Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
Mission 12: Operation Falcon
AXIS Mega Base, 22:27
GANELON: Huhulaan ko, hindi nanaman nagtagumpay si Necroma sa kanyang
misyon.
BALAAM: Ano pa nga ba, Panginoon, mukhang pagkakataon ko na para—
GANELON: Gago! Isa ka pang inutil! Kunsabagay, kelan na nga ba tayo
nagtagumpay sa pagsakop sa natitirang bansang hindi pa natin nasusupil?! Iisa
lang naman ang tanong ko sa inyo e…….BAKIT BA HINDI NYO MATALO-TALO ANG
GAMMARANGERS?!
DYMARO: Kamahalan, sa palagay ko po ay kailangang umisip na tayo ng
panibagong istratehiya upang sa wakas ay magtagumpay tayo.
GANELON: Sawang-sawa na ako sa mga linya niyong yan!!! Gawin niyo na lang
ang nararapat!!! Ang hirap sa inyo puro kayo salita!!! Dati-rati ay napakadali
lamang para sa inyo ang lahat ng aking iniuutos. Bakit ngayon, ni isa, wala
kayong nagawang matino?
CALYX: Haynaku, sana pala sa umpisa pa lang, kami na ni Master Megiddus
ang nadestino dito--
GANELON: Tumahimik ka! Napakataas pa man din ng tiwala ko sa inyo ng amo
mo! Pero wala rin kayong pinagkaiba sa tatlong ugok na ito!!!
Napabungisngis
naman sina Balaam at Dymaro pagkadinig nito.
Ilang saglit
pa ay lumapit si Corvus.
CORVUS: Panginoon, wag na po kayong magalit. Eto po oh, pinagtimpla ko po
kayo ng sabaw ng kampupot….Hmmm tsalap---
GANELON: HEH!!! (nabitawan ni Corvus ang kanyang tsaa) Ikaw, kesa
magsayang ka ng oras sa kakatimpla ng bwiset na tsaang yan, umisip ka ng paraan
kung paano matatalo ang Gammarangers!
Ilang saglit
pa ay dumating na sina Megiddus at Necroma.
GANELON: At saan kayo galing?
NECROMA: Panginoon, alam ko pong---
GANELON: Oo alam ko! Na hindi ka nanaman nagtagumpay! Kelan ka na nga ba
nagtagumpay sa mga plano mong pabagsakin ang Gammarangers?
Akmang
titirahin ni Ganelon ng Death Scepter si Necroma, ngunit sumabat si Megiddus.
GANELON: Anong problema, Megiddus?
MEGIDDUS: Maghunus-dili po kayo
Panginoon. Hayaan niyo pong ako na
ang tumapos sa Gammarangers. May inihanda po akong bagay na siyang tatalo sa
kanila.
GANELON: At anong klaseng bagay naman yan?
MEGIDDUS: Masdan niyo….
Inactivate
ni Megiddus ang screen panel ng AXIS Database.
MEGIDDUS: Hindi ko pa po naipapakita sa inyo ito. Isang doomsday mechanism
ang aking kasalukuyang ginagawa sa isang malaking pagawaan sa Laguna. IsangDoomsday Jet na kayang pasabugin ang buong lungsod sa isang bagsak lang ng
Nuclear Terabombs nito. Kung naaalala niyo kung paano binura sa mapa ang
Hiroshima at Nagasaki, ganun din ang ating gagawin sa bansang ito.
BALAAM: At paano naman ang Gammarangers--
MEGIDDUS: Wag kang sasabat dahil hindi pa ako tapos magsalita. May inihanda
akong isang Terrozoid na siyang lalaban sa Gammarangers. Habang abala sila sa
halimaw ay ihahanda na natin ang Doomsday Machine upang magpasabog ng mga
lungsod. Kahit makarating pa ang Gammarangers, huli na ang lahat dahil sabog na
ang mga lungsod.
Lumapit si
Necroma kay Megiddus.
NECROMA: (bulong) Akala ko ba gagamitin na natin si KO-36?
MEGIDDUS: Ako ang bahala, may tamang oras para umatake siya.
MEGIDDUS: Narito na po ang halimaw….si Macrozoid.
DYMARO: Duda ako diyan. Ilang beses na tayong natatalo ng Gammarangers,
may pakiramdam ako na kaya nilang tapusin yan.
MEGIDDUS: Sa umpisa ay hindi pa siya magpapakita ng kaniyang lakas dahil hindi agad lumalabas ang energy cells nito sa loob, kaya maaaring madali siyang matalo. Pero kapag nabuo siya ulit, ganap na siyang malakas at imposibleng talunin.....At if ever hindi magtagumpay iyan, may nakahanda po akong panibagong alas....
Tumingin si
Megiddus ng makahulugan kay Necroma.
GANELON: Sana naman ay hindi na mabigo yang plano mo Megiddus. Hindi na
ako makapaghintay sa ating nalalapit na tagumpay!
MEGIDDUS: Makakaasa po kayo Kamahalan…Hindi na kakailanganin pa ang
presensiya ko doon dahl tiwala akong magtatagumpay ako, kaya panonoorin ko na lang mula dito ang pagkawasak ng Gammarangers.....Ha ha ha ha!!!
Lingid sa
kanilang kaalaman ay dinig ni Cadette KO-36 ang usapan sa loob mula sa labas ng
pinto. Saka to umalis.
______________________________________
UDF Gamma
Base, 5:25
Kasalukuyang
nasa laboratory sina Engr. Gordon at Owen upang gawin ang bagong morphing badge
gamit ang elementong Pyrronium. Pumasok naman si Alice sa loob upang kumustahin
ang dalawa.
ALICE: Kumusta na ang ginagawa ninyo?
OWEN: So far okay naman, Ms. Alice. Ako gumagawa ng hardware ng
morpher, si Engr. Gordon naman sa schematics.
ENGR. GORDON: We are now in Phase 2, two or three days the new morpher is done
and ready. Also the New Gamachine.
ALICE: Okay, good then. Maiwan ko muna kayo. May aasikasuhin lang ako sa
Database.
__________________________________
Sa Database…..
Nandoon ang
limang Rangers habang pinupulong ni Gen. Angeles. Nakatikas-pahinga ang lima
habang nagsasalita ang kanilang tagapamahala.
GEN. ANGELES: Base sa bagong Intelligence Report na ibinigay ng isa sa ating
mga Army Contingents, tila nagbabago na ng strategy ang AXIS upang sirain ang teritoryo
natin. Isang makabagong Doomsday Jet ang kasalukuyang ginagawa sa isa sa mga pinakatago-tagong
lugar sa Laguna. Naglalayon itong pasabugin ang lahat ng lungsod sa Pilipinas
upang tuluyan nang mapasakamay ng kalaban. Masdan niyo ito….
JAKE: Huwahaaw….
MALIN: Jumbogels!
BRIAN: Sa itsura pa lang, mukhang mapanira na ito.
Saktong
dumating si Alice.
ALICE: Good morning Sir, good morning cadettes….
Sumaludo ang
lahat kay Alice, gumanti rin ng saludo ang huli.
GEN. ANGELES: Ms. Alice, mabuti pa ikaw na ang magexplain ng naturang discovery,
since ikaw ang unang naka-analyze nito kagabi.
ALICE: Okay Sir. Ang nasabing Doomsday Jet ay equipped ng 200 mm. Laser
Cannons, Dual Landing Strips para sa loading at unloading ng mga Omnicrons at Cranumites,
at naglalakihang Nuclear Terabombs na siyang ihuhulog sa mga lungsod.
SCOTT: Ms. Alice, how come it was discovered too late, seems like they’ve
been building that for quite some time now?
ALICE: Cadette Edwards, like I said before, AXIS knows how to hide its
cards. They know how to catch us by surprise.
ABBY: Ms. Alice, gaano katagal bago i-launch ang Jet na yan?
ALICE: Thirty-nine (39) hours.
JAKE: Whoa, wala pang dalawang araw yan a.
GEN. ANGELES: At hindi sapat ang ating firepower upang pabagsakin ang nasabing
Jet. Nababalot ito ng Sonic Forcefield kaya kahit ang mga Gammachines ay hindi
sapat. Ang masama, wala pa sa tamang kondisyon ang ating mga Gammachines.
JAKE: Mukhang kelangan nating umatake sa pagawaan ng nasabing Jet at
pasabugin ito bago pa makalipad.
BRIAN: Hindi maaari! Maraming sibilyan din ang nandoon na maaaring
madamay.
ALICE: At base rin sa reports, maraming mga residents doon ang ginawang
slaves ng AXIS.
MALIN: Nakupo, nagawa nilang alipinin ang mga tao nang hindi natin
nalalaman?
GEN. ANGELES: Kelangan natin ng isang Military Operation upang mailigtas ang mga
sibilyan at pasabugin ang Doomsday Jet bago pa ito makalipad.
ABBY: Pero sa palagay ko po, hindi ganun kasimple yun. Oo nasira nga
natin ang Doomsday Jet, pero alam naman natin ang AXIS, gagawa ulit sila ng
panibago.
JAKE: Then kelangan natin ng sapat na lakas upang matapatan iyon.
SCOTT: But the question is…where can we find that?
ALICE: According to Engr. Gordon, the morphing badge and the new
Gammachine will be launched two to three days from now, which means hindi na
aabot sa paglaunch ng Doomsday Jet.
GEN. ANGELES: Kahit anong mangyari kelangan nating mapigilan ang paglaunch ng
Doomsday Jet. Maliban sa Rangers, kakailanganin natin ang tulong ng 1st
to 10th Infantry Battalion. Kumilos na tayo ngayon din!
ALL: Roger! (sabay saludo)
_______________________________________
Sta. Rosa,
Laguna, 8:56
Hawak ang
isang telescope, sinipat ni Malin ang nasabing site na sinasabing pagawaan ng
Doomday Jet.
ABBY: Ano na Malin?
MALIN: Walang tao….Masyado namang malayo sa lungsod ang pagawaan na ito.
ABBY: Tara bumalik na tayo sa Convoy.
Tumakbo
pabalik ang dalawa sa Convoy ng mga sundalo.
MALIN: Kuya Jake, walang tao.
JAKE: Okay makinig kayong lahat. Ang pinakalayunin natin ay pasabugin
ang Doomsday Jet bago ito makalipad. Maliwanag?
MGA SUNDALO: Sir yes Sir!!!
BRIAN: Liliwanagin ko lang, ililigtas natin ang mga sibilyan at sirain
ang Jet bago lumipad.
Napasibangot
naman si Jake kay Brian.
Subalit
biglang….
BBBOOOOOOOOMMMMM!!!!!!
Malapit sa
kanilang mga sasakyan ay may pagsabog.
At mula sa pinagsabugan, lumitaw ang halimaw ni Megiddus, si Macrozoid. Lumitaw
din ang mga Cranumites.
JAKE: Isang Terrozoid!!!
Alerto naman
ang mga sundalo ng 1st to 10th Infantry Battalion at agad
pinagbabaril ang galimaw gamit ang Laser Rifles. Ngunit hindi natinag ang
halimaw.
JAKE: Hold your fire! Kayo na ang bahala sa mga Cranumites! Kami na sa
halimaw!
Agad sumunod
ang mga sundalo. Nilabanan nila ang mga Cranumites, habang ang lima naman….
GAMMAMODE,
ACTIVATE!!!
At naging
Gammarangers na ang lima. Nilabanan nila si Macrozoid. Malakas ang halimaw,
nahirapan ang mga Rangers na tapatan ito. Abala din ang mga sundalo sa
pakikipagsagupa sa mga Cranumites.
GAMMA RED: Ang lakas nito!
GAMMA GREEN: Fonseca, subukan natin ang Pyrronium enhanced G-Firearms. May
natitira pang ganun ang mga sandata natin!
GAMMA RED: Alright! Rangers assume
firing positions!!!
Pinalibutan
ng lima ang halimaw at
GAMMA RED: Target locked! Ready…Aim….
ALL: FIRE!!!!
At pagtama
ng Pyrronium Blasts, nawasak agad ang halimaw.
GAMMA RED: Ayyyoooossss!!!
GAMMA BLUE: Teka, bakit parang masyadong madali nawasak?
GAMMA RED: Ano ka ba? Ayaw mo natalo natin?
GAMMA BLUE: Wag kang pakasisiguro.
Biglang
tumunog ang communicator ng Rangers. Si Gen. Angeles ang nasa kabilang linya.
GEN. ANGELES: Rangers, stay alert! Siguradong
bantay-sarado ang factory nay an ng maraming Omnicrons. We must perceive with
the offensive! Alam ng AXIS na pupuntahan natin yang lugar na yan! Lalakas ang
security nila bago pa tayo magpaulan ng atake.
GAMMA RED: Roger that! (humarap sa mga Infantry Soldiers) Cadettes, stay put
kayo dito. Papasok kami sa factory. We will call you for back-up kapag nasa
peligro kami. Undersand?
SOLDIERS: Sir yes Sir!!!
GAMMA RED: Rangers, it’s Show time!!!
At agad
tumakbo ang lima palapit sa Doomsday Jet warehouse.
_____________________________________
Doomsday Jet
location, 9:33
Bantay-sarado
ang nasabing lugar ng mga Cranumites….nandoon din ang mga sibilyan na walang awang
pinagtatrabaho ng mga AXIS soldiers.
Kasalukuyang
abala ang mga Cranumites, nang….
“G-Magnum!!!!”
Nasorpresa
ang mga kalaban sa biglang pag-atake ng limang Gammarangers. Nilabanan nila ang
mga ito ng buong husay. At nang maubos ang mga ito.
GAMMA RED: Good job guys!
GAMMA BLUE: So ano next move?
GAMMA RED: Ganito, Malin at Scott, kayo ang in-charge sa paglikas ng mga
civilians.
GAMMA YELLOW: Okie Dokie!
GAMMA VIO: Works for me!
GAMMA RED: Abby, sa iyo ko iiwan ito.
May kinuha
si Gamma Red mula sa Chest Armor niya, isang Bomb Detonator. Inabot it okay Gamma
Green.
GAMMA RED: Abby, ikaw ang bahalang pumindot niyan once nailagay na lahat ng
bomba.
GAMMA GREEN: Roger that!
GAMMA BLUE: Paano ako?
GAMMA RED: Ikaw at ako ang magtatanim ng explosives sa lugar na ito. Nasa
akin ang lahat ng explosives.
Ipinakita ni
Gama Red ang kanyang Leg Armor at binuksan ito, nandoon ang lahat ng Explosion
Chips.
GAMMA BLUE: Okay sabi mo e.
GAMMA RED: Rangers, mobilize now!
At nagtungo
na sila sa kani-kanilang mga assignments. Sina Gamma Vio at Gamma Yellow
tinulungan ang mga civilians, habang pumasok naman sa loob sina Gamma Red, Gamma
Blue at Gamma Green.
Pagpasok sa
loob ng factory….
GAMMA RED: Easy lang mga kasama….
GAMMA BLUE: Nasaan kaya dito ang Doomsday Jet?
GAMMA GREEN: Hindi na natin kailangang hanapin ng mabuti. As long as naitanim
na natin ang mga explosive chips, kusang magaactivate ang primary reactor—
GAMMA RED: At kapag nailabas na ang lahat ng sibilyan at naitanim na lahat
ng bomba, pindutin mo na ang detonator.
GAMMA BLUE: Pero bago yan, masdan niyo…
Napalingon
ang Rangers at nagulat nang may natitira pang mga Cranumites na pumaligid sa
kanila.
GAMMA RED: Anak ng pitong bakla, di pa sila ubos? Attack!!!
Agad umatake
ang tatlong rangers sa mga Cranumites. Madali naman nilang natalo ang mga ito
gamit ang kanilang hand-to-hand combat skills at weaponry.
GAMMA RED: Hayan, siguro naman wala na.
GAMMA BLUE: Parang hindi pa….
Paglingon
nila, nagulantang sila nang makita nilang muli si Macrozoid.
GAMMA GREEN: Hindi!!! Nabuhay ulit siya!
GAMMA BLUE: Sabi ko na nga ba eh!
GAMMA RED: Naku, ang mga sundalo sa labas!
Agad silang
inatake ng halimaw. Tinapatan naman ito ng mga Rangers ng kanilang Gamma
Daggers. Walang puknat na labanan ang namayani sa mga oras na iyon.
GAMMA RED: (inactivate ang communicator sa helmet at tinawagan ang mga
sundalo) Raptor 1, do you read me?
Sumagot
naman ang kausap nito sa kailang linya.
RAPTOR 1: I read you Gamma Red!
GAMMA RED: Raptor 1, okay lang ba kayo? Kasi nandito ang halimaw na natalo namin
kanina dyan. Hindi ba kayo nasaktan?
RAPTOR 1: Inatake nga kami nang mabuo ulit, good thing agad siyang pumasok
sa loob ng location ninyo. Okay naman kami.
GAMMA RED: Buti naman.
GAMMA GREEN: Fonseca, kami na bahala dito, itanim mo na ang mga Explosive
Chips!
GAMMA BLUE: Hindi na ako sasama sa iyo, hindi kakayanin ni Abby ang halimaw.
Kelangan ko siyang tulungan!
GAMMA RED: Okay, mag-iingat kayo diyan! Ikakalat ko na ang mga pasabog!
Umalis si
Gamma Red at iniwan sina Gamma Blue at Gamma Green na nakikipaglaban kay
Macrozoid.
__________________________________
Sa kabilang
dako naman ay abala sna Gamma Vio at Gamma Yellow sa pagpapalikas ng mga
sibilyan.
Bigla silang
tinawagan ni Gen. Angeles sa communicator nito.
GEN. ANGELES: Gamma Vio, Gamma Yellow, have you rescued to civilians?
GAMMA VIO: Affirmative Sir!
GEN. ANGELES: Gamma Yellow, gusto kong tulungan mo ang mga sibilyan palabas ng
site, dalhin mo sila sa mga nakastand-by na Infantry soldiers nang madala sila
sa ligtas na lugar.
GAMMA YELLOW: Roger Sir!
GEN. ANGELES: Gamma Vio, stand-by or further instructions. Looks like Engr.
Gordon has some orders for you.
GAMMA VIO: Roger that Sir!
GAMMA YELLOW: Scottie, I gotta go!
GAMMA VIO: Okay take care!
At umalis si
Gamma Yellow at tinulungan ang mga sibilyan.
Agad tumunog
lit ang communicator ni Gamma Vio. Nasa kabilang linya si Engr. Gordon.
ENGR. GORDON: Cadette Edwards, do you read me?
GAMMA VIO: I read you Mr. Gordon. What is it?
ENGR. GORDON: Since the new morpher and Gammachine is still under construction,
we will have a Plan B. I will send to you a new program that can change the
configuration of the Doomsday Jet. Check it on your helmet and transfer it in
your Built-in Flash Drive.
GAMMA VIO: Okay Sir, but I have to find out first the location of the Jet.
ENGR. GORDON: Okay if you found it out, then inform me, I will give you further
instructions.
GAMMA VIO: Roger Sir!
______________________________________
Si Gamma Red
naman ay kasalukuyang nagtatanim ng mga Explosive Chips galing sa kanyang Leg
Case. Habang ginagawa niya ito ay inaatake pa rin siya ng mga Cranumites na
bantay ng lugar na iyon. Nilabanan naman ni Gamma Red ang mga ito.
GAMMA RED: Kelangang maitanim lahat ng ito!
At naglagay
ulit siya ng Chip sa isang sulok.
______________________________________
Si Gamma Vio
naman ay hinahanap ang Doomsday Jet. Nang mapadaan siya sa isang silid, may
nakita siyang isang tila Control Room.
GAMMA VIO: Seems that this is the Main Control Board.
Pinagmasdan
niya lahat ng ito, napalingon siya sa kanan, sa isang bintana. Tumingin siya
dito at laking gulat niya nang makita ang pntirya nito, ang Doomsday Jet.
GAMMA VIO: This is it!!!
Tiningnan
niya ang mga Computer Screens sa Control Board at doon nga niya nakita ang mga
programs na siyang mga configurations ng Doomsday Jet.
Tinawagan ulit ni Gamma Vio si Engr. Gordon.
GAMMA VIO: Mr. Gordon, I’ve found it! I’m in front of the Main Control Board
now.
ENGR. GORDON: Very good! Now here is what you do! Have you installed the
program that I gave you?
GAMMA VIO: Yes Sir, I have already downloaded it on my Flash Drive.
ENGR. GORDON: Now upload it on the Control Board. We will change the
configuration of the Doomsday Jet.
GAMMA VIO: I’m doing it now Sir!
Nang biglang
inatake nanaman siya ng mga Cranumites.
GAMMA VIO: Sons of a bitch, don’t disturb me!!!
Inatake siya
ng mga AXIS soldiers ngunit agad namang napatumba ang mga ito. Patuloy pa rin
ang pagbabago ng sistema ng Doomsday Jet dahil sa bagong program na inilagay ni
Gamma Vio.
______________________________________
Sa combat
site na kinalalagyan nina Gamma Blue at Gamma Green, patuloy pa rin nilang
nilalabanan ni Macrozoid. Gamit ang kanilang Gamma Daggers ay inaatake nila
nang buong tapang ang halimaw.
Pinatumba
naman ni Macrozoid si Gama Green habang patuloy ang laban ni Gamma Blue. Nang
mapahandusay si Gamma Green, tumunog ang communicator nito, si Gama Red ang
nasa kabilang linya.
GAMMA RED: Abby, naitanim ko na ang mga Explosive Chips. Umalis na tayo dito
at pindutin mo na ang Detonator!
GAMMA GREEN: Hindi pa pwede, abala pa kami dito!
GAMMA RED: Iwanan niyo na ang halimaw na yan! Umalis na tayo baka anytime
tetake-off na ang Jet.
Minasdan
naman ni Gamma Green si Gamma Blue na hirap na hirap.
GAMMA BLUE: Pindutin mo na Abby!
GAMMA GREEN: Pero…
GAMMA BLUE: Gawin mo na lang!
GAMMA GREEN: Bahala na…
Pipindutin na
sana ni Gamma Green ang Detonator nang biglang tumawag si Alice sa communicator
nito.
ALICE: (sa kabilang linya) De Leon, disregard mo ang order ni Fonseca. Magbabago
tayo ng plano. Hintayin mo ang signal ko bago mo pindutin ang Detonator!
GAMMA GREEN: Pero bakit? Ang Doomsday Jet ay---
ALICE: Kapag lumipad na ito at nagkaroon na ng dafety distance, doon mo
pindutin yan! Magtiwala ka sa amin, lalo na kay si Engr. Gordon. May ginawa
nang hakbang si Edwards para diyan.
GAMMA GREEN: Ganoon ba?
Habang abala
sila sa kani-kanilang ginagawa ay…
“AXIS
DOOMSDAY JET PREPARE FOR TAKE-OFF….”
GAMMA BLUE: Abby, ano na? Aaaarrrggghhh (sinaktan ng halimaw)
GAMMA GREEN: Hintayin natin lumipad ang Jet bago i-detonate! Yun ang sabi ni
Ms. Alice.
__________________________________
Sa labas
naman ng vicinity, abala si Malin sa pagligtas sa mga sibilyan. Dinala niya ito
sa mga nakastand-by na Infantry Soldiers upang ilikas.
MALIN: Mga kasama, ilayo niyo na sila dito.
SOLDIERS: Roger po Ma’am!
Pagkaalis ng
mga sundalo ay tinawag ulit ni Malin ang Gamma Base.
MALIN: Hello, this is Cadet Ong, safe na po ang mga civilians.
GEN. ANGELES: (sa kabilang linya) Okay stand by ka lang diyan, malapit nang
maglaunch ang Doomsday Jet.
_________________________________
“—SEVEN,
SIX, FIVE, FOUR, THREE, TWO, ONE, TAKE OFF!!!”
At nagsimula
na ngang lumipad ang AXIS Doomsday Jet. Ang lahat ng nasa loon ng factory ay
nagulat…
Magkasama
sina Gamma Red at Gamma Vio.
GAMMA RED: Hindi, bakit kaya hindi nila dinetonate agad?
GAMMA VIO: I don’t know what’s gonna happen.
___________________________________
GAMMA BLUE: G-Launcher….Fire!!!!
At tumalsik
ang halimaw nang barilin ito ng G-Launcher.
GAMMA BLUE: Ano na Abby?
Tumunog ulit
ang communicator ni Gamma Green. Si Alice ulit ang nasa kabilang linya.
ALICE: De Leon, nakalipad na ang Jet, pindutin mo na ang Detonator,
ngayon na!!!
GAMMA GREEN: Okay (pinindot ang detonator) Tayo na Mistah!!!
GAMMA BLUE: Okay!
Inihagis
nila ang detonator sa nakabulagtang halimaw.
Ilang saglit
pa…..
Sumabog na
ang buong factory. Nagliliyab na ito sa lakas ng pagsabog.
Saksi ang
mga nasa labas ng site sa pagkasunog ng factory.
MALIN: Ang mga Rangers, nandoon pa sila!
Laking tuwa
niya nang makita ang apat na Rangers na tumatakbong palayo sa site, habang
nagliliyab ang factory.
MALIN: Yehey, ligtas sila!!!
JAKE: (humuhingal) Haaaayyy muntik na akong maging lechon de leche!
ABBY: Wala na ang factory…
SCOTT: Oh no, the Doomsday Jet!
BRIAN: Naku oo nga pala!
Lalo silang
nagulat nang makita na mula sa nagliliyab na factory, umusbong ang higanteng
Macrozoid. Naka-inplant nap ala ang Gear Spider sa loob ng katawan nito.
MALIN: Ngye!!! Sino pipigilan natin? Ang Doomsay Jet o ang halimaw na yan?
JAKE: Mukhang kakailanganin nanaman natin ang Gammatron!
BRIAN: Pero hindi pa sila naaayos!
JAKE: Bahala na si Chuck Norris! (inactivate ang comunicator) General. Kailangan
na namin ang Gammatron!
GEN. ANGELES: (sa kabilang linya) Hindi pa ganap na naaayos pero sige ipapadala
ko na. (lumingon kina Alice at Engr. Gordon) Anon a ang mangyayari sa Doomsday
Jet nyan?
ENGR. GORDON: I just hope it will work just in time.
_____________________________________
Sa
himpapawid ay kasalukuyang lumilipad ang Doomsday Jet. Ang mga Lasers nito ay
tinitira ang mga imprastruktura ng Sta. Rosa. Nagtakuhan ang mga mamamayan sa
mga pangyayaring ito. Mas nadagdagan ang takot nila nang magpakita ang
higanteng Macrozoid.
ABBY: Paano na yan? Dalawa ang kailangan nating talunin.
JAKE: Tagal ng mga Gammachines!
Ilang saglit
pa ay dumating na ang mga Gammachines.
MALIN: Hayan na pala e!
JAKE: Okay let’s ride!
GAMMAMODE,
ACTIVATE!!!
GAMMA RED: Okay Integrate Gammatron!
Nagsanib ang
mga sasakyan upang mabuo si Gammatron.
Paglapag pa
lang ni Gammatron ay umatake na ang halimaw. Palitan ng suntok, sipa, at tayak
ang namayani sa labanan. Ngunit di nagtagal naisahan ng halimaw ang Gammatron.
Nagawa nitong buhatin ang robot pataas sa ere, handing ibagsak ito sa lupa.
GAMMA RED: Hayan nanaman!
GAMMA BLUE: Mukhang ihahagis nanaman tayo!
Nagulat ang
lahat nang papunta sa kanilang direksyon ang Doomsday Jet! Tila ginawa ng
halimaw ito upang tamaan ito ng Jet at tuluyang sumabog ang Gammatron.
GAMMA YELLOW: Oh no! Papunta sa atin ang Doomsday Jet, tila babanggain tayo!
GAMMA GREEN: Hindi tayo makagalaw! Ano na ang gagawin natin!
______________________________________
GEN. ANGELES: Delikado, walang magawa ang Gammatron sa lakas ng halimaw, at
tila babanggain pa sila ng Doomsday Jet! Mr. Gordon, what now? Are you sure about that?
ENGR. GORDON: (tinitingnan ang loading bar ng ininstall na program sa Jet) Now
it’s complete! Let’s see if it works!
ALICE: Magtiwala lang kayo, Sir.
ALICE: Magtiwala lang kayo, Sir.
GEN. ANGELES: Huh?
____________________________________
GAMMA RED: Nakupo, papalapit na sa atin!!!
Subalit
laking gulat nila nang biglang lumiko ang Doomsday Jet at imbes na sa Gammatron
tumama, binangga nito ang tiyan ni Macrozoid!
Nabitawan ng
halimaw ang Gammatron.
GAMMA RED: Huh?
GAMMA GREEN: Hindi tayo binangga?
GAMMA BLUE: Sa halimaw tumama!
_____________________________________
ENGR. GORDON: It worked! It worked! General, the Doomsday Jet is no longer on
AXIS side! It is now on our side! Now you have a new Gammachine!!! The program
worked pretty well!
GEN. ANGELES: Nagbago ang anyo ng Doomsday Jet?!
ALICE: Ayos, nagtagumpay tayo! Magagamit na natin ang Jet laban sa halimaw!
ALICE: Ayos, nagtagumpay tayo! Magagamit na natin ang Jet laban sa halimaw!
GEN. ANGELES: So you mean it can aslo merge with the Gammatron?
ENGR. GORDON: Yes Sir, it is no longer called Doomsday Jet, I now call it, Falcon
Blazer!
GEN. ANGELES: Falcon Blazer?
_____________________________________
Napabagsak
si Macrozoid nang mabutas ang tiyan nito sa ginawa ng Jet.
Nakabuwelo
naman ang Gammatron ng pagkakataon at pinagsisipa ang halimaw.
Umactivate
ang communicator ng Gammatron Control Panel at nasa kabilang linya si Engr.
Gordon.
GAMMA RED: Engr. Gordon!
ENGR. GORDON: Rangers, the Doomsday Jet is now our ally! It is now called the Falcon
Blazer! And he can merge with your Gammatron!
GAMMA VIO: So the program that I installed a while ago is that?
ENGR. GORDON: Exactly, so all you have to do is push the detect Gammachine
button and as the words “Falcon Blazer online” appears, go for “Form Falcon
Gammatron!”
GAMMA BLUE: Okay subukan natin!
GAMMA RED: Alright, Detecting Falcon Blazer!
At nang
lumapit na ang Jet…
ALL: Form Falcon Gammatron!!!
At ilang
saglit pa ay nakipagsanib na ang Falcon Striker sa Gammatron, nagkaroon ng pakpak ang robot, nagmistulang lasers naman ang mga sandata ng Jet at nagigay ng bagong itsura sa helmet nito. Nabuo na ang
Falcon Gammatron.
Biglang umangat
ang Energy Levels ng Robot sa nangyaring pagsanib.
GAMMA VIO: This is great!
GAMMA YELLOW: Wowowee!!!
GAMMA GREEN: Galing!
GAMMA BLUE: Ayos!
GAMMA RED: Ngayon humanda ka Boy Butas! Let’s see kung ano ang kaya nito!
At pumwesto
ang
GAMMA RED: Heto na! Falcon Blaze Striker!!!
ALL: FIRE!!!
Pagkatama pa
lang ng Blaze Striker, sumabog na ang Macrozoid at nadurog ito ng pira-piraso.
________________________________________
UDF Gamma
Base, 14:37
JAKE: Pwede po bang pakiexplain, kung paano nangyaring ang kaninang
mapanganib na sandatang gusto nating sumabog, e biglang naging sandata pa
natin? Hndi ko talaga maintindihan!
ALICE: Pasalamat tayo kay Engr. Gordon. Siya ang lumikha ng program na
nagreformat sa system ng Doomsday Jet.
ENGR. GORDON: Well special thanks to Cadette Edwards, he is the one who
installed the program to the Jet.
SCOTT: I have no idea about that program that you made me install he he.
MALIN: Grabe akala ko matetepok na kayo sa factory kanina.
BRIAN: Ngayon, may bago nanaman tayong panlaban.
ABBY: Di ko lubos maisip na nakuha natin ang dapat ay sa AXIS.
GEN. ANGELES: Great job Rangers! At sa iyo rin Alice, and of course especially to you, Mr. Gordon. Ngayong natapos nanaman ang isang misyon, Rangers maaari na
kayong magpahinga.
ALL: Yehey!!! Salamat po!
At umalis na
ang mga Rangers papunta sa kani-kanilang mga silid.
ENGR. GORDON: General, I think I’ll go back to the lab to help Owen finish the new
Morphing Bagde.
GEN. ANGELES: Okay Mr. Gordon. Thank you very much for your help.
ENGR. GORDON: My pleasure Sir…
At lumabas
na ng Database si Gordon.
GEN. ANGELES: Paano maiwan muna kita Alice.
ALICE: Okay po Sir, imomonitor ko pa rin po ang lahat ng activities sa vicinity.
Lumabas na
din ng Database si Gen. Angeles at dumirecho sa kanyang opisina. Ilang sandali pa
ay kumuha ito ng sigarilyo at sinindi. Tiningnan ang larawan sa kanyang desk.
Larawan ito ng kanyang pamilya. Ang kanyang asawa at dalawang anak (isang lalaki
at isang babae). Matapos noon ay may mga luhang tumulo sa kanyang mga mata…….
___________________________________
AXIS Mega
Base,
Nasa
Basement si Megiddus at kausap si KO-36.
KO-36: Tila hindi ka nagtagumpay sa iyong plano.
MEGIDDUS: Napakasaklap nga naman, ang ating pinakamatinding sandata,
napasakamay pa nila. Pero hindi pa tapos....hindi pa tapos ang lahat, hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa kanila.
KO-36: Siguradong magagalit nanaman si Ganelon.
MEGIDDUS: Inaasahan ko na iyon. Ngunit mukhang ito na ang tamang oras upang ilabas ang panibagong baraha.
KO-36: At ano naman iyon?
Napatingin
ng makahulugan si Megiddus kay KO-36.
MEGIDDUS: Handa ka na ba?
Itutuloy……………..