Sunday, November 25, 2012

Mission 22: Para sa Kaibigan





Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________


Isang gabi, sa isang madilim na kalye….

Isang lalaki ang tumatakbo para sa kanyang buhay. Hindi naiya malaman kung saan siya patungo, kung saan-saang daan siya napadpad…..Di nagtagal ay nakarating siya sa isang dead end.

Ilang saglit pa, mula sa kinalalagyan ng lalaki, ay lumitaw ang isang nilalang na anyong halimaw.

LALAKI: Huwag, maawa ka….wag mo akong patayin….

Ngunit hindi nakinig ang halimaw, sa halip ay lumapit pa ito sa unti-unting napapaupong lalaki. Kinwelyohan niya ang lalaki at saka may isinaksak na kung ano.

LALAKI: Aaaaaaaaaaaahhhh!!!!!!

Ilang saglit pa….binitawan ng halimaw ang wala ng buhay na lalaki.
_______________________________________

Mission 22: Para sa Kaibigan

UDF Gamma Base, 3:54

Isang umaga,

“NASAAN SI MEI MEI?!”

Iyon ang sigaw na gumising sa buong Base. Si Malin ang may-ari ng ingay na nanira ng gising mga natutulog na sundalo. Biglang lumabas ng kwarto ang mga ito upang bawalan si Malin.

JAKE: Anak ng patola naman, ano ba, ang ingay mo!!!

BRIAN: Pambihira, nasa climax na ako e! Nasira pa!

ABBY: Ano beh?! Ano nanaman ang dinadrama mo?

PAOLO: Haynaku, kissing scene na sana, napurnada pa! (nanaginip kasi sya na may kahalikan)

MALIN: Guys nakita niyo ba si Mei Mei?

Si Mei Mei ang manika ni Malin na mukhang Chinese Pucca.

JAKE: Pake ko sa Mei Mei mo! Sinira mo tulog namin!

BRIAN: Oo nga, ako na malapit na e, umurong pa!

PAOLO: Mabuti pa hanapin mo na lang, kesa sumigaw ka ng wagas diyan!

ABBY: Makatulog na nga ulit!

MALIN: Kaloka naman, kagabi katabi ko lang siya a! MEI MEIIIIII!!!!

Ilang saglit pa….

“ATTENTION GAMMARANGERS, PLEASE PROCEED TO THE DATABASE!”
“ATTENTION GAMMARANGERS, PLEASE PROCEED TO THE DATABASE!”

Lalong nainis ang Rangers. Bumangon sila sa higaan at dumerecho sa Database. Nakita nila si Malin sa hallway na hinahanap pa rin ang manikang si Mei Mei.

JAKE: Ano ba yan ang aga-aga tawag agad?
BRIAN: (kay Malin) Kasalanan mo ito e.
MALIN: Che!
ABBY: Ano nanaman kaya ito?
PAOLO: Si Daddy talaga oh.

Pagkapasok sa Database, kaagad sumaludo ang mga Rangers kay Gen. Angeles.

GEN. ANGELES: Good morning Rangers. Panoorin niyo ito.

Pinapanood ng buong crew ng GAMMA sa Hologram Video sa gitna ng Database ang sunud-sunod na pagkakapaslang sa mga sibilyan ng isang misteryosong halimaw. Hindi nila malaman kung ano ang itsura ng halimaw dahil sa gabi ito umaatake at magaling magtago sa dilim.

GEN. ANGELES: Isa itong nakakabahalang balita. Ilang araw nang naghahasik ng lagim ang halimaw na iyan, pero hanggang ngayon ay wala pa rin lead kung ano iyan o kung sa AXIS anga galing.

BRIAN: Pero Sir, pansin ko po, bakit karamihan ng mga biktima ay mga lalaki?

PAOLO: Yeah napansin ko rin iyon.

ABBY: Di lang iyon, parang halos bubo’t hubad pa ang mga ito nang mapatay.

JAKE: Naku, baka galing sa pagjerjer ang mga yan----aray!!! (hinampas siya ni Abby sa ulo)

GEN. ANGELES: Alice, ano ang results ng investigation?

ALICE: Sir, ayon sa nakalap kong data mula sa NBI at PNP, nagbabalatkayo daw ang halimaw na ito. Kapag nakakuha na niya ang loob ng biktima, ay kukuhanan niya ito ng dugo at papatayin.

MALIN: I noticed nga na sa puso ang target ng halimaw. Halos ang mga biktima ay butas sa dibdib.

PAOLO: Pero Dad, kung sa gabi umaatake ang halimaw, may posibilidad na nagaanyong-tao siya pag sa liwanag.

GEN. ANGELES: Posible Paolo. Kaya kailangang imbestigahan natin ito ng mabuti. Hindi ito isang military operation, pero tayo lang ang may kakayahang supilin ang isang halimaw na tulad niyan…..Pero bago iyon, nasaan si Edwards?

JAKE: Oo nga, nasaan ba ang Kanong hilaw na iyon?

MALIN: At nasaan naman ang Mei Mei ko?

BRIAN: Pwede ba, baka nalagay mo lang sa kung saan yang Mei Mei mo.

GEN. ANGELES: Ang mabuti pa ay abangan natin mamayang gabi ang pagbabalik ng halimaw. Doon tayo kikilos. Kailangang malaman din ni Edwards ang tungkol dito. Tawagin niyo siya.

ALL: Yes Sir!
______________________________________

Samantala sa isang Park, ay may isang lalaking nakaupo sa bench at may hawak na manika ay bulaklak. Tila may hinihintay na kung sino. Anga lalaking ito ay si Scott. Patingin-tingin siya sa kanyang relo.

SCOTT: Man, she is still not around, I’m so hungry.

Ngunit ilang saglit pa ay dumating din ang hinihintay ni Scott, isang magandang babae na naka-Tank top at High Heels.

“Sorry for waiting.”

SCOTT: At last, he he he. Good morning Stella.

STELLA: Hi Scottie.

SCOTT: Hey, for you. (ibinigay ang bulaklak at manika sa babae)

STELLA: Wow, this is cute…..thank you Scottie.

Tila asiwa ang babae sa mga bulaklak. Pansin iyon ni Scott.

SCOTT: You deserve all those. Thank God I met someone like you.

STELLA: Thank you too. Hey wanna have breakfast? My treat.

SCOTT: Well sure!
_________________________________________

Sa isang cafeteria masayang nag-almusal sina Scott at Stella. Masaya din silang nagkukwentuhan tungkol sa kanilang buhay-buhay. Ilang saglit pa ay nabaling ang atensyon ni Scott sa TV.

“…nang isang lalaki anga natagpuan patay dakong alas dose ng hatinggabi. Hinihinalang napatay siya ng isang halimaw, hanggang ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad kung ito ay pakana ng AXIS o isang bagong banta sa buhay ng mga mamamayan”.

SCOTT: Another monster? Seems another AXIS plot.

STELLA: Don’t pay attention to that news, Scottie. Let’s just enjoy the day.

SCOTT: Yeah you’re right.

Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang Communicator ni Scott, ngunit pinatay niya ito.

STELLA: Why didn’t you answered it?

SCOTT: That’s nothing. Let’s just enjoy ourselves.

Ang hindi nila alam, ay may mga matang nagmamasid sa kanila.
_______________________________________

AXIS Mega Base…..

CALYX: Unti-unti ay natutupad na ang aking plano! Napakagaling talaga ni Venuzoid!


GANELON: Magaling ang iyong naisip Calyx! Nagagawa niyang makuha ang loob ng mga kalalakihan at saka niya tatapusin sa pamamagitan ng pagsipsip ng dugo dito.

BALAAM: Hah, di magtatagal papalpak din yan!

CALYX: Tumahimik ka! Ikaw ba kelan ka pa nagtagumpay sa iyong plano?

MEGIDDUS: Hayaan niyong dumiskarte si Calyx.

CALYX: Naniniwala akong ang mga lalaki ang lakas ng sanlibutan. Kung mawawala sila, hihina ang depensa ng mundo at madali na nating masasakop ito!

DYMARO: Baka nakakalimutan mo na ang Gammarangers!

CALYX: Tanga! Ano ako bali? Kasama na sila sa aking plano! Mabuti pa manood na lang kayo! Mamayang gabi ay magbabalik si Venuzoid upang maghasik ulit ng lagim!
_______________________________________

Masayang bumalik si Scott sa Base, ngunit pagkapasok niya, sinalubong siya ng mga inis na kamiyembro.

JAKE: Hey Dude! Saan ka galing?

SCOTT: I just went out to see a friend. Actually a new friend I met some days ago.

ABBY: Aba at sino naman kaya iyan? Share mo naman.

PAOLO: Panigurado chikababes nanaman yan.

BRIAN: Haynaku inuuna pa ang babae kesa sa misyon.

MALIN: Ang Mei Mei ko….hu hu hu…..
_____________________________________

Sa lounge….

Ipinakita ni Scott ang Iphone niya na naglalaman ng mga pics nila ni Stella.

JAKE: Hayup ka pare, paano mo nabingwit ang chikas na to?

ABBY: Nagtataka ka pa, e sa itsura ba naman ni Scott.

SCOTT: I met her a couple of days ago in a bazaar. She is a saleslady in a jewelryshop, and man, she is oh so hot.

PAOLO: Pre, pakilala mo naman kami sa kanya.

SCOTT: Good thing she liked my present, a bouquet of flowers and a Chinese doll.

Biglang bumato ng unan si Malin kay Scott.

SCOTT: Ow! What’s with you?

MALIN: Chinese doll?! Did you know that the Chinese doll you gave her is my doll? Bakit mo pinamigay si Mei Mei ko?!

Nagulat ang lahat sa narinig.

SCOTT: Huh, so that was your doll? I didn’t know that it’s yours. I just found it on the sofa—

MALIN: E di sana tinanong mo muna kung kanino iyon! I hate you Scott, I hate you!!!

Biglang kumaripas sa kanyang silid si Malin.

SCOTT: Malin, wait!

Susunod sana si Scott nang pigilan siya ni Abby.

ABBY: Don’t. Leave her alone first. I know how she got hurt because of what you did. You don’t know what that doll means to her.

Naguluhan si Scott sa ginawa.

BRIAN: Naku, hindi ka na kakausapin ni Malin niyan. May pagkaisip-bata yun.

JAKE: Haynaku, parang manika lang----aray!

Sinapok siya ni Paolo.

SCOTT: But I don’t know that the doll was---

PAOLO: Tama na yan. Nangyari na, wala na ang manika.

At iniwan ng lahat si Scott sa silid na gulung-gulo.
________________________________________

Sa silid ni Malin……

ABBY: Tahan na…..hindi naman alam ni Scott na sa iyo yun e.

MALIN: Hu hu hu….simula maliit pa ako, siya na ang childhood friend ko….bigay siya sa akin ni Daddy nung 1st B-day ko….hindi ko kaya kung mahihiwalay sa akin si Mei Mei…..siya ang nagpapagaling sa akin pag may sakit ako noon.

ABBY: Don’t worry, sasabihan ko si Scott na kunin ulit ang doll at ibabalik sa iyo…..

MALIN: Talaga Ate?

ABBY: Oo, ako bahala.
________________________________________

Isang gabi……

“Aaaaaaahhhhhhh!!!!!”

Isang lalaki nanaman ang tumatakbong takot na takot. Natigilan lang siya nang marating niya ang isang madilim na eskinita. At mula sa kanto ay lumitaw ang isang halimaw….si Venuzoid. Lalapitan niya ang lalaki upang patayin.

LALAKI: Waaaa…..wag poooo….

Akmang tatapusin na nito ang lalaki nang……

BAAAAANNNNGGGG!!!!

Napatumba ng konti ang halimaw. Natamaan siya sa kanyang balikat. Biglang dumating ang Gammarangers.

GAMMA RED: So ikaw pala ang halimaw na ilang gabi nang nambibiktima ng mga lalaki!

Sumugod si Venuzoid sa anim, ngunit nagawang umilag ng huli. Pinagtulungan nilang barilin ang halimaw, ngunit biglang naghiwa-hiwalay ang katawan nito.

GAMMA PATRIOT: Huh? Nagdeform?

Pagkahiwalay ng katawan, bigla bumuo ulit ito at saka pinaluputan si Gamma Yellow.

GAMMA YELLOW: Aaaaaaaahhhhhh!!!!!

Naglabas ng asido si Venuzoid at tinamaan ang Ranger. Nalusaw ang Armor ni Gamma Yellow. Napahandusay si Gamma Yellow at nawalan ng malay.

GAMMA VIO: Malin!

GAMMA GREEN: Hindi!

Muling nagbuga ng malalakas at sunud-sunod na Thorn Blasts ang kalaban at nadale ang Gammarangers. Hindi nagpatinag si Gamma Vio at pinagtataga ang balikat ni Venuzoid na tinamaan ng baril kanina. Lalong nasaktan si Venuzoid, kaya umatras ito at naglaho sa dilim.

GAMMA VIO: Come back here you fool!!!......Dammit, it’s escaped!

Napalingon naman siya sa mga kasama.

GAMMA BLUE: Mga kasama, kailangang madala natin sa Gamma Med si Malin, mukhang serious ang natamo niyang pinsala!

GAMMA VIO: Malin…..

Medyo nag-aalala na naguiguilty si Scott sa nangyari kay Malin.
_______________________________________

Sa Gamma Med, sa isang Ward…..

SCOTT: Doc, is she alright?

DOCTOR: She obtained major skin damages due to the acid. I think she needs a major operation.

ABBY: Doc, ganoon po ba kalala ang natamo niya?

DOCTOR: Tumagos hanggang sa internal organs ang mga damages, so matatagalan bago siya makarecover ulit.

PAOLO: Doc gawin niyo po lahat, hindi po kami mapapalagay hangga’t hindi siya gumagaling.

GEN. ANGELES: Matatagalan ba bago siya makarecover?

DOCTOR: Huwag kayong mag-alala, gagawin namin ang lahat upang gumaling siya. Medyo matatagalan pero sinisiguro ko po sa inyo na gagaling siya.

BRIAN: Sana nga po.

JAKE: Haynaku, bakit kailangang mangyari pa ito?

DOCTOR: Maiwan ko muna kayo.

Pagkaalis ng doktor, tila nagkakaroon ng malay si Malin…..

MALIN: Me……Mei…Mei……..

ABBY: Malin?! Salamat nagkamalay na siya!

BRIAN: Tatawagin ko ulit si Doc! (lumabas ng silid)

MALIN: Mei…….Mei……Na-saan si…….Mei…..Mei…..

Tila may naisip si Scott, walang sabi-sabing lumabas ito ng silid at umalis.

JAKE: Oh saan ka pupunta?

PAOLO: Scott—

Lumabas ng silid si Scott.

JAKE: Pabayaan niyo siya. Tutal kasalanan naman niya eh.

PAOLO: Paano kaya mawawala ang sakit ni Malin?

ABBY: Iisa lang ang naiisip ko......yun ay kung mapapatay si Venuzoid.
______________________________________

Sumakay ng Patrol Jeep si Scott at umalis upang puntahan si Stella.

SCOTT: (sa sarili) I need to get that doll back for Malin!

Ilang saglit pa ay narating din niya ang bahay ni Stella, isa itong Apartment sa Makati. Pinarada ni Scott ang sasakyan at bumaba. Nagdoorbell ito ng ilang beses, at di nagtagal ay lumabas si Stella.

STELLA: Oh Scott, thank goodness you’ve come. Come in.

Pumasok sa loob si Scott at si Stella.

SCOTT: Stella, the doll that I gave you….Can I have it back?

STELLA: What? But that was your gift to me, right? Why are you getting it back?

SCOTT: Long story, please I need it! Give it back to me!

STELLA: Hell no, that is mine already…..

May napansin pang kakaiba si Scott.

SCOTT: Hey, what happened to your shoulder? Is it wounded?

STELLA: Oh, I hit a barbed wire a while ago while crossing the street. This is nothing.

SCOTT: Are you sure you’re okay? Then come with me, I’ll get you to the clinic.

STELLA: Oh no, don’t. This is nothing, I can manage. Thank you.

SCOTT: You sure? Well then, where is the doll?

Ngunit naputol ang usapan nila nang tumunog ang Communicator niya.

SCOTT: General, what is it?

GEN. ANGELES: Edwards, the Rangers are in location AreaA7, Sector 5, N 46 D 30 M E, go right there ASAP!

SCOTT: But Sir—

GEN. ANGELES: That’s an order!

SCOTT: (sigh) Roger.

Napatingin si Scott kay Stella tsaka umalis ng walang sabi-sabi. Pinagmasdan lang siya ni Stella.
______________________________________

Sa isang malawak na kalye ay nakikipaglaban ang Gammarangers (minus Gamma Yellow) sa mga Omnicrons. Ngunit nakakapagtaka na nadadaig ang Gammarangers sa kanila. Nadatnan ni Gamma Vio ang mga kasama na nakadapa at nanghihina.

GAMMA VIO: Guys!

GAMMA RED: Walang hiya ka! Saan ka nanaman ba pumunta, sa Stella mo?!

GAMMA VIO: I’m sorry guys, but I---

GAMMA GREEN: Tama na satsat! Hirap na tayo, nakuha niyo pa mag-away!

GAMMA PATRIOT: Bakit parang mas lumakas ang mga Omnicrons ngayon?

“Dahil sila ang Neo-Omnicrons!”

GAMMA BLUE: Huh?

Ilang saglit pa biglang nagpakita sa itaas si Calyx.

GAMMA RED: Calyx!

CALYX: Anong masasabi niyo sa mas pinalakas at mas pinagaling na Neo-Omnicrons?

GAMMA PATRIOT: Mga hayop kayo! Hindi namin kayo mapapatawad sa pagsaktan kay Malin!

CALYX: Oooh….oo nga pala at kulang kayo ng isa….bweno, unti-unti namin kayong babawasan! Venuzoid, lumabas ka!!!

Ilang sandali pa ay lumabas ulit si Venuzoid.

GAMMA VIO: I won’t forgive you for harming Malin! Yaaaahhhh!!!!

Sumugod si Gamma Vio sa halimaw, ngunit nagdeform ulit ang katawan nito. Walang anu-ano ay pinalibutan nito ang armor ni Gamma Vio at pinaluputan ng Thorn Vines.

GAMMA GREEN: Scott!

GAMMA RED: Nak nang…..

Tutulungan na sana nila si Gamma Vio ngunit naharang sila ng Neo-Omnicrons.

CALYX: Wala kayong magagawa! Di hamak na mas malakas na ang aking mga Neo-Omnicrons! Hindi na sila tulad ng dati na nilalampaso niyo lang!

Kitang hirap na hirap ang Rangers sa pakikipagsagupa sa mga Neo-Omnicrons, habang hirap na hirap din si Scott sa pakikipaglaban kay Venuzoid.

CALYX: Ha ha ha ha! Oras na para mawala na kayo ng tuluyan! Venuzoid, alam mo na ang gagawin!

Akmang tatapusin na ni Venuzoid ang limang Rangers, nang……

BOOOOOMMMMMM!!!!!

Napaatras ang lahat ng kalaban sa biglang paglitaw ng isang misteryosong nilalang.

CALYX: Anong----saan galing iyon?

Walang anu-ano ay mabilis nitong pinagtataga at pinagpapatay ang mga Neo-Omnicrons.

GAMMA RED: Huh? Sino yan?
GAMMA BLUE: Ewan, pero ang galing!

Nang maubos ang mga Neo-Omnicrons…..

NILALANG: Hah, mga walang kwenta. (sabay tingin sa Gammarangers) Hah, sa susunod, kayo naman ang babanatan ko.

At saka biglang naglaho ang nilalang.

GAMMA PATRIOT: Hah? Ano ang ibig sabihin nun?
GAMMA GREEN: Sino ba siya?

CALYX: Hindi! Ang mga Neo-Omnicrons!!!

GAMMA RED: Oh pano yan, wala na mga alipores mo!

CALYX: Bwiset! Venuzoid, umatras na tayo!

Ilang saglit pa ay umalis na sina Calyx at si Venuzoid.
_______________________________________

Samantala sa Gamma Med…..

MALIN: (nagkokombulsyon) Mei…Mei……

Pagpasok ng Nurse….

NURSE: Ms. Ong! (lumabas na nagmamadali) Doc! Ang pasyente!

Pinagpapawisan ng malamig si Malin habang lumolobo ang mga lapnos sa katawan.
______________________________________

Nagpower-down muli ang Rangers at akmang babalikulit sa Gamma Base upang tignan ang kalagayan ni Malin.

BRIAN: Mabuti pa bumalik na tayo sa Base upang makita ang lagay niya.

Ngunit si Scott….

SCOTT: Okay, then I will go.

JAKE: Saan ka nanaman pupunta? Sa babae mo?! Alam mo nasa peligro na ang buhay ni Malin! Tapos ganyan pa pinapakita mo! Kasalanan mo kung bakit siya nagkakaganon!

Sabay suntok ni Jake kay Scott. Umawat sina Brian at Paolo.

SCOTT: C’mon, punch me all you want! It’s all my fault anyway! I guess I am not needed in this team anymore! You treated me like a criminal!

ABBY: Scott!

Ngunit sumakay si Scott sa Patrol Jeep at umalis. Habang bumalik na sa Gamma Base ang apat.

PAOLO: Haynaku, nagsimula lang sa manika…..
______________________________________

Nasa gilid ng Manila Bay si Scott at nakaupo sa Break Water, tila nagmumuni-muni sa mga pangyayari. Matindi ang pag-aalala nya kay Malin. At sa kalagayan niya sa Team.

SCOTT: (sigh) Shit really happens…..

Nang biglang…..

“WHAT ARE YOU DOING HERE, MR. HANDSOME?”

Nagulat si Scott nang may dumating na nilalang…..si Stella pala.

SCOTT: Oh, Stella…..why are you here?

STELLA: Seems you were not feeling well…..

SCOTT: I hope I can do something to help my friend…..she is in deep pain now….so please give me back the doll…..

STELLA: Okay, I will give you back the doll…..for one condition.

SCOTT: What is it?

STELLA: Come with me…..

SCOTT: Well…..

Ngunit sa mga sandaling ito, tila may napapansing kakaiba si Scott sa babae.
_____________________________________

Sa isang hotel room…..

Nabigla na lang si Scott nang magsimulang halikan siya ni Stella….sa una ay gulung-gulo ang lalaki, subalit di nagtagal ay nakipaglaban na din ang lalaki. Hanggang sa bumaba pa ang halik niya sa katawan ng babae…..Isa-isa nilang pinagtatanggal ang kanilang mga kasuotan…hanggang sa mga kapirasong tela na lang ang natira….Dahan-dahan silang humiga sa kama habang ginagawa ang bagay na iyon…..

Patuloy lang ang mainit na eksena ng dalawa sa kwartong iyon.

Nang magsisimula na ang kakaibang seremonyas….

STELLA: Sige….ituloy mo…..iyong-iyo ako…..

Akmang papasukan na siya ni Scott…nang bigla niyang itulak ang babae!

SCOTT: Stop right there!

STELLA: But why Scott?

SCOTT: I’m sorry….you can’t fool me, you monster!

STELLA: Hah?!

SCOTT: I’ve been wondering this time about you. Now I finally found out who you really are! Those males that you killed every night, and the way you hurted Malin!

STELLA: What are you talking about? What are you doing?

SCOTT: What am I talking about? This!

Biglang dumampot ng isang malaking sofa si Scott at ibinato kay Stella. Walang anu-ano ay biglang naglabas ng Thorn Vines si Stella at sinira ang sofa. Ilang saglit pa, nagbago ng anyo si Stella at naging si Venuzoid!

VENUZOID: Raaaarrr…Magaling! Paano mo nalaman na ako si Venuzoid?!

SCOTT: Simple, no. 1…your shoulder wound. And no. 2…..you hate flowers! I actually saw you dump those bouquet after breakfast. Yeah, Venus Flytraps hate flowers!

Nagalit si Venuzoid sa narinig ito, kaya sumugod siya kay Scott hanggang sa mabasag ang bintana ng silid at bumagsak sila sa kalye.

Gulantang ang mga tao sa nasaaksihan. May mga tumakbo sa takot. Nadamay pati ang traffic sa nasabing lugar dahil na pagbagsak ng dalawa.

Bakas sa hubad na katawan ni Scott ang sugat dulot ng basag na salamin.

SCOTT: Now this has come to end, for the victims you killed…and for Malin! GAMMAMODE, ACTIVATE!

Ilang sandali pa ay naging Gamma Vio na siya.
_______________________________________

Gamma Base….

ALICE: Sir, tignan niyo, si Edwards! Mag-isang nilalabanan ang halimaw!

GEN. ANGELES: Ano? Tawagin mo Rangers, dali!

ALICE: Roger Sir!
_______________________________________

Habang patuloy namang ginagamot si Malin……patuloy pa ring kinukombulsiyon ito.

MALIN: Scott……where’s Mei…Mei…..Scott…….

Tila humihina si Malin. Bukod sa pagkakalapnos ng kanyang balat, ay n akadagdag pa sa sakit ang pagkawala ng manika.
_______________________________________

At nagsimula na ang matinding sagupaan sa pagitan ni Gamma Vio at ni Venuzoid.

Sumugod si Venuzoid, habang inilabas naman ni Gamma Vio at kanyang Gamma Dagger. Mahusay na pinagtataga ng Ranger ang halimaw, ngunit mabilis namang nakaganti ito sa pamamagitan ng kanyang Thorn Blasts.

Bumunot ng G-Machinegun si Gamma Vio at pinagbabaril ang halimaw, ngunit gaya ng nauna ay nagdeform ito at biglang bumalot sa katawan niya.

GAMMA VIO: Aaaaaahhhhhh!!!!!

Biglang naglabas ng asido si Venuzoid at nadale ang Armor ng Ranger. Napahandusay siya sa sakit. Nanuot sa balat niya ang asidong dulot ni Venuzoid, kaya hindi siya makabangon at makalaban. Dahil dito ay sinamantala ng halimaw ang pagkakataon, inapak-apakan niya ang Ranger at sinaktan ng husto.

Nang tatapusin na ng halimaw si Gamma Vio……

SLASH!

Biglang nataga si Venuzoid ng Pyrrovolver. Dumating ang apat na Rangers upang tulungan si Gamma Vio.

GAMMA PATRIOT: Hey Scott, wag mo naman solohin yan!

GAMMA VIO: (nakahandusay pa rin) uhhhhh…..Guys…..

GAMMA RED: Oo na, sorry sa pinutak ko kanina.

GAMMA BLUE: Mabuti pa pagtulungan na lang natin ang halimaw na ito!

GAMMA GREEN: Oo nga. Para kay Malin!

Kaagad sumugod ang apat na Rangers sa halimaw, sabay-sabay silang umatake at tinaga ito gamit ang Gamma Bayonets. Sunud-sunod din ang pagpapaputok nila ng Blasts dito kaya nasaktan ang halimaw.

Dito nabigyan ng lakas ng loob si Gamma Vio. Na-realize niya na kahit na maypagkukulang siya sa team, ay handa pa ring siyang tulungan ng mga ito. Kaya siya bumangon at sumugod kay Venuzoid na ikinagulat ng Rangers.

GAMMA RED: Abaaaa…..

GAMMA PATRIOT: Tila motivated siyang matalo si Venuzoid ah.

Tila sinaniban si Gamma Vio ng kung ano, kaya madali niyang nasasabayan si Venuzoid. Sumugod ulit ang halimaw, ngunit kumuha ng bwelo ang Ranger at inihanda ang Dagger sa pasugod na halimaw. Bigla nitong tinaga ang balikat ng halimaw, ang bahaging sugatan. Nasaktan ang halimaw at nanghina. Napaupo ito sa soabrang sakit.

GAMMA VIO: Leave this to me guys! Gamma Bayonet Fill Power! Yaaaaaaaa!!!!!

Isang malakas na wasiwas ng Gamma Bayonet sa tiyan ng halimaw…..

BOOOOOOOOOOOMMMMMMM!!!!!!!!

Sumabog si Venuzoid.

Pagkamatay ni Venuzoid, nawala na rin ang mga lapnos sa katawan ni Gamma Vio.
________________________________________

Bigla ring nawala ang mga lapnos sa katawan ni Malin.

DOCTOR: Hah, nawala na ang mga lapnos! Salamat sa Diyos.
________________________________________

Nagdemorph ang mga Rangers. Kaagad nilang nilapitan si Scott.

JAKE: Pare! Ang lupit mo!

BRIAN: Idol talaga kita Scott.

ABBY: You’re the man!

PAOLO: Ayos, nawala na rin ang mga lapnos ng asido sa katawan mo.

SCOTT: Thanks Guys, I’m sorry too for spending too much time away from the team.

ABBY: Never mind that….

Pabalik na sana ng Base ang lima nang….

BOOOOOOOOOMMMMM!!!!!

Biglang humarang sa landas nila ang isang malakas na pasabog.

JAKE: Anong--?!

Mula sa itaas, biglang nagpakita ulit ang misteryosong mandirigma na tumalo sa mga Neo-Omnicrons kanina.

BRIAN: Ikaw?!

NILALANG: Ha ha ha ha! Magaling ang ginawa ninyong pagtapos sa halimaw. Napahanga ninyo ako.

PAOLO: Sino ka ba?

NILALANG: Malalaman niyo rin sa takdang panahon. Magkikita ulit tayo upang bawiin ang SIGMA! Ha ha ha ha!!!

Ilang saglit pa ay naglaho na ang nilalang.

JAKE: Sandali!

SCOTT: What is he talking about?

ABBY: Sino ba siya? At bakit siya nagkakainteres sa SIGMA?
_______________________________________

Pagmulat ng mata ni Malin sa higaan, kaagad bumulaga sa kanya ang isang pamilyar na bagay…..

MALIN: Mei Mei! Mei Mei ko!

Kaagad niyakap nito ang mahal na manika. Aat nabaling ang tingin niya sa mga taong nakapalibot sa kanya.

ABBY: Hi Malin! Musta na lagay mo?

MALIN: Mga kasama! Salamat ha!

JAKE: Huwag ka sa amin magpasalamat…..kay Scott. Siya ang naglagay niyan sa tabi mo.

MALIN: Nasaan siya?

PAOLO: Nasa kabilang ward, ginagamot. Matindi rin ang injuries na natamo niya nung sagupain niya mag-isa ang halimaw,para lang mabawi niya ang Mei Mei mo.

Medyo na-touch si Malin sa sinabi ni Paolo.

MALIN: Sana gumaling siya.

Ngunit biglang pumasok sa silid si Scott na puno ng benda sa katawan.

SCOTT: Hi Malin, do you feel better now?

Pagkalapit ni Scott, kaagad siyang niyakap ni Malin.

MALIN: Scottie…..hu hu hu…..I’m so sorry….

SCOTT: Sorry for what, I should be saying that.

MALIN: Sorry for being mad at you….Thank you for giving back Mei Mei…..

Natuwa naman ang iba sa tagpong iyon.

ABBY: So paano, okay na ulit. Bumalik na ang manika mo.

JAKE: Ano pa hinihintay niyo? Daganin na ang mga yan! Ha ha ha ha!

At masayang naglaro sa Ward sina Malin, Scott, Paolo, Jake at Abby.
________________________________________

Samantala, habang abala si Gen. Angeles sa Database, nilapitan siya ni Brian.

GEN.ANGELES: Oh, Tavarez, ano problema?

BRIAN: Sir, may misteryosong nilalang kanina na bigla na lang nagpakita sa amin.

GEN. ANGELES: Misteryosong nilalang?

BRIAN: Una, tinao niya ang mga Neo-Omnicrons. Pero nung pangalawa siyang magpakita, tila tayo ang susunod niyang target. Dahil hawak natin ang SIGMA.

GEN. ANGELES: Kung ganon, ang target niya ay ang SIGMA. At sino naman kaya siya?
_________________________________________

Sa di kalayuan ng Base, ay naroroon ang misteryosong nilalang at tila minamasid ang GAMMA.



Itutuloy…..

No comments:

Post a Comment