Monday, April 29, 2013

Mission 30: OMG! Ang Anak ni Abby!



Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________

“WAAAAGGGGG!!!!!”

BOOOOOOOOOMMMMM!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa bulwagan ng AXIS matapos mapatay nina Osmalik si Balaam. Napagpasiyahan ni Ganelon na tapusin na lang si Balaam dahil sa kapalpakan nito sa kanyang misyon, idagdag pa ang natamo niyang malaking pinsala kay Brian nang nasa Ultimate Form na siya.

Matapos ang pagkawala ni Balaam, hindi umimik ang iba pang AXIS Generals. Ilang saglit pa ay nagsalita si Ganelon.

GANELON: Magmula ngayon, wala ng puwang sa aking Imperyo ang mga walang silbing nilalang! Kundi ay matutulad kayo sa bastardong iyan! Kayo! Magmula ngayon ay magiging mas agresibo na ang AXIS laban sa mga humahadlang sa ating mga plano! Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nasusupil ang Gammarangers! Maliwanag?!

Napaluhod ang lahat ng AXIS Generals sa paanan ni Ganelon….at nagsabing…

“MASUSUNOD PO MASTER GANELON!”
___________________________________________

Samantala…..

Brisbane, Australia…..2:35

Isang nagliliwanag na bagay ang biglang lumitaw sa kalangitan doon. Sa direksiyon nito ay tila pabagsak ito sa mundo……Hanggang sa……

BOOOOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!!

Bumagsak ang nasabing bagay. Lumikha ito ng isang malakas na ingay hindi lang sa Australia kundi maging sa mga karatig bansa.

Nagulantang ang lahat ng mga tagaroon sa nangyari. Naging alerto ang awtoridad at pinaalis ang lahat ng naroroon habang kaagad sumugod ang mga ito upang matignan ang bumagsak na bagay.
____________________________________________

Mission 30: OMG! Ang Anak ni Abby!

Naging laman ng Global News ang nangyari.

An unknown space object streaked across the sky and exploded over the Eastern Seaboard of Australia, particularly in Brisbane area on Friday, raining fireballs over a vast area and causing a shock wave that smashed a massive area of the grassland. Luckily there were no casualties recorded according to the Local Disaster and Emergency Bureau.

According to NASA, the said object was believed to be a Space Pod from another planet. The authorities are yet to confirm any Alien Lifeforms within the object.

Sa pinagbagsakan ng di pa matukoy na bagay ay naroroon ang Australian Space Research Institute upang masiyasat ito. Pinamumunuan ito ni Director General Matthew Fikowski.

DIR. GEN. FIKOWSKI: Patterson, there’s the object! Come on, let’s have a look!

PERSONNEL 1: Yes Sir.

Lumapit ang mga ito sa bagay, na sa oras na iyon ay nagliliwanag.

PERSONNEL 1: What is this thing?

DIR. GEN. FIKOWSKI: Maybe some kind of an Alien Pod ship.

PERSONNEL 2: Just look at that massive crater it created!

PERSONNEL 3: We better bring it to the Philippines Sir, we cannot just keep it here or else AXIS will take it. Let GAMMA take care of it.

DIR. GEN. FIKOWSKI: Good idea. I’ll contact Gen. Angeles.

Gamit ang Super Smart Phone ay tinawagan nito ang Heneral.
_____________________________________________

UDF GAMMA Base….6:12

Nakarating na rin sa GAMMA ang tungkol sa nangyari sa Australia.

GEN. ANGELES: Alice, may latest na ba sa bumagsak na bagay sa Australia?

ALICE: Yes Sir, according sa NASA, isa daw po itong Alien Space Pod…pero wala pa pong signs na may lamang Alien ang loob nito.

“VIDEO CALL COMING…..VIDEO CALL COMING”

GEN. ANGELES: Alice, sino ang tumatawag?

ALICE: Sir, ang Australian Space Research Institute, si Dir. Gen. Fikowski po gusto kayong makausap.

GEN. ANGELES: Okay, connect to them.

Kaagad sinagot nila ang tawag, hanggang sa lumitaw na sa Control Panel Screen si Dir. Gen. Fikowski.

GEN. ANGELES: Good morning, Mr. Fikowski. What’s the latest?

DIR. GEN. FIKOWSKI: Good morning Gen. Angeles. We noticed some drastic changes on the Unknown Space Object. We saw signs of Alien Lifeform inside. We thought that we might as well turn it over to your agency to keep it safe from AXIS. Only you can take care of it, since NASA said that they can’t take it for security reasons.

GEN. ANGELES: Okay then, I will send my Special Crew there to take the Object.

DIR. GEN. FIKOWSKI: Thank you Sir, we are standing by for your Crew’s arrival.

At nawala na sa Screen si Dir. Gen. Fikowski.

GEN. ANGELES: Alice, tawagin mo si De Leon. Ipapadala natin siya sa Brisbane upang kunin ang Alien Object.

ALICE: Ngayon din po.
_________________________________________

AXIS Mega Base…..

Naroroon ang lahat ng AXIS Generals upang makibalita tungkol sa bumagsak na Space Object.

NECROMA: Nabalitaan niyo na ba ang tungkol sa bumagsak na Space Object sa Australia?

DYMARO: Oo naman, napapaisip nga ako kung anong klaseng bagay iyon.

MEGIDDUS: Hindi kaya isang Alien Lifeform ang naturang bagay?

NECROMA: Ayon sa reports ay iyon nga ang laman ng Space Pod.

OSMALIK: Hah, ano naman ang mapapala natin sa bagay na iyan? Baka naman isang walang kwentang bagay lang iyan na galing sa kalawakan.

CALYX: Tumahimik ka! Wala kang alam sa patakaran ng AXIS tungkol sa mga bagay na iyan! Palibhasa wala ka ng inatupag kundi yang SIGMA mo!

OSMALIK: Bawiin mo yang sinabi mo!

CALYX: Eh totoo naman eh!

GANELON: TUMIGIL KAYO!

Natigilan ang lahat nang magsalita si Ganelon.

GANELON: Nakasisiguro ako na makikipag-unahan ang GAMMA sa pagkuha sa naturang bagay. Kailangang makuha natin ang Alien Object na iyan! Dahil sa nakikita ko ay malaki ang ating magiging pakinabang sa bagay na iyan! Necroma!

NECROMA: Po?!

GANELON: Gusto kong pumunta ka sa pinagbagsakan ng bagay na iyon. Agawin mo sa kanila ang Alien Object at dalhin dito! Upang magawa natin siyang isang bagong sandata na makakatalo sa Gammarangers!

NECROMA: Masusunod po!

Kaagad nagteleport si Necroma at naglaho.
_________________________________________

Brisbane, Australia…..7:27

Maraming tao na ang nasa Crash site. Karamihan doon ay mga usisero na kumukuha ng litrato ng Alien Space Pod, habang ang iba ay mga Australian Authorities na kinakarga ang Alien Space Pod gamit ang Crane.

Ilang saglit pa ay dumating na ang Gamma Combat Chopper na lulan si Abby. Bumaba ang Chopper at saka bumaba na ang mga sakay nito. Kasama ni Abby ang iba pang mga sundalo. Kaagad nakita ni Abby si Dir. Gen. Fikowski.

ABBY: (saludo) 1st Lt. Abigail Marie De Leon of UDF GAMMA Sir. I am here to take the Alien Space Object like what Gen. Angeles has ordered.

DIR. GEN. FIKOWSKI: Nice to meet you Ms. De Leon. Thank you for your response. (lumingon sa mga tauhan) Gentlemen, bring the Object to the Chopper!

Kaagad kumilos ang mga tauhan ni Fikowski upang isakay ang bagay sa Chopper…..nang……

BOOOOOOOMMMMM!!!!!

Nagambala ang paglipat nang magkaroon ng pagsabog. Biglang may umatake sa mga naroon. At nagulat sila sa pinagmulan ng pagpapasabog.

DIR. GEN. FIKOWSKI: What the---

ABBY: AXIS!!!

Nasa isang burol si Necroma at mga Omnicrons.

NECROMA: Ang bilis niyo, Gamma Green! Kaagad-agad ay narito kayo upang kunin ang bagay na iyan!

ABBY: Huwag mong sabihing balak niyo ring kunin ang bagay na ito!

NECROMA: Eh ano ngayon kung oo? Wala ka ng pakialam doon! Omnicrons, attack!

Umatake ang mga Omnicrons sa mga naroroon. Kaagad nagpaputok ang Australian Forces sa mga kalaban.

ABBY: Mr. Fikowski, I suggest to leave now! Just leave this to us!

DIR. GEN. FIKOWSKI: Okay then! Thanks!

Kaagad umalis ang mga taga-ASRI habang pinoprotektahan sila ng mga sundalong kasama ni Abby. Matinding sagupaan ang naganap sa lugar na iyon. May mga Omnicrons na tangkang agawin ang Pod ngunit napigilan sila ng mga GAMMA soldiers.

Umeksena na rin si Necroma sa laban at nilabanan si Abby.

NECROMA: Hampaslupa ka!

ABBY: Yaaaaah!!!

Nakipagmano-mano si Abby kay Necroma, biglang tumira ng Eyebeams si Necroma, ngunit lumundag si Abby upang umiwas, sabay taas ng Badge at….

GAMMAMODE, ACTIVATE!

Pagkasabi nito ay naging si Gamma Green na siya.

GAMMA GREEN: Sige laban lang, Necroma!

Patuloy pa rin ang nagaganap na laban. Nang makitang dehado na ang mga sundalo, kaagad sumaklolo si Gamma Green at niratrat ng G-Booster ang mga Omnicrons hanggang sa maubos ang mga ito.

GAMMA GREEN: Mga kasama sakay na!

Pasakay na sina Gamma Green sa Combat Chopper na karga ang Space Object, ngunit pinigilan sila ni Necroma.

NECROMA: Hindi ka makakatakas!

Palipad na ang Combat Chopper ngunit nakuha pang makasabit ni Necroma, hanggang sa magawa niyang umakyat sa Chopper. Nakita ni Gamma Green mula sa Screen si Necroma na nasa bandang ibaba ng Combat Chopper.

GAMMA GREEN: Lintik! Nakasabit pa! Chopper Lasers!

Nagpakawala ng Chopper Lasers ang Combat Chopper upang tamaan si Necroma, ngunit nagawang iwasan ito ng kalaban.

GAMMA GREEN: Ah ganon ha, sige pagbibigyan ko ang gusto mo!

Lumabas si Gamma Green at hinarap si Necroma sa may labas ng Chopper. Dahil walang nagmamaneho, nagkawindang-windang ang takbo ng sasakyan. Maging ang mga sundalong sakay nito ay nangadulas dahil sa pagwindang ng Chopper.

GAMMA GREEN: Umalis ka dito butiki ka!

NECROMA: Ibigay mo ang Space Pod!

Naglaban ang dalawang mandirigma sa labas ng Chopper. Matinding sagupaan ang naganap, dagdag pa sa laban ang mabilis na ikot ng Propeller na nagpapahirap sa kanila. Gamit ang kanyang Gamma Dagger ay nakipagpalitan ng talim si Gamma Green kay Necroma.

Hanggang sa naitulak ni Gamma Green si Necroma at nahulog ito, ngunit nagawa pang makakapit ng kalaban.

GAMMA GREEN: Bitawan mo diyan! G-Booster!!!

BANG-BANG-BANG-BANG!!!!!

NECROMA: Aaaaaaaahhhh!!!

Binaril ni Gamma Green ang mga kamay ni Necroma. Nahulog si Necroma sa lupa sa lakas ng pwersa ng G-Booster ni Gamma Green.

KABOG!

NECROMA: Ugghh…..Asar! Magbabayad ka, Gamma Green!
________________________________________

Bumalik na si Gamma Green sa Combat Chopper Cockpit at naiayos na ang takbo ng sasakyan. Nagbalik na rin siya sa pagiging Abby.

NECROMA: Salamat naman at nawala din ang bruha. Hirap palang makipaglaban sa labas ng Chopper….

Nang biglang nagulantang si Abby ng sundalong kasama niya. Pumasok sa Cockpit ni Abby ito.

SUNDALO 1: Ma’am, may Alien na lumabas sa Space Pod!

ABBY: Ano?! Alien?! So tama pala ang sinabi ni Mr. Fikowski. Nagwala ba?

SUNDALO 1: Hindi naman, maliit lang na Alien, tsaka mukhang hindi naman nananakit….

ABBY: Ganoon ba, sige ikaw na muna ang magpatakbo ng Chopper, gusto kong makita ang Alien.

Kaagad nagpapalit si Abby sa sundalo sa pagmamaneho ng Chopper upang makita ang Alien.

Sa ibang Compartment ng Chopper nakita ni Abby ang ibang sundalo na pinagmamasdan ang Alien na lumabas sa Space Pod.

SUNDALO 2: Ma’am, basta na lang po lumabas sa Space Pod ito.

ABBY: So iyan pala iyon….Ngayon lang ako nakakita ng ganito….Mukhang kakaiba nga siya.

Dahan-dahang lumapit si Abby sa Alien, habang ang Alien naman ay titig na titig kay Abby. Umupo si Abby malapit sa Alien. Laking gulat niya nang bigla siyang sinagpang ng Alien at yumakap ito sa kanya.

ALIEN: Maming…..Maming…..Hi hi hi….Maming….

ABBY: Huh?!

SUNDALO 3: Ma’am, mukhang gustung-gusto niya po kayo. Baka akala niya kayo ang nanay niya. Mukhang bata pa yang Alien na iyan.

ALIEN: Maming….hu hu hu….Maming…..

Yakap na yakap pa rin ang Alien kay Abby.

ABBY: Diyos ko….Ano ba naman ito?
___________________________________________

UDF GAMMA Base…..

Nakabalik na ang Combat Chopper sa Base. Nag-aabang mula sa labas sina Gen. Angeles, Owen, Brian, Scott, Malin, Paolo, Alice at iba pang sundalo. Si Jake naman ay nasa loob dahil hindi pa gaano nakakalakad gawa ng natamong injury dulot ng nakaraang misyon.

Lumapag na ang Chopper. Bumaba na ang mga sundalo. Huling bumaba si Abby habang kinakarga ang Alien. Napatawa naman ang ibang Rangers nang makita si Abby na kinakarga ang Baby Alien.

GEN. ANGELES: De Leon, ano yang karga mo?

ABBY: Ah eh…Sir, eto na po ang Alien na galing sa bumagsak na Space Pod.

GEN. ANGELES: Ano? So totoo pala yung sinabi ni Mr. Fikowski. May Alien sa loob ng Pod.

MALIN: Wow ang cute! Parang si Kokey lang, hi hi hi….mas cute pa kay Charlie!

CHARLIE 9: Grrrrr…..Charlie ayaw Malin! Charlie selos! Charlie selos!

PAOLO: Abby, mukhang Baby pa yang Alien na iyan. Huwag mong sabihing ikaw ang magiging nanay ng Alien na iyan.

SCOTT: Seems that it is not a harmful Alien.

BRIAN: Saan kaya galing yang Alien na iyan?

ALICE: Mukhang kailangang mapag-aralan ko ang origins ng Alien na iyan.

GEN. ANGELES: Mabuti pa doon na tayo sa loob at nang malaman natin kung saan siya galing----Teka De Leon, wala ka bang balak na bitawan ang Alien na iyan?

ABBY: Eh ayaw po niya akong bitawan Sir….

ALIEN: Maming…..Maming….Maming….

Natawa nanaman ang mga naroon sa sinabi ng Alien.

OWEN: Ha ha ha! Mukhang may instant anak ka na Abby! Ha ha ha!

ABBY: Che!
__________________________________________

“BWAHAHAHAHAHAHA!!!!”

Malakas na tawa ni Jake nang makitang nakapatong sa ulo ni Abby ang Alien.

ABBY: Huwag ka ngang tumawa diyan! Hindi nakakatawa!

JAKE: Bagay na bagay sa iyo maging nanay Abs! Ang cute oh, mukha kang Bumbay na may turban sa ulo! Bwaaa ha ha ha ha!

PAOLO: Abby, mukhang ikaw nga ang mag-aalaga sa Alien na iyan….

ABBY: Haynaku, mukhang iyon na nga ang magiging papel ko.

MALIN: Ang cute-cute talaga niya….nakakagigil….kuchi-kuchi-kooo…..

Nilalapirot naman ni Malin ang pisngi ng Alien.

JAKE: Ha ha ha ha! Abby, ang aga mo naman maging nanay! Gusto mo ako maging tatay niyan, ikaw magiging asawa ko----

BAAAGGG!!!

JAKE: ARAAAAAYYY!!!!

Tinadyakan ni Abby ang pilay ni Jake.

JAKE: Aruuuuyyy….bakit mo tinadyakan ang pilay koooooo…..hu hu huuu….

ABBY: Kung di ka titigil, di lang iyan ang aabutin ng pilay mo!

Tila may naisip si Paolo mula sa narinig niya kay Jake….

Ngunit biglang bumaba ang Alien papunta sa paa ni Jake. Nagulat ang lahat ng maglabas ito ng kakaibang Wave sa pilay na paa ni Jake, isang minuto pa ang lumipas at natapos na ang ginawa ng Alien.

ABBY: Ano ang ginawa niya?

JAKE: Wait…..ang paa ko magaling na! Hindi na ako pilay! Nakakalakad na ako! Yahooooo!!!! Yeah!

Napalundag si Jake matapos magamot ng Alien. Naglundag-lundag ito sa sobrang saya.

PAOLO: May kapangyarihan pala ang Alien na iyan…..kaya niyang gumamot!

MALIN: Amazing! Unbelievable!

ABBY: Oo nga….

ALIEN: Maming…..

Bumalik ang Alien kay Abby at yumakap ito.

PAOLO: Ano kaya ang magandang name ng Alien?

JAKE: Alam ko na! Garapacho! Magtanggol! Restituto! Berting!

MALIN: Langya ka naman Kuya Jake, ambabantot ng mga yan! Dapat yung cute! Skittles, Hershey! Oreo! Tootsie!

ABBY: Alam ko na…..dahil sa Australia ko sya nakita….tatawagin ko na lang siyang Coco….

PAOLO: Pwede!

Binuhat ni Abby ang Alien at kinausap.

ABBY: Mula ngayon, ikaw na si Coco! At ako na ang Maming mo!

Tila naintindihan naman ito ng Alien.

ALIEN: Coco….Yipeee!!! Coco Maming! Coco Maming!
________________________________________

GAMMA Lab….

Pinag-aaralan naman nina Alice at Owen ang Alien gamit ang Slime na nakuha mula sa Space Pod.

ALICE: Base sa analysis ko sa sample, galing ang Alien sa Planetang Alpherios, na nasa Andromeda Galaxy….pero di ko akalaing aabot ang Alien na ito sa ating planeta, samantalang ang layo ng Milky Way sa Andromeda.

OWEN: Ganoon ba, di ko akalain na totoo pala ang mga Aliens.

ALICE: Ang Characteristics ng mga Alpherian Aliens ay may kapangyarihang manggamot gamit ang kanilang kakaibang Electromagnetic Wave.

OWEN: Kaya pala gumaling kaagad ang pilay ni Jake kanina.

ALICE: Kailangang malaman ito ni General.
____________________________________________

GAMMA Database….

Kaagad nireport ni Gen. Angeles ang pagsulpot ng Alien mula sa Space Pod.

GEN. ANGELES: Yes, Mr. Fikowski…it was confirmed, there’s an Alien inside the Pod.

DIR. GEN. FIKOWSKI: (sa kabilang linya) Then we have to inform NASA about that. That’s a proof that Aliens do exist. We might as well ask NASA to return the Alien into Space with their Space Shuttle, but for now, we advice you to take care of it and make some studies about it. And maintain its security from AXIS.

GEN. ANGELES: Actually my Team is already studying it. We will tell you the details as soon as we could come up with our findings.

DIR. GEN. FIKOWSKI: Okay then, I’ll contact you later. Thank you.

Nang mawala na sa Screen si Dir. Gen. Fikowski, saktong pumasok naman sa Database sina Alice at Owen.

ALICE: Sir, alam na po namin ang tungkol sa Alien.

GEN. ANGELES: Talaga? Sige bigyan niyo ako ng detalye.
________________________________________

Sa silid ni Abby….

ABBY: Coco, heto ang magiging kwarto mo!

COCO: Maming! Maming! Yipeeee!!!

May nakitang saradong Cup Noodles si Coco sa may mesa ni Abby at kinuha ito, saka kinain ang Cup.

ABBY: Coco, hindi ganyan kinakain yan, mamaya bibigyan kita ng Chocolate Chip cookies….eto suot mo ito….

Kumuha ng damit si Abby mula sa kanyang closet. Masyadong malaki ang damit para kay Coco dahil damit ni Abby ito.

ABBY: Ay mali, dapat pala pang-baby ang damit mo…….….aha! Alam ko na!
__________________________________________

JAKE: Ano?! Ibibili ko ng damit yan Alien na iyan?

ABBY: Teka, akala ko ba gusto mo maging tatay ni Coco? Aba dapat lang bilang tatay, samahan mo ako sa pamimili ng gamit niya!

JAKE: Hoy, hindi gawain ng tatay ang mamili ng damit! Gawain iyon ng chimay!

ABBY: May reklamo?! Kung ayaw mo e di huwag! Sayang may reward pa man din ako sa iyo sa pagprisinta mo bilang parent ni Coco!

JAKE: Talaga? Aba e di sige pumapayag na ako!

ABBY: O, tara na mamimili pa tayo!

Lingid sa kanilang kaalaman ay may nagmamatiyag pala sa dalawa…..sina Paolo, Scott, at Owen. Kanina pa sila nagtatago sa may Storage Room at siksikan sila doon. Pagkaalis ng dalawa ay binuksan nila ang pinto ng Storage.

PAOLO: Hi hi hi, bagay sila eh no…
OWEN: Oo nga parang isang masayang pamilya sila….
SCOTT: One big happy family, he he he…
PAOLO: Masaya ito….diyan natin makikita ang diskarte ni Jake….bwe he he he….alam naman natin na may balak si Jake kay Abby, at ito ang pagkakataon para malaman ang totoo!
_______________________________________________

Sa isang Shopping Center ay magkasamang namili sina Jake at Abby habang nakalagay naman sa loob ng Back Pack si Coco. Namili sila ng mga gamit na pambaby at saka gatas. Pagkatapos noon ay pinasuot nila ito kay Coco. Pinasuot nila ito ng Cap at Shades para hindi mahalatang Alien ito. Sumakay sila sa Merry-Go-Round at kumain sa Fast Food.

Masaya naman sina Jake at Abby dahil tila nagugustuhan ni Coco ang mga ginagawa niya. Masaya din ang dalawa dahil hindi maipaliwanag na kasiyahan ang nadama nila nang makitang nag-eenjoy ang alaga. Doon nila naramdaman ang pagiging magulang….
_______________________________________________

Masayang bumalik ng GAMMA Base sina Jake, Abby at si Coco. Bitbit ni Abby ang ilang gamit pambata habang buhat naman ni Jake si Coco. Hirap na hirap si Jake sa pagbuhat sa Alien dahil magalaw ito.

ABBY: Hoy Fonseca, bilisan mo naman diyan! Kailangan maligo si Coco!

JAKE: Langya, ang likot pala nitong alaga mo----arrrruuuyyy!

Di sinasadyang nasuntok ni Coco si Jake sa ilong.

JAKE: Diyos por Santo…..ano ba itong pinasok kooooo…..

Habang dumadaan sa Lobby ay pansin naman nina Malin at Brian ang dalawa mula sa Gym.

BRIAN: Himala, si Fonseca sunud-sunuran kay Abby?

MALIN: Hi hi hi! Ang cute naman nilang tignan! Parang isang pamilya sila!
_____________________________________________

Sa kwarto nina Abby ay inayos ng dalawang kadete ang mga gamit ni Coco.

ABBY: Fonseca, ikaw na maglagay ng Diapers ni Coco.

JAKE: Hah? Ikaw na, wala akong alam diyan!

ABBY: Nagrereklamo ka?!

JAKE: Hindi ah, oo ako na, para paglalagay lang ng Diapers….

Ilalagay na ni Jake ang Diapers ni Coco, nang…..

PSSSSSSSSS…….

JAKE: Oh shiiiittt!!!!!

ABBY: Oh napano ka?

JAKE: Langyang Alien ka! Inihian mo ako!

ABBY: Ha ha ha ha ha!
______________________________________________

Pinagtimpla ni Abby ng gatas si Coco.

ABBY: Coco, drink your milk!

COCO: Maming Maming!

Sabik namang dinede ng Alien ang Feeding Bottle na may gatas.

ABBY: Naku Fonseca, nakalimutan nating bumili ng Pacifier! Pwedeng bumili ka muna?

JAKE: Haaaayyysstt….Eto na!

Padabog na lumabas ng silid ni Abby si Jake, sabay pabagsak na binuksan ang pinto.

PAAAAAAAKKKK!!!!

“ARAAAAAAAYYYYY!!!!”

Nagulat si Jake sa mga boses na narinig. Nang hilain ulit ang pinto, gulat siya nang makita sina Paolo, Scott at Owen na nasaktan nang mahampas ng pinto. Kanina pa pala sila nasa labas ng silid at minamatyag ang ginagawa nina Jake at Abby.

JAKE: Hoy! Anong ginagawa niyo dito?!

PAOLO: Hah? Ah…eh….wala! Nagpapractice lang kami ng Military Drills dito sa Corridor, mainit kasi sa labas eh, he he he …..di ba Scott?

SCOTT: Umm…..yeah yeah that’s right!

OWEN: Tama tama! Everybodeeeee…..1-2-3-4! 1-2-3-4! Wa-kanaaaan…wa kanaaaa….wa…wa!

Nagkunwari pang nagmamarcha ang tatlo para hindi mahalata ni Jake.

JAKE: Mga bugok! Mga tsismoso!
________________________________________

Kinagabihan ay oras na para matulog, tulog na halos ang mga nasa Base. Naisip ni Abby na i-hele si Coco upang makatulog ito.

COCO: Maming….Maming…

ABBY: Tahan na Coco, gusto mong ipagkanta kita ng Lullaby?

COCO: Maming….

ABBY: Okay heto ha….

At nagsimula nang kumanta ng Lullaby song si Abby. Maganda ang pagkakakanta ni Abby ng Lullaby, kaya naging epektibo ito kay Coco. Hanggang sa makatulog ito.

ABBY: Salamat at nakatulog din….

Tumayo si Abby at iniwan muna si Coco. Naisipa niyang lumabas sa Balcony ng kanyang kwarto upang magpahangin. Nang lumingon siya sa kanyang kanan, nakita niya si Jake na nagyoyosi sa kabilang Balcony. Magkatabi lang kasi ang kanilang Sleeping Quarters.

ABBY: Aba, gising ka pa pala.

JAKE: Hah, di ako makatulog. (buga ng usok) Musta na ang Alien?

ABBY: Tulog na siya.

JAKE: Matanong lang, hanggang kelan ba sa atin yang Alien na iyan? Hindi naman pwedeng habambuhay tayo magpapalaklak diyan.

ABBY: May binanggit sa akin si General tungkol diyan, ibibigay natin siya sa NASA, at pagkatapos ay sila ang bahalang magbalik sa kanya sa Space…

JAKE: Nagtataka lang ako kung bakit napunta iyan dito…may dahilan kaya?

ABBY: Hindi ko alam, pero isa lang ang masasabi ko….hangga’t nandito siya, tayo ang magaalaga sa kanya….Hindi ko hahayaan na masaktan siya ng kahit na sino, aalagaan ko siya na parang isang anak. Parang ngayon pa lang nga eh umuukit na siya sa puso ko…

JAKE: Mukhang napapamahal ka na sa kanya.

ABBY: Hindi ko rin maintindihan….siya nga pala….

JAKE: Ano?

ABBY: Salamat ha….sa pagiging ama niya. Di ko akalain na kaya mo palang gumanap bilang ama kahit na ganyan ang attitude mo. May soft side ka pala pagdating sa bata.

JAKE: Hah? Ha ha ha wala iyon. (sabay hithit ng yosi)

Ngiti lang ang iginanti ni Abby….

ABBY: Siyanga pala, may Toy Fair pala bukas sa may Central Park, baka gusto mong samahan kami ni Coco.

JAKE: Ummm….sige.               
_____________________________________________

AXIS Mega Base…..

Inis pa rin si Ganelon kay Necroma dahil sa hindi niya nagawang makuha ang Space Pod.

GANELON: Kahit kailan talaga palpak ka! Nandoon ka na, hindi mo pa rin nakuha!

NECROMA: Maagap ang GAMMA! Maski ako ay gulat na nandoon na sila at kukunin na ang Space Object.

GANELON: Siguradong ginagawan na nila ng pakinabang ang bagay na iyon!

Ilang sandali pa ay pumasok si Calyx na may dalang Findings.

GANELON: Calyx, may natuklasan ka ba sa Space Object?

CALYX: Mayroon po Master. Ang naturang bagay ay galing pala sa Planetang Alpherios, isang Civilized Planet na nasa Andromeda Galaxy. At may nasagap po akong balita mula sa isang mapagkakatiwalaang source.

GANELON: Ano iyon?

CALYX: Ang Space Pod na iyon ay may lamang isang Alpherian Alien. And mga Alpherians ay may kakayahang manggamot ng sakit gamit ang kanilang Electromagnetic Waves at naglalabas din ng Poisonous Aura bilang Defense Mechanism.

GANELON: Kung ganoon ay totoong may mga Aliens…

DYMARO: Sayang lang at napasakamay na ng GAMMA ang naturang Alien. Kasalanan mo ito Necroma!

MEGIDDUS: Masyado kayong mainit, sa tingin ko may paraan pa para makuha ang Alien at tayo ang makinabang!

NECROMA: Baka nakakalimutang niyong may paraan para mapasaatin ang Alien!

OSMALIK: At paano naman? Sa kitid ng utak mo malabong may maisip ka—

NECROMA: Tumigil ka! Baka nakakalimutan niyong mahusay ako sa paggamit ng hipnotismo….kaya kong pasunurin ang Alien gamit iyon….

GANELON: Hmmm….at papaano mo naman gagawin iyon?

NECROMA: He he he he…..maliban sa hipnotismo ay kaya ko ring gawin ito…..

May sinaksak na maliit na Disc si Necroma sa kanyang dibdib, at ilang sandali pa ay tila nagbabago siya ng anyo. Ilang sandali pa, ay tuluyan nang nagbago ng anyo ito, at tumambad sa kanila ang isang pamilyar na mukha.

GANELON: Kamangha-mangha!
____________________________________________

Bataan Toy Fair……

Maraming tao ang naroroon sa Toy Fair na karamihan ay mga bata. Iba’t-ibang klaseng mga laruan ang naroroon. May mga Food Kiosks din na sagana sa iba’t-ibang mga pagkain.
Dumalo sa Toy Fair sina Jake, Abby at si Coco. Karga ni Jake si Coco habang may bitbit namang mga laruan si Abby.

JAKE: Grabe andaming tao!

ABBY: Oo nga eh, halos siksikan na sa dami ng dumalo.

Ilang sandali pa….

JAKE: Nasaan kaya ang CR dito? Kanina pa ako naiihi….Abby, pwedeng iwan ko muna sa iyo itong si Coco. Magsi-CR muna ako.

ABBY: Sige, bilisan mo lang ha.

At umalis na si Jake upang mag-CR.

Ilang sandali pa ay may nakita si Abby na nagtitinda ng Cotton Candy.

ABBY: Coco, gusto mo ng Cotton Candy?

COCO: Maming! Maming!

ABBY: Wait lang ha, wag kang aalis diyan. Ibibili lang kita ng Cotton Candy.

Habang bumibili si Abby ng Cotton Candy, may nakita si Coco na isang nagtitinda ng Ice Cream. Kaagad niyang nilapitan ito.

COCO: Maming! Maming!

Nagulat naman si Coco nang nasa likod na niya si Abby….

ABBY: Gusto mo rin ba ng Ice Cream?

COCO: Maming!

ABBY: Tara sumama ka sa akin! Mas maraming Ice Cream doon!

COCO: Maming! Hi hi hi! Maming!

Kaagad na sumama si Coco kay Abby…..

Ang nakakagulat…….

Doon sa pinanggalingan ng dalawa ay bumalik na si Abby galing sa pagbili ng Cotton Candy. Eh sino ang Abby na kasama ni Coco kanina sa Ice Cream stall?

ABBY: Coco, heto na ang Cotton Candy mo!------teka nasaan na yun? Cocooooo!!!!

Hinanap ni Abby si Coco sa iba’t-ibang dako ng Toy Fair pero hindi niya mahanap ito.

ABBY: Diyos ko….nawawala si Coco….

Sakto namang bumalik si Jake galing sa CR.

JAKE: Oh Abby, nasaan ang Alien?

ABBY: Hindi ko alam, iniwan ko lang siya dito!

JAKE: Nak ng patola, naligaw na iyon! Tara hanapin natin siya!

Nilibot ng dalawa ang buong Toy Fair, ngunit bigo silang mahanap si Coco.

ABBY: Cocoooo…..kasalanan ko ito, iniwan ko siya.

JAKE: Tama na sisihan, sa tingin ko naligaw lang iyo------

BOOOOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa mga nasa Toy Fair. Takbuhan ang lahat ng tao. My iilang mga sibilyan ang nasawi at sugatan sa insidente.

JAKE: Ano iyon?

ABBY: Hindi maganda ang pakiramdam ko dito!

Nang mawala na ang mga tao laking gulat nila nang may biglang lumitaw na isang nilalang, karga nito si Coco na walang malay….at ang mas ikinagulat ng dalawa, ay kamukhang-kamukha ni Abby ang nilalang….

JAKE: Teka, dalawang Abby? (napasulyap sa Abby na katabi niya)

ABBY: Sino ka? Bakit magkamukha tayo?

ABBY(?): Ha ha ha ha! Effective ba ang pagpapanggap ko? Kopyang-kopya di ba? Salamat sa Copying Disc at nakopya ko ang Genes mo kanina sa Australia habang naglalaban tayo….

ABBY: Ibalik mo sa amin si Coco!

Ilang saglit pa ay nagpalit na ng anyo ang impostor na Abby….nagulat sila kung sino ito.

JAKE: Necroma!

ABBY: Ang sama mo! Dinukot mo si Coco!

NECROMA: Akala niyo ba mapapasainyo ang Alien na ito? Baka nakakalimutan niyong kami ang AXIS, at lahat ay kayang naming makuha! Ngayong nasa akin na ang Alien, makakaalis na ako dito!

Nagteleport na si Necroma kasama ang walang malay na Alien…

ABBY: COCOOOOOOOOOO!!!!!

Napaluhod na lang si Abby at umiiyak….


Itutuloy……..

No comments:

Post a Comment