Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
MISSION 6: Ang Aral kay Brian
AXIS
Megabase, 10:32
NECROMA: Aaaaaaahhhhh…….(napahandusay siya matapos tamaan ng Electric
Shock mula sa Death Scepter ni Ganelon)
GANELON: Walang hiya ka! Sinayang lang ng halimaw mo ang kapangyarihan ng
GEAR Spider! Boba!
NECROMA: (pilit tumatayo) Panginoon, malakas po talaga si Rhinozoid,
nagkataon lang na nakuha ng kalaban ang kahinaan niya, patawarin nyo po ako sa
aking---
GANELON: --Kapalpakan?! At kelan ka pa nagtagumpay sa mga balak mo simula
ng pinuntirya natin ang Pilipinas? Kapuranggot na bansa…..KAPURANGGOT NA BANSA
LANG YAN!!!
BALAAM: Hmmmm….mukhang nagiging seryoso na ang labanang ito Panginoon.
Siguro ay oras na para baguhin natin ang ating planong pagsalakay---
GANELON: Isa ka pa! Kung magsalita ka akala mo tagumpay ka, isa ka ring
bobo!
Biglang
lumabas ng laboratory si Dymaro….
GANELON: Dymaro, anong pinagaaksayahan mo ng oras sa laboratory?
DYMARO: Panginoon, naisip ko na gumawa tayo ng halimaw gamit ang isang
mahalagang bagay sa mundo ng mga tao.
GANELON: At ano naman ang bagay na iyon?
DYMARO: Napapansin ko lang po na sagana ang mundo sa diyamante. Paano
kaya kung kunin natin ang lahat ng diyamante at gamitin natin upang mabuo ang
isang Terrozoid. Ang naipong mga diyamante ay gagawin nating Hellarium Crystal
na siyang magbibigay lakas sa ating Terrozoid. Hindi rin problema ang
pagkabawas ng kanyang lakas, sa dami ng diyamante sa mundo, ay hindi siya mauubusan
ng Energy Source.
BALAAM: Ngunit sino ang haharap sa Gammarangers habang wala pa ang
Terrozoid na ginagawa mo?
DYMARO: Narito siya…..
DYMARO: Si Charidozoid po muna ang bahala habang hindi pa nabubuo ang isa
pang Terrozoid!
GANELON: Mukhang gusto ko iyan! Dalawang halimaw agad ang ipanlalaban
natin! Sige kung hindi kayang patumbahin ng dalawa mong kasamang heneral ang
Gammarangers, palagay ko ay kaya mo! Sige ituloy mo yang balak mo!
DYMARO: Makakaasa po kayo, Panginoong Ganelon!
____________________________________
Gamma Base Lounge, 10:54
Naglalaro ng Laser
Badminton sina Jake, Abby, Scott at Malin. Masayang naglalaro ang apat habang
si Brian naman ay nakaupo at nagbabasa lang ng aklat sa isang tabi….
Nang pumalo si Jake,
hindi sinasadyang tinamaan ang aklat na binabasa ni Brian, na ikinahulog nito.
BRIAN: Ano ba?! Naligaw na ako sa binabasa
ko! Pwede ba sa labas kayo maglaro!
JAKE: (sarcasm) Sorry ha, hindi ko sinasadya,
at pwede ba sa Gamma Library ka magbasa! Alam mo namang may naglalaro dito, e
dito ka pa pumwesto! Di ka rin naman pala tanga!
ABBY: Tama na nga yan!......Mistah, sali ka
naman sa amin, laro tayo…
BRIAN: Wala akong panahon sa mga ganyan.
MALIN: Kuya naman, huwag ka namang KJ, dati
ka namang naglalaro nito a--
BRIAN: Inaatake ng AXIS ang bansa natin,
hindi ito ang tamang oras para maglaro!
Nang biglang…….
“RED ALERT, RED ALERT,
INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!”
Agad namang kumaripas
ang lima sa Database.
JAKE: Anong meron, Chip!
GEN.
ANGELES: Rangers,
ninanakaw ng mga Omicrons ang mga diyamante sa buong Kamaynilaan. And from the
looks of it, mukhang ang mga karatig-lugar na ang susunod na target nila.
SCOTT: Stealing diamonds for what? To enrich
themselves? To make weapons?
ALICE: Neither. And I can sense na may mas
malalim na dahilan kung bakit nila ginagawa yan.
BRIAN:
Mukhang walang magawa
ang awtoridad sa kanila. Kelangang tayo na ang kumilos.
ALICE: Base sa radar, ay nasa Area A36, Sector 73, South 43 degrees 56 minutes East, sa
may Alabang na sila.
GEN.
ANGELES: Pigilan niyo
sila. Recover the diamonds before it’s too late. Baka kung ano pa ang gawin nila.
JAKE: Guys, ready?
ALL: Ready!
GAMMAMODE, ACTIVATE!
At ilang saglit pa ay
naging Gammarangers na sila. Agad naman silang pumasok sa Freight Carrier
papunta sa kanilang mga Patrol Vehicles. Pagkasakay sa kanilang mga sasakyan ay
agad silang umalis.
____________________________________
Area A36,
Sector 73, South 43 degrees 56 minutes East, 11:47
Patuloy ang
takbuhan ng mga sibilyan sa pag-atake ng mga Omicrons at pagnanakaw nila ng mga
diyamante. Malaking porsiyento ng mga nakuha nila ay galing sa mga pawnshops,
habang ang iba ay galing sa mga tahanan. Pati ang mga lugar na wala silang
nakuha ay pinagsisira din nila.
Pasakay na
ng AXIS Armor Trailer ang mga Omicrons nang…..
“Cyclone
Launchers!!!!”
Tinamaan ang
AXIS Trailer sa likod at sumabog ito, sumambulat sa daan ang sangkatutak na mga
diyamante.
Agad bumaba
ang Gammarangers.
GAMMA GREEN & GAMMA YELLOW: Roger!
Nilabanan
nina Gamma Red, Gamma Blue at Gamma Vio ang mga Omicrons gamit ang kanilang mga
Patrol Vehicles. Bumarurot ang Cyclone Panther, habang sinasagasa ang mga
Omicrons ay nagpaputok ito ng Tricannons.
Pagkuwa’y
nagdrift ito at lumundag sa ibabaw ng Cyclone Panther ang Desert Lightning
Alpha at sabay nagpaputok ito ng Rocket Launchers, sinabayan pa ito ng
G-Launchers ni Gamma Blue.
Sinagasa ng
Desert Bison ang mga Omicrons sabay buga ng M2 at Missiles. Lumabas sa bintana
si Gamma Vio at nagpaputok ng G-Machinegun.
Nang maubos
na ang lahat ng Omicrons ay naipon na din lahat nina Gamma Green at Gamma
Yellow ang mga natapong diyamante.
GAMMA GREEN: Ang daming diyamante din ang nakuha nila!
GAMMA YELLOW: Buti na lang narecover natin!
Ilang saglit
pa ay tumunog ang communicator ni Gamma Red sa helmet.
GAMMA RED: General, narecover na po namin ang mga diyamante—
GEN. ANGELES: (sa kabilang linya) Rangers, may bagong problema. May isang
Terrozoid ang umaatake sa kahabaan ng Roxas Boulevard! Kelangan kayong pumunta
doon ASAP!
GAMMA RED: Hah? Si-sige po papunta na kami! (at pinatay ang communicator)
May bago
nanamang halimaw. Ganito, Tavarez, bantayan mo ang mga diyamante! The rest,
puntahan natin ang location ng halimaw!
GAMMA BLUE: Hah? Bakit ako?
GAMMA RED: Nagrereklamo ka? E kung nakawin ang mga yan?!
GAMMA YELLOW: Tulungan ko na magbantay si Kuya Brian.
GAMMA RED: Magaling kung ganon! Scott, Abby, tayo na!
GAMMA GREEN & GAMMA VIO: Roger!
At nang
umalis na ang tatlo….nagpower down muna sina Gamma Blue at Gamma Yellow.
BRIAN: (bulong) Lintek ka Fonseca! Wala kang karapatang utusan ako!
MALIN: May sinasabi ka Kuya?
BRIAN: Wala!
____________________________________
Roxas
Boulevard, 12:06
Kasalukuyang
nananalasa si Charidozoid sa kahabaan ng naturang lugar. PInaulanan niya ng Gold
Dust ang lahat ng establishimento na siyang ikinasunog ng mga ito. Takbuhan ang
mga sibilyan upang iligtas ang kanilang mga sarili sa halimaw. At ilang saglit
pa….
“G-Magnum!”
Tinamaan ng
G-Magnum ang halimaw sa likod. Nasaktan ito ngunit hindi natinag.
GAMMA RED: Ito pala ang halimaw! Rangers, attack!
GAMMA GREEN & GAMMA VIO:
Roger!
Pinalibutan
ng tatlo ang halimaw. Sabayan nila itong sinugod gamit ang Gamma Daggers.
Malakas si Charidozoid, tumitilapon ang mga Rangers sa tuwing inaatake siya.
GAMMA RED: Activate G-Firearms!
ALL: Fire!
Sabay-sabay
silang nagaputok ng kanilang mga sandata, subalit dahil maibay ang baluti ng
halimaw ay hindi ito tinablan.
Gumanti ang
halimaw ng Gold Dust sa kanila. Nang maambunan ng Gold Dust ang tatlo ay
sumabog ang mga ito sa kanilang katawan.
GAMMA VIO: Damn it! That friggin’ thing’s powerful!
GAMMA GREEN: Ang sakit ng mga atake niya!
GAMMA RED: Kelangan ng backup!
____________________________________
Samantala…..habang
nagbabantay ng mga diyamante….
MALIN:
Grabe sa dami ng
diyamante ito! Kahit si Papa hindi afford ang ganito karami! Makakuha nga ng
isa….
BRIAN: Hoy, wag ka ngang mangungupit!
MALIN: Echos lang, meron na akong diamond
necklace no, eto oh!
Ipinakita ni Malin ang
diamond necklace nito kay Brian.
BRIAN: Di ako makapaniwalang ako ngayon ang
nandito….
MALIN: Natural lang iyon Kuya, utos iyon ni
Kuya Jake. Siya ang leader natin.
BRIAN: Imbes na nasa labanan ako, nandito
ako at nagbabantay ng mga bato….
MALIN: Correction, isang daang milyong
halaga ng bato! Teka nga Kuya, bakit ba galit na galit ka kay Kuya Jake?
BRIAN: Basta, wala talaga akong tiwala sa
kanya!
MALIN: Ako, kahit na nayayabangan ako sa
kanya, natutunan ko na siyang tanggapin bilang bagong leader. I believe kaya
niyang higitan si Kuya Ervin.
Biglang tumunog ang
communicator ni Malin….
MALIN: Speaking of which! (inactivate ang
communicator) Kuya, ano na ang balita diyan?
GAMMA
RED: (nasa kabilang
linya) Malin, pumunta ka dito ngayon din! Kelangan namin ng backup!
MALIN: Okay Kuya!
BRIAN: Aalis ka? Sasama na ako!
MALIN: Pero Kuya, ang habilin sa iyo ay
bantayan mo ang mga diyamante!
BRIAN: Ligtas na ang mga diyamante! Wala
nang makakakuha sa mga iyan! Tara na!
MALIN: Hah?.....Bahala ka na nga!
Iniwan ng dalawa ang mga
diyamante. Pagkaalis nila ay saka naman dumating ang ibang Omicrons upang kunin
ang mga ito.
____________________________________
Lumalakad palapit sa
tatlong Rangers si Charidozoid upang tapusin sila, nang…..
“Plasma Minicannons!”
Tinamaan ng Plasma
Minicannons ang halimaw galing sa bagong dating na sina Gamma Yellow at Gamma
Blue.
GAMMA
BLUE: Musta na kayo?
GAMMA
RED: Anong ginagawa
mo dito? Di ba’t sabi ko sa iyo bantayan mo ang mga diyamante?!
GAMMA
BLUE: Huwag kang
mag-alala, ligtas na ang mga diyamante. Tsaka in the first place hindi ko
trabaho iyon.
GAMMA
RED: Hindi yun ang
punto ko!
Habang naguusap pa ang
dalawa ay biglang nagpakawala ng Gold Dust si Charidozoid.
GAMMA
RED: Bahala na nga si
Chuck Norris! Rangers attack!
Unang umatake sina Gamma
Green at Gamma Yellow gamit ang Daggers. Nagawang ilagan ng halimaw ang mga
atake subalit ang hindi niya alam ay….
GAMMA
RED: Arm Lasers,
FIRE!!!!
Sabayang pinaputok ng
tatlong lalaking Rangers ang kanilang mga Amr Lasers, tinamaan sa tiyan ang
halimaw. Dahil walang baluti ang tiyan nito, madaling natumba ang halimaw at
namilipit sa sakit.
GAMMA
RED: Girls join the
party! Activate your firearms!
GAMMA
GREEN & GAMMA YELLOW:
Okay!
ALL: G-Firearms, Full Power! FIRE!!!
BOOM!!!!!
Sumabog ang halimaw
matapos ang nagawang opensiba ng Gammarangers….
GAMMA
YELLOW: Yehey! Nagawa
natin!
GAMMA
RED: Good job guys!
Kasalukuyang nagsasaya
ang mga Rangers, nang biglang may lumabas na tinig….
“Wag kayong magsaya
Rangers! Dahil sa inyong kapabayaan ay nagawa naming ang isa pang mas malakas
na Terrozoid! Ngayon katapusan niyo na!!! Ha ha ha ha ha!!!!”
GAMMA
GREEN: Sino iyon?
GAMMA
VIO: Guys look over
there!
GAMMA
YELLOW: Nakupo,
ginawa pala nilang halimaw ang mga diyamanteng ninakaw nila!
GAMMA
BLUE: Hindi maaari!
GAMMA
RED: Sabi nang wag
iiwan ang mga diyamante e!
At nakita na lang nila
na nagpakawala ng Prism Blasts ang halimaw sa lahat ng gusaling makita nito…
__________________________Commercial________________________________
Nagsalita ulit ang
tinig…..
“Kung nagawa ninyong
matalo si Charidozoid, puwes hindi ninyo kayang tapusin si Diamozoid! Kahit ang
mga sanata ninyo walang panama sa kanya! Dahil gawa siya sa Diamante! Ha ha ha
ha ha!”
GAMMA
RED: Kung sino ka
man! Magpakita ka! Gagawin naming ang lahat para matalo yang halimaw mo!
GAMMA
BLUE: Inaamin ko,
kasalanan ko ito. Dapat hindi na lang ako sumama kay Malin, naagapan sana ang
paglitaw ng halimaw na iyan.
GAMMA
RED: Nangyari na!
Wala na tayong ibang gagawin kundi tapusin iyan! (inactivate ang communicator
sa helmet) General, we need the Gammachines now!
____________________________________
GEN.
ANGELES: Okay
ipapadala na!
ALICE: Bakit kasi hindi pa nila binantayan
ang mga diyamante!
GEN.
ANGELES: Di bale,
kakausapin ko si Tavarez mamaya.
____________________________________
Habang nananalasa si
Diamozoid, dumating naman ang mga Gammachines.
GAMMA
RED: Okay! Activate
Teleport System!
At nakasakay na sa
kani-kanilang Gammachines ang mga Rangers.
GAMMA
RED: Gammatron Time!
Insert Morphing Badges!
Nagsama-sama ang lahat
ng Gammachines hanggang sa mabuo nila si Gammatron.
Paglapag na paglapag pa
lang ni Gammatron ay agad na sinugod siya ni Diamozoid. Sunud-sunod na suntok,
hampas at sipa ang tinaggap ng Gammatron na ikinatumba nito.
GAMMARANGERS: Aaaaaaaahhhh…..!!!
GAMMA
GREEN: Gamitin natin
ito, Chopper Cyclone Blades!
Umatake agad ang
Gammatron gamit ang naturang sandata ngunit hindi tinablan ang halimaw dahil sa
gawa sa diyamante ang katawan nito. Paulit-lit na tinataga ng Gammatron ang
halimaw subalit naputol lamang ang sandata.
GAMMA
GREEN: Imposible!
Walang epekto sa kanya!
GAMMA
VIO: Turbo Daggers!
Kinuha ng Gammatron mula
sa mga binti nito ang dalawang Turbo Daggers. Pag-atake pa lang ng Gammatron ay
nahawakan na siya sa kamay ni Diamozoid, kaya nabitawan ng robot ang mga
Daggers at sabay siya sinipa ng halimaw palayo.
GAMMARANGERS: Aaaaaaaahhhh…..!!!
____________________________________
DYMARO: Ha ha ha ha ha! Tingnan niyo
Panginoon, panoorin niyo kung paano pinaglalaruan lang ni Diamozoid ang
kanilang gusgusing robot!
GANELON: Mukhang nagugustuhan ko ang nakikita
ko!
DYMARO: Paano pa kaya kung muli nating
buhayin si Charidozoid?!
Agad kumuha ng GEAR
Spider si Dymaro at inilagay sa Satellite Chamber. Tumapat ang Satellite sa mga
labi ni Charidozoid at doon dumapo ang GEAR Spider. Nang mabalutan ito ng sapot
ay biglang nabuhay at lumaki si Charidozoid.
____________________________________
GAMMA
YELLOW: Tignan nyo,
nabuhay nanaman at lumaki ang halimaw na tinalo natin kanina!
GAMMA
GREEN: Paano na yan?
Dalawang halimaw ang kalaban natin?!
GAMMA
RED: Naman! Talagang
pinapahirapan tayo!
____________________________________
ALICE: General, paano na yan? Dalawang
halimaw na ang kalaban ng mga Rangers!
GEN.
ANGELES: Talagang
sinusubukan tayo ng AXIS!......Anong gagawin natin?
____________________________________
Sabay na sumugod ang
dalawang halimaw. Pinagtulungan nilang gulpihin ang Gammatron.
GAMMARANGERS: Aaaaaaaahhhh…..!!!
GAMMA
BLUE: Hindi sana
umabot sa ganito kung hindi ako naging makasarili!
GAMMA
RED: Mamaya mo na
sisihin ang sarili mo! Umisip tayo ng paraan kung paano natin matatalo ang
dalawang to-----aaaaaaaahhhhhh……!!!!
____________________________________
NECROMA: Mukhang nananalo ka Dymaro!
BALAAM: Ito nab a ang katapusan ng
Gammarangers?
DYMARO: Panginoon, dapat po siguro ay
magdiwang na tayo! Kita nyo naman na walang kalaban-laban ang kanilang robot laban
sa pinagsamang lakas nina Charidozoid at Diamozoid!
GANELON: Hmmmmm………
____________________________________
Sabay na bumuga ng Prism
Laser at Gold Dust ang dalawang Terrozoid na siyang ikinapinsala ng Gammatron.
GAMMARANGERS: Aaaaaaaahhhh…..!!!
GAMMA
VIO: What can we do
now?!
Tila may naisip si
Brian…..
GAMMA
BLUE: (sa isip) Teka, naalala ko ang pinagaralan
namin sa Chemisry nung High School. Kung gusto mong siran ang isang diyamante,
gumamit ka ng isa pang diyamate!...Tama, yun nga!........Malin, akin na ang
diamond necklace mo!
GAMMA
YELLOW: Hah? Bakit?
Aanhin mo?
GAMMA
BLUE: Basta may
susubukan lang ako!
GAMMA
YELLOW: Pero bigay ni
Papa yan e!
GAMMA
BLUE: Palitan na lang
natin!
Nagtataka naman ang sina
Red, Green at Vio sa pinaguusapan ng dalawa.
Ibinigay ni Gamma Yellow
ang necklace kay Gamma Blue. Kinuha ni Gamma Blue ang diyamante ng kwintas at
saka ipinasok sa Control Panel.
GAMMA
BLUE: Abby, activate
mo ulit ang Chopper Cyclone Blades!
GAMMA
GREEN: Pero naputol
na---
GAMMA
BLUE: Gawin mo na
lang!
GAMMA
RED: Ano naman kaya
ang binabalak nito?
Muling umatake ang
dalawang halimaw….
GAMMARANGERS: Aaaaaaaahhhh…..!!!
GAMMA
GREEN: Activate
Cyclone Chopper Blades!
GAMMA
BLUE: Loading Diamond
Composition, Input to Weapon!
Biglang lumitaw ang
isang bagong Chopper Blade na gawa sa Diyamante!
GAMMA
RED: Whoa?!
GAMMA
GREEN: Wow!
GAMMA
VIO: What the—
GAMMA
YELLOW: Ano yan, Kuya
Brian?
GAMMA
BLUE: Gumawa ako ng
sandatang gawa sa diyamante. Ginamit ko ang diyamante mo Malin para iinput ang
compositions nito sa Cyclone Chopper Blade. Naalala ko kasi na kung gusto mong
sirain ang diyamante, gumamit ka ng isa pang diyamante!
GAMMA
GREEN: Ang galng ng
naisip mo Mistah!
GAMMA
RED: Okay, gamitin na
natin!
Tuamyo ang Gammatron at
sabay sugod gamit ang Diamond Chopper Blade. Pagtama pa lang nit okay Diamozoid
ay naputol na ang kaliwang kamay nito. Gumanti ng Prism Laser ang halimaw subalit
gumulong paharap ang Gammatron sabay slash sa tiyan ng halimaw. Natumba si
Diamozoid at….
BOOOMMM!!!!
Sumabog si Diamozoid.
Biglang umulan ng diyamante sa buong Kamaynilaan matapos ang pagsabog. Nagkagulo
ang mga tao sa pagpulot ng mga ito.
GAMMA
BLUE: Meron pang isa!
Umatake si Charidozoid
ngunit naunahan ito ng saksak ng Diamond Chopper Blade sa tiyan. Nang
naghihingalo na ang halimaw….
GAMMA
RED: Activate Gamma Mechatronic
Ultrablaster!
Inilabas na ng Gammaron
ang Gamma Mechatronic Ultrablaster
Pagtama ng Blaster kay
Charidozoid……BOOOOOMMMMMM!!!!!
GAMMARANGERS: Yehey!!!!
GAMMA BLUE: Ayos!
GAMMA RED: Tavarez, mag-uusap tayo mamaya.
GAMMA BLUE: Huh?.....Sige.
____________________________________
GANELON: Aaaaaaaarrrrrggggghhhhh!!!!!! (sabay tapon sa Death Scepter)
DYMARO: Panginoon, di ko po akalaing tatalunin nila ang dalawang
Terrozoid---
GANELON: Ang hirap sa iyo, hindi pa tapos ang laban, nagdiriwang ka na!
Sinasabi ko na nga ba’t hindi ka naiiba sa dalawa mong kasama! Pare-pareho
kayong mga utak-langgam!!!
Agad umalis
sa silid si Ganelon na galit na galit.
Biglang tumunog
ang communication monitor ng AXIS….
NILALANG: Kumusta na mga heneral? Mukhang hirap na hirap kayo diyan ah.
BALAAM: Megiddus?
____________________________________
Sa Gamma
Base, 15:27
GEN. ANGELES: Hindi sana nabuo ang Diamond Monster kung hindi mo iniwan ang mga
diyamante. Masyado mo kasing pinairal ang pride mo. Nang dahil sa kapabayaan
mo, muntik na tayong matalo. Tandaan mo, ang bawat maling desisyon natin,
katumbas ay advantage sa kalaban. Matuto kang sumunod sa instructions. Yan ang
alituntunin hindi lamang ng Gamma Base, kundi ng buong AFP na din. Naintindihan
mo ba, Cadette Captain Tavarez?
BRIAN: Opo Sir.
GEN. ANGELES: Okay, Dismissed.
Sumaludo si
Brian sa Heneral at umalis….
____________________________________
Sa kwarto ay
nakahiga si Brian at nagbabasa, nang biglang may kumatok sa pinto…
TOK TOK TOK!
BRIAN: Bukas yan!
Bumukas ang automatic
door at pumasok si Jake.
JAKE: Pwede ba kitang maistorbo?
BRIAN: Para ano? Para pagalitan din ako?
JAKE: Pwede ba making ka muna?
Umupo si
Jake sa tapat ng higaan ni Brian.
JAKE: Alam mo ba kung bakit ikaw ang napili kong magbantay sa mga
diyamante?
BRIAN: Bakit?
JAKE: Dahil ikaw ang isa sa pinakamagaling sa team. Kelangan ang
pinakamagalng sa team ang maiwan doon dahil hindi kakayanin, halimbawa ni
Malin, mag-isa ang maraming Omicrons na magtatangkang kunin ang mga diyamante.
BRIAN: Ganoon ba?
JAKE: Mahirap mang aminin, pero may tiwala ako sa iyo. Maaaring hindi
ayo nagkakasundo sa lahat ng bagay, pero nasa iisang team tayo. Wala tayong
ibang choice kundi magtulungan.
BRIAN: Sorry sa nangyari kanina. Naging ma-pride ako. Inaamin ko, hindi
kita pinagkakatiwalaan bilang leader, pero gagawin ko ang lahat upang
suportahan ka namin.
JAKE: Okay na iyon, nakabawi ka naman e. Nakaisip ka ng paraan pang
matalo ang mga halimaw.
Saglit na
katahimikan…
JAKE: Pwede bang kalimutan muna natin ang away natin para sa ikatatagumpay
ng Gammarangers? (nag-abot ng kamay)
BRIAN: (nag-isip muna) Hmmmm…..sige call! (nakipagshake hands)
Nagkaroon ng
munting ngiti sa kanilang mga labi.
Paalis na sana
si Jake nang biglang may maalala ito.
JAKE: Syanga pala, gusto mong maglaro ng Laser Badminton?
BRIAN: Hah? May gagawin--------Hmmmm sige na nga!
ITUTULOY……………
No comments:
Post a Comment