Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
Ang nakaraan sa United Defense Force Gammaranger…..
Muling sumalakay ang grupong AXIS sa Pilipinas upang maisakatuparan ang kanilang balak na tuluyang mapasailalim ang mundo sa kanilang kapangyarihan, subalit agad na rumesponde ang Gammarangers at ang mga kaalyadong puwersa upang sila ay pigilan. Sa kabila ng galing ng mga rangers sa pagpapabagsak ng mga Warbots ay patuloy na dumami ang puwersa ng kalaban, kaya kinailangan ang tulong ng Special Airborne Forces sa pamumuno ni Major Jake Fonseca. Nagawa nilang ubusin ang mga Warbots subalit si Balaam ay nagpakawala ng isang mabangis na halimaw na si Vulkazoid.
Nagawang talunin ng Gammarangers si Vulkazoid subalit sina Jake at Gamma Red ay nilalabanan si Balaam. Nagawang ipitin ni Gamma Red si Balaam na siya naming sinamantala ni Jake upang tirahin ito ng Grenade Launcher, subalit nagawang umilag ni Balaam kaya si Gamma Red ang tinamaan. At ang masaklap, ay punaulanan pa ni Balaam ng Finger Missiles si Gamma Red at sinaksak ng Leg Spear sa tiyan nito, dahilan upang masira ang Armor System nito at sumabog…..ang misyon ni Ervin Macaraya ay natapos sa isang malagim na trahedya…..
Muling sumalakay ang grupong AXIS sa Pilipinas upang maisakatuparan ang kanilang balak na tuluyang mapasailalim ang mundo sa kanilang kapangyarihan, subalit agad na rumesponde ang Gammarangers at ang mga kaalyadong puwersa upang sila ay pigilan. Sa kabila ng galing ng mga rangers sa pagpapabagsak ng mga Warbots ay patuloy na dumami ang puwersa ng kalaban, kaya kinailangan ang tulong ng Special Airborne Forces sa pamumuno ni Major Jake Fonseca. Nagawa nilang ubusin ang mga Warbots subalit si Balaam ay nagpakawala ng isang mabangis na halimaw na si Vulkazoid.
Nagawang talunin ng Gammarangers si Vulkazoid subalit sina Jake at Gamma Red ay nilalabanan si Balaam. Nagawang ipitin ni Gamma Red si Balaam na siya naming sinamantala ni Jake upang tirahin ito ng Grenade Launcher, subalit nagawang umilag ni Balaam kaya si Gamma Red ang tinamaan. At ang masaklap, ay punaulanan pa ni Balaam ng Finger Missiles si Gamma Red at sinaksak ng Leg Spear sa tiyan nito, dahilan upang masira ang Armor System nito at sumabog…..ang misyon ni Ervin Macaraya ay natapos sa isang malagim na trahedya…..
…..paano malalabanan ng Gammarangers ang AXIS ngayong wala na ang kanilang pinuno?
_____________________________________
MISSION 3: Bagong Pag-asa: Muling Pagbangon ni Gamma Red!
Nagliliyab ang bahaging iyon ng Manila Bay, kung saan bumagsak at sumabog si Gamma Red. Base sa lifeforce meter ng Gamma Base at sa tindi ng impact ng mga atake sa kaniya, masasabing PATAY NA SI GAMMA RED, si Cadette Major Ervin Macaraya….
Bagsak pa rin ang Gammarangers, dahil sa pinaghalong atake ni Balaam at panlalambot sa nasaksihang pagkamatay ng kanilang kasama…
GAMMA BLUE: (garalgal ang boses) Macaraya…...Hindi maaari…..
GAMMA GREEN: (umiiyak) Ervin……
GAMMA YELLOW: (umiiyak din) Kuya Ervs…..bakit…..bakit kelangang mangyari sayo ito?
GAMMA VIO: This can’t be……
BALAAM: Ha ha ha ha! Haaaa ha ha ha ha!!! Tinapos ko na ang isa niyong kasama! Ngayon kayo naman ang isusunod ko!
Dahan-dahang lumalapit si Balaam sa apat na rangers upang sila ay tapusin, nang tamaan ulit si Balaam ng Grenade Launcher….
BOOM!!!
BALAAM: Aaaaarrrrggggghhhhh……!!!!
At sa isang tabi ay nakatayo si Jake na hawak ang armas, pilit tumatayo sa kabila ng pinsalang natamo…
JAKE: Napakawalang hiya mo! Pagbabayaran mo ang pagpatay kay Gamma 01!
BALAAM: Baliw! Ikaw ang pumatay sa kanya! Ikaw ang tumira sa kanya!
JAKE: Yaaaaaaahhhh!!!!! (susugurin si Balaam upang labanan ito)
Nilabanan ni Jake ng buong tapang si Balaam, subalit hindi gaanong nasaktan ang kalaban. Paulit-ulit ang atake ng sundalo pero hindi ito nagtatagumpay.
Napahandusay si Jake, duguan na ito at pagod na pagod. Inapakan siya ni Balaam sa dibdib….
BALAAM: Ngayon nilalang, ikaw na ang susunod kooo!!!!
Akmang sasaksakin na siya ng Leg Spear nang….
BAAAAAANNNNNGGGGG!!!!
Tumilapon si Balaam. Nang tingnan niya ang pinagmulan ng paputok, nakita niya na papalapit ang apat na Gammarangers, tila sila ay nabigyan ng panibagong lakas.
GAMMA GREEN: (umiiyak) Wala kang awa!
GAMMA BLUE: Magbabayad ka! Rangers, Gamma Dagger Attack!!!
Tila nabigyan ng panibagong enerhiya ang Gammarangers, unang umatake sina Gamma Vio at Gamma Green gamit ang mga Daggers nila. Gulat si Balaam sa ipinapakitang lakas nila, kaya nagtamo siya ng pinsala sa Armor nito. Hindi pa nakakabawi ay biglang umatake si Gamma Blue at Gamma Yellow ng Dagger Attack, kaya hindi nagawang umilag ni Balaam. Nagpakawala ng Iron Tentacles ang AXIS General subalit madaling binali ng Gamma Daggers ang mga ito. Parang sinaniban ng kung ano ang mga rangers. Finger Missiles ang sunod na opensiba ni Balaam subalit gumanti naman ng G-Firearms ang mga bida.
BALAAM: Imposible, nagawa nilang tapusin si Vulkazoid, ngayon naman ay bigla silang lumakas lalo!
Ngayon ay nabawasan na ng lakas si Balaam, sinamantala na ito ng Rangers….
GAMMA BLUE: Guys, G-Firearms, Full Power!
ALL: Target Locked……….FIRE!!!!!
Isang malakas na blast ang pinakawala ng rangers…
BOOM!!!!
Nang humupa ang pasabog, ay may isang electromagnetic barrier ang biglang bumalot kay Balaam…
BALAAM: Ha ha ha, salamat naman at dumating ka, Necroma!
NECROMA: Bobo! Wala ka nang ginawa kundi puro kapalpakan! Pasalamat ka ang dumating ako!
At ilang saglit pa ay nagpakawala si Necroma ng Laser Eye Beams sa mga Rangers, na siyang ikinabagsak ng mga ito. Pagkabangon nila, wala na ang mga kalaban…..
GAMMA BLUE: Lintik! Nakatakas sila!
Nagpower-down ang Rangers at lumapit sa kinaroroonan ng pinagbagsakan ni Gamma Red.
BRIAN: (bumulong) Macaraya……
MALIN: (masakit na iyak) Kuya…..
SCOTT: ……..
Napalingon naman si Abby sa kinaroroonan ni Jake.
ABBY: Falcon 1, ayos ka lang ba? Mukhang nasaktan ka ng husto ng halimaw na iyon….
JAKE: (nanghihina ang boses) Uuuggghhhh……ayos lang….ako, magandang…..bini-bini…..
Inakbayan ni Abby si Jake, at nang humahakbang na ang dalawa…..BOG! Isang malakas na suntok ang pinakawala ni Brian kay Jake.
JAKE: Araaayyy!!!! Bakit mo ako sinuntok?!
BRIAN: (inaawat ni Scott) Tarantado ka! Matapos mo akong banggain sa Gamma Base, ngayon kaibigan ko naman tinira mo!!! Napakawalang hiya mo! Pinatay mo si Macaraya!!!
JAKE: Ikaw ang tarantado! Pinagbibintangan mo ko, e ni hindi mo alam ang tunay na nangyari! Si Gamma 01 ang nag-utos na iputok ang Grenade Launcher! Nailagan lang ng kupal na halimaw na yon!
BRIAN: Nagmamalinis ka pa, sinadya mong patayin si Macaraya dahil inggit ka sa kanya! Di kita mapapatawad!
MALIN: Mga kuya tama na!
SCOTT: Brian, stop it!
Hindi pa rin nakinig ang dalawang nag-aaway, nagawang kumawala ni Brian kay Scott. Sumuntok ulit siya, subalit nagawang harangin ito ni Jake, Gumanti si Jake ng suntok at hanggang sa nagpagulong-gulong sila at patuloy ang suntukan.
ABBY: TAAAMAAA NAAAAA!!!!! (doon lang tumigil ang dalawa) Hindi na kayo nahiya kay Ervin! (tumulo ang mga luha sa mata niya) Wala na tayong magagawa! Kahit magsuntukan pa kayo buong maghapon, hindi niyo na maibabalik pa si Ervin! Para kayong mga hindi sundalo! Tumigil na kayo!
Biglang tumunog ang communicator ng rangers….tumatawag si Gen. Angeles. Si Abby ang sumagot.
GEN. ANGELES: Cadettes, return to base at once, we will have a meeting!
ABBY: Roger sir.
Masamang nagtinginan sina Jake at Brian.
Si Malin, may napansin….
MALIN: Ano yon? (nilapitan ang bagay na nagiispark) Ang morphing badge ni Kuya Ervin! Sira-sira na….kailangang maayos ulit ito.
SCOTT: Guys, we better go back to the base right now….we need to regroup.
__________________________________
Sa AXIS Headquarters…..
GANELON: Palpak ka nanaman!!! (nagpakawala siya ng isang malakas na electric shock kay Balaam) Naubos ang halos kalahati ng puwersa ng ating mga Warbots, tapos napatay ang halimaw mong si Vulkazoid, ngayon hindi mo nagawang tapusin ang mga pesteng iyon?!
BALAAM: (nasaktan sa natamong kuryente) Pero Panginoon, nagawa ko naman pong mapatay ang isa sa kanila! Sigurado akong mapipilayan sila kung kulang sila!
GANELON: Gago! Pilayan mo mukha mo! Hindi ako tanga! Dapat tinapos mo na silang lahat! Sino ba ang mga basurang iyon na humahadlang sa ating mga plano?!
BALAAM: Panginoon, sila daw po ang Gammarangers, sila daw ang hahadlang sa ating pagsakop sa daigdig.
GANELON: Gammarangers?!
NECROMA: Kung hindi pa ako dumating, baka natodas ka na rin ng mga iyon.
DYMARO: Kung ako siguro ang nandoon, baka madali ko lang silang natapos nang walang kapagod-pagod.
GANELON: Kelangang umisip tayo ng panibagong plano upang masugpo ang mga hadlang sa ating pagsakop!
NECROMA: Panginoon, hayaan nyo pong ako ang humarap sa kanila. Kung hindi kaya ni Balaam, ako na po ang tatapos sa Gammarangers. May inihanda po akong isang malakas na Terrazoid upang tapusin sila ng tuluyan.
GANELON: Siguro naman ngayong nabawasan sila ng isa, ay kayang-kaya mo na silang iligpit!
NECROMA: Ako po ang bahala, Mahal na Ganelon.
__________________________________
Sa UDF Gamma Base, 21:47…..
GEN. ANGELES: Bakit ganyan ang mga itsura minyo? Ano ang nangyari kay Macaraya?!
BRIAN: (malungkot ang boses) Sir….si Macaraya….wala na siya…..
Saglit na natahimik ang lahat ng nasa database sa sobrang gulat sa narinig na balita. Si Alice ay nabitawan ang hawak na basong tubig, habang si Owen naman ay napatda sa kinaupuan. Gulat man at nalungkot ay hindi nagpahalata si Gen. Angeles.
ABBY: (boses na parang namatayan) Sir…. patawad po. Kung maaga naming natapos ang halimaw na iyon, baka nagawa pa naming tulungan at mailigtas pa siya.
SCOTT: We did everything we can, but to no avail…..
GEN. ANGELES: (nagbuntung hininga) Macaraya may be a big loss to our campaign against AXIS….pero tandaan niyo Rangers, there are always casualties in every battle. Madaming giyera na rin ang pinagdaanan ninyo, dapat ay itatak niyo sa isip ninyo na ang isang sundalo ay handang mamatay!
MALIN: Pero Sir, malapit po sa amin si Kuya Ervin! Hindi ko pa rin po matanggap na wala na si--
GEN. ANGELES: Enough of that pathetic whining! Mga sundalo kayo! Hindi kayo nandito para umiyak!!! Nandito kayo para lumaban! Lumaban para sa kapayapaan ng mundong ito! Kung ayaw niyo na, sabihin niyo lang at nang tanggalin ko kayo bilang Gammarangers at bilang sundalo!!!
Saglit na katahimikan…..
GEN. ANGELES: Alice, tawagin mo si Falcon 1, gusto ko siyang makausap ngayon din!
ALICE: Roger Sir. (at tinawag si Jake)
Ilang saglit pa ay pumasok na sa database si Jake. Pumasok si Jake na may benda sa ulo at nalinis na ang mga sugat sa katawan.
JAKE: Sir! (saludo)
Sumaludo naman si Gen. Angeles.
GEN. ANGELES: Base sa reports sa akin ay ikaw daw ang nagpaputok ng Grenade Launcher na siyang ikinasawi ni Macaraya. Totoo ba ito?
JAKE: Sir, ginawa ko lang po ang sinabi ni Macaraya. I just took advantage of the situation. Nagawang i-armclip ni Macaraya ang kalaban at sinamantala ko po iyon para tirahin ito. Subalit nagawang umilag ng kalaban kaya si Macaraya ang tinamaan. Hindi pa po nakuntento, tinira pa po niya ito ng missiles at sinaksak pa.
BRIAN: Sinadya mo iyon---
JAKE: Wag kang bastos hindi pa ako tapos magsalita!
GEN. ANGELES: Tumigil kayo! Rangers magpahinga na kayo. Bukas na bukas ipapahanap ko sa Search and Rescue Team ang remains ni Macaraya. Dismissed! Fonseca maiwan ka.
Sumaludo ang mga rangers at umalis. Si Jake ay naiwan sa database. Pagkasara ng pinto ng kuwarto…
GEN. ANGELES: Fonseca, alam mo naman siguro na nasa reserve list ka ng Gammaranger lineup. Iniisip ko kung ipopromote kita, baka lumaki lang ang ulo mo. I am still evaluating your performance.
JAKE: Sir, ang hangad ko lang ay tulungan ang kapwa ko sundalo, aksidente po ang la—
GEN. ANGELES: Hindi ito tungkol sa nangyari kay Macaraya. Fonseca, marami na ang nagrereklamo sa iyo sa Airborne Squad. Oo, you are one of the best if not the best Airborne cadettes sa buong AFP, but based on complaints, your attitude needs to be monitored. You are abusing your position as a Major, you always get in the way of your subordinates. I don’t think you are fit for Gammaranger if ganyan ang attitude mo. Hangga’t hindi mo binabago ang attitude mo, you have no right to be part of the team.
JAKE: Pero Sir, bakit si Edwards—
GEN. ANGELES: That’s all for tonight Fonseca. Magpahinga ka na. Dismissed.
Hindi na humirit pa si Jake. Naiwan siya sa database na mag-isa at gulung-gulo ang isip.
________________________________
Sa patio ng Gamma Base ay nandoon sina Brian at Abby…
BRIAN: Mahihirapan na tayong talunin ang AXIS ngayong wala na si Macaraya. Ano pa ang saysay ng pinaglalaban natin kung kulang tayo?
ABBY: Huwag kang ganyan, mistah. Palagay ko tama si General. Bilang sundalo hindi dapat tayo magpadala sa emosyon. Mga sundalo tayo, nandito tayo para ipagtanggol ang sangkatauhan, at kasama sa trabaho natin ang mamatay.
BRIAN: Alam ko iyon, Abs. Pero para ko na ring kapatid si Macaraya. Matagal na rin ang pinagsamahan namin simula nung nagkasama kami sa Sulu. Ngayong wala na siya, para na ring nawala ang kalahati ng buhay ko.
ABBY: Pero kelangan nating magmove-on. Kahit naman siya magagalit pag hindi natin itutuloy ang pakikipaglaban e. Wala na tayong ibang choice kundi harapin ang kalaban.
BRIAN: Gusto kong ialay ang ipinaglalaban natin sa kanya, bilang pagalala na rin ng kabayanihan niya. Iisa lang ang naiisip ko.
ABBY: Ano iyon?
BRIAN: Gusto kong ituloy ang nasimulan niya. Gusto kong maging Gamma Red!
________________________________
Kinabukasan, 10:17
RED ALERT! RED ALERT! INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!
GEN. ANGELES: Alice, may bagong pagsalakay ba ang AXIS?
ALICE: Yes Sir, nasa Area A1F, Sector 116, North 76 degrees 11 minutes East, sa may Angeles City!
Agad rumesponde ang apat na rangers sa tawag ng alarm.
GEN. ANGELES: Rangers pumunta kayo sa Angeles City. May AXIS na nananalasa doon! On the double!
BRIAN, ABBY, SCOTT, MALIN: Yes sir!
Umalis ang tatlong rangers maliban kay Brian.
GEN. ANGELES: Tavarez, anong problema?
BRIAN: Sir, maaari po bang mahiram ang Red Badge?
GEN. ANGELES: Hindi pa siya naaayos ni Owen. Bakit?
BRIAN: Gusto ko pong ialay ang laban na ito kay Macaraya, gusto ko pong maging Gamma Red para sa kanya.
GEN. ANGELES: You are assigned as Gamma Blue, there is no reason for you to use the Red Badge.
BRIAN: (disappointed) Ganun po ba, sige po, mauna na po ako.
At umalis na si Brian.
GEN. ANGELES: Owen, maaari na bang gamitin ang mga Operation Vehicles?
OWEN: Hindi pa po sir, konting adjustmest na lang po. Sa ngayon sa Patrol Jeep po muna sila sasakay. Inaayos ko na rin po ang mga Gammachines para hindi na po maubusan ng weaponry….
GEN. ANGELES: Very well then, eh ang Red morphing badge na sinoli ni Cadet Ong?
OWEN: Inaayos ko na rin po Sir. Nirereprogram ko na po.
GEN. ANGELES: Okay, sana kayanin ng Rangers kahit kulang sila ng isa…
Sa kuwarto ni Jake….Nakadungaw si Jake sa bintana ng quarters nito at tinatanaw ang papaalis na Gammarangers…
JAKE: Kelangan mapatunayan ko na karapat-dapat akong mapabilang sa kanila!
_____________________________Commercial________________________
Angeles City, 10: 45
Isang Terrozoid nanaman ang nananalasa sa lungsod. Siya ay si Garudazoid, ang bagong halimaw na dala ni Necroma. Anyong agila ito na may mga kamay at paa. Gawa rin sa bakal ang katawan nito. Patuloy na nagpupulasan ang mga tao papalayo. Patuloy rin na sinisira ni Garudazoid ang mga ari-arian at may mga nasawi ring mga sibilyan.
NECROMA: Sige Garudazoid, sirain mo ang buong lungsod! Ha ha ha ha!!!
“Itigil nyo yan!”
Nagulat si Necroma nang makita ang pagdating ng apat na Gammarangers.
NECROMA: Ooohhh….ang mga Gammarangers. Tila kulang kayo ng isa?
BRIAN: Wala ka nang pakialam doon! Itigil nyo ang pagsira kung ayaw niyong masaktan!
NECROMA: Eh di sige! (Naglabas ng Laser Eye Beams si Necroma na siyang nailagan ng apat)
MALIN: Sino naman yang bruhang yan?
SCOTT: She may be hot, but she is a jerk!
ABBY: Guys, tama na yan, pigilan natin sila!
NECROMA: Tutal nandito na kayo, (naghagis ng isang dakot ng microchips, lumabas ang sangkaterbang Omicrons) Omicrons, attack!!!
Sumugod ang mga Omicrons sa apat na kadete. Nilabanan naman nila ng buong husay ang mga kalaban. Subalit lubhang marami ang Omicrons at nang mapaligiran sila….
SCOTT: They keep on multiplying.
BRIAN: Guys gawin na natin!
ALL: Roger!
Binunot nila ang mga Morphing Badges sa kanilang kaliwang balikat, pinindot ang button nito sabay sigaw ng….
ALL: GAMMAMODE, ACTIVATE!!!
Biglang silang nabalot ng liwanag, at nang humupa ay….
ALL: United Defense Force, Gammarangers!
Nagpatuloy ang bakbakan ng Gammarangrers at ng mga Omicrons. Inilabas ni Gamma Blue ang G-Launcher nito at tinarget locked muna lahat ng Omicrons gamit ang mini computer sa kanyang helmet. At nang sigurado ay tinira niya ang mga ito, sapul lahat ng targets niya. Si Gamma Green at inilabas ang Gamma Dagger at isa-isang pinatumba ang mga kalaban. Lumundag siya at kinuha ang G-Booster mula sa kanyang leg armor at titira lahat ng targets niya.
Si Gamma Vio naman ay ginamit ang Jujitsu skills niya upang pataubin ang mga Omicrons, at para madali silang maubos ay nagpakawala siya ng Gamma Laser sa kanyang kamay. Si Gamma Yellow naman ay ginamit ang Wushu skills siya gamit ang Gamma Dagger, at ilang saglit ay inilabas niya ang kanyang G-Smasher mula sa kanyang leg armor at pinataob lahat ng Omicrons na kalaban niya.
At ng maubos ang mga Omicrons….
NECROMA: Bwiset, ubos lahat ng Omicrons. Garudazoid, ika na bahala sa kanila!
Sumugod si Garudazoid sa apat na Rangers. Tinira ni Gamma Blue ng G-Launcher ang halimaw subalit hindi siya tinablan gawa ng Wing Shield nito. Lumipad si Garudazoid at nagpakawala ng Wing Blades mula sa pakpak nito at nadale ang mga Rangers.
Sumugod ang dalawang babaeng rangers gamit ang Gamma Daggers subalit hindi umubra ito laban kay Garudazoid. Nagawang makuha ng halimaw ang mga sandata ng dalawa at isa-isang pinatumba ang mga ito.
Si Gamma Vio naman ang susunod na aatake, subalit nagpakawala ng necrowave si Garudazoid at tumalsik ang Ranger sa pader at nawasak ito.
Ipinagaspas ni Garudazoid ang mga pakpak nito, mula dito ay lumabas ang Death Cyclone na siyang ikinapinsala ng apat na Gammarangers.
NECROMA: Ha ha ha ha, ano kayo ngayon? Mga basura! Iisa-isahin kayo ni Garudazoid! Tapusin sila!
________________________________
Sa Gamma Base, 11: 27
ALICE: General, delikado ang Rangers. Bumababa ang energy levels nila, and still going down. Malakas ang AXIS Beast, mukhang kelangan ng back-up.
GEN. ANGELES: Kung nandyan lang sana si Macaraya….
Lingid sa kanilang kaalaman ay may nanonood mula sa labas ng pinto. Pinanonood ang mga nangyayari sa Gammarangers. Agad din itong umalis.
Sa Laboratory….
OWEN: Okay na ang mga Gammachines. Ngayon ibibigay ko na kay General and Red Badge....(nagulat nang wala ang badge sa pinaglalagyan nito)---WALA ANG MORPHING BADGE!!!
Agad na sumugod sa database si Owen.
OWEN: Mga kasama, may kumuha ba ng Red Morphing Badge?
GEN. ANGELES: Hindi ba’t ikaw lang ang may hawak niyan?
OWEN: Sir, nawawala ang morphing badge! May kumuha!
GEN. ANGELES: ANO?!
________________________________
Hirap na hirap ang Gammarangers sa pagharap kay Garudazoid. Paubos na ang enerhiya nila gawa ng matitinding atake ng halimaw.
GAMMA YELLOW: Hin….di ko na kayaa…..
GAMMA VIO: Damn it! He is too strong!
GAMMA BLUE: Asar!
NECROMA: Wala na kayong magagawa! Sige Garudazoid, huwag mo nang patagalin pa, iligpit na yang mga yan!
“PWEDENG SUMALI?!”
Nagulat ang lahat sa narinig na boses na biglang dumating. Lumingon ang lahat sa bagong dating. Sakay ng Patrol Jeep ay bumaba ang may-ari ng tinig…..
SI JAKE.
GAMMA GREEN: Fonseca?!
GAMMA VIO: What the--?
GAMMA YELLOW: Uy!
GAMMA BLUE: Anong ginagawa mo dito?!
NECROMA: AT sino naman ang unggoy na yan?
JAKE: Ang hihina nyo! Apat kayo diyan, ni hindi nyo matalo-talo ang impaktong yan?!
GAMMA BLUE: Wag kang makikialam dito!
JAKE: Watch and learn!
NECROMA: Garudazoid, unahin mo na nga yang unggoy na yan!
________________________________
ALICE: Sir, si Fonseca nasa Battle site! At base sa analysis, nasa kanya ang Red Badge!
GEN. ANGELES: Ano?! Anong ginagawa ni Fonseca diyan?!
OWEN: Paano niya nakuha ang Badge?
________________________________
Sumugod si Garudazoid kay Jake, at agad namang nakailag si Jake. Mabilis si Jake, nagagawa niyang iwasan ang atake ng kalaban. Pero nadaplisan ng konti ito nang matamaan siya ng Wing Blade.
JAKE: Ow, Sakit nun a. Mukhang kelangan nang magbihis! It’s showtime!..........(kinuha ang Red Badge, pinindot ang button sabay sigaw ng….)
GAMMA MODE, ACTIVATE!!!
Biglang nabalot ng Gamma Energy Wave si Jake at sa isang iglap lang, siya ay naging si Gamma Red…..
GAMMA VIO: Holy Cow--!
GAMMA YELLOW: OMG!!!
GAMMA GREEN: Hah?!
GAMMA BLUE: Hindi maaari! Paano napasaiyo yan?!
GAMMA RED: Ganito pala ang feeling….parang lalo akong lumakas…(lumingon sa apat) Hoy kayo diyan, ibalato nyo na sa akin ang halimaw nato!
NECROMA: Hindi pwede! Buhay na naman si Gamma Red!
GAMMA RED: Kung nagawa ninyong tapusin si Macaraya, ako hindi! Dahil ako na ang bagong GAMMA RED!
NECROMA: Ano pa hinihintay mo Garudazoid? Tapusin mo na yan!!!
Sumugod ulit si Garudazoid at nagpakawala ng necrowave mula sa bibig…nailagan ni Gamma Red ang atake.
GAMMA RED: Muntik nako. Ano kaya meron sa armor nato?.....(chineck ang weapons menu sa minicomputer sa helmet), Okay subukan natin to! G-MAGNUM!
At mula sa leg armor ay inilabas nya ang G-Magnum. Pinagbabaril niya ang Garudazoid, subalit nagawang isara ng halimaw ang Wing Shield nito. Pagbuka ng Wing Shield, nagtaka ang halimaw na wala na ang katunggali. Laking gulat nito nang maputol ang isa niyang pakpak. Pinutol pala ni Gamma Red ito mula sa likod.
GAMMA RED: Hindi ka na makakalipad niyan, angry bird!
________________________________
ALICE: Sir, mukhang nagagamit ni Fonseca ng maayos ang Gamma Red powers.
Tahimik lang na nanonood si Gen. Angeles.
________________________________
Kahit na iisa na lang ang pakpak ni Garudazoid ay nagawa pa nitong magpakawala ng Death Cyclone, subalit dahil na rin sa hina ng cyclone gawa ng iisa na lang ang pakpak ay hindi nito napinsala si Gamma Red. Patakbong sumusugod ito habang iniilagan ang atake ng halimaw. At pagkalapit sa halimaw ay bigla niyang inilabas ang G-magnum nito at tinutok ito sa tiyan. Pagkatutok, bigla niyang pinaputok ito.
Tumalsik ang halimaw.
Napapahanga ang mga Gammarangers sa kanilang nakikita, maliban kay Gamma Blue.
Bago pa makabawi ang halimaw ay….
GAMMA DAGGER, KILLER SLASH!!!
At sa isang iglap ay nahati ang halimaw at saka sumabog…….BOOM!!!
GAMMA RED: Ganyan dapat! (nilingon si Necroma) Hoy Ms. Bruha, baka gusto mo ring akong subukan!
NECROMA: Bwiset! Grrrr……Babalikan ko kayo!!!
At sa isang iglap ay nawala si Necroma.
________________________________
ALICE: Sir, mag-isang tinalo ni Fonseca ang halimaw! Ang galing nya!
GEN. ANGELES: Hmmmm……(napapatango na lang)
________________________________
Nagpower down ang lahat ng Rangers. Agad nilapitan nina Abby, Scott at Malin si Jake.
MALIN: Ang galing mo kuya Jake! Parang ikaw rin si Kuya Ervin!
SCOTT: Man, that was awesome!
ABBY: Nice one, Fonseca! Buti pumayag si General na gamitin mo iyan.
JAKE: Ha ha ha, wala ganun talaga e. Iba na ang magaling. Dapat siguro magpractice pa kayo.
Medyo nainis naman ang tatlo sa sinabi ni Jake, pero agad ding binalewala. Napalingon si Jake sa kinaroroonan ni Brian. Matalim ang tingin ni Brian kay Jake at saka lumayo.
MALIN: Napano si Kuya Brian?
JAKE: Hayaan niyo yan! Inggit lang yan. Mabuti pa bumalik na tayo sa Base.
Pinagmamasdan naman ni Abby si Brian habang pasakay ito ng Patrol Jeep. Naintindihan niya ang disappointment na nararamdaman ng kanyang mistah.
________________________________
Sa Gamma Base, 13:26
GEN. ANGELES: Fonseca, how dare you steal the Red Badge without my permission?! Alam mo bang labag sa regulations ng Project Gamma ang ginawa mo?! Hindi ba’t sabi ko sa iyo na I already removed you from the reserve list? You are so stubborn!
JAKE: Sir, kung ang kapalit naman po nito ay ang kaligtasan ng mundo, willing akong sirain ang kahit anong regulasyon. Hindi ko na hihintayin na may mamatay pa o masira.
GEN. ANGELES: Whatever! Ibalik mo sa akin ang badge na yan!
Labag man sa kalooban ni Jake ay iniaabot na niya ang Red Badge….sumabat si Alice.
ALICE: Sir, sa ipinakitang galing ni Fonseca, palagay ko he will be the best replacement for Macaraya. I suggest you give him a chance.
MALIN: Agree ako sayo, Ate Alice! Ngayon, hindi ko na mamimiss si Kuya Ervs! Kahit medyo mahangin nga lang si Kuya Jake.
SCOTT: I second that. I thought he is a great fighter.
OWEN: Oo kahit kinuha niya ang Badge ng walang paalam. He he he
ABBY: Payag din po ako, Sir. Malaking tulong po si Fonseca. Ngayon buo na po ulit ang Gammarangers.
GEN. ANGELES: (nag-isip muna) Well, if that is the case, Major Jake Fonseca, base na rin sa performance mo sa pagsupil ng AXIS Forces, sige, for now you are the interim Gamma 01! Tandaan mo, you are still under evaluation.
JAKE: He he Okay lang po. Maraming salamat po!
Palakpakan ang lahat sa loob ng database. Pagkarinig ng balita ay lumabas ng kuwarto si Brian.
Biglang dumating si Charlie 9.
CHARLIE 9: Heyow, mamen! Welcome to the club ma nigga! Yo mama!
JAKE: Sino naman yan?
MALIN: Hoy Charlie, saan ka ba galing? Baka inubos mo nanaman ang turnilyo sa toolbox…..
CHARLIE 9: Gusto ko ng Magnum! Gusto ko ng Magnum!
MALIN: Ano ka ba, paano ka kakain ng Magnum, e Robot ka?
CHARLIE 9: Yak! Ang corny mo!
ALL: Ha ha ha ha ha!
ALL: Ha ha ha ha ha!
ABBY: Teka, nasaan si Brian?
Lumabas si Abby sa database at hinanap si Brian. Nakita niya ito na nasa kuwarto nito at nakatingin sa bintana.
ABBY: Mistah, ano ginagawa mo diyan? Tara magpapa-lunch party si Fonseca.
BRIAN: Kayo na lang. Magpapahinga na ako.
Nagtataka man ay iniwan ni Abby si Brian na mag-isa.
Malaking kawalan si Ervin Macaraya sa Gammarangers. Subalit sa pagdating ni Jake Fonseca bilang bagong Gamma Red, muli ay nabuhay ang pag-asa natin na matalo ang mananakop na AXIS at ipagtanggol ang mundo mula sa pagkawasak. Ngayong buo na ulit ang Gammarangers, ay malakas na ulit ang ating depensa para maibalik ang kapayapaan sa daigdig…
ITUTULOY……..
No comments:
Post a Comment