Monday, December 17, 2012

Mission 24: Labanan sa Nayon





Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________


Ang nakaraan sa United Defense Force Gammaranger….

Isang malaking AXIS Terrozoid ang naghasik ng lagim sa Siruma, Camarines Sur, ang bayan ni Jake. Dahil dito ay naatasan si Jake ni Gen. Angeles na iligtas ang nasabing bayan mula sa halimaw. Kasama si Abby ay umuwi ang lalaki sa kanilang bayan at muling nakasama ang kaniyang pamilya. Muling umatake ang halimaw na si Piranhazoid, kaya kaagad kumilos sina Jake at Abby upang harapin ang halimaw, habang naiwan naman sa kanilang bahay ang pamilya Fonseca.

Subalit nang bumalik ang dalawa…wala na ang pamilya ni Jake, na siyang ikinagalit nito. Mas nagulat siya nang magpakita si Balaam at sinabing hawak niya ang buhay ng pamilya niya. Napagkaisahan nina Jake at Abby na maghiwalay, haharapin ni Abby si Piranhazoid habang ililigtas naman ni Jake ang pamilya niya.

Sa kasamaang palad ay nahirapan si Abby na labanan si Piranhazoid, habang humarang naman si Balaam kay Jake…nagsimula na ring malagay sa panganib ang pamilya Fonseca….

Mission 24: Labanan sa Nayon

Apak-apak ni Balaam si Gamma Red habang tinututukan siya ng patalim.

BALAAM: Paano yan, umaandar na ang pader ng kamatayan sa loob ng kweba. Anumang oras ay mamamatay na ang pamilya mo! Habang si Piranhazoid naman ay patuloy na naghahasik ng lagim sa inyong bayan. Wala ka ng magagawa!

GAMMA RED: Nagmamakaawa ako sa iyo Balaam….Huwag mo silang patayin, maawa ka….

BALAAM: Ang AXIS ay hindi marunong maawa! Kaya tatapusin na kita!

Itinaas ni Balaam ang kanyang sandata at akmang isasaksak kay Gamma Red…..

GAMMA RED: G-Magnum!!!

Mula sa Leg Armor ay lumabas ang G-Magnum nang hindi hinahawakan ng kamay. Napatulak si Balaam dahil sa lakas ng putok….

BALAAM: Ayos ka rin! Nakuha mo pang makaisip ng diskarte kahit dehadong-dehado ka na!

Sabay tumayo si Gamma Red.

GAMMA RED: Hah! Ganun talaga pag bida! Nagpapabugbog muna!

BALAAM: Ibang klase ka….pero kahit anong gawin mo hindi mo na maililigtas ang pamilya mo!

GAMMA RED: Puro ka putak! Hindi ko na patatagalin ito! Kailangang mailigtas ko ang aking pamilya! Kaya uunahin na kita!!!.......GAMMA BAYONET FORM!!!

Binuo ni Gamma Red ang Gamma Bayonet sabay sugod kay Balaam, muli silang naglaban ng matindi….
_________________________________________

Unti-unting lumalapit ang Death Wall sa pamilya Fonseca….

JENNIELYN:  Diyos ko….maawa po Kayo sa amin…..

JAYSON: Kailangang makaisip ng paraan habang wala si Kuya….

Bigla namang namutla at nagkombulsyon ang tatay nila….

NANAY: Diyos ko…Rodrigo!!!

Gusto man niyang yakapin ang asawa ay hindi niya magawa dahil nakakadena siya.

Lalong nabalot din sa takot ang mga anak ni Jennielyn…

BATA 1: Mamaaaa…..huhuhuhu….

BATA 2: Mama tatakot ako…..huhuhu…..

BATA 3: Ayoko po dito Mamaaaaa……

JENNIELYN: (umiiyak) Mga anak….! Wag kayong matakot…Magdasal lang tayo kay Papa Jesus….tsaka tiwala akong ililigtas tayo ng Tito Jake niyo…..

Sa kabila ng mga sinabi ng ina, hindi pa rin nawala ang takot ng magkakapatid….

JENNIELYN: Manalig lang tayo kay Lord….hindi niya tayo pababayaan!

NANAY: Mahabaging Diyos….Iligtas niyo po kami…..

JAYSON: Konti na lang at mapipisa na tayo dito…..kailangang makaisip ng paraan!

Sa isang tabi ay may nakitang kapirasong kahoy si Jayson. Biglang may pumasok sa isip nito.

JAYSON: Alam ko na!
________________________________________

Nasa balag na ng alanganin si Abby dahil sa pagkakahawak sa kanya ni Piranhazoid. Sakal siya ngayon ng halimaw habang itinaas siya sa ere. Wala na ang kanyang Morphing Badge at ang kanyang Communicator….wala na siyang magagawa.

ABBY: Ugghh….Sana dumating na silaaa……

Akmang titirahin na siya ni Piranhazoid…..

BAAAAAAAANNNNGGGG!!!!!

Natamaan ng malakas na Blast si Piranhazoid at nabitawan si Abby. Napahiga siya…at nang lumingon pataas….

“PASENSYA NA, NAHULI KAMI.”

ABBY: Guys!

Dumating sina Gamma Blue, Gamma Vio at Gamma Yellow sa eksena.

GAMMA BLUE: Di ka namin ma-contact, nahirapan kaming hanapan ka ng signal. Yun pala natapon ang Communicator mo.

ABBY: Buti na lang pala na-activate ko ang Tracking Device ng Communicator.

GAMMA VIO: Seems this monster is so terrible!

GAMMA YELLOW: Ate Abby, transform ka na!

ABBY: Okay!

Habang umatake ang tatlo sa halimaw ay pinulot ni Abby ang Morphing Badge.

ABBY: Okay makapagbihis na nga…..GAMMAMODE, ACTIVATE!

Isang iglap lang ay naging Gamma Green na si Abby.

GAMMA GREEN: Okay, kailangang mailigpit na ang isdang yan!

GAMMA BLUE: Guys, Activate Gamma Bayonets!

Kaagad binuo ng apat ang kanilang mga Gamma Bayonets at sumugod kay Piranhazoid.
______________________________________

JAYSON: Kailangang maitukod ko ang kahoy na iyan sa pader!

Dahil nakakadena sa kweba ang mga kamay niya, naisip ni Jayson na gamitin ang mga paa upang mailagay ang kahoy sa pagitan ng pader nila at ng Death Wall.

NANAY: Jayson, kaya mo yan…anak.

JENNIELYN: Gawin mo lang, Jayson.

JAYSON: Eto na.

Sinipa ni Jayson ang kahoy at ipinwesto ito, itinukod nito ang kahoy sa pader…nang unti-unting lumalapit ang Death Wall…..

JAYSON: Sana umubra….

Tama nga si Jayson. Napahinto ang Death Wall gawa ng kahoy na nakatukod.

JENNIELYN: Nagawa mo bunso!

NANAY: Diyos ko salamat….

JAYSON: Ngayon habang nakahinto ang pader, kailangang makaalis tayo sa mga kadenang ito!
______________________________________

Kapwa pagod na pagod ang naglalabang mga nilalang na sina Gamma Red at Balaam.

GAMMA RED: Hindi na dapat ako magsayang ng oras sa kakalaban sa iyo! Kailangang mailigtas ko ang pamilya ko!

BALAAM: Kahit manalo ka pa sa laban natin ay huli na para mailigtas mo sila!

GAMMA RED: Nakakabanas ka!!!! Yaaaaa!!!!

Sumugod si Gamma Red at lumundag paatake kay Balaam, ngunit isang malakas na Blast ang ibinato ng AXIS General sa Ranger.

GAMMA RED: Aaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!

Tinamaan si Gamma Red at nahulog. Namimilipit na siya sa sakit.

BALAAM: Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo….wala kang kwenta!!!

GAMMA RED: Uhhhh…..Hindi….maaari….

BALAAM: Hindi ko na pahahabain pa ang buhay mo!

Nang biglang……

“YAAAAAAAHHH!!!!”

SLAAASH!!!

BALAAM: Aaaaaaaaaaarrrggghhh!!!!!

Isang nilalang ang biglang tumaga sa likuran ni Balaam, kaya napaupo ang kalaban.

BALAAM: May istorbo nanaman?!

GAMMA RED: Huh?

Napalingon si Gamma Red sa nilalang….

GAMMA RED: Paolo!!!

Naroroon pala si Gamma Patriot.

GAMMA PATRIOT: Akala ko natodas ka na ng hinayupak na to. Buti na lang umaandar pa ang Tracking Device mo.

GAMMA RED: Buti na lang dumating ka! Nasaan ang iba?

GAMMA PATRIOT: Nasa Siruma, tinulungan si Abby na labanan ang halimaw.

BALAAM: Mga pangahas kayo!

GAMMA PATRIOT: Jake, mabuti pa iligtas mo na ang pamilya mo. Ako muna ang bahala sa panget na ito.

GAMMA RED: Sige! Salamat Tol!

Kaagad nagmadaling pumasok ng kuweba si Gamma Red upang mailigtas ang pamilya niya.

BALAAM: Saan ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos!!!

Ngunit humarang si Gamma Patriot.

GAMMA PATRIOT: Hep hep! Diyan ka lang! Ako muna ang labanan mo!

BALAAM: Grrrrrrrr…….
_____________________________________

JAYSON: Malas, hindi ko makalag ang mga kadena!

NANAY: Mahal na Birheng Santisima…..paano na ito….

JENNIELYN: Nakupo, tila nababali na ang kahoy na pantukod!

Lalong nagcollapse ang kanilang ama, habang lalo ring nabalot ng takot ang mga anak ni Jennielyn.

Mas lalong nagimbal ang lahat nang naputol na nga ang kahoy na pantukod sa Death Wall.

JAYSON: Nay….Tay….Ate….mga pamangkin….mukhang makakasama na po natin si San Pedro!

Biglang sumulong pa lalo ang Death Wall palapit sa kanila….Napapikit na lang ang buong pamilya na tila tanggap na ang parating na kamatayan….
.
.
.
.
.
BOOOOOOOOMMMM!!!!!

Nagulat ang lahat nang biglang mawasak ang Death Wall!

NANAY: Huh?

JENNIELYN: Nasira ang pader! Diyos ko salamat….

JAYSON: Huh, sino iyon?

Mula sa malayo ay may nakita silang isang nilalang na nababalot ng pulang armor at hawak ang isang baril na sandata.

NANAY: Sino iyon?

JENNIELYN: Parang kilala ko iyan…

BATA 1: Wow, si Iron Man!

BATA 2: Hindi, si Power Ranger yan!

BATA 3: Yehey, may Super Hero na nagligtas sa atin!

JAYSON: Sino ba siya?

Unti-unting lumalapit ang nilalang at nagsalita.

“BUTI NA LANG HINDI KAYO NAPISA”

NANAY: Teka, kilala ko ang boses na iyan….

JENNIELYN: Boses yan ni…

JAYSON: Kuya? Ikaw ba iyan?

Si Gamma Red nga ang nilalang na sumira ng Death Wall.

GAMMA RED: Ha ha ha, mukhang hindi kayo sanay na may suot akong ganito.

JENNIELYN: Kung ganon, isa ka palang…..Gammaranger?

NANAY: Ikaw ba yung napapanood ko sa balita na tagapagtanggol ng bayan?

JAYSON: Kuya talaga, hindi mo man lang sinasabi sa amin!

GAMMA RED: Saka na ako magpapaliwanag, pero sa ngayon kailangang makaalis kayo dito! GAMMA DAGGER!

Inilabas ni Gamma Red ang kaniyang Gamma Dagger at pinagtataga ang mga kadena na gumagapos sa kaniyang pamilya.

NANAY: Naku maraming salamat anak….

BATA 1: Tito Jake!

BATA 2: Maraming salamat Tito!

BATA 3: Isa kang Superhero, Tito!

GAMMA RED: Tara na at lumabas na tayo dito!

At tumakbo ang buong mag-anak palabas ng kweba.
______________________________________

Kita kay Balaam na hirap na hirap siya kay Gamma Patriot. Nakaluhod siya ngayon at nanghihina.

GAMMA PATRIOT: Oh, ano inuupo-upo mo diyan? Akala ko ba tatapusin mo ako?

BALAAM: Malas……hindi pa ako tapos sa inyo….gaganti ako!

Biglang nag-teleport si Balaam at tumakas, ikinagulat ito ni Gamma Patriot.

GAMMA PATRIOT: Kahit kailan talaga duwag iyon.

Saktong lumabas na din ng kweba sina Gamma Red at ang pamilya Fonseca.

GAMMA RED: Paolo!

GAMMA PATRIOT: Jake! Buti naman at ligtas sila!

BATA 1: Wow, isa pang Super Hero!

JAYSON: Wow isa pang Gammaranger!

GAMMA RED: Siya nga pala si Paolo---

Ngunit biglang tumunog ang Communicator ni Gamma Red….si Gamma Blue ang nasa kabilang linya.

GAMMA RED: Oh Tavarez, ano problema?
________________________________________

GAMMA BLUE: Fonseca, delikado kami dito! Kelangan namin ng backup!
________________________________________

GAMMA RED: Copy that! Paano saka ko na kayo ipapakilala. Kailangang bumalik na tayo sa Siruma. CYCLONE PANTHER!

Walang anu-ano ay biglang dumating ang Cyclone Panther, ang sasakyan ni Gamma Red. Huminto ito sa kanilang tapat.

GAMMA RED: Nay, sumakay na po kayo dito, kayong lahat.

GAMMA PATRIOT: Sige hahabol na lang ako, may special technology ako para makarating kaagad doon.

GAMMA RED: Magaling kung ganon. Magkita na lang tayo doon.

Kaagad sumakay sa Cyclone Panther ang pamilya Fonseca at bumalik sa Siruma. Si Gamma Patriot naman ay gumamit ng Pyrronium Teleport upang makalipat sa Siruma.
_______________________________________

Sa kabilang dako, tila hirap na hirap pa rin ang apat na Gammarangers sa pakikipagsagupa kay Piranhazoid. Sa kabila ng pinagsama-sama nilang pwersa…tilapon sila ngayon sa paanan ng halimaw.

GAMMA BLUE: Grabe…di ko akalaing ganito pala ito kalakas!

GAMMA GREEN: Ako nga halos patayin na niyan eh…

GAMMA VIO: That fish is just incredible! We have no match for it!

GAMMA YELLOW: Grabe….nangunguluntoy na ako….naubos ang Energy ko….

Unti-unting lumalapit sa kanila si Piranhazoid, at napapaatras naman ang apat na Gammarangers.

GAMMA VIO: Now he’s coming toward us….

GAMMA BLUE: Kahit anong ibato natin sa kanya wala din….

GAMMA YELLOW: Yiiiih….

Susugod na sana si Piranhazoid….nang…..

BAAAAAAAAAGGGGGGG!!!!!

Biglang may sumagasa sa kanya. Napatilapon siya sa ere, habang pumreno naman ang sasakyang sumagasa…….ang Cyclone Panther.

GAMMA GREEN: Nandito na si Fonseca!

GAMMA BLUE: Salamat naman.

Kaagad bumukas ang sasakyan at bumaba si Gamma Red.

GAMMA RED: Ano ba yan, apat na nga kayo, hirap pa rin kayo sa Bisugong iyan?

GAMMA BLUE: Wag ka ngang mayabang diyan, pasalamat ka dumating kami.

GAMMA GREEN: Naku buti na lang at ligtas ang pamilya mo.

Lumingon si Gamma Red sa loob ng sasakyan.

GAMMA RED: Dito lang kayo. Wag kayong lalabas dito.

JENNIELYN: Sige, Jake.

JAYSON: Oo Kuya. Papanoorin ka naming makipaglaban.

Aalis na sana si Gamma Reed, nang pigilan siya ng nanay niya.

GAMMA RED: Nay?

NANAY: Mag-iingat ka anak. Patnubayan ka sana ng Poong Maykapal.

GAMMA RED: Si Nanay talaga….

At sinamahan na ni Gamma Red ang iba pang Rangers.

Ngayon ay nakatayo na ang limang Gammarangers laban kay Piranhazoid. Muli ay sumugod ang halimaw, ngunit…..

SLAAAAASSSHHHH!!!!

Biglang may tumaga ulit sa likuran ng halimaw……si Gamma Patriot gamit ang kanyang Pyrrovolver Blade Mode.

GAMMA YELLOW: Wow si Kuya Pao!

GAMMA VIO: Now we’re back to six!

GAMMA RED: Okay, buo na ang tropa!

GAMMA PATRIOT: Na-late ba ako sa party?

Sa sobrang sakit ay hirap makatayo si Piranhazoid.

GAMMA RED: Guys, gawin na nating Escabeche yan! Form Gamma Bayonets!

Binuo ng limang Rangers ang kanilang mga Gamma Bayonets. Habang inihanda naman ni Gamma Patriot ang kanyang Pyrrovolver.

GAMMARANGERS: Bayonets Rifle Mode! Lock-on Target!
GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver Maximum Power!

ALL: FIRE!!!

BAAAAAAAAAANNNNGGGGG!!!!!

Isang malakas na Blast ang bumulaga kay Piranhazoid, sa pagkakataong ito ay hind na niya mailagan ang pwersang ito kaya….

BOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMM!!!!!!

_______________________________________

JAYSON: Yehey! Natalo nila ang halimaw!

JENNIELYN: Ang galing!

MGA BATA: Yehey!

NANAY: Galing mo Anak.
_______________________________________

Sa isang tagong dako ay namasdan ng sugatang si Balaam ang pagsabog ni Piranhazoid.

BALAAM: Hindi pa tapos…..Yaaaah!!!

Inihagis niya ng malakas ang isang GEAR Spider sa pinagsabugan ni Piranhazoid….at sa isang iglap lang….biglang nabuhay ito at lumaki.
________________________________________

NANAY: Diyos por Santo….ano nanaman iyan?

Biglang nahimatay ang kanilang ina.

JENNIELYN: Nay! Diyusmiyo naman…Inay!

JAYSON: Nabuhay ulit ang halimaw!

JENNIELYN: At lumaki pa! Diyos ko….nakaka-trauma na ang mga pangyayaring ito….

Kaagad namang pinaypay ni Jayson ang ina.

JENNIELYN: Ang dating napapanood lang natin sa balita, narito at nakikita na natin….
_________________________________________

Ang buong bayan naman ng Siruma ay nagulat din sa nasaksihan. Lalo silang nabalit ng takot sa paglaki ng halimaw na gumagambala sa kanilang pamumuhay. Ngayon lang sila nakasaksi ng ganitong pangyayari.
_________________________________________

GAMMA RED: Hindi na talaga natuto ang AXIS. Gammachines Launch!

GAMMA PATRIOT: Desert Panzer, On Line!

Kaagad namang dumating ang anim na Gammachines ng Gammarangers.

GAMMARANGERS: Teleport On!

Nagteleport sila papunta sa kani-kanilang mga sasakyan.

GAMMA RED: Guys Gammatron Time!
GAMMARANGERS: Alright! Integrate Gammatron!

GAMMA PATRIOT: Patriot Titan Activate!

Nagsanib ang limang Gammachines upang mabuo si Gammatron, habang ang Desert Panzer naman ay nagbagong anyo at naging Patriot Titan.

GAMMARANGERS: Gammatron Initializing…..
GAMMA PATRIOT: Patriot Titan Complete!
_______________________________________

JAYSON: Woooww asteeeg!!! Ngayon lang ako nakakita ng higanteng robot sa personal!

JENNIELYN: Ano ba itong mga nangyayari….

Wala pa ring malay ang ina nila.
________________________________________

Saksi naman ang buong bayan ng Siruma sa nagaganap na labanan ng mga higante. Nananalig sina na sana ay magtagumpay ang Gammarangers laban kay Piranhazoid.
_________________________________________

GAMMA RED: Pao, pagtulungan na natin ito!

GAMMA PATRIOT: Roger!

Sumugod ang dalawang GAMMA Robots sa Piranhazoid at pinagtulungang suntukin ito.

GAMMA PATRIOT: Jake, wag na nating patagalin ito!

GAMMA RED: Sinabi mo pa! Falcon Blazer Take-off!

Mula sa ere ay lumipad ang Falcon Blazer at nagpakawala ng sunud-sunod na atake….

GAMMA RED: Form Falcon Gammatron!

Nakipagsanib naman ang Falcon Blazer sa Gammatron upang maging Falcon Gammatron.

GAMMA PATRIOT: Patriot Titan Heavy Arms Mode!

Inilabas lahat ng Patriot Titan ang mga armas nito sa katawan….

GAMMA RED: Okay, Falcon Blaze Striker!
GAMMA PATRIOT: Titan Juggernaut!
ALL: FIIRREEE!!!

Pinagsama ng dalawang robots ang kanilang lakas upang patumbahin si Piranhazoid…..

BOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!!

GAMMA RED: Ha ha ha, natapos din!

GAMMA PATRIOT: Oo nga….
.
.
.
.Ngunit mali sila……

Nang humupa ang usok, nagulat sila nang makitang buhay pa si Piranhazoid.

GAMMA RED: Potek!
GAMMA BLUE: Hindi!
GAMMA GREEN: Buhay pa?!
GAMMA VIO: But we spent all our energy!
GAMMA YELLOW: Hell no!

GAMMA PATRIOT: Imposible!

Tila lalo pang lumakas si Piranhazoid at sumugod sa dalawang robots. Pinagtataga niya ang mga ito gamit ang palikpik. Nagawa pa niyang kagatin ang Patriot Titan at masira ang kamay nito.

GAMMA PATRIOT: Aaaaaaaaahhh!!!!

Bigla nitong binuhat ang Patriot Titan at ibinato sa Gammatron.

GAMMARANGERS: Aaaaaaaaaahhh!!!!
______________________________________

JENNIELYN: Diyos ko…..hindi nila matalo ang halimaw….ito na ba ang katapusan natin?

MGA BATA: Hu hu hu…..Tito Jake….

JAYSON: Huwag kayong mawalan ng pag-asa! Tiwala ako kay Kuya at sa Gammarangers! Tinulungan nila tayo, kaya tulungan natin sila….ang tanging maitutulong natin ay magdasal! Tutulungan ng Diyos ang Gammarangers na talunin ang kalaban!

Tumango naman si Jennielyn….

JENNIELYN: Mga anak, sundan niyo si Tito Jayson….magdadasal tayo kay Papa Jesus na sana matalo ang halimaw

MGA BATA: Opo Mama….

At nagsimula na ngang magdasal ang pamilya Fonseca…wala pa ring malay ang kanilang nanay at ama….
_______________________________________

Napapanood naman ng sambayanan ng Siruma ang pagsira ni Piranhazoid sa dalawang GAMMA Robots. Tila nawawala na rin ang pag-asa nila na matatalo pa ang halimaw dahil nakita nila kung paanong pagpagin lang nito ang pwersa ng mga robots.

Ngunit isang tao ang biglang nagsalita.

LALAKI: Mga kababayan, tatayo na lang ba tayo dito at manonood? Ginagawa nia ang lahat upang mailigtas tayo! Ngayon ay pagkakataon na natin upang tulungan sila! Palakasin natin ang loob nila! Magdasal tayo para sa ikatatagumpay nila!

Tila sumang-ayon naman ang lahat.

Kaagad na nag-alay ng dasal ang buong Siruma.
________________________________________

GAMMA PATRIOT: Nauubos na ang lakas ng Titan…..malapit nang maging zero…

GAMMA RED: Kahit dito….mukhang wala na ring maibubuga ang Gammatron….

Nakahiga ang dalawang robots habang lumalapit ulit si Piranhazoid.

GAMMA GREEN: Ano na ang gagawin natin ngayon?

GAMMA BLUE: Kailangang umisip ng paraan.

GAMMA RED: Hindi tayo susuko…maraming umaasa sa atin….lalaban tayo!

Pilit tumatayo ng Gammatron….ngunit isang sipa ang sinalubong ni Piranhazoid.

RANGERS: Aaaaaaaaahhhhh!!!!

Walang anu-ano ay biglang lumitaw sa Screen Panel si Owen.

GAMMA PATRIOT: Owen?!

GAMMARANGERS: Owen!
________________________________________

OWEN: Rangers, alam ko na kung paano niyo matatalo ang halimaw! Kaliangang magsanib pwersa kayo!
________________________________________

GAMMA RED: Anong ibig mong sabihin?
________________________________________

Magcocombine ang Gammatron at ang Patriot Titan! Sandali lang at iuupload ko ang Program sa inyong mga robots para makapagsanib kayo.
_______________________________________

GAMMA PATRIOT: Magandang ideya yan!

GAMMA RED: Ayos! Sige Owen, maraming salamat!

Ilang sandali pa ay dumating na nga ang Program na kailangan upang mabuo ang dalawang robots.

GAMMA VIO: Patriot Gammatron Configuration? Sounds cool!

GAMMA RED: Pao, gamitin na natin!

GAMMA PATRIOT: Okay Jake!

GAMMARANGERS: FORM PATRIOT GAMMATRON!!!

Nagsanib na ang Patriot Titan at ang Gammatron…..at ilang saglit pa…..ay nabuo ang isang napakalaki at napakalakas na Super Robot.

“Patriot Gammatron Systems Ready” sabi ng female voice alarm ng bagong cockpit.

GAMMA YELLOW: Wow! Mas Bongga!!!
GAMMA VIO: So this is what is looks like.
GAMMA GREEN: Ang galing! Maximum na ulit ang Energy Levels!
GAMMA BLUE: Magkakasama na tayong lahat sa iisang cockpit.
GAMMA PATRIOT: Lupit nito!
GAMMA RED: Ngayon humanda ka Bisugo!
_________________________________________

JAYSON: Ate, tignan mo, nagsanib ang dalawang robot! Asteeg!

JENNIELYN: Oo nga, nakakamangha!

JAYSON: Kuya tapusin niyo na yan!
_________________________________________

Nagsimula ng lumakad ang Patriot Gammatron….nagpakawala ng atake si Piranhazoid, ngunit hindi natinag ang Super Robot.

GAMMA RED: Ha ha ha! Waepek yan!

Sumuntok at sumipa pa ang halimaw ngunit hindi pa rin tinablan ang Patriot Gammatron.

GAMMA PATRIOT: Jake, ano pa ang hinihintay natin?

GAMMA RED: Inaanalyze ko pa ang Weapons Menu nito…..okay ito na lang ang gamitin natin!
PATRIOT GAMMATRON TURBULENT FUSION!!!

Isang napakalaki at napakalakas na enerhiya ang biglang inilabas ng Patriot Gammatron….

GAMMARANGERS: TURBULENT FUSION……..UNLEASH!!!!

At ibinato na ng robot ang kakaibang pwersang ito kay Piranhazoid…..at…..

BBBBBOOOOOOOOOOOOMMMMMMMM!!!!!!!!!!!
_____________________________________

JAYSON: Nagawa nila!

JENNIELYN: Yehey!

MGA BATA: Yehey! Panalo si Tito Jake!!!

Unti-unti na ring nagkaroon ng malay ang ina nila.

NANAY: Anong nangyari?

JAYSON: Nay, tapos na po! Panalo si Kuya!

NANAY: Naku, salamat sa Diyos!
________________________________________

Nagdiwang din ang buong bayan ng Siruma sa pagkakapanalo ng Gammarangers.
_________________________________________

Makalipas ang dalawang araw, dahil sa nangyaring tagumpay, isang malakihang selebrasyon ang idinaos ng buong bayan. Tila isang piyestang nayon ang idinaos nila. May parada, saganang pagkain at iba’t-iba pang kasiyahan ang ginanap sa bayang iyon.

Sa tahanan ng mga Fonseca…..masayang kumakain ng handa ang buong pamilya, kasama ang Gammarangers.

ABBY: Ang sarap po ng luto niyo, Nay!

BRIAN: Oo nga!

SCOTT: Wow I really love lechon!

MALIN: Wow sarap ng puto!

PAOLO: Ang saya-saya po dito.

NANAY: Naku, kumain langkayo ng kumain. Pasasalamat namin iyan sa inyo, sa pagligtas niyo sa bayang ito mula sa halimaw. Naku Anak, kung alam mo lang, masayang-masaya ang tatay mo….kita ko sa mga mata niya.

JAKE: Sayang nga po at hindi sya makakain ng ganito.

JENNIELYN: Dahil sa inyo kaya bumalik ang sigla dito sa amin.

JAKE: Basta nandito kami, walang makakapaghasik ng lagim dito.

JAYSON: Kaya nga idol na idol kita Kuya. Darating ang araw, magiging Ranger din ako tulad mo!

JAKE: Paano mangyayari yun, e lalampa-lampa ka! Mabuti pa bumili ka ng soft drinks sa tindahan, dali!

JAYSON: Kuya naman…..

Nagtawanan naman ang lahat….natapos ang selebrasyon na masayang-masaya ang lahat…..


Itutuloy………