Sunday, December 9, 2012

Mission 23: Ang Bayang Sinilangan





Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________


 Siruma, Camarines Sur, 13:37

Ang Siruma ay isang bayan na nasa dulo na ng Camarines Sur. Malapit ito sa baybaying dagat kung saan halos pangingisda ang ikinabubuhay ng mga mamamayan. Payapa ang pamumuhay ng mga tao dito, malayo sa lungsod at hindi gaanong nakikitaan ng modernisasyon.

Isang umaga, may dalawang mangingisda na pumalaot sa dalampasigan at naghahanda ng manghuli ng isda habang dala ang kanilang mga lambat.

LALAKI 1: Pare, sana makarami tayo ngayong araw.

LALAKI 2: Oo nga eh, wala gaano mahuli nitong mga nakaraang araw. Wala tuloy ako kita.

LALAKI 1: Ako nga kelangan ko makarami para may maipagamot ako sa anak ko.

LALAKI 2: Tara na, pumalaot na tayo.

At pumalaot na nga sa dagat ang dalawa. Nang mga 100 metro na ang layo nila mula sa dalampasigan ay inihulog na nila ang kanilang mga lambat at matiyagang naghintay ng mahuhuli. Hindi nagtagal….

LALAKI 1: Aba, biglang may humihila ng lambat! Mukhang eto na yun pare!

LALAKI 2: Tulungan na kita pare!

Nagtulungan ang dalawa na hilahin ang lambat, ngunit tila hindi nila mahila ito, bagkus ay parang sila ang hinihila ng kanilang hinuli.

LALAKI 1: Mukhang madami ito ah, di natin kakayanin ito!

LALAKI 2: Hindi pare, mukhang---

Hanggang sa hilahin sila pababa ng nahuli….

MGA LALAKI: Aaaaaahhhhhh!!!!!

Nagulat ang dalawa nang mahulog sila sa bangka at malubog sa dagat….lalo silang nagulat nang makita nila sa ilalim ang bagay na kanilang hinihila…..isang nakakapangilabot na nilalang…..halimaw na anyong Piranha.

Lumangoy ang dalawa palayo sa sobrang takot, ngunit hindi sila nakaligtas sa misteryosong halimaw. Nahuli sila at nilamon…..hanggang sa tuluyan na silang kainin ng buo.
___________________________________________

Mission 23: Ang Bayang Sinilangan

UDF Gamma Base…..

Pagkapasok pa lang ni Gen. Angeles sa Database, isang balita na ang biglang bumulaga sa kanya.

GEN. ANGELES: Alice, anong bagong update yan?

ALICE: Sir, nakakapangilabot na balita. May mga mangingisda ang hinihinalang kinain daw ng isang dambuhalang humanoid Piranha sa Camarines Sur. After the incident, the authorities are forcing the people there na mag-evacuate na. Patuloy na dumadami ang biktima ng creature na ito. I have a feeling na this is another AXIS Creation.

GEN. ANGELES: Saan ang exact location?

ALICE: Sa Area 107, Sector 46, South 35 Degress 13 Minutes East, sa Brgy. Bahao, sa bayan ng Siruma.

GEN. ANGELES: Siruma? Taga-doon si Fonseca!

ALICE: Ganon po ba?

GEN. ANGELES: Nasa panganib ang kanyang pamilya. Owen, pakitawag si Fonseca ngayon din.

OWEN: Opo.

Ilang saglit pa ay dumating sa Database si Jake.

JAKE: (sabay saludo) Sir, ipinatawag niyo po daw ako?

GEN. ANGELES: (sigh) Fonseca, gusto kong mapanood mo ito. Alice….

Inactivate ni Alice ang Screen sa Contol Panel ng Database. Doon nga niya napanood ang malawakang pagkakapaslang ng mga mangingisda sa bayan ng Siruma. Natulala si Jake sa napanood.

JAKE: Ang mga kababayan ko….sina Nanay….

GEN. ANGELES: Fonseca….

JAKE: Hindi….kailangan kong pumunta doon!

ALICE: Base sa nakalap kong info, naganap ito sa Brgy. Bahao.

JAKE: Bahao, malapit lang sa amin sa Tandoc! Kailangang bumalik ako doon! Kailangang maprotektahan ko ang pamilya ko at ang mga tao doon!

GEN. ANGELES: Kaya kita ipinatawag dahil nais kong ipadala ka doon. Yun ang magiging assignment mo. Kailangang masupil mo ang misteryosong nilalang na siyang pumapatay sa mga tao doon. Kung gusto mo ay magsama ka pa ng isa pang companion.

JAKE: Salamat po sa pagbigay niyo sa akin ng assignment na ito. Kailangang matigil na ang pananalasa ng nilalang na iyan kung ano man iyan. Sige po, kailangang maghanda na po ako.

GEN. ANGELES: Bweno, sino ang gusto mong isama?
_________________________________________

ABBY: Ano? Kasama ako sa assignment mo?

JAKE: He he he, oo naman. Bakit, ayaw mo?

ABBY: Bakit naman ako? Ba’t di si Brian, si Paolo?

JAKE: E gusto ko ikaw eh! Tsaka maganda doon, malayo sa sibilisasyon, malapit sa tabing-dagat, at makakapag-sunbathing ka doon. Gusto ko din makilala mo ang pamilya ko.

Sumabad si Malin.

MALIN: Uy sama ako! Gusto ko makakita ng kalabaw! At gusto ko rin mag-beach!

JAKE: Heh! Maiwan kayo dito. Baka kasi sumugod ulit ang AXIS eh di walang maiiwang ranger dito.

PAOLO: Ano ba ang operation na iyan, Jake?

JAKE: May misteryosong halimaw na nambibiktima ng mga mangingisda doon. Panigurado, AXIS ang may pakana nito.

BRIAN: Pero bakit sa lahat ng lugar ay ang hometown mo pa ang napiling paglagyan ng AXIS ng halimaw na iyan?

JAKE: Tingin ko ay dahil malayo siya sa Main Military Jurisdiction. Madali lang manalasa sa lugar na walang Military Security.

BRIAN: Mag-iingat kayo. At habang wala kayo, kami muna ang bahala dito.

SCOTT: Hope you enjoy your vacation, dude. Hey, bring some pasalubong when you come back!

ABBY: Ha ha ha, si Fonseca ang bahala doon. Chaperon lang ako.

JAKE: Paano, maghahanda na kami. Kapag may ibang pakulo nanaman ang AXIS, ikaw muna bahala, Pao.

PAOLO: Walang problema.

Tila nainis si Brian dahil imbes na siya ang pagkatiwalaan ni Jake, si Pao ang pinili niya.

MALIN: Ay, hindi ako kasama. (biglang tampo)

ABBY: Malin, Special Mission ito ni Fonseca. Mas mainam na siya ang lumutas nito dahil bayan niya iyon. Ako, extra lang ako.

JAKE: Huwag kayong mag-alala, kapag nadehado kami ni Abby, saka namin kayo tatawagan for back-up.

Nagsimula ng maghanda sina Jake at Abby para sa pagpunta nila sa Siruma, ang bayang pinagmulan ni Jake. Matapos iyon ay pumasok sila sa Database at nagpaalam na kay Gen. Angeles.

JAKE: Sir, mauna na po kami.

ABBY: Ready for duty Sir.

GEN. ANGELES: Mag-iingat kayo. Sana maniligtas niyo ang bayang iyon mula sa halimaw at nang hindi na madamay pa ang ibang lugar. Move!

Sumaludo na ang dalawa at lumabas. Bago sila sumakay ng Patrol Car, ay namili muna ng pasalubong si Jake sa isang Convenience Store.
_______________________________________

AXIS Mega Base……

Matapos mapanood ang pananalasa ni Piranhazoid….

BALAAM: Kita niyo po iyon, Panginoong Ganelon? Yan ang kayang gawin ni Piranhazoid. Isipin niyo na lang kung ang buong Pilipinas na ang kanyang mauubos, hindi ba’t madali na nating masasakop noon ang bansang iyan?

GANELON: Hmmmm…hindi muna ako magbibigay ng komento, hangga’t hindi ako nakakakita ng magandang resulta.

DYMARO: Tiyak naman na walang magiging magandang resulta ang Terrozoid mo, Balaam--

BALAAM: Tumahimik ka! Mas lalo namang wala kang naipakitang magandang resulta sa mga plano mo!

NECROMA: Kapag nagawa nang mapuksa ni Piranhazoid ang bayang iyan, ay isusunod niya ang iba pang lugar, hanggang sa unti-unti ay mawawalan na ng populasyon ang bansang ito at wala ng sasagabal sa ating mga plano. Maging ang Gammarangers ay magiging biktima din ni Piranhazoid.

CALYX: Hah, wala akong tiwala sa isdang iyan!

MEGIDDUS: Mabuti pa ay tignan natin ang mangyayari sa halimaw ni Balaam!

BALAAM: Aalis muna ako at pupunta doon, nang mamonitor ko ang activities ni Piranhazoid!
______________________________________

ABBY: Ang dami mo namang pinamili! (habang umiinom ng Energy Drink)

JAKE: Marami akong pinapalamon doon. Alam mo na, ganito talaga pag halos ako lang ang inaasahan ng pamilya.

Tila napahanga si Abby sa sinabi ni Jake. Sa kanila ng kagaspangan ng kanyang ugali, ay nakita niya gung kaano kamahal nito ang pamilya sa probinsya.

Matapos iyon ay sumakay na sila sa Patrol Car at pumunta na sa destinasyon.

Wala pang isang oras ay narating nila ang Siruma. Pansin nila na halos walang tao sa paligid.

JAKE: Nasaan ang mga tao dito?

ABBY: Baka nasa loob ng kanilang bahay. Baka natatakot para sa kanilang kaligtasan. O di kaya e nagsilikas na sila.

JAKE: Nagmukha na tuloy Ghost Town dito. Malabong magsilikas sila ng ganon kabilis. Tingin ko hindi pa umaalis ang pamilya ko.

ABBY: Nga pala Fonseca, malayo pa ba ang bahay ninyo?

JAKE: Malapit na. Nandito na tayo sa amin sa Tandoc.

Ilang minuto pa ay huminto sila sa tapat ng isang bahay na mukhang pinagsamang nipa at hollow blocks.

JAKE: Nandito na tayo.

Bumaba sila sa sasakyan dala ang pasalubong.

JAKE: Nay! Nay! Tao pooooo!

May mga matang dumungaw sa bintana, na kaagad na nagmadaling umalis. Ilantg saglit pa ay may bumukas ng pinto. Isang binatang lalaki ang bumungad sa dalawa.

BINATA: Kuya!

JAKE: Jayson!

Sabik na nagyakapan ang dalawa.

JAYSON: Kuya, musta ka na?

JAKE: Ha ha ha! Balita sa iyo Tol? Langhiya ka, payatot ka pa rin! Damihan mo naman kinakain mo!

JAYSON: Ayos naman kuya. Ikaw talaga alaskador ka pa rin (bumaling sa bahay) Nay! Tay! Ate! Nandito si Kuya!

Biglang nagsilabasan ang mga taong nakatira sa bahay na iyon. Lumabas ang nanay ni Jake, pati na rin ang kanyang Ate Jennielyn.

NANAY: Jacob, anak!

JENNIELYN: Aba, nandito ka pala! He he he may babatukan nanaman ako.

JAKE: Nay! Ate!

Masaya nilang sinalubong ang binatang sundalo. Si Abby naman ay nanood na lang sa pagsasamang muli ng pamilya. Kaagad na nagmano si Jake sa nanay niya.

NANAY: Kumusta ka na Anak? Mabuti na lang at umuwi ka.

JAKE: Kelangan po e. May operation po kasi kami dito….Siyanga pala, pinapakilala ko po sa inyo si Abby, ang partner ko po.

Kaagad nagmano si Abby sa nanay ni Jake.

ABBY: Kumusta po kayo?

NANAY: God Bless you Ineng.

JAYSON: Kuya, bakit di ka man lang nagsabi na may syota ka na pala----

BOOOOGGGGG!!!!

Inupakan ni Jake ang ulo ni Jayson pagkarinig nito. Kita rin sa mukha ni Jake ang pamumula.

JAKE: Hindi ko siya syota, gago!

ABBY: Eh?

JAYSON: Aray ko po…..joke lang naman Kuya e.

POOOOOKKKK!!!!

Bigla naman sinapok si Jake ni Jennielyn.

JENNIELYN: Hoy Jacob! Wag mo ngang sinasaktan ang kapatid mo! Gusto mo matadyak dyan?

JAKE: Sorry na Ate. (kita ang takot ni Jake sa kanyang Ate) E siya naman nauna e.

Natawa naman si Abby sa nakitang mga pangyayari.

ABBY: Mukhang ang saya po ng pamilya ninyo.

NANAY: Naku Ineng, ganyan talaga ang magkakapatid na iyan. Siyanga pala, hindi ka nga ba kasintahan ng Jake ko?

Namula si Abby sa narinig.

JAKE: Inay naman, pati ba naman kayo? Magkaibigan lang kami ni Abby.

NANAY: Naku Anak, ang tanda-randa mo na, wala ka pang syota?! Alam mo namang sabik na akong magkaroon ng apo galing sa iyo. Sumasakit na ulo ko sa mga anak ng Ate Jen mo.

JENNIELYN: Inay naman!

JAKE: Haynaku, mabuti pa doon na tayo sa loob.

Nang nasa loob na sila ng bahay, kaagad namigay ng pasalubong si Jake.

JAKE: Hoy Jayson, eto, Footlong.

JAYSON: Uy salamat Kuya.

JAKE: Ate Jen, Donut para sa inyo ng mga pamangkin ko.

JENNIELYN: Naku salamat Jake.

May biglang lumapit kay Jake na tatlong batang maliit. Mga anak ito ni Jennielyn. Akmang nakapalad ang mga ito at humihingi ng pera.

BATA 1: Tito Jake…penge pepey……

BATA 2: Tito Jake….hehehe.

BATA 3: Hi Tito…

JAKE: Ha ha ha! Ang lalaki niyo na. (bumunot sa pitaka ng tatlong 50 pesos) O hayan. Bilhin niyo na gusto niyo. Sagot kayo ni Tito!

TATLONG BATA: Salamat po Tito….

Kaagad lumapit ang tatlo kay Abby.

BATA 1: Good morning po! Bagay po kayo ni Tito Jake!

ABBY: Ano?

JAKE: Hoy Butoy, anong pinagsasasabi mo?

ABBY: Mabuti pa maglaro tayo!

BATA 2: Sige po!

Nakipaglaro si Abby sa mga pamangkin ni Jake.

JENNIELYN: Pasensya ka na Jake, kung pati sa iyo e inaasa ko ang mga anak ko.

JAKE: Wala iyon Ate. Mas okay na ito kesa sa kasama mo ang tarantado mong asawa. Bigla ka na lang iniwan sa ere nun e. Kung nakita ko iyon baka pinagsusuntok ko ang gago. Basag ang bungo nun sa akin!

JAYSON: Naku tama ka Kuya. Walang kwenta ang taong iyon sa totoo lang.

JAKE: Hoy Jayson, kumusta naman ang pag-aaral mo? Graduating ka na ng High School.

JAYSON: Okay naman Kuya. Pagkagraduate ko, gusto ko rin pumasok sa PMA tulad mo.

JAKE: Paano ka papasok doon? Bata, bawal ang iyakin at lelembot-lembot doon! Palagi ka nga umuuwi sa bahay na umiiyak kasi binubully ka ng mga kaeskwela mo! Lumaban ka kasi!

JAYSON: Pero gusto ko rin kasi humawak ng baril at magsuot ng uniporme gaya mo.

JAKE: Mabuti pa, sundin mo na lang ang gusto ni Nanay, mag-doktor ka na lang.

JAYSON: Ayoko Kuya. Gusto ko rin maging sundalo, para makaganti ako sa mga nang-aapi sa akin.

JAKE: Gunggong, wag na wag mo gagamitin ang pagsusundalo para makaganti ka!

NANAY: Tama na nga iyan mga Anak.

JAKE: Nay, musta na po si Tatay?

NANAY: Ayun, medyo mabuti naman ang lagay. Mabuti nga nagpapadala ka buwan-buwan ng pambili ng gamot niya. Ayun nasa kwarto niya nagpapahinga. Tara.

JAKE: Abby, tara samahan mo ako. Ipapakilala kita kay Tatay.

ABBY: Oh.

Umakyat sa itaas sina Jake, Abby at ang Nanay niya upang makita ang ama. Pumasok sa kwarto ang tatlo.

NANAY: Rodrigo, nandito ang anak mo.

Tila walang reaksiyon ang ama ni Jake. Tulala lang ito at hindi gumagalaw. Nagka-stroke kasi siya isang taon na, pagkatapos magretiro bilang sundalo. Nagmano si Jake sa ama.

JAKE: Tay, musta na po? Sensya na kung matagal na ako hindi umuuwi dito. Eto nga po pala si Abby, kaibigan ko.

Nagmano si Abby sa ama, wala pa ring reaction ang matanda.

Tila naaawa si Abby sa lagay ng ama ni Jake. Doon niya nakita ang mabuting side ng pagkatao ni Jake, ang pagiging isang mabuting anak.

ABBY: Ano po ang nangyari sa kanya?

NANAY: Isang taon na kasi nakakaraan nung ma-stroke siya. Alam mo na, sigarilyo at alak.

Tila tinamaan si Jake sa sinabi ng ina, mabisyo din kasi siya.

JAKE: Sana dire-derecho na ang paggaling ni Tatay. Pero sa ngayon, kailangang pag-usapan natin ang dahilan ng pag-uwi ko.
_______________________________________

Sa hapag-kainan…..habang kumakain ng tanghalian ay nag-uusap ang pamilya tungkol sa pagsalakay ng halimaw.

JAKE: Kung ganon, marami na din palang napatay ang halimaw na iyon?

JAYSON: Oo kuya, kaya napilitang ikansela ang klase namin eh. Grabe ang nangyayari dito. Hindi namin alam kung saan nanggaling ang halimaw.

NANAY: Sa tagal ko ng naninirahan dito, ngayon lang ako nakabalita ng ganyan kakila-kilabot na bagay. Eto nga at naghahanda na kami lumikas baka anumang oras e sumalakay ulit ang halimaw.

JENNIELYN: Pati tuloy ang kabuhayan ng mga tao dito naapektuhan dahil sa pangyayari.

ABBY: Tuwing anong oras po ba sumasalakay ang  halimaw?

NANAY: Naku iba-iba, minsan umaga, minsan gabi, kaya nga di kami mapakali eh, kasi anumang oras e pwede kaming mamatay.

JAKE: Huwag kayong mag-alala, kami ni Abby ang bahala sa kasong ito---

Nang biglang…..

EEEEEEEEEHHHHHHHHH!!!!!

JAKE: Ano iyon?

JAYSON: Baka sumalakay nanaman ang halimaw!

JAKE: Abby, maiwan ka dito, bantayan mo sina Nanay! Ako ang haharap sa halimaw.

ABBY: Sige!

JAYSON: Kuya sama ako!

JAKE: Gago maiwan ka dito! Samahan mo magbantay si Abby!

Mabilis na lumabas ng bahay si Jake upang tignan ang nangyari.

Lingid sa kanilang kaalaman, may nagmamasid na nilalang malapit sa bahay nila……si Balaam.

BALAAM: Dito pala nakatira si Gamma Red. Pagkakataon nga naman. He he he!

Tumakbo si Jake papunta sa pinagmulan ng sigaw, napahinto siya nang may makita siyang isang grupo ng mga tanod na tumatakbo sa kanilang buhay. Mga tauhan pala ito ng Barangay Tandoc na nais mahuli ang halimaw…..tinanong ni Jake ang tumatakbong tanod.

JAKE: Ano iyon?

TANOD: Ang halimaw! Tumakbo ka na!

Pero tumuloy lang si Jake, at doon nga niya nakita ang isang grupo ng mga tanod na isa-isang napapahandusay sa buhangin at naliligo sa dugo…..ngunit hindi niya makita ang halimaw!

JAKE: Hah? Grabe ang halimaw na iyon! Ang dami niyang napatay!....Pero nasaan ang halimaw?

Nagtataka man ay naging alerto lang si Jake sa pag-abang sa halimaw. Binunot niya ang Laser Rifle nito. Dahan-dahan siyang naglakad…..
.
.
.
.
.

RRRRROOOOOOAAAARRRRRR!!!!!

JAKE: Shit!

May sumunggab bigla kay Jake mula sa likod! Nagulat ang lalaki at hindi makapalag. Dinaganan na siya ng halimaw na si Piranhazoid.

JAKE: Putragis! Ang lakas nito!

Nang lalapain na ng halimaw si Jake, kaagad siyang nagpaputok ng Laser Rifle sa tiyan nito, dahilan upang tumalsik ang halimaw at mapalapag sa buhangin.

JAKE: Walang hiya ka, muntik mo na akong gawing Kilawin!......GAMMAMODE, ACTIVATE!

Pagkasabi ng mga katagang iyon ay nagbagong-anyo na si Jake bilang Gamma Red. Ngunit hindi pa nakakapaghanda ay sumugod na agad si Piranhazoid, na ikinagulat ni Gamma Red.

GAMMA RED: Anong--?!

Sinunggaban ulit ni Piranhazoid si Gamma Red. Gamit ang matatalim na ngipin nito ay sinusubukang kagatin nito si Gamma Red, ngunit kahit balot ng Metallic Armor ang Ranger ay bumabaon pa rin dito ang mga ngipin ng halimaw.

GAMMA RED: Aaaaahhhh!!!!

Pagkatapos ay hinampas ng halimaw ang likod ni Gamma Red, napadapa ang Ranger.

GAMMA RED: Ang tindi nito! Ang tatalim ng ngipin!.....Gamma Dagger!

Kaagad lumundag si Gamma at akmang tatagain ang kalaban, ngunit naglabas ng matatalim na palikpik si Piranhazoid at nadale si Gamma Red.

GAMMA RED: Aaaaaaaaaahhhhh!!!!!

Mula naman sa isang tagong alugar ay lihim na nanonood si Balaam.

BALAAM: Ha ha ha! Kahit ano pa ang gawin mo ay hindi mo kaya si Piranhazoid.

Unti-unti ay lumalapit si Piranhazoid kay Gamma Red. Dahil tila hindi kayang mag-isa ni Gamma Red ang halimaw….

GAMMA RED: (inactivate ang communicator) Abby….Abby…do you read me?
___________________________________

ABBY: Oo Fonseca! Anong balita diyan?
___________________________________

GAMMA RED: Kelangan ko ng backup dito! Masyadong malakas ang halimaw!
___________________________________

ABBY: Copy! (bumaling sa pamilya) Nay, wag na wag po kayong lalabas ng bahay. Dito lang po kayo Tutulungan ko po muna si Jake na puksain ang halimaw.

NANAY: Sige Ineng.

At umalis na rin si Abby upang tulungan si Jake.

JENNIELYN: Diyos ko, sana hindi sila mapahamak…..

NANAY: Ipagdasal na lang natin ang kaligtasan nila….

Ngunit tila may biglang pumasok sa bahay ng mga Fonseca.

JAYSON: May tao! Sino kaya ito?

NANAY: Jayson, tignan mo muna….

Ngunit hindi pa man nakakalapit sa pintuan si Jayson, ay bigla nang bumukas ang pinto!

JAYSON: Sino ka?!
_____________________________________

Binuhat bigla ni Piranhazoid si Gamma Red at anyong itatapon.

GAMMA RED: Yari ako sa Bisugong ito….

Nang itatapon na sana ni Piranhazoid si Gamma Red….

“G-BOOSTER!!!!!”

BAAAAANNNGGGG!!!!!

Tinamaan ng G-Booster si Piranhazoid at nabitawan si Gamma Red.

GAMMA RED: Abby!

GAMMA GREEN: Ayos ka lang ba Fonseca?

GAMMA RED: Halos mabutas ang Armor ko!

Bumangon ulit si Piranhazoid upang gumanti sa dalawa.

GAMMA RED: Bayonet time!

GAMMA GREEN: Sige!

GAMMA RED: Form Gamma Bayonets!

Pinagdugtong nila ang G-Firearms at Gamma Daggers upang mabuo ang Gamma Bayonets. Lumundag sila sabay atake kay Piranhazoid. Salit-salitan nilang pinagtataga ang halimaw. Sa bilis ng atake ng dalaang Ranges, tila lito ang halimaw na lumaban.

GAMMA RED/GAMMA GREEN: Gamma Bayonets Rifle Mode! Full Power!......FIRE!!!

Isang putok ng Gamma Bayonets ay napinsala si Piranhazoid…ngunit hindi tuluyang napatay. Mabilis na tumakbo ang halimaw at bumalik sa dagat.

GAMMA RED: Bumalik ka dito, Bisugo!

GAMMA GREEN: Fonseca, bumalik na tayo sa bahay!

Nag-power down sila at tumakbo pabalik sa bahay ng mga Fonseca…ngunit pagkapasok nila, nagulat sila na wala ng tao dito! Napansin din nila na magulo ang bahay at may mga bahaging nasira.

JAKE: Nay!......Tay!......Ate!......Jayson!

ABBY: Iniwan ko lang sila dito. Naghabilin ako na wag na wag silang lalabas.

JAKE: Nasaan na sila? Hindi maganda ang kutob ko dito….

ABBY: Parang pinasukan ng bagyo ang bahay.

JAKE: Diyos ko nasaan na sila?

Nang biglang…..

BAAAAANNNGGGG!!!!

Nagulat ang dalawa sa putok na iyon. Kaagad silang umilag at dumapa.

JAKE: Ano iyon?

Nang lumingon sila sa itaas…..

“HA HA HA HA HAAAAA!!!!”

ABBY: Balaam?!

BALAAM: Gulat kayo, ano?!

JAKE: Hayop ka!!! Anong ginawa mo sa pamilya ko?!

BALAAM: Ginawa? Ha ha ha ha! Wala naman, dinala ko lang sila sa isang tahimik na lugar….

JAKE: RAAAAAAAAAAAAA!!!!

Sumugod si Jake at susuntukin si Balaam, ngunit isang Magnetic Shield ang humarang dito, dahilan upang mabangga dito si Jake at mapatilapon.

JAKE: Napakawalang hiya mo!!! Walang kinalaman ang pamilya ko dito!

BALAAM: Wag kang mag-alala, sa ngayon ay nasa mabuti silang kalagayan….masdan mo ito.

May binuksang Warp si Balaam at doon nga nakita nina Jake at Abby ang kalagayan ng pamilya Fonseca. Nasa isang kweba sila at nakakadena. Ngunit sa harapan nila ay may isang pader na may mga talim.

BALAAM: Sa loob ng isang oras ay lalapit sa kanila unti-unti ang pader na iyan, hanggang sa tuluyan na silang mapisa! Bwahahahahaha!!!

JAKE: Napakasama mo!!!

BALAAM: Mamili ka….ililigtas mo ang bayang ito o ang pamilya mo? Kapag tinalo mo si Piranhazoid, alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo! Ha ha ha ha ha!!!

Ilang saglit pa ay nag-Teleport na si Balaam.

Unti-unti ay nangilid ang luha sa mga mata ni Jake. Sinuntok nito ang pader na semento.

JAKE: Peste!!! Bakit kailangang madamay ng pamilya ko….anong kasalanan nila?

Lumapit si Abby at hinawakan ang balikat ni Jake.

ABBY: Fonseca, huminahon ka. Maililigtas din natin sila.

JAKE: Pero kapag niligtas natin sila, uubusin ng halimaw ang bayang ito.

ABBY: May awa ang Diyos. May paraan para mailigtas natin sila at ang bayang ito.

Napalingon si Jake kay Abby.

JAKE: Sana nga….sana nga may paraan.

ABBY: Kung gusto mo, ako ang magbabantay sa halimaw, ikaw ang magliligtas sa pamilya mo. Kung hindi ko kakayanin, tatawagin ko ang team para sa backup.

Napangiti si Jake sa sinabi ni Abby.

JAKE: Ang talino mo talaga.

Ngiti din ang ginanti ni Abby.
_______________________________________

Gamit ang GPS Tracking Device ay hinanap ni Jake ang location ng kanyang pamilya. Tila hirap pa rin madetect ng device ang kanilang kinaroroonan.

JAKE: Lintek na….bakit hindi ko sila madetect? Saan sila, sa ilalim ng lupa?

Ngunit ilang sandali pa ay tumunog ang alarm ng Detector.

JAKE: Eto na iyon! Malapit na pala ako! 103 meters away from the area.

Sakay ng Patrol Car ay sinundan ni Jake ang direction ng Detector at nang malapit na siya sa location.

JAKE: Tama! Nandito nga sila. Sa kwebang iyon.

Bumaba ng sasakyan si Jake at tatakbo papunta sa kweba…..ngunit

BAAAAAAAAAH!!!

Hinarang siya ng isang batalyong mga Neo-Omnicrons.

JAKE: Anak ng ampaw naman oh! Hindi ba kayo nauubos?

Wala ng ibang choice si Jake kundi labanan ang mga ito.
________________________________________

Samantala, sa loob ng kweba….

Wala pa ring malay ang mga biktimang kakakadena….ngunit ilang saglit pa ay nagising ang isa sa kanila….si Jayson.

JAYSON: Uhhhh…….nasaan tayo? Bakit nakakadena kami?

Binaling niya ang tingin sa mga kapamilya.

JAYSON: Nay! Tay! Ate! Mga pamangkin! Gising kayo!

Isa-isang nagising ang mga ito.

NANAY: Nasaan tayo? Bakit nakakadena tayo?

JENNIELYN: Si Jacob, nasaan siya?

Nagising din ang mga anak ni Jennielyn na nabalot ng takot sa nangyari sa kanila. Habang ang ama naman ay tila wala pa ring reaction.

NANAY: Diyos ko ano ba itong nangyari sa atin?

JENNIELYN: Tingnan niyo sa harapan!

Nagimbal lalo sila sa bumungad sa kanilang harapan…..isang pader na may mga patalim.

JAYSON: Lagot! Kung hindi tayo makakawala dito, mapipisa tayo ng pader na iyan! Kailangang gumawa ng paraan para makatakas!

NANAY: Sana dumating na si Jacob para iligtas tayo…

JENNIELYN: Ang problema, alam kaya niya kung nasaan tayo?

JAYSON: Kilala ko si Kuya, hindi titigil iyon hangga’t hindi niya tayo naililigtas, kahit saksakan ng yabang iyon, alam ko kung gaano nya tayo kamahal. Hindi niya tayo pababayaan! Pero sa ngayon, kailangang humanap tayo ng paraan upang makawala dito.
________________________________________

Samantala…..patuloy ang pag-abang ni Abby sa halimaw. Nasa may dalampasigan siya at inaabangan ang paglitaw nito, habang hawak ang Laser Pistol.

ABBY: Ang tagal naman ng halimaw……sana magtagumpay si Fonseca.

Lumapit pa ng konti si Abby sa dalampasigan. Tinitignan ang mga alon sa dagat, baka sakaling lumitaw ang halimaw.

Saglit na katahimikan…..
.
.
.
.
.
.
RRRROOOOOOAAAAAARRRRRRR!!!!!!

ABBY: Hah?!

Biglang may sumagpang sa likod ni Abby….si Piranhazoid. Mali ang akala niya dahil hindi nanggaling sa dagat ito.

Ngayon ay nakapada si Abby habang nasa likuran niya ang halimaw. Halos masagi siya ng mga ngipin ng Terrozoid kaya nagkagalos sa kanyang balat.

ABBY: Bitawan mo ako!!!

BAAAAAANNNGGG!!!!

Napatalsik si Piranhazoid matapos mabaril ng Laser Pistol ni Abby na nakatalikod. Pabangon pa lang si Abby nang sumugod ulit ang halimaw.

ABBY: Hindi!

Nadale si Abby ng palikpik ni Piranhazoid, dahilan upang masugat ang tagiliran niya. Napaupo siya sa sakit.

ABBY: Aaaahh…….ang sakit……kailangang matawagan ko na ang iba….

Ngunit saktong iaactivate niya ang communicator, bigla ulit sumugod ang halimaw at sinuntok siya, dahilan upang mabitawan niya ang communicator. Ang masaklap, maging ang Morphing Badge at napatilapon.

ABBY: Hindi! Paano na?

Wala ng magawa si Abby kundi ang gamitin ang Laser Pistol bilang nag-iisang sandata niya. Unti-unting lumalapit sai Piranhazoid….

ABBY: Bahala na!

Pinagbabaril niya ng Laser Pistol ang halimaw, kahit hindi na gaanong tinatablan ang halimaw ay sige lang sa pagbaril si Abby.

ABBY: Kahit mamatay ako, hindi ko hahayaang manalasa pa ang halimaw na ito!
______________________________________

Nang maubos ni Jake ang mga Neo-Omnicrons….

JAKE: Hah….Hah….Hah….(humihingal) Grabe, ang lalakas na nila ngayon…..Oras pa para sagipin ang pamilya ko….

Palapit na sana ng kweba si Jake….nang…..

SLASH!!!

Biglang may tumaga sa likuran niya.

JAKE: Aaaaaaaaaaahhhhh!!!!

Napadapa si Jake sa sobrang sakit…..nakita niya ang tumaga sa kanya….si Balaam.

BALAAM: Ang galing mo Gamma Red! Natunton mo ang kinaroroonan ng pamilya mo! Pero pasensya ka na lang, dahil hindi mo na sila masasagip!

JAKE: Hayop ka! Pakawalan mo na sila, wala silang kinalaman dito!

BALAAM: Kung gusto mo silang iligtas….labanan mo muna ako!

JAKE: Bwiset! Kung yan ang gusto mo…….GAMMAMODE, ACTIVATE!

Nagbagong nayo ulit si Jake bilang si Gamma Red.

GAMMA RED: Laban na!!!

BALAAM: Ha ha ha ha!

At nagsimula na ngang maglaban ang dalawa. Nagpalitan sila ng mga atake. Kapwa magagaling na mandirigma ang dalawa…..ngunit nang nmagmalapitang laban na sila….

Biglang nagpakawala ng malakas na pasabog si Balaam kay Gamma Red, dahilan upang tumalsik siya at halos mayupi ang Armor.

GAMMA RED: (humuhingal sa sakit) Hindi…..

Lumalapit si Balaam at akmang aapakan sa dibdib ang Ranger.
______________________________________

Sa kweba…..

Nagulat ang lahat nang magsimulang lumapit na unti-unti ang pader na may talim. Naiiyak na ang mga ito sa takot.

JAYSON: Nakupo, lumalapit na sa atin ang pader!

JENNIELYN: Diyos ko…..mamamatay tayong lahat dito….

NANAY: Jacob Anaaakk……nasaan ka na? Tulungan mo kami……Hu hu hu…..
______________________________________

Patuloy pa rin ang labanang Gamma Red at Balaam. Halatang hirap na hirap si Gamma Red sa laban.

Napahandusay ito sa lupa, habang inapakan siya ni Balaam.

BALAAM: Paano yan, umaandar na ang pader ng kamatayan sa loob ng kweba. Anumang oras ay mamamatay na ang pamilya mo! Habang si Piranhazoid naman ay patuloy na naghahasik ng lagim sa inyong bayan. Wala ka ng magagawa!

GAMMA RED: Nagmamakaawa ako sa iyo Balaam….Huwag mo silang patayin, maawa ka….

BALAAM: Ang AXIS ay hindi marunong maawa! Kaya tatapusin na kita!

Itinaas ni Balaam ang kanyang sandata at akmang isasaksak kay Gamma Red…..
_______________________________________

Sugatan na si Abby sa pakikipaglaban kay Piranhazoid. Wala na siyang lakas upang labanan pa ito, lalo’t wala ang kanyang Badge at ang Communicator. Bigla siyang sinakal ng halimaw at itinaas sa ere….

_______________________________________

Dahan-dahan namang lumalapit ang pader ng Kamatayan sa pamilya Fonseca…..


May pag-asa pa bang mailigtas ang pamilya ni Jake? Makakarating kaya ang iba pang Rangers sa laban gayong wala na ang Communicator ni Abby na nagsisilbing Radar ng GAMMA?


Itutuloy………..

No comments:

Post a Comment