Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
UDF Gamma
Base, 2:37
Nakabalik na
ang Gammarangers sa Gamma Base, kasama ang mga survivors ng Jet Plane Incident.
Dahil sa natamong matinding pinsala at trauma sa mga pangyayari ai dinala muna
sa Gamma Medical City ang mga survivors, habang dumerecho agad sa Gamma Base
ang iba.
Pagkapasok
ng mga Rangers.
RANGERS: Sir, Mission Accomplished. (sabay saludo)
GEN. ANGELES: Carry on. (saludo) Kumusta ang mga survivors?
ABBY: Sir naidala na po sa Gamma Med. Sa ICU po sila dinala dahil sa
natamo nilang injuries at trauma sa nangyari.
BRIAN: Nandoon na rin po sina Ortega, Palma, Albano, Perez at Yuchengco.
Nagtamo din sila ng injuries galing sa Creature.
JAKE: Kamuntikan na kami kanina sa halimaw. Buti na lang sumabog ang
plane kasama yon.
ALICE: Buti at nakabalik kayo ng ligtas….Siyanga pala, ano yung sinasabi
mo kanina na dala mong External Drive?
BRIAN: Ah eto ba? (kinuha ang bag at inilabas ang External Drive na
nakita niya kanina sa Jet) Heto, sabi ng isa sa mga staff ng 51st
Engineering Brigade, ipapadala daw nila dapat sa atin ito kung wala lang
nangyari sa Jet. Buti naitago nila, sana maayos pa ang laman niyan.
OWEN: Ako na bahalang magcheck ng laman niyan. (kinuha ang Drive)
ALICE: Kami na ni Owen ang bahalang pag-aralan ito. Kung anuman ang
Project SIGMA na ito.
GEN. ANGELES: Okay, ngayong natapos na ang Rescue Mission, makakapagpahinga na
kayo Rangers. Dismissed!
Sumaludo ang
anim na Rangers sa Heneral at lumabas na sa Database upang matulog.
GEN. ANGELES: Alice, habang under recovery stage pa ang mga survivors,
pag-aralan ninyong mabuti ang nilalaman ng Drive na yan. Baka may importanteng
Files yan na maaari nating magamit.
ALICE: Yes Sir.
_______________________________________
Mission 21: Labanan ng Taktika
AXIS Mega
Base…..
Masusi pa
rin ang pag-iisip ng AXIS ng paraan upang maligpit ang Gammarangers.
GANELON: Naiinip na ako. Bakit napakarami na nating inilabas na mga
halimaw at kung anu-ano pa, hindi pa rin nating matalo ang mga hampas-lupang
iyon?
BALAAM: Ilang beses na rin silang naninira ng ating mga balak!
CALYX: Palagi na lamang silang nasa eksena kapag may pagsalakay tayong
ginagawa.
Biglang may
naisip si Dymaro.
DYMARO: Paano kaya kung uunahin nating pabagsakin ang Gamma Base kesa
lumusob sa kahit anong lugar sa Pilipinas?
GANELON: Hmmmm…..mukhang interesante ang iyong naisip.
MEGIDDUS: Ha ha ha! Mukhang sa kauna-unahang pagkakataon ay aayon ako sa
iyong plano.
NECROMA: Pero hindi ba’t nagawa na nating lusubin ang kanilang Base?
Nakasisiguro akong iaactivate nila ang kanilang Cosmic Barrier upang hindi sila
tablan ng ating atake!
DYMARO: At iyan ang gagamitin natin sa ating plano!
NECROMA: Ano ang ibig mong sabihin?
DYMARO: Ang Cosmic Barrier nila ang magpapabagsak sa kanila! Ha ha ha ha!
______________________________________
Kinabukasan,
7:24
UDF Gamma
Base…..
Pinag-aaralan
pa rin nina Alice at Owen ang External Drive na naglalaman ng di-umano’y
Project SIGMA, habang ang ibang Rangers naman ay nagsasagawa ng Mobile Patrol
sa Periphery ng Corregidor, ang islang kinatatayuan ng Gamma Base. Sa may East
side malapit sa baybayin ay naroroon sina Abby at napapatrolya.
Matapos ang
ilang oras, ay may napansin siyang isang kakaibang bagay malapit sa isang
maliit ng kweba. Agad lumapag si Abby at mga kasama nito sa bahaging iyon.
ABBY: Ano kaya ito?
SOLDIER 1: Ma’am, parang isang outpost.
ABBY: Pero bakit magtatayo ng outpost dito kung nandyan naman ang Gamma
Base?
SOLDIER 2: Para saan kaya ito?
ABBY: Irereport ko mamaya kay Gen. Angeles yan. Mukhang may kakaiba
dito…….Hoy, huwag ka ngang umihi diyan!!!
Nainis si
Abby nang makitang umiihi sa kweba ang isa nyang kasamahan.
Kaagad
bumalik sa Gamma Base si Abby upang ireport ang nadiskubre. Kasama ang ibang
Rangers ay nakatakda silang magreport ng kanilang isinagawang pagpapatrol.
GEN. ANGELES: Rangers, please report! Ano ang results ng Mobile Patrol? Mauna
ka na Fonseca.
JAKE: As of the moment wala po akong nakitang kakaiba sa palibot ng
Base.
GEN. ANGELES: Ikaw naman Tavarez.
BRIAN: As of the moment wala rin po akong nakitang anuman sa may
Quadrant 2.
GEN. ANGELES: Ikaw De Leon, may nakita ka ba?
ABBY: Sir may nakita po akong outpost sa may Coastline 23.
GEN. ANGELES: Outpost?
Hanggang
sa……
“RED ALERT!
RED ALERT! ENEMY APPROACHING! ENEMY APPROACHING!”
GEN. ANGELES: Alice, anong nangyayari?
ALICE: Sir, umaatake ang AXIS sa atin!
GEN. ANGELES: Ano? Rangers, prepare for counter-attack! Move now!
RANGERS: Yes Sir! (sabay saludo)
Kaagad
kumilos ang lima at sumakay sa kani-kanilang Gammachines. Si Paolo naman ang
namuno sa Field Artillery. Kaagad umaksiyon ang lahat upang depensahan ang
Gamma Base.
ALICE: Sir, bakit kaya nila tayo inaatake ng ganito?
GEN. ANGELES: Mukhang alam ko na ang magiging taktika ng AXIS, uunahin nilang
pabagsakin ang GAMMA bago sakupin ang Pilipinas!
_________________________________________
Pasugod sa
Gamma Base ang mga AXIS Warbots sa pangunguna ni Dymaro.
DYMARO: Ha ha ha sige atake lang ng atake! Maya-maya ay matutupad na ang
Plan A! Paputukan niyo ng paputukan ang Gamma Base!
Ilang saglit
pa ay dumating na ang mga Gammachines at iba pang Combat Vehicles.
GAMMA RED: Okay, mga repapips! Attack!!!
RANGERS: Roger!
Nagpakawala
ng matitinding Blasts ang mga Gammachines at mga Combat Vehicles sa mga AXIS
Warbots. Ganoon din ang ginawa ng kalaban….ngunit tila hindi talaga ito ang
pakay ni Dymaro.
______________________________________
GEN. ANGELES: Alice, iactivate mo ang Cosmic Barrier, mukhang ang Base ang
puntirya nila.
ALICE: Roger Sir!
Kaagad
inactivate ni Alice ang Barrier, kaya unti-unting nabalutan ng Cosmic Shield
ang Base.
ALICE: Area Coverage now at 35%
______________________________________
Patuloy lang
ang nagaganap na labanan. At nang mabalutan na ng Barrier ang Base….
DYMARO: Itodo niyo pa! Kailangang ma-overcharged ang Barrier nila!
GAMMA RED: Huwag ninyong sisirain ang Base!
Kaagad
gumanti ng sunud-sunod na pasabog ang Gammachines at Combat Vehicles sa
kalaban.
______________________________________
ALICE: Sir, Cosmic Barrier now at 100% Coverage.
______________________________________
DYMARO: Ha ha ha! Ngayon na…(inactivate ang Communicator na tila may
tinatawagan) Simulan mo na! Mga kasama, umatras na tayo!
Kaagad
umatras ang mga AXIS Troops na ikinagulat ng mga Rangers.
GAMMA VIO: What the---they retreated?
GAMMA BLUE: Bakit sila umaatras?
GAMMA GREEN: Hindi! Habulin natin sila!
Akmang
hahabulin na ng Combat Chopper ang mga kalaban, nang pinigilan siya ni Gen.
Angeles.
GEN. ANGELES: (sa kabilang linya) De Leon, wag mo na silang sundin!
GAMMA RED: Oo nga naman Abby, hayaan mong maihi mga salawal nila sa takot!
Ha ha ha!
GAMMA GREEN: Pero Sir….
GEN. ANGELES: Rangers, return to base at once….Stay lang kayo dito at
depensahan ang Base.
Kaagad
sumunod ang mga Rangers, pero duda pa rin si Abby sa biglaang pag-atras ng
AXIS.
GAMMA YELLOW: Ate Abs, may problema ba?
GAMMA GREEN: Parang may hindi tama e….
______________________________________
Database….
GEN. ANGELES: Base sa ginagawang pag-atake ng AXIS, mukhang ang Main Target
nila ay ang ating Base. Kung iisipin ninyo, paano nga naman nila masasakop ang
buong Pilipinas kung aatake lang sila sa isange Area pero kaagad naman kayong
darating upang puksain sila? Kaya minarapat nila na mauna nila tayong tapusin
bago manakop, upang wala ng sagabal sa kanilang binabalak na Total Invasion.
JAKE: Kung ganon, dapat pala i-divert natin ang lahat ng pwersa natin
dito.
GEN. ANGELES: Tama, Fonseca.
ABBY: Pero Sir, hindi po maganda ang kutob ko sa pag-atras nila. At
tila may kaugnayan ang nadiskubre ko sa gagawin nila.
GEN. ANGELES: Ano ang ibig mong sabihin?
Inactivate
ni Abby ang Hologram Image ng Gamma Base na nasa gitna ng Conference Table. At may
itinuro si Abby.
ABBY: Kung mapapansin ninyo sa may Coastline 23 ay may isang
misteryosong Outpost doon. Sa palagay ko ay sila ang nagtayo ng outpost na
iyon. Nakakonekta ang nasabing bagay sa isang kweba.
GEN. ANGELES: So parang sinasabi mo na kailangang lumabas tayo dito at pumunta
sa Outpost na sinasabi mo? Paano kung bumalik ulit sila at maglunsad ng isang
Massive Attack? Alice, give me the Damage Report.
ALICE: Yes Sir. Malaki ang napinsala sa Base nang dahil sa mga naunang
pag-atake ng AXIS noon. Kung maaalala ninyo ang nangyari sa *ehem* Patriot
Morpher Incident (pinatamaan si Paolo), napasok ang Base natin at nagkaroon ng
Massive Damage dahil sa naitanim na explosions. Ngayon naman ay nagkaroon ng
Minor Damages before naactivate ang Barrier.
GEN. ANGELES: That’s why ayokong maulit ang nasabing pangyayari. Kaya
pinaactivate ko ang Cosmic Barrier beyond its maximum level, upang hindi na
umubra pa ang kanilang mga atake. Kaya inover charged ko ang Barrier upang sa
susunod nilang atake ay hindi na sila mnakadamage pa.
BRIAN: Inover charged ninyo ang Cosmic Barrier?
ALICE: Tama, kaya hindi na sila makakapenetrate sa ating Base.
Hihintayin muna nating bumaba sa Normal Level ang Barrier bago ito magawang
ide-activate.
ABBY: Wahatever Sir, pupunta ako sa Outpost at titingnan ko ang
activity doon. I can sense a great danger coming from that area! Mabuti nang
sirain ang Outpost na iyon, baka kung ano pang mangyari doon. Excuse me Sir!
Paalis na si
Abby nang….
GEN. ANGELES: Ano ba talaga ang iniisip mo?
ABBY: Gusto ko lang pong manalo!
Kaagad umalis
si Abby at lumabas ng Base….
GEN. ANGELES: De Leon! De Leon! Bumalik ka!
MALIN: Ate Abby---
GEN. ANGELES: Ong, dito ka lang!
Pagkaalis ni
Abby….
PAOLO: Dad, paano kung may punto si Abby? Maganda siguro kung puntahan
natin ang Outpost na sinasabi niya at---
GEN. ANGELES: Nilalagay niyo ba sa alanganin ang Gamma Base? Ito na lang ang
kaisa-isang Defense natin sa AXIS, magkakaproblema tayo kung hati ang pwersa
natin! Iba na ang AXIS ngayon! Hindi na sila aatake sa ibang regions, dito na
sila aatake upang madali nilang masakop ang Pilipinas kung mawasak ito!
__________________________________________
AXIS Mega
Base….
GANELON: Magaling Dymaro! Napakagandang plano!
DYMARO: Kapag tinodo nila ang kanilang Cosmic Barrier, aabutin ng isang
araw bago bumalik sa Normal Level ang Shield. At sa oras na iyon, darating sa
itinayo nating Outpost ang aking Terrozoid….si Vacuuzoid!
Ilang
sandali ay lumabas ang isang halimaw.
NECROMA: (sinipat ang halimaw) Hmmmm….
DYMARO: Si Vacuuzoid ang hihigop ng lahat ng hangin na nasa loob ng Gamma
Base! Mula sa Outpost ay hihigupin nya ang lahat ng Oxygen sa pamamagitan ng
Secret Tunnel na kumokonekta sa Gamma Base at sa Outpost! At dahil hindi na
nila magagawa pang ibaba sa Normal Level ang Barrier, makukulong sila doon at
mamamatay sa Suffocation! Ha ha ha ha!
MEGIDDUS: At kapag namatay ang lahat ng iyon ay madali na nating masisira
ang Gamma Base at sakupin ang buong mundo ng tuluyan!
GANELON: At wala ng sagabal sa ating napipintong pagtatransform ng
planetang ito! Ha ha ha ha!!!
_________________________________________
Gamma
Base…..
Lumabas ng
Base si Gen. Angeles upang imonitor ang pagpapaigting ng Cosmic Shield. Nasa
loob naman ng Database sina Alice at Owen upang pag-aralang mabuti pa ang
SIGMA. Nandoon din sina Paolo at Malin na tumutulong sa monitoring ng Periphery
ng Base.
MALIN: Kumusta na kaya si Ate Abby? Sana maayos lang siya.
ALICE: Huwag kang mag-alala. Sa tingin ko may punto talaga si Abby. Baka
may nadiskubre siya na hindi natin agad nalaman.
OWEN: Bilib ako sa babaeng iyon. Napakatapang, matalino pa. Sa tingin
ko alam niya ginagawa niya.
Biglang may
nadiskubre si Paolo…
PAOLO: Guys, tignan niyo ito.
Pinakita ni
Paolo ang isang Geological Map ng Gamma Base na nasa kanyang Hologram Screen.
MALIN: Ano iyan Kuya Pao?
PAOLO: Eto ang Gamma Base, at eto naman ang Outpost na tinutukoy ni
Abby. Ano itong linya na ito na kumokonekta sa dalawa, Ms. Alice?
ALICE: Hmmm….isa iyang Prehistoric Underground Riverbank. Mayroon din
yang Outlet na kweba, at iyan ang kwebang malapit sa Outpost.
MALIN: Mukha namang maliit yan, kung tama ang sinasabi ni Ate Abby,
paano makakadaan ang AXIS Troops sa linyang yan papasok sa Base natin?
PAOLO: Teka sandali……kung wala silang ipupush-in sa atin…..What if may
gusto silang i-take out?....
ALICE: Ano ang ibig mong sabihin?
PAOLO: Kung tama ang hinala ko……HINDI!!! Ms. Alice, nasaan si Dad?
______________________________________
Sa Open
Field habang nagjojogging, tila may napapansing kakaiba sina Jake at Brian.
JAKE: (todo hingal) Hah…Hah….Hah…..Pre, wala ka bang napapansin?
BRIAN: (humihingal din) Meron. Bakit parang hindi ako makahinga ng
maayos?
JAKE: Ako rin pre…Hah….Hah…..hindi naman tayo nagpagod gaano, pero
bakit di ako makahingang mabuti?
BRIAN: Mabuti pa bumalik na tayo sa Base…
Nang….
“JAKE!
BRIAN! PUMASOK NA KAYO SA BASE DALI!!!
JAKE: Huh?
BRIAN: Paolo?
PAOLO: Nasaan si Dad?
BRIAN: Nasa Main Entry Point ng Base…bakit?
PAOLO: Pumasok na kayo sa loob, numinipis na ang hangin dito!
JAKE: Ano?!
PAOLO: Kaliangang malaman ni Dad na tama si Abby! Diyan na kayo!
Pagkaalis ni
Paolo, litong bumalik sa Base sina Jake at Brian.
_______________________________________
Kaagad
namang natagpuan ni Paolo ang ama.
GEN. ANGELES: Sargeant, ipag-utos mo na isara na ang lahat ng Access Points.
SARGEANT: Yes Sir!
“DAD
HUWAG!!!”
GEN. ANGELES: Paolo! Anong ginagawa mo dito?
PAOLO: Dad, tama si Abby, hindi niyo pwedeng i-ovecharge ang Barrier!
Sinasadya ng AXIS yan para mawala ang hangin dito! Mamamatay tayong lahat dito!
GEN. ANGELES: Ano ba ang problema mo Paolo? Sargeant ituloy ang pagsara,
overcharge the shields now!
SARGEANT: The Shields are closing in five…four…
PAOLO: Sa pagkakataong ito, susuway muna ako sa inyo!
Kaagad
tumakbo si Paolo sa Entry Gate at lumabas…
GEN. ANGELES: Paolo!!!
SARGEANT: Three…two….one….
Naisara na
ang lahat ng Access Gates ng Base at na-over charge na ang mga Shields, ngunit
nasa labas na ng Base si Paolo upang sundin si Abby.
SARGEANT: Sir, naisara na po ang lahat ng Access Points at Overcharged na po
ang Cosmic Barrier. Aabutin po ng isang araw bago magnormal ang Barrier at
madeactivate. Hindi rin po makakabalik agad sina De Leon at ang anak ninyo
dahil sa selyado na ang Base.
GEN. ANGELES: Bahala siya….
Pero may
napansin si Gen. Angeles sa Drainage Grilles ng Base na nasa gilid ng Fence.
Ang Drainage Grilles na ito ang nagsisilbing Water Drainage Line ng Base na
kumokonekta sa isang Underground Riverbank.
GEN. ANGELES: Ano iyon?
SARGEANT: Sir, tila may Air Suction na nagaganap diyan…..
Biglang
napaisip si Gen. Angeles…..naalala niya ang mga sinabi ni Abby at ni
Paolo….Napa-face palm si Gen. Angeles sa natuklasan.
GEN. ANGELES: Hindi maaari….nakulong tayo dito!!!
_______________________________________
Bumalik si
Abby sa Outpost na pinuntahan niya kanina. Nagtago siya sa isang malaking bato
at gamit ang isang Binoculars ay sinipat ang activities sa Outpost.
Nakita niya
doon ang isang batalyong Omnicrons na nagtatrabaho sa kweba. May isang malaking
tubo na kumokonekta sa kweba at sa isang kakaibang bagay.
ABBY: Sinasabi ko na nga ba! Sinadya nilang ipa-overcharge ang Shield
upang mahigop ang Oxygen ng Base!
Lalapit na
sana si Abby nang may tumapik sa balikat niya….
“WAG MONG
SOLOHIN”
ABBY: (lumingon) Paolo?!
PAOLO: Pareho tayo ng iniisip. Pahiram ng Binoculars.
Kinuha ni
Paolo ang Binoculars at sinipat din ang mga gawain sa Outpost.
PAOLO: Tama nga. Ayun ang malaking tubo na humihigop ng Oxygen.
Kailangang maubos muna natin ang mga amuyong na Omnicrons na iyan. Abs, pasukin
mo ang kweba, ako ang bahala sa mga amuyong. Bihis na!
ABBY: Okay. GAMMAMODE, ACTIVATE!
PAOLO: PATRIOT, GAMMA ON!
____________________________________
Habang abala
ang mga Omnicrons na nagtatrabaho…..
BAAAAANNNNGGG!!!!
Nabaril ang
mga ito nang sumulpot si Gamma Patriot.
GAMMA PATRIOT: Pwedeng mang-istorbo?
Kaagad
sumugod ang mga Omnicrons at nilabanan si Gamma Patriot. Buong husay na
nilabanan ni Gamma Patriot ang mga ito gamit ang Pyrrovolver.
Habang abala
ang lalaking Ranger, sinamantala ni Gamma Green ang pagkakataon upang mapasok
ang kweba.
Nasa loob na
ng kweba si Gamma Green upang hanapin ang humihigop ng hangin.
GAMMA GREEN: Kailangang makita ko ang Main Suction Device….
Ngunit
nagulat siya nang….
“SINASABI KO
NA NGA BA AT NANDITO KA!”
GAMMA GREEN: Dymaro?!
DYMARO: Matalino ka talaga, ngayon alam mo na na sinadya namin na
palakasin ang inyong Barrier. Ang akala niyo ba ay hindi na namin kayo
mapupuksa dahil malakas ang inyong barrier? Baka nakakalimutan niyo na dahil sa
lakas din ng inyong Barrier ay magiging selyado ang inyong himpilan at madali
naming mahihigop ang Oxygen ninyo!
GAMMA GREEN: Napakatuso ninyo! Pero hindi rin magtatagumpay ang plano ninyo!
DYMARO: Ow, di nga? Omnicrons lampasuhin yan!
Kaagad
sumugod ang mga Omnicrons kay Gamma Green. Nakipaglaban naman ng buong husay
ang Ranger.
______________________________________
UDF Gamma
Base….
GEN. ANGELES: Unti-unti nang bumababa ang Oxygen Levels ng Base. Kailangang
makaisip tayo ng paraan upang makalabas dito at tulungan sina Paolo at si De
Leon.
SCOTT: But we can’t just get outta here because the Shield is
overcharged.
OWEN: At aabutin po ng isang araw bago po bumaba sa Normal Level ang
Barrier.
JAKE: Ano ang ibig niyong sabihin? Mamamatay tayo dito sa Suffocation?
MALIN: Napakatuso talaga ng AXIS. Naisahan nila tayo.
BRIAN: Wait, may naisip ako. Pwede bang iadjust ang orasan ng Base? I-advance
natin ng 24 hours nang sa gayon ay kaagad na madeactivate ang Barrier at nang
makalabas kami dito.
ALICE: Maganda yang naisip mo Brian. Sige, iaadjust ko ang Base Clock
upang bumalik sa Normal Level ang Barrier.
GEN. ANGELES: Rangers, as long as nagnormal ang Barrier, pumunta kaagad kayo sa
Outpost.
RANGERS: Yes Sir!
____________________________________
Naubos ang
mga Omnicrons sa loob ng kweba at natira na lang si Dymaro.
DYMARO: Ha ha ha, mahusay Gamma Green, ngayon ako naman ang harapin mo!!!
GAMMA GREEN: Laban lang!
Gamit ang
Gamma Dagger ay nakipaglaban si Gamma Green kay Dymaro, Ngunit sa lakas ni
Dymaro ay nahirapan si Gamma Green. Nacorner si Gamma Green ng kalaban.
DYMARO: Ha ha ha!!! Paalam Ranger!
BAAAAANNNNGGG!!!!!
Napasandal
si Dymaro matapos matamaan ng Pyrrovolver Blast…
GAMMA GREEN: Paolo!
GAMMA PATRIOT: Abs, hanapin mo na ang Main Suction Device! Ako na ang bahala sa
damuhong ito!
GAMMA GREEN: Salamat Pao!
Kaagad
hinanap ni Gamma Green ang Main Suction Device…
DYMARO: Panira ka talaga traydor ka!!!
GAMMA PATRIOT: Hah, talagang panira ako ng plano niyo! Yaaaahhh!!!!
_______________________________________
Na-adjust ni
Alice ang Base Clock ng Base at madaling nababa ang Level ng Barrier. Kaagad
lumabas ang Rangers at hinintay na mawala ang Barrier.
MALIN: Ayos, ang brainy mo talaga Kuya Brian!
BRIAN: Pero hindi pa tapos ang problema.
SCOTT: Let’s wait for the Barriers to get lowered.
At nang
tuluyan ng nawala ang Barrier…..
JAKE: Okay, wala na ang Barrier, Ready!
ALL: Ready!
“GAMMAMODE,
ACTIVATE!”
Kaagad
nagmoprh ang apat bilang Gammarangers.
GAMMA RED: Guys, let’s rakenrol!!!
Umalis ang
apat upang puntahan ang Outpost na kinaroroonan nina Gamma Green at Gamma
Patriot.
_____________________________________
Sa wakas ay
nakita din ni Gamma Green ang Main Suction Device……si Vaccuzoid!
Abala ang
halimaw na humihigop ng Oxygen mula sa Drainage Canal ng Gamma Base.
GAMMA GREEN: Huli ka balbon…..G-BOOSTER……FIRE!!!
BOOOOOOOOOMMMMM!!!!
Sumabog ang
kinaroroonan ng halimaw na si Vaccuzoid. At napatilapon siya palabas, kasama
sina Gamma Patriot at Dymaro.
GAMMA PATRIOT: So yan pala ang humihigop ng hangin!
DYMARO: Tama! Siya si Vacuuzoid! At kayo naman ang susunod niyang
hihigupin! Diyan na kayo!!!
Umalis si
Dymaro at iniwan ang dalawang Rangers at si Vacuuzoid sa labas ng kweba.
GAMMA GREEN: Mukhang malaki ang isang ito.
GAMMA PATRIOT: Kaya yan! Laban na!
GAMMA GREEN: Okay!
Sumugod ang
dalawa kay Vacuuzoid. Nakipagsabayan ang dalawa sa halimaw, ngunit nang ilabas
ni Gamma Green ang kanyang Gamma Dagger, ay nahigop ito ng halimaw.
GAMMA GREEN: Ang Dagger ko!
GAMMA PATRIOT: Ako naman! Pyrrovolver Blade Mode!
Ngunit
maging ito ay nahigop din ng halimaw.
GAMMA PATRIOT: Hah?! Paanong---
GAMMA GREEN: No choice kundi labanan siya ng mano-mano!
Sumugod si
Vacuuzoid sa dalawa at hinigop din si Gamma Green….
GAMMA GREEN: Aaaaaahhhhh…..
GAMMA PATRIOT: Abby!!!
Napadikit si
Gamma Green sa Vacuum Hand ni Vacuuzoid. Sumugod si Gamma Patriot ngunit isang
malakas na ipo-ipo ang ibinuga ni Vacuuzoid sa Ranger at napatilapon ito.
Hihigupin na ni Vacuuzoid ang lakas ni Gamma Green…nang….
“G-MAGNUM,
FIRE!!!”
Isang malakas
na G-Magnum Blast ang tumama sa katawan ni Vacuuzoid at napadapa ito, kaya
nabitawan niya si Gamma Green.
GAMMA GREEN: Mga kasama!
GAMMA RED: Na-late ba kami!
GAMMA PATRIOT: Mabuti na lang at dumating kayo! Paano pala kayo nakalabas ng
Base?
GAMMA BLUE: Mamaya ko na ipaliliwanag!
GAMMA VIO: Let’s finish this asshole first!
GAMMA YELLOW: Lagot ngayon si Mr. Air Sucker!
Tumatayo
ulit si Vacuuzoid, ngunit….
GAMMA RED: Guys, Bayonet time!
Kaagad
inactivate ng apat ang mga Gamma Bayonets at sunud-sunod na inatake ang
halimaw, sa sobranmg hina ng halimaw ay nailabas din nito ang mga nahigop na
sandata nina Gamma Green at Gamma Patriot.
GAMMA GREEN: Ayos! Nakuha ko din sa wakas!
GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver ko!
GAMMA RED: Okay, Combine all Weapons!
ALL: Roger! Gamma Bayonets Rifle Mode!
GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver Full Power!
GAMMA RED: Isang putok ka lang Boi!
ALL: FIRE!!!!
Isang putok
lang ng kanilang pinagsamang lakas ay…
BOOOOOOMMMMMMM!!!!!
Sumabog agad
si Vacuuzoid.
_____________________________________
AXIS Mega
Base….
GANELON: Aaaaaaarrrrrggghhhh!!!!!
DYMARO: Hindi maaari! Bakit ganoon?
GANELON: Nagtatanong ka pa! GEAR Spider Launch!
Ilang saglit
pa ay ipinasok na sa Satellite Dish ang GEAR Spider at bumagsak sa kinaroroonan
ng nasirang Vacuuzoid.
Unti-unti ay
nabuhay ulit si Vacuuzoid at lumaki.
GAMMA RED: Hah, buhay ka pa ha….Gammachines, launch!
Ilang saglit
pa ay umabante na ang limang Gammachines at sumakay na ang limang Rangers.
GAMMA PATRIOT: Good luck Rangers!
Biglang may tumawag
kay Paolo….
GAMMA PATRIOT: Dad?
GEN. ANGELES: (sa kabilang linya) Paolo, in minutes ilalaunch na rin ang iyong
Gammachine, maghintay ka lang….
GAMMA PATRIOT: Okay po!
_______________________________________
GAMMA RED: Gammatron Time!
ALL: Alright! Integrate Gammatron!
Ilang salgit
pa ay nagsanib ang limang sasakyan upang mabuo si Gammatron.
GAMMA RED: Okay larga na! Gammatron Chopper Blade!
Bumunot ng
Chopper Blade ang Gammatron, ngunit nagulat sila ng mahigop ito ng Vacuuzoid.
GAMMA GREEN: Hindi!
GAMMA YELLOW: Nahigop niya!
GAMMA BLUE: Fonseca paputukin na natin yan!
GAMMA RED: Okay, Mechatronic Ultrablaster!
Pagkabunot
nito, ay mas nagulat ang lahat ng pati ito ay mahigop din ng halimaw.
GAMMA VIO: What the hell---!
GAMMA RED: Yari!!!
Mas
nagulantang pa sila ng pati ang Gammatron ay unti-unting hinihigop ni
Vacuuzoid.
GAMMA BLUE: Ang lakas ng paghigop niya!
GAMMA GREEN: Delikado!
______________________________________
Nag-aalala
si Gen. Angeles sa nangyayari sa Rangers, kaya….
GEN. ANGELES: Alice, handa na ba ang Desert Panzer?
ALICE: Handa na po!
Agad tinawag
ni Gen. Angeles si Paolo.
GEN. ANGELES: Paolo, Stand by for the Desert Panzer!
______________________________________
PAOLO: Roger Dad!
Ilang saglit
pa ay dumating na ang Desert Panzer na nagpaputok ng sunud-sunod na Missiles sa
Vacuuzoid…
GAMMA PATRIOT: Wow! Asteeg! Sa akin ba talaga ito?
GEN. ANGELES: Oo Anak, yan ang Desert Panzer. Sumakay ka na!
Kaagad
sumakay si Gamma Patriot sa kanyang bagong Gammachine.
Napatingin
din ang mga Rangers sa bagong dating na Gammachine.
GAMMA YELLOW: Wowowee….
GAMMA VIO: What is that?
GAMMA GREEN: Wow!
GAMMA BLUE: Kay Paolo ba iyan?
GAMMA RED: Bangis!
GAMMA PATRIOT: Ayos ba guys? Lampasuhin na natin yan!
Chineck muna
ni Gamma Patriot ang Weapons Menu ng Control Panel ng Desert Panzer.
GAMMA PATRIOT: Okay! Eto ang sayo! Pyrro Cannons!
Nagpaputok
ng Pyrro Cannons ang Desert Panzer at nadale ang halimaw. Nabitawan din nito
ang Gammatron na hinihigop niya kanina.
GAMMA RED: Nakawala din! Salamat Pao!
GAMMA PATRIOT: Okay! (biglang nagpakita sa Screen Panel si Owen) Owen! Anong
meron?
____________________________________
OWEN: Pao, may Warrior Mode din ang Panzer, i-activate mo ang Patriot
Titan Configuratin at magiging higanteng robot ang Panzer!
____________________________________
GAMMA PATRIOT: Okay salamat Owen! Let’s see……Patriot Titan Activate!
Ilang saglit
pa ay nagkaroon ng pagbabago sa itsura ng Desert Panzer….matapos ang ilang
minuto….naging isa na itong malaking Robot….
YELLOW/VIO/GREEN/BLUE/RED: WHOA?!
Nagulat ang
lahat pagkakita sa bagong Robot…
_____________________________________
OWEN: Sir, nagawa niya!
ALICE: Ayos!
GEN. ANGELES: Pakitaan mo na sila, Pao.
______________________________________
GAMMA PATRIOT: Ganito pala…..ngayon ipapakita ko sa inyo ang tunay na galing ng
Patriot Titan!!!
Sumugod ang
Vacuuzoid sa Patriot Titan, ngunit hindi natinag ang huli. Sinubukan niyang
higupin ang robot ngunit wala pa ring epekto.
GAMMA PATRIOT: Ha ha ha! Wala ka palang binatbat! Ako naman…..PATRIOT TITAN
HEAVY ARMS MODE!
Inilabas
lahat ng Patriot Titan ang mga armas nito sa katawan….
GAMMA PATRIOT: TITAN JUGGERNAUT!!!! FIIIRREEE!!!
Isang
malaking pasabog lang ng Titan Juggernaut…..
BOOOOOOOOOOMMMMMMM!!!!!!
Sabog ang Vacuuzoid.
Napanganga
na lang ang limang Rangers sa ipinakita ng bagong robot.
GAMMA RED: Wow! Ang lupit mo Tol!
GAMMA BLUE: Galing ng Desert Panzer!
GAMMA GREEN: Hindi, Patriot Titan!
GAMMA VIO: Whatever it is, it’s cool!
GAMMA YELLOW: Owver ka Kuya Pao!
GAMMA PATRIOT: Salamat, pero hindi natin matatalo ang halimaw kung hindi dahil
kay Abby…siya ang susi sa tagumpay natin.
GAMMA RED: Oo nga naman hehehe Mabuhay ka Abby!
ALL: Mabuhay!
GAMMA GREEN: Ha ha ha salamat…
______________________________________
UDF Gamma
Base….
GEN. ANGELES: Humihingi ako ng tawad sa iyo, De Leon. Hindi kaagad ako
nagtiwala sa findings mo.
ABBY: Wala po iyon Sir. Naintindihan ko naman po ang gusto niyong
mangyari. Yun ay ang protektahan ang Base. Sinamantala lang po ng AXIS ang
sitwasyon.
GEN. ANGELES: Mabuti na lang at sinundan ka ni Paolo.
PAOLO: Salamat nga pala po sa Desert Panzer. Napakalaking tulong nito.
GEN. ANGELES: Kaya para sa mission na ito, kayong dalawa ang bayani.
Palakpakan
ang lahat.
ALICE: At bumalik na sa Normal ang Oxygen ng Base.
GEN. ANGELES: Okay Rangers, magpahinga na kayo. Alcie, Owen, ipagpatuloy niyo
ang pag-aaral sa SIGMA, habang hinihintay pa natin ang recovery ng mga
survivors.
ALICE: Yes Sir…..
Pumasok na
sa Lab sina Alice at Owen upang pag-aralan ang Project SIGMA.
___________________________________
Sa di
kalayuan…..may misteryosong nilalang na tinatanaw ang Gamma Base.
NILALANG: Nandito pala ang kinaroroonan ng SIGMA….kailangang mabawi ko iyon
kaagad…..
Itutuloy………..
No comments:
Post a Comment