Tuesday, May 7, 2013

Mission 31: Humayo ka! Mahal kong Alaga!



Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song __________________



Ang nakaraan sa UDF Gammaranger…..

Isang Alien Pod Ship ang biglang bumagsak sa Australia na lumikha ng ingay sa buong mundo. Kaagad kumilos ang GAMMA upang maiuwi agad ang Alien Pod Ship at mapag-aralan. Ngunit maging ang AXIS ay interesado sa nasabing bagay, kaya maging sila ay nakipag-agawan sa GAMMA.

Nagulat ang lahat nang lumabas mula sa Pod Ship ang isang batang Alien, na kinilalang ina si Abby dahil siya ang unang nakita nito. Napamahal ang Alien kay Abby, at ganun din naman ang babae. Pinangalanan niyang Coco ang Alien at tinuring na kanyang anak. Nagsilbing ama naman ng Alien si Jake.

Nang mamasyal sa isang Toy Fair sina Jake, Abby at Coco. Nang malingat si Abby ay kaagad nadukot ang batang Alien ng isang nagpapanggap na Abby, na si Necroma pala. Maililigtas pa kaya nina Jake at Abby ang nasabing Alien?

Mission 31: Humayo ka, Mahal kong Alaga!

ABBY: COCOOOOOO!!!!

Napaluhod si Abby at umiiyak matapos madukot ni Necroma ang kanyang alagang Alien na si Coco.

JAKE: Asar!!! Naisahan nanaman tayo ng bwiset na yon!

ABBY: Kasalanan ko ito. Iniwan ko siya kanina.

JAKE: Ano ka ba?! Hindi ito ang tamang oras para sisihin ang sarili mo, walang magagawa yan! Mabuti pa bumalik na tayo sa Base at umisip ng paraan para mabawi si Coco!

Hindi umimik si Abby. Tuloy pa rin siya sa pag-iyak….

JAKE: Tara na.
____________________________________________

AXIS Mega Base……11:10

Masaya ang lahat ng naroroon nang madukot ni Necroma si Coco.

GANELON: Ha ha ha ha ha!!!! Magaling Necroma! Nagawa mong makuha ang Alien!

NECROMA: Salamat po, Master Ganelon.

Tila nalungkot naman si Coco dahil sa mga nakakatakot na nilalang na nakapaligid sa kaniya.

COCO: Hu hu hu….Ming---

NECROMA: Tumahimik ka!

CALYX: Napaka-cute naman ng Alien na iyan! Parang ayoko siyang maging halimaw….sayang ang ka-cute-an niya…

NECROMA: Wag ka ng umasa! Dahil ang Alien na ito ang magiging susi sa ating tagumpay!

CORVUS: Yipidee!!!! May bago na akong kalaro! Wahihihihi!!!

MEGIDDUS: Magaling! Ngayon ay mapapakinabangan na natin ang kapangyarihang taglay ng batang Alien.

DYMARO: Pero sana naman ay yan nga ang magpapanalo sa atin, Necroma. Baka tulad lang iyan ng mga ordinaryong Terrozoid!

NECROMA: Gago! Kung wala kang tiwala sa kakayahan ng nilalang na ito, gumawa ka ng sarili mo! Puro ka reklamo!

GANELON: Mabuti pa ay umpisahan mo na ang proseso, Necroma!

NECROMA: Ngayon din po!

Dinala ni Necroma si Coco sa isang Glass Cylinder. Kitang-kita sa reaksiyon ni Coco na nagmamakaawa siya at natatakot.

COCO: Hu hu huuu……Maming! Maming! Hu hu hu huuuu…..

Tila tinatawagan niya ang ina na si Abby para humingi ng tulong dito.

COCO: Mamiiiinngg….

NECROMA: Tumigil ka!

BAAAG!!!

COCO: Waaaaaaahhh!!!!

Sinuntok ni Necroma si Coco sa likod. Nasakatan ng husto ang Alien.

NECROMA: Diyan ka!

Iginapos ni Necroma si Coco sa apat na Iron Clips. Pagkatapos ay sinara na ang Glass Cylinder.

Nagmamakaawa pa rin si Coco na pakawalan siya. Kahit nasa loob na ng Cylinder ay dinig na dinig pa rin ang daing ng Alien.

NECROMA: Ngayon ay iu-upgrade na natin siya.

Nag-type si Necroma ng isang Equation sa isang Hologram Computer malapit sa Tube. Pagkatapos ay pinindot ang Enter….

Nagsimula ng mabalot ng kakaibang kuryente at usok ang Tube na kinalalagyan ni Coco. Lalong dumaing at nagsisisigaw si Coco dahil sa nararanasang sakit.

COCO: Miiiinng….Waaaaaaa…..waaa……..waaaaaa……

NECROMA: Nagdagdag ako ng Brainwash Program sa kanyang Configuration, at itinaas ko ang Natural Capabilities niya, at nagdagdag na rin ako ng Additional Arsenal para mas lalo siyang lumakas.

Ilang sandali pa ay nawala ang ungol na nanggagaling sa loob ng Glass Cylinder.

Saglit na katahimikan….

Walang anu-ano….

CRRAAASSSSHHHHH!!!!!!!

Biglang nabasag ang Glass Cylinder. Bumulwak ang usok mula dito. At mula doon ay lumitaw ang isang nakakapangilabot na Half Alien, Half Machine na nilalang….

NECROMA: Sa wakas….natapos din! Masdan niyo mga kasama!

Maging ang ibang AXIS Generals ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Ang kaninang batang Alien ay naging isang mabalasik na nilalang.

MEGIDDUS: Ano iyan?

NECROMA: Master Ganelon, mga kasama ipinakikilala ko sa inyo….si Alpheriozoid!

ALPHERIOZOID: Rooooaaaarrrr….

Nagpakawala siya ng malalakas na Electromagnetic Waves at tinamaan ang halos buong Database. Nakailag naman ang lahat ng naroroon.

GANELON: Gusto ko iyan! Gustung-gusto ko yan!!! Sige, humayo ka Alpheriozoid at wasakin ang buong sangkatauhan!!!

ALPHERIOZOID: Roooooaaaaarrrrrr!!!!!

NECROMA: At ang unang lugar na target natin…..ang Cebu!
______________________________________________

Sa isang banda naman ay mag-isang nagmumuni si Osmalik habang nasa itaas ni Odiah Ultimus….nakatanaw sa malayo at waring nag-iisip.

OSMALIK: Maganda ang panahon ngayon, Odiah. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon….Mukhang magiging maswerte ang mga susunod na araw….

Tumayo ito at saka sinindihan ang hawak na Light Saber.

OSMALIK: Malapit na…..malapit ko nang mapasakamay ang SIGMA….Ha ha ha ha ha!!!!
_____________________________________________

UDF GAMMA Base…..

Kasalukuyang nasa Database ang mga Rangers, Gen. Angeles at Alice habang minomonitor nila ang paligid nang pumasok sa loob sina Jake at Abby na balisa.

MALIN: Uy Kuya, Ate! Musta ang Toy Fair?-----Teka nasaan si Coco?

Tahimik lang sina Jake at Abby.

PAOLO: Bakit hindi niyo siya kasama?

JAKE: (buntung-hininga) Si Coco….nadukot.

Nagulat ang lahat ng naroroon matapos marinig ang sinabi ni Jake. Si Abby naman ay nagsimula ng umiyak.

GEN. ANGELES: Nadukot ang Alien? Papaanong nangyari iyon? Sino ang gumawa? Bakit niyo siya pinabayaan?

ABBY: Sir, kasalanan ko po. Iniwan ko po siya sa isang tabi upang ibili siya ng Cotton Candy, pero isang nagpanggap na ako ang kumuha sa kanya. Ngayon pala si Necroma iyon.

Napa-facepalm si Gen. Angeles sa narinig.

GEN. ANGELES: De Leon, hindi niyo ba alam na dahil sa nangyari, baka may gawing masama ang AXIS sa kanya?! Mahigpit na inihabilin siya sa atin ng NASA at ASRI, ngayon pinabayaan niyo lang?!  Dahil sa nangyari, hindi ka muna pwedeng sumama sa misyon ng Gammarangers! Kaya sa akin na muna ang iyong Morphing Badge!

Nagulantang ang lahat sa sinabi ni Gen. Angeles.

PAOLO: Pero Dad, hindi naman po ata makatao iyan---

GEN. ANGELES: Huwag kang makikialam sa desisyon ko, Paolo. Gusto kong matuto ng leksiyon si De Leon.

ABBY: If that is your decision Sir, tinatanggap ko po. (saludo)

GEN. ANGELES: (saludo) Dismissed.

Kaagad kinuha ni Abby ang kanyang Morphing Badge at binigay sa Heneral, saka lumabas ng Database na umiiyak pa rin. Di pa rin makapaniwala ang iba.

MALIN: Ate Abby wait---

GEN. ANGELES: Wag mo siyang susundan, Cadet Ong!

JAKE: Sir, wag niyo pong sisihin si Abby sa nangyari. May kasalanan din naman po ako! Iniwan ko sila sa Park kanina.

GEN. ANGELES: Huwag mo ng pagtakpan si De Leon. The decision is final. Hangga’t hindi nababawi ang Alien, dito muna siya, the Gamma Green Armor is temporarily surrendered.

Ang iba pang naroroon ay tulala pa rin sa desisyon ni Gen. Angeles.
___________________________________________

Balisa pa rin si Abby sa kanyang silid habang nakadapa sa kama. Tinitingnan pa rin ang mga kagamitan naiwan ni Coco. Tinitignan din niya ang mga Pictures na kinuha nila kanina sa Shopping Mall. Binulsa niya ang mga ito matapos tignan.

ABBY: Coco…..Hu hu hu hu….

Ilang sandali pa….

TOK! TOK! TOK!

ABBY: Sino iyan?

“Si Jake ito!”

Hindi umimik si Abby. Kusa na lang pumasok si Jake.

JAKE: May Drill Exercises tayo ngayon kasama ang buong Infantry Division, tara bumaba ka na.

ABBY: Wala ako sa kundisyon.

JAKE: Mukhang dinidibdib mo pa rin ang desisyon ni General.

ABBY: Hindi ko lang kasi akalain na ako ang dahilan ng pagkakadukot ni Coco!

JAKE: Alam mo, yang paiyak-iyak mo, walang magandang idudulot yan. Bakit ba sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyari?

ABBY: Palibhasa wala sa loob mo ang pag-aalaga kay Coco kaya ka nagsasalita ng ganyan!

JAKE: Bakit ganyan kang magsalita? Nawala lang ang isang bagong saltang Alien, nagkakaganyan ka na! Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa iyo! Nasaan ang Abby na mas inuuna ang Logical Thinking kesa sa bugso ng damdamin? Umiisip ng solusyon kesa ngumawa sa kakaiyak?! Ngayong wala ang Morphing Badge mo, ngayon mas masusubukan ang talino mo kung papaano ka makakatulong sa pagbawi kay Coco!

Natahimik si Abby sa narinig. May punto naman kasi si Jake.

JAKE: Masakit din para sa akin ang nangyari kay Coco. Alam mong ayaw ni Coco na nalulungkot ka dahil sa kanya. Pero kung patuloy lang tayong magdadabog dito, wala tayong mapapala. Kelangan gumawa tayo ng paraan para mailigtas siya. Kasama mo ako.

Tumayo si Abby at hinarap si Jake. Ang malungkot na mukha nito ay napalitan ng bahagyang ngiti.

ABBY: Di ko akalaing lalabas sa bibig mo yang mga salitang iyan. Ngayon nauunawaan ko na. Salamat. Sige, magtulungan tayong umisip ng paraan para mabawi si Coco.

JAKE: Yan! Yan ang Abby na kilala ko!

Itinaas ni Jake ang kamay niya para makipag-apir kay Abby. Ganun din ang ginawa ng babae.

Ngunit ilang sandali pa….

“RED ALERT! RED ALERT! ENEMY SPOTTED! ENEMY SPOTTED!”

ABBY: Ano kaya iyon?

JAKE: Tara, tingnan natin!

Kaagad tumakbo sina Jake at Abby papunta sa Database….
_______________________________________________

Pagdating sa Database….

Pagpasok nina Jake at Abby ay naroroon na sina Brian, Scott, Malin at Paolo.

JAKE: Anong bago?

ALICE: May bagong halimaw nanaman ang AXIS, this time sa Cebu ito nananalasa. Area19 Sector 66, South 97 Degrees 46 Minutes East….

BRIAN: Bakit kaya doon pa?

MALIN: Tingin ko dahil Metropolitan Area din yun.

GEN. ANGELES: Mukhang malakas ang makakalaban ninyo Rangers. Go to the Location On the Double!

ALL: Yes Sir!

Kaagad umalis ang limang Rangers at sumakay ng kanilang Patrol Vehicles. Gamit nila ang Flight Mode upang makarating agad sa pupuntahan. Ang lahat ay umalis maliban lang kay Abby. Napatingin si Gen. Angeles sa kanya at umiling. Walang nagawa si Abby kundi manood na lang.
_____________________________________________

Cebu City…..13:22

Nagkakagulo na ang mga mamamayan doon dahil sa pagdating ni Alpheriozoid. Gamit ang kanyang malakas na Electromagnetic Wave ay maraming gusali ang nawasak.

ALPHERIOZOID: Rooooaaaaarrrrr!!!!

Ngunit ilang sandali pa ay dumating na ang limang Rangers sakay ng kanilang Patrol Vehicles.

JAKE: Hoy panget itigil mo yan!

Napalingon si Alpheriozoid sa mga bagong dating.

PAOLO: Mukhang mapapalaban tayo dito.

SCOTT: Let’s be careful guys!

Ngunit bago pa lumaban ang lima ay biglang kumumpas ng kamay si Alpheriozoid sa ere….at mula sa kawalan ay lumitaw ang isang batalyon ng Cranumites.

MALIN: Naman, nagdala pa ng isang batalyong panget!

BRIAN: Mukhang gusto muna niya tayong pagurin habang nananalasa siya!

JAKE: Ganito, kami ni Paolo ang bahala sa halimaw, kayo sa mga Cranumites!

ALL: Roger!

JAKE: Pero bago iyon, bihis muna!

Inilabas ng anim ang kanilang Morphing Badges sabay sigaw ng….

ALL: GAMMAMODE, ACTIVATE!
PAOLO: PATRIOT, GAMMA ON!

Nagbagong-anyo ang lima at naging mga Gammarangers.

GAMMA RED: Rakenrol!!!

Kaagad sumugod ang lima sa mga kalaban. Nilabanan nina Gamma Red at Gamma Patriot si Alpheriozoid, samantalang hinarap ng iba ang mga Cranumites.

Pinagtulungan nina Gamma Red at Gamma Patriot ang Terrozoid. Sabay silang nagpakawala ng suntok at sipa. Ngunit mabilis ang kalaban kaya nasasalag niya ang mga pag-atake.

GAMMA PATRIOT: Malakas ang isang ito!
GAMMA RED: Mukha nga!

Biglang naglabas ng Electromagnetic Wave si Alpheriozoid at napatalsik ang dalawa.

GAMMA RED: Teka, parang nakita ko na ang atakeng iyon ah….

GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver Rifle Mode!

Nagpakawala ng Pyrrovolver Blasts si Gamma Patriot ngunit hindi ito tumagos sa kalaban dahil nababalot siya ng Electromagnetic Shield.

GAMMA PATRIOT: Waepek?!

GAMMA RED: Eto tikman mo panget! Gamma Bayonet Rifle Mode!

Pinagsama ni Gamma Red ang kaniyang mga sandata at pinaputukan ang kalaban. Gaya ng nauna ay di tumalab ang atake.

GAMMA RED: Hah?! Wala din?!

Biglang sumugod si Alpheriozoid at hinampas ang dalawang Rangers. Napatilapon ang dalawa sa kalsada.

GAMMA RED: Peste!
GAMMA PATRIOT: Ano ba meron ang isang ito?

Samantala ay naubos naman ng tatlong Rangers ang mga Cranumites. Kaya kaagad silang sumaklolo sa dalawa.

GAMMA BLUE: Kelangan niyo ng tulong?

GAMMA RED: Hah, wala rin! Masyado siyang malakas!
___________________________________________

UDF GAMMA Base….13:43

ALICE: Sir, tila nahihirapan ang mga Rangers sa bagong Terrozoid. Gumagamit siya ng kakaibang Electromagnetic Wave base sa Analysis ng kanyang atake.

GEN. ANGELES: Tiwala lang tayo sa kanila Alice.

Tila may napansin si Abby sa halimaw na nasa Screen. Parang pamilyar sa kaniya ito. Ang paglabas nito ng Electromagnetic Wave ay parang nakita na niya sa kung saan….

ABBY: Bakit parang nakita ko na ang Electromagnetic Wave na iyan?

GEN. ANGELES: Ano ang ibig mong sabihin, De Leon?
______________________________________________

Napahiga sa kalsada ang limang Rangers matapos makatikim ng matitinding atake mula kay Alpheriozoid.

GAMMA VIO: He is kicking our asses big time!

GAMMA YELLOW: Nakakaloka ang lakas niya!

GAMMA PATRIOT: Hindi pwedeng humiga na lang tayo dito at panoorin siyang manira!

Kaagad tumayo si Gamma Patriot at sumugod sa kalaban gamit ang Pyrrovolver, ngunit mula sa kanyang bibig ay naglabas ng Sonic Tornado si Alpheriozoid. Napaatras si Gamma Patriot. Matapos iyon ay sumugod si Alpheriozoid at hinablot ang Ranger, saka ibinagsak sa kalsada.

GAMMA PATRIOT: Aaaaaahhhhh!!!!

GAMMA BLUE: Paolo!

GAMMA RED: Sumosobra ka na! Guys, all out attack!

Sabay-sabay na sumugod sina Gamma Red, Gamma Blue, Gamma Vio at Gamma Yellow kay Alpheriozoid, ngunit isang malakas na Sonic Tornado ang bumulaga sa kanila, napaatras ang apat. At lalo pang napatilapon ang mga Rangers nang nagpakawala pa ng Electromagnetic Waves ito. Napahandusay sila sa mga tama ni Alpheriozoid.
_____________________________________________

ALICE: Sir, mahigit 25% ng Gamma Armor Energy ang nawala dahil sa epekto ng Sonic Tornado. Delikado kapag nagpatuloy pa ito sa pagbaba.

GEN. ANGELES: Mukhang kelangan ng back-up.

Si Abby ay parang tulala sa nakikita. Tila kilala na niya ang halimaw na kalaban ng kanyang mga kasangga. Sinipat pa niya ang hitsura nito….at hindi nga siya nagkamali.

ABBY: Coco…..

Walang sabi-sabing umalis si Abby sa Database.

GEN. ANGELES: De Leon, saan ka pupunta?! De Leon!!!

ALICE: Sa palagay ko, pupunta siya sa Combat Zone.

Napabuntung-hininga na lang si Gen. Angeles.

Sumakay naman ng Speed Private Jet si Abby at nagtungo sa Cebu upang puntahan ang lugar na pinaglalabanan.
____________________________________________

Balik sa Combat Zone….

Halatang hirap na hirap ang limang Gammarangers sa pakikipagsagupa kay Alpheriozoid.

GAMMA BLUE: Humina na ang Energy Level ng Armor, mahirap ito.

GAMMA VIO: What kind of creature is that?

GAMMA YELLOW: Hinang-hina na rin ako….

GAMMA PATRIOT: Maging ang Pyrronium Level ko bumababa na.

GAMMA RED: Ang dami niyong hinaing….walang aatras! Lalabanan natin siya!

Saktong-sakto naman na may dumating na Speed Private Jet sa eksena. Nagulat ang lahat sa pagdating nito, at mas nagulat sila nang bumaba mula dito si Abby.

GAMMA RED: Abby?!
GAMMA YELLOW: Ate Abby?
GAMMA BLUE: Bakit ka narito?
GAMMA VIO: Huh?
GAMMA PATRIOT: Grounded ka kay Dad, di ba?

Mas nabigla sila nang lumapit si Abby kay Alpheriozoid at saka aktong sumabat upang protektahan pa ang kalaban.

GAMMA RED: Anong ginagawa mo?

ABBY: Guys wag niyo siyang sasaktan!

GAMMA BLUE: Ano?!

ABBY: Pakiusap wag niyo siyang labanan! Umatras na lang kayo!

GAMMA YELLOW: Pero bakit Ate? Delikado ang halimaw na iyan!

ABBY: Dahil ang halimaw na ito…..ay si COCO!!!

Nagimbal ang lahat sa narinig. Hindi sila makapaniwala.

GAMMA PATRIOT: Ano?!
GAMMA RED: Imposible! Hindi ganyan kasama si Coco! At hindi ganyan kapangit ang histura niya!

Ngunit bago pa nagsalita si Abby---

BAAAAAAGGGG!!!!!

Hinampas siya ni Alpheriozoid sa likod na ikinatipalon niya.

ABBY: AAAAAHHHH!!!

GAMMA VIO: Abby!
GAMMA YELLOW: Ate Abby!

Lumapit pa si Alpheriozoid kay Abby at tila aatakihin ulti ito.

GAMMA RED: Huwag mo siyang sasaktan!!!

Tumakbo pasugod si Gamma Red ngunit natamaan siya ng Sonic Tornado ng kalaban. Pipigilan na rin siya sana ng ibang Rangers ngunit natamaan din sila ng Sonic Tornado. Tuloy lang si Alpheriozoid sa paglapit kay Abby. Napalingon si Abby sa Terrozoid.

ABBY: Coco….tama na….stop it na….ako ang Maming mo…..

Tila walang narinig si Alpheriozoid. Pinulot nito si Abby at kinwelyohan.

ABBY: Coco…..Ako ang Maming mo…..

Ngunit isang suntok sa tiyan ang sinagot nito.

BOOOOOG!!!!

Pagkatapos suntukin ay sinipa pa nito ang sikmura nito at saka hinagis sa pader. Kalunos-lunos ang sinapit ni Abby sa lagay na ito.

GAMMA BLUE: Abby, tama na, hindi makikinig sa iyo yan!

Nagkapasa-pasa na ang katawan ni Abby. Lupaypay siyang nakasandal sa pader habang lumalapit pa rin si Alpheriozoid. Hinablot ulit ni Alpheriozoid si Abby, nang maaksidenteng malaglag ang mga litrato sa kanyang bulsa. Litrato ito nina Jake, Abby at Coco.

Pinagmasdan ng halimaw ang mga litrato, at tila mapatda ito. Tila may naalala. Pinagmasdan niyang maigi ang mga litrato. At unti-unting bumubuo sa isip niya ang mga magagandang alaala kung paano siya binihis, pinakain at nilaro ng mga nag-aruga sa kanya, lalo na si Abby.

ALPHERIOZOID: Maming…..

Narinig ni Abby ang mga katagang iyon mula sa halimaw….

ABBY: Coco….

ALPHERIOZOID: Maming…..

Gulat naman ang ibang Rangers sa biglang pagbabago ni Alpheriozoid.

GAMMA RED: Mukhang totoo nga….

GAMMA YELLOW: OMG! Ang monster na iyan ay si Coco?!

GAMMA PATRIOT: Ginawa siyang halimaw ng AXIS…

GAMMA VIO: Now what shall we do?

GAMMA BLUE: Kailangang maibalik natin sa dati si Coco.

Bumangon si Abby upang yakapin si Alpheriozoid----

FLLLLASSSSHHHHHH!!!!!

ALPHERIOZOID: AAAAAAAAHHHHHHKKKKK!!!!!

Isang malakas na Electric Eye Beams ang tumama kay Alpheriozoid. Galing ito sa bagong dating na si Necroma. Napaluhod ang halimaw sa tindi ng sakit.

ABBY: Cocoooo!!!! Hindi!!! Necroma!

GAMMA RED: Anak ng----Walang hiya ka Necroma!

NECROMA: Ha ha ha ha! Sa kabila ng kanyang lagay nagagawa niyo pang napapalambot ang puso ng halimaw na iyan!

ABBY: Hayop ka! Anong ginawa mo kay Coco?!

NECROMA: Wala naman….pinalakas ko lang naman ang kapangyarihan niya para magamit laban sa inyo….

Tumayo na ang mga Gammarangers upang harapin si Necroma.

GAMMA PATRIOT: Mga manggagamit kayo! Hindi na kayo naawa sa batang Alien!

NECROMA: Tama na kakadada niyo! Alpheriozoid, pahirapan mo pa sila!

Kaagad bumangon si Alpheriozoid at hinarap muli ang mga Gammarangers. Si Abby naman ay pinipilit na ibalik sa dati ang pag-iisip ng halimaw.

ABBY: Guys huwag niyo siyang sasaktan!

GAMMA RED: Sa totoo lang Abby, ayaw namin siyang saktan…Pero wala nang ibang paraan para mapigilan siya!

Sumugod ang limang Gammarangers sa kalaban, ngunit madali lang silang pinaghahampas nito. Habang abala sila sa pakikipaglaban, nilapitan naman ni Necroma si Abby.

NECROMA: Ikaw, hindi ko mapapatawag ang ginawa mo sa akin sa Australia!

ABBY: At hindi ko rin mapapatawad ang ginawa mong pangongopya sa hitsura ko para makuha si Coco!

Walang sabi-sabing umatake si Necroma gamit ang kanyang Blade, dahil nasa Civilian Form si Abby, wala na siyang ibang sandata kundi ang Swiss Knife na nasa pantalon niya. Sa kabila ng mga natamong pasa ay nagagawa pa rin niyang makipaglaban kahit natatamaan ni Necroma.
_____________________________________________

ALICE: Delikado na ang lagay ni De Leon, Sir. Kapag hindi kaagad siya nakapag-transform, malalagay siya sa alanganin.

Tahimik lang si Gen. Angeles. Waring iniisip kung ipapa-Teleport niya ang Green Morphing Badge o paninindigan niya ang desisyon niya.

GEN. ANGELES: Tignan natin.

ALICE: Pero Sir---

GEN. ANGELES: May pakiramdang akong hindi na kakailanganin pa ang Green Armor.

ALICE: Po?!
_____________________________________________

Hinang-hina nakasandal sa pader si Abby habang papalapit si Necroma at hawak-hawak ang patalim.

NECROMA: Ha ha ha ha! Akala mo kung sino kang matapang! Oras na para laslasin ko yang katawan mo!

Hindi makakilos si Abby. Hindi na alam ang kanyang gagawin.

ABBY: (sa sarili) Diyos ko….Kayo na po ang bahala sa akin…..

NECROMA: Raaaaaahhh!!!

SLAAASSSHHH!!!!

ABBY: Aaaaaaahhhh!!!!

Nilaslas ni Necroma ang damit ni Abby. Sa kabutihang palad ay hindi ito tumagos sa balat ng babae, ngunit nahulog mula sa nasirang damit ang ang kanyang dalang calibre 45 na baril at isang Musical Necklace.

NECROMA: Ha ha ha ha! Tignan mo nga naman, isang baril at isang kwintas. Mapapakinabangan ko ang mga ito…..paano yan, wala ka ng sandata….hindi ba’t mas masaya kung papatayin ka gamit ang iyong sariling armas?

ABBY: Ang dami mo pang sinasabi! Tapusin mo ako kung tapusin!

NECROMA: Mas masarap kang patayin kung may konting drama di ba? Ha ha ha ha! Patutugtugin ko ang Musical Necklace na ito habang daaaahan-dahan kitang pinapatay! Ang ganda di ba? Ha ha ha ha ha!

Hawak ni Necroma ang Calibre 45 na baril ni Abby habang tinututok ito sa kanya. Kasabay nito ay pinatugtog ni Necroma ang Musical Necklace niya.

NECROMA: Paalam, Gamma Green…..

ZAAAAAAAAAAPPPP!!!!!

NECROMA: AAAAAAHHHHH!!!!

Tinamaan ng Sonic Tornado si Necroma sa likod at napaluhod.

NECROMA: Sinong gumawa non?!

Nang lumingon siya, laking gulat niya na galing pala ito kay Alpheriozoid!

ALPHERIOZOID: Maming….

Gulat din ang ibang hinang-hinang Rangers sa nangyari.

GAMMA VIO: Wha---?!
GAMMA BLUE: Bakit?
GAMMA YELLOW: Coco?
GAMMA PATRIOT: Huh?
GAMMA RED: Napano?

Doon natuklasan ng lahat na matapos marinig ni Alpheriozoid ang Musical Necklace ni Abby, ay nanariwa sa alaala nito ang pagkakataon na hinehele siya ni Abby sa pagtulog. Naglalaman pala ito ng Lullaby song ni Abby na nirecord niya gamit ang kwintas.

ALPHERIOZOID: Maming….

ABBY: Coco!

NECROMA: Traidor!!! Inatake mo ang iyong amo! Paano nangyari iyon?!

ABBY: Yan ang hinding-hindi mo maiintindihan kahit kailan, Necroma! Ang himig ng isang ina ay ang pinakamahusay na patunay ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak! Kahit gaano pa kasama ang isang nilalang, habambuhay na nakatanim sa kanyang alaala ang himig ng kanyang ina, na simbulo ng pagmamahal nito! Yan ang nagbalik kay Coco sa kanyang sarili!

NECROMA: Ah ganon ha! Mas maigi pala na sirain ko na lang ang necklace na ito!

Akmang sisirain na ni Necroma ang Necklace…..

ZAAAAAAAAPPPPP!!!

Muli siyang napigilan ng Sonic Tornado Attack ni Alpheriozoid.

ALPHERIOZOID: Grrrrr…..Maming!

Tila sinasabi ni Alpheriozoid na “Huwag mong sasaktan ang Maming ko!”

NECROMA: Impertinente! Talagang nilalabanan mo na ako?! Sige mas mabuti pa siguro kung mauna na kitang tapusin halimaw ka!

Sumugod si Necroma papunta kay Alpheriozoid, ngunit isang malakas na sipa ang isinalubong ni Gamma Yellow sa kanya.

Nagtipun-tipon ang mga Rangers malapit kay Alpheriozoid.

GAMMA RED: Ayos! Mukhang ikaw na nga talaga iyan, Coco!

ALPHERIOZOID: Hi hi! Maming!

GAMMA BLUE: Salamat naman!

GAMMA PATRIOT: Pero bago kayo magdramahan, mayroon pa tayong dapat tapusin!

Tumayo si Necroma at hinarap ang mga Rangers at si Alpheriozoid.

NECROMA: Huwag kayong magsaya! Dahil hindi niyo ako kaya! Yaaaaahhhh!!!!!

Sumugod muli si Necroma, ngunit bigla siyang sinunggaban ni Abby mula sa gilid. Mahigpit na hawak ni Abby ang babaeng kalaban.

ABBY: Coco, tirahin mo na siya!

GAMMA RED: Anong ginagawa mo?!

ABBY: Kesa umatake pa siya sa inyo, gusto kong si Coco mismo ang gumanti sa ginawa ng babaeng ito sa kanya!

GAMMA BLUE: Pero matatamaan ka!

GAMMA YELLOW: Ate Abby, huwag!

ABBY: Huwag kayong mag-alala, (sabay-kindat kay Alpheriozoid)

NECROMA: Bitawan mo ako!!!

ALPHERIOZOID: Maming…..

Nag-aalangan si Alpheriozoid na maglabas ng kapangyarihan dahil ayaw niyang masaktan ang kinikilala niyang ina.

ABBY: Coco, magagalit ako sa iyo kapag hindi mo ginawa! Hindi kita bibigyan ng Cotton Candy!

ALPHERIOZOID: Maming!

Nag-ipon ng lakas si Alpheriozoid, bumuo siya ng isang malaking Electromagnetic Ball.

ABBY: Ngayon na!
NECROMA: Hindi!!!

ALPHERIOZOID: MAMIIINNGGG!!!!

BAAAAAAAAMMMMMMM!!!!!!

Isang malaking Energy Ball ang inihagis ni Alpheriozoid kina Necroma at Abby.

BOOOOOOOOOMMMMM!!!!

GAMMARANGERS: Abby!!!

Nang humupa ang pagsabog kitang-kita na bulagta sa kalsada sina Necroma at Abby. Ilang sandali pa ay humupa na ang usok. Naunang bumangon dahan-dahan si Necroma.

GAMMA YELLOW: Buhay pa siya!

NECROMA: Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa akin! Babalik ako! Pangako iyan!

Gamit ang natitirang lakas ay nag-Teleport siya. Kaagad na nilapitan ng Rangers si Abby. Nagpower-down sila kaagad.

JAKE: Abby! Gumising ka! Abby!

Niyugyog ni Gamma Red si Abby, kita sa katawan niya ang bakas ng pagsabog. Hindi pa rin siya gumigising.

MALIN: Ate Abby…Hu hu hu….

Ngunit ilang sandali pa ay nagulat ang limang Rangers sa nilalang na lumapit kay Abby…..si Coco, nakabalik na siya sa dating anyo. Inilapat ni Coco ang kanyang mga kamay sa dibdib ni Abby at naglabas ng Electromagnetic Wave. Matapos ang ilang minuto, kitang-kita ang unti-unting paghilom ng mga sugat at pasa ni Abby. At ilang saglit a ay nagising na siya.

ABBY: Uhhhhh…..anong nangyari?

Bumungad sa mga mata ni Abby si Coco.

COCO: Maming!

ABBY: Coco!

Napayakap si Abby sa Alien. Natuwa naman ang iba sa paggising ni Abby.

MALIN: Ate Abby! (sabay-yakap)

ABBY: He he he….salamat Guys.

BRIAN: Akala namin mamamatay ka na. Buti na lang nakakapanggamot si Coco.
SCOTT: Man, you did it Abs!
PAOLO: Ang galing mo Abs!
JAKE: Ha ha ha! Galing talaga ng asawa k----

PAK!!! (sinampal ni Abby)

JAKE: Aray!

ABBY: Kelan pa kita naging asawa?! Naging tatay ka lang naman ni Coco ah!

Tawanan ang lahat ng naroroon. Sa isang banda ay nakita ni Abby ang Musical Necklace. Kaagad niyang dinampot ito.

ABBY: Alam niyo, ito ang pinakamalakas na sandata para sa araw na ito! He he he!
________________________________________

UDF GAMMA Base…..16:19

Palakpakan ang lahat nang dahil sa tagumpay ng Gammarangers na mabawi si Coco.

GEN. ANGELES: Congratulations Rangers! Lalo na sa iyo, De Leon.

ABBY: Salamat po Sir!

GEN. ANGELES: Lalo mo akong napahanga. Sa kabila ng pagbawi ko sa iyong Badge ay nagawa mo pa rin ang iyong tungkulin. Pinatunayan mo na ang pagiging isang Rangers ay wala sa baluti, kundi nasa puso at tapang ng isang mandirigma. At nakita ko din kung gaano mo kamahal ang Alien kahit na sandaling panahon lamang kayo nagsama. Napakaswerte ni Coco na nagkaroon siya ng isang ina na katulad mo. At dahil diyan, ay ibinabalik ko na sa iyo ang iyong Morphing Badge.

Ibinalik ni Gen. Angeles ang Green Morphing Badge kay Abby. Muli ay nagpalakpakan ang lahat.

CLAP! CLAP! CLAP!

ABBY: Maraming-maraming salamat po.

COCO: Maming! Hi hi hi hi!

Lumundag si Coco at niyakap si Abby.

Ilang sandali pa ay pumasok si Owen sa Database.

OWEN: Sir, dumating na po ang mga Representatives ng NASA. Kukunin na daw po nila si Coco para maibalik sa Space gamit ang Sagittarius 12.

GEN. ANGELES: Ganoon ba? Sige pababa na kami.

Tila nalungkot naman si Abby sa narinig.

MALIN: Naku, paano yan aalis na si Coco?

JAKE: Ibabalik na siya sa pinaggalingan niya kung saan man yun.
______________________________________________

Nasa Lobby ang mga Representatives ng NASA nang dumating sina Gen. Angeles.

GEN. ANGELES: Welcome to the GAMMA Base Sir.

NASA REP: Good afternoon General Angeles. I am Mr. Donald Evans, NASA Representative, and we are here to take the Alpherian Alien which the Australian Space and Research Institute discovered. We will return the Alien back to Planet Alpherios using our Space Robot Sagittarius 12.

GEN. ANGELES: Well here it is.

Sumenyas si Gen. Angeles kay Abby. Iniabot ni Abby si Coco sa mga Representative ng NASA.

NASA REP: Thank you for taking care of the Alien Sir. We won’t waste our time here Sir, we must return it to Space ASAP.

Nalungkot naman si Coco nang ibigay siya ni Abby sa ibang tao.

COCO: Maming…..Maming…Hu hu hu…..

Nagsimula ng umiyak si Abby.

ABBY: Coco…..

Ilang sandali pa ay isinakay na si Coco sa isang Army Jet. Muli ay sumulyap ang Alien sa bintana at tinignan si Abby.

ABBY: Humayo ka, Mahal kong Alaga!

At tuluyan na ngang lumipad ang Army Jet.

MALIN: Aaw….wala na si Coco.

ABBY: At least babalik na siya sa kanyang tunay na mga magulang.

JAKE: Ehem! Ehem! Sa pagkakatanda ko, may usapan tayo na kapag gumanap akong ama ni Coco ay may reward ako.

ABBY: Ay oo nga pala! Buti pinaalala mo! Dahil sa pagganap mo bilang tatay ni Coco, ililibre kita sa Cabalen. Eat all you can!

JAKE: Ayos! Wa ha ha ha ha! Salamat, masarap na reward nga yan!

ABBY: Siyanga pala, kasama din pala ang buong team!

JAKE: Hah?! Bakit pati sila? Wala naman silang ginawa para alagaan si Coco!

BRIAN/SCOTT/MALIN/PAOLO: Hmmmmm?! Anong sabi mo?! (galit na tingin kay Jake)

ABBY: Kung ayaw mo eh di wag!

JAKE: Grrrrrr……Sige na nga! (pambihira akala ko kaming dalawa lang!)

At pumasok na nga sa loob ang lahat upang makapaghanda para sa Treat ni Abby.
_____________________________________________

Sa di kalayuan…..

Minamasid ni Osmalik ang GAMMA Base habang nasa balikat no Odiah Ultimus…..

OSMALIK: Ito na ang tamang oras upang kunin ang SIGMA!

Kaagad sumakay sa loob ng Odiah Ultimus si Osmalik at sumugod papunta sa GAMMA Base….
_____________________________________________

“RED ALERT! RED ALERT! INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!”

GEN. ANGELES: Ano naman kaya iyon!

ALICE: Sir may masamang balita! May kalabang papunta sa Base natin!

GEN. ANGELES: Ano?!

Kaagad na pumasok din ang anim na Rangers sa Database….

JAKE: May bagong kalaban?

GEN. ANGELES: Alice, sino ang kalaban?

Tiningnan ni Alice ang Radar upang malaman kung sino ang sumasalakay.

ALICE: Si Osmalik!!!

ALL: ANO?!
______________________________________________

OSMALIK: Hayan na ako! Bwa ha ha ha ha!!!!!


Itutuloy……..