarangers.

GAMMA RED: Hindi pa tapos ang laban! Pao, pagtulungan pa natin ito!
GAMMA PATRIOT: Tama ka Jake!

Kaagad tinulak ng nakahigang Gammatron at Patriot Titan ang Odiah Ultimus at natumba naman ito.

GAMMA BLUE: Jake, pagsamahin na kaya natin ang dalawa para mabuo ang Patriot Gammatron.

GAMMA RED: Alam ko, huwag mo akong turuan! Pao, magsanib na tayo!

GAMMA PATRIOT: Okay! Form Patriot Gammatron!

Kaagad nagsanib ang dalawang Mecha at nabuo sa wakas ang Patrol Gammatron.
_________________________________________

UDF GAMMA Base…

ALICE: Masama ito, maraming Energy na ang nasayang ng dalawang Mecha, bakit pinilit pa nilang buuin ang Patriot Gammatron? Halos wala na silang natitirang Energy Reserves. Kahit magsama pa sila, balewala din kung iiwas-iwasan lang ng kalaban ang kanilang atake.

GEN. ANGELES: Napakadulas ng nilalang na iyan. Mabuti na lang at na-activate na ang Cosmic Barrier at protektado na ang GAMMA Base.

OWEN: Pero sana po kayanin ng Rangers na talunin ang Odiah bago pa sila maubusan ng Energy. Kundi, mas delikado po.

Maya-maya pa, biglang tumakbo palapit kay Owen si Charlie 9 na tila takot na takot.

CHARLIE 9: Mumu! Mumu! Mumu!

OWEN: Charlie, anong problema? Anong mumu?

BAAAAAANNNNGGGG!!!!

Isang malakas na pagsabog ang nangyari sa Left Control Board ng Database na ikinagulat ng lahat ng naroroon. Napadapa sa sahig sina Gen. Angeles, Alice, Owen at Charlie 9.

GEN. ANGELES: Anong---?!
OWEN: Araay….

Pagtingala ni Alice

ALICE: Haaahh---!!!

Nagimbal ang lahat pagtingala nila, dahil bumungad sa ulunan nila si Osmalik.

OSMALIK: Ginulat ko ba kayo?

GEN. ANGELES: Osmalik! Paano kang nakapasok dito---

OSMALIK: Hep hep! Baka nakakalimutan niyong kaya kong magteleport sa destinasyon na gusto ko, at kaya ko ring paandarin si Odiah kahit wala ako…at kahit tawagin niyo pa ang mga Gammarangers, wala rin naman silang magagawa dahil pahihirapan lang sila ni Odiah.

Kaagad tumayo sina Gen. Angeles at bumunot ito ng isang malaking Laser Gun. Takot namang napaatras sina Alice, Owen at Charlie 9.

GEN. ANGELES: Alice, Owen, umalis na kayo. Ako na ang bahalang haharap sa kaniya.

Tango lang ang tugon ng dalawa, at nagmadaling umalis papunta sa pinto ng Database…ngunit….

BOOOOOMMM!!!

Nagpakawala ulit ng malakas na Eye Beam si Osmalik sa may pintuan ng Database, dahilan upang magulat sina Alice at mapahinto sa takot.

OSMALIK: Saan kayo pupunta?!

GEN. ANGELES: Huwag mo na silang idamay pa dito!

OSMALIK: Kung ayaw mo silang malagutan ng hininga, mabuti pa ay ibigay niyo sa akin ang hinihingi ko! Nasaan ang Sigma?!

Lalong tinutok ni Gen. Angeles ang baril kay Osmalik.

GEN. ANGELES: Hindi namin alam!

OSMALIK: Sinungaling!!!

BAAAAANNNGGG!!!

Nagpaputok ulit ng Eye Beams si Osmalik sa heneral, kaagad naman niya itong naiwasan.

GEN. ANGELES: Itigil mo yan!

BAAANNGG!!!

Nagpaputok na rin ng Laser Gun si Gen. Angeles, ngunit nakaiwas ng mabilis si Osmalik. Nagulat ang lahat nang kaagad nahostage ni Osmalik si Alice, sabay tutok ng High-Intensity Laser Pistol.

OSMALIK: Ano? Kung makikipagmatigasan kayo, mabuti pang tapusin ko na ang babaeng ito!

ALICE: (umiiyak) General….

Sa puntong ito at takot na takot na si Alice at pinagpapawisan ng husto.

GEN. ANGELES: Bitawan mo siya! Maawa ka!!!

Ilang minuto pa ay biglang dumating ang mga In-House Soldiers ng GAMMA upang alamin ang narinig na pagsabog. Pagpasok pa lang sa pintuan….

SOLDIERS: Huwag kang kikilos ng masama!!!

BANG! BANG! BANG!

Biglang ipinutok ni Osmalik ang High-Intensity Laser Pistol si Osmalik sa mga bagong dating na sundalo.

GEN. ANGELES: HINDIIIII!!!! TAMA NAAA!!! TUMIGIL KAAA!!!

OSMALIK: Hindi niyo ibibigay ang Sigma?! Sinusubukan niyo ba ako?! Kung ganon iisa-isahin ko na kayo!!!

Ngunit biglang may sumunggab sa mukha ni Osmalik, mabilis na lumundag si Charlie 9 papunta sa ulo ng kalaban, kaya nataranta ito.

CHARLIE 9: Bad Bad ka! Bad Bad ka! Panget! Panget!

OSMALIK: Umalis kaaa!!!

Kaagad inihagis ni Osmalik ang batang robot at saka….

BAAANG! BA-BANG!!!!

GEN. ANGELES: HUWAAAAGGG!!!
ALICE: CHARLIEEEE!!!!
OWEN: HINDEEEEE!!!!

Pinaputok ni Osmalik ang Laser Pistol kay Charlie 9…bumagsak ang Robot at nawasak.




GEN. ANGELES: Napakahayop mo, walanghiya ka! Hindi ka na naawa sa walang labang nilalang!

OSMALIK: Kasalanan ng basura niyong robot kung bakit bigla na lang makikialam! Ngayon, kung ayaw niyong matulad sa laruang iyan, ibigay niyo sa akin ang Sigma!

Nag-aalala na si Gen. Angeles sa kalagayan ng kanyang mga kasama. Hindi rin naman niya matatawagan ang Gammarangers dahil hirap sila sa pakikipaglaban kay Odiah Ultimus. Kaya wala na siyang alam na gawin kundi ibigay ang kagustuhan ng kalaban.

OSMALIK: Bibilang ako ng tatlo….ISA!....

Hindi pa rin makakilos ang tatlo. Si Owen at nakaupo pa rin at hinahawakan ang nasirang si Charlie 9, si Alice ay tuloy pa rin na hawak ni Osmalik, habang si Gen. Angeles naman ay tulirong tinututukan ng baril si Osmalik.

OSMALIK: DALAWAAA!!!

Nagngingitngit na ang bagang ni Gen. Angeles dahil naiiipit siya kung ibibigay ba niya ang Sigma o hahayaan niyang mamatay sila na hindi naibibigay ang Sigma.

OSMALIK: TATLO---

GEN. ANGELES: Sandali! Oo na, ibibigay na namin ang gusto mo! (lumingon kay Owen) Owen, ibigay mo na sa kanya ang Sigma.

OWEN: Pero Sir---

GEN. ANGELES: GAWIN MO NA LANG!

Kaagad sumunod si Owen at pinuntahan ang Gamma Lab, pagbalik niya ay dala na niya ang isang Advanced Hard Drive at iniabot kay Osmalik.

OSMALIK: Magaling…..

Ngunit bago pa ito makuha ni Osmalik….

GEN. ANGELES: Ipangako mo muna na hindi ka na babalik dito at huwag nang gumawa pa ng pinsala! Kung ayaw mong durugin ka ng mga kadete ko! Alam kong gagamitin mo sa kasamaan yang bagay na iyan, pero pipigilan ka ng Gammarangers, tandaan mo iyan!

OSMALIK: Usapang lalake, huwag kang mag-alala. He he he.

Kaagad kinuha ni Osmalik ang Sigma at itinulak si Alice.

OSMALIK: Nagpapasalamat ako sa inyong maling desisyon, ha ha ha!!!

Walang anu-ano ay nagteleport na si Osmalik. Naiwan sina Gen. Angeles na nakayuko, habang tulala pa rin si Owen. Si Alice ay umiiyak pa rin sa takot at sindak sa mga pangyayari.
________________________________________

Sa labas ng GAMMA Base….

Hirap pa rin ang Patriot Gammatron na labanan ang Odiah Ultimus.

GAMMA RED: Lecheng robot ito! Hanggang kelan tayo pahihirapan nito?
GAMMA BLUE: Patuloy na bumababa ang Energy Level dahil sa mga nasasayang nating pag-atake!

GAMMA PATRIOT: Mabuti pa tapusin na natin ng maaga ito, gamitin na natin ang Turbulent Fusion.

GAMMA RED: Bahala na!

Nag-ipon ng lakas ang Patriot Gammatron upang tapusin na ang Odiah Ultimus

GAMMA RED: Oras na! Patriot Gammatron Turbulent Fusion!
GAMMARANGERS: Lock-on Target!.....FIRE!!!

BOOOOOOOOOMMMM!!!

Pagbugang-pagbuga ng Turbulent Fusion, biglang nagteleport ang Odiah Ultimus at nawala. Tumama ang Blast sa isang bundok at sumabog.

GAMMA YELLOW: Ngeh?! Nawala?
GAMMA BLUE: Napakadaya niya!
GAMMA RED: Malilintikan din sa atin ang hinayupak na iyon!

GAMMA GREEN: Pero nakapagtataka, umalis siya nang hindi man lang nagsasalita. Magmula kanina tahimik lang siya.

Ilang saglit pa, tumunog ang Cockpit Communication Monitor at lumitaw si Gen. Angeles.

GAMMA RED: Sir, umatras ang kalaba----

GEN. ANGELES: (sa kabilang linya) Rangers, return to Base at once. May importante tayong pag-uusapan.

GAMMA PATRIOT: Sige po Dad. Pabalik na kami diyan.

Kaagad lumipad ang Patrol Gammatron pabalik sa GAMMA Base.
____________________________________________

Habang nasa Hallway papasok ng Database, nagulantang ang anim nang may makita silang ilang grupo ng mga sundalo na nagbubuhat ng mga bangkay ng kapwa sundalo palabas.

PAOLO: Mate, anong nangyari? Bakit may duguang sundalong inilalabas?

SUNDALO: Sir, nilooban po ang Database.

ABBY: Anong sabi mo?!

SUNDALO: Tanungin niyo na lang po si General Angeles.

JAKE: Anong nilooban? At sino naman?

Nagmadaling umalis ang mga sundalong bitbit ang bangkay.

SCOTT: What’s going on?
BRIAN: Magmadali tayo, kailangan malaman natin ang nangyari dito.

Pumasok ang anim sa Database. Nagulantang sila nang bumungad ang wasak na bahagi ng Database. Nakita din nila si Gen. Angeles na nakatayo at di-mapalagay, si Alice ay nakayuko at umiiyak sa ibabaw ng mesa, habang si Owen ay nakasaluk-baba. Bakas pa rin ang kaba sa silid na iyon.

PAOLO: Huh?! Anong--
ABBY: Anong ba talaga ang nangyari dito?
SCOTT: What the hell….
MALIN: OMG!
BRIAN: Sir, bakit po sira ang kaliwang bahagi ng Database?
JAKE: Sir, bakit nagkaganito? At bakit may mga patay na sundalo dito?

Dahan-dahang lumapit ang heneral sa anim.

GEN. ANGELES: Si Osmalik….nanggaling dito si Osmalik…..at nakuha na niya ang Sigma.

Nagimbal ang lahat sa narinig.

JAKE: Ano?! Imposible! Papaano po nangyari iyon?
PAOLO: Dad, kalaban namin si Osmalik kanina, papaano niya makukuha ang Sigma?

GEN. ANGELES: Nagawa niyang mapenetrate ang Database sa pamamagitan ng Teleportation.

OWEN: Hindi ko rin maintindihan, tanging ang buong GAMMA Team lang ang pwedeng makapag-teleport dito. Pero nagawa niyang mapenetrate ang Electronic Security.

ABBY: Ibig pong sabihin, ang kalaban namin kanina ay isang robot na walang piloto?

GEN. ANGELES: Tama. May Automatic Response Technology ang Odiah Ultimus kaya gagalaw pa rin ito ng walang nagpapaandar nito. Nagawa niyang makapasok dito sa kabila ng higpit ng Electronic Security. Nagbanta siyang papatayin kami kapag hindi niya nakuha ang Sigma. Subalit nangyari nga….pumatay siya ng mga rumespondeng sundalo.

ALICE: (mangiyak-ngiyak) Si Charlie…..hu hu hu….

MALIN: Bakit Ate Alice? Anong nangyari kay Charlie?

OWEN: Hinostage kasi ni Osmalik si Alice, tapos bigla na lang lumundag si Charlie sa ulo ni Osmalik para labanan ito….pero napakasaklap ng nangyari sa kanya.

ALICE: Iniligtas ni Charlie….ang buhay ko…..

MALIN: (umiiyak na) Oh hindi! Nasaan si Charlie?

OWEN: Sumama kayo sa akin sa Lab.

Pumunta ang lahat sa GAMMA Lab at bumungad sa kanila ang kalunus-lunos na itsura ni Charlie 9. Halos kalahati ng katawan nito ay sunog at wasak gawa ng natamong Laser Blast. Halos nawala ang kalahati ng katawan nito.

MALIN: (umiyak) Charlie!!! Hu hu hu hu….

Kaagad lumapit si Malin at niyakap ang kawawang robot. Napaluha naman si Abby, habang napayuko na lang ang mga lalaki. Napasuntok na lang si Jake sa pader.

BOG!!!

JAKE: Bakit kailangan pang madamay ang isang inosenteng nilalang ng dahil lang sa buwiset na Sigma na iyan?!

Biglang hinarap ni Jake si Brian.

JAKE: Ikaw….kung hindi mo sana dinala dito ang bagay na iyon, di sana walang ganitong problema!

BRIAN: Bakit ako nanaman ang sinisisi mo?! Alam mo, kesa pumutok yang butsi mo sa kakaputak, umisip ka na lang ng paraan kung paano mababawi ang Sigma at matalo si Osmalik!

GEN. ANGELES: Tama na yang bangayan niyo! Walang mangyayari kung sisihan tayo ng sisihan! Sa ngayon kailangang higpitan pa natin ang seguridad ng Base, tsaka humanda sa anumang pagsalakay ng AXIS at ni Osmalik, siguradong may bago nanaman silang ihahandang atake gamit ang ninakaw nilang Sigma.

MALIN: Kuya Owen, may pag-asa pa bang maayos si Charlie?

OWEN: Malaki ang Damage niya. Kung sa Body, wala akong problema…pero medyo malabong maiayos ko pa ang Main Circuit Board niya….madaming piyesa ang nasira, ang tanging magagawa ko ay palitan ang buong System niya, yun nga lang, hindi na siya si Charlie 9 kundi isang panibagong Robot. Nag-iisa lang kasi ang Charlie 9 Circuit at walang Backup.

SCOTT: This is just terrible…

GEN. ANGELES: Sige, magpahinga na kayo…Dismissed.

Umalis na sa Lab ang lahat at nagpahinga sa kani-kanilang mga silid.
___________________________________________

Sa isang ilang na lugar….

Naroroon si Osmalik at nagpapahinga kasama ang Odiah Ultimus. Masaya ang mandirigma dahil sa wakas ay nakuha na niya ang Sigma.

OSMALIK: He he he! Sa wakas ay napasaakin ka rin, Sigma. Oras na para gamitin ka para mas lalo pa akong lumakas at ng sa ganon ay wala ng makakatalo pa sa akin!

Binuksan ni Osmalik ang kanyang Circuit Compartment na nasa gawing dibdib. Dahil sa halos kalahati ng kanyang katawan ay makina, maipapasok niya ang Sigma Drive sa loob ng kanyang dibdib.

Ngunit…..

“Anong ginagawa mo?!”

Nagulat si Osmalik sa narinig na tinig. Paglingon niya ay nakita niya si Megiddus at tinutukan siya ng malaking patalim.

OSMALIK: Oh, Megiddus, ikaw pala.

MEGIDDUS: Sinong nagsabi sa iyo na solohin mo iyang Sigma? Hindi ba’t nagkasundo kayo ni Master Ganelon na ibabahagi mo sa amin ang kapangyarihan niyan?

OSMALIK: Ganoon ba? Bakit, may naitulong ba kayo para makuha ko ito----oo nga pala, nagawa niyong ma-upgrade si Odiah….pero yun lang.

MEGIDDUS: Ang mabuti pa, dalhin mo yang Sigma sa Mega Base at nang magawa na natin ang ating plano!

OSMALIK: Sige, pero may kapalit….

MEGIDDUS: Ano naman?
____________________________________________

Nang hatinggabing iyon…..

Tulog na ang lahat ng nasa GAMMA Base, maliban kina Alice at Owen. Pilit nilang pinag-aaralan kung paano bubuhayin si Charlie 9. Lahat ng paraan na maiisip nila ay ginawa nila, ngunit hindi pa rin nila magawang buhayin ito muli. Kita sa kanilang hitsura ang puyat at pagnanais na maibalik sa dati ang batang robot.

ALICE: Hinalungkat ko na lahat ng Files, pero wala akong makitang compatible sa Charlie 9 Hardware.

OWEN: Yun nga ang problema eh, wala akong makitang malapit-lapit sa Charlie 9 Hardware na pwedeng ipalit sa nasirang bahagi niya.

ALICE: Di ko akalaing ililigtas niya ako mula sa kamatayan…kahit na halos wala siyang gaanong naitutulong sa Team….nakakapanlumo.

OWEN: Pero kailangang maibalik natin siya sa dati kahit anong mangyari. Siya ang nagpapasaya sa Team, siya ang isa sa mga unang robot na naimbento ko pagpasok ko ng GAMMA.

Habang kinukumpuni si Charlie, napansin ni Owen ang Case na lagyanan ng Sigma, saka kinuha ito. Tiningnan lang ito ni Owen, kahit na wala ng laman ito.

OWEN: Napakasama talaga ng taong iyon.

ALICE: Hindi siya tao, isa siyang Cyborg.

OWEN: Kahit ano pa, kailangang maiganti natin si Charlie. Kahit mapasakanya pa ang Sigma, hindi tayo papatalo sa kanya. Hindi man tayo mga mandirigma kagaya ng Gammarangers, lalaban tayo sa paraang alam natin.

Napatingin ng makahulugan si Alice kay Owen.

ALICE: Alam mo, sa tagal nating magkasama dito, ngayon ko lang narinig sa iyo ang mga salitang iyan. Nakakapanibago ka, he he he.

OWEN: Dahil sa nangyari kanina, mas lumakas ang pagnanais kong lumaban para sa kaligtasan ng lahat.

Maya-maya ay pumasok sa Lab si Malin dala ang manika niyang si Mei-Mei.

ALICE: Oh Malin, bakit gising ka pa?

MALIN: Hindi ako makatulog….hindi ko pa rin kasi masikmura ang nangyari kay Charlie ko.

Kaagad lumapit si Malin at hinawakan ang sirang robot.

OWEN: Napamahal na sa iyo si Charlie ano?

MALIN: Siya lang kasi ang nagpapasaya dito, tsaka ang cute-cute kasi niya. Silang dalawa ni Mei-Mei ang mga babies ko.

ALICE: Huwag kang mag-alala…babalik din si Charlie.

OWEN: Ibabalik naming siya, pangako iyan.

MALIN: Salamat sa inyo…sana nga maibalik pa siya….hindi na magiging tulad ng dati kapag wala na siya.
__________________________________________

AXIS Mega Base……

Naroroon ang lahat ng matataas na opisyal ng AXIS upang masilayan ang dalang Sigma ni Osmalik. Naroroon si Osmalik at nakaluhod sa gitna ng bulwagan sa harapan ni Ganelon.

GANELON: Osmalik, alam kong nagtagumpay kang mapasakamay ang Sigma. Ngayon ay ipakita mo sa amin ang bagong sandatang iyan.

Ipinakita ni Osmalik ang Sigma.

OSMALIK: Narito ang hinahanap niyong Sigma.

Pinagmasdan din ito maging ng ibang Heneral.

DYMARO: Mukhang isa lamang itong ordinaryong Hard Drive.

NECROMA: Wala rin akong nakikitang espesyal dito.

CALYX: Ano ba ang meron sa Sigma na iyan?

Si Megiddus ay tahimik lang na nakikinig.

GANELON: Magsitigil kayo. Osmalik, ang mabuti pa ay ipaliwanag mo kung ano ang mayroon sa bagay na iyan.

OSMALIK: Ayaw ko sanang ibahagi sa inyo, pero dahil mapilit kayo, sasabihin ko na. Ang Sigma ay isang Weapons Program kung saan naglalaman ito ng isang Armor Configuration taglay ang pinakamalalakas na sandata. Ginawa ito ng isang sundalong imbentor upang dalhin sana sa GAMMA, ngunit sa kasamaang palad ay napasaakin ito.

NECROMA: Armor Configuration?

DYMARO: Kung ganon, ibig bang sabihin, kapag naipasok sa isang Cyborg na katulad natin ang bagay na iyan, lalong lalakas ang kapangyarihan ng may taglay niyan?

OSMALIK: Eksakto. Kaya kapag taglay ng isang Cyborg ang Sigma, siya ay magiging pinakamakapangyarihan sa lahat, na kahit ang Gammarangers ay walang magawa.

GANELON: Kung ganon,ibigay mo sa amin ang kapangyarihang iyan…

OSMALIK: Ibabahagi ko sa inyo ito….pero sa isang kundisyon.

CALYX: Bakit may kundisyon pa?

Naglakad si Ganelon palapit kay Osmalik.

GANELON: At anong kundisyon naman?

OSMALIK: Kung ayos lang sa inyo, gawin niyo akong pangalawang pinakamataas sa inyong Imperyo.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Osmalik. Napakunot-noo naman si Ganelon.

DYMARO: Anong sabi mo?! Sino ka para sabihin iyan?!
NECROMA: Ang kapal ng pagmumukha mo! Wala kang respeto!
CALYX: Ambisyoso ka!!!

GANELON: At bakit ko naman gagawin iyon? Sino ka ba sa akala mo?

Sa wakas ay nagsalita si Megiddus.

MEGIDDUS: Panginoon, hawak niya ang susi sa ating tagumpay. Sa tingin ko ay nararapat lang na bigyan niyo siya ng gantimpala.

CALYX: Master Megiddus?! Bakit kumakampi kayo sa kaniya?

Saglit na nag-isip si Ganelon.

Susugod si Dymaro kay Osmalik.

DYMARO: Walang hiya ka!

OSMALIK: (sabay labas ng Light Saber) Sige! Aangal ka? Baka gusto mong gawin kitang Chicharon!

GANELON: Tigil! Osmalik, siguraduhin mo na matatalo mo na sa wakas ang Gammarangers. Kapag nagawa mo iyon, sige gagawin ko ang iyong kahilingan. Ngunit kapag nabigo ka, alam mo na ang mangyayari sa iyo!

OSMALIK: Naiintindihan ko po.

GANELON: Magaling kung ganon. Ngayon ibigay mo ang Sigma sa akin at nang maibahagi namin sa inyong lahat. Ipapa-upgrade natin ang lahat ng ating mga sandata, upang madali na nating matatalo ang Gammarangers! Sa ngayon, maglalabas muna tayo ng isang Terrozoid upang pagurin sila ….kapag napagod na sila at nahigop ang kanilang lakas, doon tayo magpapakita!

Maya-maya pa ay dumating si Corvus sa bulwagan.

CORVUS: Wahoohoo! Wahoohoo! Namiss kita Osmalik! Yiheee!!! Idol talaga kita ahihihi!

Nabanas naman ang lahat ng heneral ng AXIS. Natawa naman si Osmalik.
___________________________________________

Pagsanjan, Laguna, 9:11

Masaya ang mga bakasyonista na nagbababad sa Pagsanjan Falls. Marami sa kanila ay nasa ilalim mismo ng talon ay nagpapakasasa sa malakas na bagsak ng tubig. Ang iba naman ay kumakain sa tabi ng ilog na malapit sa Falls, habang ang iba naman ay nakasakay sa balsa ay sinasagwan ang tubig.

TURISTA 1: Ang sarap dito, sana next year dito tayo ulit.
TURISTA 2: Oo nga, tara dive tayo! Woooo!!!
TURISTA 3: Ang linaw ng tubig oh, ang lakas pa ng daloy ng Falls!

May mga bata na kumukuha ng kung anu-ano sa mababaw na bahagi ng tubig.

BATA 1: Wow andaming susó! Sarap ilaga ng mga ito!
BATA 2: Hoy banda dito mas madami!

Sumama naman ang una sa kasama at lumapit sila sa isang maliit na kweba malapit sa Falls….at paglapit nila, may napansin silang isang kakaibang bagay.

BATA 1: Uy ano iyon? May dalawang maliit na ilaw oh.
BATA 2: Tara puntahan natin.

Lumapit ang dalawang bata sa nasabing bagay. Medyo nagulat sila nang makita ito.

BATA 2: Ay, isang malaking susó!
BATA 1: Grabe sobrang laki naman niyan.
BATA 2: Ano, kukunin ba natin iyan?
BATA 1: Ano ka ba, masyadong malaki iyan! Di natin kaya iyan!
BATA 2: Pambihira ka naman, pwede natin pagkakitaan yan! Sa laki niyan, ibebenta natin yan sa malaking halaga, para may pang-DOTA na tayo araw-araw!
BATA 1: Oo nga ano. Tara pagtulungan natin!

Sabik na lumapit ang dalawa sa higanteng susó….nang biglang….

“RAAAAAAAARRRRR!!!!”

MGA BATA: AAAAAAAHHHH!!!!
__________________________________________

Nagulat naman ang mga bakasyonista sa narinig na sigaw mula sa maliit na kweba.

TURISTA 1: Teka, boses ng bata iyon ah!
TURISTA 2: Tara puntahan natin, baka kung ano na ang nangyari doon!

Kaagad tumakbo ang mga ito papunta sa maliit na kweba, at papasok pa lang sila nang bumungad sa kanila ang isang nakakapangilabot na nilalang….

TURISTA 1: AAAAHHHH!!!!
TURISTA 2: TAKBOOOOO!!!!

Isang malaking Robotic Monster na anyong susó. Isa nanamang Terrozoid na likha ng AXIS. Siya ay si Molluskazoid, at bitbit niya ang dalawang patay na bata na hinigupan niya ng lakas.

Mabilis na tumakbo ang mga turista palayo sa Falls, ngunit mabilis silang nahabol ni Molluskazoid at idinikit ang nguso sa likuran ng biktima. Pagkahigop ng lakas nito, ibinalibag niya ang patay at nalantang turista.
_________________________________________

RED ALERT! RED ALERT! INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!

Pagkarinig ng Alarm, kaagad pumasok ang anim na Gammarangers sa Database.

PAOLO: Anong meron?

ALICE: Isang AXIS Terrozoid ang nanggugulo ngayon sa Pagsanjan, Laguna…malapit sa Pagsanjan Falls.

MALIN: Yuck, mukha siyang Snail!

JAKE: Kahit ano pa hitsura niyan, todas sa amin iyan!

GEN. ANGELES: Huwag kayong makampante Rangers. Ang Terrozoid na iyan ay kayang humigop ng lakas ng kahit na anong nilalang upang lalong lumakas. Kaya kailangan ng ibayong pag-iingat. Pumunta na kayo doon, on the double!

GAMMARANGERS: (sumaludo) Roger!

Kaagad umalis ang anim at sumakay sa kani-kanilang mga Patrol Vehicles papunta sa lokasyon ng kalaban.

GEN. ANGELES: Alice, nasaan si Owen?

ALICE: Nasa Lab po, pilit pa ring inaayos si Charlie.

GEN. ANGELES: Bakit pa ba niya pinag-aaksayahan ng panahon ang pagkumpuni kay Charlie? Mas importante ang Operation natin ngayon. May ibang araw naman para ayusin ang robot.

ALICE: Sandali lang po, tatawagin ko po siya.

Nagpunta sa GAMMA Lab si Alice upang tawagin si Owen.
__________________________________________

Mabilis na nakarating ang mga Gammarangers sa lokasyon ni Molluskazoid. Pagdating nila, nagkakagulo na ang mga tagaroon dahil sa pagsalakay ng halimaw. Kita rin nila ang mga rumespondeng awtoridad para pigilan ang halimaw.

Kaagad bumaba sa kanilang Patrol Vehicles ang anim.

JAKE: Nasaan na ang kalaban?
PAOLO: Hanapin natin!

Kaagad ginamit ni Paolo ang kanyang GPS Scanner para mahanap ang eksaktong lokasyon ng halimaw.

PAOLO: Nandun siya! Malapit sa Plaza!
BRIAN: Tara na!

Tumakbo sila papunta sa Plaza, at gulat sila sa nakita….si Molluskazoid, hawak ang dalawang bangkay ng babae na katatapos lang higupin ang lakas.

ABBY: Mukhang marami ng napatay ang halimaw na iyan!
SCOTT: Let’s bring this Barnacle Head back to Bikini Bottom!
JAKE: Magbihis na tayo!
ALL: Roger! GAMMAMODE, ACTIVATE!

At nagbagong-anyo na ang anim at naging Gammarangers. Kaagad nabuhayan ng loob ang mga tagaroon nang makitang may lumalaban na sa mapaminsalang halimaw.
___________________________________________

AXIS Mega Base….

Saksi ang buong AXIS sa pakikipaglaban ng mga Gammarangers kay Molluskazoid.

OSMALIK: Magaling…umaayon lahat sa plano.

NECROMA: Oras na mahigop ni Molluskazoid ang lakas ng mga iyan, saka na tayo kikilos para tapusin sila ng tuluyan.

MEGIDDUS: At doon na natin gagamitin an gating pinakabagong panlaban.

Tahimik lang na nanonood si Ganelon.
____________________________________________

UDF GAMMA Base….

Matamang pinapanood ni Alice si Owen sa ginagawa nito.

ALICE: Owen, kagabi ka pa diyan. Pinapatawag ka na ni Gen. Angeles dahil mas importante ang labanan ngayon ng Rangers.

OWEN: Hindi ako titigil hangga’t hindi ko naaayos si Charlie.

ALICE: May ibang araw pa naman para maayos siya. Tara na!

OWEN: (nainis) Sige na nga!

Lumabas na sa Lab si Alice. Sa kakamadali naman ay nasagi ni Owen ang isang Box at nahulog. Ito ang Box na lalagyan ng Sigma na nakuha ni Osmalik.

OWEN: Haynaku….nandito pa pala ito. Dapat itapon ko na ito.

Itatapon na sana niya ang Box nang may malaglag na Disc mula dito. Kaagad na pinulot ito ni Owen.

OWEN: Teka, di ko alam na may disc palang laman ang box na ito, akala ko Hard Drive lang. Hmmm…ma-check nga.

Kaagad ipinasok ni Owen ang Disc sa Lab Control Board, at nagulat siya sa nakita.

OWEN: Ooohhhh---!!!
__________________________________________

Samantala, hirap na hirap naman ang anim na Gammarangers sa pakikipaglaban kay Molluskazoid. Napatumba sa kalsada ang anim habang dahan-dahang papalapit sa kanila ang halimaw.

GAMMA GREEN: Grabe, ngayon lang ako nakaharap ng ganito kalakas na Terrozoid!

GAMMA BLUE: Di na ako magtataka kung bakit marami na siyang napapatay na tao.

GAMMA PATRIOT: Nakakapanghina….di ko akalaing bababa ang Pyrronium Level ko.

GAMMA YELLOW: Pero di ako papayag na mananalo ang Snail na iyan! Yaaaaahhh!!!

Kaagad sumugod si Gamma Yellow papunta kay Molluskazoid.

GAMMA VIO: Malin, wait!

Ngunit hinampas lang siya ni Molluskazoid. Ilang sandali pa ay biglang sinunggaban ni Molluskazoid si Gamma Yellow at saka dumikit sa katawan nito.

GAMMA RED: Bitawan mo siya!

Sumugod ang limang Gammarangers sa halimaw ngunit naglabas ng nakakamatay na likido sa mga ito na ikinasaktan nila. Ilang sandali pa ay sinimulan ng hinigop ni Molluskazoid ang lakas ni Gamma Yellow.

GAMMA YELLOW: Aaaaaaahhhh!!!!

GAMMA VIO: Malin! Noooo!!!

Hindi makabangon ang lima dahil sa bagsik ng likidong ibinuga ni Molluskazoid. Ilang minute pa, binitawan na ni Molluskazoid ang Ranger, bumalik ito sa pagiging Malin at hinang-hina.

GAMMA GREEN: Anong ginawa mo sa kanya?!
GAMMA VIO: Damn you Barnacle Head!

Sabay na umatake sina Gamma Green at Gamma Vio, ngunit bumuga ulit ng likido ang halimaw. Pagkatumba ng dalawang Ranger, sinunggaban di niya ang mga ito at hinigop ang kapangyarihan. Bumalik sa pagiging Abby at Scott ang dalawa at medyo namumutla na.

GAMMA BLUE: Delikado….tumba na ang mga kasama natin.
GAMMA RED: Malas! Wala bang ibang paraan para mapigilan siya?
GAMMA PATRIOT: Sabay-sabay natin siyang sugurin!

Sabay-sabay sumugod ang tatlong natitirang Gammarangers kay Molluskazoid, gamit ang kanilang Daggers ay pinagtataga nila ang halimaw ngunit walang epekto. Bigla niyang hinablot si Gamma Blue tsaka itinapon sa isang pader at nawasak. Hindi pa nakakatayo ay sinunggaban na siya ni Molluskazoid at saka sinipsip din ang lakas. Pagkatapos ay iniwan niya ang Ranger na nagging Brian ulit at maputla na.

Nagulat naman sina Gamma Red at Gamma Patriot habang tumatayo.

GAMMA PATRIOT: Imposible! Nagawa niyang mahigop ang lakas ng mga kasama natin!

GAMMA RED: Mukhang tayo na lang ang natitirang lalaban sa susóng iyan!....Pao, handa ka bang isugal ang buhay mo para matalo ang halimaw na iyan?

GAMMA PATRIOT: Basta para sa kaligtasan ng lahat, handa akong mamatay! Laban na!

Kaagad pumwesto ang dalawa at inihanda ang kanilang mga baril.

GAMMA RED: G-Magnum!
GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver Rifle Mode!

Pinagbabaril ng dalawa si Molluskazoid habang patuloy na lumalapit ito. Bumuga ulit ito ng nakamamatay na likido. Kaagad namang nakailag ang dalawa.

GAMMA RED: Tapusin na natin siya bago pa tuluyang mahigop ng susóng iyan ang lakas natin!

GAMMA PATRIOT: Tama!

GAMMA RED: G-Magnum Full Power!
GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver Maximum Intensity!

Ngunit biglang…..

BAAAAAAAANNNGGG!!!!!

GAMMA RED / GAMMA PATRIOT: AAAAAHHHH!!!!

Bago pa sila makapag-atake, bigla silang tinamaan ng malakas na pagsabog mula sa kung saan. Napatilapon ang dalawa.

GAMMA RED: Saan galing iyon?
GAMMA PATRIOT: Ang lakas non….Uhhhh…

Nang humupa ang usok….nagimbal sila sa mga dumating na nilalang….dahan-dahang lumalakad papunta sa kanila sina Osmalik, Megiddus, Necroma, Dymaro at Calyx, nagbago na ang kanilang mga anyo at tila mas lumakas pa sila. Habang ang apat pang nanghihinang Rangers ay pilit tumatayo at lumalapit sa kanilang mga kasamahan.

GAMMA PATRIOT: Teka….sila ba iyan? Ang…AXIS?
GAMMA RED: Pero….bakit nagbago na ang itsura nila?

Nagsalita si Osmalik.

OSMALIK: Ha ha ha ha! Kumusta, Gammarangers? Mukhang pagod na pagod na kayo sa pakikipaglaro kay Molluskazoid. Sayang naman, gusto pa man din naming makipaglaro sa inyo.

Tumayo sina Gamma Red at Gamma Patriot habang mahinang nakipag-regroup naman sina Brian, Abby, Scott at Malin.

MEGIDDUS: Masdan niyo, hindi ba kayo nagagandahan sa aming bagong anyo? Sayang naman at gusto sana naming makipaglaro gamit an gaming bagong laruan.

BRIAN: (nanghihina) Laruan?

OSMALIK: Tama. Ito ang nagagawa ng Sigma na ibinigay niyo sa amin. Pagmasdan niyo, nakakatakot di ba? Salamat sa inyong katangahan ay maipapakita na naming sa inyo ang kapangyarihang ipinamigay ninyo….

CALYX: Gaya nito!

BRAAATATATATATATAT!!!

Bumuka ang dibdib ni Calyx at lumabas ang mga malalakas na Machine Bullets mula sa kanyang dalawang breast. Mabuti na lang at gumawa ng Pyrronium Shield si Gamma Patriot para hindi matamaan nito. Ngunit dahil limitado na lang ang lakas niya, hindi rin nagtagal ang Shield.

DYMARO: Eto pa!!! Raaaaaa!!!!

BANG-BANG-BANG-BANG-!!!

Bumuka ang mga braso ni Dymaro at naglabas ng malalakas na Bazooka. Kahit anong iwas ng anim ay natatamaan pa rin sila.

NECROMA: Ako naman!

Sumabay pa si Necroma na naglabas ng isang Electron Gun mula sa bibig at bumuga ng malakas na Electron Waves sa anim, lalong nasaktan ang mga ito sa natanggap na pinsala.

MEGIDDUS: Gusto niyo pa? Eto ang sa inyo!

BOOM! BOOM! BOOM! BOOM!

Naglabas ng malalaking Mega-Launchers si Megiddus mula sa kanyang balikat at sunud-sunod na pinagbabaril ang mga kawawang Rangers.

SCOTT: (humihingal) This…is….too much….
MALIN: Hindi ko na kayaaaa….
ABBY: Yan ba? Yan ba ang nagagawa ng Sigma?
BRIAN: Hindi na ako makalaban pa….

GAMMA RED: (humihingal) Hanggang dito na lang ba tayo?
GAMMA PATRIOT: Tama naaa….

OSMALIK: Anong tama na? Ni hindi pa nga kami nag-iinit eh….ngayon ako naman….

Mula sa kanyang kamay ay lumabas ang isang malaking Giga-Sniper, bumuo ito ng isang malaking Energy Ball…napaatras naman ang anim na sundalo sa nakikita.

OSMALIK: Tikman niyo ito!

ZOOOOOOOMMMM!!!!
BOOOOOOOMMMM!!!!

Biglang ibinuga ni Osmalik ito sa mga Rangers, napatilapon sila sa ere t bumagsak sa kalsada. Bumalik sa pagiging Jake at Paolo sina Gamma Red at Gamma Patriot, habang hindi na rin makakilos pa sina Brian, Abby, Scott at Malin.

Dahan-dahang naglalakad papunta sa kanila sina Osmalik, Megiddus, Necroma, Dymaro, Calyx at si Molluskazoid.

OSMALIK: Sample pa lang iyan! Ha ha ha ha!!!
_____________________________________________

ALICE: Delikado na po ang sitwasyong Rangers Sir. Wala na silang natitirang lakas para lumaban pa.

GEN. ANGELES: Hindi ko akalaing gagamitin nila sa ganyan ang Sigma….Alice, i-teleport mo muna ang Rangers, mukhang hindi na sila makakalaban pa…magpapadala na muna tayo ng Temporary Forces diyan….

ALICE: Okay Sir….

“Sandali lang!”

Nagulat naman sina Gen. Angeles at Alice sa tinig na narinig. Pumasok si Owen sa loob ng Database.

ALICE: Bakit ngayon ka lang? Kita mo ng hirap na hirap ang mga kasamahan natin, habang ikaw, nag-aaksaya ka pa rin ng oras doon!

OWEN: Oo nga, pero mas maganda kung ang pinag-aaksayahan ko ng oras ay makakatulong sa iba, hindi ba?.

Napatingin ulit sina Gen. Angeles at Alice kay Owen na tila nagtataka.

GEN. ANGELES: Anong ibig mong sabihin?
ALICE: Huh?
__________________________________________

Nakahandusay ngayon ang anim na Rangers at wala ng lakas para lumaban. Nagkapasa-pasa na at duguan ang kanilang katawan, hapong-hapo at wala ng lakas pang lumaban. Nagatingala sila ngayon sa anim na malalakas na kampon ng AXIS…

JAKE: Malas…..malas!

OSMALIK: Ha ha ha ha! Paano iyan, mukhang ito na ang inyong huling hantungan….Mga kasama, sama-sama nating tuldukan ang pakikialam ng Gammarangers sa ating mga plano!

Kaagad inihanda ng anim na kampon ng AXIS ang kanilang mga sandata at pinaikutan ang anim na Rangers.

MALIN: Mommy ko….
SCOTT: Oh good Lord….please forgive us for our sins…
ABBY: Paalam, mga kasama….
BRIAN: Hindi….
PAOLO: Dad, patawad ko….nabigo kami….
JAKE: (napapikit) Paalam, Earth….

AXIS GENERALS: PAALAM, GAMMARANGERS!!!

BOOOOOOOOMMMM!!!!

Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa lahat ng naroroon. Napatilapon ang lahat sa biglang pagdating nito.

NECROMA: Ano iyon?!
MEGIDDUS: Sinong may gawa non?!

At biglang….

ZOOOM!!!
ZAAAP!!!
BAAAAMMM!!!

Mabilis na inatake ng isang malakas na liwanag ang anim na kampon ng AXIS at napatilapon ang mga ito. Gulat na gulat naman ang anim na sundalo.

ABBY: Anong nangyayari?
BRIAN: Ano ang liwanag na iyan?

Ilang saglit pa ay tumigil sa pag-atake ang liwanag. Hindi pa nakuntento ay naglabas pa ito ng malalakas na Light Beams sa mga kalaban at sumabog. Bagsak ang anim na kalaban.

AXIS FORCES: AAAAARRRHGGGGHHH!!!!

CALYX: Ang lakas non!
DYMARO: Anong klaseng kapangyarihan iyon!
OSMALIK: Sino ang may gawa non?!

Nang lumapag sa isang gusali ay nakita ng lahat ang nilalang….isang bagong mandirigma ang dumating….



Itutuloy…..