Friday, May 4, 2012

Mission 5: Pagsubok sa Kakayahan ng isang Pinuno (Part 2)


Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________


Ang nakaraan sa United Defense Force Gammaranger….

Ipinulong ni Gen. Angeles ang limang Rangers upang ilahad ang tungkol sa AXIS at tungkol sa kanilang misyon. Itinalaga niya si Jake bilang bagong pinuno ng Gammarangers kapalit ng napatay na si Ervin. Subalit naging mali ang pananaw ni Jake sa sinabi ng Heneral, inabuso niya ang posisyong natamo upang hamakin ang mga kasamahan at gawin ang anumang gusto niya na labag sa patakaran ng GAMMA. Dahil dito ay napagpasiyahan ni Gen. Angeles na bawiin ang Morphing Badge mula sa kanya dahil sa kanyang ginawa. Lumaban ang Gammarangers nang wala si Jake.

Subalit nang nasa peligro na ang Gammarangers, nakiusap si Jake na payagan siyang lumaban at pinagsisishan niya ang ginawang pagkakamali. Pinatawad siya ng Heneral at nagawang talunin ng Rangers si Rhinozoid sa tulong ni Jake. Subalit biglang inihagis ni Necroma ang GEAR Spider kaya nabuhay ulit si Rhinozoid at mas lumaki…..

___________________________________________

MISSION 4: Pagsubok sa Kakayahan ng isang Pinuno (Part 2)


 

“Breaking News! Isang higanteng halimaw ang kasalukuyang nananalasa sa may baybayin ng Subic! Marami na pong mga ari-arian ang napinsala nito at maraming sibilyan na rin ang nasawi sa naturang pangyayari. Hinihinalang ang Grupong AXIS ang nagpakawala sa naturang halimaw. Kumikilos na po ang mga awtoridad upang pigilan ang halimaw at sagipin ang mga mamamayan. Pinapayuhan po ang lahat na magkaroon ng ibayong pag-iingat at lumikas para sa inyong kaligtasan!”

Patuloy pa rin sa pagsira ang higanteng halimaw. Madaming gusali at imprastruktura ang napinsala nito. Nabalot ng takot at lagim ang bahaging iyon ng Subic, maraming namatay, nawawala at sugatan sa insidente. Dumarami na rin ang mga lumilikas upang makaligtas mula sa nakakatakot na pananalasa. Nagtalaga na rin ang pamahalaan ng State of Emergency sa naturang lugar.

__________________________

GEN. ANGELES: Hindi na tama ito! Sumosobra na ang AXIS!

ALICE: General, ano na po ang gagawin natin? Hindi kakayanin ng Gammarangers ang ganyan kalaking Terrozoid!

GEN. ANGELES: Alice, tawagin mo ang lahat ng Army Battalions at Infantry Regiments! Pati na ang Airborne Squad! WE MUST STOP THE MONSTER ON THE DOUBLE! Habang hindi pa naiaayos ang mga Gammachines.

ALICE: Roger Sir! (inactivate ang headphone) Attention First Infantry to Tenth Infantry Division, prepare for attack! All Combat Support Units, mobilize! Special Airborne prepare to launch! UN Allied Forces prepare for backup!

Naging alerto ang lahat ng sundalo. Isa-isang naglabasan ang mga tanke, eroplano at ibang sasakyang pandigma mula sa Gamma Base. Armado ang mga ito ng mga makabagong sandata upang pigilan ang halimaw.

Tila may naalala si Gen. Angeles. Pumunta siya sa laboratory.

GEN. ANGELES: Owen, tapos na ba ang Gammatron Project?

OWEN: Sir, marami pa pong configurations ang kailangang matapos, nasa 53% status pa po.

GEN. ANGELES: (facepalm) Wala na tayong oras, isang higanteng halimaw ang patuloy na nananalasa! Ito na ang pagkakataon para magamit iyan! Tapusin mo na yan bago mahuli ang lahat!

OWEN: (nagpanic) Kakayanin ko po, Sir!

__________________________

Sakay ng kanilang Patrol Vehicles, patuloy na iniiwasan ng mga Gammarangers ang electromagnetic fireballs na iniluluwa ni Giant Rhinozoid. Gumaganti naman ng counter attacks ang mga Rangers gamit ang Patrol Vehicles nila, subalit wala itong epekto sa halimaw.

Ilang saglit pa, nagulat na lang ang mga Rangers nang biglang nagpakawala ng sunud-sunod na Triple Fireballs ang halimaw, dahilan upang tamaan ang Patrol Vehicles….

BOOM!!!

Tumilapon ang Patrol Vehicles, kasama ang mga Rangers….Napahandusay at nasaktan ng husto ang mga ito….

GAMMA YELLOW: Ugghh….Kaloka naman! Lumaki na sya ng bonggang-bongga! Hirap talunin!

GAMMA VIO: We can’t beat such a huge monster!

GAMMA GREEN: Walang epekto sa kanya ang mga sandata natin.

GAMMA BLUE: Pero ano ang gagawin natin?

Subalit hindi nagpatinag si Jake…

GAMMA RED: Bahala na si Chuck Norris!

Sumakay ulit siya sa kanyang Cyclone Panther, binarurot ito pasugod sa halimaw…

GAMMA BLUE: Hoy, nahihibang ka na ba?!
GAMMA GREEN: Fonseca, huwag!!!

Nakamaximum speed ang Cyclone Panther habang palapit ito sa halimaw. Pinalundag niya ito sa ibabaw ng iba pang mga sasakyan. Habang nasa ere…..

GAMMA RED: Cyclone Panther, Full Power! Activate all weapons, NOW!!!

Tinodo ni Gamma Red ang lahat ng sandata ng Cyclone Panther upang ipatama sa halimaw.

Nakita ito ng halimaw at gumanti naman ito ng Fireball, nagkaroon ng pagsabog.

BOOM!!!

At bigla na lang nawala sa paningin ng mga Rangers ang Cyclone Panther…

GAMMA GREEN: Fonsecaaa!!!!!

Nawala bigla si Gamma Red at ang sasakyan nito.

Bagsak na ang Patrol Vehicles nila….hindi na rin nila maaasahan ang kanilang Built-in Weaponry….Bumaba na rin ang kanilang Energy Levels….wala nang ibang paraan na naiisip ang Gammarangers….

GAMMA BLUE: Napakatigas talaga ng ulo niya, bakit niya ginawa iyon?

GAMMA YELLOW: Kuya Jake……

Nagulat na lang sila nang bigla na lang bumulaga sa kanila ang paa ni Rhinozoid na tila aapakan sila!

GAMMA BLUE: Naloko na---!

Pabagsak na ang paa ng halimaw nang biglang…

BOOM!!!!

Nasabugan ang mata ni Rhinozoid nang matamaan ito ng Torpedo missile galing sa isang Fighter Jet, dahilan upang matumba ito ng bahagya…

Nagulat na natuwa naman ang Rangers pagkakita sa mga dumating na Army Battalions, Infantry Vehicles at Jet Fighters na ipinadala ng Gamma Base.

GAMMA BLUE: Haayy…salamat naman at dumating din….

GAMMA GREEN: Buti na lang dumating ang backup!

GAMMA VIO: That was close, good thing they made it on time!

GAMMA YELLOW: Halos ubos na ang powers ko…..

____________________________

ALICE: Nasaan si Fonseca? Naku huwag naman sana….

Biglang tumunog ang communicator ni Gen. Angeles….

GEN. ANGELES: (binuksan ang communicator screen) Fonseca?

____________________________

Patuloy lang ang opensibang ginagawa ng GAMMA Forces sa halimaw, subalit sa lakas ng halimaw, tila hindi nito alintana ang mga atake dito. Bagkus ay nagawa pa nitong bumuga ng Fireball sa mga tanke at eroplano, at natupok ang mga ito.

GAMMA VIO: It seems that it’s still useless! The monster is just destroying them!

GAMMA YELLOW: Parang keribels lang ng halimaw ang mga atake….

Ilang saglit pa ay may nilalang na biglang bumaba mula sa mataas na gusali….

“Ha ha ha ha! Ano ang masasabi niyo kay Giant Rhinozoid?”

GAMMA BLUE: Necroma?!

NECROMA: Kahit ano pa ang gawin niyo, hindi niyo na mapipigilan si Rhinozoid! Kahit magsama-sama pa kayo, panis kayong lahat!

Sa mga oras na iyon ay unti-unti nang naubos ang mga GAMMA Forces…

NECROMA: Masdan niyo kung paano gawing lechon de leche ang mga puwersa ninyo! Hahaha wala silang magawa laban kay Rhinozoid!.......Teka….tila wala nanaman ata si Gamma Red? Natodas nanaman ba? Ha ha ha ha ha!

GAMMA YELLOW: Napakasama niyo! Nagawa niyong patayin si Kuya Ervin, ngayon naman si Kuya Jake! Sumosobra na kayo!

GAMMA GREEN: Hindi namin kayo mapapatawad!

NECROMA: Ha ha ha, nakakatouch naman…..Puwes, oras na para tapusin ang larong ito!

Naglabas ng Laser Eye Beams si Necroma, nagawa pa rin itong ilagan ng Rangers sa kabila ng limitadong lakas. Sumugod si Gamma Vio kay Necroma gamit ang Gamma Dagger at nakipaglaban ito.

Isa-isang nilabanan ng Gammarangers si Necroma subalit malakas talaga ang kalaban. Dahil mababa na ang energy levels ng mga Rangers, hindi na nila kayang lumaban pa.

NECROMA: (lakad palapit sa nakahandusay na Rangers) Oh ano? Nasaan ang yabang niyo? Mukhang dapat na kayong mawala, ha ha ha!!!

Akmang titirahin na ni Necroma ng Death Finisher ang mga Rangers, nang…..





BRATATATATATAT!!!!

Sunud-sunod na Laser Beams ang biglang umulan sa kinaroroonan ni Necroma, na siyang ikinabagsak nito.

NECROMA: Aaaarrrggghh……ano iyon?

Laking gulat ng lahat nang makita ang pinagmulan ng pasabog….

GAMMA GREEN: Gamma Jet Fighter!

At sakay ng Jet Fighter si Gamma Red!





GAMMA RED: Ha ha ha, akala niyo tepok na ako?

GAMMA BLUE: Huh? Paanong--?

GAMMA GREEN: Fonseca! Diyos ko salamat!



GAMMA YELLOW: Kuya Jake! Buti at ligtas ka!

GAMMA VIO: Whoa!

NECROMA: Leche! Akala ko nadale ka na ni Rhinozoid!

GAMMA RED: Ano ka hilo? Ang gwapong sundalo, mahirap mamatay!

Pagkuwa’y nagpakawala din ang Jet Fighter ng Missile Attacks kay Rhinozoid, dahil sa mas malakas ang weaponry ng Gamma Jet Fighter ay ininda to ng halimaw.

Habang pinapanood ni Necroma ang pag-atake ng Gamma Jet Fighter sa halimaw ay biglang siyang tinamaan ng G-Launcher ni Gamma Blue.

NECROMA: Aaaaarrrggghhh…..

GAMMA BLUE: Ngayon, kami naman ang reresbak!

Unang umatake sina Gamma Yellow at Gamma Green, lumundag sa ere habang hawak ang mga Gamma Daggers nila pasugod kay Necroma. Nasaktan si Necroma sa ginawang atake, dahil hindi siya makagalaw ng maayos gawa ng impact ng G-Launcher.

Sunod na umatake sina Gamma Blue at Gamma Vio gamit ang kanilang G-Firearms. Sabay nilang pinaputok ang mga ito na siyang nagpatumba kay Necroma.

Nang ma-corner si Necroma….

GAMMA BLUE: Guys, ibuhos na natin ang natitira pa nating lakas sa tirang ito! G-Firearms, Full Power!

ALL: Fire!!!

Pinagsama-sama ng mga Rangers ang kanilang G-Firearms upang tapusin si Necroma. Sumabog si Necroma ngunit hindi ito gaanong napinsala….

NECROMA: Mga lintik kayo! Babalikan ko kayo!

At ilang saglit pa ay nawala si Necroma.

GAMMA BLUE: Nawala siya.

At biglang tumunog ang communicators sa helmet ng rangers….si Gamma Red ang nasa kabilang screen.

GAMMA RED: Guys, tulong naman dito! Kelangan nating tapusin ang halimaw!

GAMMA BLUE: Sige!

Sunod na kinontak naman nila si Gen. Angeles.

GAMMA BLUE: Sir, we need the Gammachines now!

GEN. ANGELES: (nasa kabilang screen) Okay! Alice, activate the Gammachines!

Ilang saglit pa ay dumating na ang Battle Tanker, Combat Chopper, Turbo Trailer at Patrol Armor.







ALL: Activate Teleport System!

At nagteleport ang apat papunta sa kani-kanilang sasakyan.





GAMMA YELLOW: Sa wakas nakasakay din!
GAMMA VIO: Ready to go!
GAMMA GREEN: All systems online!
GAMMA BLUE: Nandito na kami Fonseca!
GAMMA RED: Alright guys, tapusin na natin ang mokong nato!
ALL: Roger!

Biglang nagbuga ulit ng Fireball si Rhinozoid, nagawa namang iwasan ito ng mga Gammachines. Subalit akmang may kasunod na buga pa ang halimaw...Tinamaan ang Battle Tanker.

GAMMA BLUE: Aaaahhhh.....

GAMMA GREEN: Mistah! Ayos ka lang?

GAMMA BLUE: Oo, okay lang.

Nagpakawala naman ng Turbo Snipers at Armor Strikers ang Turbo Trailer at Patrol Armor. Nasaktan ang halimaw subalit nakatayo pa rin ito.

GAMMA VIO: Nice one Malin!

GAMMA YELLOW: Same to you, Scottie!

Sunod na nagpakawala naman ng Sonic Smasher ang Combat Chopper, kasabay nito ay ang pagbuga ng sunud-sunod na Bomb Attacks ng Battle Tanker. Napuruhan ang Rhinozoid.

GAMMA GREEN: Galing mo Mistah!

GAMMA BLUE: Ikaw rin Abs!

Hindi pa nakakarecover ang halimaw ay tumira naman ang Jet Fighter ng Gamma Air Beams. Tinamaan nito ang katawan ng kalaban, dahilan upang matumba ito.

GAMMA RED: Sapul!!!

Subalit laking gulat nila nang muling tumayo ang halimaw.

____________________________ Commercial ________________________

ALICE: Sir buhay pa rin ang halimaw!

GEN. ANGELES: Owen, ano na?

OWEN: Konti na lang po....(minamadali ang pagtype sa hologram computer)
 
____________________________ 

GAMMA BLUE: Buhay pa rin siya!
GAMMA VIO: This is insane!
GAMMA GREEN: Ang tibay niya!
GAMMA YELLOW: Grabe na ito!

Pero may ibang ideya si Gamma Red...

GAMMA RED: May naisip ako!

GAMMA GREEN: Ano iyon?

GAMMA RED: Kanina ko pa napapansin ang sungay niya sa may ilong, sa tuwing umaatake siya, umiilaw ito.

GAMMA BLUE: So ano'ng gagawin natin?

GAMMA RED: Tavarez, Scott, Malin, kunin natin ang atensyon niya. Tayo ang haharap sa kanya. Abby, hintayin mo ang signal ko, putulin mo ang sungay sa ilong nya gamit ang Chopper Blades mo!

GAMMA GREEN: Roger!


___________________________ 

OWEN: (nagtatype) Hang on Rangers, konti na lang at matatapos ko na ang Gammatron!

____________________________

Ganun nga ang ginawa ng Rangers, patuloy lang ang opensiba ng apat na Rangers sa halimaw. Tinitiis ng halimaw ang mga tira ng Gammachines. Nang akmang magbubuga na ng Fireball si Rhinozoid, umilaw ang sungay nito.....

GAMMA RED: Abby ngayon na!!!

Walang anu-ano ay biglang sumugod ang Combat Chopper mula sa gilid at pinutol ang sungay ni Rhinozoid gamit ang Chopper Blades...

Nasaktan ng husto ang halimaw at biglang nanghina.

GAMMA RED: Nagawa mo!

GAMMA GREEN: Galing ng idea mo Fonseca!

GAMMA RED: Rangers, full blast arsenal attack!

ALL: Roger!

At tinodo ng Gammachines ang mga tira nila kay Rhinozoid. Nanghina ng husto si Rhinozoid at natumba. Ilang saglit pa ay hindi na gumalaw ang kalaban.

GAMMA VIO: Alright! We did it!
GAMMA YELLOW: Yehey!
GAMMA GREEN: Magaling!
GAMMA RED: Hahaha nagawa natin!
GAMMA BLUE: Hindi pa tapos!

Ilang sandali ay biglang bumangon ulit si Rhinozoid. Nagawa pa rin nitong makatayo sa kabila ng natamong pinsala at panghihina dahil sa naputol na sungay.

GAMMA RED: Anak ng--!
GAMMA BLUE: Sabi na nga ba e!
GAMMA GREEN: Imposible!
GAMMA VIO: Damn it!
GAMMA YELLOW: Oh no!

Muli ay sumugod ang halimaw....



____________________________ 

"Gammatron Installation Complete!"

OWEN: Ayos! Natapos din!



GEN. ANGELES: Very good Owen. Iupload mo na sa Circuit Program ng mga Gammachines ang Integration Program nyan, para mabuo na ang Gammatron!

OWEN: Yes Sir, ginagawa na po! (inupload ang Gammatron Integration Program sa bawat Circuit Program ng mga Gammachines)

____________________________

GAMMA RED: Grabe, parang naka-Shabu ang mokong na 'to a!

GAMMA VIO: What can we do now?

Ilang saglit pa ay nagactivate ang communcation screen ng mga Gammachines, nasa kabilang linya si Owen.

GAMMA RED: Uy Owen, ano meron? Paano namin matatalo ang halimaw?


OWEN: Rangers, makinig kayo! Inupload ko na ang Gammatron Program sa mga Gammachines niyo. Yan ang tanging paraan para matalo ang halimaw!

GAMMA BLUE: Paano ang gagawin namin---aaaahhhh (inapakan ni Rhinozoid ang Battle Tanker)

Habang nakikipagusap ang mga Rangers ay inaatake sila ni Rhinozoid...

GAMMA RED: (tinamaan ang Jet Fighter) Aaaaah.....sabihin mo na bilis!

OWEN: Ilagay ninyo ang inyong mga Morphing Badges sa Control Panel ng Gammachines ninyo, pag nakita nyo sa screen ang Initialize Gammatron, pindutin nyo ang Integrate Gammatron!

GAMMA RED: Sige salamat Owen!.....Aaaaahhhh (hawak siya ni Rhinozoid at hinagis sa ere). Guys subukan natin ang sinabi ni Owen!

ALL: Roger!

Ipinasok nila ang kanilang Morphing Badge sa Main Control Board ng Cockpit, biglang umilaw ang buong paligid nito. Tumaas ang energy level ng Gammachines, dahilan upang kumawala sila sa pagkakahawak kay Rhinozoid.

GAMMA RED: Initializing Sequence!

ALL: Integrate Gammatron!





Biglang lumipad sa ere ang mga Gammachines, ang Turbo Trailer ay nagtransform na korteng paa, habang dumugtong sa kanya ang Battle Tanker na siyang naging Main Body. Sabay na nagtransform ang Combat Chopper at Patrol Armor na korteng mga braso, at huling nagtransform ang Jet Fighter na siyang naging Main Chest at ulo.

"Gammatron Integration Complete" sabi ng Voice Message.



____________________________

OWEN: Ayos, nagawa nila! Nabuo na rin!

ALICE: Sa wakas buo na ang Gammatron!

GEN. ANGELES: Ngayon natin masusubukan ang capabilities ng ating bagong panlaban.
____________________________



Sa himplian ng AXIS....nakikita ng mga Heneral sa screen ang mga pangyayari sa Battle field....


BALAAM: Anong?! Isang Robot?! Paano nagkaroon ng ganyan ang mga tao?


DYMARO: Pero ang tanong, kaya bang talunin ng robot na yan ang Rhinozoid?


GANELON: Rhinozoid, tapusin mo yang basurang yan!!!
____________________________


Ilang sandali ay nagsama sa iisang cockpit ang limang Rangers....


"All Systems Ready...." sabi ng Voice Message na nasa Cockpit.


GAMMA YELLOW: Wow! Magsasama tayong lahat sa iisang cockpit?


GAMMA VIO: Whoa, I can't believe that we can merge our Gammachines into one Giant Robot, like a Transformers! 


GAMMA GREEN: Ganito pala ang kalalabasan ng ginagawa namin ni Owen!


GAMMA BLUE: Ang Gammatron pala ay isang Robot....


GAMMA RED: Mamaya na kayo mamangha! May tatapusin pa tayo.  Tingnan natin kung ano ang kayang gawin ng Gammatron na ito!


At pinaandar na ng Gammarangers ang Gammatron. Lumakad ang Robot palapit kay Rhinozoid. Sinntok ng robot ang halimaw at natumba ito. Gawa ng naputol na sungay ay naging mahina na ang kapangyarihan ng kalaban.


GAMMA RED: Ang dali lang palang gamitin! Parang naglalaro lang ng Tekken!


GAMMA BLUE: Ano ba, hindi ito laro!


Gumanti naman si Rhinozoid ng tadyak, at na-off balance ang Gammatron.





Biglang tumunog ang communicator screen sa cockpit, si Owen ang nasa kabilang linya.

OWEN: Rangers, iactivate niyo ang Schedule of Arsenal sa Control Panel! Mamili kayo ng mga sandatang pwedeng gamitin doon!

GAMMA RED: Okay salamat Owen!

GAMMA YELLOW: Try natin ito! Armor Thuderstrike!

At biglang nag-open ang right arm ng Gammatron at tumira ng isang malaking magnetic ball. Nadale sa tirang ito si Rhinozoid.

GAMMA VIO: My turn! Turbo Daggers!

At mula sa dalawang binti ng Gammatron lumabas ang dalawang Daggers, pinagtataga ng Robot ang halimaw. Hindi na makahirit si Rhinozoid.

GAMMA GREEN: Ako naman, Chopper Cyclone Blades!

Mula sa left arm ay lumabas ang Propeller Blades ng Combat Chopper, na siyang naging Cyclone Blades. Pinaikot ito at dinaplisan ang braso ni Rhinozoid, kaya naputol ang kaliwang braso nito.


GAMMA BLUE: Eto ang sa akin! Activate Heavy-Arms Ammunition!


At bumukas ang Upper Body ng Gammatron, lumitaw ang lanat ng bazookas at cannon ng Tanker, sabay-sabay tumira ang mga ito na siyang lalong nagpahirap kay Rhinozoid. Naghihingalo na si Rhinozoid at tila wala nang kakaahang lumaban.


GAMMA RED: Okay, akin na ang tatapos! Activate Gamma Mechatronic Ultrablaster! 


Ilang saglit ay inilabas ng Gammatron ang Gamma Mecharonic Ultrablaster....sinipat ito sa target...



ALL: Target Locked.....Ready.....Aim



......FIRE!!!


BOOOOOMMMMM!!!!!


Pagkatama nito sa kalaban ay agad na sumabog si Rhinozoid.


GAMMA YELLOW: Yehey!
GAMMA VIO: Yahoo!
GAMMA GREEN: Yes!
GAMMA BLUE: Nagawa natin!
GAMMA RED: Yeah baby!


Biglang lumitaw si Gen. Angeles sa screen...


GEN. ANGELES: (Nasa kabilang linya) Congratulations Gammarangers! Job well done! Simula ngayon, nasa inyong mga kamay na ang Gammatron.


GAMMA RED: Salamat Sir!


GAMMA GREEN: Owen, salamat sa iyo!


OWEN: (nasa kabilang linya din) Naku, salamat din sa iyo, e ikaw ang gumawa ng Phase 1 ng Gammatron e. He he he


GAMMA GREEN: Pero ikaw ang tumapos!


GEN. ANGELES: Rangers, bumalik na kayo sa base...


ALL: Yes Sir!
____________________________


GANELON: Ggrrrraaaaaaaahhhhhh......!!!!! (tinapon ang basong wine na iniinom niya).


BALAAM: Nagawang tapusin ng Robot na iyon ang Giant Rhinozoid.


DYMARO: Panginoon, sa palagay ko, mukhang nagiging seryoso na ang labanang ito--


GANELON: Punyeta!!! Paano nilang natalo ang aking pinakamahalagang imbensiyon?! Ang GEAR Spider na ang pinakamapaminsalang likha ko! Ngayon matatalo lang sa isang pipitsuging robot! Putang inang yaaan!!!! (binagsak niya ang kanyang mga kamao sa Control Panel ng Screen, na siyang ikinasira nito)


Saglit na katahimikan...


GANELON: Hanapin niyo si Necroma ngayon din!


DYMARO: Masusunod po (at saka ito umalis)....


BALAAM: Panginoon, ano na po ang plano ninyo ngayon?


GANELON: Marami, marami pa akong plano! Hindi ako magpapatalo! Dahil nagsisimula pa lang ang laban! Ha ha ha ha!!!!


At naghari ang mga halakhak ni Ganelon sa buong himpilan ng AXIS....
____________________________

Sa Gamma Base....


GEN. ANGELES: Binabati ko kayo Rangers! Kudos to your hardwork, sacrifice and courage.


Nilapitan ng Heneral si Jake.


GEN. ANGELES: Cadette Major Jake Fonseca, habang minomonitor ko ang inyong laban, nakita ko sa iyo ang Will to Win. Nakita ko kung paano ka rumesponde sa oras ng kagipitan, at kung paano mo handang isakripisyo ang iyong buhay para sa kaligtasan ng lahat. Kaya I realized, that you really deserved to be the leader of the Gammarangers.


Palakpakan ang lahat.


JAKE: Maraming salamat sa inyo.


ABBY: Pasalamat din tayo kay Owen, kung hindi dahil sa kanya, wala ang Gammatron.


OWEN: Naku hindi naman, hehehe.....


GEN. ANGELES: At dahil sa tagumpay na iyan, mamayang gabi ay magpapaparty tayo!


ALL: Yehey!!!


JAKE: Sandali lang! 


Natahimik ang lahat....


JAKE: May nakalimutan pa po akong gawin!


GEN. ANGELES: Ano iyon?
____________________________


Sa labas ng Gamma Base....


ABBY: Konti na lang Fonseca!
SCOTT: Way to go, Dude!
MALIN: Go Kuya Go!


Tumatakbo si Jake sa Obstacle course. Punung-puno siya ng putik sa katawan. At ilang sandali pa ay natapos din niya ito. Lumapit ito kay Gen. Angeles na humihingal.


JAKE: (saludo) Obstacle Challenge has been accomplished Sir!


GEN. ANGELES: (saludo) Carry On!


Sa isang puno malayo ng konti sa kaganapan ay nandoon si Brian, tahimik lang na nanonood na mag-isa.


Ang pagiging isang pinuno ay isang napakalaking responsibilidad na dapat alagaan. Hindi ito basta-basta isang kapangyarihang dapat na abusuhin at samantalahin, bagkus ay isang oportunidad upang maging isang mabuting ehemplo na dapat tularan ng iba.


ITUTULOY......... 






No comments:

Post a Comment