Monday, April 15, 2013

Mission 29: Ang Tunay na Kapangyarihan ng Pag-Ibig



Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________

AXIS Mega Base….

“Bilisan niyo, habulin niyo siya!”

Ito ang utos ng galit-na galit na si Balaam habang kasama ang mga Omnicrons at hinahabol ang isang babae….

Ang babaeng ito ay tarantang tumatakbo sa Corridor ng Mega Base habang dala ang isang anyong reactor. Humihingal itong tumatakbo ng matulin upang hindi mahabol ng mga Omnicrons. Sa wakas ay nakakita siya ng isang kanto at doon nagtago. Nagtagumpay naman siya sa kanyang pagtago dahil nalampasan na siya ng mga humahabol sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag.

Nagulat siya at natuwa nang makitang ang kanyang pinagtaguan ay isa palang Aircraft Hangar at may AXIS Stealth Jets na nakagarahe.

BABAE: (humihingal) Ayos, makakaalis na ako dito!

Agad-agad ay sumakay ito ng Stealth Jet. Subalit biglang tumunog ang alarm ng Hangar, na ikinataranta ng babae. Agad niyang pinaandar ang ang Jet at lumipad ito. Kaagad iyang nakita ni Balaam.

BALAAM: Tumatakas siya! Habulin niyo siya Omnicrons!

Agad sumakay ng Warbots ang mga Omnicrons upang habulin ang babae. Ngunit dahil Stealth Jet ito, hindi na ito madetect ng mga humahabol, kaya nawala ito sa kanilang radar.

Samantala, masaya naman ang babae at sa wakas ay nakalayo na siya, nasa gawing Asya na ang lokasyon niya….ngunit biglang tumigil ang makina ng Jet.

BABAE: Hah? Anong----Hindi maaari! Nasira ang Jet!

Hanggang sa wala ng magawa ang babae….nahulog ang Jet sa may bulubundukin ng Sierra Madre at…..

BOOOOOMMM!!!!!
_____________________________________________

Mission 29: Ang Tunay na Kapangyarihan ng Pag-ibig

Tuguegarao, Cagayan…..

Sa isang tahimik at mabundok na lugar ay naroroon si Brian at nagpapahinga sa ilalim ng mga puno. Nakiusap kasi siya na mag-leave muna ng isang araw upang umuwi sa kaniyang bayan dahil may aasikasuhin siyang importanteng dokumento. Naisip niya na pagkakataon din ito upang makapagpahinga muna at i-enjoy ang sarili.

Kasama ang kanyang motorsiklo ay masayang pinagmamasdan ni Brian ang kapaligiran.

BRIAN: (umiinom ng Mik Tea) Haaay, namiss ko ang lugar na ito….wala pa ring makakatalo sa ganda ng bayang sinilangan….

Ngunit natigilan siya nang mapansin ang isang makapal na usok sa may kagubatan.

BRIAN: Ano iyon?

Sakay ng kanyang motorsiklo at agad pinuntahan ni Brian ang kinaroroonan ng usok. At doon niya nakita ang isang nawasak na Jet. Lumapit ito upang makita kung may sakay ito…at doon niya nakita ang isang babae….sinubukang gisingin ni Brian ang babae na sa mga oras na iyon ay sugatan.

BRIAN: Miss, Miss, gising! Miss!

Kaagad nagising ang sugatang babae…

BABAE: Si-sino ka? Nasaan akooo….?

BRIAN: Tama na ang tanong, kailangang maidala kita sa pinakamalapit na Hospital dito…

Biglang may naalala ang babae…

BABAE: Itakas mo ako! May humahabol sa akin!

BRIAN: Ano? Sino naman ang humahabol sa iyo?

“KAMI!”

Nagulantang ang dalawa nang biglang magsulputan ang isang batalyong Omnicrons. Kadarating lang ng mga ito at kaagad natunton ang lokasyon ng Jet dahil sa usok. At mula sa likod ng puno ay lumitaw si Balaam…

BRIAN: AXIS!

BALAAM: Pati ba naman dito ay narito ka, Gamma Blue? Bakit ba kahit saan kami magpunta ay naroroon kayo?

BABAE: Sila….sila ang humahabol sa akin!

BRIAN: Hindi ko alam kung ano ang habol niyo sa babaeng ito, pero gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya!

BALAAM: Huwag kang pakialamero! Omnicrons, sugurin siya!

Kaagad iniangkas ni Brian ang babae at pinaandar ang motorsiklo.

BRIAN: Itatakas kita!

Mabilis na humarurot ang motorsiklo ni Brian sa gitna ng bundok, habang iniiwasan niya ang mga punong nakaharang sa dinadaanan niya. Mabilis din na hinahabol ng mga Omnicrons ang dalawa.

Sa wakas ay nakakita ng isang maliit na kweba si Brian at doon pinasok ang motor.

BRIAN: Dito ka muna, wag kang aalis dito.

Tumango lang ang babae. Nang saktong dumaan na ang mga Omnicrons….

BOOOOG!!!!!

Sinalubong ni Brian ng suntok ang mga ito. Nilabanan niya ang mga Robotic Soldiers ng buong tapang. Nang sabay-sabay nang sumugod ang mga ito, lumundag si Brian sabay sigaw ng….

“GAMMAMODE, ACTIVATE!”

Pagkalanding niya sa lupa, siya na si Gamma Blue. Nagulat ang babaeng nagtatago nang magbagong anyo si Brian bilang Gamma Blue.

GAMMA BLUE: Gamma Dagger!

Mula sa kanyang Leg Armor ay lumabas ang Gamma Dagger at pinagtataga ng sabay-sabay ang mga kalabang Omnicrons.

At para matapos agad ang laban at maubos ang mga Omnicrons….

GAMMA BLUE: G-Launcher! Fire!

Malalakas na G-Launcher Blasts ang ibinigay ni Gamma Blue sa mga Omnicrons. At nang maubos ang mga ito, siyang nagpakita naman si Balaam.

BALAAM: Pangahas ka! Saan mo itinago ang babae!

GAMMA BLUE: Aba malay ko! Yaaaaahh!!!

Nakipaglaban si Gamma Blue kay Balaam. Matitinding sapak at sipa ang naging palitan ng dalawa. Sa gitna ng laban ay natamaan ni Gamma Blue ang mata ni Balaam, at nasaktan ito.

BALAAM: Aaaaaahh!!! Tarandado kaaa!!!

GAMMA BLUE: Ano papalag ka pa?

BALAAM: Pagbabayaran mo ito, Gamma Blue!!!

At ilang saglit pa ay nagteleport na si Balaam at nawala.

GAMMA BLUE: Umalis din sa wakas….Teka, yung babae.

Bumalik si Gamma Blue sa kweba at nakita ang babaeng niligtas niya.

GAMMA BLUE: Ayos ka lang ba?

BABAE: Isa kang….Ranger?

Nagpower-down si Gamma Blue at bumalik sa pagiging Brian.

BRIAN: Oo, teka nga, bakit ka ba hinahabol ng AXIS?

Ngunit biglang namilipit sa sakit ang babae dahil sa mga sugat sa katawan.

BABAE: Aaaaaahhh…..ang sakit……

BRIAN: Mukhang kelangan na kitang dalhin sa Gamma Base….

Tumawag muna si Brian sa kanyang Smartphone upang magpaalam sa kanyang pamilya na kelangan niyang bumalik sa Base. Pagkatapos noon ay isinakay na niya ang babae at pumunta sa Gamma Base….
______________________________________________

AXIS Mega Base……

BALAAM: Bwiset! Nahuli ko na sana si Aquila D5 kung hindi lang nakialam si Gamma Blue!

GANELON: Kailangang makuha ulit natin si Aquila D5, hindi pa siya lubos na kumpleto, kailangang mabawi natin siya upang makumpleto siya bilang isang Humanoid Chemical Weapon.

NECROMA: Bakit kasi hindi mo pa inayos ang pagkakagawa sa kanya, Balaam? Hayan tuloy nagloloko ang System nya at ayaw sumunod sa atin!

BALAAM: Hindi pa kasi siya tapos ay bigla na lang siyang tumayo at nagwala! Hindi ko alam kung bakit, pero kailangang mabawi natin siya upang maayos ang kanyang System! At ang pinakaimportanteng Chip para maayos siya ay nasa kanyang utak!

Biglang sumabad si Osmalik…

OSMALIK: Hah, paano magiging maayos ang babaeng iyon kung ang lumikha sa kanya ay isang tanga?

BALAAM: Tumahimik ka! Wag na wag mong ikukumpara si Aquila sa iyong gusgusing robot!

DYMARO: Balaam, maaari ko bang malaman kung paano natin mapapakinabangan si Aquila D5?

BALAAM: Taglay niya ang ang AP2986 Microchip sa kanyang utak na siyang kailangan natin upang dumikit sa kanyang katawan ang Genocide Reactor, kapag nangyari iyon, magbabagong anyo siya bilang isang Genocide Monster at ilang segundo pa ay sasabog siya bilang isang malakas na Chemical Weapon na siyang papatay sa lahat. Maging ang GAMMA ay walang magagawa upang pigilan siya.

CALYX: Ngunit tila hawak siya ng GAMMA….At hindi pa siya lubusan tapos…paano kung may gawin sila sa kanya upang maging Harmless Humanoid siya?

GANELON: Oras na para ipadala ang aking special na espiya…..Ipadala ang aking Spying Cranumite sa Gamma Base!

Ilang saglit pa ay lumabas mula sa Glass Cylinder ang isang Spying Cranumite.

GANELON: Alamin mo kung nasaan si Aquila D5!

SPYING CRANUMITE: Masusunod po Kamahalan!

GANELON: At ikaw Balaam, maglunsad ka ng isang pagsalakay upang himukin ang GAMMA na ilabas si Aquila D5! Tignan natin kung hindi pa nila ilalabas ang babaeng iyon!

BALAAM: Masusunod po, Kamahalan!
________________________________________________

GAMMA Medical Center……

Nasa isang Private Room ang buong Gammarangers at si Gen. Angeles habang naroroon ang babae at natutulog.

MALIN: Ang ganda naman niya Kuya Brian…sino ba siya?

BRIAN: Ang totoo, hindi ko rin alam. Basta nakita ko lang siya sa isang gubat sa lugar namin. Nakakapagtaka lang na hinahabol siya ng AXIS.

ABBY: Bakit naman kaya siya hahabulin? Ano ba ang meron siya?

PAOLO: Hindi maganda ang pakiramdam ko dito Brian. Hindi kaya isa siyang espiya?

BRIAN: Palagay ko hindi, kasi kitang-kita ko kung paano siya natatakot sa mga humahabol sa kanya.

JAKE: Hah, pero bilib ako sa iyo Tol, sumama siya sa iyo sa kabila ng panget mong mukha!

BRIAN: Hindi ito ang oras para makipaglokohan sa iyo!

JAKE: Nagbibiro lang ako! Ikaw naman masyado kang pikon.

SCOTT: Seems she has something which made AXIS chase after her.

GEN. ANGELES: Kung ganon, kailangang malaman natin kung ano ang pakay ng AXIS sa kanya. Sa ngayon kailangang may magbantay sa kanya.

BRIAN: Ako na po muna ang bahala sa kanya.

GEN. ANGELES: Okay kung ganon, maiwan muna namin kayo. Ikaw muna ang mag-alaga sa kanya. Rangers, tayo na. Tavarez, if ever may Enermy Alert, dito ka na muna at bantayan siya.

BRIAN: Yes Sir.

Pagkaalis ng iba, sakto namang pumasok ang doctor.

BRIAN: Good morning po, Doc.

DOCTOR: Nagising na ba ang pasyente?

BRIAN: Hindi pa po.

DOCTOR: So far maayos na siya. Hindi naman ganoon kalalim ang kanyang mga sugat…..pero may natuklasan akong kakaiba sa katawan niya….

BRIAN: Ano naman po?

DOCTOR: Nakakapagtaka, base sa X-Ray, mayroon siyang nakatagong Microchip sa kanyang utak. At hindi lang iyon, may Radioactive components din siya sa loob ng katawan.

BRIAN: Ano po? Ibig niyong sabihin hindi siya totally na tao?

DOCTOR: Ganoon na nga iho. Tingin ko, hindi siya nararapat dito, Kailangang mailipat siya sa isang High Radioactive Facility. Pero habang wala pa kayong nahahanap na ganoong facility, dito muna siya.

BRIAN: Ganoon po ba?
____________________________________________

GAMMA Database…..

JAKE: Alam niyo, nagtataka talaga ako sa babaeng dala ni Tavarez. Parang may kakaiba sa kanya eh.

PAOLO: Parang nakikita ko ang sarili ko sa babaeng iyon. Nung time na sinubukan kong tumakas mula sa AXIS, yun nga lang alam niyo na ang nangyari.

GEN. ANGELES: Kahit anong mangyari, we must protect the woman at all cost. Baka mayroong plano ang AXIS sa babaeng iyan.

Ngunit…..

“RED ALERT! RED ALERT! ENEMY SPOTTED! ENEMY SPOTTED!”

GEN. ANGELES: Alice, ano ang bagong emergency?

ALICE: Sir, isang batalyong Omnicrons nanaman ang umaatake sa may Palanan, Isabela Area 45, Sector 92. Naroroon din po si Balaam…

GEN. ANGELES: Gammarangers, mobilize!

RANGERS: Roger Sir! (sabay saludo)

GEN. ANGELES: Fonseca, maiwan ka!

JAKE: Hah? Bakit naman? Nandun na si Tavarez!

GEN. ANGELES: Hindi kakayanin ni Tavarez na mag-isa. Bantayan mo ang vicinity ng Hospital na kinalalagyan ng babae. May pakiramdam ako na susugod ang AXIS dito upang madakip siya.

JAKE: Pambihira, sige na nga po!

Padabog na lumabas si Jake. Kaagad namang umalis ang apat na Rangers.

ALICE: Sir, nakatanggap po ako ng Medical Bulletin mula sa Gamma Med. Nakakagulat po ang resulta ng Medical Examination sa babae.

GEN. ANGELES: Ano daw ang sabi?

ALICE: Hindi po siya tao, isa siyang Humanoid. Mayroon din siyang nakatagong Microchip sa kanyang utak, na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy kung ano ang laman. Mayroon ding Radioactive Component ang kanyang katawan na kapag tumagal ay delikado sa ating lahat. They even suggested na dalhin siya sa isang High Radioactive Facility upang doon siya maiayos.

GEN. ANGELES: Hindi maaari, kailangang mailipat kaagad siya. Ang problema, wala tayong Radioactive Facility dito sa Base.

ALICE: Sir may alam po ako….

GEN. ANGELES: Okay, tawagin mo kaagad. Kailangang mailipat kaagad siya nina Fonseca at Tavarez.
_________________________________________________

Sa Private Hospital Room….

Nagising ang babae na iniligtas ni Brian. Nagulat ito nang makita ang lalaki pagdilat nya ng mata.

BRIAN: Good afternoon….

BABAE: Ikaw…..nasaan ako? Yung mga humahabol sa akin nasaan?

BRIAN: Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na. Nasa ospital ka ngayon, nagamot na ang mga sugat mo. Siyanga pala, ako nga pala si Brian.

BABAE: Brian…..salamat Brian ha….sa pagligtas mo sa akin….

BRIAN: Ano nga pala ang pangalan mo?

BABAE: Huh? Umm….Aquila….Aquila ang tawag nila sa akin….hindi ko alam kung bakit iyon ang pangalan ko….

BRIAN: May itatanong sana ako kung ayos lang sa iyo. Bakit ka hinahabol ng AXIS?
_________________________________________

Palanan, Isabela….14:03

Isang maliit na bayan ang ginulo ng mga Omnicrons, mabuti na lang at nagawang makaalis agad ng mga mamamayan sa tulong na din ng mga nakadestinong Military Troops doon.

BALAAM: Ha ha ha ha!!! Hangga’t hindi ipinapakita ng Gammarangers ang babae, di kami titigil sa panggugulo dito!

Ilang sandali pa ay dumating na ang apat na kadete.

BALAAM: Sa wakas ay dumating din kayo….nasaan ang babae? Alam kong dinala siya ni Gamma Blue sa inyong himpilan…

PAOLO: Di kami papayag na gamitin niyo siya sa inyong baluktot na mga plano!

ABBY: Pipigilan namin kayo sa mga plano niyo!

BALAAM: Ang dami niyong sinasabi! Omnicrons, laban!

Sumugod kaagad ang mga Omnicrons sa mga Gammarangers.

SCOTT: Guys, you know what to do!
MALIN: Bihis na!
ABBY: Ready guys?

ALL: GAMMAMODE, ACTIVATE!
PAOLO: Patriot, Gamma On!

Nagbagong anyo ang apat. Nakipaglaban kaagad ang mga ito sa mga kalabang Omnicrons.
___________________________________________

Samantala sa Gamma Med, pinayuhan ng doctor si Brian na ipasyal ang pasyente sa Medical Garden upang makatulong sa recovery nito. Pinasyal nga ni Brian si Aquila na sakay ng wheelchair….

BRIAN: Totoo ba na isa kang Humanoid?

AQUILA: Oo, pero eto nga at mayroon akong katawan at itsura na tulad ng sa tao. Hindi ko nga rin alam kung bakit eh.

BRIAN: E bakit ka nga pala hinahabol ng AXIS?

AQUILA: Dahil dito….

Mula sa bulsa, ipinakita ni Aquila ang Reactor na dala niya.

AQUILA: Isa itong Reactor na siyang nagpapanatiling malakas sa akin. Kapag nakuha nila sa akin ito, manghihina ako. Hindi ako makakapayag na makuha nila sa akin ito.

BRIAN: Ganoon ba? Alam mo, sa lahat ng Humanoids na nakaharap ko, ikaw ang pinakamabait.

AQUILA: Bakit naman?

BRIAN: Kita sa ugali mo….hindi ka Humanoid kung magsalita at kumilos…at alam mo kung ano ang tama at mali. Para sa akin…isa kang tao.

Humarap si Brian kay Aquila at umupo.

BRIAN: Wala akong pakialam kung anuman ang dahilan ng pagkakalikha sa iyo, ngunit nandito ako para protektahan ka. Hindi ako papayag na gamitin ka nila sa kanilang kasamaan. Promise yan.

AQUILA: Salamat Brian…..napakabuti mo…

Sa di kalayuan ay naroroon si Jake at kitang-kita ang namamagitan sa dalawa.

JAKE: Aysus, itong si Tavarez, nakuha pang pormahan ang babaeng iyon….Bakit ba kasi dito pa ako dinala ng matandang General na iyon! (sabay hithit ng sigarilyo)

Nang biglang….

“PAGING MAJOR JACOB FONSECA & CAPTAIN BRIAN TAVAREZ, PLEASE PROCEED TO THE DATABASE NOW!
I REPEAT, “PAGING MAJOR JACOB FONSECA & CAPTAIN BRIAN TAVAREZ, PLEASE PROCEED TO THE DATABASE NOW!”

JAKE: Ano nanamang kabalbalan iyon? Langya naman oh, ang labo!

BRIAN: Bakit kaya kami pinatawag? Aquila, mabuti pa sumama ka sa akin.

AQUILA: Ah…..sige.
________________________________________________

Naubos na ng mga Gammarangers ang pwersa ng mga Omnicrons gamit ang kanilang mga sandata.

GAMMA PATRIOT: So paano yan, Balaam, wala nanamang natira sa mga alipores mo!

BALAAM: Ha ha ha! Sa palagay niyo ba, basta na lang ako susuko sa laban?! Iron Tentacles!!!

Biglang naglabas ng Iron Tentacles si Balaam at pinaluputan ang limang Gammarangers.

GAMMA GREEN: Ginamit nanaman niya ang ganitong atake!
GAMMA YELLOW: Waaaa, nasasakal akoooo!
GAMMA PATRIOT: Ang tibay nito!
GAMMA VIO: He is strong!

BALAAM: Dagdagan pa natin ang paghihirap niyo! Finger Missiles!!!

BOOM! BOOM! BOOM!!!

Nagpakawala ng sunud-sunod na Finger Missiles si Balaam sa apat na nakapulupot na Gammarangers. Nasaktan ang mga ito sa natamong mga atake.

BALAAM: Patikim pa lang iyan!

Biglang itinaas ni Balaam ang kanyang mga Tentacles at pinagbabangga ang mga Rangers. Matapos iyon ay binitawan niya ang mga ito at bumagsak sa lapag ang apat.

BALAAM: Ha ha ha ha! Masyado niyo akong minamaliit!

GAMMA YELLOW: Grabe ngayon ko lang siya nakitang umatake ng ganyan!
GAMMA PATRIOT: Hindi tayo susuko mga kasama!

BALAAM: E di sige! Ha ha ha ha!

Nagpakawala pa si Balaam ng mas matitinding mga atake na lalong nagpahirap sa mga Rangers.
________________________________________________

UDF Gamma Base…..

ALICE: Delikado ang Rangers Sir, mukang desidido si Balaam na tapusin sila!

GEN. ANGELES: Hindi ko inaakala na lumakas siya ng ganyan…parang may gusto siyang patunayan!

Ilang sandali pa ay pumasok na sina Jake at Brian kasama si Aquila. Kaagad sumaludo ang mga ito.

BRIAN: Sir bakit po?

GEN. ANGELES: (tumingin kay Aquila) Miss, totoo bang isa kang Humanoid Radioactive Mechanism? Yan ba ang dahilan kung bakit ka hinahabol ng AXIS?

BRIAN: Sir huwag niyo naman po siyang tanungi ng ganyan, may pinsala pa po siya—

AQUILA: Opo, nahihiya nga po ako sa inyo dahil sa panganib na dala ko, pero kailangan ko pong lumayo sa AXIS dahil ayokong makuha nila ang Reactor na siyang nagbibigay-lakas sa akin. Naintindihan ko po kung nagdududa kayo sa akin dahil likha ako ng AXIS, pero hindi po ako kaaway maniwala kayo.

GEN. ANGELES: Naintindihan ko. Kaya nga ipinatawag ko kayo, Fonseca, Tavarez, dahil gusto kong dalhin niyo siya sa pinakamalapit na Radioactive Facility. Narito ang address….

Iniabot ni Gen. Angeles ang isang maliit na papel kay Brian.

GEN. ANGELES: Para rin ito sa iyong kaligtasan….

AQUILA: Salamat po…

BRIAN: Tara na Aquila….

JAKE: At talagang ginawa niyo pa akong Chaperon!

Lumabas na ng Database sina Jake, Brian at Aquila at sumakay na sa isang Armored Van upang dalhin si Aquila sa isang High Radioactive Facility.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may espiya palang nagtatago sa kung saan at nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Isa pala itong Spying Cranumite na kayang magtago sa kung saan. Ilang sandali pa ay nawala na ang espiya.
____________________________________________

AXIS Mega Base…..

GANELON: Totoo ba yang natuklasan mo? Dadalhin nila si Aquila D5 sa isang High Radioactive Facility?

SPYING CRANUMITE: Opo, at papunta na po sila sa Bataan upang dalhin doon si Aquila D5.

GANELON: Kung ganoon, kailangang makuha natin ang babaeng iyon. Ipadala ang aking mga Neo-Omnicrons upang maglunsad ng Ambush sa dadaanan nila!

At ipinadala nga ni Ganelon ang kanyang mga Neo-Omnicrons sa landas na pupuntahan nina Jake, Brian at Aquila.
____________________________________________

Habang nasa loob ng Armored Van na minamaneho ni Jake ay kita ang pag-aalala ni Brian kay Aquila. Binabagtas nila ang isang malubak na daan na may bangin sa kabilang dako ng dinadaanan nila.

BRIAN: Huwag kang matakot, magiging mas ligtas ka sa pupuntahan natin. Doon ay maaalagaan ka.

AQUILA: Bakit ganito ang nararamdaman ko Brian? Bakit parang may nakaambang panganib sa atin?

BRIAN: Huwag kang mag-isip ng ganyan…

JAKE: Haynaku, ang kekeso ng mga ito….

Nang biglang…..

BOOOOOM! BOOOOM! BOOOOM!

Biglang may nagpaputok sa Armored Van.

JAKE: Shit! Ambush!!!
BRIAN: Ano iyon?
AQUILA: Mukhang sila iyan!

Sunud-sunod ang ginawang pagpapaputok ng mga Neo-Omnicrons sa Armored Van. Sa sobrang lakas ng mga putok ay natulak ang Armored Van at nahulog sa bangin.

JAKE/BRIAN/AQUILA: AAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!

Tuluyan nang nawasak ang Armored Van. Nagkaroon ng konting pagsabog sa nasabing sasakyan. Nagkapira-piraso ito, dahilan upang madaganan ang paa ni Jake, habang bumukas naman ang pintuan ng Van na kinalalagyan nina Brian at Aquila, kaya napatalsik sila palabas ng sasakyan.

Unang nagising si Brian at nagulat siya nang pagmulat ng mata ay nakita niya ang mga Neo-Omnicrons na hawak na si Aquila.

BRIAN: Bitawan niyo siya!

Nilabanan ni Brian ang mga Neo-Omnicrons ngunit sadyang malalakas ang mga ito.

AQUILA: Brian, tulungan mo ako…..

BRIAN: Aquila!

Magbabagong-anyo na sana si Brian, ngunit nagulat siya nang….

BRIAN: Ang Morphing Badge ko! Nawawala!

Walang ibang choice si Brian kundi makipaglaban ng mano-mano sa mga kalaban. Ngunit dahil sa natamong mga pinsala dulot ng pagkakahulog ng Van sa bangin, ay hindi na niya nakayanan pa. Napabulagta na lang siya sa lupa, habang naitakas na ng mga Neo-Omnicrons si Aquila.

BRIAN: AQUILAAAAAA!!!!!

JAKE: Araaaaayyyy…..

Nabaling ang atensyon ni Brian kay Jake na sa mga oras na iyon ay nadaganan ng Armored Van.

BRIAN: Fonseca!

JAKE: Ang paa ko!

Binuhat ni Brian ang bagay na dumadagan sa paa ni Jake. At doon natuklasan na napilay nga ang paa ni Jake.

BRIAN: Fonseca, ang paa mo….

JAKE: Nasaan si Aquila?

BRIAN: (yumuko) Wala na…..nakuha nila siya….hindi ko man lang siya naprotektahan…ang masaklap pa, nawawala ang Morphing Badge ko….

JAKE: Huwag ka na ngang magdrama diyan…

Habang nakahiga ay may kinuha si Jake mula sa bulsa nito….ang kanyang Morphing Badge.

JAKE: Eto…gamitin mo ito….

BRIAN: Ano? Pero sa iyo ito….

JAKE: Sa lagay ko ngayon hindi ko muna magagamit yan. Ikaw lang ang pwedeng magligtas kay Aquila. Kunin mo na!

At kinuha nga ni Brian ang Red Badge ni Jake.

BRIAN: Pangako, ililigtas ko si Aquila!

Kaagad umalis si Brian upang hanapin ang mga dumukot kay Aquila, habang si Jake naman ay tumawag sa Gamma Base upang i-rescue siya.
__________________________________________

Sa nagaganap na labanan sa Isabela…..

Hirap na hirap ang apat na Rangers na talunin si Balaam. Nakahandusay ang mga ito habang papalapit si Balaam sa kanila.

BALAAM: Hindi niyo man lang ba ako pahihirapan kahit konti?

Maya-maya pa ay dumating na ang mga Neo-Omnicrons at karga si Aquila na noon ay nakatali ang bibig, kamay at paa.

BALAAM: Aba tignan mo nga naman…nahuli na pala si Aquila D5, tignan niyo ito Gammarangers….hindi ba kayo nagtataka na nabawi na namin si Aquila D5?

GAMMA GREEN: Hindi maaari….anong nangyari?
GAMMA YELLOW: Akala ko ba binabantayan siya ni Kuya Brian?
GAMMA VIO: Seems they infiltrated the Base…
GAMMA PATRIOT: Naloko na…..

BALAAM: Ngayong napasakamay na namin si Aquila D5, oras na para isagawa ang aming huling hakbang para tuluyan na siyang maging isang Massive Chemical Weapon!

GAMMA PATRIOT: Ano?

“HINDI MANGYAYARI YAN!”

Nagulat ang lahat sa pagdating ng isang mandirigma. Sakay ng kanyang Cyclone Panther ay biglang dumating si Brian sa eksena.

GAMMA GREEN: Mistah!
GAMMA YELLOW: Kuya Brian!
GAMMA VIO: Brian!
GAMMA PATRIOT: Sakto!

BALAAM: Aba, nandito na pala ang Knight in Shining Armor ni Aquila D5!

BRIAN: Tama na ang laro Balaam! Kahit anong mangyari, hindi ako papayag na may gawin kayo sa kanya!

Kinuha ni Brian ang Red Morphing Badge….

BRIAN: Para sa iyo ito Aquila……GAMMAMODE, ACTIVATE!!!!

Nagliwanag ang katawan ni Brian at ilang saglit pa ay naging siya si Gamma Red.



GAMMA PATRIOT: Ano?!
GAMMA GREEN: Mistah? Ikaw si Gamma Red?
GAMMA VIO: But where’s Jake?
GAMMA YELLOW: OMG!!!

GAMMA RED: Salamat kay Fonseca at pinahiram niya muna sa akin ito.

BALAAM: Aba, at nagawa mo pang manghiram ng Badge ng iba, puwes wala pa ring kwenta yan! Neo-Omnicrons attack!!!
____________________________________________

UDF Gamma Base….

ALICE: Sir masdan niyo ito! Si Tavarez naging si Gamma Red!

GEN. ANGELES: Paanong? Tavarez…..Alice nasaan si Fonseca?

“MUKHANG NAGAWA NIYA!”

Gulat sina Gen. Angeles at Alice nang pumasok si Jake sa Database na nakasaklay. Nakabalik siya sa Base dahil sa naiuwi siya ng GAMMA Rescue Team.

GEN. ANGELES: Fonseca, bakit mo pinahiram kay Tavarez ang Badge mo?

JAKE: Nung mahulog kasi kami sa bangin, nawala ang Badge niya. Tutal hindi ko rin naman magagamit iyon, pinahiram ko muna. At saka, gusto kong siya ang tumapos ng laban.

Tila napahanga si Gen. Angeles sa ipinakita nina Jake at Brian.

GEN. ANGELES: (sa sarili) Mukhang nagsisimula ng magtiwala ng tuluyan ni Fonseca sa kanyang kakampi….
_______________________________________________

Balik sa labanan…..

Magaling na nakipaglaban si Gamma Red sa mga Neo-Omnicrons. Tumulong na rin ang ibang Gammarangers upang matalo ang mga kalaban gamit ang kanilang mga sandata.

GAMMA RED: Mga kasama, tapusin na natin ito! Form Gamma Bayonets!

GAMMA PATRIOT: Pyrrovolver Rifle Mode!

ALL: FIRE!!!

Isang buhos lang ng kanilang Gamma Bayonets at Pyrrovolver ay burado agad ang mga Neo-Omnicrons.

GAMMA VIO: Great job team!
GAMMA YELLOW: Yehey!
GAMMA GREEN: Nice on Mistah!
GAMMA PATRIOT: Magaling!
GAMMA RED: Hindi pa tapos!

BALAAM: Ha ha ha ha! Huwag muna kayong magsaya! Masdan niyo muna ang gagawin ko sa kanya!

GAMMA RED: Huwag mong ituloy iyan Balaam!

Tumakbo si Gamma Red papunta kay Balaam upang sagipin ang walang malay na si Aquila, ngunit nababalot siya ng Magnetic Force Field kaya hindi makapenetrate si Gamma Red.

GAMMA RED: Madaya ka!

BALAAM: Hindi ako tanga para pakialaman mo ako sa aking gagawin! Hawak ko ngayon si Aquila 35, ngayon ay irereprogram ko na ang Secret Formula sa kanyang Brain Microchip….at pagmasdan niyo ang mangyayari sa kanya!

Gamit ang isang Hologram Computer ay naiprogram ni Balaam ang Brain Microchip ni Aquila, ilang sandali pa ay biglang kumapit ang Reactor sa kanyang katawan….hanggang sa tuluyan ng nagbagong anyo si Aquila…..

BALAAM: Ngayon ipinakikilala ko sa inyo si Genozoid!!!

Isang bagong Terrozoid ang nabuo ni Balaam.

GAMMA RED: Hindi! Aquilaaa!!!

BALAAM: Genozoid, ipakita mo sa kanila kung ano ang kaya mong gawin!

Humakbang si Genozoid at biglang nagpakawala ng Biological Negawaves sa mga Gammarangers. Nahilo ang lima matapos malanghap ang nakalalasong enerhiya mula sa halimaw.

GAMMA PATRIOT: Nahihilo ako!
GAMMA YELLOW: Hindi ko na kaya!
GAMMA GREEN: Naghihina ako!
GAMMA VIO: I can’t take it anymore!
GAMMA RED: Aquila huwag! Tama na!

BALAAM: Sige Genozoid….tapusin mo na sila! Oras na para pasabugin mo ang iyong sarili at nang mawasak na ang lahat ng nilalang!

Habang nanghihina ang ibang Rangers ay pilit lumalapit ni Gamma Red kay Genozoid.

GAMMA RED: Aquila huwag!

Ngunit hindi nakinig ang halimaw, pinaghahampas nito si Gamma Red. Hindi kayang makipaglaban ni Gamma Red sa halimaw. Muli ay sumugod si Genozoid at pinaghahampas si Gamma Red.

GAMMA RED: Tama na Aquila....si Brian ito.....nangako ako na ililigtas kita!

GENOZOID: Raaaaaaahhh!!!

Naglabas ng nakalalasong Chemical Blast mula sa bibig si Genozoid, na lalong nagpahina kay Gamma Red.

GAMMA RED: Aquila, itigil mo na ito….hindi mo magagawa ito, isa kang napakabait na Humanoid, alam mo kung ano ang tama at mali….alam kong ayaw mo rin ng ginagawa mo dahil mali ito…..Makinig ka…..nangako ako na ililigtas kita mula sa kanila, at iyon ang gagawin ko!

Tila natulala si Genozoid sa mga binitawang salita ni Gamma Red….nanghina rin ang nairelease niyang Biological Negawaves….Nagsimulang nanaig ang pagiging Aquila niya.

GENOZOID: Brian…..

GAMMA RED: Aquila tama na….

GENOZOID: Brian….tulungan mo ako….ang tanging paraan upang hindi ako sumabog ay patayin mo ako----aaaaahhhh!!!!

Nagtatalo ang isip ni Genozoid dahil biglang nagising ulit ang kanyang pagiging Halimaw. Patuloy pa rin sa pagrelease ng nakalalasong kemikal ang halimaw.

GAMMA RED: Aquila hindi ko kayang patayin ka! Nangako ako na sasagipin kita!

GENOZOID: Pero wala ng ibang paraan….kung hindi mo gagawin iyan…..maraming madadamay at maraming mamamatay….kaya tapusin mo na ako para hindi ako tuluyang makapanlason!

BALAAM: Genozoid, ano pa hinihintay mo, I-detonate mo na ang iyong sarili!

GAMMA RED: Aquila, hindi ko kaya….

GENOZOID: Gawin mo na bago ko pasabugin ang sarili ko!

Labag man sa kalooban ni Gamma Red, ay binunot niya ang kanyang Gamma Dagger.

GAMMA RED: Aquila patawarin mo ako! Ayokong gawin ito, pero para sa ikaliligtas ng lahat….Yaaaaaahhh!!!!

Kahit nalalason na ang katawan ni Gamma Red ay tumakbo ito ng mabilis palapit kay Genozoid…at….

TSSSAAAAKKKK!!!

Sinaksak ni Gamma Red ang kanyang Gamma Dagger sa Chest Reactor ni Genozoid. Pagkasaksak, tila nakuryente si Genozoid….

GENOZOID: AAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!

Natumba ang Terrozoid at biglang sumabog ang kanyang Chest Reactor. Ilang sandali pa ay hindi na gumalaw ito.

Sa loob ng helmet ni Gamma Red, ay patuloy na lumuha ang mga mata ni Brian. Tila hindi makapaniwala na nagawa niya ito sa babaeng napalapit na sa kanya.

BALAAM: Hindi!!! Hindi maaari! Nagawa niyong mapigilan ang pagsabog ni Genozoid!

Bumangon na rin ang ibang Gammarangers dahil nawala na ang Biological Wave na nalanghap nila kanina.

GAMMA PATRIOT: Nagawa ni Brian!
GAMMA GREEN: Mistah!
GAMMA YELLOW: Wala na ang Monster!
GAMMA VIO: Is it over?

BALAAM: Ginagalit niyo ako! Raaaaaaahhhh!!!!!

Unti-unting nagbabago ng anyo si Balaam….bigla siyang tinubuan ng mga matatalim na sungay sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan….at bumulaga sa kanila ang isang nakakapangilabot na halimaw…..si Grand Balaam.

GRAND BALAAM: Ngayon ko lang ginawa ito sa buong buhay ko bilang isang AXIS General! Ginising niyo ang aking pinakatatagong kapangyarihan.

Ngunit tila tahimik lang si Gamma Red.

GRAND BALAAM: At ikaw ang uunahin ko!!!!

Biglang sumugod si Grand Balaam kay Gamma Red, ngunit tila may bumabalot na kakaibang enerhiya sa katawan nito.

GAMMA RED: Hindi ko mapatawad ang aking sarili…..BAKIT KO NAGAWA ITOOOO!!!!

Biglang naglabas ng pagkalakas-lakas na Energy Wave si Gamma Red na siyang nagpaurong kay Grand Balaam. Naglabas ng maraming Iron Tentacles si Grand Balaam ngunit tila walang epekto ito kay Gamma Red. Muli itong naglabas ng kung ano-anong malalakas na Energy Balls sa Ranger ngunit hindi pa rin tinatablan ito.

Gulat na gulat ang ibang Rangers…

GAMMA GREEN: Hindi ako makapaniwala…
GAMMA VIO: Brian….
GAMMA YELLOW: Anong nangyayari sa kanya?
GAMMA PATRIOT: Ngayon ko lang nakita ito….

GAMMA RED: RAAAAAAHHHHH!!!!!

Walang sabi-sabing sinugod ni Gamma Red si Grand Balaam at saka binuo ang Gamma Bayonet. Lahat ng Iron Tentacles na isalubong ni Grand Balaam ay pinagpuputol ni Gamma Red ay iniwasan niya ang lahat ng atake ng kalaban. Matapos iyon, ay iwinasiwas ni Gamma Red ang Gamma Bayonet sa tiyan ni Grand Balaam at saka nabutas ang tiyan nito….

GRAND BALAAM: AAAAAAAAAAARRRRRRRHHHHHH!!!!! MAGBABAYAD KAAAAA!!!!!

BOOOOOOOOMMMMM!!!!!!

Sumabog si Grand Balaam matapos masaksak ni Gamma Red…matapos iyon ay biglang nanghina si Gamma Red, bumagsak siya at bumalik sa pagiging Brian. Kaagad siyang nilapitan ng kanyang mga kasamahan na nag-Power Down na sa mga oras na iyon.

ABBY: Mistah!
PAOLO: Pare!
MALIN: Kuya Brian!
SCOTT: Brian, are you okay?

BRIAN: Uuuhhh…..mga kasama…..nabigo ako…..hindi ko nailigtas…..si Aquilaaaa….

Ngunit napalingon si Malin sa kinaroroonan ni Genozoid at nagulat siya nang makitang bumalik na ito sa pagiging Aquila at tila humihinga pa.

MALIN: Guys, masdan niyo, si Aquila tila buhay pa!

Napalakiwas ang lahat matapos marinig iyon at kaagad nilapitan ang babae. Maging si Brian ay agad bumangon.

PAOLO: Aquila, gumising ka….

AQUILA: ……..anong nangyari?.....
BRIAN: Aquila! Buhay ka!

Kaagad napayakap si Brian kay Aquila. Napaiyak ang binata sa tuwa, gayun din si Aquila.

AQUILA: Brian….salamat sa iyo…..matapos mong masira ang Reactor akala ko mamamatay na ako….ngunit nagkamali ako…..may iba pa palang bagay ang nagpabuhay sa akin….

BRIAN: Paano nangyari iyon?
AQUILA: Ang puso ko….biglang pumintig…hindi ko maintindihan….

Tila naantig naman ang lahat sa sinabi ni Aquila….

BRIAN: Salamat sa Diyos at nakaligtas ka…..

PAOLO: Alam niyo, ang mabuti pa, bumalik na tayo sa Base….
_____________________________________________

UDF GAMMA Base….

Napagkaisahan ng GAMMA na dalhin na si Aquila sa UN upang doon na siya gawing isang Humanitarian Humanoid. Bago pa makaalis si Aquila ay kinausap muna nito si Brian.

AQUILA: Maraming-maraming salamat sa iyo. Tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat ng ginawa mo sa akin. Pasensiya na rin sa gulong dinulot ko.

BRIAN: Wala iyon, basta ang alam ko, magkikita pa tayo. Sana maging maayos ka sa bago mong lilipatan. Alam kong malaki ang maitutulong nila upang lalo kang mas maalagaan.

Tinawag na ng mga Military Personnel si Aquila.

AQUILA: Paano, mauna na ako. Paalam Brian, salamat ulit.

Ngunit bago makalayo, ay isang halik sa pisngi ang ibinigay ni Brian kay Aquila, biglang nanginig na hindi malaman ang babaeng Humanoid.

Nang umalis na ang eroplanong sakay si Aquila, di naman mapigilang kiligin ng ibang mga kasamahan niya.

MALIN: Yiiihhh….kakakilig to the Bone Marrow naman….
PAOLO: Ikaw na parekoy! Ha ha ha ha!
SCOTT: That’s the move!
ABBY: He he. Si Mistah talaga.
JAKE: Hoy Tavarez, nasaan na ang Badge ko?

BRIAN: Ay oo nga pala….

Dumukot sa bulsa si Brian upang isauli ang Red Badge.

JAKE: Pambihira ka naman, ambaboy mo naman gumamit ng Badge! Tignan mo oh, bakit ang dumi nito?!

BRIAN: Loko ka! Eh ambaho nga ng loob ng Armor mo eh! Halatang mas baboy ang may-ari! Amoy bulanglang!

JAKE: Anong sabi mo?! Kawawa ka naman, pano yan wala ka ng Morphing Badge!

BRIAN: Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Hahanapin ko ang Badge ko!

JAKE: Parang ito ba? E kung sunugin ko kaya ito? He he he…

Kinuha ni Jake mula sa bulsa ang nawawalang Blue Badge ni Brian.

BRIAN: Walang hiya ka, nahanap mo pala ang Badge ko. Ibalik mo nga yan!

Hinagis ni Jake ang Blue Badge at nasalo ni Brian. Hirap dumukot sa bulsa ang binata dahil nakasaklay.

JAKE: Nga pala, ano ang pakiramdam ng maging isang Red Ranger? Hindi ba’t matagal mo ng inaasam na maging Red Ranger matapos mawala ni Macaraya?

BRIAN: Oo, masarap maging Red Ranger. At least natupad ang matagal ko ng pinangarap…pero alam mo, sa totoo lang, mas kontento na ako na maging Blue Ranger, na maging subordinate mo. Ngayon naiintindihan ko na ang hirap at responsibilidad na dinaranas mo. Naramdaman ko na wala sa kulay ang pagiging bayani, kundi nasa puso…..Salamat sa iyo, Jake!

JAKE: Hah, ang corny mo naman, ha ha ha! Ang mabuti pa pumasok na lang tayo sa loob para magmerienda! Gutom na ako!

BRIAN: Mabuti pa nga, gutom na rin ako eh.

Pumasok sa loob ang dalawang sundalo. Naiwan ang apat na kasama nila na tulala nang tawagin ni Brian si Jake sa pangalan.

MALIN: Narinig niyo iyon?
PAOLO: Oo nga eh.
ABBY: Tinawag niya sa First name si Fonseca.
SCOTT: Well, that’s a good sign. Let’s eat too!

At pumasok na nga sa loob ng Gamma Base ang mga sundalo para kumain.
________________________________________________

AXIS Mega Base…..

GANELON: Binigo mo nanaman ako Balaam…..punung-puno na ako sa iyo!!!

ZAAAAAAAAPPPP!!!!

Nagpakawala ng malakas na Electric Shock mula sa Death Scepter si Ganelon kay Balaam. Kitang-kita sa itsura ni Balaam na wasak na wasak siya. Halos maputol ang kanyang kanang kamay sa sobrang pinsalang natamo niya. Hindi na rin niya magawang makapaglabas pa ng mga sandata sa sobrang kahinaan.

BALAAM: Panginoon maawa po kayo, bigyan niyo pa po ako ng pagkakataon.

GANELON: Tumahimik ka! Matagal na kitang itinatakwil sa aking Imperyo dahil sa mga kapalpakan mo! Sawang-sawa na ako sa iyo! Wala kang silbi!

Tahimik lang na nanonood ang ibang Heneral na sina Megiddus, Dymaro, Calyx at Necroma. Si Osmalik naman ay nakangiting tinitingnan ang kalunus-lunos na itsura ng kasamahan.

BALAAM: Kayong mga kapwa ko Heneral, ipagtanggol niyo naman ako!

Ngunit tila hindi nakinig ang mga ito.

BALAAM: Matagal na ang ating pinagsamahan….tulungan niyo naman ako!

GANELON: Tumahimik ka! Ginagalit mo talaga ako! Osmalik, ikaw na ang bahala sa kanya!

OSMALIK: Masusunog Kamahalan.

BALAAM: Ikaw……

Akmang tatapusin na ni Osmalik si Balaam gamit ang Light Saber nito ngunit nagawang hawakan ni Balaam ang espada nito.

BALAAM: Hindi ako papayag na isang tulad mo lang ang tatapos sa akin!

OSMALIK: Mamamatay ka na lang, mayabang ka pa rin!

Isang iglap pa ay biglang nawala si Osmalik.

Hanggang sa….

SLAAAASSHH!!!
SLASH!!!!
SLAAAASSSHH!!!

Sunud-sunod na mabibilis na taga ang ibinigay ni Osmalik kay Balaam. Sa sobrang bilis ay hindi na nagawa pang ilagan ni Balaam ito. Mas nagulat si Balaam nang pati ang kanyang mga kapwa Heneral ay nagbuhos din ng kanilang pinaghalong kapangyarihan upang saktan siya lalo.

BALAAM: HINDDDIIIIIIIIII!!!

TSSSSAAAAKKKK!!!!!

Isang malakas na saksak ang isinalubong ni Osmalik kay Balaam at saka hiniwa sa dalawa ang kanyang katawan……

BOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMM!!!!!!!

Tuluyan ng sumabog ang katawan ni Balaam…Saksi ang lahat ng nasa AXIS ang pangyayari….Ngunit wala man lang bakas ng pagkalungkot ang makikita sa pagmumukha ng mga Heneral.
.
.
.
.
Wala na si Balaam….


Itutuloy…..

No comments:

Post a Comment