Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
Ang nakaraan sa United Defense Force Gammaranger….
Isang
malaking AXIS Terrozoid ang naghasik ng lagim sa Siruma, Camarines Sur, ang
bayan ni Jake. Dahil dito ay naatasan si Jake ni Gen. Angeles na iligtas ang
nasabing bayan mula sa halimaw. Kasama si Abby ay umuwi ang lalaki sa kanilang
bayan at muling nakasama ang kaniyang pamilya. Muling umatake ang halimaw na si
Piranhazoid, kaya kaagad kumilos sina Jake at Abby upang harapin ang halimaw,
habang naiwan naman sa kanilang bahay ang pamilya Fonseca.
Subalit nang
bumalik ang dalawa…wala na ang pamilya ni Jake, na siyang ikinagalit nito. Mas
nagulat siya nang magpakita si Balaam at sinabing hawak niya ang buhay ng
pamilya niya. Napagkaisahan nina Jake at Abby na maghiwalay, haharapin ni Abby
si Piranhazoid habang ililigtas naman ni Jake ang pamilya niya.
Sa kasamaang
palad ay nahirapan si Abby na labanan si Piranhazoid, habang humarang naman si
Balaam kay Jake…nagsimula na ring malagay sa panganib ang pamilya Fonseca….
Mission 24: Labanan sa Nayon
Apak-apak ni
Balaam si Gamma Red habang tinututukan siya ng patalim.
BALAAM: Paano yan, umaandar na ang pader ng kamatayan sa loob ng kweba.
Anumang oras ay mamamatay na ang pamilya mo! Habang si Piranhazoid naman ay
patuloy na naghahasik ng lagim sa inyong bayan. Wala ka ng magagawa!
GAMMA RED: Nagmamakaawa ako sa iyo Balaam….Huwag mo silang patayin, maawa
ka….
BALAAM: Ang AXIS ay hindi marunong maawa! Kaya tatapusin na kita!
Itinaas ni
Balaam ang kanyang sandata at akmang isasaksak kay Gamma Red…..
GAMMA RED: G-Magnum!!!
Mula sa Leg
Armor ay lumabas ang G-Magnum nang hindi hinahawakan ng kamay. Napatulak si
Balaam dahil sa lakas ng putok….
BALAAM: Ayos ka rin! Nakuha mo pang makaisip ng diskarte kahit
dehadong-dehado ka na!
Sabay tumayo
si Gamma Red.
GAMMA RED: Hah! Ganun talaga pag bida! Nagpapabugbog muna!
BALAAM: Ibang klase ka….pero kahit anong gawin mo hindi mo na maililigtas
ang pamilya mo!
GAMMA RED: Puro ka putak! Hindi ko na patatagalin ito! Kailangang mailigtas
ko ang aking pamilya! Kaya uunahin na kita!!!.......GAMMA BAYONET FORM!!!
Binuo ni
Gamma Red ang Gamma Bayonet sabay sugod kay Balaam, muli silang naglaban ng
matindi….
_________________________________________
Unti-unting
lumalapit ang Death Wall sa pamilya Fonseca….
JENNIELYN: Diyos ko….maawa po Kayo sa
amin…..
JAYSON: Kailangang makaisip ng paraan habang wala si Kuya….
Bigla namang
namutla at nagkombulsyon ang tatay nila….
NANAY: Diyos ko…Rodrigo!!!
Gusto man
niyang yakapin ang asawa ay hindi niya magawa dahil nakakadena siya.
Lalong
nabalot din sa takot ang mga anak ni Jennielyn…
BATA 1: Mamaaaa…..huhuhuhu….
BATA 2: Mama tatakot ako…..huhuhu…..
BATA 3: Ayoko po dito Mamaaaaa……
JENNIELYN: (umiiyak) Mga anak….! Wag kayong matakot…Magdasal lang tayo kay
Papa Jesus….tsaka tiwala akong ililigtas tayo ng Tito Jake niyo…..
Sa kabila ng
mga sinabi ng ina, hindi pa rin nawala ang takot ng magkakapatid….
JENNIELYN: Manalig lang tayo kay Lord….hindi niya tayo pababayaan!
NANAY: Mahabaging Diyos….Iligtas niyo po kami…..
JAYSON: Konti na lang at mapipisa na tayo dito…..kailangang makaisip ng
paraan!
Sa isang
tabi ay may nakitang kapirasong kahoy si Jayson. Biglang may pumasok sa isip
nito.
JAYSON: Alam ko na!
________________________________________
Nasa balag
na ng alanganin si Abby dahil sa pagkakahawak sa kanya ni Piranhazoid. Sakal
siya ngayon ng halimaw habang itinaas siya sa ere. Wala na ang kanyang Morphing
Badge at ang kanyang Communicator….wala na siyang magagawa.
ABBY: Ugghh….Sana dumating na silaaa……
Akmang
titirahin na siya ni Piranhazoid…..
BAAAAAAAANNNNGGGG!!!!!
Natamaan ng
malakas na Blast si Piranhazoid at nabitawan si Abby. Napahiga siya…at nang
lumingon pataas….
“PASENSYA
NA, NAHULI KAMI.”
ABBY: Guys!
Dumating
sina Gamma Blue, Gamma Vio at Gamma Yellow sa eksena.
GAMMA BLUE: Di ka namin ma-contact, nahirapan kaming hanapan ka ng signal.
Yun pala natapon ang Communicator mo.
ABBY: Buti na lang pala na-activate ko ang Tracking Device ng
Communicator.
GAMMA VIO: Seems this monster is so terrible!
GAMMA YELLOW: Ate Abby, transform ka na!
ABBY: Okay!
Habang
umatake ang tatlo sa halimaw ay pinulot ni Abby ang Morphing Badge.
ABBY: Okay makapagbihis na nga…..GAMMAMODE, ACTIVATE!
Isang iglap
lang ay naging Gamma Green na si Abby.
GAMMA GREEN: Okay, kailangang mailigpit na ang isdang yan!
GAMMA BLUE: Guys, Activate Gamma Bayonets!
Kaagad binuo
ng apat ang kanilang mga Gamma Bayonets at sumugod kay Piranhazoid.
______________________________________
JAYSON: Kailangang maitukod ko ang kahoy na iyan sa pader!
Dahil
nakakadena sa kweba ang mga kamay niya, naisip ni Jayson na gamitin ang mga paa
upang mailagay ang kahoy sa pagitan ng pader nila at ng Death Wall.
NANAY: Jayson, kaya mo yan…anak.
JENNIELYN: Gawin mo lang, Jayson.
JAYSON: Eto na.
Sinipa ni
Jayson ang kahoy at ipinwesto ito, itinukod nito ang kahoy sa pader…nang
unti-unting lumalapit ang Death Wall…..
JAYSON: Sana umubra….
Tama nga si
Jayson. Napahinto ang Death Wall gawa ng kahoy na nakatukod.
JENNIELYN: Nagawa mo bunso!
NANAY: Diyos ko salamat….
JAYSON: Ngayon habang nakahinto ang pader, kailangang makaalis tayo sa
mga kadenang ito!
______________________________________
Kapwa pagod
na pagod ang naglalabang mga nilalang na sina Gamma Red at Balaam.
GAMMA RED: Hindi na dapat ako magsayang ng oras sa kakalaban sa iyo!
Kailangang mailigtas ko ang pamilya ko!
BALAAM: Kahit manalo ka pa sa laban natin ay huli na para mailigtas mo
sila!
GAMMA RED: Nakakabanas ka!!!! Yaaaaa!!!!
Sumugod si
Gamma Red at lumundag paatake kay Balaam, ngunit isang malakas na Blast ang
ibinato ng AXIS General sa Ranger.
GAMMA RED: Aaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!
Tinamaan si
Gamma Red at nahulog. Namimilipit na siya sa sakit.
BALAAM: Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo….wala kang kwenta!!!
GAMMA RED: Uhhhh…..Hindi….maaari….
BALAAM: Hindi ko na pahahabain pa ang buhay mo!
Nang
biglang……
“YAAAAAAAHHH!!!!”
SLAAASH!!!
BALAAM: Aaaaaaaaaaarrrggghhh!!!!!
Isang
nilalang ang biglang tumaga sa likuran ni Balaam, kaya napaupo ang kalaban.
BALAAM: May istorbo nanaman?!
GAMMA RED: Huh?
Napalingon
si Gamma Red sa nilalang….
GAMMA RED: Paolo!!!
Naroroon
pala si Gamma Patriot.
GAMMA PATRIOT: Akala ko natodas ka na ng hinayupak na to. Buti na lang umaandar
pa ang Tracking Device mo.
GAMMA RED: Buti na lang dumating ka! Nasaan ang iba?
GAMMA PATRIOT: Nasa Siruma, tinulungan si Abby na labanan ang halimaw.
BALAAM: Mga pangahas kayo!
GAMMA PATRIOT: Jake, mabuti pa iligtas mo na ang pamilya mo. Ako muna ang bahala
sa panget na ito.
GAMMA RED: Sige! Salamat Tol!
Kaagad
nagmadaling pumasok ng kuweba si Gamma Red upang mailigtas ang pamilya niya.
BALAAM: Saan ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos!!!
Ngunit
humarang si Gamma Patriot.
GAMMA PATRIOT: Hep hep! Diyan ka lang! Ako muna ang labanan mo!
BALAAM: Grrrrrrrr…….
_____________________________________
JAYSON: Malas, hindi ko makalag ang mga kadena!
NANAY: Mahal na Birheng Santisima…..paano na ito….
JENNIELYN: Nakupo, tila nababali na ang kahoy na pantukod!
Lalong
nagcollapse ang kanilang ama, habang lalo ring nabalot ng takot ang mga anak ni
Jennielyn.
Mas lalong
nagimbal ang lahat nang naputol na nga ang kahoy na pantukod sa Death Wall.
JAYSON: Nay….Tay….Ate….mga pamangkin….mukhang makakasama na po natin si
San Pedro!
Biglang
sumulong pa lalo ang Death Wall palapit sa kanila….Napapikit na lang ang buong
pamilya na tila tanggap na ang parating na kamatayan….
.
.
.
.
.
BOOOOOOOOMMMM!!!!!
Nagulat ang
lahat nang biglang mawasak ang Death Wall!
NANAY: Huh?
JENNIELYN: Nasira ang pader! Diyos ko salamat….
JAYSON: Huh, sino iyon?
Mula sa
malayo ay may nakita silang isang nilalang na nababalot ng pulang armor at
hawak ang isang baril na sandata.
NANAY: Sino iyon?
JENNIELYN: Parang kilala ko iyan…
BATA 1: Wow, si Iron Man!
BATA 2: Hindi, si Power Ranger yan!
BATA 3: Yehey, may Super Hero na nagligtas sa atin!
JAYSON: Sino ba siya?
Unti-unting
lumalapit ang nilalang at nagsalita.
“BUTI NA LANG
HINDI KAYO NAPISA”
NANAY: Teka, kilala ko ang boses na iyan….
JENNIELYN: Boses yan ni…
JAYSON: Kuya? Ikaw ba iyan?
Si Gamma Red
nga ang nilalang na sumira ng Death Wall.
GAMMA RED: Ha ha ha, mukhang hindi kayo sanay na may suot akong ganito.
JENNIELYN: Kung ganon, isa ka palang…..Gammaranger?
NANAY: Ikaw ba yung napapanood ko sa balita na tagapagtanggol ng bayan?
JAYSON: Kuya talaga, hindi mo man lang sinasabi sa amin!
GAMMA RED: Saka na ako magpapaliwanag, pero sa ngayon kailangang makaalis
kayo dito! GAMMA DAGGER!
Inilabas ni
Gamma Red ang kaniyang Gamma Dagger at pinagtataga ang mga kadena na gumagapos
sa kaniyang pamilya.
NANAY: Naku maraming salamat anak….
BATA 1: Tito Jake!
BATA 2: Maraming salamat Tito!
BATA 3: Isa kang Superhero, Tito!
GAMMA RED: Tara na at lumabas na tayo dito!
At tumakbo
ang buong mag-anak palabas ng kweba.
______________________________________
Kita kay
Balaam na hirap na hirap siya kay Gamma Patriot. Nakaluhod siya ngayon at
nanghihina.
GAMMA PATRIOT: Oh, ano inuupo-upo mo diyan? Akala ko ba tatapusin mo ako?
BALAAM: Malas……hindi pa ako tapos sa inyo….gaganti ako!
Biglang
nag-teleport si Balaam at tumakas, ikinagulat ito ni Gamma Patriot.
GAMMA PATRIOT: Kahit kailan talaga duwag iyon.
Saktong
lumabas na din ng kweba sina Gamma Red at ang pamilya Fonseca.
GAMMA RED: Paolo!
GAMMA PATRIOT: Jake! Buti naman at ligtas sila!
BATA 1: Wow, isa pang Super Hero!
JAYSON: Wow isa pang Gammaranger!
GAMMA RED: Siya nga pala si Paolo---
Ngunit
biglang tumunog ang Communicator ni Gamma Red….si Gamma Blue ang nasa kabilang
linya.
GAMMA RED: Oh Tavarez, ano problema?
________________________________________
GAMMA BLUE: Fonseca, delikado kami dito! Kelangan namin ng backup!
________________________________________
GAMMA RED: Copy that! Paano saka ko na kayo ipapakilala. Kailangang bumalik
na tayo sa Siruma. CYCLONE PANTHER!
Walang
anu-ano ay biglang dumating ang Cyclone Panther, ang sasakyan ni Gamma Red.
Huminto ito sa kanilang tapat.
GAMMA RED: Nay, sumakay na po kayo dito, kayong lahat.
GAMMA PATRIOT: Sige hahabol na lang ako, may special technology ako para makarating
kaagad doon.
GAMMA RED: Magaling kung ganon. Magkita na lang tayo doon.
Kaagad
sumakay sa Cyclone Panther ang pamilya Fonseca at bumalik sa Siruma. Si Gamma
Patriot naman ay gumamit ng Pyrronium Teleport upang makalipat sa Siruma.
_______________________________________
Sa kabilang
dako, tila hirap na hirap pa rin ang apat na Gammarangers sa pakikipagsagupa
kay Piranhazoid. Sa kabila ng pinagsama-sama nilang pwersa…tilapon sila ngayon
sa paanan ng halimaw.
GAMMA BLUE: Grabe…di ko akalaing ganito pala ito kalakas!
GAMMA GREEN: Ako nga halos patayin na niyan eh…
GAMMA VIO: That fish is just incredible! We have no match for it!
GAMMA YELLOW: Grabe….nangunguluntoy na ako….naubos ang Energy ko….
Unti-unting
lumalapit sa kanila si Piranhazoid, at napapaatras naman ang apat na Gammarangers.
GAMMA VIO: Now he’s coming toward us….
GAMMA BLUE: Kahit anong ibato natin sa kanya wala din….
GAMMA YELLOW: Yiiiih….
Susugod na
sana si Piranhazoid….nang…..
BAAAAAAAAAGGGGGGG!!!!!
Biglang may
sumagasa sa kanya. Napatilapon siya sa ere, habang pumreno naman ang sasakyang
sumagasa…….ang Cyclone Panther.
GAMMA GREEN: Nandito na si Fonseca!
GAMMA BLUE: Salamat naman.
Kaagad
bumukas ang sasakyan at bumaba si Gamma Red.
GAMMA RED: Ano ba yan, apat na nga kayo, hirap pa rin kayo sa Bisugong iyan?
GAMMA BLUE: Wag ka ngang mayabang diyan, pasalamat ka dumating kami.
GAMMA GREEN: Naku buti na lang at ligtas ang pamilya mo.
Lumingon si
Gamma Red sa loob ng sasakyan.
GAMMA RED: Dito lang kayo. Wag kayong lalabas dito.
JENNIELYN: Sige, Jake.
JAYSON: Oo Kuya. Papanoorin ka naming makipaglaban.
Aalis na
sana si Gamma Reed, nang pigilan siya ng nanay niya.
GAMMA RED: Nay?
NANAY: Mag-iingat ka anak. Patnubayan ka sana ng Poong Maykapal.
GAMMA RED: Si Nanay talaga….
At sinamahan
na ni Gamma Red ang iba pang Rangers.
Ngayon ay
nakatayo na ang limang Gammarangers laban kay Piranhazoid. Muli ay sumugod ang
halimaw, ngunit…..
SLAAAAASSSHHHH!!!!
Biglang may
tumaga ulit sa likuran ng halimaw……si Gamma Patriot gamit ang kanyang
Pyrrovolver Blade Mode.
GAMMA YELLOW: Wow si Kuya Pao!
GAMMA VIO: Now we’re back to six!
GAMMA RED: Okay, buo na ang tropa!
GAMMA PATRIOT: Na-late ba ako sa party?
Sa sobrang
sakit ay hirap makatayo si Piranhazoid.
GAMMA RED: Guys, gawin na nating Escabeche yan! Form Gamma Bayonets!
Binuo ng
limang Rangers ang kanilang mga Gamma Bayonets. Habang inihanda naman ni Gamma
Patriot ang kanyang Pyrrovolver.
GAMMARANGERS: Bayonets Rifle Mode! Lock-on Target!
GAMMA
PATRIOT: Pyrrovolver Maximum Power!
ALL: FIRE!!!
BAAAAAAAAAANNNNGGGGG!!!!!
Isang
malakas na Blast ang bumulaga kay Piranhazoid, sa pagkakataong ito ay hind na
niya mailagan ang pwersang ito kaya….
BOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMM!!!!!!
_______________________________________
JAYSON: Yehey! Natalo nila ang halimaw!
JENNIELYN: Ang galing!
MGA BATA: Yehey!
NANAY: Galing mo Anak.
_______________________________________
Sa isang
tagong dako ay namasdan ng sugatang si Balaam ang pagsabog ni Piranhazoid.
BALAAM: Hindi pa tapos…..Yaaaah!!!
Inihagis
niya ng malakas ang isang GEAR Spider sa pinagsabugan ni Piranhazoid….at sa
isang iglap lang….biglang nabuhay ito at lumaki.
________________________________________
NANAY: Diyos por Santo….ano nanaman iyan?
Biglang
nahimatay ang kanilang ina.
JENNIELYN:
Nay! Diyusmiyo naman…Inay!
JAYSON: Nabuhay ulit ang halimaw!
JENNIELYN: At lumaki pa! Diyos ko….nakaka-trauma na ang mga pangyayaring ito….
Kaagad
namang pinaypay ni Jayson ang ina.
JENNIELYN: Ang dating napapanood lang natin sa balita, narito at nakikita na
natin….
_________________________________________
Ang buong
bayan naman ng Siruma ay nagulat din sa nasaksihan. Lalo silang nabalit ng
takot sa paglaki ng halimaw na gumagambala sa kanilang pamumuhay. Ngayon lang
sila nakasaksi ng ganitong pangyayari.
_________________________________________
GAMMA RED: Hindi na talaga natuto ang AXIS. Gammachines Launch!
GAMMA PATRIOT: Desert Panzer, On Line!
Kaagad
namang dumating ang anim na Gammachines ng Gammarangers.
GAMMARANGERS: Teleport On!
Nagteleport
sila papunta sa kani-kanilang mga sasakyan.
GAMMA RED: Guys Gammatron Time!
GAMMARANGERS: Alright! Integrate Gammatron!
GAMMA PATRIOT: Patriot Titan Activate!
Nagsanib ang
limang Gammachines upang mabuo si Gammatron, habang ang Desert Panzer naman ay
nagbagong anyo at naging Patriot Titan.
GAMMARANGERS: Gammatron Initializing…..
GAMMA PATRIOT: Patriot Titan Complete!
_______________________________________
JAYSON: Woooww asteeeg!!! Ngayon lang ako nakakita ng higanteng robot sa
personal!
JENNIELYN: Ano ba itong mga nangyayari….
Wala pa ring
malay ang ina nila.
________________________________________
Saksi naman
ang buong bayan ng Siruma sa nagaganap na labanan ng mga higante. Nananalig
sina na sana ay magtagumpay ang Gammarangers laban kay Piranhazoid.
_________________________________________
GAMMA RED: Pao, pagtulungan na natin ito!
GAMMA PATRIOT: Roger!
Sumugod ang
dalawang GAMMA Robots sa Piranhazoid at pinagtulungang suntukin ito.
GAMMA PATRIOT: Jake, wag na nating patagalin ito!
GAMMA RED: Sinabi mo pa! Falcon Blazer Take-off!
Mula sa ere
ay lumipad ang Falcon Blazer at nagpakawala ng sunud-sunod na atake….
GAMMA RED: Form Falcon Gammatron!
Nakipagsanib
naman ang Falcon Blazer sa Gammatron upang maging Falcon Gammatron.
GAMMA PATRIOT: Patriot Titan Heavy Arms Mode!
Inilabas
lahat ng Patriot Titan ang mga armas nito sa katawan….
GAMMA RED: Okay, Falcon Blaze Striker!
GAMMA PATRIOT: Titan Juggernaut!
ALL: FIIRREEE!!!
Pinagsama ng
dalawang robots ang kanilang lakas upang patumbahin si Piranhazoid…..
BOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!!
GAMMA RED: Ha ha ha, natapos din!
GAMMA PATRIOT: Oo nga….
.
.
.
.Ngunit mali
sila……
Nang humupa
ang usok, nagulat sila nang makitang buhay pa si Piranhazoid.
GAMMA RED: Potek!
GAMMA BLUE: Hindi!
GAMMA GREEN: Buhay pa?!
GAMMA VIO: But we spent all our energy!
GAMMA YELLOW: Hell no!
GAMMA PATRIOT: Imposible!
Tila lalo
pang lumakas si Piranhazoid at sumugod sa dalawang robots. Pinagtataga niya ang
mga ito gamit ang palikpik. Nagawa pa niyang kagatin ang Patriot Titan at
masira ang kamay nito.
GAMMA PATRIOT: Aaaaaaaaahhh!!!!
Bigla nitong
binuhat ang Patriot Titan at ibinato sa Gammatron.
GAMMARANGERS: Aaaaaaaaaahhh!!!!
______________________________________
JENNIELYN: Diyos ko…..hindi nila matalo ang halimaw….ito na ba ang katapusan
natin?
MGA BATA: Hu hu hu…..Tito Jake….
JAYSON: Huwag kayong mawalan ng pag-asa! Tiwala ako kay Kuya at sa
Gammarangers! Tinulungan nila tayo, kaya tulungan natin sila….ang tanging
maitutulong natin ay magdasal! Tutulungan ng Diyos ang Gammarangers na talunin
ang kalaban!
Tumango
naman si Jennielyn….
JENNIELYN: Mga anak, sundan niyo si Tito Jayson….magdadasal tayo kay Papa
Jesus na sana matalo ang halimaw
MGA BATA: Opo Mama….
At nagsimula
na ngang magdasal ang pamilya Fonseca…wala pa ring malay ang kanilang nanay at
ama….
_______________________________________
Napapanood
naman ng sambayanan ng Siruma ang pagsira ni Piranhazoid sa dalawang GAMMA
Robots. Tila nawawala na rin ang pag-asa nila na matatalo pa ang halimaw dahil
nakita nila kung paanong pagpagin lang nito ang pwersa ng mga robots.
Ngunit isang
tao ang biglang nagsalita.
LALAKI: Mga kababayan, tatayo na lang ba tayo dito at manonood? Ginagawa
nia ang lahat upang mailigtas tayo! Ngayon ay pagkakataon na natin upang
tulungan sila! Palakasin natin ang loob nila! Magdasal tayo para sa
ikatatagumpay nila!
Tila
sumang-ayon naman ang lahat.
Kaagad na
nag-alay ng dasal ang buong Siruma.
________________________________________
GAMMA PATRIOT: Nauubos na ang lakas ng Titan…..malapit nang maging zero…
GAMMA RED: Kahit dito….mukhang wala na ring maibubuga ang Gammatron….
Nakahiga ang
dalawang robots habang lumalapit ulit si Piranhazoid.
GAMMA GREEN: Ano na ang gagawin natin ngayon?
GAMMA BLUE: Kailangang umisip ng paraan.
GAMMA RED: Hindi tayo susuko…maraming umaasa sa atin….lalaban tayo!
Pilit
tumatayo ng Gammatron….ngunit isang sipa ang sinalubong ni Piranhazoid.
RANGERS: Aaaaaaaaahhhhh!!!!
Walang
anu-ano ay biglang lumitaw sa Screen Panel si Owen.
GAMMA PATRIOT: Owen?!
GAMMARANGERS: Owen!
________________________________________
OWEN: Rangers, alam ko na kung paano niyo matatalo ang halimaw!
Kaliangang magsanib pwersa kayo!
________________________________________
GAMMA RED: Anong ibig mong sabihin?
________________________________________
Magcocombine
ang Gammatron at ang Patriot Titan! Sandali lang at iuupload ko ang Program sa
inyong mga robots para makapagsanib kayo.
_______________________________________
GAMMA PATRIOT: Magandang ideya yan!
GAMMA RED: Ayos! Sige Owen, maraming salamat!
Ilang
sandali pa ay dumating na nga ang Program na kailangan upang mabuo ang dalawang
robots.
GAMMA VIO: Patriot Gammatron Configuration? Sounds cool!
GAMMA RED: Pao, gamitin na natin!
GAMMA PATRIOT: Okay Jake!
GAMMARANGERS: FORM PATRIOT GAMMATRON!!!
Nagsanib na
ang Patriot Titan at ang Gammatron…..at ilang saglit pa…..ay nabuo ang isang
napakalaki at napakalakas na Super Robot.
“Patriot Gammatron Systems Ready” sabi ng female voice alarm
ng bagong cockpit.
GAMMA YELLOW: Wow! Mas Bongga!!!
GAMMA VIO: So this is what is looks like.
GAMMA GREEN: Ang galing! Maximum na ulit ang Energy Levels!
GAMMA BLUE: Magkakasama na tayong lahat sa iisang cockpit.
GAMMA PATRIOT: Lupit nito!
GAMMA RED: Ngayon humanda ka Bisugo!
_________________________________________
JAYSON: Ate, tignan mo, nagsanib ang dalawang robot! Asteeg!
JENNIELYN: Oo nga, nakakamangha!
JAYSON: Kuya tapusin niyo na yan!
_________________________________________
Nagsimula ng
lumakad ang Patriot Gammatron….nagpakawala ng atake si Piranhazoid, ngunit
hindi natinag ang Super Robot.
GAMMA RED: Ha ha ha! Waepek yan!
Sumuntok at
sumipa pa ang halimaw ngunit hindi pa rin tinablan ang Patriot Gammatron.
GAMMA PATRIOT: Jake, ano pa ang hinihintay natin?
GAMMA RED: Inaanalyze ko pa ang Weapons Menu nito…..okay ito na lang ang
gamitin natin!
PATRIOT
GAMMATRON TURBULENT FUSION!!!
Isang
napakalaki at napakalakas na enerhiya ang biglang inilabas ng Patriot Gammatron….
GAMMARANGERS: TURBULENT FUSION……..UNLEASH!!!!
At ibinato
na ng robot ang kakaibang pwersang ito kay Piranhazoid…..at…..
BBBBBOOOOOOOOOOOOMMMMMMMM!!!!!!!!!!!
_____________________________________
JAYSON: Nagawa nila!
JENNIELYN: Yehey!
MGA BATA: Yehey! Panalo si Tito Jake!!!
Unti-unti na
ring nagkaroon ng malay ang ina nila.
NANAY: Anong nangyari?
JAYSON: Nay, tapos na po! Panalo si Kuya!
NANAY: Naku, salamat sa Diyos!
________________________________________
Nagdiwang
din ang buong bayan ng Siruma sa pagkakapanalo ng Gammarangers.
_________________________________________
Makalipas
ang dalawang araw, dahil sa nangyaring tagumpay, isang malakihang selebrasyon
ang idinaos ng buong bayan. Tila isang piyestang nayon ang idinaos nila. May
parada, saganang pagkain at iba’t-iba pang kasiyahan ang ginanap sa bayang
iyon.
Sa tahanan
ng mga Fonseca…..masayang kumakain ng handa ang buong pamilya, kasama ang
Gammarangers.
ABBY: Ang sarap po ng luto niyo, Nay!
BRIAN: Oo nga!
SCOTT: Wow I really love lechon!
MALIN: Wow sarap ng puto!
PAOLO: Ang saya-saya po dito.
NANAY: Naku, kumain langkayo ng kumain. Pasasalamat namin iyan sa inyo,
sa pagligtas niyo sa bayang ito mula sa halimaw. Naku Anak, kung alam mo lang,
masayang-masaya ang tatay mo….kita ko sa mga mata niya.
JAKE: Sayang nga po at hindi sya makakain ng ganito.
JENNIELYN: Dahil sa inyo kaya bumalik ang sigla dito sa amin.
JAKE: Basta nandito kami, walang makakapaghasik ng lagim dito.
JAYSON: Kaya nga idol na idol kita Kuya. Darating ang araw, magiging
Ranger din ako tulad mo!
JAKE: Paano mangyayari yun, e lalampa-lampa ka! Mabuti pa bumili ka ng
soft drinks sa tindahan, dali!
JAYSON: Kuya naman…..
Nagtawanan
naman ang lahat….natapos ang selebrasyon na masayang-masaya ang lahat…..
Itutuloy………