Tuesday, March 5, 2013

Mission 26: Lakas ng Kababaihan





Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________


Ang nakaraan sa United Defense Force Gammaranger…..

Nagsagawa ng isang Public Viewing ang UDF Gamma Base bilang pasasalamat sa suporta ng mga mamamayan at sa patuloy na tagumpay nila laban sa AXIS. Dahil dito ay naging bukas ang buong Gamma Base sa publiko, na sinamantala naman ng AXIS. Sa pamamagitan ng bagong Terrozoid ni Megiddus na si Stromazoid, nagawa niyang mapasok ang Gamma Base upang malagyan ng nakalalasong Stroma Pigment ang mga Morphing Badges.

Nang gamitin na ito ng anim na Rangers ay nagdulot ito ng masamang epekto kina Jake, Brian, Scott at Paolo at naging mga masasamang Rangers sila, habang hindi nabigyan ang kina Abby at Malin. Ngayon na naging alipin na ng AXIS ang apat na lalaking Rangers, magawa pa kaya silang mailigtas nina Abby at Malin? Paano nila magagawa ito ngayong napasakamay na ni Megiddus ang kanilang Badges?

Mission 26: Lakas ng Kababaihan

TSAAAKKKK!!!!

Isang malakas na saksak ang biglang ibinigay ng apat sa dalawa….
.
.
.
.
.Ngunit isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa dalawang babae, at nang humupa na ang liwanag,
.
.
.
.
Biglang nawala ang dalawa!

Nagulat sina Megiddus sa pagkawala ng dalawang babae. Maging ang apat na mandirigma ay nagulat din.

MEGIDDUS: Nasaan ang dalawa? Bakit biglang nawala?! Peste naman! Stromazoid, Evil Gammarangers, ituloy na lang natin ang pagwasak sa lugar na ito! Babalik din ang mga iyon at sila naman ang gagawin nating mga kampon!

Ganun nga ang ginawa nila, nagpatuloy na lang sila sa paghahasik ng gulo sa lugar na iyon.
______________________________________

UDF Gamma Base…..

ALICE: Sir, na-activate na po ang Emergency Teleportation Portal.

GEN. ANGELES: Okay, good.

Ilang saglit pa….

BOG!!!!!

Biglang bumagsak mula sa kung saan sina Abby at Malin.

ABBY: Aray!

MALIN: Ouch!

ABBY: Teka, paano kami nakarating dito?

MALIN: Gosh, muntik na kami maging Spare Ribs kanina!

ALICE: Mabuti naman at gumana ang Emergency Teleportation Portal. Nakarating kayo dito on-time.

ABBY: Teleportation Portal?

GEN. ANGELES: Kung hindi pa namin ginamit ang System na iyan, baka napatay na kayo ng inyong mga kasama.

Tila may naalala si Abby.

ABBY: Ang mga Badges! Kailangan naming mabawi ang mga Morphing Badges!

GEN. ANGELES: Sa lagay niyo ngayon, malabong makalaban pa kayo at mabawi ang mga Badges. Sa ngayon ay kailangan muna kayong magpahinga. Mababawi din natin ang mga iyon, maging ang inyong mga kasama.

MALIN: Pero Sir, hindi po pwede iyon! If hindi natin sila pipigilan, masisira na ang mundo, masisira pa ang image ng Gammarangers sa mga tao!

ALICE: Pero malala ang mga pasa at sugat ninyo! Hindi namin kayo papayagan na lumaban na nasa ganyang lagay ng katawan niyo!

GEN. ANGELES: We have no choice but stop them with what is left in our arsenal and personnel.

ABBY: Pero…

GEN. ANGELES: DON’T BE STUBBORN!!! Apat na sa inyong mga kasamahan ang nakuha nila at isa doon ay mismong anak ko pa!!! Kung pati kayo ay mawawala, para niyo na ring inilagay sa pahamak ang depensa ng mundo laban sa AXIS!!!

Natahimik ang dalawa sa sinabi ng Heneral.

GEN. ANGELES: Alice, ipadala mo ang UDF Support Troops. We have no choice but to stop the Brainwashed Gammarangers and that monster. Stop them at all cost!

ALICE: Roger Sir! (lumapit sa Mic) Attention UDF Special Support Troops, mobilize now! Destination South 35 Degrees 54 Minutes West On the Double!

Napatingin sina Abby at Malin sa Heneral na gulat na gulat.

Ilang saglit pa ay….

OWEN: Sir, panoorin niyo po ito! Mukhang nasisira na ang image ng Gammarangers!

Ipinapanood ni Owen sa Heneral ang Live na balita sa nagaganap na kaguluhan sa Caloocan City. Maging sina Abby at Malin ay nanood din.

“…matapos magsagawa ng Public Viewing ang GAMMA ay heto po at nakikita niyo ngayon ang biglang paninira ng mismong mga miyembro ng nasabing organisasyon! Hindi pa matukoy kung ano ang dahilan ng biglaang pagbaligtad ng apat na Rangers pero iisa lang ang ibig sabihin nito….NASA PANGANIB ANG SAMBAYANAN! Kaya pinapayuhan ang lahat ng malapit sa Area of Alarm na magsilikas na para sa inyong kaligtasan! Yan po ang latest update sa nagaganap---“

ABBY: Sir please, payagan niyo kaming pigilan sila at makumbinse na bumalik sa atin!

GEN. ANGELES: Magpahinga na kayo!

MALIN: But Sir---

GEN. ANGELES: SHUT UP!!!

Nagpatawag ng sundalo si Gen. Angeles upang palabasin ang dalawang babae at pwersahang dalhin sa pagamutan.

Habang inilalabas ang dalawa, ay tahimik na nakatingin sila sa Heneral. Sa puntong iyon ay alalang-alala na si Gen. Angeles.
______________________________________

AXIS Mega Base….

Pinagmamasdan ng mga AXIS Generals ang nagaganap na pagwasak nina Stromazoid at ng apat na Gammarangers sa lungsod ng Caloocan.

NECROMA: Aba, mukhang namamangha na ako sa angking galing ni Megiddus!

BALAAM: Nagawa niyang mapailalim sa kanyang kapangyarihan ang apat na Gammarangers…

DYMARO: Pero hindi naman niya nakuha ang dalawa pa sa kanila, kaya hindi pa rin ako kumbinsido.

CALYX: Maghintay lang kayo! Nasa kamay na ni Master Megiddus ang dalawang Morphing Badges ng mga babaeng Rangers, kaya madali na rin niyang mapapailalim sa kanyang kapangyarihan ang mga natira.

Ilang saglit pa ay nagliwanag ang bulwagan at biglang nagpakita si Ganelon. Kaagad namang lumuhod ang lahat.

GANELON: Naniniwala ako sa kakayahan ni Megiddus. Kapag tuluyan nang napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng anim na Gammarangers, magagamit natin sila at ang kanilang teknolohiya upang wasakin ang Gamma Base! Nang sa gayon ay wala ng matitirang depensa ang mundo laban sa atin! Madali nang mapapasaatin ang daigdig at makakamit na rin natin ang inaasam nating Machine Planet!

NECROMA: Tingnan muna po natin ang kalalabasan ng plano niya!

GANELON: Kapag nagtagumpay si Megiddus, siya ang aking magiging ikalawang pinuno!

Sa loob-loob nina Balaam, Necroma at Dymaro, tila nagagalit sila sa papuring nakakamit ni Megiddus. Nais kasi nila na sila ang maging pinuno ng AXIS.
_________________________________________

Takbuhan pa rin ang mga mamamayan ng Caloocan sa patuloy na pananalasa ni Stromazoid at ng apat na Gammarangers. Gamit ang kanilang mga sandata ay pinagsisira nila ang mga gusali, tulay at ari-arian ng nasabing lugar. Iisa lang ang sigaw ng mga biktima:

“Masasama pala ang mga Gammarangers!”
“Kalaban na ang GAMMA!”
“Katapusan na natin! Wala ng magtatanggol sa atin!”

Habang nagaganap ang pagsira ay siyang pagdating naman ng mga UDF Support Troops na pawang mga Infantry Soldiers. Napalingon ang mga kalaban sa mga bagong dating na tripulante. Napalirigan sila ng mga ito sa sobrang dami.

Pumwesto ang mga sundalo upang paulanin ng Laser Blasts ang kabilang kampo.

SOLDIER: Huwag kayong kikilos ng masama! Maaaring kasangga namin kayo, pero ngayon, walang kapatawaran ang ginawang ninyong pagtalikod sa GAMMA!

Tahimik lang na naghihintay ng atake ang apat na Rangers at si Stromazoid.

SOLDIER: Gentlemen, Ready…..Aim….FIII----

SLAAASSHHHH!!!!

Walang anu-ano ay biglang pinugot ni Stromazoid ang ulo ng sundalo, hindi na nakuha pang magpaputok ng mga ito ay naunahan na sila ng mga atake ng halimaw. Sadyang mabilis ito.

Sumugod na din ang apat na Gammarangers at nilabanan din ang mga dating kasanggang sundalo gamit ang kanilang mga sandata. Walang nagawa ang mga sundalo sa malalakas na atake ng kabilang kampo.
_______________________________________

UDF Gamma Base…..

Awang-awa sina Abby at Malin habang pinapanood ang walang-awang pagpaslang sa mga sundalo.

MALIN: They are so spineless!!! Napakahayop nila!

ABBY: Walang awa sila….di ko akalaing magagawa nila iyan!

Maging si Gen. Angeles ay nagulat sa unti-unting pagkaubos ng mga sundalo.

GEN. ANGELES: Alice, we need back-up, ipadala mo na ngayon din!

ALICE: Roger Sir!

Kaagad tumawag ng dagdag na pwersa si Alice. Nagtinginan sina Abby at Malin ng makahulugan, tila may gustong gawin.

Ilang segundo pa ay bigla silang tumayo at tumakbo palabas ng Database.

GEN. ANGELES: De Leon! Ong! Where are you going?!

Hindi nagsalita ang dalawa, bagkus ay tuluy-tuloy lang na lumabas. Tumawag ng sundalo ang Heneral upang pigilan ang pag-alis ng dalawa, ngunit nagawa silang gulpihin ng dalawang babae.

GEN. ANGELES: Ang titigas talaga ng ulo….
________________________________________

Balik sa nagaganap na labanan….

Konting sundalo na lang ang natitira sa mga UDF Support Troops. Tuwang-tuwa naman ang apat na Gammarangers at si Stromazoid sa pagkaubos ng kalaban. Limang sundalo na lang ang natira, kaya dahan-dahang lumapit ang mga tropa ng AXIS sa mga takot na takot na sundalong ito. Napapaatras sila sa kaba at sa takot na pati sila ay patayin….hanggang sa mapasandal sila sa isang pader. Wala na silang ibang matakbuhan, kaya napagkaisahan nilang tanggapin na lang ang kamatayang naghihintay sa kanila.

Nagapwesto na si Stromazoid upang tapusin ang lima……subalit….

“BAAAAAAAANNNNGGGG!!!!”

Tumalsik ang mga kalaban sa biglaang pagdating ng isang malakas na Blast….at nang tumayo ang mga ito, nagulat sila sa pagdating ng mga pamilyar na kaaway….

…sina Abby at Malin, sakay ng kanilang Patrol Vehicles.

MALIN: (lumingon sa limang takot na sundalo) Uy, umalis na kayo dito, dali!

Kaagad na tumalima ang mga ito at sumakay ng Patrol Jeep.

ABBY: Mga wala kayong puso! Walang konsensya!

Base sa dami ng benda sa katawan ng mga babae ay kita ang tindi ng pinsalang natamo nila mula sa laban kanina.

Kaagad nagtipon ang apat na lalaking Rangers at humarap sa dalawang babae. Tumayo na rin si Stromazoid at sinamahan ang apat.

ABBY: Maaaring hindi niyo alam ang inyong ginagawa, pero kailangang matigil na ito! Maraming sibilyan ang nadadamay sa pinaggagagawa ninyo!

MALIN: Sorry mga Kuya, pero away-away muna tayo!

ABBY/MALIN: YAAAAAAHHHH!!!!

Tumakbo pasugod ang dalawa sa mga kalaban, kahit nanghihina ay nakipagsabayan sila sa mga ito, lakas sa lakas.

Kalaban ni Abby si Gamma Red at Gamma Patriot, habang si Malin naman ay si Gamma Blue at Gamma Vio. Manaka-nakang nagpapakawala ng malalakas na Blast si Stromazoid sa mga ito, na lalong nagpahirap sa dalawa. Adrenalin at puso na lang ang tanging nagbibigay-lakas sa dalawang babae.

Habang sila ay naglalaban, tila may narinig na tinig ang dalawa…

“Tulungan niyo kami!”
“Saklolo!”
“Help!”
“Patawarin niyo kami sa ginagawa namin!”

Natigilan sina Abby at Malin sa narinig….pamilyar sa kanila ang mga tinig na iyon.

ABBY: Guys? Kayo ba iyan?

MALIN: Mga Kuya?

Ngunit biglang silang sinipa palayo ng apat, at napakasat ang dalawa sa lapag. Tatayo sana ang dalawa ngunit natigilan sila dahil sa narinig kani-kanina lang.

MALIN: Ate, may narinig ka ba kanina?

ABBY: Oo, parang sila iyon, humihingi sila ng tulong sa atin.

MALIN: So ibig sabihin, hindi pa sila tuluyang na-brainwash!

Magsasalita sana si Abby nang…

BOOOOOMMM!!!!

ABBY/MALIN: AAAAAAAAAHHHHH!!!!

Isang malakas na pasabog ang ibinigay ni Stromazoid sa dalawa, na siyang nagpatilapon sa kanila at lalong ikinapinsala pa nila.

Ngayon ay wala na talagang natitirang lakas pa sina Abby at Malin.

Mula sa paanan nila, kita nila ang unti-unting paglapit ng limang kalaban.

ABBY: Guys tama naaa…..buksan niyo ang mga isip at puso niyo, wag kayo papailalim sa AXIS…..

MALIN: Mga Kuya, alam naming hindi pa kayo tuluyang na-brainwash, kaya please, itigil niyo na ito….

“HINDI NA SILA MAKIKINIG SA INYO!”

Mula sa kung saan ay biglang lumitaw si Megiddus.

ABBY: Megiddus….

MEGIDDUS: Akala niyo ba ay maibabalik niyo pa sa dati yang apat na iyan?

MALIN: Suck on it! Alam naming hindi pa sila tuluyang nabe-brainwash!

MEGIDDUS: Ah talaga? Stromazoid, i-activate ang Maximum Stroma Chip Activity!

Kaagad naglabas ng Stroma Waves si Stromazoid sa apat na lalaking Rangers.

MALE RANGERS: AAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!

Nakuryente ang apat sa natanggap na Stroma Waves galing kay Stromazoid. At dahil dito ay lalo silang lumakas at lalong nawala sa katinuan.

MEGIDDUS: Sugod!!!

Kaagad sumugod ang apat. Dahil wala ng natitirang lakas, minabuti na lang nina Abby at Malin na tumakbo palayo sa mga Evil Gammarangers.

MEGIDDUS: Sige tumakbo kayo! Ha ha ha! Para kayong mga daga na hinahabol ng mga pusa!

Hawak ni Megiddus ang dalawang Morphing Badges at hinahagis-hagis ito sa kanyang mga kamay. Ilang sandali pa ay dumukot ng G.E.A.R. Spider si Megiddus at inihagis kay Stromazoid.

MEGIDDUS: Mas mabuting habang abala ang anim sa pakikipaghabulan, oras na para sirain ang lugar na ito!

Pagkadapo ni G.E.A.R. Spider kay Stromazoid, biglang nagliwanag ito at lumaki, isa na ngayong higanteng Stromazoid ang halimaw.

MEGIDDUS: Ha ha ha! Ang sarap manira ng siyudad nang walang pumipigil na robot Ha ha ha ha!!!

Napalingon sina Abby at Malin sa itaas at laking gulat na lumaki na si Stromazoid at namiminsala na ng malalaking gusali.

ABBY: Naloko na! Lumaki na ang halimaw!

MALIN: Paano na Ate? Walang Gammatron na tatalo sa kanya!

Bago pa nakapagsalita si Abby ay hinarang na sila ng apat na lalaking Gammarangers.
________________________________________

ALICE: Sir, lalong lumala ang sitwasyon. Lumaki na si Stromazoid, and to make matters worse, hindi natin magagamit ang Gammatron dahil wala ang mga Chief Pilots.

GEN. ANGELES: Wala tayong magagawa, we have to use our remaining War Machines. Kahit malabong manalo, kailangang mapigilan ang halimaw. Sana lang talaga ay makaisip ng paraan sina de Leon at Ong upang maibalik sa dati ang kanilang mga kasamahan, lalo na si Paolo.

ALICE: Huwag po kayong mag-alala Sir, magtiwala po tayo sa kanila.

Napatingin si Gen. Angeles kay Alice at tumango.

GEN. ANGELES: Sa ngayon kailangan makahanap tayo ng paraan para masira ang Brainwash. Mobilize all War Ships Now!
_________________________________________

Sa isang madilim na eskinita ay naroroon sina Abby, Malin at ang apat na Rangers. Napaligiran na sila ng apat habang hawak ang mga sandata nila.

ABBY: Alam niyo hindi naman tayo dapat naglalaban eh. Wala na ba talaga kayong naaalala? Magkakasama tayo…ikaw Fonseca, kung alam mo lang kung gaano ako nasusuklam sa kayabangan mo! Pero still, di pa rin kumpleto ang Team kung wala ka, isa ka sa pinakainteresanteng taong nakilala ko. A natural born leader.

Tila natigilan si Gamma Red sa narinig.

MALIN: Kuya Brian, ikaw na ata ang pinakaboring na tao sa team, masyado ka kasing seryoso. Pero alam mo, ikaw ang isa sa pinakamapagmalasakit na tao sa buong GAMMA, idol talaga kita.

Hindi kumilos si Gamma Blue. Tila may biglang sumagi sa kanyang alaala.

ABBY: Scott, you are one of the coolest guys I’ve ever met. You are perfect gentleman, although you suck at Tagalog. You are the strength of our team.

Napahawak sa ulo si Gamma Vio at tila napapaisip.

MALIN: Kuya Pao, makinig ka, nag-aalala na ang daddy mo sa iyo…si General…kahit nung una alangan kami na pakisamahan ka dahil dati kang kaaway, pero isa ka sa pinakamabait na member ng team. Isa ka rin sa pinakagwapo hi hi hi.

Maging si Gamma Patriot ay napayuko.

Ilang saglit pa ay nagliwanag ang katawan ng apat na mandirigma. Tila may kuryenteng dumadaloy sa kanilang katawan.

MALE RANGERS: AAAAAAAAHHHHH!!!! (sabay hawak sa ulo)

Unti-unting lumuluhod ang apat habang hinahawakan ang ulo. Matapos iyon ay bigla silang napadapa.

ABBY: Mga kasama!

Lalapitan na sana nina Abby at Malin ang apat nang….

FLAAAASSSHH!!!

Isang malakas na Thunderbolt ang bumulaga sa dalawa. At mula sa harapan nila, biglang nagpakita si Megiddus.

MEGIDDUS: Ang kukulit ninyo. Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na hindi niyo na mababago pa ang isip ng mga iyan!

MALIN: You son-of-a-bitch! Wala kang kasing-sama!

MEGIDDUS: Nakikita niyo ba ito? (ipinakita ang dalawang Morphers) Ha ha ha! Kung ako sa inyo, sumanib na kayo sa amin gaya ng mga kasama ninyo…Para tapos na ang usapan. Sige kayo, malapit nang mabura ni Stromazoid sa mapa ang siyudad na ito!

Ipinakita ni Megiddus ang nagaganap na pakikipaglaban ng mga GAMMA War Ships kay Stromazoid, kitang-kita kung papaano nilalampaso ng halimaw ang mga sasakyan.

MEGIDDUS: Papaano niyo maililigtas ang mga tao kung ang Gammatron ay wala? Ano, mamili kayo, sasali kayo sa amin, o tatapusin namin kayo at sisirain ni Stromazoid ang lugar na ito?!

Saglit na nag-isip ang dalawang babae. Naiipit na sila sa sitwasyon.

MALIN: (bumulong) Ate, sumuko na kaya tayo?

ABBY: Hmmmm…..

MEGIDDUS: Ano na? Bibilang ako ng lima, Isa….Dalawa….Tatlo…..Apat…..

ABBY: Tama na! Gusto mong malaman ang sagot ko? Puwes heto…..HINDI! Hindi kami aanib sa mga tulad ninyong walang awa kung pumatay ng tao ay nanlalamang ng kapwa para manalo! Mga hayop kayo!

MEGIDDUS: Kung ganon…..Evil Gammarangers, Paslangin niyo na ang mga yan!!!
Muli ay bumangon ang apat na Gammarangers, pinulot ang kanilang mga sandata at akmang tatapusin na ang dalawa.

ABBY: Nakahanda kaming mamatay na lumalaban para sa kapayapaan!

MEGIDDUS: Ano pa ang hinihintay ninyo? Sugod na!!!

Iwinasiwas ni Gamma Red ang kanyang Gamma Dagger…..
.
.
.
.
.
.
Biglang hinampas niya ang kanyang sandata sa kamay ni Megiddus! Dahilan upang tumilapon ang mga Morphers sa ere….

GAMMA RED: Girls, saluhin ninyo!!!

Taranta man ay sumunod ang mga babae at sinalo ang kanilang mga Badges.

MEGIDDUS: Anong ibig sabihin nito?

Susugod sana si Megiddus ngunit hinarang siya nina Gamma Patriot, Gamma Vio at Gamma Blue.

GAMMA PATRIOT: Kung inaakala mo na tuluyan mo na kaming mauuto, nagkakamali ka!
GAMMA BLUE: Nakakalimutan mo na bang kami ang Gammarangers, at ang tanging kalaban namin ay ang AXIS!
GAMMA VIO: We are here to protect the people, not to destroy them!

MEGIDDUS: Imposible!!! Paano nangyari iyon?!

Muli ay nagsama-sama ulit ang anim na Gammarangers.

MALIN: Mga Kuya!

ABBY: Guys…namiss namin kayo.

GAMMA RED: Ha ha ha! Akala niyo nabuwang na kami ano?

MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Akala niyo ba maiisahan ninyo ako? Baka nakakalimutan niyo na hindi pa nawawala ang Stroma Chips sa katawan niyo!!! Oras na maactivate ulit ang Circuit ng Microchips ay babalik kayo sa pagiging Brainwashed!

GAMMA BLUE: Ano?!

ABBY: Tama na ang litanya mo! Hindi ka namin mapapatawad sa pagkontrol sa emosyon ng aming mga kasamahan!

MALIN: Korek!

ABBY: Malin, ready?
MALIN: Okie!
ABBY/MALIN: GAMMAMODE, ACTIVATE!!!

Nagbagong-anyo na sina Abby at Malin upang maging Gamma Green at Gamma Yellow.

GAMMA RED: Ayos, buo na ulit ang tropa!
_______________________________________

ALICE: Sir maraming War Ships na natin ang nasira ng Giant Stromazoid!

GEN. ANGELES: Deploy additional Firepower! Send off Special Airborne Forces!

ALICE: Roger Sir!

Kaagad tumawag ng dagdag na pwersa si Alice upang lumaban sa halimaw.

GEN. ANGELES: Musta ang Rangers?

ALICE: Sir, positive! Bumalik na sa normal ang pag-iisip nila…pero hindi pa tuluyang nasisira ang Stroma Chips sa kanilang katawan.

GEN. ANGELES: Any way para masira ito?

ALICE: Base sa analysis ko, hindi kayang ideactivate ang Chips through System Manipulation….ang tanging paraan lang ay sirain ito physically.

GEN. ANGELES: Ano? Ibig mong sabihin—

ALICE: Tama po. No other choice kundi saksakin ang parte ng katawan na kinaroroonan ng Microchip. Ang mas masaklap, kapag nasira ang Chip, malaking damage din ang idudulot nito sa katawan ng tao.

GEN. ANGELES: Diyos ko….
_____________________________________

MEGIDDUS: Lalabanan niyo akong lahat? Aba sige lang ha ha ha! Maya-maya lang burado na sa mapa ang lugar na ito dahil kay Giant Stromazoid!

Pinaligiran si Megiddus ng anim na Gammarangers.

GAMMA GREEN: Hah, huwag ka ng papalag pa! Wala ka ng kawala ngayon!

MEGIDDUS: Ow talaga? E kung kayo ulit ang maglaban-laban? Mas masaya iyon!

Naglabas ng malakas na Shock Wave si Megiddus at pinatama sa apat na lalaking Rangers. Nasaktan ang mga ito.

MALE RANGERS: AAAAAAHHHH!!!!

GAMMA GREEN: Huh?
GAMMA YELLOW: Guys!

Dahil sa lakas ng Shock Wave, muling nagising ang Stroma Chip sa katawan nila, kaya muli ay bumalik sila sa pagiging Brainwashed. Dahil dito ay nilabanan ulit nila ang dalawang babaeng Rangers.

GAMMA GREEN: Hayan nanaman sila!
GAMMA YELLOW: Kalimot mode nanaman!
______________________________________

Sa mga oras na iyon ay patuloy na nakikipagsagupa ang GAMMA War Ships sa Giant Stromazoid….kahit dehado ay napipigilan naman ng mga ito ang mas malalang pagwasak ng halimaw.
______________________________________

Wala ibang maisip ang dalawang babae kundi lumaban. Si Megiddus naman ay masayang pinagmamasdan ang labanan ng dalawang panig. Napasaldak sa pader ang dalawang babae dahil sa lakas ng sipa ng apat.

GAMMA GREEN: Kainis, kailangang makaisip ng paraan kung papaano matanggal ang epekto ng Stroma Chips!

Ngunit biglang nagsalita si Alice mula sa kabilang linya.

ALICE: Abby, Malin, makinig kayo! Alam ko na kung paano masira ang Stroma Chips sa kanilang katawan!

GAMMA GREEN: Papaano?

ALICE: Hindi natin siya makukuha sa Systems Manipulation. Ang tanging paraan lang ay sirain ito sa mismong katawan nila! Saksakin niyo ang sentro ng kanilang dibdib dahil nandoon ang Chip!

GAMMA YELLOW: Ano? Hindi ko kaya iyon Ate Alice! Mamamatay din sila!

ALICE: Pero wala ng ibang paraan! Gawin niyo na!

At nawala sa kabilang linya si Alice.

GAMMA GREEN: Alice sandali! Alice!

Narinig din pala ng apat ang sinabi ni Alice dahil boradcasted ang kanyang mensahe sa anim na Rangers.

GAMMA BLUE: Tama si Alice! Nasa (uuhhh) dibdib namin ang Chip, saksakin niyo ang dibdib namin para mawala na ito!

Ang kanyang sabi habang nagtatalo ang kanyang katinuan at ang epekto ng Stroma Chips.

GAMMA YELLOW: No Kuya! Hindi namin kaya, mamamatay din kayo!

Nawiwindang ang apat dahil pilit nilang nilalabanan ang epekto ng Microchip.

GAMMA GREEN: Pero---

GAMMA RED: Bilisan niyo!!! (aaaarrrgghh) Saksakin niyo na kami! Bago pa kami tuluyang lamunin ng chip na ito! (aaaahhh)

MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Papatayin ninyo ang inyong kasamahan? Tingnan ko lang kung kaya niyong gawin yan!

GAMMA PATRIOT: Gawin niyo na!
GAMMA VIO: Do it now before we will lose our sanity!

GAMMA YELLOW: Ate….

GAMMA GREEN: Wala ng choice Malin….gawin na lang natin….

Kaagad hinawakan ng dalawa ang kanilang Gamma Daggers. At habang nawiwindang pa ang apat ay biglang tumakbo ang dalawa at….

GAMMA GREEN: PATAWAAAD!!!

TSSSSAAAAAKKKK!!!!

MEGIDDUS: ANO??!!

Sinaksak ni Gamma Green si Gamma Red at Gamma Patriot, habang ganun din ang ginawa ni Gamma Yellow kina Gamma Blue at Gamma Vio. Nasaktan ang apat sa natamong saksak, at sila ay nabuwal at nawalan ng malay.

GAMMA YELLOW: Mga Kuya….

GAMMA GREEN: Diyos ko….ano ba ito?

Gulat na gulat si Megiddus sa ginawa ng dalawa

MEGIDDUS: Imposible! Paano niyo nalaman kung paano masisira ang Stroma Chips?!

GAMMA GREEN: Hindi namin ginusto ito, pero kung ito lang ang paraan para masira ang Brainwash, gagawin namin! Ngayon ikaw naman ang isusunod namin!

Sumugod sina Gamma Green at Gamma Yellow kay Megiddus. Nakipagsabayan ang dalawa sa pakikipaglaban sa AXIS General. Subalit lubhang malakas ito kumpara sa dalawang Rangers, kaya nadaig ng kalaban ang mga ito. Napahandusay na lang sila at inapakan ni Megiddus.

MEGIDDUS: Ha ha ha! Ano mga basura? Hanggang diyan na lang ba kayo?! Hah?! (sabay hampas ng kanyang sandata sa ulo ng dalawa)

MEGIDDUS: Ngayon magsama-sama kayong anim sa impiyerno!!!

BAAAAAANNNNGGG!!!!!

Nagulat si Megiddus nang may bumaril mula sa kanyang likod, kaya napaluhod siya. Paglingon niya, nagulat siya nang makita si Gamma Patriot na nakatayo habang hawak ang Pyrrovolver.

GAMMA PATRIOT: I-postpone mo muna yan, demonyo!

MEGIDDUS: Buhay ka?!

“PATI KAMI!”

Mas nagulat siya ng makita sina Gamma Red, Gamma Blue at Gamma Vio na nakatayo na rin. Bakas sa dibdib nila ang saksak ng Gamma Dagger base sa mga biyak sa Armor…

GAMMA YELLOW: Mga Kuya!!!
GAMMA GREEN: Guys!

GAMMA RED: Langhiya kayo, ang sakit niyo naman manaksak! Muntik na tumagos sa dibdib ko!
GAMMA VIO: Good thing I am wearing my bullef-proof vest!

Kaagad tumayo ang dalawang babae at sinamahan ang mga lalaki.

GAMMA RED: Salamat sa ginawa ninyo! Nasira na ang Stroma Chips!

GAMMA YELLOW: Buti naman at nawala na ang Brainwash!

Napalingon sila sa patuloy na pagsira ng higanteng Stromazoid sa ere.

GAMMA RED: Mukang kanina pa yang hinayupak na iyan ah! Guys, Gammatron time!

Kaagad tinawag ng lima ang kanilang mga Gammachines…

MEGIDDUS: Sandali! Hindi niyo magagawa iyan---

GAMMA PATRIOT: Saan ka pupunta? Ako harapin mo!

Naharang ni Gamma Patriot si Megiddus. Wala ng nagawa ang kalaban kundi labanan ang Ranger.
________________________________________

Patuloy ang pananalasa ng Stromazoid sa Caloocan City. Halos buong siyudad ay napinsala niya ng husto….ngunit bago pa niya makapaminsala pa…..

BOOOOOOOOMMM!!!!!

Natamaan siya ng isang malakas na Mega Cannon Blast sa likod. At paglingon nito…..

….naroon na ang Gammatron!

GAMMA RED: Gulat ka ano?! Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagkontrol sa mga isip namin! GAMMA CHOPPER BLADE!

Gamit ang Chopper Blade ay pinagtataga nito ang katawan ni Stromazoid. Nasaktan ang halimaw at napadapa.

GAMMA VIO: Let’s not delay this battle!
GAMMA BLUE: Tapusin na natin ito!

Biglang tumakbo ang Gammatron sumugod sa halimaw, ngunit biglang naglabas ng Stroma Pigment ito at nabalot ang buong Gammatron.

RANGERS: AAAAAHHHH!!!!

GAMMA RED: Ito ang---

GAMMA YELLOW: Eewww!!!

Sa sobrang dikit ng Stroma Pigment ay hindi makagalaw ang Gammatron.

GAMMA BLUE: Naglock ang Mechanical System ng Gammatron! Hindi tayo makagalaw!

GAMMA GREEN: Naloko na!

GAMMA RED: Anak ng tinapa!

Na siyang sinamantala naman ni Stromazoid. Pinagtatadyak nito ang Gammatron at pinagsusuntok, hindi makalaban ang robot.

RANGERS: AAAAAHHHH!!!!!

Natumba ang Gammatron sa lakas ng atake ng halimaw. Nang matumba ang robot ay naglabas pa ng malalakas na Stroma Waves ang halimaw, dahilan upang magtamo ng massive damage ang Gammatron.

GAMMA RED: Langhiya kang burnik ka!

GAMMA VIO: What shall we do?

Hindi nagtagal ay tumigas na ang Stroma Pigment at naging parang semento itong kumapit sa Gammatron. Sinamantala ito ng Stromazoid at pinagtatadyak ang robot.

GAMMA YELLOW: Oh nooo….paano na ‘to?

GAMMA BLUE: Kailangang makaisip ng paraan….

Tila may naisip si Abby…

GAMMA GREEN: May naisip ako! Tawagin natin ang Thunder Loader at Falcon Blazer!

GAMMA RED: Sabay?

GAMMA GREEN: Oo, bahala na muna ang Falcon Blazer sa halimaw habang sisirain ng Thunder Loader ang Stroma Pigment sa Gammatron!

GAMMA RED: Sabi mo eh! Thunder Loader, Falcon Blazer Mobilize!

Pagkapindot ng isang Button ay kaagad dumating ang dalawang Gammachines. Habang lumilipad sa ere ay nagpaulan ng atake ang Falcon Blazer sa Stromazoid upang gambalain ito.

GAMMA RED: Okay Thunder Loader, activate Loader Bombers!

Nagpaputok ang Thunder Loader ng Loader Bombers sa Gammatron at kaagad nasira ang Stroma Pigment sa katawan nito.

GAMMA YELLOW: Yehey! We’re carefree!
GAMMA GREEN: Ngayon ikaw naman Stromazoid!

Nakatayo ulit ang Gammatron habang patuloy na umaatake ang Falcon Blazer sa Stromazoid.

GAMMA YELLOW: Kuya Jake, di ba mas bongga kung pagsamahin natin ang Gammatron, Falcon Blazer at Thunder Loader?

GAMMA RED: Pwede! Pero paano? Wala pang binibigay na Program si Owen?

Biglang….

“WAIT WAIT WAIT! NAKAHANDA NA IYAN!”

RANGERS: Owen?!

Nagulat ang Rangers nang biglang lumitaw si Owen sa Screen ng Control Panel ng Gammatron.

OWEN: May program na para diyan! Sandali isesend ko sa inyo ang Armada Configuration!

Ilang segundo lang ay naupload na ni Owen ang Program sa Control Panel ng Gammatron.

GAMMA RED: Salamat Owen! Form the Armada!

Ilang saglit pa ay nagkaroon ng malaking Force Field na bumalot sa Gammatron, bigla ring lumapit ang Falcon Blazer at Thunder Loader dito. Binuo ng Falcon Blazer ang Chest Piece, naghati-hati naman ang Thunder Loader upang dumugtong sa mga braso at paa, at ang ulo ng Thunder Loader ang nagbigay ng bagong helmet sa Gammatron….

…..at muli ay nabuo ang isang malaki at napakalakas na robot…..ang Armada Gammatron.

GAMMA YELLOW: Wow Owver!
GAMMA VIO: This is badass!
GAMMA GREEN: Ang galing!
GAMMA BLUE: Ang taas ng Energy Level!
GAMMA RED: Ano ulit ang tawag dito Owen?

OWEN: Yan ang Armada Gammatron! Mula sa chest niyan ay mayroong isang Armada Giga Wave na kayang pasabugin ang kalaban sa isang iglap lang! Gamitin niyo na!

GAMMA RED: Armada Gammatron pala….Okay Rakrakan na!!!!

Kaagad lumapit ang Armada Gammatron sa Stromazoid, kahit anong ibato ng halimaw ay hindi tinatablan ang super robot.

GAMMA RED: Ayoko ng patagalin ito! Armada Giga Wave!

Biglang bumukas ang gitnang bahagi ng robot at naglabas ito ng sobrang liwanag na blast na sumilaw sa halimaw.

RANGERS: GIGA WAVE!!! FIIIIIRRREEEE!!!!!

Isang buhos lang nito ay….

BOOOOOOOOOOMMMMMMM!!!!!!

Sabog agad ang kalaban…..
__________________________________________

OWEN: Nagawa nila!

ALICE: Buti alam pala ni Malin ang tungkol sa Armada Program.

OWEN: Wala akong sinasabi sa kanya, madiskarte lang talaga siya.

GEN. ANGELES: Maging si De Leon din ay mahusay ang naisip na ideya…..Pero ang importante ay nakamit natin ang tagumpay at bumalik na sa normal ang apat na Rangers.
___________________________________________

Samantala….

GAMMA PATRIOT: Ano suko ka na?! Wala na ang halimaw mo! Kita mo naman kung paano siya ututin ng robot namin!

Tanong ni Gamma Patriot nang madaig niya si Megiddus sa laban.

MEGIDDUS: Leche kang ingrato ka! Hindi pa tayo tapos! Gaganti ako sa iyo Angeles!!!

At biglang naglaho si Megiddus.

GAMMA PATRIOT: Kahit kailan talaga duwag iyon!

Ngunit biglang…..

BLAAAAAGGG!!!!

GAMMA PATRIOT: AAAHHHHH!!!!

Isang malakas na hagupit ang natanggap ni Gamma Patriot mula sa kung saan. Napahiga ito at nagpagulong-gulong sa sobrang lakas.

GAMMA PATRIOT: Anong----sino iyon?!

Ilang sandali pa ay tumambad sa kanyang harapan ang isang misteryosong nilalang na nababalot ng itim na talukbong.

GAMMA PATRIOT: Sino ka?

NILALANG: Ha ha ha ha! Alam kong nasa sa inyo ang hinahanap kong SIGMA…pero saka ko na lang babawiin kapag dumating ang tamang oras!

Ilang sandali pa ay naglaho ang nilalang….

GAMMA PATRIOT: Teka sandali! Hoy! Sino ka?!

At naiwan doon si Gamma Patriot na tulala.
_________________________________________

UDF Gamma Base….

Sa loob ng Database….

JAKE: Sir, sorry po talaga….hindi naman po namin alam ang ginagawa namin eh….
BRIAN: Oo nga po, wala po kami sa katinuan nun…
SCOTT: Oh please Sir, have mercy on us….we are insane….
PAOLO: Dad naman, parang awa niyo na….oo na nagsisisi na kami…..

Ito ang hinaing ng apat habang sila ay naka-squat habang may nakalagay na hollow blocks sa ibabaw ng braso.

GEN. ANGELES: Nasira ang Public Viewing dahil sa inyo! Pati image ng Gammarangers nadamay sa kalokohan ninyo! Straight!!!

Sa isang tabi ay pinipigilan naman nina Alice at Owen ang humalakhak.

Lumapit sina Abby at Malin at sumitsit sa Heneral.

ABBY: Ahhmm…Sir, baka naman pwede na po silang pagpahingain…tutal hindi naman po nila gusto ang nangyari sa kanila….

MALIN: Oo nga po Sir, kawawa naman po sila….

Saglit na nag-isip ang Heneral.

GEN. ANGELES: Okay Cadettes, Carry on!

JAKE: Haaaay natapos din….

Kaagad tumayo ang apat at sumaludo.

“PUNISHMENT HAS BEEN ACCOMPLISHED SIR!!!”

GEN. ANGELES: Okay! Dismiss!

“YEHEY!” At masayang naglundagan ang mga lalaki.

ALICE: Pero ang bida ng araw na ito ay walang iba kundi sina Abby at Malin!

Kaagad nilapitan ng apat ang dalawang babae at nag-Group Hug.

ABBY: Kayo ha, di na kami makahinga!

MALIN: Hi hi hi! Thanks guys!

BRIAN: Mabuhay ang mga Female Cadets!!! 

ALL: MABUHAAAAYYY!!!!
_______________________________________

Kinagabihan, habang abala si Gen. Angeles sa pagmonitor ng Vicinity, ay pumasok si Paolo at kinausap ito.

PAOLO: Dad….

GEN. ANGELES: Oh Pao, bakit gising ka pa?

PAOLO: Ummm....Kanina po kasi, pagkatapos ko makalaban si Megiddus, may misteryosong nilalang na umatake sa akin.

GEN. ANGELES: Nilalang?

PAOLO: Opo, at sabi niya, hinahanap daw niya ang SIGMA. Ano po ang SIGMA na iyon Dad?

GEN. ANGELES: SIGMA? Hindi kaya yung nakuha ni Tavarez nung Shipwreck Incident? Teka tatawagin natin si Tavarez.

Kaagad pinatawag si Brian sa Database….

“ATTENTION CADETTE CAPTAIN BRIAN TAVAREZ, PLEASE PROCEED TO THE DATABASE…”

Ilang sandali pa ay pumasok sa Database si Brian na halatang nasira ang tulog.

BRIAN: Sir! (saludo)

GEN. ANGELES: Tavarez, naalala mo pa ba ang nakuha mong Project SIGMA after ng Shipwreck Incident?

BRIAN: Ah opo! Hindi ba’t nakatago na po iyon dito sa Database? Bakit po?

PAOLO: Kanina kasi habang naglalaban kayo ng halimaw, at pagkatapos ko makalaban si Megiddus, may misteryosong nilalang ang umatake sa akin, at hinahanap ang SIGMA.

BRIAN: Nilalang? Baka isa nanamang tauhan ng AXIS yan. Or baka naman nabuhay ulit ang halimaw na nakaengkwentro namin doon...

PAOLO: Pero nakatalukbong siya kaya hindi ko malaman ang itsura.

GEN. ANGELES: Hindi tayo nakakasiguro kung AXIS iyon o hindi, pero isa lang ang naiisip ko…..MAY BAGONG PANGANIB….
________________________________________

Sa isang malayong dako ay naroroon ang misteryosong nilalang at nakatanaw sa buong Gamma Base…

NILALANG: Malapit na Gammarangers….malapit na…..



Itutuloy……

No comments:

Post a Comment