Monday, May 14, 2012

Mission 7: Tunay na Kaibigan, Walang Iwanan






Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________

MISSION 7: Tunay na Kaibigan, Walang Iwanan
 


Wake up in the morning feeling like P. Diddy
Grab my glasses, I'm out the door, I'm gonna hit this city
Before I leave, brush my teeth with a bottle of Jack
'Cause when I leave for the night, I ain't coming back…..

Don't stop, make it pop
DJ, blow my speakers up
Tonight, I'mma fight
'Til we see the sun light
Tick tock on the clock
But the party don't stop, no….

Kasalukuyang nanonood ng MTV sina Jake, Brian at Scott, aliw na aliw sila sa pinapanood nilang singer na si Kylie sa TV habang kumakain ng Pringles. Si Kylie ang pinakasikat na singer sa ngayon, maganda, sexy, kaakit-akit, sikat. Lahat ng lalaki ay pinapantasya sya, habang ang mga babae ay iniidolo sya.

JAKE: Grabe, ang hot talaga ni Kylie. Katawan pa lang, ulam na! slurp…..

BRIAN: At ang galing pa nya kumanta at sumayaw!

SCOTT: Damn! Just look at that booty! I’d die just for that!

Ilang saglit pa ay pumasok si Malin sa lounge na may dalang juice. Nakita ni Malin ang imahe sa TV. Napailing na lang siya.

MALIN: Ang layo na rin ng narating ng friend ko……

BRIAN: Huh, ano ibig mo sabihin? (sabay kuha ng juice)  Huwag mo sabihing close kayo.

MALIN: What if sabihin kong oo, maniniwala ba kayo?

JAKE: Weh? Maniwala ako sayo.

Ilang sandali pa ay kinuha ni Malin ang wallet nya at kinuha ang isang picture. Ipinakita ito sa mga boys.

SCOTT: What the--!

BRIAN: Hah? Si Kylie ba talaga ‘to? At magkaakbay pa kayo!

JAKE: Langya, Phinotoshop mo lang to e---aray! (pinalo siya ni Malin sa ulo)

MALIN: Ano ba, kami nga talaga yan nung high school pa kami. Magkasama kami sa isang banda. Naghiwalay lang kami after graduation. BFF kami nyan since 5 years old. Di ba bongga?!

“That’s your no. 1 song for this day’s countdown, Kylie with her version of a Kesha original entitled Tick Tock. Don’t forget to catch her live on October 9 on SM City Olongapo on her series of mall shows. So that wraps up our countdown, I’m VJ Nikka and see ya tomorrow for another countdown here on MTV Top Ten!”

BRIAN: SM Olongapo? Lapit lang dito sa Gamma Base yan a.

JAKE: Aba manonood ako! Tutal off duty natin sa anuwebe!

SCOTT: Hey Malin, I think this is the right time to reunite with your old friend.

MALIN: Tagal ko na rin syang di nakakausap, excited na nga akong makita ulit sya e, hi hi hi….

BRIAN: Syanga pala Malin, malapit na ang Gamma Soldier’s Night. Nakapagpractice ka na ba ng kanta? Ikaw pa naman ang pambato ng Rangers’ Department.

MALIN: Mamaya magpapractice ako, he he. Syempre ibabandera ko ang team natin! Hi hi hi…

_____________________________________

AXIS Mega Base, 13:32

Nasa isang silid si Ganelon na tila malalim ang iniisip. Kasalukuyan itong umiinom ng alak. Tila nababahala siya sa mga kabiguan niyang matalo ang Gammarangers.

Ilang saglit pa ay may nilalang na lumalapit papunta sa kanyang kinaroroonan.

GANELON: Balaam, huwag mo akong gambalain!

BALAAM: Pasensya na po sa abala, Panginoon, ngunit nais ko pong ipaalam sa inyo na bigla pong tumawag si Megiddus.

GANELON: Si Megiddus?

BALAAM: Opo, ang heneral natin na kasalukuyang may hawak sa bansang Japan. Tila may gusto siyang ipahiwatig.

GANELON: (tumungga ng alak) Mukhang nais nyang pumunta dito at tulungan tayong sakupin ang Pilipinas.

BALAAM: (inis sa narinig) Sa palagay ko po ay walang dahilan upang dumito pa sya—

GANELON: (ibinato ang kopita kay Balaam na inilagan naman ng isa) GAGO! Di hamak na mas mahusay si Megiddus kumpara sa mga inutil na katulad nyo! Kung sya nagawa nyang sakupin ang Korea at Japan ng walang katulong, paano pa kaya ang Pilipinas?

BALAAM: Ano po ang balak niyo?

GANELON: Gusto kong tawagin mo sya ang tulungan tayong talunin ang Gammarangers. Sa ngayon, inaatasan kitang gumawa ng isang Terrozoid na kayang humigop ng kabataan ng mga tao. Naisip kong ang angking kabataan ng tao ang siyang nagbibigay ng lakas sa kanila upang labanan tayo. Kung wala sa kanila iyon, madali natin silang masasakop!

BALAAM: Masusunod po kamahalan! At ang una nating target ay……..
_____________________________________

SM City Olongapo, October 9, 15:49

Punung-puno ang Activity Center ng mga tao, pawing naghihintay sa pagdating ni Kesha. May mga nagdadala ng posters, plackards, at albums niya. Ang iba ay may suot pang T-Shirt na may larawan niya. Ang iba ay ginagaya ang porma niya.

Magkakasamang nanood sina Jake, Brian, Scott at Malin. Si Abby ay hindi na sumama dahil nasa Camp Aguinaldo siya ngayon.

JAKE: Ilang sandali na lang at makikita ko na ang pantasya ko!

SCOTT: Hey Malin, why do you look so worried?

MALIN: Hah? Hindi a, excited nga akong makita si BFF e! Alam mo na, it’s a girl thing!

Ilang saglit pa ay biglang naghiyawan ang mga tao nang umakyat na ang emcee.

BRIAN: Start na ata, hehehe…..

EMCEE: Good afternoon people!!!!

MADLA: We want Kylie! We want Kylie! We want Kylie!

EMCEE: Excited na ba kayong makita si Kylie?!

MADLA: KYLIE! KYLIE! KYLIE!

Habang nagsasalita ang emcee….

JAKE: Anu ba yan! Andaming CheChe Bureche! Ilabas nyo na si Kylie!

BRIAN: Ano ka ba, natural may opening act pa yan! Ang tawag diyan, palabok!

Si Malin, hindi mapakali…..

MALIN: Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Di ko alam kung masaya o matatakot.

Ilang saglit pa ay dumating ang pinakahihintay ng lahat…..

EMCEE: Madlang people, narito na ang pinakahihintay ninyo! Dancing ang singing her current no. 1 single….here she is……KYLIIIEEEEEE!!!!

Sigawan lahat ng tao nang lumabas si Kylie sa stage. Habang siya ay sumasayaw at kumakanta, ang lahat ay napapanganga sa kanyang mala-diyosang ganda. Napapasayaw at napapakanta ang lahat.

JAKE: KYLIE I LOVE YOU!!!

BRIAN: Ano ka ba, mahiya ka naman! Sundalo ka pa man dn!

SCOTT: Yeah!!!

MALIN: Galing talaga ng BFF ko hehehe.

Matapos ang show ay sinundan agad ito ng autograph signing.

JAKE: Ipapaautograph ko ang dibdib ko, he he he.

BRIAN: Nababaliw ka na talaga.

SCOTT: Guys let’s fall in line----where’s Malin?

Biglang nawala sa tabi nila si Malin. Laking gulat ng tatlo nang makita nila ito na nasa unahan ng pila sa autograph table.

SCOTT: There she is, seems like she is trying to reunite with her old friend.

JAKE: Mukhang dati na nga silang magkakilala.

Sa autograph table….

MALIN: Hi Kylie! Musta ka na? Hindi mo ba ako natatandaan?

Nagtataka naman si Kylie sa babaeng nasa harapan niya. Tila pilit sinisipat ang kabuuan ng itsura nito.

MALIN: Ano na, Simplakerds?

KYLIE: Huh? Simloverds? Malin?!

MALIN: OO!

KYLIE: Malin ikaw nga!!! (sabay beso sa magkabilang pisngi n Malin)

KYLIE: Musta ka na? Salamat at dumalo ka sa show ko.

MALIN: Okay naman. Ikaw? Naalala mo ba nung magkasama tayo sa banda?

KYLIE: Aaaa…oo naman, pero syempre lipas na iyon. Mamaya na tayo mag-usap Malin, medyo busy pa ako.

Biglang may humila kay Malin palayo. Isang bodyguard ni Kylie ang pilit nilalayo si Malin mula kay Kylie.

MALIN: Ano ba? Bitawan mo ako! Magkakilala kami ni Kylie. Kylie, tulungan mo naman ako!

Tila walang narinig si Kylie. Hinayaan na lang niyang ilayo ng bodyguard niya si Malin.

Lumapit ang manager ni Kylie na si Mama Bessy.

MAMA BESSY: Haynaku anu ba? Nakakaloka ang ibang fans talaga. Sige iha, ituloy mo na ang autograph session.

Habang on-going ang autograph signing, ay naiwan si Malin sa isang tabi. Sabay lumapit din sina Jake.

JAKE: Ha ha ha, yahoo! May autograph na ang dibdib ko!

BRIAN: Sa wakas napapirma din ang t-shirt ko.

Napansin ni Scott ang pananamlay ni Malin.

SCOTT: Hey Malin, are you okay? You seem so sad. What happened?

MALIN: No, I’m okay. She must be very busy. I understand if she wont have time to talk to me.

Matapos ang autograph session ay pumasok na sa dressing tent sina Kylie. May pumasok na ideya kay Malin.

MALIN: Hmmmm ma-try nga….

Umalis si Malin papunta sa dressing tent. Napansin ito ng tatlong lalaki.

BRIAN: Mukhang lalapitan nga siya.

JAKE: Good luck na lang sa kanya.

Sinamantala ni Malin ang pagiging busy ng staff ng mall show sa pagliligpit. Tamang-tama na mag-isa lang si Kylie sa kanyang dressing area. Nang walang nakakapansin kay Malin ay agad na pumasok siya sa tent.

MALIN: Kylie!

KYLIE: Huh? Malin?

MALIN: Ngayon makakapag-usap na tayo. Buti ka pa bongga ka na.

KYLIE: Ayos naman. Eto medyo busy. May next concert pa nga ako ater this e, kaya kelangang magmadali.

MALIN: Parang kelan lang nung magkasama pa tayo sa banda.

KYLIE: Tama, tagal na panahon na din, pero tingnan mo ako ngayon.

Tumayo si Kylie at tila rumampa sa harapan ni Malin.

KYLIE: Alam mo, kung hindi ka pumasok sa military, sana sikat ka na rin ngayon. Tingnan mo nga sarili mo, sayang kasi magaling ka naman kumanta. Bakit mas pinili mo pa ang ganyang trabaho? Hindi ka naman sisikat diyan. Look at me, sexy, hot, famous, glamorous, making millions, topping the charts.

MALIN: Ikaw ba talaga yan? Bakit ganyan ka nang magsalita ngayon?  Naging singer ka lang, yumabang ka na. Akala mo tingin mo sa sarili mo diyosa.

KYLIE: Sinasabi ko lang ang totoo—

MALIN: --then that not the truth! Di ka naman dating ganyan ah. Alam mo ba kung bakit ako pumasok sa military?.....Dahil gusto kong pagsilbihan ang bayan. Oo kagustuhan ni Papa ito, pero hindi ako umangal, dahil alam kong nasa panganib tayo ngayon! Ikaw, wala ka ng ibang inisip kundi ang sarili mo!

KYLIE: Slow down! Kung magsalita ka akala mo napakamakabayan mo! Kunsabagay dati pa, ayaw na kita makasama sa banda! Oo we are close before, but not anymore!......Guard, paalisin ang babaeng ito!

Ilang saglit pa ay pumasok ang dalawang bodyguards ni Kylie at hinila si Malin palabas.

MALIN: (habang hinihila ng dalawang guards) Kylie, I never though you would do this to your best friend since kinder!

KYLIE: I’m sorry Malin, but I don’t have time for people like you.

Ilang saglit pa ay dumating si Mama Bessy.

MAMA BESSY: Kylie, iha, packup na may guesting ka pa.

KYLIE: Opo Mama Bess!
_____________________________________



Nakita nina Jake, Brian at Scott kung paano pinagtataboy ng mga guards si Malin.

JAKE: Mga pare, si Malin, sinasaktan oh!

BRIAN: Mukhang pinaalis siya ni Kylie.

SCOTT: This is not good.

Agad lumapit ang tatlo sa kinaroroonan ni Malin na kasalukuyang nakaupo sa sahig.

SCOTT: Malin! What happened?

MALIN: I don’t know her anymore. Ibang-iba na siya.

JAKE: Ganyan talaga ang mga sikat, isnabera.

Ilang saglit pa ay nakita ng apat sina Kylie na paalis na ng mall. Dinudumog pa rin sila ng mga tao kahit paalis na sila.

BRIAN: Hayaan na natin sila.

MALIN: Yeah right.

Pauwi na ang apat nang may marinig silang……

EEEEEEEEEEEEEEEEE……….!!!!!!

JAKE: Huh? Ano iyon?!

BRIAN: Guys, tingnan nyo nagtatakbuhan ang mga tao!

Nagulat sila na ang pinanggalingan ng sigaw ang galing sa exit kung saan lumabas sina Kylie.

MALIN: Si Kylie!

SCOTT: C’mon, let’s take a look!

Aga lumapit ang apat. Laking gulat nila nag may makita silang halimaw na mukhang Anteater. Ito ay si  Aarvarkazoid. Kasalukuyan itong nasa ibabaw ng van na kinaroroonan nina Kylie.

JAKE: Naku, pati ba naman dito may AXIS pa rin?!

MALIN: Gosh, nasa loob sina Kylie!

Bumunot ng Laser Gun si Brian at pinaputok ang halimaw. Bumaba ang halimaw at gumanti. Samantala sa loob ng van….

KYLIE: (tinawag ang driver) Manong, umalis na tayo dito,  ayoko pa mamatay! May guesting pa ako!

DRIVER: Ma’am, sira po ang gulong ng van, sinira ng halimaw.

MAMA BESSY: Ano?! E di hindi tayo makakaalis dito? Kaloka na to!

KYLIE: Tumakbo na lang kaya tayo?

Akmang lalabas na ng sasakyan sina Kylie ng biglang sumulpot ang mga Omicrons.

KYLIE: Eeeeeeeee! Ano yang mga yan?!

MAMA BESSY: Wag po! Maawa kayo!

Dudukutin na sana sila ng mga Omicrons nang biglang dumating si Malin at sinunok ang mga ito.

MALIN: Umalis na kayo dito! May guesing ka pa, di ka dapat ma-late!

KYLIE: Malin---

MALIN: Kami na ang bahala dito!

Agad tumakbo palayo sina Kylie habang nilalabanan ni Malin ang mga Omicrons. Lumalaban in ng Omicrons si Scott, habang kaharap naman nina Jake at Brian si Aarvarkazoid.

Sa dami ng kalaban ay na-corner ang apat.

JAKE: Magbihis na tayo!

ALL: Okay!

GAMMAMODE, ACTIVATE!

At naging Gammarangers ang apat. Nilabanan nila ang mga Omicrons at si Aarvarkazoid. Inuubos nina Gamma Red at Gamma Vio ang mga Omicrons habang sina Gamma Blue at Gamma Yellow naman ang bahala sa halimaw. Nagpakawala ng multiple mini bombs ang halimaw kay Gamma Blue na ikinatumba nito. Biglang hinablot naman ng halimaw si Gamma Yellow.

GAMMA YELLOW: Bitawan mo ko, you son-of-a-bitch!

“G-Booster!”

Biglang natamaan ng G-Booster ang braso ni Aarvarkazoid galing sa kadarating lang na Gammaranger.

GAMMA YELLOW: Salamat Ate Abby!

GAMMA GREEN: Sensya na na-late ako. Tama ang sabi ni Alice, may panganib dito!

Naubos ang mga Omicrons at naiwang mag-isa ang halimaw.

GAMMA RED: Todasin na yan! Activate G-Firearms!

Subalit habang pinapaputok ng lima ang kanilang sandata, ay bigla namang nawala ang halimaw.

GAMMA RED: Anak ng tupa, nakawala!

GAMMA BLUE: Nasaan na yun?
_____________________________________

Biglang nagteleport si Aarvarkaoid sa isang mataas na gusali sa Makati, kung saan ay gumawa ito ng isang Energy Suction na humihigop ng kabataan ng mga tao. Ang bawat matamaan ng Energy Suction na ito ay tatanda.

Ilang saglit pa ay dumating si Balaam.

BALAAM: Sige halimaw, higupin mo ang kabataan ng mga tao, gagamitin natin yan upang gawing Fuel ng ating mga Humanoid Warbots, ha ha ha ha!!!

At iyon nga ang nangyari, ang lahat ng tinamaan ng Energy Suction ay tumanda.

_____________________________________

Samantala….

Isang taxi ang pumarada sa may station ng TV.

MAMA BESSY: Manong eto bayad! Salamat ha!

KYLIE: Grabe ang araw na ito. Muntikan pa tayo ma-late ng dahil sa halimaw na yun.

MAMA BESSY: Haynaku iha, nakakaloka na talaga ang panahon ngayon. Kung anu-anong klaseng mga impakto ang nagsisilabasan.

Kumuha ng Foundation Kit si Kylie upang tingnan ang sarili sa salamin at magpaganda. Biglang may liwanag na tumama kay Kylie, ilang saglit pa ay naging matanda ang kanyang anyo.

KYLIE: Eeeeeeeeeee!!!!! Mama Bessy anong nangyari sa mukha ko?!

MAMA BESSY: Aaaaaaaaay! Impakta! Waaaaaaaa!!!!

Kumaripas ito ng takbo palayo.

KYLIE: Mama Bessy, ako ito! Wag mo akong iwan dito! Hu hu hu…..

Hindi alam ni Kylie kung paano magtago ng itsura. Buti na lang at may dalai tong scarf, ginamit niya ito upang talukbungin ang mukha. Hindi na niya itutuloy ang guesting, sabi niya sa sarli. Paano siya haharap on National TV sa anyo nya ngayon?
_____________________________________

Gamma Base, 17:11

GEN. ANGELES: Nakakabahala ang sitwasyon ngayon. Ang lahat ng tao sa siyuad ay nagiging matatanda.

JAKE: Sa palagay ko ay gawa iyan nung halimaw na nakalaan namin.

BRIAN: Sir, papano kaya natin sila maibabalik sa dati nilang edad?

ALICE: Wala pa akong nakikitang solusyon sa ngayon, pero based sa aking theory, maibabalik lang sa dati ang mga tao kung matatalo niyo ang halimaw.

SCOTT: Looks like AXIS is resorting to cheesy tactics right now, just to conquer this country.

ABBY: Hmmmm, guys, nasaan si Malin?

GEN. ANGELES: Oo nga, bakit wala si Cadet Ong?
_____________________________________

Sa kanyang kwarto, nakahiga si Malin hawak ang kanyang hologram tablet. Tinitingnan niya ang mga pictures nila ni Kylie simula pagkabata. Habang tintingnan niya ang mga ito, ay naluluha siya.

May nilalang na biglang pumasok, si Charlie 9.

CHARLIE 9: Malin, laro tayo…laro tayo….

MALIN: Ayoko muna Charlie. Wala ako sa mood.

CHARLIE 9: Malin wala mood, Charlie, wala din mood. Hu hu hu….

MALIN: Tingnan mo Charlie, yan ang best friend ko. Simula bata pa kai, magkasangga kami nyan. Para ko na nga siang kapaid e…..

CHARLIE 9: Best friend? Kapatid?

MALIN: Pero hindi na ngayon, kasi hindi na niya ako love. Nagbago na siya….

Ilang saglit pa ay pumasok si Aby sa kwarto.

ABBY: Uy Malin, anong ginagawa mo diyan? Hi Charlie, ang cute kong baby!

CHARLIE 9: Abby Ganda! Abby Ganda! Ha ha ha!

ABBY: (kinarga si Charlie) Uy ano iyan? Teka si Kylie Suarez yan a, yung singer! Magkakilala ba kayo?

MALIN: Mahabang kwento Ate. Ummmm, Ate gusto ko munang lumabas. I want to relax myself muna.

Walang anu-ano ay lumabas si Malin at inwan s Abby sa kwarto.

ABBY: Huh? Saan ka pupunta? Malin!

Nakita ni Abby ang hologram tablet na naiwan ni Malin. Tiningnan niya ang laman nito.
_____________________________________

Sa may Quezon Memorial, nandoon si Malin, nakaupo habang kumakain ng Potato Chips. Tila tulala ito habang minamasdan ang mga taong magkakasama at masayang naglalakad. May nakita pa siyang dalawang babaeng masayang nagkukuwentuhan. Nalungkot siya sa nakita niya, pagkat naalala niya si Kylie.

Sa bench na inuupuan niya, may isang matandang nakatalukbong ng scarf, nakaupo at umiiyak. Napansin ito ni Malin.

MALIN: Ummm lola, bakit po kayo umiyak?

Nagulat ang matanda pagkakita kay Malin, lalo niyang tinakpan ang mukha gamit ang scarf.

MALIN: Lola, wag po kayong matakot, hindi po ako atiban gang. Mabait po ako. Gusto nyo po ng Potato Chips?

MATANDA: Hmmmm ayoko. Salamat na lang….

Tila pamilyar kay Malin ang boses ng matandang babae. Nilapitan ito ni Malin at hinarap. Biglang humangin ng malakas, kaya lumipad ang scarf ng matanda, dahilan upang lumantad ang mukha nito. Nagulat si Malin sa itsura ng matanda, sinisipat niya itong mabuti. Naalala niya ang napanood na balita kanina ng laganap na pagkawala ng youthful appearance ng mga mamamayan. Namukhaan ito ni Malin.

MALIN: Kylie?!

Hindi umiimik si Kylie. Tila nahihiya kay Malin dahil sa itsura niya ngayon.

MALIN: Kylie ikaw nga!

KYLIE: Huwag mo akong hawakan! Malamang ayaw mo na sa akin ngayon dahil sa itsura ko. Kanina lang sa mall show ang ganda ko, ngayon eto na ako! Iniwan na ako ng manager ko. Paano pa ako haharap sa tao? Papano na ang career ko?

MALIN: Hanggang ngayon pa rin pala, sarili mo pa rin ang iniisip mo. At sinong may sabing ayaw na kita dahil sa anyo mo? Kylie, kilala mo ako. Nung magkasama pa ayo, never kitang iniwan kahit andami mong atraso sa akin. Tanggap ko kung ano ka, kasi Best Friend kita.

KYLIE: Ano ba, ako si Kylie Suarez, the Pop Superstar!

MALIN: Wala akong pakialam kung Super Star ka. Para sa akin ikaw pa rin si Kylie, ang childhood friend ko, si Simplakerds. After all these years ng paghihintay ko, finally nagkasama ulit tayo. Kahit halos ipagtabuyan mo ako kanina sa mall show, never nawala ang love ko sa iyo. Oo nagalit ako sa attitude mo, pero tanggap pa rin kita. Simplakerds…Best Friend…..

Tila naliliwanagan na si Kylie, subalit biglang…..

EEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!! Sakloloooooo!!!!!!

Nakita ng dalawa ang mga nagtatakuhang mga tao.

KYLIE: Anong meron?

MALIN: Diyan ka lang, titingnan ko!

Tumakbo si Malin upang tingnan ang nagaganap, subalit sa kinauupuan ni Kylie, biglang nagpakita si Aardvarkazoid.

Sa iaas ng isang building ay nandoon si Balaam at nanonood lang.

KYLIE: Aaaaaaaaa!!!!! Saklolo!!!

Nagpaputok ng Laser Gun si Malin upang iligtas si Kylie.

MALIN: Hoy halimaw, wag na wag mong sasaktan ang Best Friend ko! Kylie, tumakbo ka na!

KYLIE: Sige! Salamat!

Lumayo si Kylie subalit nagtago lang ito sa isang eskinita. Nag-aalala siya kay Malin, kaya ayaw niyang iwan ito.

MALIN: Ibalik mo ang ninakaw mong youth sa mga madlang people! GAMMAMODE ACTIVATE!



Nagulat si Kylie nang makitang nagbagong anyo ang kaniyang kaibigan.

KYLIE: (bulong) Malin? Isa kang…Gammaranger?

Naglaban si Gamma Yellow at ang kalaban, subalit sadyang malakas ang halimaw. Lahat ng atake ng Ranger ay bale wala sa kanya. Hinagis nito si Gamma Yellow sa isang tiangge stall at inapakan.

Naawa si Kylie sa nasasaksihan niya. Kita niya kung paanong niyuyurakan ng halimaw ang kaibigan niya. Biglang naalala ni Kylie ang nakaraan…..
_____________________________________

Flash Back (16 years ago…..)

Isang batang babae ang umiiyak matapos bullyihin ng mga batang lalaki. May isa pang batang babae ang biglang sumagip sa batang umiiyak.

MALIN: Hoy mga salbahe, ang bad-bad nyo!

Kumuha ito ng bato at inihagis sa mga nagtatakbuhang mga bata.

MALIN: Bata, okay ka lang ba?

KYLIE: Hu hu hu, salamat ha!

MALIN: Ako nga pala si Malin!

KYLIE: Ako naman si Kylie!

MALIN: Friends na tayo ha?

KYLIE: Sige hi hi hi!
_____________________________________

Flash Back (6 years ago…..)

Matapos ang gig ng kanilang banda…

MALIN: Plakerds, pano yan, maghihiwalay pala tayo ng school sa college?

KYLIE: Don’t worry Loverds, kahit magkahiwalay tayo, tayo pa rin ang Super Twins! We will be the best of the best of the best friends forever!

MALIN: Promise?

KYLIE: Promise! (sabay kalawit ng kanilang hinliliit)
_____________________________________

KYLIE: Simloverds, lumaban ka! Kaya mo yan, Malin!

Tila sumusuko na si Gamma Yellow. Akmang tatapusin na nito ang Ranger, nang….

“G-Magnum!”

Sumabog ang braso ni Aardvarkazoid nang matamaan ng G-Magnum. Dumating na ang ibang Gammarangers.

GAMMA GREEN: Malin, ayos ka lang ba?

GAMMA YELLOW: Medyo lang.

GAMMA RED: Sakto lang ang dating namin. Okay todasin na iyang mokong na yan!

ALL: Roger!

GAMMA RED: Gamma Daggers!

Sumugod ang lima gamit ang kanilang Gamma Daggers. Isa-isa nilang pinagtataga ang halimaw. Nasaktan ang halimaw sa sunud-sunod na taga. Halos magkandahiwa-hiwa na ang katawan nito.

GAMMA RED: Arm Lasers! Fire!

Naglabas ng Arm Lasers ang lima galing sa kanilang braso, lalong nasaktan ang halimaw sa atakeng natamo.

GAMMA YELLOW: Okay tapos na ang Opening Act, Main Event naman! G-Firearms!

GAMMA RED: Full Power!

ALL: FIRE!!!

Sabay-sabay na nagpaputok ang lma ng kanilang G-Firearms, at ilang saglit pa….

BOOOOOOOMMMM!!!!!

Sumabog na ang halimaw.

Pagkatapos nito ay biglang bumalk sa pagkabata ang mga tinamaan ng Energy Suction, pati na si Kylie.

KYLIE: Wow, bata na ulit ako!!! Yehey!

Pagkatapos matalo ng halimaw, umalis na rin si Balaam na inis na inis.

Nagpower down na rin ang lima.

JAKE: Ayos, bumalik na sa dati ang lahat.

MALIN: Naku, nasaan na kaya si Kylie?

BRIAN: Nandito si Kylie?

Ilang sandal pa….

KYLIE: Malin!!!

MALIN: Kylie!!!

Nagyakapan ang dalawa. Gulat na gulat naman ang apat nang makita ang sikat na singer.

JAKE: Uy, si Idol!

BRIAN: Kylie!

ABBY: Uy pa-autograph naman!

KYLIE: Salamat ligtas ka!

MALIN: He he he kaw rin.

KYLIE: Ummm….sorry nga pala ha, sa mga sinabi ko sa iyo sa mall show.

MALIN: Kalimutan mo na iyon!.....Syanga pala, may gaganaping Soldier’s Night mamaya sa camp namin, punta ka ha!

KYLIE: Sure, no problem!

Tila may naisip na gimik si Scott.

Ilang saglit pa, ay dumating si Mama Bessy….

MAMA BESSY: Kylie!!! Saan ka ba nagpunta bata ka? Nagkakagulo na ang lahat, tapos bigla ka na lang nawala! Na-cancel na tuloy ang guesting mo!

KYLIE: I don’t care Mama, may next shows pa naman e.
_____________________________________

Gamma Base: 21:14

Dumating ang pinakahihintay na event ng mga sundalo, ang Gamma Soldier’s Night. Ang bawat military unit ay may inihandang performance. Emcee sa event si Alice.

ALICE: And now from the Elite Squad Department, singing the song entitled “I’ll Stand by You” by Carrie Underwood, give it up for Cadet Private First Class Maria Erlinda Ong!

Palakpakan ang lahat nang lumitaw na sa stage si Malin. Maganda ang duot ni Malin na Backless gown na may slit. Nagsimula ng kumanta

MALIN:           Oh, why you look so sad? Tears are in your eyes
Come on and come to me now

Don't be ashamed to cry, Let me see you through
'Cause I've seen the dark side too

When the night falls on you, You don't know what to do
Nothing you confess, Could make me love you less

I'll stand by you, I'll stand by you
Won't let nobody hurt you
I'll stand by you

Nagulat ang lahat nang biglang lumiTaw sa Stage si Kylie. Lalong nagulat si Malin na may ka duet pala siya. Palakpakan at hiyawan ang naghari sa gabing iyon dahil sa sorpresang pagpapakita ni Kylie.

KYLIE:            So if you're mad, get mad, Don't hold it all inside
Come on and talk to me now

Hey, what you got to hide? I get angry too
Well I'm a lot like you

When you're standing at the crossroads
Don't know which path to choose
Let me come along, 'Cause even if you're wrong

BOTH:            I'll stand by you
Won't let nobody hurt you
I'll stand by you
Take me in into your darkest hour
And I'll never desert you
I'll stand by you



Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang performance. Agad niyakap ng mahigpit ni Kylie si Malin, may mga luha sa kanilang mga mata.

SCOTT: Hmmmm it went out just the way it was planned.

ABBY: What? You are the one who invited Kylie to sing with Malin?

Kumindat lang si Scott…


ITUTULOY……




No comments:

Post a Comment