Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song __________________
Ang nakaraan
sa UDF Gammaranger…..
Isang Alien
Pod Ship ang biglang bumagsak sa Australia na lumikha ng ingay sa buong mundo.
Kaagad kumilos ang GAMMA upang maiuwi agad ang Alien Pod Ship at mapag-aralan.
Ngunit maging ang AXIS ay interesado sa nasabing bagay, kaya maging sila ay
nakipag-agawan sa GAMMA.
Nagulat ang
lahat nang lumabas mula sa Pod Ship ang isang batang Alien, na kinilalang ina
si Abby dahil siya ang unang nakita nito. Napamahal ang Alien kay Abby, at
ganun din naman ang babae. Pinangalanan niyang Coco ang Alien at tinuring na
kanyang anak. Nagsilbing ama naman ng Alien si Jake.
Nang
mamasyal sa isang Toy Fair sina Jake, Abby at Coco. Nang malingat si Abby ay
kaagad nadukot ang batang Alien ng isang nagpapanggap na Abby, na si Necroma
pala. Maililigtas pa kaya nina Jake at Abby ang nasabing Alien?
Mission 31: Humayo ka, Mahal kong Alaga!
ABBY: COCOOOOOO!!!!
Napaluhod si
Abby at umiiyak matapos madukot ni Necroma ang kanyang alagang Alien na si
Coco.
JAKE: Asar!!! Naisahan nanaman tayo ng bwiset na yon!
ABBY: Kasalanan ko ito. Iniwan ko siya kanina.
JAKE: Ano ka ba?! Hindi ito ang tamang oras para sisihin ang sarili mo,
walang magagawa yan! Mabuti pa bumalik na tayo sa Base at umisip ng paraan para
mabawi si Coco!
Hindi umimik
si Abby. Tuloy pa rin siya sa pag-iyak….
JAKE: Tara na.
____________________________________________
AXIS Mega Base……11:10
Masaya ang lahat ng
naroroon nang madukot ni Necroma si Coco.
GANELON: Ha ha ha ha ha!!!! Magaling Necroma!
Nagawa mong makuha ang Alien!
NECROMA: Salamat po, Master Ganelon.
Tila nalungkot naman si
Coco dahil sa mga nakakatakot na nilalang na nakapaligid sa kaniya.
COCO: Hu hu hu….Ming---
NECROMA: Tumahimik ka!
CALYX: Napaka-cute naman ng Alien na iyan!
Parang ayoko siyang maging halimaw….sayang ang ka-cute-an niya…
NECROMA: Wag ka ng umasa! Dahil ang Alien na
ito ang magiging susi sa ating tagumpay!
CORVUS: Yipidee!!!! May bago na akong kalaro!
Wahihihihi!!!
MEGIDDUS: Magaling! Ngayon ay mapapakinabangan
na natin ang kapangyarihang taglay ng batang Alien.
DYMARO: Pero sana naman ay yan nga ang
magpapanalo sa atin, Necroma. Baka tulad lang iyan ng mga ordinaryong
Terrozoid!
NECROMA: Gago! Kung wala kang tiwala sa
kakayahan ng nilalang na ito, gumawa ka ng sarili mo! Puro ka reklamo!
GANELON: Mabuti pa ay umpisahan mo na ang
proseso, Necroma!
NECROMA: Ngayon din po!
Dinala ni Necroma si
Coco sa isang Glass Cylinder. Kitang-kita sa reaksiyon ni Coco na nagmamakaawa
siya at natatakot.
COCO: Hu hu huuu……Maming! Maming! Hu hu hu
huuuu…..
Tila tinatawagan niya
ang ina na si Abby para humingi ng tulong dito.
COCO: Mamiiiinngg….
NECROMA: Tumigil ka!
BAAAG!!!
COCO: Waaaaaaahhh!!!!
Sinuntok ni Necroma si
Coco sa likod. Nasakatan ng husto ang Alien.
NECROMA: Diyan ka!
Iginapos ni Necroma si
Coco sa apat na Iron Clips. Pagkatapos ay sinara na ang Glass Cylinder.
Nagmamakaawa pa rin si
Coco na pakawalan siya. Kahit nasa loob na ng Cylinder ay dinig na dinig pa rin
ang daing ng Alien.
NECROMA: Ngayon ay iu-upgrade na natin siya.
Nag-type si Necroma ng
isang Equation sa isang Hologram Computer malapit sa Tube. Pagkatapos ay
pinindot ang Enter….
Nagsimula ng mabalot ng
kakaibang kuryente at usok ang Tube na kinalalagyan ni Coco. Lalong dumaing at
nagsisisigaw si Coco dahil sa nararanasang sakit.
COCO:
Miiiinng….Waaaaaaa…..waaa……..waaaaaa……
NECROMA: Nagdagdag ako ng Brainwash Program sa
kanyang Configuration, at itinaas ko ang Natural Capabilities niya, at
nagdagdag na rin ako ng Additional Arsenal para mas lalo siyang lumakas.
Ilang sandali pa ay
nawala ang ungol na nanggagaling sa loob ng Glass Cylinder.
Saglit na katahimikan….
Walang anu-ano….
CRRAAASSSSHHHHH!!!!!!!
Biglang nabasag ang
Glass Cylinder. Bumulwak ang usok mula dito. At mula doon ay lumitaw ang isang
nakakapangilabot na Half Alien, Half Machine na nilalang….
NECROMA: Sa wakas….natapos din! Masdan niyo
mga kasama!
Maging ang ibang AXIS
Generals ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Ang kaninang batang Alien
ay naging isang mabalasik na nilalang.
MEGIDDUS: Ano iyan?
NECROMA: Master Ganelon, mga kasama
ipinakikilala ko sa inyo….si Alpheriozoid!
ALPHERIOZOID: Rooooaaaarrrr….
Nagpakawala siya ng
malalakas na Electromagnetic Waves at tinamaan ang halos buong Database.
Nakailag naman ang lahat ng naroroon.
GANELON: Gusto ko iyan! Gustung-gusto ko
yan!!! Sige, humayo ka Alpheriozoid at wasakin ang buong sangkatauhan!!!
ALPHERIOZOID: Roooooaaaaarrrrrr!!!!!
NECROMA: At ang unang lugar na target
natin…..ang Cebu!
______________________________________________
Sa isang banda naman ay
mag-isang nagmumuni si Osmalik habang nasa itaas ni Odiah Ultimus….nakatanaw sa
malayo at waring nag-iisip.
OSMALIK: Maganda ang panahon ngayon, Odiah.
Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon….Mukhang magiging maswerte ang mga susunod na
araw….
Tumayo ito at saka
sinindihan ang hawak na Light Saber.
OSMALIK: Malapit na…..malapit ko nang
mapasakamay ang SIGMA….Ha ha ha ha ha!!!!
_____________________________________________
UDF GAMMA Base…..
Kasalukuyang nasa
Database ang mga Rangers, Gen. Angeles at Alice habang minomonitor nila ang
paligid nang pumasok sa loob sina Jake at Abby na balisa.
MALIN: Uy Kuya, Ate! Musta ang Toy
Fair?-----Teka nasaan si Coco?
Tahimik lang sina Jake
at Abby.
PAOLO: Bakit hindi niyo siya kasama?
JAKE: (buntung-hininga) Si Coco….nadukot.
Nagulat ang lahat ng
naroroon matapos marinig ang sinabi ni Jake. Si Abby naman ay nagsimula ng
umiyak.
GEN.
ANGELES: Nadukot ang
Alien? Papaanong nangyari iyon? Sino ang gumawa? Bakit niyo siya pinabayaan?
ABBY: Sir, kasalanan ko po. Iniwan ko po
siya sa isang tabi upang ibili siya ng Cotton Candy, pero isang nagpanggap na
ako ang kumuha sa kanya. Ngayon pala si Necroma iyon.
Napa-facepalm si Gen.
Angeles sa narinig.
GEN.
ANGELES: De Leon,
hindi niyo ba alam na dahil sa nangyari, baka may gawing masama ang AXIS sa
kanya?! Mahigpit na inihabilin siya sa atin ng NASA at ASRI, ngayon pinabayaan
niyo lang?! Dahil sa nangyari, hindi ka
muna pwedeng sumama sa misyon ng Gammarangers! Kaya sa akin na muna ang iyong
Morphing Badge!
Nagulantang ang lahat sa
sinabi ni Gen. Angeles.
PAOLO: Pero Dad, hindi naman po ata makatao
iyan---
GEN.
ANGELES: Huwag kang
makikialam sa desisyon ko, Paolo. Gusto kong matuto ng leksiyon si De Leon.
ABBY: If that is your decision Sir,
tinatanggap ko po. (saludo)
GEN.
ANGELES: (saludo)
Dismissed.
Kaagad kinuha ni Abby
ang kanyang Morphing Badge at binigay sa Heneral, saka lumabas ng Database na
umiiyak pa rin. Di pa rin makapaniwala ang iba.
MALIN: Ate Abby wait---
GEN.
ANGELES: Wag mo
siyang susundan, Cadet Ong!
JAKE: Sir, wag niyo pong sisihin si Abby sa
nangyari. May kasalanan din naman po ako! Iniwan ko sila sa Park kanina.
GEN.
ANGELES: Huwag mo ng
pagtakpan si De Leon. The decision is final. Hangga’t hindi nababawi ang Alien,
dito muna siya, the Gamma Green Armor is temporarily surrendered.
Ang iba pang naroroon ay
tulala pa rin sa desisyon ni Gen. Angeles.
___________________________________________
Balisa pa rin si Abby sa
kanyang silid habang nakadapa sa kama. Tinitingnan pa rin ang mga kagamitan
naiwan ni Coco. Tinitignan din niya ang mga Pictures na kinuha nila kanina sa
Shopping Mall. Binulsa niya ang mga ito matapos tignan.
ABBY: Coco…..Hu hu hu hu….
Ilang sandali pa….
TOK! TOK! TOK!
ABBY: Sino iyan?
“Si Jake ito!”
Hindi umimik si Abby.
Kusa na lang pumasok si Jake.
JAKE: May Drill Exercises tayo ngayon
kasama ang buong Infantry Division, tara bumaba ka na.
ABBY: Wala ako sa kundisyon.
JAKE: Mukhang dinidibdib mo pa rin ang
desisyon ni General.
ABBY: Hindi ko lang kasi akalain na ako ang
dahilan ng pagkakadukot ni Coco!
JAKE: Alam mo, yang paiyak-iyak mo, walang
magandang idudulot yan. Bakit ba sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyari?
ABBY: Palibhasa wala sa loob mo ang
pag-aalaga kay Coco kaya ka nagsasalita ng ganyan!
JAKE: Bakit ganyan kang magsalita? Nawala
lang ang isang bagong saltang Alien, nagkakaganyan ka na! Hindi ganyan ang
pagkakakilala ko sa iyo! Nasaan ang Abby na mas inuuna ang Logical Thinking
kesa sa bugso ng damdamin? Umiisip ng solusyon kesa ngumawa sa kakaiyak?!
Ngayong wala ang Morphing Badge mo, ngayon mas masusubukan ang talino mo kung
papaano ka makakatulong sa pagbawi kay Coco!
Natahimik si Abby sa
narinig. May punto naman kasi si Jake.
JAKE: Masakit din para sa akin ang nangyari
kay Coco. Alam mong ayaw ni Coco na nalulungkot ka dahil sa kanya. Pero kung
patuloy lang tayong magdadabog dito, wala tayong mapapala. Kelangan gumawa tayo
ng paraan para mailigtas siya. Kasama mo ako.
Tumayo si Abby at
hinarap si Jake. Ang malungkot na mukha nito ay napalitan ng bahagyang ngiti.
ABBY: Di ko akalaing lalabas sa bibig mo
yang mga salitang iyan. Ngayon nauunawaan ko na. Salamat. Sige, magtulungan
tayong umisip ng paraan para mabawi si Coco.
JAKE: Yan! Yan ang Abby na kilala ko!
Itinaas ni Jake ang
kamay niya para makipag-apir kay Abby. Ganun din ang ginawa ng babae.
Ngunit ilang sandali
pa….
“RED ALERT! RED ALERT!
ENEMY SPOTTED! ENEMY SPOTTED!”
ABBY: Ano kaya iyon?
JAKE: Tara, tingnan natin!
Kaagad tumakbo sina Jake
at Abby papunta sa Database….
_______________________________________________
Pagdating sa Database….
Pagpasok nina Jake at
Abby ay naroroon na sina Brian, Scott, Malin at Paolo.
JAKE: Anong bago?
ALICE: May bagong halimaw nanaman ang AXIS,
this time sa Cebu ito nananalasa. Area19 Sector 66, South 97 Degrees 46 Minutes
East….
BRIAN: Bakit kaya doon pa?
MALIN: Tingin ko dahil Metropolitan Area din
yun.
GEN.
ANGELES: Mukhang
malakas ang makakalaban ninyo Rangers. Go to the Location On the Double!
ALL: Yes Sir!
Kaagad umalis ang limang
Rangers at sumakay ng kanilang Patrol Vehicles. Gamit nila ang Flight Mode
upang makarating agad sa pupuntahan. Ang lahat ay umalis maliban lang kay Abby.
Napatingin si Gen. Angeles sa kanya at umiling. Walang nagawa si Abby kundi
manood na lang.
_____________________________________________
Cebu City…..13:22
Nagkakagulo na ang mga
mamamayan doon dahil sa pagdating ni Alpheriozoid. Gamit ang kanyang malakas na
Electromagnetic Wave ay maraming gusali ang nawasak.
ALPHERIOZOID: Rooooaaaaarrrrr!!!!
Ngunit ilang sandali pa
ay dumating na ang limang Rangers sakay ng kanilang Patrol Vehicles.
JAKE: Hoy panget itigil mo yan!
Napalingon si
Alpheriozoid sa mga bagong dating.
PAOLO: Mukhang mapapalaban tayo dito.
SCOTT: Let’s be careful guys!
Ngunit bago pa lumaban
ang lima ay biglang kumumpas ng kamay si Alpheriozoid sa ere….at mula sa
kawalan ay lumitaw ang isang batalyon ng Cranumites.
MALIN: Naman, nagdala pa ng isang batalyong
panget!
BRIAN: Mukhang gusto muna niya tayong
pagurin habang nananalasa siya!
JAKE: Ganito, kami ni Paolo ang bahala sa
halimaw, kayo sa mga Cranumites!
ALL: Roger!
JAKE: Pero bago iyon, bihis muna!
Inilabas ng anim ang
kanilang Morphing Badges sabay sigaw ng….
ALL: GAMMAMODE, ACTIVATE!
PAOLO: PATRIOT, GAMMA ON!
Nagbagong-anyo ang lima
at naging mga Gammarangers.
GAMMA
RED: Rakenrol!!!
Kaagad sumugod ang lima
sa mga kalaban. Nilabanan nina Gamma Red at Gamma Patriot si Alpheriozoid,
samantalang hinarap ng iba ang mga Cranumites.
Pinagtulungan nina Gamma
Red at Gamma Patriot ang Terrozoid. Sabay silang nagpakawala ng suntok at sipa.
Ngunit mabilis ang kalaban kaya nasasalag niya ang mga pag-atake.
GAMMA
PATRIOT: Malakas ang
isang ito!
GAMMA
RED: Mukha nga!
Biglang naglabas ng Electromagnetic
Wave si Alpheriozoid at napatalsik ang dalawa.
GAMMA
RED: Teka, parang
nakita ko na ang atakeng iyon ah….
GAMMA
PATRIOT: Pyrrovolver
Rifle Mode!
Nagpakawala ng
Pyrrovolver Blasts si Gamma Patriot ngunit hindi ito tumagos sa kalaban dahil
nababalot siya ng Electromagnetic Shield.
GAMMA
PATRIOT: Waepek?!
GAMMA
RED: Eto tikman mo
panget! Gamma Bayonet Rifle Mode!
Pinagsama ni Gamma Red
ang kaniyang mga sandata at pinaputukan ang kalaban. Gaya ng nauna ay di
tumalab ang atake.
GAMMA
RED: Hah?! Wala din?!
Biglang sumugod si
Alpheriozoid at hinampas ang dalawang Rangers. Napatilapon ang dalawa sa
kalsada.
GAMMA
RED: Peste!
GAMMA
PATRIOT: Ano ba meron
ang isang ito?
Samantala ay naubos
naman ng tatlong Rangers ang mga Cranumites. Kaya kaagad silang sumaklolo sa
dalawa.
GAMMA
BLUE: Kelangan niyo
ng tulong?
GAMMA
RED: Hah, wala rin!
Masyado siyang malakas!
___________________________________________
UDF GAMMA Base….13:43
ALICE: Sir, tila nahihirapan ang mga Rangers
sa bagong Terrozoid. Gumagamit siya ng kakaibang Electromagnetic Wave base sa
Analysis ng kanyang atake.
GEN.
ANGELES: Tiwala lang
tayo sa kanila Alice.
Tila may napansin si
Abby sa halimaw na nasa Screen. Parang pamilyar sa kaniya ito. Ang paglabas
nito ng Electromagnetic Wave ay parang nakita na niya sa kung saan….
ABBY: Bakit parang nakita ko na ang
Electromagnetic Wave na iyan?
GEN.
ANGELES: Ano ang ibig
mong sabihin, De Leon?
______________________________________________
Napahiga sa kalsada ang
limang Rangers matapos makatikim ng matitinding atake mula kay Alpheriozoid.
GAMMA
VIO: He is kicking
our asses big time!
GAMMA
YELLOW: Nakakaloka
ang lakas niya!
GAMMA
PATRIOT: Hindi
pwedeng humiga na lang tayo dito at panoorin siyang manira!
Kaagad tumayo si Gamma
Patriot at sumugod sa kalaban gamit ang Pyrrovolver, ngunit mula sa kanyang
bibig ay naglabas ng Sonic Tornado si Alpheriozoid. Napaatras si Gamma Patriot.
Matapos iyon ay sumugod si Alpheriozoid at hinablot ang Ranger, saka ibinagsak
sa kalsada.
GAMMA
PATRIOT:
Aaaaaahhhhh!!!!
GAMMA
BLUE: Paolo!
GAMMA
RED: Sumosobra ka na!
Guys, all out attack!
Sabay-sabay na sumugod
sina Gamma Red, Gamma Blue, Gamma Vio at Gamma Yellow kay Alpheriozoid, ngunit
isang malakas na Sonic Tornado ang bumulaga sa kanila, napaatras ang apat. At
lalo pang napatilapon ang mga Rangers nang nagpakawala pa ng Electromagnetic
Waves ito. Napahandusay sila sa mga tama ni Alpheriozoid.
_____________________________________________
ALICE: Sir, mahigit 25% ng Gamma Armor
Energy ang nawala dahil sa epekto ng Sonic Tornado. Delikado kapag nagpatuloy
pa ito sa pagbaba.
GEN.
ANGELES: Mukhang
kelangan ng back-up.
Si Abby ay parang tulala
sa nakikita. Tila kilala na niya ang halimaw na kalaban ng kanyang mga
kasangga. Sinipat pa niya ang hitsura nito….at hindi nga siya nagkamali.
ABBY: Coco…..
Walang sabi-sabing
umalis si Abby sa Database.
GEN.
ANGELES: De Leon,
saan ka pupunta?! De Leon!!!
ALICE: Sa palagay ko, pupunta siya sa Combat
Zone.
Napabuntung-hininga na
lang si Gen. Angeles.
Sumakay naman ng Speed
Private Jet si Abby at nagtungo sa Cebu upang puntahan ang lugar na
pinaglalabanan.
____________________________________________
Balik sa Combat Zone….
Halatang hirap na hirap
ang limang Gammarangers sa pakikipagsagupa kay Alpheriozoid.
GAMMA
BLUE: Humina na ang
Energy Level ng Armor, mahirap ito.
GAMMA
VIO: What kind of
creature is that?
GAMMA
YELLOW: Hinang-hina
na rin ako….
GAMMA
PATRIOT: Maging ang
Pyrronium Level ko bumababa na.
GAMMA
RED: Ang dami niyong
hinaing….walang aatras! Lalabanan natin siya!
Saktong-sakto naman na
may dumating na Speed Private Jet sa eksena. Nagulat ang lahat sa pagdating
nito, at mas nagulat sila nang bumaba mula dito si Abby.
GAMMA
RED: Abby?!
GAMMA
YELLOW: Ate Abby?
GAMMA
BLUE: Bakit ka
narito?
GAMMA
VIO: Huh?
GAMMA
PATRIOT: Grounded ka
kay Dad, di ba?
Mas nabigla sila nang
lumapit si Abby kay Alpheriozoid at saka aktong sumabat upang protektahan pa
ang kalaban.
GAMMA
RED: Anong ginagawa
mo?
ABBY: Guys wag niyo siyang sasaktan!
GAMMA
BLUE: Ano?!
ABBY: Pakiusap wag niyo siyang labanan!
Umatras na lang kayo!
GAMMA
YELLOW: Pero bakit
Ate? Delikado ang halimaw na iyan!
ABBY: Dahil ang halimaw na ito…..ay si
COCO!!!
Nagimbal ang lahat sa
narinig. Hindi sila makapaniwala.
GAMMA
PATRIOT: Ano?!
GAMMA
RED: Imposible! Hindi
ganyan kasama si Coco! At hindi ganyan kapangit ang histura niya!
Ngunit bago pa nagsalita
si Abby---
BAAAAAAGGGG!!!!!
Hinampas siya ni
Alpheriozoid sa likod na ikinatipalon niya.
ABBY: AAAAAHHHH!!!
GAMMA
VIO: Abby!
GAMMA
YELLOW: Ate Abby!
Lumapit pa si
Alpheriozoid kay Abby at tila aatakihin ulti ito.
GAMMA
RED: Huwag mo siyang
sasaktan!!!
Tumakbo pasugod si Gamma
Red ngunit natamaan siya ng Sonic Tornado ng kalaban. Pipigilan na rin siya
sana ng ibang Rangers ngunit natamaan din sila ng Sonic Tornado. Tuloy lang si
Alpheriozoid sa paglapit kay Abby. Napalingon si Abby sa Terrozoid.
ABBY: Coco….tama na….stop it na….ako ang
Maming mo…..
Tila walang narinig si
Alpheriozoid. Pinulot nito si Abby at kinwelyohan.
ABBY: Coco…..Ako ang Maming mo…..
Ngunit isang suntok sa
tiyan ang sinagot nito.
BOOOOOG!!!!
Pagkatapos suntukin ay
sinipa pa nito ang sikmura nito at saka hinagis sa pader. Kalunos-lunos ang
sinapit ni Abby sa lagay na ito.
GAMMA
BLUE: Abby, tama na,
hindi makikinig sa iyo yan!
Nagkapasa-pasa na ang
katawan ni Abby. Lupaypay siyang nakasandal sa pader habang lumalapit pa rin si
Alpheriozoid. Hinablot ulit ni Alpheriozoid si Abby, nang maaksidenteng
malaglag ang mga litrato sa kanyang bulsa. Litrato ito nina Jake, Abby at Coco.
Pinagmasdan ng halimaw
ang mga litrato, at tila mapatda ito. Tila may naalala. Pinagmasdan niyang
maigi ang mga litrato. At unti-unting bumubuo sa isip niya ang mga magagandang
alaala kung paano siya binihis, pinakain at nilaro ng mga nag-aruga sa kanya,
lalo na si Abby.
ALPHERIOZOID: Maming…..
Narinig ni Abby ang mga
katagang iyon mula sa halimaw….
ABBY: Coco….
ALPHERIOZOID: Maming…..
Gulat naman ang ibang
Rangers sa biglang pagbabago ni Alpheriozoid.
GAMMA
RED: Mukhang totoo
nga….
GAMMA
YELLOW: OMG! Ang
monster na iyan ay si Coco?!
GAMMA
PATRIOT: Ginawa
siyang halimaw ng AXIS…
GAMMA
VIO: Now what shall
we do?
GAMMA
BLUE: Kailangang
maibalik natin sa dati si Coco.
Bumangon si Abby upang
yakapin si Alpheriozoid----
FLLLLASSSSHHHHHH!!!!!
ALPHERIOZOID: AAAAAAAAHHHHHHKKKKK!!!!!
Isang malakas na
Electric Eye Beams ang tumama kay Alpheriozoid. Galing ito sa bagong dating na
si Necroma. Napaluhod ang halimaw sa tindi ng sakit.
ABBY: Cocoooo!!!! Hindi!!! Necroma!
GAMMA
RED: Anak
ng----Walang hiya ka Necroma!
NECROMA: Ha ha ha ha! Sa kabila ng kanyang lagay
nagagawa niyo pang napapalambot ang puso ng halimaw na iyan!
ABBY: Hayop ka! Anong ginawa mo kay Coco?!
NECROMA: Wala naman….pinalakas ko lang naman
ang kapangyarihan niya para magamit laban sa inyo….
Tumayo na ang mga
Gammarangers upang harapin si Necroma.
GAMMA
PATRIOT: Mga
manggagamit kayo! Hindi na kayo naawa sa batang Alien!
NECROMA: Tama na kakadada niyo! Alpheriozoid,
pahirapan mo pa sila!
Kaagad bumangon si
Alpheriozoid at hinarap muli ang mga Gammarangers. Si Abby naman ay pinipilit
na ibalik sa dati ang pag-iisip ng halimaw.
ABBY: Guys huwag niyo siyang sasaktan!
GAMMA
RED: Sa totoo lang
Abby, ayaw namin siyang saktan…Pero wala nang ibang paraan para mapigilan siya!
Sumugod ang limang
Gammarangers sa kalaban, ngunit madali lang silang pinaghahampas nito. Habang
abala sila sa pakikipaglaban, nilapitan naman ni Necroma si Abby.
NECROMA: Ikaw, hindi ko mapapatawag ang ginawa
mo sa akin sa Australia!
ABBY: At hindi ko rin mapapatawad ang
ginawa mong pangongopya sa hitsura ko para makuha si Coco!
Walang
sabi-sabing umatake si Necroma gamit ang kanyang Blade, dahil nasa Civilian
Form si Abby, wala na siyang ibang sandata kundi ang Swiss Knife na nasa
pantalon niya. Sa kabila ng mga natamong pasa ay nagagawa pa rin niyang
makipaglaban kahit natatamaan ni Necroma.
_____________________________________________
ALICE: Delikado na ang lagay ni De Leon,
Sir. Kapag hindi kaagad siya nakapag-transform, malalagay siya sa alanganin.
Tahimik
lang si Gen. Angeles. Waring iniisip kung ipapa-Teleport niya ang Green
Morphing Badge o paninindigan niya ang desisyon niya.
GEN. ANGELES: Tignan natin.
ALICE: Pero Sir---
GEN. ANGELES: May pakiramdang akong hindi na
kakailanganin pa ang Green Armor.
ALICE: Po?!
_____________________________________________
Hinang-hina
nakasandal sa pader si Abby habang papalapit si Necroma at hawak-hawak ang
patalim.
NECROMA: Ha ha ha ha! Akala mo kung sino kang
matapang! Oras na para laslasin ko yang katawan mo!
Hindi
makakilos si Abby. Hindi na alam ang kanyang gagawin.
ABBY: (sa sarili) Diyos ko….Kayo na po ang
bahala sa akin…..
NECROMA: Raaaaaahhh!!!
SLAAASSSHHH!!!!
ABBY: Aaaaaaahhhh!!!!
Nilaslas
ni Necroma ang damit ni Abby. Sa kabutihang palad ay hindi ito tumagos sa balat
ng babae, ngunit nahulog mula sa nasirang damit ang ang kanyang dalang calibre
45 na baril at isang Musical Necklace.
NECROMA: Ha ha ha ha! Tignan mo nga naman,
isang baril at isang kwintas. Mapapakinabangan ko ang mga ito…..paano yan, wala
ka ng sandata….hindi ba’t mas masaya kung papatayin ka gamit ang iyong sariling
armas?
ABBY: Ang dami mo pang sinasabi! Tapusin mo
ako kung tapusin!
NECROMA: Mas masarap kang patayin kung may
konting drama di ba? Ha ha ha ha! Patutugtugin ko ang Musical Necklace na ito
habang daaaahan-dahan kitang pinapatay! Ang ganda di ba? Ha ha ha ha ha!
Hawak
ni Necroma ang Calibre 45 na baril ni Abby habang tinututok ito sa kanya.
Kasabay nito ay pinatugtog ni Necroma ang Musical Necklace niya.
NECROMA: Paalam, Gamma Green…..
ZAAAAAAAAAAPPPP!!!!!
NECROMA: AAAAAAHHHHH!!!!
Tinamaan
ng Sonic Tornado si Necroma sa likod at napaluhod.
NECROMA: Sinong gumawa non?!
Nang
lumingon siya, laking gulat niya na galing pala ito kay Alpheriozoid!
ALPHERIOZOID: Maming….
Gulat
din ang ibang hinang-hinang Rangers sa nangyari.
GAMMA VIO: Wha---?!
GAMMA BLUE: Bakit?
GAMMA YELLOW: Coco?
GAMMA PATRIOT: Huh?
GAMMA RED: Napano?
Doon
natuklasan ng lahat na matapos marinig ni Alpheriozoid ang Musical Necklace ni
Abby, ay nanariwa sa alaala nito ang pagkakataon na hinehele siya ni Abby sa
pagtulog. Naglalaman pala ito ng Lullaby song ni Abby na nirecord niya gamit
ang kwintas.
ALPHERIOZOID: Maming….
ABBY: Coco!
NECROMA: Traidor!!! Inatake mo ang iyong amo!
Paano nangyari iyon?!
ABBY: Yan ang hinding-hindi mo
maiintindihan kahit kailan, Necroma! Ang himig ng isang ina ay ang
pinakamahusay na patunay ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak! Kahit
gaano pa kasama ang isang nilalang, habambuhay na nakatanim sa kanyang alaala
ang himig ng kanyang ina, na simbulo ng pagmamahal nito! Yan ang nagbalik kay
Coco sa kanyang sarili!
NECROMA: Ah ganon ha! Mas maigi pala na sirain
ko na lang ang necklace na ito!
Akmang
sisirain na ni Necroma ang Necklace…..
ZAAAAAAAAPPPPP!!!
Muli
siyang napigilan ng Sonic Tornado Attack ni Alpheriozoid.
ALPHERIOZOID: Grrrrr…..Maming!
Tila
sinasabi ni Alpheriozoid na “Huwag mong sasaktan ang Maming ko!”
NECROMA: Impertinente! Talagang nilalabanan mo
na ako?! Sige mas mabuti pa siguro kung mauna na kitang tapusin halimaw ka!
Sumugod
si Necroma papunta kay Alpheriozoid, ngunit isang malakas na sipa ang
isinalubong ni Gamma Yellow sa kanya.
Nagtipun-tipon
ang mga Rangers malapit kay Alpheriozoid.
GAMMA RED: Ayos! Mukhang ikaw na nga talaga
iyan, Coco!
ALPHERIOZOID: Hi hi! Maming!
GAMMA BLUE: Salamat naman!
GAMMA PATRIOT: Pero bago kayo magdramahan, mayroon
pa tayong dapat tapusin!
Tumayo
si Necroma at hinarap ang mga Rangers at si Alpheriozoid.
NECROMA: Huwag kayong magsaya! Dahil hindi
niyo ako kaya! Yaaaaahhhh!!!!!
Sumugod
muli si Necroma, ngunit bigla siyang sinunggaban ni Abby mula sa gilid.
Mahigpit na hawak ni Abby ang babaeng kalaban.
ABBY: Coco, tirahin mo na siya!
GAMMA RED: Anong ginagawa mo?!
ABBY: Kesa umatake pa siya sa inyo, gusto
kong si Coco mismo ang gumanti sa ginawa ng babaeng ito sa kanya!
GAMMA BLUE: Pero matatamaan ka!
GAMMA YELLOW: Ate Abby, huwag!
ABBY: Huwag kayong mag-alala, (sabay-kindat
kay Alpheriozoid)
NECROMA: Bitawan mo ako!!!
ALPHERIOZOID: Maming…..
Nag-aalangan
si Alpheriozoid na maglabas ng kapangyarihan dahil ayaw niyang masaktan ang
kinikilala niyang ina.
ABBY: Coco, magagalit ako sa iyo kapag
hindi mo ginawa! Hindi kita bibigyan ng Cotton Candy!
ALPHERIOZOID: Maming!
Nag-ipon
ng lakas si Alpheriozoid, bumuo siya ng isang malaking Electromagnetic Ball.
ABBY: Ngayon na!
NECROMA: Hindi!!!
ALPHERIOZOID: MAMIIINNGGG!!!!
BAAAAAAAAMMMMMMM!!!!!!
Isang
malaking Energy Ball ang inihagis ni Alpheriozoid kina Necroma at Abby.
BOOOOOOOOOMMMMM!!!!
GAMMARANGERS: Abby!!!
Nang
humupa ang pagsabog kitang-kita na bulagta sa kalsada sina Necroma at Abby.
Ilang sandali pa ay humupa na ang usok. Naunang bumangon dahan-dahan si
Necroma.
GAMMA YELLOW: Buhay pa siya!
NECROMA: Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa
akin! Babalik ako! Pangako iyan!
Gamit
ang natitirang lakas ay nag-Teleport siya. Kaagad na nilapitan ng Rangers si
Abby. Nagpower-down sila kaagad.
JAKE: Abby! Gumising ka! Abby!
Niyugyog
ni Gamma Red si Abby, kita sa katawan niya ang bakas ng pagsabog. Hindi pa rin
siya gumigising.
MALIN: Ate Abby…Hu hu hu….
Ngunit
ilang sandali pa ay nagulat ang limang Rangers sa nilalang na lumapit kay
Abby…..si Coco, nakabalik na siya sa dating anyo. Inilapat ni Coco ang kanyang
mga kamay sa dibdib ni Abby at naglabas ng Electromagnetic Wave. Matapos ang
ilang minuto, kitang-kita ang unti-unting paghilom ng mga sugat at pasa ni
Abby. At ilang saglit a ay nagising na siya.
ABBY: Uhhhhh…..anong nangyari?
Bumungad
sa mga mata ni Abby si Coco.
COCO: Maming!
ABBY: Coco!
Napayakap
si Abby sa Alien. Natuwa naman ang iba sa paggising ni Abby.
MALIN: Ate Abby! (sabay-yakap)
ABBY: He he he….salamat Guys.
BRIAN: Akala namin mamamatay ka na. Buti na
lang nakakapanggamot si Coco.
SCOTT: Man, you did it Abs!
PAOLO: Ang galing mo Abs!
JAKE: Ha ha ha! Galing talaga ng asawa
k----
PAK!!!
(sinampal ni Abby)
JAKE: Aray!
ABBY: Kelan pa kita naging asawa?! Naging
tatay ka lang naman ni Coco ah!
Tawanan
ang lahat ng naroroon. Sa isang banda ay nakita ni Abby ang Musical Necklace.
Kaagad niyang dinampot ito.
ABBY: Alam niyo, ito ang pinakamalakas na
sandata para sa araw na ito! He he he!
________________________________________
UDF
GAMMA Base…..16:19
Palakpakan
ang lahat nang dahil sa tagumpay ng Gammarangers na mabawi si Coco.
GEN. ANGELES: Congratulations Rangers! Lalo na sa
iyo, De Leon.
ABBY: Salamat po Sir!
GEN. ANGELES: Lalo mo akong napahanga. Sa kabila ng
pagbawi ko sa iyong Badge ay nagawa mo pa rin ang iyong tungkulin. Pinatunayan
mo na ang pagiging isang Rangers ay wala sa baluti, kundi nasa puso at tapang
ng isang mandirigma. At nakita ko din kung gaano mo kamahal ang Alien kahit na
sandaling panahon lamang kayo nagsama. Napakaswerte ni Coco na nagkaroon siya
ng isang ina na katulad mo. At dahil diyan, ay ibinabalik ko na sa iyo ang
iyong Morphing Badge.
Ibinalik
ni Gen. Angeles ang Green Morphing Badge kay Abby. Muli ay nagpalakpakan ang
lahat.
CLAP!
CLAP! CLAP!
ABBY: Maraming-maraming salamat po.
COCO: Maming! Hi hi hi hi!
Lumundag
si Coco at niyakap si Abby.
Ilang
sandali pa ay pumasok si Owen sa Database.
OWEN: Sir, dumating na po ang mga
Representatives ng NASA. Kukunin na daw po nila si Coco para maibalik sa Space
gamit ang Sagittarius 12.
GEN. ANGELES: Ganoon ba? Sige pababa na kami.
Tila
nalungkot naman si Abby sa narinig.
MALIN: Naku, paano yan aalis na si Coco?
JAKE: Ibabalik na siya sa pinaggalingan
niya kung saan man yun.
______________________________________________
Nasa
Lobby ang mga Representatives ng NASA nang dumating sina Gen. Angeles.
GEN. ANGELES: Welcome to the GAMMA Base Sir.
NASA REP: Good afternoon General Angeles. I am
Mr. Donald Evans, NASA Representative, and we are here to take the Alpherian
Alien which the Australian Space and Research Institute discovered. We will
return the Alien back to Planet Alpherios using our Space Robot Sagittarius 12.
GEN. ANGELES: Well here it is.
Sumenyas
si Gen. Angeles kay Abby. Iniabot ni Abby si Coco sa mga Representative ng
NASA.
NASA REP: Thank you for taking care of the
Alien Sir. We won’t waste our time here Sir, we must return it to Space ASAP.
Nalungkot
naman si Coco nang ibigay siya ni Abby sa ibang tao.
COCO: Maming…..Maming…Hu hu hu…..
Nagsimula
ng umiyak si Abby.
ABBY: Coco…..
Ilang
sandali pa ay isinakay na si Coco sa isang Army Jet. Muli ay sumulyap ang Alien
sa bintana at tinignan si Abby.
ABBY: Humayo ka, Mahal kong Alaga!
At
tuluyan na ngang lumipad ang Army Jet.
MALIN: Aaw….wala na si Coco.
ABBY: At least babalik na siya sa kanyang
tunay na mga magulang.
JAKE: Ehem! Ehem! Sa pagkakatanda ko, may
usapan tayo na kapag gumanap akong ama ni Coco ay may reward ako.
ABBY: Ay oo nga pala! Buti pinaalala mo!
Dahil sa pagganap mo bilang tatay ni Coco, ililibre kita sa Cabalen. Eat all
you can!
JAKE: Ayos! Wa ha ha ha ha! Salamat,
masarap na reward nga yan!
ABBY: Siyanga pala, kasama din pala ang
buong team!
JAKE: Hah?! Bakit pati sila? Wala naman
silang ginawa para alagaan si Coco!
BRIAN/SCOTT/MALIN/PAOLO: Hmmmmm?! Anong sabi mo?! (galit na
tingin kay Jake)
ABBY: Kung ayaw mo eh di wag!
JAKE: Grrrrrr……Sige na nga! (pambihira
akala ko kaming dalawa lang!)
At
pumasok na nga sa loob ang lahat upang makapaghanda para sa Treat ni Abby.
_____________________________________________
Sa
di kalayuan…..
Minamasid
ni Osmalik ang GAMMA Base habang nasa balikat no Odiah Ultimus…..
OSMALIK: Ito na ang tamang oras upang kunin
ang SIGMA!
Kaagad
sumakay sa loob ng Odiah Ultimus si Osmalik at sumugod papunta sa GAMMA Base….
_____________________________________________
“RED
ALERT! RED ALERT! INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!”
GEN. ANGELES: Ano naman kaya iyon!
ALICE: Sir may masamang balita! May kalabang
papunta sa Base natin!
GEN. ANGELES: Ano?!
Kaagad
na pumasok din ang anim na Rangers sa Database….
JAKE: May bagong kalaban?
GEN. ANGELES: Alice, sino ang kalaban?
Tiningnan
ni Alice ang Radar upang malaman kung sino ang sumasalakay.
ALICE: Si Osmalik!!!
ALL: ANO?!
______________________________________________
OSMALIK: Hayan na ako! Bwa ha ha ha ha!!!!!
Itutuloy……..
No comments:
Post a Comment