Saturday, June 23, 2012

Mission 11: Panimula ng isang Bagong Kapangyarihan (Part 2)




Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________


Mission 11: Panimula ng isang Bagong Kapangyarihan (Part 2)

 

ALICE: Sir, dinukot si Engr. Gordon!

GEN. ANGELES: Ano?! Paano nangyari iyon, mahigpit ang Security System ng Gamma Base! Paanong may makakapasok na masamang elemento dito?

ALICE: Mukhang kaya na rin ng AXIS na i-penetrate ang security natin. Hahanapin ko po si Engr. Gordon, kelangan ko pong mahanap at mailigtas siya.

GEN. ANGELES: Hindi maaari, delikado, baka anong mangyari sa iyo! Hayaan mo na ang mga sundalo natin ang magrescue sa kanya!

Ilang saglit pa ay tumawag si Gamma Red sa Alert Signal ng Database. Kasalukuyang nanganganib ang Gammarangers dahil sa lakas ng halimaw at dahil na rin sa mababang Energy Levels ng Gammatron.

GAMMA RED: Gamma Database, do you read me?

GEN. ANGELES: Fonseca, ayos lang ba kayo?

GAMMA RED: Sir, delikado kami dito, mababa na ang lakas ng Gammatron, hindi na naming kayang makipagsabayan sa halimaw, ano na ang gagawin namin---aaaaahhh!!!! (inatake ng halimaw ang robot)

Matapos iyon ay nawala na ang signal.

GEN. ANGELES: Rangers! Rangers do you read me? Rangers!

ALICE: Hindi maaari, mukhang napuruhan na sila.

Ilang saglit humagangos na dumating si Owen.

OWEN: Sir delikado, base sa analysis ko sa Gammatron, nasa below 10% na lang ang Energy Level nila, at patuloy pa itong bumababa. Any time, pwedeng maging negative na ito!

GEN. ANGELES: Owen, wala bang backup Energy source ang Gammatron?

OWEN: Meron po Sir, ang problema, nahigop din po ito ng halimaw noong makopya nito ang kanilang mga sandata, kaya wala na rin silang mapagkunan ng lakas.

Napa-facepalm na lang si Gen. Angeles sa narinig na balita.


GEN. ANGELES: Alice, tawagin mo ang Airborne Regiment ng lahat ng Allied Forces, kailangang mapigilan ang halimaw, mukhang hindi na kaya ng Gammatron ang lakas ng halimaw.

ALICE: Pero Sir, hindi po sapat ang lakas ng Airborne Squad natin kung ikukumpara sa—

GEN. ANGELES: We have no other options! Hahayaan na lang ba natin na manira ang halimaw? Hindi tayo pwedeng umasa na lang sa Gammarangers! Kelangang kumilos din tayo, marami tayong mga sundalo! Kelangan lang natin na may umatake sa halimaw habang nagreretreat ang Rangers.

ALICE: Sige po Sir, (inactivate ang Paging System) Attention Special Airborne Forces Airborne Regiment, prepare for take-off! Destination Area 51, Sector 9, South 67 Degrees 49 Minutes East!

_____________________________________

Saksi ang lahat sa ginagawang pag-atake ni Convexoid sa walang kalaban-laban na Gammatron. Pinipilit bumangon ng robot subalit dahil mababa na ang energy levels nito ay hindi na kayang ulmaban pa nito.

GAMMA RED: Lintik, nasira ang Communication System ng Control Panel!

GAMMA VIO: Let’s try the communicator in our helmet!

GAMMA YELLOW: Wala rin, Scottie! Wala nang enough power para maactivate ito!

GAMMA BLUE: Kelangan gumawa tayo ng paraan!

GAMMA GREEN: Pati backup Energy source wala na!

Ngunit hindi nila inaasahan ang sumunod na kilos ng halimaw. Binuhat ng halimaw ang Gammatron tsaka ito pumwesto na itatapon sa mga gusali.

GAMMA VIO: Noooo!!! The civilians!

GAMMA YELLOW: Lord sana walang madamay sa mga madlang people!!!

Akmang ihahagis na ang robot nang....

BOOOMMMM!!!!

Saktong dumating ang mg Fighter Jets ng Airborne Regiment ng GAMMA, nagpakawala ito ng mga Multiple Torpedo Attack sa halimaw, dahilan upang mabitawan ang Gammatron.

RANGERS: Aaaaa……

GAMMA BLUE: Saan galing iyon?

GAMMA GREEN: Guys, may backup! Ang Airborne Squad!

GAMMA RED: Ayos! Ang mga bata ko!

GAMMA VIO: I think we should go back to base now, we still have 1% of Energy Level left, we could use that for flight.

GAMMA RED: Okay, kelangan mag-regroup tayo, tayo na! Ang Airborne na muna ang bahala.

GAMMA YELLOW: Oo nga, hinang-hina na ako…..

At lumipad ang Gammatron pabalik sa Base, habang ginagawa naman ng Airborne Squad ang lahat upang malabanan ang halimaw.
________________________________________

AXIS Megabase, 17:11

NECROMA: Masdan nyo mga kasama, masdan niyo kung paano nilampaso ni Convexoid ang Gammarangers!

BALAAM: Anong nakakatuwa diyan? E hindi nga nagawang tapusin ng halimaw mo ang robot nila.

NECROMA: Nakita mo naman siguro na umurong sila sa laban, ibig lang sabihin noon na wala na silang pag-asang manalo! Ha ha ha ha!

MEGIDDUS: Ano naman ang balita sa ating bihag?

NECROMA: Huwag kayong mag-alala maya-maya lamang ay dadalhin ko siya dito! Upang tayo naman ang pagsilbihan niya!

DYMARO: Yung doktor ay nakuha mo, bakit hindi mo nakuha ang Pyrronium?

NECROMA: Tama na tanong! Huwag niyo akong pakikialaman sa diskarte ko!

GANELON: Pabayaan niyo munang makabawi si Necroma sa mga pagkakamali niya. Sa palagay ko ay may mas magandang balak siya.

NECROMA: Habang patuloy ang pananalasa ni Convexoid, babalik muna ako sa pinagkukulungan ng aking bihag, sa ngayon ay binabantayan siya ng aking mga Omnicrons. Maya-maya lang ay ibabalik ko siya sa normal na laki upang samahan ako. Bukas ay ibang lugar naman ang kanyang sisirain ha ha ha ha…..
___________________________________

UDF Gamma Base, 17:45

Nakabalik na ang Gammatron sa Base. Pumasok sa Database ang limang Rangers na pawang sugatan at pagod na pagod.

GEN. ANGELES: Rangers!

OWEN: Naku, okay lang ba kayo?

JAKE: (humihingal) (Ha…ha….) Sir, ginawa na naming ang lahat……pero……wala….pa rin…..

ABBY: Totoo nga…(ha…ha….) Nalamangan na nila tayo…..

GEN. ANGELES: Ang mabuti pa magpagamot kayo sa Med Center. Kelangan kayong makarecover agad, sa ngayon hindi kinaya ng Airborne Squad ang halimaw. Umalis na ang halimaw, pero napakalaki ng pinsala nito.

Agad nabaling ang atensyon nila sa TV Screen na nasa Database.

“….nang isang higanteng halimaw ang biglang nanalasa sa Lungsod ng Makati. Libu-libong sibilyan sa lungsod ang nasawi nang dahil sa pangyayari. Nilabanan kanina ng pwersa ng UDF GAMMA na kilala sa tawag na Gammarangers ang nasabing halimaw, subalit hindi nito nagawang matalo ito. Posibleng babalik ulit ang halimaw upang manalasa naman sa iba pang lugar. Piang-iingat ang lahat at pinalilikas para sa inyong kaligtasan.”

MALIN: Nagiguilty nako…..sana walang namatay kung natalo natin ang halimaw…

SCOTT: Malin, there are always innocent victims in a battle…..it’s not our fault.

GEN. ANGELES: Owen, ikaw muna ang bahala sa repair at recharge ng mga Gammachines.

OWEN: Opo Sir.

GEN. ANGELES: Rangers, magpagamot muna kayo.

BRIAN: Sir, nasaan nga pala si Ms. Alice?

GEN. ANGELES: Oo nga, Owen, nasaan si Alice?

OWEN: Sir….

GEN. ANGELES: Magsalita ka, nasaan siya?

OWEN: Sir, nangako po ako na hindi ko sasabihin---

GEN. ANGELES: Sumagot ka!

OWEN: (nag-isip muna) Sir, umalis po, hahanapin daw po si Engr. Gordon upang iligtas siya.

GEN. ANGELES: Ano?!
______________________________________

Sa kahabaan ng NLEX ay sakay ng kotse si Alice at may dalang Tracking Device. Sa device na ito, nadetect niya ang kinaroroonan ni Engr. Gordon.

ALICE: (sa sarili) Engr. Gordon, malapit na po ako, ililigtas ko kayo.

Biglang tumunog ang communicator ni Alice, si Gen. Angeles ang nasa kabilang linya.

GEN. ANGELES: Alice, do you read me? Nasaan ka na?

ALICE: (naku, kumanta na ata si Owen) Yes Sir I read you…

GEN. ANGELES: Bakit hindi mo sinabi sa amin na hahanapin mo si Engr. Gordon!

ALICE: (sabi na nga ba e) Sir, sorry po kung hindi ko sinabi sa inyo.

 GEN. ANGELES: Delikado ang ginagawa mo Alice.


ALICE: Magtiwala po kayo sa akin, Sir.


Napaisip si Gen. Angeles.

GEN. ANGELES: Bweno, sige tutal nandyan ka na. Mag-iingat ka. For safety purposes, padadalhan kita ng Army Support upang iligtas ka at si Engr. Gordon.

ALICE: Sige po, maraming salamat. May dala po akong weapons for self-defense, wag po kayong mag-alala.
______________________________________

Porac, Pampanga, 18:29

Nakarating si Alice sa isang malawak na quarry site. Bumaba siya ng kotse at inactivate ulit ang Tracking GPS Device.

ALICE: Based sa readings ng aking Tracking GPS Device, dito dinala si Engr. Gordon. Hmmm…saan kaya dito?

Nirefresh ni Alice ang tracking device at ininput ulit ang pangalan ni Gordon. Biglang tumunog ang Signal nito.

ALICE: Ayun, sa isang kweba!

Naglakad palapit si Alice papunta sa kweba, nang biglang…

BAAAAAA!!!!!

ALICE: Eeeeeeeeee!!!!!!

Biglang lumitaw sa harapan ni Alice ang isang Omnicron. At paglingon niya ay bigla siyang napaligiran ng mga ito.

ALICE: Mukhang bantay-sarado si Mr. Gordon a! Sabi na nga ba’t kayo dumukot sa kanya!

Unti-unting napalibutan si Alice ng maraming Omnicrons.

ALICE: Buti na lang may alam ako kahit papano sa Shotokan*!

(*Ang Shotokan ay isang uri ng martial arts na erivative ng Karate)

Bigla siyang sinugod ng mga robotic soldiers. Binitawan muna ni Alice ang kanyang Gadgets at lumaban. Nakipagsabayan siya sa mga ito, gamit ang kanyang nalalaman sa Shotokan. Buong husay na nilabanan niya ang mga ito, nakakagulat na may kakayahan palang lumaban ang babaeng palaging nakakulong sa Database ng GAMMA.

Nang barilin siya ng mga Omnicrons, nagpagulong siya at saka binunot ang kanyang Laser Pistol, sabay baril sa mga nakahilerang kalaban.

ALICE: Ano laban pa?

Sumugod ang kakaunting mga Omnicrons sa babae, nakakita ng tuyong sanga si Alice at ginawa niya itong espada. Isa-isang pinatumba ni Alice ang mga ito. Nakakita pa siya ng isa pang Omnicron, hinagis niya ang sanga at tinarak ito sa kalaban. Sumugod pa ang isa sa likod ngunit agad namang binaril ni Alice ito ng mabilis.

ALICE: Hayst, napagod ako dun a. Tagal din akong hindi nagso-Shotokan.

Pinulot ni Alice ang GPS Device niya at pumunta sa kweba na kinalalagyan ni Engr. Gordon. Hindi pa nakakapasok si Alice sa kweba, may sumalubong nanamang dalawang bantay na Omnicrons sa kanya na kanyang nilabanan. Nang mapatumba niya ang mga ito, agad sinindi ni Alice ang LED Flashlight upang hanapin ang nawawalang lalaki.

Nabuhayan ng loob si Alice ng may marinig siyang tunog ng umuungol na lalaki na tila nakasumpal ang bibig.

ALICE: (mukhang siya na iyon!) Engr. Gordon! Is that you?!

“Hmmmmmppp!”

Sinundan ni Alice ang pinanggalingan ng tunog, at nang matapat ang LED Flashlight dito, nakita niya ang kanyang pakay!



ALICE: Engr. Gordon!

Nakita niya ito na nakatali ng kadena at may tape sa bibig.

ALICE: Sir, don’t worry, I’m here to rescue you!

Kinalag ni Alice ang mga kadena gamit ang Laser Pistol, at tinanggal na rin ang piring sa bibig.

ENGR. GORDON: (humihingal) How did you find me?

ALICE: No more questions Sir, we gotta get out of here!

ENGR. GORDON: Well thank you!

Paalis na ang dalawa palabas ng kweba nang…..

“SAAN KAYO PUPUNTA?!”

Nagulat ang dalawa nang mag bumulaga sa dinadaanan nila.

ALICE: Necroma!

______________________________Commercial Break___________________________

NECROMA: Magaling ka rin, babae! Nakaya mong talunin ang lahat ng Omnicrons na bantay sa kwebang ito?

ALICE: Wala ka ng pakialam doon! At alam kong may balak kayo kay Engr. Gordon at sa Pyrronium!

NECROMA: Ibigay niyo sa amin ang Pyrronium!

ALICE: Ayaw namin!

Biglang nagpakawala ng Death Laser mula sa mata si Necroma, nadaplisan sa braso si Alice nang umilag kasama si Gordon.

ALICE: Aaaaahhhh!!!! (napahandusay sa sakit)

ENGR. GORDON: Ms. Alice!

Agad naglabas ng Death Whip si Necroma at hinablot si Engr. Gordon palapit sa kanya. Bihag ulit ni Necroma ang lalaki.

NECROMA: Sabihin mo sa akin ung nasaan ang Pyrronium! Kung ayaw mong tapusin ko ang lalaking ito!

Pinipilit tumayo ni Alice.

ENGR. GORDON: Alice, don’t listen to her! Don’t give her the element! Don’t mind me! You gotta get out of here!

ALICE: Pakawalan mo siya! Sige sasabihin ko sa iyo kung nasaan, wag mong papatayin si Engr. Gordon!

ENGR. GORDON: Alice, no! Don’t surrender the Pyrronium!

NECROMA: (nilapitan si Alice) Sige nga babae. Sabihin mo nga kung nasaan?

ENGR. GORDON: Alice, no!

ALICE: I’m sorry Sir. I think we can make another one if ever they got one.

PAK!!! Sinampal ni Necroma si Alice.

NECROMA: Ang dami mong cheche bureche! Sabihin mo na!!!

Sasabihin na sana ni Alice, nang…..

BOOOOOMMM!!!

NECROMA: Ano iyon?

Nagulat sila nang biglang dumating sa loob ng kweba ang mga sundalong ipinadala ni Gen. Angeles.

SUNDALO 1: Hoy AXIS! Napapaligiran ka namin! Isang kilos mo lang yari ka!

ALICE: Mga kasama!

NECROMA: Mga pangahas! Subukan niyo akong saktan, patay ang lalaking ito!!!

Balot pa rin sa takot ang engineer, habang nakapwesto ap rin ang mga sundalo habang tinututukan si Necroma.

Sinamantala ni Alice ang pagkakataon, pinulot niya ang kanyang Laser Pistol at binaril si Necroma mula sa likod.

NECROMA: Aaaaaarrrggghhh!!!!!

Nabitawan ni Necroma si Engr. Gordon, dahilan upang tumakbo ito papunta sa mga sundalo.

ALICE: Mga kasama, umalis na kayo! Isama nyo agad si Engr. Gordon sa Gamma Base!

SUNDALO 1: Pero Ms. Alice, paano ka? Sumama ka na! Kami na ang bahala sa babaeng yan!

ALICE: Ako na ang bahala dito, wag niyo akong intindihin!

ENGR. GORDON: Ms. Alice!

ALICE: Pakiusap, ako na bahala dito!

Ngunit agad nagpakawala ng Death Laser si Necroma sa mga sundalo, na ikinasaktan ng mga ito.

ALICE: Hindi!!!

NECROMA: Papatayin ko kayong lahat!

Bumaril ulit si Alice ng Laser Pistol kay Necroma.

ALICE: Umalis na kayo dito! Bilis! Ako na bahala sa babaeng ito!

SUNDALO 1: (nag-aalangan) Si-sige, mag-iingat ka Ms. Alice!

Umalis agad ang mga sundalo kasama si Engr. Gordon.

NECROMA: Putragis na babae ka! Magbabayad ka sa ginawa mo sa likod ko!!!

Nagpakawala ulit ng Death Laser si Necroma, na agad naiwasan ni Alice.

NECROMA: Convexoid, ikaw na tumapos sa kanya!

Biglang lumitaw si Convexoid sa loob ng kweba. Ikinagulat ito ni Alice. Tinutukan naman niya ng Laser Pistol ang halimaw.

NECROMA: Ha ha ha ha! Boba! Gagayahin lang ni Convexoid yang sandata mo!

Nag-aalangan na si Alice sa lagay niya. Naisip niya na labanan ng mano-mano ang halimaw, subalit sa laki nito, wala siyang laban.

NECROMA: Ano pa hinihintay mo, Biyernes Santo? Tapusin mo na yan!!!

Susugod na si Convexoid kay Alice, subalit agad nakalusot si Alice sa paanan ng halimaw. Pilit iniiwasan ni Alice ang atake ng halimaw. Ngunit nakorner ng halimaw ang babae. Kinakabahan na si Alice.

NECROMA: Ha ha ha ha, wala ka ng kawala! Ihahanda ko lang sandali ang libingan mo dito, ha ha ha ha!!!!

Subalit….

BAAAAAAAMMMMMM!!!!!

Natamaan ang halimaw sa tagiliran ng isang malakas na pasabog.

NECROMA: Anong--?

ALICE: Huh?

Nagulat sila sa mga bagong dating….

GAMMA RED: Pambihira ka Alice, anong ginagawa mo dito?

ALICE: Rangers!!!

GAMMA BLUE: Medyo nanghihina pa kami, pero kelangan iligtas ka namin.

GAMMA GREEN: Nakabalik na sa Base sina Mr. Gordon kaya okay na ang lahat.

GAMMA YELLOW: Teka, bakit lumiit ulit ang halimaw? Di ba jumbogels yan kanina?

GAMMA VIO: No more blabbing, Rangers. Let’ finish this off!

NECROMA: Ang kukulit nyo rin ano? Hindi nyo kayang tapusin si Convexoid! Convexoid, ikaw na bahala sa mga Gammarangers!!!

Sumugod si Convexoid sa limang Rangers, akmang tatakas na si Alice palabas ng kweba, nang harangin siya ni Necroma.

NECROMA: Hindi ka pa nakakabayad sa pagsira mo sa likod ko!

Hindi makaimik si Alice, waring iniisip kung paano makakatakas.

Subalit…..

NECROMA: Aaaaaarrrggghhh….

Tinamaan ng G-Launcher si Necroma.

GAMMA BLUE: Ms. Alice, tumakas ka na!

ALICE: Sige salamat Brian!

Nakalabas ng kweba si Alice. Hahabulin sana siya ni Necroma.

GAMMA BLUE: Ako harapin mo bruha!

Napilitang labanan ni Necroma si Gamma Blue, habang abala naman ang ibang Rangers kay Convexoid. Dahil baka magaya ulit ng halimaw ang kanilang sandata, napilitan ang mga Rangers na labanan siya ng mano-mano.
_______________________________________

Nasa labas na ng kweba si Alice at sasakay na ng kanyang kotse. Chineck muna ang gamit na nasa trunk nito. May nakita siyang mga pira-pirasong Pyrronium nang dalhin nila ang elemento sa Base. Kasinlaki ang mga ito ng mansanas.

ALICE: Pyrronim Crystals?

Inipon ito ni Alice at sumakay na sa kotse. Tumingin siya sa side mirror upang tingnan ang nangyari sa kanyang mukha matapos ang laban. Ngunit tila may biglang pumasok sa isip niya.

ALICE: Tama! Alam ko na!!!
_______________________________________

Hirap na hirap ang limang Rangers sa mano-manong laban. Napahiga na lang sila na pagod na pagod. Dahil nasa recovery pa sila, mabilis sila maubusan ng lakas.

NECROMA: Ha ha ha ha. Wala pala e! Nung malaki pa si Convexoid, di nyo na kaya, ngayon pa kaya na maliit lang siya? Mukhang ito na ang katapusan niyo, Gammarangers!

“Sa palagay ko hindi pa!”

Napalingon ang lahat sa boses ng dumating na nilalang.

NECROMA: Huh?

GAMMA BLUE: Alice?! Bakit nandito ka pa?

GAMA RED: Umalis ka na!

ALICE: Kung inaakala mo na panalo na kayo, hah, mag-isip ka muna! Baka yang kakayahan ng halimaw mo ang siyang magpapatalo sa inyo!

NECROMA: Puro ka putak! Convexoid isama mo na nga yang kumag na babaeng yan!

Akmang itinaas ni Alice ang kanyang Laser Pistol paharap sa halimaw.

GAMMA GREEN: Ms. Alice, wag! Gagayahin lang niya yan!

GAMMA YELLOW: Ate Alice, wag mo na ituloy!

ALICE: Magtiwala kayo sa’kin Rangers.

Nang itutok na ni Alice ang kanyang Laser Pistol, kumislap na ang Body Mirror ni Convexoid, at nagaya na niya ang Laser Pistol ni Alice.

NECROMA: Ha ha ha, sabi na nga ba e, gagayahin lang niya yan!

ALICE: Yan ang akala mo!

Nang tumira na ng Laser si Convexoid, biglang inilabas ni Alice ang piraso ng Pyrronium at siyang ipinantapat sa Laser Blast. Nang tamaan ng Laser Blast ang Pyrronium, biglang bumalik sa halimaw ang Laser Blast, tinamaan ang halimaw at nagkaroon ng malaking pagsabog.

BOOOOOMMM!!!!!

Nang humupa ang pagsabog, naita na lang si Convexoid na sira-sira na at hinang-hina.

NECROMA: Ano?! Convexoid!!!

GAMMA VIO: What the----
GAMMA YELLOW: Anyare?
GAMMA GREEN: Paanong---?
GAMMA BLUE: Ms. Alice?
GAMMA RED: Nadale mo Alice!

Agad lumapit ang Rangers kay Alice.

GAMMA GREEN: Hindi ko maintindihan, paano mo nagawa iyon?

ALICE: Simple lang. Kanina sa Expo, base sa explanation ni Engr. Gordon, ang Pyrronium ay may Reflective at Refractive Properties na kayang ibalik ang enerhiya sa pinanggalingan nito, at ang ibinabalik nito ay 10x pa ang lakas kesa sa original na lakas ng source. Kaya ang bumalik na Blast sa halmaw ay 10x ng lakas ng Laser Pistol.

GAMMA RED: Hindi ko ata narinig iyon ah.

ALICE: E kasi hindi ka nakikinig!

GAMMA BLUE: Galing ah! Ilib na talaga ako sa iyo, Ms. Alice!

ALICE: Hoy Necroma, paano yan, talo ka nanaman! Maaaring mas advanced nga ang technology ninyo, pero mas madiskarte kami kesa sa inyo!

NECROMA: Mga hayop kayo!!! Convexoid, bumangon ka diyan!

Unti-unting bumabangon si Convexoid.

Halos hindi pa nakakabawi ang halimaw, ay sumugod na sina Gamma Green at Gamma Yellow gamit ang kanilang mga Daggers. Tinaga nila ang Body Mirror nito na nabasag naman ng pira-piraso.

Sumunod na umatake sina Gamma Blue at Gamma Vio gamit din ang Dagger, tinaga nila sa kamay ang halimaw.

Ang panghuling sumugod si Gamma Red, lumundag ito at tinaga ang ulo ng halimaw. Halos wasak na wasak na ang halimaw.

ALICE: Rangers, kargahan niyo ng Pyrronium Crystal ang inyong mga G-Firearms!

GAMMA RED: Okay sige!

Kumuha pa ng mas maliit na piraso ng Pyrronium ang limang rangers at inilagay sa Energy Case ng G-Firearms.

GAMMA GREEN: Guys, lumakas nga ng 10x ang G-Booster ko sabi ng analysis sa helmet ko.

GAMMA RED: Okay guys, G-Firearms….Full Power!!! Ready…Aim….

ALL: Fire!!!!!

At mas malaking Laser Ball ang pinakawalan ng Gammarangers, pagkatama nito sa halimaw….

BOOOOOOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!

Lasug-lasog na ang halimaw.

NECROMA: Gggrrrrr……akin na yaann!!!!

Akmang aagawin ni Necroma ang natitirang Pyrronium kay Alice, ngunit hinarang siya ni Gamma Blue.

GAMMA BLUE: Ano hihirit ka pa?

Napaligiran ng lima si Necroma, akmang titirahin din siya ng G-Firearms….

NECROMA: Babawi ako!!! Gaganti ako sa kahihiyang ito!!!

At biglang nagteleport si Necroma at nawala.

GAMMA RED: Grabe, anlakas pala ng Pyrronium na ‘to!

GAMMA YELLOW: Oo nga, owver!

GAMMA BLUE: Ms. Alice, sa araw na ito, ikaw ang bayani!

ALICE: Naku, mabuti pa bumalik na tayo sa Base. Hinahanap na tayo ni Gen. Angeles.

Biglang tumunog ang communicator ni Alice.

ALICE: Speaking….(inactivate ang communicator) Hello Sir.

GEN. ANGELES: Alice, ano na balita?

ALICE: Okay na po Sir.

GEN. ANGELES: Good. Ngayong nandito na si Engr. Gordon, bumalik na kayo sa Base at magpahinga. Mukhang napalaban ka diyan.

ALICE: Okay Sir.

Nagpower down na ang mga Rangers.

ALICE: Paano, bumalik na tayo.

JAKE: Yabang mo ha, porke’t ikaw ang nagpapanalo sa atin.

MALIN: Uy Ate, magblowout ka naman!

ALL: Blowout! Blowout! Blowout! Blowout!

ALICE: Sige magpapadeliver ako ng pizza mamaya!

ALL: Yeah!!! Yehey!!!

At masayang umalis na ang Rangers.
___________________________________

Sa isang silid sa AXIS Mega Base….

Hindi pa rin matanggap ni Necroma ang sinapit na kabiguan. Hinahaplos ang natamong pinsala sa katawan.

NECROMA: Hindi ko matatanggap ang nangyaring ito. Magagalit nanaman si Panginoong Ganelon dito.

Nakita siya ni Megiddus.

MEGIDDUS: Tila hindi ka nanaman nagtagumpay Necroma.

NECROMA: E ano ngayon?

 MEGIDDUS: Mukhang natatakot ka sa pwedeng gawin ni Panginoong Ganelon.


NECROMA: Pakialam mo sa kabiguan ko.

MEGIDDUS: Hmmm pwede kitang tulungan.

NECROMA: Hmmm….

MEGIDDUS: Sa palagay ko ay oras na para gamitin ko ang aking bagong recruit.

NECROMA: Hah, at ano naman ang magagawa ng nilalang na iyan?

MEGIDDUS: Sumama ka sa akin. Siya ang aking lihim na kawal, kasama ko siya sa pagsakop ng iba't-iang bansa sa Asya. Hindi ko siya ipinapakilala sa lahat. Nirereserba ko siya bilang ating secret weapon kung sakaling hindi pa rin magtagumpay ang inyong kampanya.

At pumunta sila sa isang lihim na silid sa ilalim ng AXIS Base. Madilim ang silid na ito. Doon nila nakita ang anino ng isang lalaking nagwo-workout.

MEGIDDUS: Necroma, ipinakikilala ko sa iyo, si KO-36. Siya ang tutulong sa atin.

Papalapit ang nilalang, at nang lumapit sa may liwanag, bumungad sa kanila ang anyo ng lalaki.


Itutuloy…….




















No comments:

Post a Comment