Saturday, April 7, 2012

Mission 1: Operation Counter Invasion!




Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.


PROLOGO:


“This is CSM Newsbreak I’m Thomas McIver. The robotic terrorist group known as Allied Extremists Imperial Society or AXIS has already taken the entire European Continent, leaving millions of casualties in its wake, including the United Nation’s Allied Forces. Billions of dollars worth of properties were destroyed. Latest reports state that the U.S. Military is unable to stop AXIS’ destructive stampede. Most experts theorize that the terrorists’ next target would be Asia….”


Sa isang disyerto sa Texas, ay nagaganap ang digmaan sa pagitan ng U.S. at ng Allied Extremists Imperial Society o AXIS. Ibinuhos na ng U.S. Military ang buong puwersa nila upang labanan ang AXIS subalit bigo sila. Unti-unti nang sumusuko ang puwersa ng mga Amerikano…


Sa gitna ng labanan, isang sundalo ang nasabugan ng Grenade launcher galing sa isang robotic soldier….


SOLDIER 1: (palapit sa nasabugan) Dad!…Oh my God, Dad! You’re badly hurt!


SOLDIER 2: (in pain) Uugghh….Scott, just leave me here, continue to fight!


SOLDIER 1: Dad, stay still, don’t move, I’ll call the paramedics to rush you to the hospital.


Subalit may isang nilalang na akmang sasaksakin ang batang sundalo…


SOLDIER 2: Look out! (at biglang tinulak ang anak niya palayo, kaya siya ang nasaksak ng nilalang)


NILALANG: Ha ha ha ha ha!


SOLDIER 1: Noooooo!!!! (pinagbabaril nya ng Ruger MP9 ang kalaban)


NILALANG: Aaaaarrrrggghhhh!!!! (tinamaan sa mata ang nilalang, kaya natumba ito at lumayo)


Matapos iyon, ay lumapit ang batang sundalo sa ama, subalit nakita niya na wala ng buhay ito.


SOLDIER 1: (umiyak ito ng mapait) Dad! Dad! Please wake up! Dad! Noooooooo!!!!


At natapos ang labanan, nanalo ang AXIS forces, punung-puno ng dugo ang battlefield.

___________________________


“U.S. has fallen!”

“AXIS captures U.S.!!”

“Four down, Asia is next!”


Ito ang laman ng mga pahayagan sa buong mundo. Nasakop na ng AXIS ang Amerika, Europa, Oceania, at Africa. Lumaganap ang gutom, sakuna, sakit, kriminalidad at lagim nang dahil sa kanilang pananakop. Dahil sa patuloy na pagkatalo ng UN Allied Forces, nagpasya ang Secretary General na magkaroon ng isang Emergency Meeting.


SECRETARY GENERAL: The terrorists continue to conquer countries by storm. Now they are targeting Asia, all we have to do is send our remaining troops to the continent for at least additional resistance.


U.N. DELEGATE 1: But most of our forces were down. We only have a few hundred soldiers and several artillery left.


SECRETARY GENERAL: That’s why I called for this meeting to launch Plan B. I think this is the only way to finally defeat AXIS, and we will need the help of the world’s best scientists, inventors and technical personnel to realize this project. We will strategically locate this project in the Philippines; I believe that is the safest place for this kind of project.


U.N. DELEGATE 2: What is that project?


SECRETARY GENERAL: We will call it the Global Armed Missions Military Alliance, or Project GAMMA. All we need is one year to accomplish it, I think before AXIS can conquer the entire planet; the project is done and ready.


U.N. DELEGATE 3: Project GAMMA?


SECRETARY GENERAL: We will need the help of the Armed Forces of the Philippines for this project since they could be the only remaining military force that we have to face AXIS. From there, we will recruit the best soldiers to form an elite combat squad…..and we will call them…GAMMARANGERS!


__________________ Opening Song ___________________


MISSION 1: OPERATION: COUNTER INVASION!


Sa isang rehiyon sa Antarctica…..sa loob ng isang napakalaking himpilan…


TINIG 1: (nakatingin sa mapa ng daigdig) Sa loob lamang ng tatlong taon ay nasakop natin ang apat na kontinente.


TINIG 2: Ha ha ha, nangangahulugan lamang na ang mga tao ay lahi ng mga basura, patapong mga nilalang, patapong teknolohiya. Dapat na mawala ang mga mahihinang tulad nila.


TINIG 3: Subalit pangahas ang sundalong iyon! Nagawa niyang sirain ang aking isang mata!


TINIG 2: Patunay na isa kang tanga!


TINIG 3: Anong sabi mo?!


TINIG 4: TAMA NA!


Agad na lumuhod ang tatlong tinig sa paanan ng may-ari ng ikaapat na tinig.

Ang ikaapat na tinig ang pinakamakapangyarihan sa apat. Sapagkat ang may-ari ng tinig na iyon ang siyang pinakapinuno nila. Siya ang tinaguriang Supreme Commander ng AXIS, si Dimitri Ganelon.Ang tatlong tinig naman ay ang kanyang mga heneral, sina Balaam, Necroma at si Dymaro, pawa silang mga cyborgs na nilikha ni Ganelon.


GANELON: Ang mga tao ang siyang pinakainutil na nilalang sa sanlibutan. Sila ang dahilan ng pagbagal ng pag-unlad ng mundo. Sila ang sumisira ng planetang ito, kaya dapat silang mawala! Sisirain natin ang lahat ng gawang tao at gagawa tayo ng panibagong mga mga gusali at makinarya na di hamak na mas may pakinabang. Konting panahon na lang at tuluyan nang mahuhulog sa atin ang buong daigdig! Maaaring isang malaking kontinente ang Asya, subalit sa loob lamang ng isang taon ay mapapasaatin din yan! At ang buong mundo ay sasamba na sa akin! Bwa ha ha ha haaa!!!!


DYMARO: Gaya ng mga naunang pagsakop ay susugurin natin sila ng hindi nila namamalayan!


BALAAM: At kapag napasok na natin ang kanilang himpilan ay wala na silang magagawa!


GANELON: Kung ganon, ipadala ang mga Omicrons at simulan na ang pagsakop!!!!

At sinimulan na ng mga Omicrons na lusubin ang iba’t-ibang bahagi ng Asya.

___________________


Makalipas ang isang taon…..


“Kadarating lang po na balita. Nasakop na ng teroristang grupong AXIS ang halos kabuuan ng Asya. Ito ay matapos mabigo ang sandatahang lakas ng Japan, China, Korea, and Gitnang Silangan ang mapanirang puwersa ng kalaban. Nangangamba ang mga experto na ang Pilipinas ang susunod na target ng AXIS…”


Sa napanood na balita, nabalot ng takot at pangamba ang buong Pilipinas. Nagdeklara na rin ang Malacanang ng State of Emergency dahil sa nasabing balita. Kaya nagsimula ng lumikas ang mga mamamayan para sa kanilang kaligtasan.


Sa Camp Aguinaldo….

(phone rings….)


“Office of the Chief of Staff, good morning.”


“Lt. General Aban, this is Sec. Gen. Douglas of UN.”


LT. GEN. ABAN: Oh, Mr. Douglas, what can I do for you? It this about the —


SEC. GEN. DOUGLAS: Exactly, Mr. Aban. You may have heard the news about the Fall of Asia under AXIS. Let’s meet in Corregidor at around 15:00. I will show you something. Also I want you to invite your Army Chief as well.


LT. GEN. ABAN: Okay Mr. Douglas. Copy. Thank you.

___________________


Corregidor Island, April 10, 15:10


Bumaba sa isang private plane si Sec. Gen. Douglas habang bumaba naman ng Chopper si Lt. Gen. Aban kasama si Gen. Julian Angeles ng Phil. Army.


LT. GEN. ABAN: Welcome Mr. Douglas. By the way this is Gen. Julian Angeles, Head of the Phil. Army


SEC. GEN. DOUGLAS: Nice to meet you Gen. Angeles.


GEN. ANGELES: Likewise, Mr. Douglas.


SEC. GEN. DOUGLAS: Well I won’t go anymore further. We don’t have much time, it has been a year since we started this project.


GEN. ANGELES: What is this project Sir?


SEC. GEN. DOUGLAS: Terry, push the button. (tinawag nya ang kasama at pinindot nito ang isang buton)

Biglang yumanig ang buong paligid, nagkaroon ng isang malaking alon, at mula sa baybayin ng isla nito ay umusbong ang isang dambuhalang animo’y himpilang military. Puno ito ng mga modernong gusali, malawak na paliparan, state-of-the art na artillery at makabagong mga sasakyan.



LT. GEN. ABAN: Anong?! Mr. Douglas, what is this?


GEN. ANGELES: (sobrang gulat) Ano ito?


SEC. GEN. DOUGLAS: This is what I’m talking about, the project that will put an end to AXIS. The United Defense Force Gamma Base!


GEN. ANGELES: United Defense what?


SEC. GEN. DOUGLAS: It took us a year to build this kind of base in secret.


GEN. ANGELES: You built this huge base without us knowing it?


SEC. GEN. DOUGLAS: Yes, so that the enemy won’t know about it, we must surprise them. The UDF Gamma Base is a state-of-the-art military station which will serve as a battle fortress against the enemy. Now all you need to do is to recruit your best soldiers to form an elite fighting team known as Gammarangers. And I want you, Gen. Angeles, to be in-charge of Project Gamma.


GEN. ANGELES: Okay Mr. Douglas. I will do my best. You can count on me.

___________________


Makalipas ang isang buwan…..Sa loob ng UDF Gym…


May isang patimpalak ng taekwondo na nagaganap sa pagitan ng mga sundalo. Sa oras na iyon ay dalawang sundalong lalaki ang naglalaban. Maganda ang laban subali nanalo ang nasa Blue side.


ANNOUNCER: And the winner by the score of 4:1, Cadette Captain Brian Tavarez from the 1st Light Armor Batallion! (Palakpakan ang lahat)


SOLDIER 1: Galing mo pareng Brian! Ikaw na ang dabest na taekwondo jin sa buong military!


BRIAN: He he hindi naman! Nahirapan din naman ako e. Paano, shower muna ako.


SOLDIER 1: Sige pare.


May kinuha si Brian sa bulsa nya na tila isang communicator device, at inactivate ito.


BRIAN: Hello, Macaraya…


Sa isang patrol jeep na bumibyahe….


ERVIN: O Tavarez, ano balita? Nanalo ba?


BRIAN: Nagawa ko pre, 1st prize! Basta pagkatapos ng duty mo diyan, punta ka 7-11, nandun kami ni Abby.


ERVIN: Ha ha ha sige ba! Sabi mo e, Congrats! On the way nako.


BRIAN: Thanks, dude! Hintayin ka namin ha.


Sa isang shooting range naman, ay may isang babaeng nagsasanay ng rifle shooting. Ito ay si 1st. Lieutenant Abigail Marie De Leon ng 1st Infantry Division. Natapos na ang practice ni Abby nang biglang tumunog ang communicator nito….


ABBY: (pinindot ang communicator) Oh Brian!


BRIAN: Abs, panalo!


ABBY: Wow congrats mistah! Saan tayo mamaya?


BRIAN: Tara 7-11 tayo! He he he


Habang wala pang duty ay lumabas muna sina Brian at Abby bilang treat sa pagkapanalo ng lalake. Sa 7-Eleven…


ABBY: (habang kumakain ng ice cream) Galing mo talaga mistah!


BRIAN: (kumakain ng siopao) He he salamat. Pero mas magaling ka sakin. Former PMA topnotcher ka na, sharpshooter na, karate champion pa.


ABBY: Ayan ka nanaman…teka hahabol ba si Ervin?


BRIAN: Oo medyo male-late daw sya.


Saglit na katahimikan….


ABBY: Hmmm….alam mo mistah, hindi ko pa alam kung ano naghihintay sa atin ngayong nasa Gamma Base na tayo. Ni hindi rin natin alam kung anong klaseng kalaban ang AXIS. Na-miss ko tuloy mga kasama ko sa Tabak (1st Infantry Division).


BRIAN: Kahit ako nag-aalangan din nung nirecruit tayong apat. Pero sa tingin ko kaya tayo nirecruit e dahil may capabilities tayong talunin ang paparating na kalaban.


Nasa kalagitnaan sila ng kuwentuhan, nang may marinig silang sigawan ng mga tao…


Eeeeeeeeeeeeee……!!!!! Saklolooooooo!!!!


BRIAN: Ano yon?


ABBY: Tara tingnan natin!


BRIAN: Teka, di pa ubos ang siopao ko!


ABBY: Mamaya na yan!


Agad sila rumesponde at nakita ang mga tumatakbong sibilyan. Laking gulat nila nang may makakita sila ng mga robotic humanoid robots na nanggugulo sa plaza…


ABBY: Ano yang mga yan?


BRIAN: Ewan, basta labanan natin, bago makamatay pa!


At nilabanan nina Brian at Abby ang mga humanoid robots. Ginamit nila ang kanilang husay sa taekwondo at karate upang pabagsakin ang mga kalaban. Buti na lang at may baon silang mga Gamma Pistols at pinaputukan ang mga robots.


Sa di kalayuan ay napadaan ang isa pang lalaki na nakashades sakay ng isang motor. Laking gulat nya nang makita ang nagaganap na labanan, dahil pamilyar sa kanya ang itsura ng mga robots. Dahil dito ay naisipan niyang tulungan ang dalawa.


LALAKI: Let me help you, I know these robots!


BRIAN: Hey, get out of the way!


LALAKI: I’m a soldier too!


ABBY: Basta laban lang!


At nagtulong ang tatlo sa pakikipaglaban sa mga humanoid robots. Ginamitan ni Brian ng taekwondo skills ang kalaban, Karate naman ang kay Abby at Kujitsu ang sa lalaki. Subalit…


LALAKI: We’re still outnumbered!


BRIAN: Bakit parang lalo silang dumadami?


ABBY: Naiisip mo ba naiisip ko mistah?


BRIAN: Tingin ko nga Abs!


At biglang may hinugot sila sa kanilang mga bulsa, pinindot ang boton nito, itinaas sa ere sabay sigaw ng:

GAMMAMODE, ACTIVATE!


Sa isang iglap lang ay nabalot ng kakaibang electromagnetic energy ang dalawa, at sila ay nagbago ng anyo! Sila any naging mga robotic armored warriors na sina Gamma Blue at Gamma Green. Ikinagulat dn ito ng lalaking nakashades.


LALAKI: Whoa!


GAMMA BLUE: Preserver of Peace, Gamma Blue!


GAMMA GREEN: Protector of the Innocent, Gamma Green!


GAMMA BLUE: (tiningnan ang lalaki) Just sit right there. We can handle this.


Buong husay na nilabanan ng dalawang rangers ang mga kalaban. Ilang saglit pa ay lumabas sa leg part nila ang kanilang Gamma Daggers at ginamit itong armas. Nang kakaunti na lang ang kalaban ay lumabas sa arm case nila ang G-Beam Smasher at natodas ang lahat ng kalaban. At para lalong matalo ang kalaban…


GAMMA BLUE: G-Launcher!


GAMMA GREEN: G-Booster!


BOTH: Fire!!!


Nagugulat na lang ang lalaking nakashades sa nasasaksihan nya. At nang maubos ang mga robots….


GAMMA BLUE: Nice job, Abs!


GAMMA GREEN: Ikaw din mistah!


GAMMA BLUE: Hey Joe (tinawag ang nakashades) Salamat ha!


LALAKI: Look behind you!


May biglang pasabog malapit sa kanila at nagawa nilang umilag. Pagkailag ng dalawa ay laking gulat nila nang tumambad sa harapan nila ang isang malaki at mabalasik na robotic monster.


“Magaling! Napakagaling! Sa lahat ng nangahas na lumaban sa amin, kayo pa lang ang nakatalo sa aming mga Omicrons!”


GAMMA BLUE: Sino ka?


“Ako ang isa sa pinakamagaling na heneral ng AXIS, si General Vlade Balaam!”


GAMMA GREEN: Hindi maaari, napasok nyo na ang Pilipinas?


BALAAM: Tama, at kayo na ang susunod na lulupigin namin!


At naglabas ng finger missiles si Balaam at tinamaan ang dalawang Gammarangers. Hindi pa nakakabawi ang dalawa ay napaluputan na sila ng Iron tentacles ni Balaam, at sinakal sila. Malakas ang kalaban kaya nanghina sina Gamma Blue at Gamma Green.


BALAAM: Mamamatay kayo!


GAMMA GREEN: Uuuggghhh…..ang…lakas…..nyaa….


GAMMA BLUE: Hindi…ko na….kayaaaa……..


Akmang tatapusin na ni Balaam ang dalawa nang may biglang pumutol ng tentacles nya.


BALAAM: Araaaayyy!!! Anong, sino yon?!


At biglang lumitaw ang isa pang robotic armored warrior na tulad nina Blue at Green.


“Sorry na-late ako.”


GAMMA BLUE: Uy sakto!


BALAAM: At sino ka naman?!


“Fighter for Freedom, GAMMA RED!”


GAMMA GREEN: Go Ervin!


BALAAM: Aaaarrrrggghhhh!!!! (at biglang sinugod si Gamma Red, subalit naglabas ng Magnetic shield and bida kaya hindi tumalab ang atake ni Balaam.)


GAMMA RED: G-Magnum! (lumabas sa leg nya ang G-Magnum at pinagpaparil si Balaam)

Bago pa nakaporma si Balaam ay inatake na sya ni Gamma Red ng Gamma Dagger kaya nadamage ng husto ang kalaban. Dahil sa natamong pinsala, biglang naglabas ng pasabog si Balaam at nawala itong bigla.


GAMMA RED: Nawala sya!


GAMMA BLUE: Galing mo Macaraya!


GAMMA GREEN: Pero paanong nakapasok na ang AXIS sa bansa natin?


“It’s because that’s their invasion strategy!”


Napalingon ang tatlo sa tinig na narinig, at paglingon nila ay ang lalaking nakashades na tumulong sa kanila.


GAMMA RED: Teka, sino ka, I mean who are you?


“Edwards. Scott Steven Edwards. U.S Army Pacific Command, and I already fought those Omicrons before back in the States.”


Nag-power down muna ang tatlo.


ERVIN: You mean you already faced them before?


BRIAN: Well thanks for helping us, but why are you here?


SCOTT: I think this is not the right place for those questions.


ABBY: I think you better come with us to the Gamma Base. Let’s go.


_________________ Commercial ____________________


Sa AXIS Headquarters…..


GANELON: Napakawalang kuwenta mo! Natalo ka ng mga pipitsuging mga tao?!


BALAAM: Commander, ngayon lang po ako nakaengkwentro ng ganoong klaseng mga armas, nagawa nilang talunin ang mga Omicrons natin!


GANELON: Tumahimik ka! Wala sa bokabularyo natin ang salitang talo!


NECROMA: Dapat po siguro ay umisip na tayo ng panibagong taktika, mukhang hindi natin inasahan na mayroon pala silang ganoon kalakas na teknolohiya.


BALAAM: Babawi po ako, Panginoon. Hayaan nyo po akong makabawi sa naging pagkukulang ko.


GANELON: Siguraduhin mo lang na hindi ka na papalpak ngayon!


BALAAM: Makakaasa po kayo!

__________________


Sa UDF Gamma Base….


Nasa loob na ng Gamma Base sina Ervin, Brian, Abby at Scott. Ipinakita nila kay Scott ang mga makabagong features at gadgets na nasa loob ng base.


SCOTT: Wow, this base is cool! Why haven’t the U.S. Army built something like this?


ERVIN: Yeah, the Gamma Base is the most modern military headquarters in the world right now.


ABBY: We will show you our database and introduce you to our Commander.


BRIAN: Guys, CR muna ako sandali.


Nagmamadaling pumunta sa CR si Brian at pagliko sa may kanto……KABLAG!

May nabangga si Brian na isang sundalo at kapwa natumba ang dalawa.


SUNDALO: Aray! Anak ng….tingnan mo nga dinadaanan mo! Wag kang tanga!


BRIAN: Sorry Panyero, nagmamadali lang, hindi ko sinasadya.


SUNDALO: Tarantado! Sa lahat ng sundalo ikaw ang pinakatanga! Tingnan mo ginawa mo sa uniporme ko! Binasa mo! Ano pa isusuot ko nyan ha?


BRIAN: Pare, ano ba problema mo? Hindi ko nga sinasadya e. At bakit ako sinisisi mo sa nabasang uniporme mo, e ikaw ang may dalang mouthwash dyan e!


SUNDALO: Aba talagang sinusubukan moko ha?!


BRIAN: Ano susuntukin moko? Sige ituloy mo! Ipapatanggal kita sa serbisyo!


SUNDALO: (binaba ang kamao) Subukan mo lang! Pasalamat ka nagmamadali ako, di muna kita papatulan ngayon, pero pag nakita ulit kita, makakatikim ka sa akin!


BRIAN: Di kita uurungan…..(at napansin ni Brian ang apelyido ng lalaki sa uniform nito)

At pag-alis ng sundalo….


BRIAN: Hmmm…..tatandaan ko ang pangalang yan….(at pumasok na sya sa CR)

___________________


ERVIN: So here is the main database of the Gamma Headquarters. Right there is Alice, our chief secretary, that’s Owen, our mechanic….


May maliit na robot na biglang lumapit at nagsalita…


“Heyo, Pare, wazzup man?!”


ABBY: Awww ang alaga ko….musta ka na?


SCOTT: Wow, what is that mini robot?


CHARLIE 9: Eiyow, Mhuxtah Phowzz!”


SCOTT: What’s his name?


“That’s Charlie 9.”


Sumaludo ang lahat sa may-ari ng tinig na yon.


ERVIN, BRIAN & ABBY: (saludo) Good evening Sir!


GEN. ANGELES: (saludo) Good evening Cadettes!


SCOTT: (saludo) Good evening Sir!


ERVIN: Scott, this is Gen. Julian Angeles. He is our overall Commander here in Gamma Base. He is in charge of all the operations here.


GEN. ANGELES: (tiningnan si Scott) And you are–?


SCOTT: Scott Steven Edwards Sir! 2nd Lieutenant, U.S. Army Pacific Command 10th Support Group Sir!


GEN. ANGELES: And why are you here? Any new reports Cadettes?


ERVIN: Sir, bad news. Napenetrate na po ng AXIS ang Pilipinas nang hindi natin nadetect.


GEN. ANGELES: Ano?


ABBY: May nakalaban po kaming mga humanoid robots at isa sa kanilang mga heneral. At doon in po naming nakilala si Lt. Edwards.


Saktong papasok si Brian….


GEN. ANGELES: Tavarez, totoo bang nasa ating lugar na ang AXIS?


BRIAN: Yes sir, nakita po namin sila sa may plaza around 17:25. Subalit nagretreat din po.


SCOTT: That’s the reason the remaining U.S. Forces are here, to support your campaign against AXIS. We fought them more than a year ago…(yumuko) They also killed my Dad.


Natahimik ang lahat sa narinig kay Scott.


GEN. ANGELES: I’m sorry to hear that….


ABBY: Oh my…


SCOTT: And when I saw these three transform into robotic warriors, I realized that I want to join the team. Sir, I want to seek revenge for my Dad. I want to be a Gammaranger!


GEN. ANGELES: Edwards, I’m sorry to tell you this, the Gammaranger project is for defense purposes, for the protection of mankind, and not for revenge. I cannot let you join.


ABBY: Pero Sir, magaling din po syang lumaban. Nakita po naming kung paano niyang napatumba ang mga Omicrons.


BRIAN: Sir, bigyan nyo po sya ng chance, tutal may natitira pa pong isang badge. Baka po pwede nyo na ibigay sa kanya. Kailangan naming ang tulong nya.


Saglit na katahimikan…..


GEN. ANGELES: Hmmmm…..Macaraya, ano sa palagay mo?


ERVIN: Wala pong problema sir. Welcome po siya.


GEN. ANGELES: Well then, since I can see in your eyes your eagerness to fight AXIS, for now I can allow you to join the team tentatively, but I will monitor your performance daily since you did not underwent the screening process. Here is your badge. That is the Gamma Vio Badge.


SCOTT: Thank you so much Sir!


Biglang may pumasok sa pinto ng Database….


“Punishment has been accomplished, Sir!” sabi nito na humihingal.


GEN. ANGELES: Cadet Ong! Bakit ngayon ka lang natapos? Di ba’t punishment ko lang sayo ay 100 push-ups, 100 squatrass at 100 pumpings lang? Kanina pang umaga yan a.


MALIN: (saludo) ! Di ko na po uulitin Sir! Di na po ako male-late sa paggising! (Aray ko sakit ng katawan ko…) Oh hi mga fellow cadettes! Hi Kuya Erv, Kuya Brian! Ate Abby! At….


SCOTT: Edwards. Scott Edwards.


GEN. ANGELES: Cadet Ong, he is Lt. Scott Edwards, your new teammate for now!


SCOTT: Nice to meet you Ms. Ong.


MALIN: You too…(ang tangkad at gwapo nya…..)


CHARLIE 9: Hayan na kinikilig na yaaaannnn…..


MALIN: Ikaw talaga Charlie, malisyoso ka talaga!


Tawanan ang lahat sa loob ng database.


Nang biglang…..


RED ALERT! RED ALERT! INTRUDER SPOTTED! INTRUDER SPOTTED!


Naging alerto ang lahat nang tumunog ang alarm.


GEN. ANGELES: Alice, anong meron?


ALICE: Commander, may AXIS signals na nadetect sa Area A2B, Sector 24, North 24 degrees 56 minutes West, sa may Manila Bay! At patuloy ang kanilang pananalasa doon!


BRIAN: Himala, ngayon nadetect na ng radar ang signals nila.


GEN. ANGELES: Okay, deploy all artillery and infantry. Rangers, prepare for battle, kailangan nyo nang kumilos ngayon napasok na nila ang ating territory! Mobilize now!


ERVIN: Guys, gawin na natin!


BRIAN, ABBY, SCOTT & MALIN: Okay!


GAMMAMODE, ACTIVATE!


Napasok na ng AXIS ang Pilipinas. Subalit sa pagdating ng Gammarangers, ay mayroon nang tayong tagapagtanggol mula sa mga mananakop at tagapagtaguyod ng kapayapaan sa mundo. Ang pangamba ay napalitan na ng pag-asa, pag-asa na muling babalik sa kaayusan ang daigdig.

Ngunit isang malagim na pangitain ang nagbabadya sa ating mga bida.

___________________


Sa isang sleeping quarters sa Gamma Base….nakadungaw sa bintana ang dalawang sundalo at tinitingnan ang papalayong Gammarangers….


SOLDIER 1: Mukhang may laban silang pupuntahan. Hindi ka ba nanghihinayang, Fonseca?


SOLDIER 2: Hindi ko alam kung bakit hindi pa binigay sa akin ang huling badge, inuna pa nila yung baguhan.


SOLDIER 1: Malay mo may ibang naghihintay sayo.


SOLDIER 2: Nasa waiting list lang ako. Pero nararamdaman ko nang malapit na akong mapabilang sa kanila!


ITUTULOY………….

No comments:

Post a Comment