Thursday, March 28, 2013

Mission 27: Isang Bagong Banta




Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

*Note: Upang mas maintindihan ang magiging plot ng Episode na ito, maaari niyong balikan ang Episode 20, kung saan nagsimula ang lahat.

__________________ Opening Song ___________________



AXIS Mega Base…..

“PESTE!!!”

Ito ang sigaw ni Ganelon habang ibinalibag ang kanyang Death Scepter sa sahig. Galit na galit siya sa muling pagkabigo ni Megiddus sa kanyang Stromazoid.

Tahimik namang nakatayo lang sina Balaam, Necroma, Dymaro at Calyx, samantalang si Megiddus ay nakayuko, bakas sa mukha niya ang pagkainis.

GANELON: Bakit ba kasi palagi na lang niyo akong pinapaasa?! Nakakailang Terrozoids na tayo pero ni isa, walang nagtagumpay! Ilang Terrozoids pa ba ang dapat na tapusin ng Gammarangers bago tayo tuluyang manalo?!.....Inip na inip na ako…..INIP NA INIP NA AKO!!!

MEGIDDUS: Hindi ko rin po inaasahan ang pagkatalo ni Stromazoid, pero ipinangangako ko sa inyo na—

GANELON: Na ano? Na babawi ka at magtatagumpay ka?! Megiddus, ilang beses ko nang narinig sa inyo yan! Hindi pa ba kayo nadadala?! Para saan pa ang paglikha ko ng mga High-Intelligence Humanoids na katulad niyo?! Pinamumukha niyo akong tanga!!!

Ngunit naputol ang litanya ni Ganelon nang magsalita si Necroma.

NECROMA: Kamahalan, masdan niyo po ito…

Kaagad minasdan ng lahat ang nasa Big Screen, at doon nila nakita si Gamma Patriot habang inaatake siya ng isang misteryosong nilalang.

BALAAM: Si Gamma Patriot! At sino naman yang nakatalukbong na iyan?

DYMARO: Kakampi ba natin iyan?

CALYX: Mukhang may tutulong na sa ating tapusin ang Gammarangers!

GANELON: Sino naman kaya iyan? May nakuha ka bang datos, Necroma?

NECROMA: Wala pong klaradong datos, ngunit bukambibig niya ang salitang SIGMA. Base sa dialogue ng video na ito, ay nasa kamay daw ng GAMMA ang SIGMA na iyon….

GANELON: Kung ganon, kailangang ma-research natin ang tungkol sa SIGMA na iyan at kung ano man iyan! Kailangang maunahan natin ang misteryosong nilalang na iyan sa pagkuha ng SIGMA!

BALAAM: Ngunit bakit tayo maghahabol sa isang bagay na hindi naman natin alam kung ano—

GANELON: Tumahimik ka!!! Tayo ang AXIS! Lahat ng bagay sa mundong ito ay pag-aari natin! Kaya kahit ano pa iyan, dapat nating mapasakamay! At maaari nating magamit upang pagharian na natin ng tuluyan ang mundong ito!

DYMARO: Ang mabuti pa ay magsagawa na lang tayo ng isang malawakang pag-atake imbes na gumawa ng Terrozoid. Gamitin po natin ang mga Omnicrons at Cranumites at ang ating mga Warbots at Phibianoids!

NECROMA: At saan naman tayo lulusob?

Inactivate ni Dymaro ang Hologram Map na nasa gitna ng kanilang Database.

DYMARO: Aatake tayo sa tatlong magkakaibang Locations. Isa sa Batanes Area, isa sa Palawan, at isa sa Zamboanga.

MEGIDDUS: Mukhang gusto mong lumusob sa tatlong points na iyan ng sabay-sabay.

DYMARO: Dahil di hamak na mas marami ang ating hukbo, mahihirapan sila dahil mahahati ang pwersa nila sa tatlo.

BALAAM: Mukhang sasang-ayon ako sa diskarte mo sa pagkakataong ito, Dymaro.

GANELON: Wala akong tiwala sa diskerte mo, pero dahil sawa na rin ako sa mga Terrozoids na iyan, sige lulusob tayo!!! Wa kayong ititirang buhay!!!

CALYX: Ngunit Master Ganelon, papaano na po ang misteryosong nilalang?

GANELON: Hintayin natin ang paglabas niya, saka tayo kikilos……
___________________________________________

Mission 27: Isang Bagong Banta

GAMMA Database…..8:36

Pinapanuod pa rin nina Gen. Angeles, Paolo at Brian ang video ng misteryosong nilalang. Si Alice naman ay patuloy na nagsasaliksik ng impromasyon tungkol sa nilalang na ito, habang si Owen ay abala sa pag-aayos ng mga Gammachines.

GEN. ANGELES: Alice, ano na ang findings mo?

ALICE: Unidentified pa rin po Sir. No Personal Information or whatsoever. Napakamisteryoso ng taong ito.

PAOLO: Nagulat nga ako nang bigla na lang akong inatake ng nilalang na iyan.

GEN. ANGELES: Sa nakikita ko, ang SIGMA Drive lang ang magiging susi natin upang makilala ang nilalang na iyan.

Tila may naisip si Brian.

BRIAN: Sandali, bakit hindi po natin tanungin ang 51st Engineering Brigade?* Tingin ko po sila ang makakapagsabi kung sino ang umatake sa kanila sa Jumbo Jet.

(*From Episode 20)

PAOLO: Pero hindi ba’t Under Recovery Stage pa sila?

ALICE: Don’t worry Pao, according to the Medical Bulletin, maayos na ang lahat ng biktima. Unti-unti nang nawawala ang trauma caused by that incident.

GEN. ANGELES: Kung ganon, kailangan silang sumalialim sa isang interogasyon. Kailangang makakalap tayo ng impormasyon upang malaman ang bagong kalaban.

Ngunit ilang sandali ay….

“RED ALERT! RED ALERT! INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!”

Kaagad naging alerto ang Database sa narinig na Signal.

ALICE: Sir, AXIS Alert! Umaatake sila on Three Different Points of the Country!

GEN. ANGELES: Ano?! Simultaneous Attack?!

PAOLO: Mukhang All-Out War na ang gusto nilang mangyari!

Kaagad bumukas naman ang Automatic Door ng Database at pumasok ang apat na Rangers.

JAKE: Oh anong meron?

GEN. ANGELES: Rangers, lumulusob ang AXIS on 3 Different Locations! We’ve got no other choice but to divide your team into three. Fonseca, De Leon, sa Batanes kayo! Tutulungan kayo ng Infantry Division at ang Airborne Regiment! Tawagin ko na rin ang Camp Marcelo Adduro na nasa Tuguegarao for Additional Forces.

JAKE/ABBY: Roger!

GEN. ANGELES: Edwards, Tavarez, sa Palawan kayo! Kasama niyo ang Army Artillery Command at ng Camp Jizmundo sa Iloilo!

BRIAN/SCOTT: Yes Sir!

GEN. ANGELES: Paolo, Ong, sa Zamboanga kayo! Sasamahan kayo ng Light Reaction Battalion at ng Camp Sang-an!

PAOLO: Opo!
MALIN: Hai!

GEN. ANGELES: Okay, Mobilize now!!!

ALL: Yes Sir!

Kaagad umalis ang anim.

GEN. ANGELES: Alice, ikaw na ang kumausap sa 51st Engineering Brigade.

ALICE: Yes Sir.

GEN. ANGELES: Owen, ikaw muna ang bahala sa Monitoring. Contact the other Military Camps na sinabi ko kanina.

OWEN: Opo!
________________________________________

Itbayat, Batanes……9:07

Pagdating pa lang ng GAMMA Forces ay kasalukuyan nang nakikipagsagupa ang pwersa ng Camp Adduro sa AXIS Forces na binubuo ng mga Red Warbots at Omnicrons. Makabago na rin ang sandata ng mga ito dahil sa tulong na rin ng GAMMA. Sakay ng Gamma Jet Fighter at Combat Chopper sina Gamma Red at Gamma Green.

Ang AXIS Forces na kalaban nila ay pinamumunuan ni Balaam. Sakay siya ng isang malaking Red Warbot.

BALAAM: Aba, dumating na sila….

GAMMA GREEN: Eksakto pala ang dating natin!

Kaagad kinontact ni Gamma Red ang leader ng Camp Adduro.

GAMMA RED: Sierra Echo, this is Falcon 1, do you read me?
______________________________________________
ADDURO LEADER: This is Sierra Echo, I read you Falcon 1, over!
______________________________________________
GAMMA RED: Everybody, prepare for Pincer Ambush! Over and Out!
______________________________________________
ADDURO LEADER: Copy!





Habang patuloy na lumulusob ang AXIS Forces papunta sa isla ay nahati ang pwersa ng GAMMA sa dalawa at pinalibutan ang mga kalaban.

GAMMA RED: Okay, nail them, NOW!!!

Isang bagsakang atake ang isinagawa ng GAMMA Forces mula sa gilid at pinaputukan ang mga Warbots. Gumaganti din ng atake ang Warbots at nagpalitan ng matitinding pasabog.

BALAAM: Pincer Ambush? Hah, wala iyan! Counter Ambush!

Nakipagsabayan ng lakas ang AXIS Warbots sa pinagsanib na pwersa ng GAMMA.

GAMMA GREEN: Fonseca, mukhang mas tumibay ang mga Warbots ngayon!

GAMMA RED: Kaya natin iyan! Laban lang!
______________________________________________

Balabac, Palawan…..

GAMMA VIO: Brian, there they are!
GAMMA BLUE: Oo nga, buti na lang at naagapan ng Jizmundo Battalion ang pag-atake!








Inabutan nina Gamma Blue at Gamma Vio na nakikipaglaban ang Camp Jizmundo laban sa pwersa ng Phibianoids na pinamumunuan ni Dymaro. Sakay sila ng Battle Tanker at Turbo Trailer kasama ng ibang Warships ng Army Artillery Command.

DYMARO: Sabi ko na nga ba at dalawa lang sa inyong Gammarangers ang darating!

Kinontact na din ni Gamma Blue ang pinuno ng Jizmundo Batallion at nagsagawa ng isang Pre-emptive War Tactic.

GAMMA BLUE: Kailangang maunahan natin silang matalo! Open Fire!

Kaagad naglabas ng malalakas na pasabog ang GAMMA Forces laban sa mga Phibianoids ni Dymaro.

DYMARO: Ganon ha, Cranumites, Crossfire!!!

Nagpaputok ang AXIS Warbots ng kanilang mga sandata sa magkaibang direksiyon upang matamaan ang lahat ng GAMMA Forces na nasa paligid.

Subalit nakailag naman ang mga sasakyan ng GAMMA Forces upang maiwasan ang mga atake. At patuloy pa rin ang palitan ng opensiba ng magkabilang panig.
___________________________________________

Pitogo, Zamboanga Del Sur……

Nananalasa na ang mga AXIS Warbots at Phibianoids sa baybay-dagat ng Pitogo, hirap na hirap ang Sang-an Battallion sa pakikipagsagupa sa mga ito.



MEGIDDUS: Ha ha ha! Mga walang kwenta! Cranumites, pulbusin na ang mga yan!

Ngunit…..

BOOM BOOM BOOM!!!

MEGIDDUS: Aba, dumating din sila!

Malalakas na pasabog ang sinalubong sa mga Warbots ng bagong dating na Desert Panzer at Patrol Armor na kinalululanan nina Gamma Patriot at Gamma Yellow.

GAMMA YELLOW: Nandito na kami!
GAMMA PATRIOT: Everybody Flanking Maneuver!

Nahati sa dalawa ang pwersa ng GAMMA upang atakihin ang mga kalaban mula sa magkabilang side.

GAMMA PATRIOT: Tignan natin kung makakagalaw pa kayo sa posisyon ninyo!

MEGIDDUS: Magaling! Magiging masaya ang laban na ito!!!
___________________________________________

OWEN: So far maganda po ang Status ng ating pwersa Sir!

GEN. ANGELES: Tiwala ako sa kakayahan ng ating Sandatahang Lakas. Ngayon masusubukan ang Military Strategies ng ating hukbo. Keep me posted Owen.

OWEN: Opo!

Ngunit ilang saglit pa tila may napansin si Owen na isang kakaibang reading sa may Manila Area.

OWEN: Sir, may nadetect po akong malakas na Energy Wave sa may Manila Bay. Hindi ko pa rin po alam kung ano ito.

GEN. ANGELES: Isa nanamang pag-atake? Talagang sinusubukan tayo ng AXIS!

OWEN: Negative Sir, hindi po ito mga Warbots o Terrozoid. No signs of AXIS.

GEN. ANGELES: Ano kamo?
____________________________________________

GAMMA Medical Center…..

Pinuntahan ni Alice ang isa sa mga miyembro ng 51st Engineering Brigade na biktima ng misteryosong nilalang at ng kanyang Spider Monster. Kumatok ito sa pinto ng isang Private Room.

Kaagad binuksan ng isang nurse ang pinto.

ALICE: Good morning, umm gusto ko lang pong bisitahin ang pasyente.

NURSE: Kaano-ano po sila ng pasyente?

ALICE: Kaibigan.

NURSE: Sandali lang po at paiinumin ko lang po ng gamot.

Bumungad kay Alice ang pasyente, kilala niya ang pasyenteng ito sa pangalan. Ilang sandali pa ay lumabas na ng silid ang nurse at naiwan sina Alice at ang pasyente.

ALICE: Good morning po, Sergeant Ramos. Kumusta na po kayo?

SGT. RAMOS: Ikaw ba si Lacsamana? Ang assistant ni General Julian Angeles?

ALICE: Ako nga po. Alam ko pong hindi pa po kayo lubusang gumagaling, pero kailangan ko po ang tulong niyo. May itatanong lang po sana ako, tungkol po ito sa nangyari sa inyo sa Butuan.
_______________________________________________

Sa isang bahagi ng Manila Bay….

“Oras na….”

Sa gitna ng dagat, may isang kakaibang bagay ang tila umaahon mula sa ilalim. Ikinagulat ito ng mga taong nakakakita noon.

“Teka, ano iyan?”
“May Tsunami ba?”

Hanggang sa tuluyan na ngang umahon ang isang napakalaking bagay.




“Waaaa!!!”
“Diyos ko…ano iyan?!”

Bumungad sa kanila ang isang napakalaking higante…..isang anyong robot.

Takbuhan ang lahat ng naroroon sa sobrang takot. Ilang sandali pa ay nagsimulang umilaw ang mga mata ng naturang robot, nagpakawala ito ng malalakas na Eye Beams at sinira ang mga barkong naroroon.

Naglakad ang robot sa dagat habang sinisira ang lahat ng nasa paligid nito.
___________________________________________

“RED ALERT! RED ALERT! NEW THREAT SPOTTED! NEW THREAT SPOTTED!”

OWEN: Sir, masamang balita! Ang malakas na Energy reading na nasagap ko kanina ay nagpakita na! Isang Giant Robot!

GEN. ANGELES: Anong sabi mo?!
___________________________________________

AXIS Mega Base……

Gulantang din ang AXIS sa pagsulpot ng misteryosong robot.

NECROMA: Master, tignan niyo po ito! Isang higanteng robot ang nananalasa sa Manila!

GANELON: Kaninong robot iyan at saan galing?

CALYX: Sino kaya ang nasa loob niyan?

NECROMA: Ano po ang gagawin natin, Master?

GANELON: Sa ngayon ay manonood muna tayo. Tingnan natin ang susunod na mga mangyayari, saka tayo kikilos.
____________________________________________

ALICE: Ano po? Isang Giant Robot ang biglang nagpabagsak ng Jumbo Jet?

SGT. RAMOS: Tama, ito ang nagpabagsak sa eroplanong iyon. Maswerte na lamang at lahat kami ay buhay pa dahil sa paghahanda namin. Ngunit ang hindi namin alam, ay pinasok ang eroplano namin ng dalawang nilalang….

ALICE: Iyon po ba ang Mistery Guy at ang kanyang alagang gagamba?

SGT. RAMOS: Pumasok sila sa aming sasakyan dahil nais nilang makuha ang SIGMA Project na dapat ay dadalhin namin sa inyo. Mabuti na lamang at nagawang maitago ito ng isa sa aming mga kasamahan. Umalis ang lalaki at iniwan ang kanyang alagad upang kami ay guluhin. Kaagad kaming humingi ng tulong sa inyo, mabuti na lamang at rumesponde kayong agad, lalo na si Cadet Captain Tavarez at ang kanyang Rescue Team.

ALICE: Bakit po ba ganoon na lang ang paghabol niya sa SIGMA? Ano po ba ang meron doon?
______________________________________________

GEN. ANGELES: Saan galing ang robot na iyan?

OWEN: Hindi ko po alam Sir, pero kailangang mapigilan po ito! Mabilis na makakapaminsala ito kapag hindi kaagad naagapan!

GEN. ANGELES: Kung ganon kailangang maipadala ang ibang Rangers diyan.

Kaagad tinawag ni Gen. Angeles ang ilan sa mga Gammarangers upang ipadala sa Manila Bay.

GEN. ANGELES: Fonseca, Tavarez, Ong, come in!
___________________________________________
GAMMA RED: Oh Sir bakit po?
___________________________________________
GAMMA BLUE: May problema po ba?
___________________________________________
GAMMA YELLOW: Sir?
___________________________________________

GEN. ANGELES: Pumunta kayo sa Manila Bay ASAP! May nananalasang Unknown Robot doon, ON THE DOUBLE!
___________________________________________
GAMMA RED: Po? Pero---
___________________________________________

GEN. ANGELES: Wala ng pero-pero! Move now!
___________________________________________

GAMMA RED: Roger! (kinontact si Gamma Green) Abby, kayo na muna ang bahala dito. May bagong panganib sa Manila, kailangan ako doon.

GAMMA GREEN: Got it! Kami na ang bahala dito!

Kaagad lumipad ang Gamma Jet Fighter at iniwan ang Combat Zone.

BALAAM: Ha ha ha, at saan ka naman pupunta, Gamma Red?

GAMMA GREEN: Kami ang harapin mo! Everybody keep firing!!!
___________________________________________

GAMMA BLUE: Tsk, may problema Scott. May bagong robot ang umaatake sa Manila. Can you handle things here?

GAMMA VIO: Leave it to me Brian.

GAMMA BLUE: Salamat.

Kaagad umalis ang Battle Tanker at iniwan ang labanan na nandoon.

GAMMA VIO: Now time to bring it on, Dymaro!

DYMARO: Mas mahihirapan na kayo ngayong umalis na ang isa sa inyo!

GAMMA VIO: We’ll see about that!
___________________________________________

GAMMA YELLOW: Naman! Paano yan Kuya Pao, maiwan muna kita dito. Utos ng Daddy mo.

GAMMA PATRIOT: Ganon ba? Oh sige kaya na namin ito!

GAMMA YELLOW: Babushka!

Umalis na din ang Patrol Armor upang pumunta sa Manila.

MEGIDDUS: Ayos, mga kasama, nawala na ang isa sa kanila, pagkakataon na natin!

GAMMA PATRIOT: Huwag kang makampante Megiddus! Di namin kayo uurungan!
___________________________________________

Manila Bay…..11:34

Patuloy lang ang pananalasa ng misteryosong higante sa Manila Bay. Ngayon ay ang kahabaan na ng Roxas Boulevard ang sinisira nito; mga sasakyan, gusali, daan at mga tulay. Maraming nasawi sa nakakatakot na pangyayaring ito.

Muling nagsalita ang nasa loob ng robot.

"Hangga't hindi kayo dumarating ay maninira ako sa lugar na ito!"

“TIGIIILL!!!!”

BOOOM BOOOM BOOOM!!!

Nagulat ang robot nang makatanggap ito ng mga pasabog mula sa mga bagong dating na sasakyan…..dumating ang Gamma Jet Fighter, Gamma Battle Tanker at Gamma Patrol Armor lulan sina Gamma Red, Gamma Blue at Gamma Yellow. Dumating sila na naglalabas kaagad ng malalakas na atake.

GAMMA RED: Kung sino ka man hindot ka, itigil mo yan!
GAMMA BLUE: Talagang sumosobra na ang AXIS, pati dito nananalasa sila!
GAMMA YELLOW: Stop in the name of love!!!

Ngunit gumanti ng Eye Beams ang robot, kaagad namang nakailag ang mga Gammachines.

GAMMA RED: Hoy sino ka ba?

Imbes na sumagot ay naglabas ng Finger Missiles ang robot na naiwasan naman ng Jet Fighter.

GAMMA RED: Pipi ka ba? Fighter Air Beam!
GAMMA BLUE: Tank Multiblaster!
GAMMA YELLOW: Armor Strikers!

Sabay-sabay na umatake ang tatlong Gammachines sa robot, ngunit matibay ang robot at nagawang balewalain ang mga atakeng ito.

GAMMA RED: Di man lang tinablan?

Ilang sandali pa, nagsalita na rin ang nilalang na nasa robot.

“Gaya ng inaasahan, darating kayo….”

GAMMA YELLOW: Ano daw?
GAMMA BLUE: Nagsalita na siya.

NILALANG: Ngunit tila kulang kayo….ang lungkot naman. Di bale,

GAMMA RED: Huh? Anong pinagsasasabi mo?     

BOOOOOMM!!! BOOOOMM!! BOOOOMM!!!

GAMMARANGERS: Aaaaahhhh!!!!

Malalakas na Massive Blasts ang ginanti ng robot sa tatlong Gammachines na siyang ikinabagsak ng mga ito. Sa sobrang lakas ng pagsabog ay naubos ang Electonic Fuel ng mga sasakyan at napinsala ng bahagya ang mga Gammarangers. Napilitan silang lumabas ng Gammachines at magpatihulog na lang.

GAMMA RED: Peste! Ang lakas nun!
GAMMA BLUE: Ayos lang ba kayo Guys?
GAMMA YELLOW: Owver na ito….di ko carry….

Napaluhod na lang sila sa lapag sa sobrang pagod at hina. Ilang saglit pa ay tumigil sa pag-atake ang robot. Nagsalitang muli ang nilalang.

NILALANG: Nakakaantok naman ang labang ito. Ang mabuti pa ay sa mano-manong laban ko na lang kayo harapin, kawawa naman kasi ang inyong mga sasakyan. Hindi man lang umubra sa aking Black Odiah.

GAMMA RED: Tumigil ka….mayabang!

Ilang sandali pa ay bumukas ang Cockpit ng robot. Bumungad sa kanila ang isang nilalang na nakatalukbong.
________________________________________________

NECROMA: Panginoon, masdan niyo po ito! Ang piloto ng robot ay ang nilalang na nasa video na ipinakita ko!

GANELON: Kailangang malaman natin kung sino ang balasubas na iyan…..
_________________________________________________

OWEN: Sir bad news, nasira ang 70% ng Operating System ng tatlong Gammachines! Ngayon nadischarge na po sa labas sina Fonseca and company.

GEN. ANGELES: Mukhang hindi biro ang kalaban nila ngayon….Kumusta naman ang mga pwersa natin na nasa 3 Locations?

OWEN: So far nagreretreat na po little by little ang mga kalaban. The battle seems to be in our favor. Yun nga lang po, nauubos na rin po ang Electronic Fuel ng kanilang Gammachines!

GEN. ANGELES: Bakit ba kasi sabay-sabay na umatake ang mga kalaban….

Ilang saglit pa ay nagpakita sa Screen si Gamma Patriot.

GEN. ANGELES: Pao, kumusta diyan?

GAMMA PATRIOT: (sa kabilang linya) Dad, nauubos ang pwersa natin dito! We need back-up! Paubos na rin ang Electronic Fuel ng Panzer! Hindi na rin po sapat ang Pyrronium Energy Contingency ko.

GEN. ANGELES: Sige magpapadala ako ng Additional Troops diyan.

At nawala na sa Screen si Gamma Patriot.

GEN. ANGELES: Ngayon lang ako na-stress ng ganito.

OWEN: Alam ko na Sir, maguupload ako ng Additional Firepower sa Weaponry ng mga War Vehicles. Para marecharge ang Arsenal nila. Palalakasin pa nito ang Weapons natin!

GEN. ANGELES: Bakit di mo agad naisip yan kanina? 

OWEN: Eh kung hindi lang po kasi umalis sina Jake, Brian at Malin, hindi na po kakailanganin pa ang paraan na ito.

GEN. ANGELES: O siya gawin mo na!

OWEN: Opo!

Kaagad hinanap ni Owen ang nasabing Spare Energy. Pagkahanap ay dinistribute niya ito sa lahat ng Systems ng mga Gammachines at iba pang War Vessels.

OWEN: Okay ayos na po!

GEN. ANGELES: Magaling Owen!
___________________________________________________

GAMMA Med…..

SGT. RAMOS: Ang SIGMA na iyon ang siyang susi para mabuksan ang isang bagong sandata laban sa AXIS, isang Special na Weapon ito na sobrang lakas. Ngunit pilit niyang inaagaw sa amin ito upang magamit sa kanyang pansariling interes….

ALICE: Kaya pala ganun na lang ang habol nya sa SIGMA….pero may idea po ba kayo kung sino ang misteryosong nilalang na ito?

SGT. RAMOS: Hindi ko makakalimutan ang pangalan niya…..napakahayop niya….

ALICE: Sino po siya?
__________________________________________________

Lumapag ang Robot sa may Breakwater. Agad na bumaba din ang misteryosong nilalang na sakay nito. Pagkababa ay kaagad na naglakad ito papunta sa tatlong Gammarangers.

GAMMA RED: Hoy, wag mo na ngang itago yang pagmumukha mo! May pigsa ka ba sa mukha?

NILALANG: Ha ha ha ha! Ang hihina niyo pala, kung ganon ay madali ko lang palang makukuha sa inyo ang SIGMA.

GAMMA BLUE: Hoy ikaw! Ikaw siguro ang boss ng gagambang nakalaban namin sa Butuan! Magpakilala ka!

GAMMA YELLOW: Show me your face! Kaya ka siguro nagtatago diyan dahil baka naman mas pangit ka pa kay Sha La La!

NILALANG: Talagang kinukulit niyo ako….buweno, oras na para ipakilala ko ang aking sarili para manahimik na kayo…..

Biglang naglaho ang nilalang…..

GAMMA RED: Huh? Saan siya nagpunta?
GAMMA YELLOW: Waley na?
GAMMA BLUE: Humanda kayo, hindi maganda ang nararamdaman ko dito.

Hanggang sa…

SLASH!!!
SLASH!!!
SLASH!!!

GAMMARANGERS: Aaaaaahhhh!!!!

Sunud-sunod na Blade Attacks ang dumale sa tatlo. Sa bilis ng mga atake hindi nila makita kung saan galing ito. Napaluhod ang Rangers sa sakit.

GAMMA BLUE: Ambilis niya!

Ilang saglit pa ay bigla itong nagpakita sa likuran ni Gamma Blue.

NILALANG: Ako ba ang hinahanap mo?
GAMMA BLUE: Huh?

BAAAAAAAGGGG!!!!

Isang malakas na bayo ang ibinigay ng kalaban sa likod ni Gamma Blue, napakasat ang Ranger sa sobrang sakit. Di pa nakuntento ay tinadyanakn pa nito ang ulo niya.

GAMMA YELLOW: Napaka-bad mo! Yaaaaaah!!!!

Sumugod si Gamma Yellow sa nilalang ngunit nawala ulit ito.

GAMMA YELLOW: Wha---asan?

Saglit na katahimikan habang nakikiramdam ang mga Rangers sa susunod na atake….nang….

GAMMA RED: Malin, sa likod mo!!!
GAMMA YELLOW: Huh?

BOOOOOGGG!!!!

Isang sipa sa likod ang naibigay kay Gamma Yellow, ilang sandali pa ay tinuhod ng nilalang ang Ranger sa sikmura, at saka ibinalibag sa kalsada.

GAMMA RED: Sumosobra ka na!!! Gamma Dagger!

Tumakbo si Gamma Red upang atakihin ang kalaban, ngunit nawala ulit ito.

GAMMA RED: Kaasar! Ang daya mo!

Ngunit bigla iyong nagpakita sa harapan niya…

NILALANG: Sinong madaya?
GAMMA RED: Anong—

BOOOOOOOOMMMM!!!!

Isang malakas na Cannon Blast myla sa kamay ang ibinagsak ng kalaban sa mukha ni Gamma Red, dahilan upang mapatilapon ito sa ere.

Pagkabagsak niya ay bumalik siya sa pagiging Jake. Duguan ang mukha nito.

JAKE: Malas…..hindi namin siya matapatan….

Tatayo na rin sina Gamma Blue at Gamma Yellow ngunit pinaputukan din sila ng Cannon Blast at napatilapon din. Bumalik sila sa pagiging Brian at Malin.

BRIAN: Ngayon lang ako….nakakita ng nilalang na ganyan kalakas….
MALIN: Diyos ko….mukhang kahit mga AXIS Generals panis sa mokong na ito….

Nakahandusay pa rin ang tatlo habang naglalakad papunta sa kanila ang nilalang….

NILALANG: Para kayong mga surot….madaling tirisin….buweno, hindi ko na itatago pa sa inyo ang aking itsura para sa inyong kasiyahan.....

Walang anu-ano ay tinanggal niya ang kanyang talukbong at inihagis sa ere. Bumungad sa harapan ng tatlo ang tunay na itsura ng nilalang…..isang nilalang na kalahating tao at kalahating makina.

JAKE: Isa kang…..Cyborg?
_____________________________________________

NECROMA: Panginoon, nagpakita na sa wakas ang nilalang!

GANELON: Isang siyang Cyborg?

CALYX: Oh….
_______________________________________________

GEN. ANGELES: Yan pala ang itsura ng nilalang….
OWEN: Nakakatakot po pala….

Ilang sandali pa ay pumasok na si Alice sa Database….

ALICE: Sir, kilala ko na kung sino ang nilalang na iyan!

GEN. ANGELES: Kung ganon sino siya?
______________________________________________

Samantala ay unti-unting umurong ang pwersa ng AXIS sa Batanes, Palawan at Zamboanga dahil sa pagkakaisang ginawa ng GAMMA Forces. Maraming AXIS Warbots ang umatras at nasira. Ngunit marami ring pwersa ng GAMMA ang nadale din ng kalaban.

Batanes…..

GAMMA GREEN: Mga kasama! Nanalo tayo! Salamat sa pinadalang lakas ni Owen.

Matagumpay namang nagdiwang ang mga sundalong kasama ni Gamma Green.

GAMMA GREEN: Salamat sa tulong niyo, ngayon ay bumalik na tayo sa ating himpilan.
_______________________________________________

Palawan….

GAMMA VIO: Alright! We managed to make them retreat! Great job guys! Let’s go back home!

MGA SUNDALO: Roger that!
_______________________________________________

Zamboanga…..

GAMMA PATRIOT: Ayos, nagtagumpay tayo! Salamat sa Additional Forces! Tara na, bumalik na tayo sa Base….

At umalis na ang mga natirang pwersa ng GAMMA upang bumalik sa Base…..

Ngunit ilang sandali ay biglang tumawag si Gen. Angeles. Tinawag niya sina Gamma Green, Gamma Vio at Gamma Patriot.

GAMMA PATRIOT: Oh Dad, tapos na po ang laban, nana--

GEN. ANGELES: (nasa kabilang linya) Rangers, pumunta kayo sa Manila Bay ngayon din! Nasa panganib ang mga kasama niyo!

GAMMA PATRIOT: Ano po?! Sige po papunta na kami!
_______________________________________________
GAMMA VIO: On our way Sir!
_______________________________________________
GAMMA GREEN: Okay po!
_______________________________________________

Kung ano ang tagumpay na nakamit nina Gamma Green, Gamma Vio at Gamma Patriot, kabaligtaran naman ang sitwasyon nina Jake, Brian at Malin.

NILALANG: Kapag natapos ko na kayong tatlo, isusunod ko na ang mga kasama ninyo! Kapag nangyari iyon, mapapasakamay ko na ang SIGMA!

JAKE: Ano ba talaga ang habol mo sa SIGMA? Bakit mo ginagawa ito? Isa ka rin bang miyembro ng AXIS?

NILALANG: AXIS? Wala akong pakialam sa AXIS na sinasabi mo. Ang tanging kinasusuklaman ko lang ay ang mga utu-utong sundalong katulad niyo! Kayo na walang ginawa kundi pagsilbihan ang inyong Hukbong Sandatahan! Puro kayo mga hangal! Nagpapailalim kayo sa kanilang kabuktutan!

MALIN: Hah? Anong kabuktutan ang ineechos mo diyan?

BRIAN: Anong pinagsasasabi mo? Sino ka bang talaga?

NILALANG: Tawagin niyo na lang akong……OSMALIK!


Itutuloy…….


No comments:

Post a Comment