Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
Ang nakaraan
sa UDF Gammaranger…
Naglunsad ng
isang Triple Assault ang AXIS sa tatlong lugar sa Pilipinas, kaya kaagad
kumilos ang UDF GAMMA na hatiin sa tatlo ang kanilang pwersa upang malabanan
ang mga kalaban. Lingid sa kanilang kaalaman, may isang misteryosong robot na
nagpakita sa may Manila Bay at nagsagawa ng isang pananalasa. Dahil dito ay
kaagad kumilos sina Gamma Red, Gamma Blue at Gamma Yellow na harapin ang bagong
banta. Napag-alaman na ang nilalang na nasa loob ng robot ay ang nilalang din
na naghahabol sa SIGMA at ang umatake kay Gamma Patriot. Nagpakilala ang
nilalang na siya ay si Osmalik.
Mission 28: Ang Pakikipag-Alyansa
JAKE: Osmalik?
OSMALIK: Ngayong alam niyo na ang aking pangalan, oras na para matodas
kayo ng tuluyan! Yaaaaaa!!!!
Sumugod si
Osmalik sa tatlong sundalo. Dahil kakaunti na lang ang lakas na natitira sa
tatlo, wala ng ibang naiisip ang mga ito kundi umiwas sa kanyang pagsugod.
Lumundag sila upang umilag.
OSMALIK: Ha ha ha! Kahit anong gawin ninyong pag-iwas, hindi niyo ako
matatakasan!
Ilang
sandali ay biglang naglaho ulit ang kalaban.
MALIN: Nawala nanaman siya…
BRIAN: Humanda kayo, aatake nanaman iyon ng patago!
JAKE: Huwag mo nga akong pangungunahan, Tavarez!
BRIAN: Sinasabi ko lang na humanda tayo!
Nang
biglang….
BOOOOGGG!!!
KA-BLAAAG!!!
BAAAAAG!!!
JAKE/BRIAN/MALIN: AAAAAAHHHH!!!!
Sunud-sunod
na Shadow Attacks ang ibinigay ni Osmalik sa tatlo. Sa sobrang bilis ay hindi
na siya makita ng tatlong sundalo. Napaupo na lang sila sa tindi ng pinsala.
Bakas sa katawan nila ang pasa, dugo at sugat dulot ng mga atake.
Maya-maya
pa…..
BOOOOGGG!!!
KA-BLAAAG!!!
BAAAAAG!!!
Inulit
nanaman nito ang biglaang atake. Wala ng magawa ang tatlo kundi tanggapin ang
mga ito. Napahiga na lang sila sa kalsada. Muli ay nagpakita si Osmalik. Bagsak
ang tatlo, sina Brian at Malin ay parang wala ng malay.
OSMALIK: Wala pala kayong kakwenta-kwenta. Hanggang porma lang pala kayo!
Mas inutil pa kayo sa pagong.
Kaagad
lumapit ito sa tatlo, lalo na kay Jake. Pumuwesto siya sa bandang ulo ni Jake
at inapakan ang dibdib nito. Inikot pa nito ang sakong sa dibdib, na waring
binabarena ang dibdib nito.
JAKE: Aaaaaahh!!!
OSMALIK: Lalo na ikaw, bata. Asar na asar ako sa karakas mo. Dapat kong
unahing tapusin ang mga tarantadong tulad mo.
JAKE: (hingal, sabay ngumisi) Hah, e di gawin mo! Dami mo pang
kuskus-balungos! O baka naman nababakla ka! BAKLA!!!
BAAAAAAAGGGG!!!!!
Tinadyakan ni Osmalik ang dibdib ni Jake.
JAKE: Aaaaaahhhh!!!!
OSMALIK: Bakla pala hah….tanggapin mo ito!
BOOOOOOMM!!!
BOOOOOOMM!!!
BOOOOOOMM!!!
Sunud-sunod
na pasabog ang biglang umantala sa pagpaslang ni Osmalik kay Jake. Ito din ang
gumising kina Brian at Malin. Dumating na pala ang Combat Chopper, Turbo
Trailer at Desert Panzer at pinaputukan ang Black Odiah.
OSMALIK:
Aba, may dumating pa!
JAKE: Haaaay, salamat dumating din…
BRIAN: Rangers….
MALIN: Thank goodness….
GAMMA PATRIOT: So ito pala ang robot na biglang sumulpot dito!
GAMMA GREEN: Mukhang yan na nga!
GAMMA VIO: Another AXIS thingy. Let’s destroy it!
Muli ay
nagpakawala ng sunud-sunod na atake ang tatlong Gammachines sa Black Odiah.
Hindi pa rin kumikilos ang itim na robot.
OSMALIK: Hah, talagang hinahamon niyo ako! Black Odiah, pabagsakin mo nga
ang mga yan!
Walang
anu-ano ay biglang kumilos ang robot at hinarap ang tatlong Gammachines.
JAKE: Hah? Paano mo nagawang pagalawin ang robot nang hindi mo
kinokontrol?
OSMALIK: Bobo ka pala e. May Automatic Response Technology si Black Odiah
kapag wala ako sa Cockpit. Kaya kahit wala ako ay kaya ko siyang pakilusin!
Nagsimulang
umatake ang Black Odiah at nagpakawala ng Eye Beams sa mga Gammachines.
Madaling nailagan ng mga ito ang atake.
GAMMA VIO: That was close! It almost hit us!
GAMMA GREEN: Mga kasama, nasa ibaba sina Fonseca, mukhang nandoon din ang
kalaban.
GAMMA PATRIOT: Mukhang hirap na hirap sila sa kalaban! Abs, Scott, tulungan niyo
sila, ako na muna ang bahala sa robot na ito!
GAMMA GREEN/GAMMA VIO: Roger!
Akmang
lalapag ang Chopper at Trailer nang….
BOOOOOMMM!!!
Tumira muli
ng Eye Beams ang Black Odiah sa mga ito, na ikinapinsala ng dalawang
Gammachines.
OSMALIK: Ha ha ha ha!!! Hindi ninyo matatakasan ang kapangyarihan ni Black
Odiah!
Nang
bumagsak ang Combat Chopper at Turbo Trailer, kaagad bumaba sina Gamma Green at
Gamma Vio.
GAMMA GREEN: Grabe, ang laki ng pinsala ng Chopper. Malakas pala ang Eye Beams
na iyon.
GAMMA VIO: (napatingin sa eksena ng mga kasamahan) Abs, there’s the guys!
Let’s help them!
Nilapitan ng
dalawa sina Jake, Brian at Malin, na nakahilata pa rin at hindi na kayang
lumaban.
GAMMA GREEN: Mukhang napuruhan kayo ah.
GAMMA VIO: Seems the enemy is strong huh.
JAKE: Ingat kayo diyan….delikado.
MALIN: Masyadong siyang malakas.
BRIAN: Hindi namin nakayanan ang bilis niya.
Sumabad si
Osmalik.
OSMALIK: Ha ha ha ha! Mukhang madadagdagan nanaman ang mga biktima ko!
GAMMA GREEN: Kung sino ka man, walang kapatawaran ang ginawa mo sa mga
kasamahan namin!
OSMALIK: Oh talaga? Puwes tikman niyo ang pinatikim ko sa kanila!
Biglang
naglaho muli ang kalaban.
GAMMA VIO: What?! Where did he go?
GAMMA GREEN: Biglang nawala?
BRIAN: Alisto kayo! Nandyan na siya!
GAMMA VIO: Huh?
BAAAAAAAAMMMM!!!!!
GAMMA VIO: AAAAAAAWWWW!!!!!
Isang
malakas na tadyak sa tiyan ang isinalubong ni Osmalik kay Gamma Vio, kidlat sa
bilis ang atakeng iyon, kaya hindi nakita ng Ranger. Matapos iyon ay
sunud-sunod na sapak at sipa ang ibinigay nya dito, hanggang sa isang malakas na
Blade Slash ang ginawang pamfinale. Nagawa niya ito sa loob lang ng 5 segundo.
Bulagta si Gamma Vio at naging si Scott muli.
GAMMA GREEN: Scott!
Sumugod si
Gamma Green ngunit hindi naman niya makita ang kalaban.
GAMMA GREEN: Nasaan na siya?
MALIN: Ate sa likod mo!
GAMMA GREEN: Ano?
KA-BAAAAAAMMM!!!
GAMMA GREEN: Uggghhh!!!!
Binayo ni
Osmalik sa likod si Gamma Green. Ilang sandali pa ay mabilis niyang binuhat ang
Ranger at ibinalibag sa sementadong kalsada. Ilang sandali pa ay pinagtatadyak
niya ito.
OSMALIK: Ano ba iyan, hindi niyo man lang ba ako pahihirapan?!
Baaaaahhh!!!!
Sinipa bigla
ni Osmalik ang ulo ni Gamma Green. Sa sobrang lakas ng sipa, nawalan na ng
lakas ito at bumalik sa pagiging Abby.
Kaagad
nilapitan ng apat na nanghihinang Rangers si Abby.
_________________________________________
Abala naman
si Gamma Patriot sa pakikipagsagupa kay Black Odiah.
GAMMA PATRIOT: Oras na para makipagsabayan sa iyo! Initialize Patriot Titan
Mode!
Biglang
nagpalit ng anyo ang Desert Panzer at naging Patriot Titan.
GAMMA PATRIOT: Laban na, Balugang Robot!
Matindi ang
palitan ng atake ang Black Odiah at Patriot Titan. Halos pantay ang antas ng
kakayahan ng dalawang Mecha.
GAMMA PATRIOT: Pyrro Cannons!
Nagpakawala
ng Pyrronium Blasts ang Patriot Titan sa Black Odiah. Ngunit madali itong
nailagan ng kalabang robot at saka rumesbak ng Knee Waves. Nakaiwas naman ang
Patriot Titan at nilapitan ang Black Odiah upang paulanan ng suntok.
GAMMA PATRIOT: Mukhang mapapalaban si Patriot Titan neto.
Nang nawalang
parang bula ang Black Odiah.
GAMMA PATRIOT: Hah? Nawala? Hoy wag kang makipagtaguan sa akin!
Ngunit
biglang….
SLAAAASSHHH!!!
Malalakas at
mabibilis na Palm Chops ang bumulaga sa Patriot Titan.
GAMMA PATRIOT: Aaaaaahh!!! Saan galing iyon?!
Nalito ang
Patriot Titan sa mga atake. Ilang sandali pa….
BOOM!
BOOM!
BOOM!
Sunud-sunod
na Odiah Beams mula sa braso ang pinakawalan ng kalabang robot, dahilan upang
matumba ang Patriot Titan.
GAMMA PATRIOT: Malas! Bakit hindi ko makita ang mga atake niya?
______________________________________
Kita ng
limang Rangers na hirap na hirap ang Patriot Titan sa Black Odiah.
MALIN: Kuya Pao, kaya mo yan….
ABBY: Kailangan niya ng tulong natin…
OSMALIK: Ha ha ha ha! Hindi niyo na siya matutulungan pa.
______________________________________
AXIS Mega
Base….
Kitang-kita
ng mga mga miyembro ng AXIS kung papaano nilampaso ni Osmalik ang mga
Gammarangers.
NECROMA: Sadyang malakas pala ang nilalang na iyan!
CALYX: Wala akong masabi sa bilis niya!
CORVUS: Yihee, ang galing-galing ni Idol!
GANELON: Di hamak na mas malakas siya kesa sa inyo!
Ilang
sandali pa ay dumating na sina Megiddus, Balaam at Dymaro. Galing lang sila sa
labanan sa tatlong lokasyon. Kita sa kanilang hitsura ang pagkatalo.
GANELON: Mga bobo! Bumalik ba kayo dito para ibalita sa akin ang inyong
pagkabigo?!
BALAAM: May kung anong demonyo ang biglang sumanib sa kanilang armas at
napulbos ang ating pwersa, Kamahalan….
DYMARO: Pero nakasisiguro po kami na makakaganti din kami sa kanila!
MEGIDDUS: Halos paubos na rin po ang kanilang pwersa subalit bigla silang
lumakas na hindi ko mawari!
GANELON: Tama na iyang mga palusot ninyo! Bakit hindi kayo tumulad sa
isang ito!
Pinapanood
ni Ganelon sa tatlong heneral ang paglampaso ni Osmalik sa limang Gammarangers.
GANELON: Masdan niyo kung paano ginawang basahan ng nilalang na iyan ang
mga Gammarangers.
MEGIDDUS: Yan rin ba ang nilalang na nakatalukbong?
NECROMA: Siya nga.
BALAAM: Mukha ngang malakas, ngunit di hamak na mas malakas kami---
ZAAAAAPPPP!!!!
(tinira ng Scepter Electric Shock si Balaam)
GANELON: Tumahimik ka, hangal! Di siya katulad mo na bobong tanga!
CORVUS: Yahihihihi! Bobong tanga daw oh! Belat belat!
ZAAAAAPPPP!!!!
(tinira ng Scepter Electric Shock si Balaam)
GANELON: Isa ka pa! Ewan ko ba kung bakit ako nagtitiyaga sa mga inutil na
katulad ninyo! Ang mabuti pa ay makipag-ugnayan kayo sa kanya! Mapapakinabangan
natin siya. Malaki ang maitutulong niya sa ating mga plano!
MEGIDDUS: Ibig niyo pong sabihin, nais niyong tulungan namin siyang iligpit
ang mga Gammarangers?
GANELON: Eksakto. Kailangang makuha natin ang tiwala niya upang
maisakatuparan ang ating mga balak. Sa nakikita ko, siya ang magiging susi ng
ating tagumpay! Humayo na kayo ngayon din at dalhin siya dito!
ALL: Masusunod po!
_________________________________________
Balik sa
nagaganap na labanan….
OSMALIK: Kita niyo naman kung paano paglaruan lang ni Black Odiah ang
inyong gusgusing robot….kaya kung ako sa inyo, sumuko na lang kayo at ibigay sa
akin ang SIGMA, kung ayaw niyong mamatay…..
BRIAN: Wala kang makukuha sa amin, dahil gagawin namin ang lahat, wag mo
lang makuha ang SIGMA!
“HA HA HA HA
HA!!!”
Naantala ang
pag-uusap ng dalawang panig nang dumating sa eksena ang limang AXIS Generals
mula sa itaas ng gusali.
JAKE: AXIS?!
ABBY: Huwag mong sabihing---
SCOTT: I knew it! You were allies after all!
Kaagad
lumutang pababa ang lima papunta sa kinatatayuan ni Osmalik.
MEGIDDUS: Hanga kami sa ipinamalas mong galing, kaibigan. Kung gusto mo ay
tutulungan ka naming tapusin sila. Tulad mo ay mga kaaway din namin sila.
OSMALIK: Huwag kayong makikialam sa labanan namin! Hindi ko kailangan ang
tulong ninyo!
BALAAM: Mga kakampi mo kami, kaibigan. Hayaan mong tulungan ka naming
tapusin ang mga haragang iyan! Ha ha ha ha!
Unti-unti pa
ay naglakad ang limang heneral papunta sa limang sundalo. Napapaatras naman ang
mga Rangers dahil wala ng natitirang lakas para labanan ang mga bagong dating.
Maging si Gamma Patriot ay hirap nang makipaglaban sa Black Odiah.
Pumuwesto
ang limang kalaban na magpapaputok ng kapangyarihan laban sa Rangers.
MEGIDDUS: Magdasal na kayo!
MALIN: Wala na bang ibang paraan?
JAKE: Bahala na si Chuck Norris!
MEGIDDUS: Tikman niyo ito! Raaaaaaa!!!!
BAAAAAANNG!!!
Sabay-sabay
na naglabas ng malalakas na Power Waves ang lima…..ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon, biglang nabalot ng liwanag ang lima at nawala. Maging ang Patriot
Titan at si Gamma Patriot ay nawala din.
DYMARO: Anong----saan nagpunta ang mga iyon?!
CALYX: Tila nagteleport nanaman sila.
_______________________________________
UDF Gamma
Base…..
ALICE: Sir, naiteleport ko na po ang anim gamit ang Emergency
Teleportation Portal.
GEN. ANGELES: Good, kailangan muna tayong magretreat.
Ilang
sandali pa….
KA-BLAG!
Mula sa
kawalan ay bumagsak ang anim na Rangers.
JAKE: Aray ko naman…..
MALIN: Eto nanaman tayo sa Teleport thingy….
BRIAN: Paanong nandito na tayo sa Base?
ALICE: Nagteleport kayo papunta dito gamit ang Emergency Teleportation
Portal.
GEN. ANGELES: Kailangan muna kayong umatras sa laban. Masyadong mabilis at
malakas ang Osmalik na iyon.
JAKE: Pambihira, saang lupalop ba galing ang damuhong iyon?
PAOLO: Kahit ang robot niya, sobrang lakas! Di umubra si Patriot Titan….
SCOTT: But why does it seems that he doesn’t know AXIS?
ALICE: Dahil hindi siya tauhan ng AXIS in the first place. Kung saan man
siya galing, hindi pa natin alam…pero malaking banta siya sa atin.
BRIAN: Ang masama nito, mukhang nakikipag-alyansa pa siya sa AXIS.
OWEN: Palagay ko hindi! Panoorin niyo ito…..
Ipinakita ni
Owen sa Monitor ang nagaganap na sagupaan sa pagitan nina Osmalik at ng limang
AXIS Generals…
ABBY: Ano?! Magkalaban sila?
MALIN: Ano ba iyan, hindi ko na magets ang mga nangyayari….
GEN. ANGELES: Hindi ko maintindihan kung ano ang nasa isip ng Osmalik na iyan.
Rangers, kailangan niyong makarecover agad. Anytime na may gagawing pagsalakay
ang isa sa kanila, kailangang maging handa kayo.
___________________________________________
Sa Combat
Zone sa may Manila Bay….
Binaling
muli ng lima ang kanilang atensiyon kay Osmalik.
OSMALIK: Mga pakialamero! Tinapos ko na sana sila kung hindi lang kayo
dumating! Sinira niyo ang aking balak!
NECROMA: Ha ha ha ha! Gusto ko ang asal mo….matutuwa si Master Ganelon
kapag nagkita kayo---nasaan siya?!
Nagulat ang
limang heneral nang mapansing biglang nawala si Osmalik.
BALAAM: Saan siya nagpunta?!
MEGIDDUS: Tumakas na ata siya….
Ngunit
biglang…
BOOOOGGG!!!
KA-BLAAAG!!!
BAAAAAG!!!
Mabibilis na
mga atake ang biglang sumalubong sa limang heneral. Pagkatapos noon ay
nagpakita muli siya sa lima.
DYMARO: Pangahas ka!
Sumugod si
Dymaro kay Osmalik, ngunit singbilis ng kidlat itong lumapit sa kalaban at sinuntok
ang sikmura ng heneral. Mabilis din niyang binayo ang likod nito.
DYMARO: Saan nanggagaling ang mga atakeng iyon?
Sumunod na
sumugod ng sabay sina Necroma at Calyx gamit ang kanilang patalim, ngunit
maging sila ay nagulat.
CALYX: Nasaan na?
NECROMA: Mukhang gagawin niya ang ginawa niya sa mga Gammarangers!
SLAAASSSHHH!!!!
SLAAASSSHHH!!!!
Magkakasunod
na Blade Attacks ang natikman ng dalawang AXIS Generals, parang ninja kung
umatake si Osmalik. Litung-lito sina Necroma at Calyx.
Sina
Megiddus at Balaam naman ay handa na ring umatake sa kalaban, ngunit maging
sila ay bigong matukoy kung nasaan si Osmalik.
BALAAM: Hudas ka, magpakita ka!!!
MEGIDDUS: Mahuhuli rin kita!
Biglang…..
BOOOOGGG!!!
KA-BLAAAG!!!
BAAAAAG!!!
Mabibilis na
atake ulit ang ibinigay ni Osmalik kina Megiddus at Balaam. Mga suntok, sipa,
at tadyak ang natanggap ng dalawa mula dito. Nasaktan ang dalawa.
Nagtipon ang
limang AXIS Generals na pawang nasa alanganing sitwasyon. Muli ay nagpakita sa
kanila si Osmalik.
OSMALIK: Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wag niyo akong
pakikialaman! Hindi ko kailangan ang mga teroristang katulad niyo!
MEGIDDUS: Ha ha ha! Huwag kang mayabang, anumang oras ay aanib ka rin sa
amin! Wala ka bang napapansing kakaiba sa iyong braso?
OSMALIK: Ano?!
Napatingin
si Osmalik sa kanyang braso, at laking gulat niya nang mayroon siyang isang
Electric Shock Bracelet sa kanyang Biceps, naikabit pala ito ni Megiddus
kaninang nakikipaglaban sila dito.
OSMALIK: Ano ito? Bakit hindi ko matanggal?!
MEGIDDUS: Kung inaakala mo na mabilis ka, puwes mas mabilis ako sa iyo! Isa
ka rin palang tanga!
Biglang
na-activate ang Electric Shock Device, at nakuryente ng husto si Osmalik ng
1000 Volts ng Electricity. Nanghina si Osmalik dahil dito.
OSMALIK: AAAAAAHHHH!!!!!
Napahandusay
sa kalsada si Osmalik sa tindi ng natamong pinsala. Nilapitan siya ng limang
AXIS Generals.
MEGIDDUS: Ayon nga sa kasabihan, ang kumilos ng matulin, kung makuryente ay
malalim, ha ha ha ha!!!
OSMALIK: Mga pangahas!
DYMARO: Ang mabuti pa ay dalhin na natin yan kay Panginoong Ganelon.
NECROMA: Isama na rin natin ang kanyang robot.
Kaagad
nagteleport ang limang Generals kasama ang nanghihinang si Osmalik. Sabay ding
nawala si Black Odiah.
________________________________________
AXIS Mega
Base……
Sa malaking
bulwagan ng Mega Base ay naroroon ang isang batalyong Omnicrons at Cranumites
habang masayang hinihintay ang pagdating ni Osmalik.
Ilang
sandali pa ay dumating na ang mga AXIS Generals habang kasama ang nakakadenang
si Osmalik. Hiyawan ang mga Omnicrons at Cranumites habang naglalakad sila sa
gitna ng bulwagan.
Sa itaas ng
bulwagan ay naroroon si Ganelon at si Corvus. Nang makita ang mga dumating na
Heneral, ay bumaba ito. Kaagad lumuhod ang lahat kay Ganelon.
MEGIDDUS: Kamahalan, narito na po ang pinakahihintay niyong panauhin….
GANELON: Masaya ako at naidala niyo siya dito….
Sinipat muna
ni Ganelon ang nakakadenang mandirigma mula ulo hanggang paa.
GANELON: Magpakilala ka….Cyborg.
Hindi
sumasagot si Osmalik.
GANELON: Inuulit ko ang aking utos….magpakilala ka….
Ngisi lang
ang isinukli no Osmalik. Natawa naman si Ganelon.
GANELON: Ha ha ha ha! Hindi ko
akalaing ang dinala niyo sa akin ay nuknukan ng bingi! Haaaaa!!!
Itinaas ni Ganelon ang kanyang Death Scepter at naglabas ng
Electric Shock upang kuryentehin si Osmalik.
OSMALIK: Aaaaaaaahhhh!!!!
NECROMA: Magsalita ka, huwag mong
bastusin si Master Ganelon!
OSMALIK: Ha ha ha! Pasensya na….maaaring
namangha lang ako sa inyo. Matagal kasi akong nagtago sa kawalan sa loob ng
mahabang panahon. Ni hindi ko rin alam ang tungkol sa inyo at sa grupong may
tangan ng SIGMA.
GANELON: Kung ganon, huling
tanong…..ipakilala mo ang iyong sarili….
OSMALIK: Dahil saksakan kayo ng
kakulitan, sige pagbibigyan kita….Ako si Osmalik, nandito ako upang mabawi ang
SIGMA…
GANELON: Maari ko bang malaman
kung ano ang meron sa SIGMA na iyon?
OSMALIK: At bakit ko naman
sasabihin? Wala na kayo doon….
GANELON: BASTOS!!!
ZAAAAAAPPPP!!!! (tinira ng Scepter Electric Shock si Osmalik)
OSMALIK: AAAAAAAHHHH!!!!
GANELON: Nakita namin kung paano
mo nilampaso ang mga Gammarangers sa pamamagitan ng iyong bilis. Maski ang
aking mga Heneral ay hindi kayang tapatan ang iyong angking galing….maaaring
wala ka pang tiwala sa amin sa ngayon, pero kailangan namin ang iyong tulong….katulad
mo ay mga kaaway din namin ang Gammarangers….sila ang balakid sa aming mga
plano….nais kong umanib ka sa aming organisasyon….gagawin kitang aking Heneral….
OSMALIK: Kalokohan! Ni minsan ay
hindi ko inasa sa iba ang aking mga hangarin….
GANELON: Sa palagay mo ba,
maisasagawa mo ba ang iyong mga balak ng nag-iisa? Maski ang iyong robot ay
hindi sapat upang matalo mo sila…bibigyan kita ng lahat ng kailangan mo….sasakyan,
armas, at kahit ano pa….basta makiisa ka sa amin….
OSMALIK: At ano naman ang kapalit?
GANELON: Mapapasaiyo ang SIGMA na
matagal mo ng hinahabol sa kanila….Nauunawaan ko kung gaano ka namumuhi sa mga
sundalo, dahil maski ako ay ganoon din! Kaya mamili ka….aanib ka sa amin, o
hindi?!
Saglit na nag-isip si Osmalik….
GANELON: Nais kong marinig ang
sagot mo ngayon na….tandaan mo, kami ang sasalo sa iyo kapag nalagay ka sa
alanganin!
OSMALIK: Sige, pumapayag na ako sa
kondisyon mo…..pero hindi ibig sabihin nito na umaanib na ako sa grupo niyo ng
tuluyan….tutulungan ko kayo, yun ay kung tutulungan niyo akong makuha ang gusto
ko!
GANELON: Kung ganon…..maligayang
pagdating sa aking Imperyo, Osmalik! Kayong lahat, tanggapin niyo magmula
ngayon bilang inyong bagong heneral…si Heneral Osmalik!
YEEEAAAHHH!!!!
YEEHEEEYY!!!
Nagsigawan ang lahat ng Omnicrons at Cranumites na nasa loob ng
malaking bulwagan. Habang ang mga AXIS Generals naman ay tila hindi sang-ayon
sa pagkakaanib ni Osmalik sa kanilang grupo.
GANELON: Upang patunayan ang aking
pangako sa iyo, halika at sumama ka sa akin, may inihanda akong sorpresa sa iyo….
Sumunod naman si Osmalik at ang iba pang AXIS Generals kay Ganelon
papunta sa kanilang Mechanical Hangar kung saan naroroon ang kanilang mga
Warbots.
Pagpasok sa nasabing silid, bumungad sa kanila ang bagong anyo ni
Black Odiah. Napamangha ang lahat ng nakasaksi, lalo na si Osmalik. Napangiti
ang Cyborg.
GANELON: Ano ang masasabi mo? Mula
ngayon, yan na ang Odiah Ultimus!
OSMALIK: Hmmm….hindi na masama….magaling….sige
gagawin ko ang lahat para sa sa iyo….MASTER GANELON!
GANELON: Magaling! Magaling
Osmalik! Sige, humayo ka na at ituloy ang paghahasik ng lagim! Bwa ha ha ha ha
ha!!!!!
Habang nagsasaya ang lahat, nagbulungan naman ang ibang AXIS
Generals….
MEGIDDUS: Wala akong tiwala sa
nilalang na iyan.
NECROMA: Parang may kakaiba sa
kanya.
CALYX: Parang siya na ang bagong
paborito ni Master Ganelon.
DYMARO: Napakayabang niya.
BALAAM: Humanda sa akin ang
hangal na iyan…..
___________________________________________
UDF Gamma Laboratory…..14:35
Habang nagpapahinga ang ibang Rangers, nasa Laboratory naman sina
Owen at Alice upang pag-aralan ang Project SIGMA.
OWEN: Nakakamangha, ngayon lang
ako nakakita ng ganitong klaseng Technology! Isa pala itong Artificial
Intelligence Humanoid Robot!
ALICE: Ibig mong sabihin, hindi
siya isang uri ng Ammunition or any Explosive?
OWEN: Hindi Alice, base sa
analysis ko, nilikha ito ng U.S. Army bilang Prototype Humanoid na tutulong sa
atin para masugpo natin ng AXIS.
ALICE: Ang ipinagtataka ko lang,
bakit ganoon na lang ang paghahabol ni Osmalik sa Technology na iyan?
OWEN: Obvious naman na
gagamitin nya sa kalokohan niya e….
ALICE: Pero parang may mas
malalim pang dahilan eh….
Ngunit may biglang natuklasan si Owen….
OWEN: Sandali, bakit ganito?
ALICE: Bakit Owen?
OWEN: Para maactivate ang
SIGMA, kailangan niya ng isang Host Body na gumagamit ng Circuit na Orcad PSpice
Release 9! Eh iisa lang ang alam kong mayroong ganitong Circuit!
ALICE: Ano? Huwag mong sabihing….
“RED ALERT! RED ALERT! ENEMY SPOTTED! ENEMY SPOTTED!”
Kaagad pumasok sa Database ang mga nagmamadaling Rangers….
JAKE: Sir, anong meron?
GEN. ANGELES: Rangers, may panibagong
problema! Tingnan niyo ito!
Laking gulat ng anim nang makita sa Control Panel Screen ang
bagong anyo ni Black Odiah na nananalasa sa Cordillera Mountains….
PAOLO: Anak ng…..kanina lang
simple lang yan, pero bakit iba na ang itsura niya ngayon!
ABBY: Sa palagay ko, umanib ba
siya sa AXIS!
MALIN: Sabi ko na nga ba eh,
magkiki-join siya sa kaechosan ng AXIS!
BRIAN: Mukhang mas lalo pa ngang
lumakas yan!
SCOTT: Now that sucks!
JAKE: Aba, ano pa hinihintay
natin, tara na!
GEN. ANGELES: Rangers, mag-iingat kayo,
tandaan niyo na hindi pa kayo fully recovered sa inyong mga injuries.
RANGERS: Opo! (sabay saludo)
Sumaludo din ang Heneral. Umalis na ang anim na Gammarangers.
Nakita nina Alice at Owen si Charlie 9 na iniwan ni Malin.
CHARLIE 9: Go Go Gammarangers! Go Go
Gammarangers!
_________________________________________
Cordillera Mountains…..
Muli ay
nagpakita ang Odiah Ultimus, ngunit ngayon ay mayroon na itong bagong anyo.
Mula sa loob nito ay naroroon si Osmalik.
Ilang
sandali pa ay dumating ang anim na mga Gammarangers na lulan ng Gammatron at
Patriot Titan.
OSMALIK: Sinasabi ko na nga ba at magpapakita kayo!
GAMMA RED: Sinasabi ko na nga rin ba at nakipagsabwatan ka na sa kanila!
GAMMA PATRIOT: Ibinenta mo ang iyong kaluluwa sa mga demonyong tulad nila!
OSMALIK: Wala na kayong pakialam doon!
BRAAATATATATATATAT!!!!!
Nagpakawala
ng Odiah Torpedo ang higanteng robot, na naiwasan naman ng dalawang GAMMA
Mechas.
GAMMA RED: Gamma Mechatronic Ultra Blaster!
Nagpakawala
ng matitinding Ultra Blasts ang Gammatron, ngunit nailagan ito ng kalaban ng
mabilis.
GAMMA PATRIOT: Wag nang patagalin ito, Titan Juggernaut!
Bumukas ang
lahat ng armas ng Patriot Titan ay nagbuhos ng isang bagsakang Blast sa Odiah
Ultimus. Ngunit laking gulat niya nang malamang wala na ang kalaban.
GAMMA PATRIOT: Hindi! Nawala ulit siya!
GAMMA GREEN: Hayan nanaman siya sa pagtatago niya!
GAMMA VIO: Be alert, he is just around the corner!
Pinakikiramdaman ng dapawang Mecha ang pagsalakay ng Odiah Ultimus, nang......
BAAAAAMMM!!!
BOOOOOMMM!!!
PAAAANNNGG!!!!
Mabibilis na atake ang bumulaga sa dalawang Mecha.
GAMMA RED: Hudas talaga, paano kaya natin malalaman ang mga kilos ng mokong na iyan?!
GAMMA PATRIOT: Kailangang makaisip ng paraan!
Muli ay sumugod ito sa dalawang Mecha ng magkakasunod na Blasts, hindi pa rin matukoy ng mga Rangers kung saan nanggagaling ang mga atake dahil mabilis na palipat-lipat ng pwesto ang kalaban. Napatumba ang dalawang Robots nang dahil sa mga atake. Matapos iyon ay tumigil muna ang Odiah Ultimus.
OSMALIK: Ha ha ha ha! Nagulat ba kayo sa mas pinalakas na Odiah? Sample pa lang iyan!
Biglang naglabas ang isang malaking Light Saber ang Odiah Ultimus.
OSMALIK: Salamat sa AXIS at binigyan ako ng ganito kalakas na armas....ngayon oras na para paghati-hatiin ko kayo at ibenta sa basurero.....
Lumapit ang Odiah Ultimus sa dalawang Mecha, akmang hahatiin na niya ang Gammatron, nang......
"GAMMATRON CHOPPER BLADE!"
Nagawang maisalag ng Gammatron ang atake ng Light Saber gamit ang Chopper Blade. Tumayo ang Gammatron at nakipagespadahan sa kalaban. Sinamantala naman ito ng Patriot Titan. Habang abala ang dalawa sa pakikipaglaban, umakmang papuputukan naman nito ang Odiah Ultimus....
GAMMA PATRIOT: Humanda ka ngayon, panget! Panzer Striker!!!
BOOOOMMM!!!!
Nagpakawala ng malakas na Panzer Striker ang Patriot Titan....ngunit laking gulat niya ng wala na ang target niya.....ang resulta, tumama ang Blast sa Gammatron.
GAMMARANGERS: AAAAAAAAHHHH!!!!!
GAMMA PATRIOT: Hindi!!! Rangers, sorry!!!
Natumba ang Gammatron, habang ang Patriot Titan naman ay biglang nahawakan ng Odiah Ultimus mula sa likod.
OSMALIK: Ha ha ha ha! Ang sama mo, bata! Tinira mo ang kakampi mo!
GAMMA PATRIOT: Madaya ka! Pakawalan mo ako!
OSMALIK: Oh di sige! Hah!!!
Naglabas ng malakas na Mach Wave ang Odiah Ultimus at tumalsik ang Patriot Titan.
OSMALIK: Ang kukulit ninyo....kahit ano pa ang gawin niyo, hindi niyo ako matatalo....
Pilit pa rin nag-iisip ang Gammarangers ng paraan.
GAMMA YELLOW: Oh no....ano na gagawin natin?
GAMMA RED: Siguradong may paraan.....
GAMMA GREEN: Mga kasama, may naalala ako....bakit hindi natin subukan ang Patriot Gammatron Configuration? Kaya niyang magbasa ng Stealth Signals, kaya kaya niyang i-trace ang Location ng kalaban!
GAMMA BLUE: Tama si Abby, sinabi rin sa amin ni Owen yan dati. Nasubukan na rin naman natin dati ito.
GAMMA RED: Sige, subukan natin! (kinontact si Gamma Patriot) Pao, do you read me?
GAMMA PATRIOT: (sa kabilang linya) Jake, yes I read you.
GAMMA RED: Subukan nating pagsamahin ang ating mga Robots! Tingin ko may chance tayo!
GAMMA PATRIOT: Sige!
Kaagad tumayo ang dalawang Mecha.....
OSMALIK: Aba tumatayo pa kayo ah....yan ang gusto ko, matapang, ha ha ha ha!!!
GAMMA RED: Oras na!
GAMMARANGERS: Okay! Patriot Gammatron Log-on!
Ilang sandali pa ay nagsanib na ang Gammatron at Patriot Titan....at nabuo si Patriot Gammatron.
Female Voice Alarm: Patriot Gammatron Systems Ready.
GAMMA RED: Ayos, tignan natin ang tibay mo, Osmalik!
OSMALIK: Kahit pagsamahin niyo pa yang mga gusgusin niyong mga robot, walang epekto yan sa akin!
Kaagad tumakbo ang Odiah Ultimus papunta sa Patriot Gammatron, at biglang nawala....
GAMMA VIO: He's gone again as usual!
GAMMA RED: Sige subukan natin ito.....Stealth Detector!
Kaagad hinanap ng Stealth Detector ang direksiyon ng Odiah Ultimus.....at.....
GAMMA RED: Huli ka balbon! Ultra Blaster!!!
BOOOOMMM!!!!
Binaril ng Patriot Titan ang kalaban na nasa kaliwa nito, kaagad lumitaw ang Odiah Ultimus na nasaktan....
OSMALIK: Peste! Paano niyo ako nahanap?! Natamaan niyo pa ang pinakasentro ng aking Power source!
GAMMA PATRIOT: Kawawa ka ngayon! Jake ngayon na!
GAMMA RED: Tanggapin mo ito! PATRIOT GAMMATRON TURBULENT FUSION!!!
SCOTT: Hey guys, chill! Let's just be happy with the victory!
MALIN: Oo nga! Hi hi hi----Teka, nasaan na kaya si Charlie?
"Eto siya."
Lumabas mula sa Laboratory si Owen kasama si Alice.
GEN. ANGELES: Owen, Alice, ano ang findings niyo?
CHARLIE 9: Yahey! Yahey! Charlie may silbi! Charlie may silbi!
ALICE: Tama po ang theory namin Sir.
OWEN: Mga kasama, may isang importanteng balita akong sasabihin sa inyo....at may kaugnayan kay Charlie.....
Nagtaka naman ang lahat sa mga sinabi ni Owen.....ano kaya ang natuklasan niya at ano ang kaugnayan ni Charlie 9 dito?
_________________________________________
AXIS Mega Base.....
GANELON: Anong nangyari Osmalik? Bakit ka natalo ng ganon-ganon na lang? Akala ko ba ay di hamak na mas magaling ka?
OSMALIK: Hindi ko po inaasahan ang kanilang bagong atake, pasensya na po.
GANELON: Mataas ang pag-asa ko sa iyo, umaasa ako na matatalo mo ang Gammarangers ng maaga, ngunit sige, pagbibigyan kita sa ngayon....pero sa susunod, ayoko nang makabalita ng kabiguan! Sige makakaalis ka na.
Nagtaka naman ang ibang AXIS Generals sa inasal ni Ganelon pagdating kay Osmalik.
MEGIDDUS: Panginoon, tila po ata masyado kayong nagtitiwala sa kanya....tandaan niyo na hindi pa natin natitiyak ang katapatan ng nilalang na iyon.
GANELON: Alam ko, alam kong may sarili siyang agenda kaya nakipagsanib sa atin. Kaya gusto kong manmanan niyo siya....hindi ako makakapayag na traidorin ako ng nilalang na iyon!

Isang napakalaki at napakalakas na enerhiya ang biglang inilabas
ng Patriot Gammatron….
GAMMARANGERS: TURBULENT FUSION……..UNLEASH!!!!
Sa pagkakataong ito, hindi na naiwasan pa ng Odiah Ultimus ang atake dahil nasira ang Central Power Source nito.
OSMALIK: Hindeeee!!!!!
BOOOOOOOOMMMMM!!!!
Nagkaroon ng isang malakas na pagsabog....ngunit laking gulat ng Rangers ng makitang buo pa ang Odiah UItimus.
GAMMA PATRIOT: Ano? Buo pa?
OSMALIK: Sa ngayon, nanalo kayo! Pero hindi pa tayo tapos!!! Pagbabayaran niyo ito!!!
Biglang naglaho ang Odiah Ultimus gamit ang natitirang enerhiya.
GAMMA YELLOW: He's gone nanaman!
GAMMA RED: Okay lang, at least alam na natin kung paano siya talunin.
_________________________________________
UDF Gamma Base....
GEN. ANGELES: Magaling Rangers! Nagawa niyong matalo si Osmalik! Pero hindi pa ito ang huli nating pakikipagsagupa sa kaniya.
PAOLO: Oo nga po Dad. Si Abby nanaman po ang rason.
ABBY: Naku naman, team effort ito. Nagawa natin ito dahil sa pagtutulungan natin!
JAKE: At siyempre nang dahil na rin sa akin!
BRIAN: Hayan ka nanaman Boy Yabang!
JAKE: Bakit, may reklamo ka?
SCOTT: Hey guys, chill! Let's just be happy with the victory!
MALIN: Oo nga! Hi hi hi----Teka, nasaan na kaya si Charlie?
"Eto siya."
Lumabas mula sa Laboratory si Owen kasama si Alice.
GEN. ANGELES: Owen, Alice, ano ang findings niyo?
CHARLIE 9: Yahey! Yahey! Charlie may silbi! Charlie may silbi!
ALICE: Tama po ang theory namin Sir.
OWEN: Mga kasama, may isang importanteng balita akong sasabihin sa inyo....at may kaugnayan kay Charlie.....
Nagtaka naman ang lahat sa mga sinabi ni Owen.....ano kaya ang natuklasan niya at ano ang kaugnayan ni Charlie 9 dito?
_________________________________________
AXIS Mega Base.....
GANELON: Anong nangyari Osmalik? Bakit ka natalo ng ganon-ganon na lang? Akala ko ba ay di hamak na mas magaling ka?
OSMALIK: Hindi ko po inaasahan ang kanilang bagong atake, pasensya na po.
GANELON: Mataas ang pag-asa ko sa iyo, umaasa ako na matatalo mo ang Gammarangers ng maaga, ngunit sige, pagbibigyan kita sa ngayon....pero sa susunod, ayoko nang makabalita ng kabiguan! Sige makakaalis ka na.
Nagtaka naman ang ibang AXIS Generals sa inasal ni Ganelon pagdating kay Osmalik.
MEGIDDUS: Panginoon, tila po ata masyado kayong nagtitiwala sa kanya....tandaan niyo na hindi pa natin natitiyak ang katapatan ng nilalang na iyon.
GANELON: Alam ko, alam kong may sarili siyang agenda kaya nakipagsanib sa atin. Kaya gusto kong manmanan niyo siya....hindi ako makakapayag na traidorin ako ng nilalang na iyon!
________________________________________
Papunta na si Osmalik sa kanyang sariling Chamber, nang may pumigil sa kanya...
"WAG MONG IISIPIN NA MASAYA KAMI SA PAGDATING MO DITO!"
Napalingon si Osmalik sa likuran niya.....nakita niya si Balaam....
OSMALIK: Hah, wag kang mag-alala, wala akong interes na agawan ng kapangyarihan ang kahit na sino sa inyo....
BALAAM: Nakakaramdam ako ng Human Genes sa iyo....alam kong isa kang tao, at bawal iyon sa aming himpilan....
OSMALIK: Pinagdududahan mo ba ako? Wala akong magagawa sa pagdududa mo, pero iisa lang ang masasabi ko, WAG MO AKONG PAKIKIALAMAN!
Matapos iyon ay tumuloy na si Osmalik sa kanyang Glass Chamber upang makapagpahinga....
BALAAM: Napakayabang mo.....humanda ka, ako mismo ang papatay sa iyo!!!
Itutuloy......

No comments:
Post a Comment