Saturday, April 28, 2012

Mission 4: Pagsubok sa Kakayahan ng isang Pinuno (Part 1)




Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________

MISSION 4: Pagsubok sa Kakayahan ng isang Pinuno (Part 1)

Sa himpilan ng AXIS sa Antarctica….

GANELON: Anong problema Necroma? Huwag mong sabihing palpak ka nanaman!

NECROMA: Panginoon, patawarin nyo po ako, mukhang tama po si Balaam, sadyang malakas po talaga ang Gammarang---

GANELON: BOBA!!! Sawang-sawa na ako sa linyang yan! Mga walang kwenta! Nauubos na ang pasensya ko sa inyo! Nagawa nyo manakop ng mga malalaking bansa, pero ngayon, kapuranggot lang na bansa, hindi nyo pa matalo!!!

NECROMA: Panginoon, hindi ko po akalain na muling magbabalik si Gamma Red.

BALAAM: Ano? Pero tinapos ko na sya!

NECROMA: May bagong nilalang na pumalit sa tinapos mo!

DYMARO: Napakalaking nyo tanga---

NECROMA: Wag ka ngang sumabat, KIRAT! E wala ka pa ngang ginagawa, dumadada ka na!

GANELON: Wala akong pakialam kahit bumalik pa ang hinayupak na yon! Dahil ni isa sa inyo hindi kayang gawin ang iniuutos ko, ito na ang tamang oras para gamitin ang aking nakatagong alas.

Pumasok si Ganelon sa laboratory ng AXIS, at paglabas ay bitbit nya ang isang robot na mukhang gagamba.

DYMARO: Ano po yan, Panginoon?

BALAAM: Tanga ka ba? Ano pa e di gagamba!

GANELON: Hindi ito isang pipitsuging gagamba. Isa itong Growth Enhancement Arachnizoid (G.E.A.R.).  May kakayahan itong pakalihin ang kahit anong nilalang. Matagal na panahon din bago ko muling ginamit ito. Ang sinumang mababalutan ng agiw nito ay magiging kasinlaki ng isang mataas na gusali! Ha ha ha ha!

NECROMA: Bakit hindi nyo po sinabi sa amin dati na mayroon palang ganyan klaseng aparato?

GANELON: Dahil inakala ko na hindi na kakailanganin pa ito sa pagsakop ng daigdig. Subalit nang dahil sa kapalpakan ninyo, ay napilitan akong gamitin na ito sa wakas!!!

Inihagis ni Ganelon ang G.E.A.R. sa bintana at nabasag ang salamin nito. Tumilapon ito sa nagyeyelong dagat at dumikit sa isang sealion. Ilang saglit pa ay biglang lumaki ang sealion at naminsala ng mga icebergs.

Gulat na gulat at manghang-mangha ang mga heneral ng AXIS.

DYMARO: Totoo nga!

NECROMA: Napakalaki!

BALAAM: Ganito pala.

GANELON: Ngayon, ito na ang tatapos sa Gammarangers!!! Atin na ang tagumpay! Bwahahahahahaha!!!

At sa isang iglap din ay pinatamaan niya ng death laser ang hayop.

_______________________________

Sa UDF Gamma Base…

ATTENTION GAMMARANGERS, PLEASE PROCEED TO THE MAIN DATABASE…..
ATTENTION GAMMARANGERS, PLEASE PROCEED TO THE MAIN DATABASE…..

Isa-isang pumasok sa database sina Brian, Abby, Scott at Malin.

BRIAN, ABBY, SCOTT, MALIN: Sir! (sabay saludo)

GEN. ANGELES: (sumaludo din) Nasaan si Fonseca?

BRIAN: Kabago-bago, nagpapaimportante!

ABBY: Sir, baka papunta na po yun…

GEN. ANGELES: Malakas ang Paging System ng Gamma Base, napakabingi naman nya para hindi marinig yon!

At ilang saglit pa ay bumukas ang automatic door at pumasok si Jake.

GEN. ANGELES: Good morning, Major Late Comer!

JAKE: Sir! (saludo) Sensya na po.

GEN. ANGELES: Sa lahat ng ayaw ko ay ang palaging late sa call time. What took you so long?

JAKE: Nagjogging pa po kasi kami ng aking Airborne squad---

GEN. ANGELES: THAT’S NOT AN EXCUSE!!! Hindi ganyan ang reasoning ng isang sundalo, Major ka pa man din! Kaya nga ayaw kitang mapasali sa Gammarangers ay dahil sa attitude mo!

BRIAN: (bumulong) Mayabang kasi e…

JAKE: (tumingin kay Brian) May sinasabi ka? Gagatong ka pa e!

GEN. ANGELES: Enough!!! Tikas-pahinga!

Tumikas-pahinga ang apat. Si Scott medyo nahuli dahil hindi sya nakakaintindi ng Tagalog Command, kaya sumunod na lang sya sa apat. Si Gen. Angeles naman ay tumuntong sa hologram monitor table at sinindi ito.

 GEN. ANGELES: Ngayong nakalaban nyo na ang AXIS, ito na ang tamang oras para malaman ninyo ang tungkol sa kalaban. Sila ang dahilan kung bakit kayo nandito.

Inactivate ang Hologram presentation system at nagkuwento.

GEN. ANGELES: Ang AXIS o ang Allied Extremists Imperial Society ay isang malaking terrorist organization na layuning sakupin ang daigdig at lupilin ang mga tao. Plano nilang wasakin ang lahat ng gawa ng tao at gagawin nilang isang malaking mechatronic planet ang mundo. Naniniwala sila na ang tao ay isang inferior race na siyang dahlan ng mabagal na pag-unlad ng mundo.

Matamang nakikinig ang lima sa paglalahad ni Gen. Angeles.

GEN. ANGELES: Ang AXIS ay pinamumunuan ni Supreme Commander Dimitri Ganelon. At kasama niya ang kaniyang mga Generals, sina Necroma, Balaam at Dymaro.

Bumalik ang atensyon ng lima pagkakita sa mga Heneral. Si Scott naman ay nanggigigil pagkakita kay Dymaro.

JAKE: Si Bruha o! (pagkakita kay Necroma)

SCOTT: That Dymaro! He is the one who killed my dad!

GEN. ANGELES: Relax, Edwards. This is not the time for revenge.

Tiningnan ni General si Jake.

GEN. ANGELES: Kaya ikaw Fonseca, bilang Gamma Red, ikaw ang inaatasan kong maging leader ng Gammarangers. Sayo nakasalalay ang tagumpay ng team laban sa AXIS. Ikaw ang inaasahan ko at ng buong Project Gamma! Naiintindihan mo ba?

JAKE: Sir yes sir!

GEN. ANGELES: Kayong mga mas nauna kay Fonseca, I expect you to cooperate with him. Kung anuman ang pakikitungo at pagrespeto niyo kay Macaraya, sana ay ganun di kayo sa kanya. Understand?

ALL: Sir yes sir! (Si Brian mukhang pilit ang sagot)

GEN. ANGELES: Now that you already know your responsiblities, it’s time to show to you your Patrol Vehicles. Come with me.

At pumasok si Gen. Angeles at ang lima sa capsule elevator na nasa tabi ng Main Door. Pagkababa ng elevator sa basement ay nagtungo sila sa Garage kung saan nandoon si Owen.

OWEN: Good morning Sir! (saludo) Okay na po, naayos ko na po lahat ng vehicles.

GEN. ANGELES: Magaling, buksan mo na ang Garage.

OWEN: Okay po! (pinindot ang touchscreen remote control at bumukas ang Garage.)

Pagkabukas ay tumambad sa kanila ang apat na Gamma Patrol Vehicles.








JAKE: Whhooooaaaaa…..ang lupeeet!!!

BRIAN: Wow, hayop sa porma!

MALIN: Ang taray!

SCOTT: Damn! I’ve never seen anything like this! Is this Pimp-My-Ride?

ABBY: Ang gagara!

GEN. ANGELES: Yan ang magiging mga Patrol Vehicles ninyo. Fonseca, sa iyo ang Cyclone Panther.

JAKE: Talaga po? (sabay himas sa sasakyan.) Grabe pwedeng pambingwit ng chicks ito!

OWEN: Hindi yan sports car! Isa yang High Performance Attack Vehicle na may built-in arsenal.

GEN. ANGELES: Tavarez at Ong, sa inyo ang Desert Lightnings Alpha at Beta.

BRIAN: Salamat po!

MALIN: Owver na talaga to!

GEN. ANGELES: De Leon, Edwards, you will utilize the Delta Bison.

SCOTT: This is cool! It’s totally badass!

ABBY: It’s so perfect! I’m so excited. Salamat Owen!

OWEN: No problem! Always at your service! Hehe

_______________________________

Sa Database.....

GEN. ANGELES: Alice, ano ang update sa remains ni Macaraya?


ALICE: Sir, negative pa rin po. Wala pa ring narerecover na body sabi ng Search and Rescue team. Sa tingin ko, malakas ang impact ng damage sa kanya, kaya nagscatter ang body fragments niya.


GEN. ANGELES: Ang mahirap nito, hindi pa alam ng kanyang pamilya ang nangyari sa kanya.


ALICE: What if tawagan natin sila at ipaalam ang nangyari?


GEN. ANGELES: Huwag muna ngayon.


Ilang sandali ay pinuntahan ni Gen. Angeles si Owen na nasa Laboratory. Pagkapasok sa Lab ay nandoon sina Owen at Abby na tila may tinatapos.


GEN. ANGELES: Owen, ano na status ng Gammatron Project?


OWEN: Sir, nasa 45% accomplishment pa po.


ABBY: May mga components pa po na mahirap i-configure. Kelangan pa po ng extra time.


GEN. ANGELES: Kelangan nating matapos iyan. I can sense a greater danger this time coming from AXIS......De Leon, reminder lang, mamaya may drills tayo.


ABBY: Yes sir!


_______________________________


Naghahanda na si Brian para sa isang Field Drill na gaganapin sa labas ng base. Palabas na siya ng base nang makasalubong niya si Jake na may dalang mga damit.

JAKE: Hoy, hindi ka man lang ba sasaludo?

BRIAN: At bakit ko gagawin iyon?

JAKE: Baka nakakalimutan mong ako ang Gamma Red, ako na ang inyong pinuno. Matuto ka ngang rumespeto sa leader mo!

BRIAN: Kabago-bago mo, akala mo kung sino ka! E ninakaw mo lang yng Badge e!

JAKE: E ano ngayon? Ako na ang leader ng team. Kaya sa ayaw mo, at sa gusto mo, susunod ka sa lahat ng utos ko. Labhan mo nga ito!

BRIAN: May Field Drill pa akong pupuntahan. Huwag mong sabihing hindi ka sasali?

JAKE: Inuutusan kita, kung ayaw mong sisantehin kita!

BRIAN: Bahala ka sa buhay mo! (at nagmadaling naglakad palayo)


JAKE: Napakabastos mo!

Hindi namamalayan ni Jake na pinagmamasdan siya ni Gen. Angeles sa isang tabi.

_______________________________

Sa Field Drill….

Nagsasagawa ng Military Drills ang lahat ng sundalo. Ilang sandali pa ay sumabak sila sa isang Obstacle Course. Kasama dito sina Brian, Abby at Malin. Si Scott naman ay nasa U.S. Detachment sa kabilang kampo.

Natapos ang Obstacle course na punung-puno ng putik ang kasuotan ng mga sundalo. Laking gulat nina Brian, Abby at Malin nang makita si Jake na nakaupo lang sa isang tabi at nagbabasa ng comics.

BRIAN: Anong ginagawa mo diyan? Kaming lahat sumabak sa putikan, taos ikaw pahiga-higa lang diyan?

JAKE: Hello! Ako ang leader ng Gammarangers, bakit ako sasabak diyan?

ABBY: Fonseca, kapag nalaman ni General na hindi ka sumabak sa drills, baka ipatanggal ka niya sa team.

MALIN: Oo nga naman Kuya, unfair naman sa amin. Oo leader ka nga, pero pare-pareho lang naman tayong Gammarangers.

JAKE: Sinusubukan nyo ba ako? Puwes, all of you, SQUAT!


Galit man ay sumunod na lang ang tatlo sa parusa ni Jake.


JAKE: Tingnan lang natin!


Sa Balcony ng Gamma Base at nasaksihan ni Gen. Angeles ang pagmamalabis ni Jake.

_______________________________

Sa himpilan ng AXIS….

NECROMA: Panginoon, ipinakikilala ko po sa inyo ang aking bagong Terrozoid, si Rhinozoid!

Si Rhinozoid ay isang robotic monster na mukhang Rhinocerus.


GANELON: Hmmmm magaling!

BALAAM: Baka naman madali lang tapusin yan ng Gammarangers.

NECROMA: Yan ang akala mo! Oo sabihin na nating madali nga siyang natalo ng Rangers, subalit sa pamamagitan ng G.E.A.R. Spider ni Panginoong Ganelon, mabubuhay siyang muli at mas lalaki't mas lalakas!

GANELON: Siguro naman ay ito na ang tatapos sa Gammarangers! Nang sa gayon ay tuluyan na nating masakop ang daigdig! Bwa ha ha ha ha!
_______________________________

Sa Gamma database……

Pumasok si Jake sa loob ng silid.

JAKE: Sir, pinatatawag niyo po daw ako?

GEN. ANGELES: Fonseca, why are you abusing your authority that I gave you? Mukhang hindi mo naintindihan ang pinagusapan natin kanina.

JAKE: Pero Sir, I am just doing my job as the leader. Hindi ba’t ang leader at laging nirerespeto at sinusunod?

GEN. ANGELES: Pero ikaw, nirerespeto mo rin ba sila bilang tao? Hindi mo lang alam, pero pinagmamasdan kita kanina habang kausap mo si Tavarez, at nakikita ko rin kung paano mo silang pinarusahan nang walang dahilan! Sumosobra ka na!

 Hindi makaimik si Jake.

GEN. ANGELES: Ibigay mo sa akin ang morphing badge mo! Hanggat hindi ka tumatanda, hindi ko ibabalik sa iyo ito! At kapag inulit mo pa ang ganyang attitude mo, tatanggalin na kita sa team!

At kinuha ni Gen. Angeles ang badge mula sa balikat ni Jake, wala nang nagawa ang batang sundalo….

_____________________________  Commercial  ______________________________

EMERGENCY! EMERGENCY! TERRORIST ALERT! TERRORIST ALERT!

GEN. ANGELES:  Alice, anong meron?

ALICE: Sir, a battalion of Omicrons are attacking Area C3, Sector 81, North 51 degrees 16 minutes West, sa Subic!

GEN. ANGELES:  Okay. (kinuha ang communicator) Rangers, pumunta kayo sa Attack Zone, gamitin na ninyo ang mga Gamma Vehicles.

BRIAN: (sa kabilang linya) Roger!

Sa isang tabi ay nandoon si Jake, nakaupo at walang magawa habang pinapanood ang mga kasamahan niyang sumasabak sa laban.

Nagmorph sina Brian, Abby, Scott at Malin. Agad din silang sumakay sa kani-kanilang mga Patrol Vehicles.


_____________________________ 


Sa Subic Bay, 10:26


Patuloy ang pananalasa ng AXIS Omicrons sa lugar. Takbuhan ang mga sibilyan para sa kanilang kaligtasan. Pinagsisira ng mga Omicrons ang lahat ng makita nila.


Ilang saglit pa ay.....


"Lightning Rocket Launchers!"


Isang malaking pagsabog ang bumulaga sa Omicrons, at nagulat sila nang makita ang paparating na Gammarangers sakay ang ang kanilang mga Vehicles.


GAMMA BLUE: Triple Laser Attack!


Habang lumundag sa ere ay nagakawala si Gamma Blue ng Laser Attacks mula sa kanyang Desert Lightning. Maraming Omicrons ang napinsala.


Habang si Gamma Yellow ay akmang sasagasaan ang isang batalyong Omicrons, gamit ang Ionic Shield na bumalot sa Desert Lightning niya. Tumba ang mga kalaban.


GAMMA YELLOW: Okay, di pa ako tapos!


Pagkuwa'y nang U-Turn si Gamma Yellow at pinalundag ang Desert Lightning, habang nasa ere ay nagpakawala siya ng Plasma Blasts mula sa kanyang Desert Lightning. Sinabayan pa ng G-Firearms na kinuha niya mula sa leg armor. Sabog ang mga kalaban.


GAMMA YELLOW: Ang taray din ng armas ng motor ko, hi hi hi....


May mga Omicrons pang natitira, kaya sina Gamma Green at Gamma Vio naman ang umatake.


GAMMA VIO: Alright, lets kick some ass!


Pina-drift ni Scott ang Delta Bison, habang si Abby naman ay pinindot ang M2 Blaster. Kaya habang paikot ang sasakyan sa pagdrift nito, sabay paputok sa mga kalaban. Sabog ang mga Omicrons.


GAMMA GREEN: Hanep ang weapons a. Shit the gear, Scott!


GAMMA VIO: Roger!


At binarurot ang Delta Bison paatake sa mga kalaban, sabay paputok ng lahat ng arsenal ng sasakyan. At para matapos agad ang lahat ng Omicrons, tumulong na din sina Gamma Blue a Gamma Yellow sa pagtapos. Inubos nila ang lahat ng Omicrons.


GAMMA BLUE: Great job guys. Kaya natin kahit wala si Fonseca.


Subalit walang anu-ano ay may biglang tumamang sungay sa likod ni Gamma Blue. 


GAMMA BLUE: Aaaaarrrggghhhh!!!! (at siya'y natumba)


GAMMA GREEN: Mistah!


GAMMA VIO: What the--


May biglang bumangga sa Delta Bison mula sa likod, dahilan para tumilapon ito.


GAMMA VIO at GAMMA GREEN: Aaaaarrrgggh!!!


Nagulat naman si Gamma Yellow sa nangyari sa kanyang mga kasama. Mas nagulat siya sa nakita niyang nilalang. Si Rhinozoid.


GAMMA YELLOW: O hindi, ano to?


Biglang sumugod si Rhinozoid kay Gamma Yellow, dahilan upang tumilapon din siya kasama ang Desert Lightning. 


Pinuntahan ng halimaw ang Delta Bison at saka ito binuhat at hinagis sa isang gusali. Bagsak ang sasakyan at lumabas mula dito sina Gamma Green at Gamma Vio. Hindi gaanong nasira ang sasakyan, dahil matibay ito. 



GAMMA GREEN: He is strong!


GAMMA VIO: Yeah, very strong.


Inilabas nila ang kanilang G-Firearms subalit hindi ito tinablan. Matibay ang halimaw.


Lumapit pa ang hamilaw at saka sinakal ang dalawang rangers. Binuhat nito ang dalawa at saka itinapon sa bakal na bahagi ng isang gusali.


Pagkatapon, saktong nagpaputok ng G-Launcher si Gamma Blue. Hindi tinablan ang halimaw. Dinampot nito si Gamma Yellow at ibinato ito kay Gamma Blue.


_____________________________ 


JAKE: Sir, tingnan niyo, nahihirapan sila, kelangan ko silang tulungan!


GEN. ANGELES: Diyan ka lang, Fonseca, hangga't hindi ka nagsisisi sa mga ginawa mo.


JAKE: Pinagsisisihan ko na po! Patawarin niyo na po ako, bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon. Patutunayan ko po na karapat-dapat akong maging pinuno ng Gammarangers. Parang awa niyo na....

Tiningnan ni Gen. Angeles si Jake, at kita naman ng heneral ang sinseridad sa mga mata ng sundalo.


JAKE: Hindi ko na po aabusuhin ang posisyon na binigay niyo sa akin.


GEN. ANGELES: Buweno, sa tingin ko e natuto ka na. Sige, ibinabalik ko na sa iyo ang Badge. Puntahan mo na sila.


JAKE: Maraming salamat po! (kinuha ang badge) GAMMA MODE ACTIVATE!


At naging Gamma Red na si Jake.


GEN. ANGELES: Gamitin mo na ang Cyclone Panther.


JAKE: Sige po.


At sumakay na si Jake sa Cyclone Panther at pumunta sa Battle Zone.


ALICE: Sir, mukhang madali kayong magpatawag ngayon a.


GEN. ANGELES: Hay ewan ko sa batang yan.



_____________________________ 


GAMMA BLUE: Uugghhh.....ang lakas niya.....


GAMMA GREEN: Ano, tatawagin ko na ba si Fonseca?


GAMMA YELLOW: Sana dumating na si Kuya Jake, kahit medyo mayabang siya, kailangan natin ang tulong niya.


GAMMA VIO: Here he comes again.....


Mabilis na sumugod si Rhinozoid sa apat, bumuo ito ng electromagnetic fireball at ibinato sa Gammarangers. Tumalsik ang apat at nasaktan.


Nakahandusay na ang apat na rangers. Nauubos na rin ang energy level nila. Unti-unting lumalapit si Rhinozoid upang tapusin na sila, subalit.....


BOOM!!!!


Tumilapon si Rhinozoid sa ere gawang ng isang missile attack. 


GAMMA BLUE: Huh? Sino gumawa nun?


GAMMA GREEN: Tingnan niyo!


Dumating si Gamma Red lulan ng Cyclone Panther.


GAMMA RED: Heto na ako, halimaw!






At pinaputok ulit niya ng laser tricannons si Rhinozoid. Nasaktan ang Rhinozoid sa natamong pinsala. Hindi siya tinablan ng G-Firearms, pero sa pagkakataong ito, hindi niya kinaya ang atake ng Cyclone Panther.


Pumarada sa tapat ng apat na kasama si Gamma Red.


GAMMA BLUE: Dumating ka pa!


GAMMA RED: Mga kasama, patawarin niyo ako sa pagmamalabis ko. Hindi tama ang ginawa ko sa inyo.


GAMMA GREEN: Okay na yun Fonseca. Pinatawad ka na namin.


GAMMA YELLOW: Tama yun Kuya.


GAMMA VIO: We have no time, he's attacking again!


Pasugod ulit si Rhinozoid, subalit mabilis na gumanti si Gamma Red. Pinaputok niya ng tricannons ang halimaw at nasaktan ito.


Habang pabagsak ang halimaw ay sabay itong sinagasaan ng Cyclone Panther.


GAMMA GREEN: Guys, tulungan natin si Jake!


At sumakay ulit sila sa kani-kanilang Patrol Vehicles at sabay-sabay na tinira si Rhinozoid. Pinagsama-sama nila ang atake ng kani-kanila mga vehicles, na siyang ikinapinsala ng halimaw at....


BOOM!!!!


GAMMA RED: Ayos!


GAMMA VIO: Great job guys!


Kasalukuyang nagsasaya ang mga Rangers nang biglang may dumating....


NECROMA: Wag kayong magsaya Gammarangers!


GAMMA RED: Ikaw nanaman?


NECROMA: Kung akala nnyo e nanalo na kayo, nagkakamali kayo!


Inihagis niya ang G.E.A.R. Spider sa remains ni Rhinozoid....


GAMMA BLUE: Huh, ano yan.


GAMMA GREEN: Tingnan niyo, pinapaluputan ng gagamba ng agiw ang tinalo nating halimaw!


NECROMA: Masdan niyo kng ano ang mangyayari!


Ilang sandali pa ay biglang kumislap ang supot na agiw at lumaki ito. Patuloy ito sa paglaki hanggang sa kasinlaki na ito ng isang mataas na gusali. Biglang napisa ang supot na agiw at bumulaga sa rangers ang isang napakalaking Rhinozoid!


GAMMA RED: Hindi! Nabuhay ulit siya!


GAMMA BLUE: At mas lumaki pa!


Pinagsisira ng higanteng Rhinozoid ang mga gusali, at pagkakita sa Gammarangers, ay aapakan niya ang mga ito. Nakailag ang mga rangers at tumakbo. 


NECROMA: Ha ha ha ha ha, sige tumakbo kayo! Kahit anong ibato nyo sa kanya ay hindi na siya masasaktan. Wala kayong panlaban sa kanya! Ha ha ha ha ha!!!!


___________________________


ALICE: Sir, nabuhay ulit ang halimaw at mas lumaki na siya ngayon!


GEN. ANGELES: Naloko na, hindi ko akalain na magagawa ng AXIS ito!


Sa paglaki ng halimaw na si Rhinozoid, paano kaya siya matatalo ng Gammarangers? Ano naman kaya ang Project Gammatron na binubuo nina Owen?


ABANGAN...........

No comments:

Post a Comment