Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
Ang nakaraan
sa UDF Gammaranger…..
Umatake si
Osmalik sa GAMMA Base upang agawin ang Sigma Project na dala ni Brian noong
nakaraan. Nakipagsagupa ang Gammarangers sa kanyang Odiah Ultimus, habang
sinamantala niya ang pagkakataon upang looban ang Base. Doon ay nakaharap niya
sina Gen. Angeles at mga kasama nito at nagbantang papatayin sila kapag hindi
naibigay ang gusto nito.
Upang
mailigtas si Alice sa pagkaka-hostage kay Osmalik, nanlaban si Charlie 9 at
sinunggaban ang ulo ng kalaban, ngunit nagawa siyang barilin ng AXIS General at
masira. Naidala ni Osmalik ang Sigma sa AXIS Mega Base at nakipagkasundong
ibibigay ang Sigma kapalit ng pagiging ikalawang pinakamataas na opisyal ng
imperyo. Nagpadala ang AXIS ng isang Terrozoid na nagngangalang Molluskazoid
upang pagurin ang Gammarangers. Nagtagumpay ang halimaw na pahirapan ang anim
na kadete at siya namang dating ng mas pinalakas na AXIS Generals.
Subalit nang
tatapusin na ng AXIS ang Rangers…..isang misteryosong mandirigma ang dumating.
_________________________________________________
Nagulat ang
lahat ng naroroon nang lumapag mula sa isang gusali ang isang bagong
mandirigma.
PAOLO: Huh?
SCOTT: Who the hell is that?
ABBY: Kasangga ba natin?
JAKE: Hindi ko alam…
MALIN: Oh my….
BRIAN: Isa nanamang….cyborg?
Naging
alerto ang AXIS nang makita ang mandirigmang nanggambala sa kanila.
NECROMA: Sino ka?!
MEGIDDUS: Ang lakas ng loob mong mang-istorbo!
OSMALIK: Sumagot ka!
Ilang sandali
pa ay nagsalita ito…
“Six Targets
Locked On!”
Itinaas nito
ang dalawang kamay, sabay pakawala ng malalakas na Sigma Torpedoes na kaagad
dumerecho sa anim na kalaban.
ZOOM! ZOOM!
ZOOM! ZOOM!!!
BOOOM!
BOO-BOO-BOOOM!!!
“AAAARRRRGGGHHH!!!”
Napatumba ng
kaunti ang limang AXIS Generals at si Molluskazoid dahil sa natamong mga atake.
NECROMA: Pakialamero! Molluskazoid, tapusin ang bastardong iyan!
Kaagad
bumangon si Molluskazoid at nagtangkang sipsipin ang lakas ng bagong dating,
ngunit kaagad naunahan nito ang halimaw at umilag, sabay sipa sa paa nito.
Napatumba si Molluskazoid, at hindi pa ito nakakabangon at bumanat ng isang Big
Shooter ang mandirigma patutok sa halimaw, na siyang puminsala ng husto sa
Terrozoid.
CALYX: Molluskazoid!
OSMALIK: Mga kasama, sabay-sabay natin siyang puksain--
DYMARO: Huwag mo kaming utusan, gago ka!
Kaagad
pinalibutan ng lima ang bagong mandirigma at sabay-sabay na pinaulanan ng
kani-kanilang mga atake galing sa kanilang bagong Armor.
BRAAATATATATATATA---!!!
BOOOM!!!
BOOM!!! BOOM!!!
BANG-BA-BA-BANG!!!
ZOOOOMMMM!!!!
Hanggang sa
nabalot na ng usok ang kanilang target. Samantala, walang magawa ang anim na
sundalo kundi manood na lang sa mga pangyayari.
BRIAN: Ano ba talaga ang nangyayari dito?
PAOLO: Hindi ko na rin maintindihan…
Patuloy ang
ginagawang pagpapasabog ng limang AXIS Generals sa bagong dating, hanggang
ilang sandali pa ay tumigil ang mga ito. Nabalot ng usok ang buong paligid.
CALYX: Mukhang tumba na siya.
MEGIDDUS: Alerto kayo, hindi pa tayo nakasisiguro.
Unti-unti ay
humupa ang usok, at laking gulat nila nang makitang nakatayo pa rin ang
misteryosong mandirigma at tila walang nangyari dito.
NECROMA: ANO?!
DYMARO: Hindi maaari!!!
OSMALIK: Imposible!
Nagulat din
ang anim na sundalo sa nakita.
MALIN: Gosh, ni hindi man lang siya napano!
SCOTT: That’s insane! He took all those attacks without missing a beat?
JAKE: Anong klaseng robot ba iyan?
Maya-maya pa
ay kumibo ang mandirigma.
“Initializing
Counter Attack!”
Biglang
nagsibukasan ang mga balikat, dibdib at braso nito, at saka lumabas ang mga
iba’t-ibang mga sandata nito.
“Lock-on
Targets….FIRE!”
BOOOOMM!!!
BRAAATATATATATA---!!!
BAAAM!
BAAAM!!!
Malalakas na
atake ang biglang iginanti ng mandirigma sa limang AXIS Generals, dahilan upang
mapaatras ang mga ito. Kahit umilag pa ang mga ito ay natatamaan pa rin sila ng
mga GPS Operated Sigma Torpedoes na pinakawalan ng mandirigma, hanggang sa
mapaupo sila sa sobrang pinsala.
ALL: AAAAAAHHHH!!!!
MEGIDDUS: Masama ito! Kasinlakas niya ang mga atakeng ibinibigay natin!
DYMARO: Hindi tayo pwedeng umupo na lang dito at tumunganga! Lalaban
tayo!
NECROMA: Kung ganoon mauna na kami ni Calyx. Tara na!
CALYX: Sige!
Kaagad
bumangon sina Necroma at Calyx at sumugod sa bagong dating na mandirigma.
NECROMA: Tignan natin ang galing mo, bastardo!
CALYX: Tikman mo ito! Yaaaaahhh!!!
Nagpakawala ng Electron Deathwave at Sonic Bommerang sina Necroma
at Calyx at pinatamaan ang kalaban, ngunit umilag ito at napaupo.
“Initializing Copy….Paste!”
Pagkatapos noon ay sabay-bigay din ito ng parehong atake din.
Nagulat ang lahat sa nakita. Nagpakawala din ito ng Electron Deathwave at Sonic
Boomerang.
BOOOMMM!!!! BOOOOMMM!!!
Mabuti na lang at nakaiwas din ang dalawang AXIS Generals.
CALYX: Muntik na tayo!
NECROMA: Imposible! Gumanti siya
ng atakeng kapareho ng atin---
Ngunit bago pa nakapagpatuloy si Necroma ay nasakal na sila ng
mandirigma at inangat paitaas.
CALYX: *uuulllkkk* Bitawan mo
kami!
NECROMA: Mandaraya ka!
Walang anu-ano ay uminit ang kamay ng mandirigma dahil sa
Microwave Hands nito na siyang nagpapaso sa leeg nina Necroma at Calyx.
NECROMA / CALYX: AAAAAAHHHHH!!!!
Sabay bitaw
sa dalawang babaeng mandirigma. Naglulupasay naman sa sobrang sakit sina
Necroma at Calyx.
DYMARO: Necroma! Calyx!
MEGIDDUS: Ang mabuti pa tayo naman ang umatake!
OSMALIK: Mabuti pa nga! Palibutin natin siya!
Pinalibutan
ng tatlong natitirang AXIS Generals ang mandirigmang iyon. Nag-iisip naman sila
ng paraan kung paano atakihin ito.
OSMALIK: Palagay ko hindi na uubra ang mga Firearm Attacks. Gamitin natin
ang mga Built-in Blades na upgrades sa atin ng SIGMA.
MEGIDDUS: Subukan natin!
Kaagad
tumakbo ang tatlo at sinimulang lansihin ang mandirigma, sabay labas ng
kani-kanilang Built-in Blade Daggers at pinagtataga ng sunud-sunod ang
mandirigma. Hindi naman kumikilos ang mandirigma at tila tinatanggap lang ang
mga atakeng natatamo.
BRIAN: Hindi, hindi siya makasabay sa atake nila. Hindi ba natin siya
tutulungan?
JAKE: Wala na rin naman tayong lakas para tumulong, nahigop nang lahat
nung higanteng suso. Ang magagawa lang natin ay panoorin ang mga nangyayari.
Ngunit ilang
saglit pa ay kumilos ang mandirigma at nagpakawala ng Energy Shock na
nagpatilapon sa tatlong kalaban.
BAAAAAAMMM!!!
ALL: AAAARRRGGGHHH!!!
Hindi pa
nakakabangon si Dymaro ay bigla na siyang sinugod ng mandirigma at saka
dinampot ang ulo nito at inihampas sa isang pader.
BAAAAAAMMMM!!!!
Nasaktan ng
husto si Dymaro sa pagkakabagsak. Samantala si Megiddus naman ay susugod sa
likod ng manridigma at akmang maglalabas ng Hell Bomb, ngunit kaagad umilag ang
target at tumama ang mga Hell Bombs kay Dymaro.
DYMARO: AAAAHHHH!!!!
MEGIDDUS: Ambilis niya----aaaaahhhh!!!!
Sinakal si
Megiddus ng mandirigma at gaya ng ginawa kina Necroma at Calyx ay napaso ang
leeg nito sa Microwave Hands nito. Napahandusay sa sobrang pinsala si Megiddus.
OSMALIK: Humanda kaaaa!!!!
Sumugod si
Osmalik sa kalaban, at gamit ang kanyang Light Saber, pinagtataga nito ang
mandirigma, at dahil sobrang bilis ni Osmalik ay hirap umilag ito.
OSMALIK: Ano, hihirit ka pa, hah?! Wala ka nang magagawa pa sa bilis ng
mga atake ko! Pipira-pirasuhin kita at ipapakilo sa basurero!
SCOTT: Oh no…
PAOLO: Lumaban ka!
JAKE: Gumanti ka boy! Mas malaki ang manoy mo kesa sa hinayupak na yan!
Tila narinig
naman ng mandirigma ang sinabi ng mga sundalo, kaya kumilos ito at lumayo kay
Osmalik.
OSMALIK: Ha ha ha! Ano, suko ka na ba? Kung ganon ibabasura na kita!!!
Akmang
susugod si Osmalik nang magsalita ang mandirigma…
“TIME DELAY
ON!”
Walang
anu-ano ay biglang bumagal ang oras at bumagal ang takbo ng mga bagay-bagay.
Maging ang bilis ni Osmalik ay hindi nakaligtas sa ginawang pagpapabagal ng
oras na ginawa ng mandirigma.
Sinamantala
ng mandirigma ang pagkakataon at sinipa si Osmalik ng ubog-lakas kaya
napatilapon ito. Saka pinuntahan ang kalaban at pinagsusuntok pa ito. Ilang
sandali pa ay nagpakawala ng malakas na Giga Wave ang mandirigma at pinasabog
si Osmalik, na siyang puminsala ng husto dito. Sa loob lang ng 10 segundo ay
napinsala niya ang AXIS General.
“TIME DELAY
OFF!”
Ilang saglit
pa ay bumalik sa normal na takbo ang buong paligid. Nagulat na lang ang anim na
sundalo nang makitang sabog na ang katawan ni Osmalik.
MALIN: Huh? Anyare?!
ABBY: Teka, paanong napinsala ng ganoon si Osmalik? Di ba’t dehado
kanina ang Mystery Warrior?
PAOLO: Tapos na ba?
Biglang
nagsitayuan ang buong tropa ng AXIS at nagtipon.
MEGIDDUS: Magbabayad ka sa ginawa mo sa amin, kung sino ka man! Maswerte
kayo Gammarangers at iniligtas kayo ng damuhong yan! Umatras na tayo!
At
nagteleport ang limang AXIS Generals kasama si Molluskazoid.
Nang mawala
ang mga kalaban ay kaagad pinuntahan ng anim na sundalo ang misteryosong
mandirigma. Ilang minuto pa ay dumating na din ang mga Rescue Troops at Medical
Personnel upang sagipin ang mga biktima ng nangyaring gulo. Nagmistulang War
Zone ang paligid dahil sa mga pangyayari.
JAKE: Ang galing mo boy! Sino ka ba? (sabay hampas sa mandirigma)
Araaaay!!! Ang init!
BRIAN: Maraming salamat sa pagtulong mo sa amin.
MALIN: Thank you friend ha.
ABBY: Malaki ang utang na loob namin sa iyo.
SCOTT: Hey dude, who are you anyway?
PAOLO: Oo nga, sino ka ba talaga?
“Twenty
Minutes Log-off!”
Nang marinig
ang mga katagang ito, biglang nagliwanag ang katawan ng mandirigma, at saka
nagbagong-anyo ito. Nang humupa ang liwanag, nagulat ang lahat sa nakita.
ALL: CHARLIE??!!
MALIN: Charlie koooo! How is my baby?!
Kaagad
niyakap ni Malin ang medyo pinsalang katawan ni Charlie 9. Hindi naman
makapaniwala ang lahat na ang tumulong na mandirigma sa kanila ay walang iba
kundi ang kanilang munting laruan….si Charlie 9.
CHARLIE: Uhhhh….Charlie pagod….Charlie pagod….
ABBY: (naluluha) Charlie….hindi ko alam ang sasabihin ko….naguguluhan
ako.
JAKE: Sandali nga, papaano nangyari iyon?! Di ba’t natodas yan nung
Osmalik na iyon?! Tsaka paano naging ganoon kalaking robot si Charlie?!
PAOLO: Mukhang lalong lumabo ang mga nangyayari----
Biglang
tumunog ang Communicator ni Paolo, at sa kabilang linya ay tumawag si Gen.
Angeles.
PAOLO: Lance Corporal Angeles, come in…
_____________________________________________________________
GEN. ANGELES: Paolo, bumalik na kayo sa Base at once. Kailangan niyong
i-recover ang nawalang lakas sa inyo. Nakasisiguro ako na gaganti ang AXIS.
_____________________________________________________________
PAOLO: Roger that…pero Dad, siguro naman nakita niyo ang mga pangyayari.
Si Charlie---
_____________________________________________________________
GEN. ANGELES: Ipapaliwanag na lang sa inyo ni Owen ang lahat pagbalik niyo. Now
return to Base, on the double!
_____________________________________________________________
PAOLO: Okay copy and out. (sabay patay sa Communicator) Guys bumalik na
tayo sa Base. Kailangang malaman natin ang tungkol sa pagbabagong-anyo ni
Charlie. Tsaka para makapagpagamot tayo, hindi biro ang ginawa ng Terrozoid na
iyon sa atin.
ABBY: Mabuti pa nga…(napalingon kay Charlie 9) Charlie!
Nagulat ang
lahat nang makitang natumba si Charlie at hindi na kumikibo.
MALIN: Oh no….baby ko…..
SCOTT: I think he spent all his energy in the battle. He needs to be
recharged.
JAKE: Sige bumalik na tayo sa Base. Ipaubaya na natin sa awtoridad ang
paglilinis sa lugar na ito.
______________________________________________________________
AXIS Mega
Base….
Dismayado
naman si Ganelon sa nangyaring kabiguan ng kanyang mga alagad na puksain ang
Gammarangers. Nakahandusay ang limang Heneral matapos parusahan ni Ganelon, sa
kabila ng pinsalang natamo pa nila mula sa misteryosong mandirigma.
GANELON: PURO KAYO MGA PAASA!!! Akala ko ba ay llamado na tayo dahil sa
ating bagong mga kagamitan, pero bakit kayo nagpatalo sa isang gusgusing
robot?!
OSMALIK: Panginoon….matatapos na sana namin ang Gammarangers, kung hindi
lang ho talaga dumating ang nilalang na iyon---AAAAHHHH!!!
Isang
malakas na Electric Shock ang natamo ni Osmalik mula sa Death Scepter ni
Ganelon.
GANELON: Ikaw! Ikaw ang may pakana ng kahihiyang ito! Ipinagmalaki mo na
sa pamamagitan ng SIGMA mo ay garantisado na ang ating tagumpay!
OSMALIK: Pero Panginoon, hindi po namin inaasahan na may darating na
ganoon kalakas na mandirigma!
CALYX: At kaya rin po niyang kopiyahin ang aming mga atake.
DYMARO: Hindi rin po nalalayo ang Intensity ng kanyang lakas sa amin.
MEGIDDUS: Hindi ko rin maintindihan. Bakit kaya niyang tapatan ang ating
lakas samantalang ang anim na Gammarangers ay walang magawa sa atin. Sino ba
ang nilalang na iyon?
GANELON: Lalo lamang nadagdagan ang sakit ng ulo ko sa inyo.
NECROMA: Pero Panginoon, hindi ba’t napinsala din ng husto ang
Gammarangers?! Sa palagay ko, sa lagay nila ngayon, mas makabubuting magsagawa
tayo ng panibagong atake habang mahihina pa sila.
DYMARO: Nababaliw ka ba?! Paniguradong darating ang mandirigmang iyon
para siya ang humarap sa atin!
NECROMA: Yun nga ang punto ko. Mas mainam na mauna nating mapuksa ang
nilalang na iyon upang wala nag tutulong pa sa Gammarangers.
OSMALIK: Sang-ayon ako sa kanyang plano. Magsasagawa tayo ng isa pang
pag-atake. Nakasisiguro ako na babalik ulit ang mandirigmang iyon, ngunit sa
pagkakataong ito ay wala na siyang pag-asang manalo.
NECROMA: Palalakihin natin si Molluskazoid. Sa pagkakataong ito ay
aarmahan natin siya ng Sigma Technology tulad ng sa atin. Sa laki niya ay kahit
ang nilalang na iyon ay walang magagawa, dahil higit sa sampung beses ang
magiging lakas ng ating Terrozoid.
OSMALIK: Hindi magagamit ng Gammarangers ang kanilang Gammatron dahil
nanghihina pa sila. Ang tanging panlaban lang nila ay ang mga pipitsuging mga
War Tank at War Jets na madali ring mapapatumba ni Molluskazoid.
GANELON: Hmmmm….Hindi pa rin ako kumbinsido sa inyong balak….pero sige,
pagbibigyan ko kayo. Pero sa oras na mabigo ulit kayo….alam niyo na ang
mangyayari! Naiintindihan niyo?!
ALL: Opo! Masusunod po!
Kaagad
kumilos si Necroma papunta sa Lab kasama si Osmalik upang puntahan si
Molluskazoid na kasalukuyang nasa isang Glass Cylinder at nagpapahilom ng
pinsala. Nag-input ng Sigma Program si Osmalik sa Computer Panel ng Lab at
dumerecho ito sa Terrozoid Configuration ni Molluskazoid.
Habang
isinasagawa ang proseso ay pumasok na rin sa kani-kanilang Glass Cylinder ang
limang Generals upang i-recharge ang kanilang mga sarili. Ilang saglit pa ay
pumasok si Ganelon at pinagmasdan ang mga ito.
GANELON: (sa sarili) Madami na ring pinagdaanan ang aking Imperyo sa
pagsakop sa mundong ito. Ngunit ilang beses na rin kaming nabigo ng dahil sa
Gammarangers….Ilang Terrozoids na ang nawala sa akin nang dahil sa kanila. Gustuhin
mo man na ako na lang ang kikilos, ngunit imposibleng matupad ang aking mga
pangarap nang ako lamang mag-isa. Sa ngayon wala akong ibang inaasahan kundi
kayong mga heneral ko. Sa inyo nakasalalay ang tagumpay ng AXIS. Kailangang
mawala ang lahat ng hahadlang sa aking mga plano….at sa pagkakataong ito,
kailangang maunang mawala ang mandirigmang iyon!
___________________________________________________________________
UDF Gamma
Base…..
Pumasok sa
Database ang anim na sundalo kasama ang tulog na si Charlie 9. Kita sa kanilang
itsura ang mga pasa at sugat na dulot ng paghigop ng lakas ni Molluskazoid. Kaagad
silang sumaludo kay Gen. Angeles.
ALL: (saludo) Sir!
GEN. ANGELES: (saludo) Malaki ang pinsalang natamo ninyo. Maya-maya ay darating
ang ipinatawag kong Nurse para gamutin kayo.
ALICE: Sandali, ipaghahanda ko kayo ng pagkain. (sabay labas sa Database
para pumunta sa kumuha ng pagkain para sa anim)
PAOLO: Opo, pero mas malaking pinsala ang natamo niya (sabay turo kay
Charlie 9)
Kaagad
lumapit si Owen at tiningnan ito.
OWEN: Naku, mukhang sumobra ang release niya ng Energy. Ire-recharge ko
muna siya para maibalik ang lakas niya.
Inilagay ni
Owen si Charlie sa isang Robotic Recharge Station at sinaksak ang Android
Switch nito.
BRIAN: Mukhang hindi niya kinaya ang bagong Capabilities niya.
ABBY: Owen, pwede mo bang i-explain sa amin ang mga nangyari? Bakit
nagkaroon ng ganoong anyo si Charlie?
OWEN: Gusto niyo bang malaman kung bakit naging isang War Machine si
Charlie? Puwes may ipapakita ako sa inyo.
Inactivate
ni Owen ang isang Hologram Diagram ng imahe ni Charlie 9 at ng kanyang Inner
Circuit. Pumasok na rin si Alice dala ang pagkain ng Rangers.
OWEN: Naalala niyo pa ba ang Sigma na kinuha mo, Brian?
BRIAN: Oo, pero di ba’t naagaw na iyon ng AXIS?
OWEN: Oo at hindi. Oo nakuha ng AXIS ang Phase 1, kung saan naroroon
ang mga Mechanized Weapons Configuration na dapat gamitin para sa isang Test
Armor. Kayo na mismo ang makakapagsabi kung gaano kalakas ang mga iyon.
SCOTT: So are you saying that there are two Sigma Technologies in that
Case?
OWEN: Tama ka Scott. Aksidente kong nadiskubre ang Disc na ito (sabay
eject sa Disc na nasa Hologram Laptop ni Owen). Naririto sa Disc na ito ang
Phase 2, ang mas pulidong version ng Phase 1. Maswerte tayo at naiwan sa atin
ang bagay na ito, kung hindi, baka hindi na kayo nakabalik dito ng buhay.
MALIN: Kuya Owen, pero paano nag-work ang Sigma Phase 2 sa Circuitry ni
Charlie?
OWEN: Simple lang. Nagkataon na compatible ang Sigma sa kanyang
katawan. Dahil nasira ang kanyang Circuit gawa ng tira ni Osmalik, nangailangan
ako ng Alternative Circuit pamalit sa nasirang parte. Buti na lang at akma siya
sa Requirements ni Charlie. At dahil malakas na Program ang Sigma, kailangan
kong i-maximize iyon para makatulong sa inyo, na hindi nasasakripisyo ang
Artificial Intelligence ni Charlie.
JAKE: Naku, sayang lang at nasa kalaban ang isa pang Sigma, kami na sana
ang gumamit nun.
OWEN: Ngunit dahil limitado lamang ang Specifications ni Charlie, hindi
rin nagtatagal sa katawan niya ang lakas ng Sigma.
PAOLO: Ano?! Ibig sabihin madali ding mawawala ang Sigma Energy sa
kanya?
OWEN: Mismo. Pinakamatagal na ang 20 minutes.
ALL: TWENTY MINUTES?!
OWEN: Oo, kapag lumampas ng 20 minutes, sabog ang katawan niya dahil sa
Power Overload. Ang paraan lang para hindi mangyari iyon ay palakihin pa si
Charlie at baguhin ang kanyang Artificial Intelligence.
MALIN: Huwag, ayoko! Hindi na siya si Charlie pag nagkataon.
GEN. ANGELES: Isipin niyo na lang na iyon ay tulong sa inyo ni Charlie dahil sa
kabutihang ipinapakita niyo sa kanya. Mabuti pa magpahinga na kayo at kumain.
Dismissed.
Kaagad
sumaludo ang anim at kumain ng inihandang pagkain ni Alice. Ilang sandali pa ay
ipinagamot nila ang kanilang mga sugat at saka nagpahinga.
GEN. ANGELES: Alice, i-alerto mo ang ibang Army Branches, kailangan natin sila
para sa Possible Attack na gagawin ng AXIS. Hindi pa natin pwedeng isabak ang
Gammarangers dahil hindi pa nila kaya.
ALICE: Yes Sir.
____________________________________________________________
Kinagabihan…..
Kasalukuyang
nagpapagaling ang anim na Rangers sa kani-kanilang silid. Lumabas ng kanyang
silid si Malin upang kumuha ng maiinom sa Pantry. Kita pa sa kanya ang kahinaan
ng katawan dulot ng nakaraang laban.
Pagbukas ng
ref, biglang may lumilis ng kanyang Nighties.
MALIN: Ay--!
PAK!
Napasampal
si Malin ng hindi oras sa nagtaas ng kanyang suot, at laking gulat niya
pagkakita sa gumawa non.
MALIN: Charlie?!
CHARLIE 9: Wow puti! Wow puti!
MALIN: Haynaku, ikaw lang pala! Bad ka ha!
Kaagad
itinayo ni Malin si Charlie at niyakap ito.
MALIN: Kumusta na ang baby ko? Magaling ka na ba?
CHARLIE 9: Charlie lakas! Charlie tapang! (sabay gawa ng macho pose)
MALIN: (napaluha) Thank you ulit sa ginawa mo kanina ha. Pero alam mo,
mas gusto kong mag-stay ka na lang na ganyan, isang cute at huggable na Quadrabot.
CHARLIE 9: Wag iyak! Charlie ligtas ikaw! Ligtas lahat! Charlie love kayo
lahat!
MALIN: Aaaw….love din kita. Pero hindi naming hahayaan na saktan ka
nila. Poprotektahan ka namin. Promise yan!
Hindi na
kumibo si Charlie, ngunit sa ikinikilos niya, tila sinasabi niyang ganoon din
ang gagawin niya, handa siyang ibuwis ang sarili para lang masuklian ang kabaitang
ibinibigay sa kanya ng mga taga-Gamma Base.
Sa isang
sulok naman, ay nakamasid si Gen. Angeles kina Malin at Charlie na tila
nag-aalala sa maaaring mangyari pa sa Gammarangers at kay Charlie 9.
____________________________________________________________
AXIS Mega
Base….
Katatapos
lang ng mga AXIS Generals na i-recover ang kanilang mga lakas. Ngayon ay
sinimulang na nilang i-upgrade si Molluskazoid bilang isang mas kumpletong
Terrozoid Machine gamit ang Sigma Technology. Nasa isang Terrozoid Upgrading
Station ang halimaw at nilalagyan ng malalakas na sandata.
OSMALIK: Sa pamamagitan ng Sigma Technology mas madadagdagan ng sampung
beses ang lakas ni Molluskazoid.
MEGIDDUS: Kapag natapos na natin siyang i-upgrade ay kakargahan siya ng
G.E.A.R. Spider sa kanyang katawan upang mas lumaki pa siya.
NECROMA: Sa laki at lakas niya, wala nang makakatalo pa sa kanya, kahit
ang mahiwagang nilalang pa na iyon.
Biglang
pumasok si Ganelon sa Upgrading Station ng AXIS. Kaagad yumuko sina Osmalik,
Necroma at Megiddus.
GANELON: Kumusta na ang pagpapalakas kay Molluskazoid?
OSMALIK: Nasa 85% na po, Master.
GANELON: Magaling. Sa oras na matapos iyan, magpaplano na tayo ng
pagsalakay sa isang lugar na maraming tao. Alam kong darating ang Gammarangers
kahit na nasa ganoon silang kalagayan, ngunit tiwala akong madali lang silang
matatalo, at kahit dumating ang mahiwagang Cyborg, wala rin siyang magagawa sa
lakas n gating Terrozoid. Basta ipangako niyo na matutupad ang inyong pangako!
ALL: Opo, Panginoon!
GANELON: At para simulan ang plano, sisimulan natin….sa Lungsod ng
Maynila!
_______________________________________________________
Roxas
Boulevard…..
Isang
makulimlim na hapon, habang abala ang lahat at patuloy ang takbo ng mga
sasakyan, isang malakas na alon ang gumambala sa mga barkong nasa Manila Bay.
Biglang
lumaki ang alon at nagsimulang maanod ang mga barko, at mula dito ay lumitaw
ang isang higanteng Molluskazoid na armado na ng malalakas na sandata.
“Halimaaaaw!”
“Takbo!
Umalis na tayooo!”
Nagimbal ang
lahat ng naroroon pagkakita sa higanteng halimaw. Nagsitakbuhan ang mga tao
para sa kanilang mga buhay, habang nagsimula nang magpakawala ng malalakas na
atake ang higante sa mga gusali na naroroon.
BOOM! BOOM!
BOOM!
_________________________________________________________
“RED ALERT!
RED ALERT! INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!”
Naging
alerto ang Gamma Base sa pagtunog ng sirena dahil sa isang panibagong banta.
GEN. ANGELES: May Giant Terrozoid! Alice saan ang Exact Location?
ALICE: Sir, nasa Area 6, Sector 29, sa Manila Bay!
Siyang
pagpasok naman ng anim na Gammarangers, subalit tila matamlay ang mga ito.
JAKE: AXIS ba?
GEN. ANGELES: Rangers, huwag muna kayong umalis. Hindi niyo pa kayang
makipaglaban!
PAOLO: Pero Dad, maraming mamamatay at masisira kapag hindi kami---
GEN. ANGELES: I SAID HUWAG KAYONG AALIS!!! Gusto niyong lumaban sa lagay niyong
iyan?! Kung matalo kayo, sino pa ang matitirang lalaban para sa mas malaking
panganib?
JAKE: Sir, sino naman ang itatapat niyo sa halimaw na iyan? Ang Army?
Ni wala nga silang Gammatro---
GEN. ANGELES: Wala ka bang tiwala sa Sandatahang Lakas natin?! Huwag mong
maliitin ang kakayahan ng mga kapwa mo sundalo! Alice, deploy all necessary
Armories and Infantry, on the double!
ALICE: Yes Sir.
Kaagad
ipinatawag ni Alice ang buong Philippine Army Units na malapit sa nangyayaring gulo.
Hindi
mapakali ang anim na kadete sa desisyon ni Gen. Angeles, ngunit wala silang
magagawa kundi sumunod sa utos nito.
_______________________________________________________
Patuloy ang
ginagawang pagpinsala ni Molluskazoid sa Maynila, nang may dumating na Army
Warships, Fighter Jets and War Tanks na ipinatawag ng GAMMA. Kaagad sila
nagsagawa ng opensiba upang mapigilan si Molluskazoid. Ngunit isang atake lang
ni Molluskazoid ay madali nitong nadale ang mga War Jets at Warships. Gamit ang
mas pinalakas na Sigma Weaponry ay niratrat niya ang mga umaaligid na sasakyang
pandigma. At dahil may kakayahan siyang humigop ng lakas, ang ibang atake ay
kanyang tinatanggap at dinadagdag sa kanyang lakas.
Napasailalim
na sa State of Emergency ang buong Maynila.
________________________________________________________
Hindi na
mapakali ang anim na kadete sa nasasaksihang pagkakawasak ng mga Warships.
ABBY: Sir, hindi na po tama! Kailangan na po naming umalis!
GEN. ANGELES: Hindi tayo susuko! Magtiwala kayo sa kakayahan ng ating hukbo.
JAKE: Sir! Hihintayin niyo pa ba na madagdagan ang mga magbubuwis ng
buhay para diyan?! Sir, may pamilya din po ang mga sundalong iyan, hahayaan
niyo po ba na sa ganyan lang sila mamamatay? Sir, trabaho po namin ang pumuksa
sa AXIS, hayaan niyong ipaubaya sa amin ang tungkuling iyan!
Nagulat si
Gen. Angeles sa sinabi ni Jake.
PAOLO: Dad, tama po si Jake. Ilang buhay na din po ang nawala dahil sa
tangkang pagsakop ng AXIS. Oo nga po at tungkulin ng isang sundalo ang mamatay
para sa bayan, pero sana po ay ipaubaya niyo sa amin ang mga sitwasyong gaya
nito. Mahina man po an gaming pangangatawan, hindi dahilan iyon para hindi na
lumaban.
Napaisip si
Gen. Angeles.
GEN. ANGELES: Ayokong isugal ang buhay niyo lalo na at sa lagay niyong iyan….pero
sige. Ngunit hindi ako magdadalawang-isip na paatrasin kayo kapag kayo naman
ang nasa panganib.
Napangiti
naman ang anim.
JAKE: Salamat Sir!
GEN. ANGELES: Rangers, mobilize!
ALL: Sir yes sir! (sabay saludo)
Umalis ang
anim na sundalo.
ALICE: Sir, magtiwala po tayo sa kanila. Marami na din pong pinagdaanan
ang Gammarangers, tiwala po ako na kaya nilang harapin ang kalaban.
GEN. ANGELES: Sana ay gabayan sila ng Diyos.
_______________________________________________________
Paubos na
ang mga Warships at War Jets na pinapatamaan ni Molluskazoid, nang biglang
dumating ang anim na Gammachines sakay ang Gammarangers.
GAMMA RED: Hoy Kuhol, itigil mo yan!!!
ZOOM! ZOOM!
ZOOM!
Nagpakawala
ng Fighter Air Beam ang Gamma Jet Fighter na nagpagulat kay Molluskazoid.
GAMMA BLUE: Scott, banatan natin ang mga paa niya!
GAMMA VIO: Roger that, Brian!
Habang
inaatake ng Gamma Jet Fighter ang ulo ng halimaw ay siyang atake naman ng Gamma
Battle Tanker at Gamma Turbo Trailer sa bandang ibaba ni Molluskazoid. Ngunit
laking gulat nila nang magpakawala ng malakas na Boomer Cannons ang halimaw na
nagpatilapon sa tatlong Gammachines.
GAMMA RED / GAMMA BLUE / GAMMA VIO: AAAAHHHH!!!!
Kaagad
sumaklolo ang Desert Panzer, Combat Chopper at Patrol Armor sa mga nadaleng
kasangga.
GAMMA GREEN: Kami naman!
GAMMA YELLOW: Fire!
GAMMA PATRIOT: Igagata ka namin kuhol ka!
Niratrat ng
pinagsamang atake ng tatlong Gammachines si Molluskazoid. Hindi natinag ang
kalaban, nagpakawala pa ito ng malalakas na Blasts sa tatlong sasakyan, na
siyang nagpatumba sa mga ito.
GAMMA GREEN / GAMMA YELLOW / GAMMA PATRIOT: AAAAHHHH!!!!
GAMMA RED: Waepek ito, Rangers, Gammatron time!
ALL: Roger!
GAMMA PATRIOT: Patriot Titan Initialize!
Nang bubuuin
na ang Gammatron, biglang itong napigil nang magpakawala ng Boomer Wave si
Molluskazoid, na nagpatilapon sa limang Gammachines.
GAMMARANGERS: AAAAHHHH!!!!
Bigla silang
nilapitan ng halimaw at akmang titirahin ng kanyang mga sandata, nang….
BOOOOOOMMM!!!!
Nagambala
siya ng isang malakas na Blast mula sa Patriot Titan.
GAMMA PATRIOT: Jake, buuin niyo na Gammatron habang inaabala ko siya!
GAMMA RED: Salamat Pao! Rangers, ulitin natin!
ALL: Roger!
Nagsanib
ulit ang limang Gammachines at nagawa nilang mabuo ang Gammatron. Ngunit
pagkabuo pa lang ng mga ito, biglang itinapon ni Molluskazoid ang Patriot Titan
sa Gammatron. Tumba ang dalawang Mecha ng Gammarangers.
ALL: AAAAAHHHH!!!
GAMMA VIO: He is really tough!
GAMMA YELLOW: Grabe, sobrang lakas niya.
GAMMA BLUE: Hindi tayo susuko! Laban lang!
Tumayo ulit
ang dalawang Mecha, ngunit laking gulat nila nang pumasok ang katawan ni
Molluskazoid sa kanyang Shell at ipinagulong ang sarili patungo sa dalawang
Mecha. Natumba ulit ang Patriot Titan at Gammatron.
_______________________________________________________
Masayang
pinagmamasdan naman ng AXIS ang nagaganap na labanan mula sa kanilang himpilan.
GANELON: Mukhang gusto ko ang aking nasasaksihan.
NECROMA: Tama ang aking prediksiyon, hindi kayang makipagsabayan ng
Gammarangers sa kanilang kalagayan, hindi na sila katulad ng dati.
MEGIDDUS: Huwag kang makampante, baka maya-maya ay kainon mo ang mga sinabi
mo.
NECROMA: Tumigil ka!
OSMALIK: Iba talaga ang nagagawa ng Sigma sa kanya. Kita niyo naman na
hindi makaporma ang Gammarangers sa kaniya.
At
nagpatuloy na sa panonood ang AXIS.
___________________________________________________________
Nababahala
naman si Gen. Angeles sa nasasaksihang pagkakdehado ng kanyang mga kadete sa
nagaganap na laban.
ALICE: Sir hinihigop na ni Molluskazoid ang Energy ng Gammatron at
Patriot Titan! Masama na ito!
GEN. ANGELES: Naloko na!
_____________________________________________________
Sa Gamma
Lab, kasalukuyang pinag-aaralan ni Owen si Charlie 9 kung papaano maaayos pa
ang kanyang bagong kakayahan.
OWEN: Konting ayos pa…
Ngunit ilang
sandali pa ay biglang nanginig ang katawan ni Charlie 9, na ikinagulat ni Owen.
OWEN: Charlie….naku naloko na! Hindi ka pa ready---
Nagliwanag
ang mga mata ni Charlie at sinabi ang mga katagang…
CHARLIE 9: Sigma Engage!
Biglang
tumakbo si Charlie 9 palabas ng Lab at lumipad palabas habang binasag ang isang
bintana.
OWEN: Charlie!!! Bumalik ka!-------Ang lakas naman ng radar niya!
Tumakbo si
Owen papunta sa Database.
OWEN: General!
GEN. ANGELES: Owen, anong nangyari?
OWEN: Si Charlie, umalis bigla at mukhang papunta sa Battle Zone! Di ko
po expect na magtatransform siya sa ganitong oras!
GEN. ANGELES: (bunting-hininga) Baka anong mangyari sa kanya. May paraan ba
para maibalik siya dito?
OWEN: Sir, hindi uubra ang Teleportation sa klase ng Hardware na meron
siya.
Napa-facepalm
si Gen. Angeles sa narinig.
ALICE: Sana lang walag mangyaring masama sa kaniya.
_____________________________________________________________
Patuloy na
kinakawawa ni Molluskazoid ang Gammatron at Patriot Titan. Naubos na ang lakas
ng dalawang Mecha gawa ng paghigop sa kanila ng halimaw.
GAMMA PATRIOT: Hindi na kaya ng Titan…..konting-konti na lang at mabubuwal na….
GAMMA RED: Wala na bang ibang paraan?
GAMMA BLUE: Ito na ba ang katapusan natin?
Tuluyan na
ngang nabuwal ang Gammatron at Patriot Titan.
GAMMA GREEN: Wala na, shutdown na ang System!
GAMMA VIO: This is terrible!
Nilapitan
sila ni Molluskazoid at akmang magpapakawala na ng malakas na atake….nang---
BOOOOOMMMM!!!!
Nagulat ang
halimaw nang may nagpatama sa kanya ng isang malakas na Blast. At paglingon
niya, ay dumating ang mandirigmang anyo ni Charlie 9.
GAMMA YELLOW: Charlie!
GAMMA RED: Hoy bata, umuwi ka na! Hindi ka uubra sa higanteng suso!
GAMMA PATRIOT: Charlie, huwag! Hindi mo siya kaya sa laki niya!
Ngunit tila
walang narinig si Warrior Charlie. Patuloy lang siyang nagpakawala ng malalakas
na Blast sa higanteng Terrozoid.
WARRIOR CHARLIE: Big Shooter Lock-on Target!
Ngunit hindi
pa nakakapagpaputok ay aapakan na siya ni Molluskazoid, na agad naman niyang
naiwasan. Matapos iyon ay nagpakawala ng sunud-sunod na Blast ang halimaw
papunta kay Charlie at iniwasan ito ng iniwasan ng mandirigma.
GAMMARANGERS: Charlie!!!!
_______________________________________________________
Nasaksihan
naman ng AXIS ang biglang pagsulpot ng mandirigmang tumalo sa kanila.
OSMALIK: Gaya ng inaasahan, darating siya.
NECROMA: Pero sa tingin ko ay hindi na niya kayang kopyahin ang atake ni
Molluskazoid, dahil masyadong malalaki ang mga pasabog para makopya pa nya.
DYMARO: Mukhang hindi rin siya makagawa ng opensiba dahil sunud-sunod ang
pagpapasabog ni Molluskazoid.
GANELON: Ito na ang tamang oras para tuluyan ng pabagsakin ang buong
GAMMA!
__________________________________________________________
Nag-aalala
naman ang Gammarangers sa nasasaksihan. Dehadong-dehado si Charlie sa laban
niya kay Molluskazoid. Kahit na taglay niya ang kapangyarihan ng Sigma, mas
malakas pa rin ang taglay ni Molluskazoid….hanggang na unti-unti nang
natatamaan ang katawan niya.
GAMMA BLUE: Charlie, umalis ka na!!!
GAMMA GREEN: Wala na bang ibang paraan? Hindi natin magamit ang Gammatron!
GAMMA RED: Buwiset! Buwiset! (sabay dabog sa Control Panel)
GAMMA PATRIOT: Charlie….
___________________________________________________________
Maging ang
mga nasa Gamma Base ay tila hindi na alam ang gagawin.
ALICE: Unti-unti na ring nauubos ang Energy ni Charlie! At 5 minutes na
lang ang natitira bago siya bumalik sa dati!
GEN. ANGELES: May iba pa bang paraan para manalo sa laban?
Nag-iisip
naman si Owen ng paraan para kahit papaano ay mabago ang takbo ng laban.
OWEN: Wala ng ibang choice. Hindi pa ito nasusubukan, pero gagawin
natin.
GEN. ANGELES: Anong ibig mong sabihin?
OWEN: Gagawin nating Energy Source si Charlie para sa Gammatron.
GEN. ANGELES: Kung ganon gawin mo na! Wala ng oras!
OWEN: Opo! Bahala na!
May ininput
si Owen na isang Program at pinadaan ito sa isang Satellite.
_____________________________________________________
Unti-unti
nang hindi makaganti si Warrior Charlie sa mga atake ni Molluskazoid. Nasa 4 na
minuto na lang bago mawala ang bias ng Sigma sa kanyang katawan.
GAMMA
YELLOW: Hindi! Charlie!!!!
Nang
biglang….
ZAAAAAAAAMMMM!!!!
Isang
malakas na liwanag ang bumagsak sa katawan ni Charlie. Nagulat ang lahat sa
nakikita.
GAMMA RED: Ano iyan?
Walang
anu-ano ay biglang bumangon si Charlie at lumipad papunta sa nakatumbang
Gammatron. Bumukas ang Chest Part ng Gammatron at doon ay pumasok si Warrior
Charlie. At nangyari ang hindi inaasahan…
Biglang
bumalik ang Energy Level ng Gammatron at bumangon.
GAMMA VIO: Whoa?!
GAMMA GREEN: Ang System! Bumalik sa dati!
GAMMA YELLOW: Dahil ba ito kay Charlie?
GAMMA BLUE: Anong nangyayari?
GAMMA RED: Mukhang ito ang tulong ni Charlie sa atin! Back to the Ballgame!
Bumangon ang
Gammatron at nagliwanag ang katawan nito. Mas nakakagulat pa nang biglang
magkaroon ng bagong armas na nagsilabasan mula sa katawan ng Gammatron. Mula sa
Cockpit Screen lumitaw ang mga katagang…
At
nagsilitawan ang mga bagong Touch Screen Weapons Command sa Screen.
GAMMA RED: Sigma Gammatron?
GAMMA BLUE: Bago ito ah. Fonseca, gamitin na natin!
GAMMA RED: Sige! Paano ba gamitin ito? Subukan natin ito!
Nagpakawala
ng malakas na Sigma Bombers ang Sigma Gammatron kay Molluskazoid, napatumba ang
halimaw sa natamong pinsala.
GAMMA RED: Okay ito ah! Heto pa!
Naglakad pa
ang Sigma Gammatron at bigla itong nagpakawala ng Sigma Arm Beams at lalong
napinsala ang Terrozoid. Gumanti si Molluskazoid ng mga atake, ngunit hindi
natinag ang bagong anyo ng Gammatron.
GAMMA RED: Hindi ko na pahahabain pa ang buhay mo. Paalam Kuhol! Sigma Thunderball!!!
Bumuo ang
Sigma Gammatron ng malaking Energy Ball at ibinato kay Molluskazoid…..
BOOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!
Sa wakas ay
natalo na ang higanteng Terrozoid.
GAMMARANGERS: YEEAAAHHH!!!
GAMMA YELLOW: Wagiiii!!!!
GAMMA VIO: Oh yeah!
GAMMA GREEN: Nanalo tayo!
GAMMA BLUE: Ayos!
GAMMA RED: Yeah baby!
Ngunit ilang
saglit pa ay nag-alert ang Screen at lumabas ang….
“TWENTY
MINUTES LOG-OFF”
Nagulat ang
lahat nang bumalik sa dati ang Gammatron at lumabas sa Chest si Charlie na
bumalik na sa dating anyo. Tila nagshutdown ito at nahulog, nasalo naman ito ng
Gammatron.
GAMMA YELLOW: Charlie….shutdown nanaman siya.
GAMMA GREEN: Pero malaki ang pasasalamat natin sa kanya.
GAMMA RED: Siya ang bida sa araw na ito…..Pao, kumusta ka diyan?
Habang ang
Patriot Titan ay nakatumba pa.
GAMMA PATRIOT: Ayos lang Jake. Pero ang galing! Da best talaga si Charlie!
Lumapit ang
Gammatron at binuhat ang Patriot Titan pabalik sa Gamma Base sa ilalim ng
malakas na ulan.
__________________________________________________________
ALICE: Nagawa nila!
OWEN: Buti umubra! Salamat sa Diyos.
GEN. ANGELES: (tinapik ang balikat ni Owen) Owen, hindi ko alam kung paano kita
pasasalamatan. Pero kayong dalawa ni Charlie ang naging susi sa ating tagumpay
ngayon. Masaya ako at narito ka.
OWEN: Wala po yon, he he he. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko.
_____________________________________________________________
Dismayado
naman si Ganelon na nasaksihang muling pagkatalo ng kanilang Terrozoid. Sa
sobrang pagkadismaya ay nagpakawala ulit ito ng Electric Shock sa kaniyang mga
Generals.
ZAAAAAAPPPP!!!!
AXIS GENERALS: AAAAAAHHHH!!!!
GANELON: Hindi ko kayo sinali sa aking Imperyo para biguin ako! Ngunit
paulit-ulit niyo na lang akong pinapatalo! Ubos na ang pasensiya ko sa inyo,
dapat siguro ay tapusin ko na kayo!
MEGIDDUS: Master, huminahon kayo---aaaaahhhh!!!! (nakuryente ulit)
GANELON: Sinasayang niyo lang ang oras ko! Mga basura! Raaaaah!!!!
Kinuryente
ulit ni Ganelon ang lima. Mula naman sa isang sulok ay naroroon ang Robo Raven
na si Corvus at natatakot sa nasasaksihan.
CORVUS: Naku….galit na si Tatang Gani…..gagalit naaaa….
Biglang
itinapon ni Ganelon si Megiddus papunta sa kinaroroonan ni Corvus.
CORVUS: Master Megiddus?
Namilipit sa
sakit si Megiddus at napatingin kay Corvus.
MEGIDDUS: Umalis ka diyan!
Sa kalooban
ni Megiddus, tila may namumuong galit at poot na gusto niyang ilabas.
MEGIDDUS: (sa sarili) Sumosobra ka na….Oras na para ako naman ang bida…..
At
napatingin kay Corvus na tila may iniisip.
________________________________________________________
UDF Gamma
Base….
Laman ng
balita ang naganap na labanan sa Manila Bay. Habang pinapanood ni Alice ang
balita, hindi niya mapigilang manghinayang sa mga nasawi ng dahil sa nangyari.
ALICE: Sir, nag-umpisa na po ang Authorities sa pagsasaayos ng mga
nasira. Nakakalungkot lang po na maraming nadamay na sundalo at sibilyan sa
labanan.
GEN. ANGELES: Iyan ang hindi natin maiiwasan sa digmaan. Ayaw man nating
mangyari ay meron at merong maiipit sa laban. Sumalangit nawa ang kanilang
kaluluwa…
Walang
anu-ano ay pumasok sa Database ang anim na Rangers at si Owen at kinakarga si
Charlie.
JAKE: Ipinatawag niyo daw kami?
GEN. ANGELES: Oo, gusto ko kayong pasalamatan sa isang matagumpay na misyon.
Nakakalungkot lang na may mga nasawi, pero alam kong hindi napunta sa wala ang
kanilang pagkamatay dahil sa inyong panalo. Congratulations on a job well done!
Nagpalakpakan
ang lahat sa sinabi ng Heneral.
MALIN: Sir, hindi po kami mananalo kundi dahil kay Charlie!
CHARLIE 9: Hehe! Charlie galing! Charlie galing!
ABBY: Opo, siya ang ating Secret Weapon laban sa AXIS.
GEN. ANGELES: Pero hindi mangyayari iyan kundi dahil din kay Owen.
Nagpalakpakan
ulit sila at tinapik si Owen sa balikat.
SCOTT: You’re the man!
BRIAN: Ang galing mo Owen!
PAOLO: Idol!
JAKE: Isa kang alamat Owen!
OWEN: Maraming salamat sa inyo. Salamat sa pagtitiwala ninyo.
MALIN: Pero naisip ko, di ba dapat lang may bagong name si Charlie pag
nagbabagong anyo siya?
ABBY: Oo nga naman. Ano kaya ang maganda?
Napaisip
naman ang lahat ng magandang ipapangalan kay Charlie 9 kapag Warrior Mode ito.
JAKE: Sigma Man!
MALIN: Eeew, baduy!
SCOTT: Charlie Man!
ABBY: Ano ba yan, ang sasagwa.
PAOLO: Super Charlie!
BRIAN: Masyadong gasgas.
OWEN: Sandali lang, tutal ako nakadiskubre ng kanyang bagong
kakayahan…..heto ang mas bagay……SIGMA GUARDIAN.
CHARLIE 9: Charlie gusto! Charlie gusto!
Sumang-ayon
naman ang lahat sa suhestiyon ni Owen.
JAKE: Pwede!
GEN. ANGELES: Magaling kung ganon…Charlie 9…..magmula ngayon…..ikaw na rin
si…..SIGMA GUARDIAN!
WAKAS
No comments:
Post a Comment