Saturday, April 14, 2012

Mission 2: Pagbagsak ng isang Bayani

Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________

Ang nakaraan sa United Defense Force Gammaranger……

Nasakop na ng AXIS ang halos buong kabuuan ng mundo, ngunit habang ito ay nagaganap, naglunsad ang UN ng isang makabagong proyekto na siyang makakatalo sa kanila, ang Global Armed Missions Military Alliance o Project GAMMA at ito ay itinatag sa Pilipinas. Nagrecruit ang GAMMA ng apat na magagaling na sundalo upang bumuo sa isang malakas na fighting squad, ang United Defense Force Gammarangers. Si Scott na dating lumaban sa AXIS sa Amerika ay nagpunta sa Pilipinas, at doon ay nadiskubre nya ang Gammarangers, ninais nyang mapabilang dito upang ipaghiganti ang kanyang amang napatay ng teroristang grupo. At sa muling pagsalakay ng AXIS ay muling naging alerto ang buong hukbong sandatahan upang pigilan ang AXIS sa tuluyang pagsakop ng daigdig….

….subalit may isang malagim na trahedyang nagbabadya sa ating mga bayani….

SUNDALO: Nararamdaman kong malapit na akong mapabilang sa kanila…..


MISSION 2: PAGBAGSAK NG ISANG BAYANI


GAMMAMODE, ACTIVATE!


At sa isang iglap ay nabalot ng metallic armor ang apat na batang kadete, si Ervin ay naging Gamma Red, si Brian ay naging Gamma Blue, si Abby ay naging Gamma Green, si Scott ay naging Gamma Vio, at si Malin ay naging Gamma Yellow.


SCOTT: Man, this armor is cool! Awesome! I feel like I am 10 times stronger!


MALIN: Ang taray talaga ng suit nato, hi hi hi!


GEN. ANGELES: Rangers, ito na ang tamang oras para gamitin ang mga Gammachines. Sa palagay ko ay isang malaking Armed Battalion ang kanilang dala, kaya make use of the capabilities of the vehicles. Magpapadala din kami ng additional forces para tumulong sa inyo. Maliwanag?


ALL: Yes sir! (sabay saludo)


At akmang aalis ang Gammarangers nang….


GEN. ANGELES: Macaraya!


ERVIN: Yes sir?!


GEN. ANGELES: Mag-iingat kayo.


ERVIN: Opo!


At pumasok na sa Freight Carrier ang mga Rangers papunta sa kani-kanilang mga Gammachines. Si Gamma Red ang magpipiloto ng 01 Jet Fighter, si Gamma Blue naman sa 02 Battle Tanker, si Gamma Green sa 03 Combat Chopper, si Gamma Vio sa 04 Turbo Trailer at si Gamma Yellow sa Patrol Armor.



GAMMA YELLOW: Ayos! Eggzoited nakong i-drive ito! Hi hi hi!


GAMMA VIO: This is great! I’ve never operated something like this before!


GAMMA GREEN: Nice, magagamit na rin natin ang mga Gammachines!


GAMMA GREEN: Ready na ako!


GAMMA GREEN: Okay guys, let’s rock and roll!


At nagtake-off mula sa kani-kanilang launch pad ang mga Gammachines.

___________________


GEN. ANGELES: Alice, ideploy mo na din ang lahat ng Army Battalions natin, all artillery must mobilize now! Ihanda na rin ang Special Airborne Forces for backup! Tawagin mo na rin ang Allied Units upang tulungan tayo!


ALICE: Roger sir! (Inactivate ang Headphone) Attention First Infantry to Tenth Infantry Division, prepare for counter assault! All Combat Support Units, mobilize! Special Airborne Forces stand by! UN Allied Forces prepare for backup!


At isa-isang naglabasan mula sa Gamma Base ang mga war tanks at patrol vehicles ng Philippine Army. Sumama na rin ang natitirang UN Allied Forces sa pupuntahang laban. Nakahanda na rin ang Airborne Forces upang magsilbing support troops ng mga militar.

___________________


Area A2B, Sector 24, North 24ยบ 56’ minutes West, 18:35……


Nagsisitakbuhan ang mga tao nang dahil sa pagsalakay ng AXIS Forces na pinangungunahan ni Balaam. Isang batalyong Black Warbots at Red Warbots ang dala ng AXIS upang atakihin ang bansa. Pinagsisira ng mga terorista ang lahat ng makita nila, kahit ang mga inosenteng mga sibilyan ay hindi nakaligtas sa kanilang atake. Maraming namatay at marami ring nasirang ari-arian, at sila ay nagsisimula pa lamang…..



“Saklolooooo! Tulugnan nyo po kami!”

“Wag po, maawa po kayo!”


Subalit patuloy pa rin ang pagkitil ng buhay at ari-arian.


BALAAM: (na nasa loob ng AXIS Megaship) Ha ha ha ha!!! Sige magsitakbuhan kayo! Ngayon ay matitikman nyo ang hagupit ng AXIS! Kayo na ang susunod na biktima! Bwahahahaha!!!

Ilang saglit pa ay dumating ang puwersa ng Gammarangers at mga support troops nito…


GAMMA RED: Guys, ayun ang kalaban!


GAMMA GREEN: Naku mukhang medyo nahuli na tayo, ang daming nasira!


GAMMA VIO: Hope noboby’s hurt. Time for payback for all the things they did.


At agad na natanaw din ng AXIS Forces ang Gamma Forces….


BALAAM: Huh? Ano yang mga yan? Mga pipitsuging sasakyang pandigma! May paglalaruan nanaman kami! Ha ha ha!!! Omicrons! Attack!!!


At gamit ang mga Warbots ng AXIS ay pinagbobomba ng mga Omicrons ang mga Gammachines….


GAMMA RED: Guys, nagpapautok sila, activate Cosmic Barrier!


ALL: Roger!


At inactivate ng Gammachines ang Cosmic Barrier bilang baluti laban sa atake ng kalaban. Sa kabila ng sunud-sunod na pagbulusok ng mga Warbots ay hindi sila tinatablan ng mga ito.


GAMMA VIO: Now I’m lovin’ this thing!


GAMMA YELLOW: Waepek yang mga achuchuchu nyo!


GAMMA BLUE: Ang galing talaga ng barrier na ito!


Nagulat si Balaam na hindi man lang tinablan ng Warbot attacks ang mga Gammachines.


BALAAM: Lintik! Ni hindi man lang sila tinablan ng Warbots! Omicrons, ituloy lang ang opensa!


GAMMA RED: Okay tayo naman ang aatake, Fighter Air Beam!


At naglabas ang Jet Fighter ng Air Beam. Tustado ang Warbots.


GAMMA RED: Galing nito a. O kayo naman!


GAMMA BLUE: Ako na! Hmmm anong meron ang Tank na ito?......Okay eto na! Tank Multiblaster!

At naglabas ang Battle Tanker ng sunud-sunod na bomb attacks sa mga kalaban, wasak ang mga Warbots.


GAMMA RED: Galing Tavarez!


GAMMA BLUE: Ikaw rin Macaraya!


Nagpaputok din ang mga support tanks sa mga Warbots, may nasirang mga warbots subalit may mga nasira din sa mga tanke. Buti na lang at naglabas agad ng barrier ang Patrol Armor upang hindi na mapinsala pa ang support tanks.


GAMMA YELLOW: Mga kuya, poprotektahan ko kayo!


MGA SUNDALO: Salamat Gamma Yellow!


GAMMA YELLOW: Aatake na rin ako, Hmmm alin kaya?......Ito na lang, Armor Strikers!


Nadale ang mga AXIS Warbots sa Armor Srikers ng Patrol Armor.


GAMMA YELLOW: In fairness, bongga ang weapons ko!


GAMMA GREEN: Eto tikman nyo AXIS! Sonic Smasher!


At nagpakawala ng Sonic Smasher ang Combat Chopper mula sa dalawang blasers nito, isa-isang sumabog ang mga Warbots.


GAMMA VIO: Hmmm Nice try but watch me! Hmmm…what do we have here?....Here it goes, Turbo Snipers!


At sa pamamagitan ng Turbo Snipers ng Turbo Trailer, sabog ang mga kalaban.


GAMMA VIO: Jeez, I am loving every moment of being a Gammaranger!


Subalit habang patuloy ang pagpapabagsak ng Gammachines sa mga Warbots ay tila lalong dumarami ang puwersa ng AXIS.


BALAAM: Ang akala nyo madali lang kami matatalo, puwes di hamak na mas marami kami kesa sa inyo! Omicrons, attack!!!


Ang biglang sumugod ang mga dagdag na Warbots. Napansin ito ng Gamma Forces.


GAMMA GREEN: Parang lalo silang dumadami!


GAMMA BLUE: Oo nga! Di hamak na mas madami sila kesa sa atin!


GAMMA RED: (kinontact ang Gamma Base) General, dumadami po ang AXIS Forces, kailangan po naming ng backup! Hindi na rin po sapat ang weaponry ng Gammachines!

___________________


Sa Gamma Base…..


GEN. ANGELES: I read you Macaraya, ipapadala na namin ang Special Airborne Forces upang iassist kayo. Owen, namomonitor mo ba ang power levels ng Gammachines?


OWEN: Yes sir, and based sa data, 40% na lang po ang natitirang weaponry nila.


GEN. ANGELES: Delikado ito. Mukhang kelangan pang iupgrade ang mga yan. Alice, contact Falcon 1 and the Airborne Regiment now!


ALICE: Roger sir! (Inactivate ang Headphone) Attention Falcon 1 and the Special Forces Airborne Regiment, prepare for battle!


At naging alerto ang Airborne Forces sa pangunguna ng isang batang kadeteng nagngangalang Major Jake Fonseca na kilala rin sa tawag na Falcon 1.


JAKE: All Airborne soldiers, prepare for take-off! Let’s move out!


ALL: Roger!


At isa-isang nagsiliparan ang mga Fighter Jets ng Special Airborne Forces. Si Jake ay sakay ng F-4 Phantom II habang sumunod sa kanya ang isang batalyong Lockheed Martin F22 Raptor planes. Papunta na sila sa war zone.

___________________


Sa War Zone…


Patuloy ang palitan ng pasabog ng Gamma at Allied Forces laban sa AXIS Warbots, subalit nauubos na ang weaponry level ng Gammachines ay lalong dumarami ang Warbots.


GAMMA VIO: Our weaponry is down like 35%! We’re in trouble!


GAMMA YELLOW: Nakupo lagot tayo!


GAMMA BLUE: Paano na?


GAMMA GREEN: Mukhang hindi pa gaanong developed ang mga Gammachines. Sana may backup!


GAMMA RED: Laban lang mga kasama! Darating din ang backup!


At saktong-sakto ay dumating ang Special Airborne Forces.


JAKE: Huh, akala ko ba kaya ng Gammarangers ang mga yan? Kami rin pala ang tatapos….Airborne Squad! Prepare for attack! Ready, Aim, FIRE!!!


At nagpakawala ng sunud-sunod na atake ang mga fighter jets ng Airborne Command, nakapagpatumba sila ng mga Warbots.


BALAAM: Ha ha ha, nagtawag pa kayo ng mga alipores nyo, e hindi nyo rin kami matatalo! Omicrons iligpit ang mga bwisit na yan!


Nagpakawala ulit ng atake ang mga Warbots, subalit madali lang itong naiilagan ng mga eroplanong pandigma. Nagcounterfire and mga fighter jets at unti-unti nilang nabawasan ang mga Warbots.


BALAAM: Anong? Mga inutil! Nagpapatalo kayo sa mga pipitsuging eroplano?!


GAMMA YELLOW: Haaaayy dumating din!


GAMMA GREEN: Sa palagay ko dahil madaling nakakailag ang mga eroplano sa mga atake, nauubos din ang weaponry ng Warbots.


GAMMA RED: Mukhang tama ka Abs. Guys, ibuhos na natin ang natitirang weaponries natin tulungan natin ang Airborne Forces,


ALL: Roger!


Nakipagtulungan na rin ang Gammarangers sa Airborne Squad upang pabagsakin ang nga Warbots. Inilabas na nila ang kanilang natitirang mga weaponries at nagawa naman nilang makapaminsala. Subalit nagagawa pa rin ng Warbots na magcounter attack, kaya ilang Airborne Command planes din ang nasira.


JAKE: Tsk tsk, matindi rin ang mga ‘to. Andaming nadale sa mga troops ko. Mukhang ako na lang ang matitira neto.

Ilang saglit ay may kumontact kay Jake sa radio communicator nito. Si Gamma Red.


GAMMA RED: Falcon 1, this is Gamma 01, do you read me?


JAKE: This is Falcon 1, I read you. Bumagsak ang 15 sa aking mga tropa. Kokonti na rin ang natitirang armas namin, over!


GAMMA RED: Okay, kami na bahala sa Black Warbots, kayo naman sa Red Warbots, over.


JAKE: Roger and out!


At ganoon nga ang ginawa ng dalawang grupo, ang Gammarangers ang umatake sa Black Warbots habang ang Airborne Squad naman ang lumaban sa mga Red Warbots. Naging epektibo ang istratehiya ni Gamma Red. Unti-unting naubos ang mga Warbots sa kabila ng limitadong weaponries ng mga Gamma Forces.


At nang makita ni Balaam na paubos na ang mga Warbots niya….


BALAAM: Putragis yan! Paano nangyaring naubos ang isang batalyong Warbots ng mga pipitsuging armas? Wala ng ibang paraan…..Omircrons, lumapag kayo! Lalaban tayo ng mano-mano!

At ilang saglit pa ay lumapag ang mga natitirang Warbots at bumaba ang mga Omicrons. Napansin ito ng Gammarangers.


GAMMA BLUE: Mukhang gusto naman nila ngayon ng mano-manong laban.


GAMMA RED: Okay, lalapag din tayo at makikipaglaban.


Biglang tumunog ang minicomputer sa helmet ni Gamma Red, si Jake ang nasa kabilang linya.


JAKE: Paano yan Gamma 01, ubos na ang mga kalaban, over.


GAMMA RED: Maraming salamat Falcon 1! Over.


Subalit isang saglit ay may biglang sumabog ang eroplano ni Jake, nag-overheat ang makina nito sa excessive firing ng armas…


JAKE: Aaaaaa…..! Engine failure! Mayday! Mayday!


GAMMA RED: Falcon 1! Anong nangyari? Falcon 1! Do you read me?


At tuluyang bumagsak ang eroplano ni Jake……


_________________ Commercial ____________________


Sa Gamma Base….


ALICE: General, nagkaroon ng engine failure ang F-4 Phantom ni Falcon 1! He’s down!


GEN. ANGELES: Ano?!


ALICE: Bumagsak sya sa may Sector 22, sana walang mangyaring masama sa kanya.


GEN. ANGELES: Sana nga.


OWEN: General, mukhang naubos nap po ang mga AXIS Warbots, pero ubos na rin po ang weaponry ng mga Gammachines. And it seems na may field combat na mangyayari.


GEN. ANGELES: Okay, ngayon masusubukan ang firearms at armor ng mga Rangers…

______________________________


Sa Battle field….


BALAAM: Ha ha ha! Mukhang wala na ring ibubuga ang kasama ninyo. Pwes, idaan na lang natin sa mano-manong labanan ito!


GAMMA RED: Rangers, ground combat time, lumapag tayo.


At bumaba ang mga Gammachines at ang AXIS Megaship. Nagsilabasan sina Balaam at ang mga natitirang Omicrons mula dito, habang bumaba din mula sa mga Gammachines ang Gammarangers.


BALAAM: Mga pangahas! Papaano ninyong natalo ang aking mga Warbots?!


GAMMA RED: Huwag niyo kaming mamaliitin, dahil hangga’t nandito kami, hindi ninyo matutupad ang mga balak ninyo!


GAMMA VIO: It’s Tentacle Boy again.


GAMMA BLUE: Mukhang di pa rin siya sumusuko matapos siyang madale kanina sa plaza.


GAMMA YELLOW: Ampanget naman nyan! Eeww…


BALAAM: Sino ba talaga kayo?!


GAMMA RED: Kami ang tatapos sa pananakop ninyo, kami ang UNITED DEFENSE FORCE GAMMARANGERS!


BALAAM: Gammarangers?


GAMMA RED: At ito na ang simula ng pagbagsak ninyo, AXIS!


BALAAM: Hangal! Hindi nyo kami kayang talunin! Omicrons, ATTACK!!!


At sumugod na ang mga Omicrons, subalit napapatumba sila ng mga Rangers gamit ang galing nila sa Martial Arts. Si Gamma Red ay ginamit ang husay sa Jeet Kune do, si Gamma Blue naman ay Taekwondo, si Gamma Green ay Karate, si Gamma Vio ay Jujitsu, habang si Gamma Yellow naman ay Wushu. Madali rin nlang natatalo ang mga ito dahil sa tagla na computer-generated mechanism na nasa armor nila. Inilabas ng mga Rangers ang kanilang G-Firearms mula sa kanilang leg armor at isa-isang pinagbabaril ang mga Omicrons. At upang ubusin ang lahat ng Omicrons….


GAMMA RED: G-Magnum!

GAMMA BLUE: G-Launcher!

GAMMA GREEN: G-Booster!

GAMMA VIO: G-Machinegun!

GAMMA YELLOW: G-Smasher!


ALL: FIRE!!!


At sa isang sabayang tira lang ay sumabog ang lahat ng Omicrons. Nagulantang si Balaam.


BALAAM: Hindi maaari! Ang mga Omicrons ko na sumasakop ng mga bansa, nawala na!


GAMMA RED: Hoy Panget! Sumuko ka na!


BALAAM: Ito na ang tamang oras para ilabas ko ito!


At naghagis ng isang computer chip si Balaam, at mula sa chip na ito ay may lumabas ang isang malaking halimaw na parang robot. Nakakatakot ang itsura nito at mukhang malakas. Nagulantang ang mga rangers.


GAMMA GREEN: Hah?! Ano yan?


GAMMA YELLOW: Yikes! Nakakatakot naman yan!


GAMMA BLUE: Isang halimaw!


GAMMA VIO: Damn! That’s huge!


GAMMA RED: Hindi ko na gusto ito!


BALAAM: Ha ha ha ha! Yan ang aking Terrozoid! Si Vulkazoid ang siyang tatapos sa inyo! Vulkazoid, tapusin ang mga kumag na yan!


BALKAZOID: Rooooaaaaarrrrrr!!!!


At sinugod ni Vulkazoid ang limang rangers. Umilag ang mga rangers, subalit naglabas ang halimaw ng isang likidong animo’y lava at tinamaan sina Gamma Vio at Gamma Green.


GAMMA VIO: Aaaaaarrrgh, I’ve been hit!


GAMMA GREEN: Ang init, nadamage ang leg armor ko!


Sumugod naman sina Gamma Blue a Gamma Yellow, gamit ang kanilang Gamma Daggers ay sinubukan nilang sugatin si Vulcazoid, ngunit may matalim na kamay ang kalaban, kaya ilang hampas lang ay natumba ang dalawa.


GAMMA BLUE: Aray…….ang lakas niya….


GAMMA YELLOW: Hindi ko carry ito…..


Si Gamma Red na sumnod na umatake, tumira ng G-Magnum ito subalit lubhang matibay ang kalaban.


BALAAM: Ha ha ha ha! Hindi nyo kaya si Vulkazoid! Vulkazoid, tapusin na ang mga yan!


At habang nanonood si Balaam sa nagaganap na labanan ay bigla siyang tinamaan ng isang grenade launcher.


BALAAM: Aaaaarrrrrgggghhhhh!!!!! (natumba ito) Sino ang tumira sa akin?!


At mula sa isang tabi ay nagpakita ang nilalang na nagpaputok….si Jake….sugatan siya gawa ng pagsabog ng Jet.


JAKE: (humihingal) Ako ang harapin mo, Panget!


BALAAM: Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!!!


Sinugod siya ni Balaam, nagtangkang magpapaputok ulit si Jake subalit naagaw ni Balaam ito gamit ang Iron Tentacles niya.


BALAAM: Ha ha ha ha! Wala ka nang armas!


JAKE: (humihingal) Tsk malas! Bahala na si Chuck Norris!


Sumugod si Jake gamit ang galling sa Judo kaya kahit papaano ay nalalabanan niya ang kalaban. Ngunit dahil na rin sa makinang katawan ni Balaam ay nagawa niyang matalo so Jake. Natumba si Jake malapit sa breakwater.


BALAAM: Wala ka nang magagawa! Papatayin na kita!!!


Akmang tatapusin na ni Balaam si Jake nang biglang tinamaan ito ng G-Magnum. Nagulat si Balaam nang makita si Gamma Red na papalapit sa kanya.


GAMMA RED: Falcon 1! Ako na bahala sa kanya!


JAKE: (humihingal) Gamma 01!


BALAAM: Pakialamero! Tatapusin ko kayo pareho!


Sumugod si Gamma Red gamit ang Gamma Dagger. Naglaban sila ni Balaam ng buong lakas. Nagagawang saktan ni Gamma Red ang kalaban habang ganoon din si Balaam.


Sa kabilang laban naman…..


Hindi makaporma ang Gammarangers sa lakas ni Vulkazoid. Sadyang matibay ito at malaki.


GAMMA VIO: He’s tough!


GAMMA YELLOW: Grabe na ito! Hindi ko na talaga carry!


GAMMA BLUE: Huwag tayong sumuko guys.


Tila si Gamma Green ay may napansin na nagleleak sa bandang tiyan ni Vulkazoid. Ito ang natamong sugat ng halimaw nung nadaplisan siya ng Gamma Dagger ni Gamma Blue.


GAMMA GREEN: Guys, mukhang alam ko na kung saan natin titirahin ang halimaw!


GAMMA BLUE: Saan, Abby?


GAMMA GREEN: Pansinin nyo ang leak sa tiyan niya. Kapag tinira natin yan, siguradong manghihina yan sa sakit. Try niyong kunin atensyon niya at ako ang titira sa sugat nya.


GAMMA BLUE: Sige, gawin natin!


Sumugod ang tatlong rangers sa halimaw at nakipaglaban, at sa isang tabi ay hinahanda ni Abby ang G-Booster niya. At nang makita niyang nadale na ang kalaban…..


GAMMA GREEN: G-Booster, FIRE!!!


At pinaputok ang G-Booster niya, tumama sa leak sa tiyan ni Vulkazoid at namilipit sa sakit ang kalaban.


GAMMA BLUE: Guys, tirahin na natin sabay-sabay!


Nilabas ng mga rangers ang kanilang mga G-Firearms at pinalibutan ang halimaw.


ALL: FIRE!!!


At sa isang putok ay sumabog si Vulkazoid.


GAMMA BLUE: Magaling guys! Ngayon tulungan natin si Macaraya!


ALL: Roger!


Sa labanang Gamma Red at Balaam…..


Matindi ang palitan ng lakas ng dalawang mandirigma. Sadyang malakas si Balaam, subalit nakaisip ng paraan si Gamma Red upang madali itong matalo. Ginamit niya ang kanyang nalalaman sa Jeet Kune Do upang palipitin ang kalaban, Nagtagumpay siya, nagawang mapilipit ni Gamma Red si Balaam,


BALAAM: Grrrrr......bitawan mo ko! Pangahas ka!


GAMMA RED: Falcon 1, kunin mo ang Grenade Launcher! Paputukin mo siya!


JAKE: Sige! (at kinuha ang Grenade Launcher na ginamit kanina)


GAMMA RED: Bilisan mo, kumakawala na siya, iputok mo na!


Akmang pinaputok ni Jake ang Launcher, ay biglang kumawala si Balaam at hinila si Gamma Red papuna sa harap…..


BOOM!!!!......


........si Gamma Red ang tinamaan ng Grenade Launcher!


JAKE: Gamma 01! Hindeeeee!!!!!


Saktong pagdating ng apat na rangers ay nasaksihan nila ang pagkakatama ni Gamma Red ng Grenade Launcher.


GAMMA BLUE: Macarayaaaa!!!!


GAMMA GREEN: Erviiiinnnnn!!!!


GAMMA VIO: Nooooooo!!!!!


GAMMA YELLOW: Kuya Erviiiinnnn!!!!!


Pagkakita sa kanila ni Balaam, nagpakawala ito ng Finger Missiles sa kanila, kaya hindi nila nagawang tulungan si Gamma Red. Maging si Jake ay tinira rin nito.


________________________________


Sa Gamma Base:


ALICE: General, masamang balita! Biglang nawala ang signals ni Macaraya! Hindi ko na siya madetect…pati ang lifeforce meter, zero!


GEN. ANGELES: Diyos ko!

________________________


At pagkatapos matamaan si Gamma Red ay sinamantala ni Balaam ang pagkakataon. Pinagbabaril niya ng Finger Missiles ang ranger, at bilang panghuling tira isang matalim na leg spear ang tumarak sa ranger, hanggang siya ay tumilapon sa dagat, sumabog at hindi na umahon pa….


Echoes:


"Macaraya!!!"


"Eeeerrrrvviiinnnn!!!!"


"Nooooooooo!!!!"


"Kuya Eerviinnnn!!!!!"



ITUTULOY........

No comments:

Post a Comment