Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
Sa isang
Construction Site….
ENGINEER: Foreman, hanggang kelan mo matatapos ang second floor? Delay na
tayo ng 3 days. Yung mga poste schedule ng buhos bukas, kulang pa rin sa
pormas.
FOREMAN: Sir, magoovertime po kami mamaya, tatapusin po namin ang mga yan
para makahabol sa schedule.
ENGINEER: Siguraduhn nyo lang, kelangan bukas makahabol tayo.
FOREMAN: Opo.
Nang
biglang……
“AAAAAAAAAAHHHH…..”
ENGINEER: Ano yon?
FOREMAN: Huh?
Tumakbo ang dalawa
upang alamin ang pinanggalingan ng sigaw. Nakita nila ang mga trabahador na
kumakaripas ng takbo. Nagulantang ang dalawa nang makita nila ang isang
trabahador nila na naging kalawang.
ENGINEER: Diyos ko!
FOREMAN: Naging kalawang?!
At hindi
lang ang taong iyon ang naging kalawang, pati sa kahabaan ng kalyeng iyon,
naging kalawang ang mga tao.
Sa isang
kanto kung saan nagpulasan ang mga tao, isang nakakatakot na halimaw ang
biglang sumulpot, isang Terrozoid na naglalabas ng maraming tusok, at sinuman
ang tamaan ng kanyang mga tusok ay magiging kalawang.
Patuloy ang
pananalasa ng halimaw na ito. Lahat ng makita nyang tao ay tatamaan nya ng
kanyang mga tusok at magiging kalawang.
Gamma Base,
8:37
“Breaking News….isang nakakatakot na halimaw ang kasalukuyang
naghahasik ng lagim sa may kahabaan ng Olongapo-Gapan Road sa may Lungsod ng
San Fernando sa Pampanga. Ang halimaw na ito ay naglalabas ng mga kakaibang
talim at ang sinumang tamaan nito ay magigng kalawang. Kumikilos na po ang mga
awtoridad upang pigilan ang nasabing halimaw, habang sinusugod na po sa ospital
ang lahat ng tinamaan ng halimaw na ito.”
JAKE: Halimaw na ginagawang kalawang ang mga tao?
BRIAN: Panigurado, AXIS nanaman ang may pakana niyan.
GEN. ANGELES: Mukhang gagawin talaga ng AXIS ang lahat para pahirapan ang mga
tao at sumuko sa kanila. Fonseca, Tavarez, Edwards, at ikaw na rin Ong, hanapin
ninyo ang location ng halimaw.
JAKE: Roger Sir!
GEN. ANGELES: De Leon, maiwan ka dito at tulungan kaming humanap ng antidote
para matanggal ang kalawang sa mga tinamaan ng halimaw.
ABBY: Okay Sir.
JAKE: Guys, let’s rock n’ roll!
BRIAN, SCOTT, MALIN: Okay!
ALICE: Abby, doon tayo sa lab.
ABBY: Okay Ms. Alice.
_________________________________
AXIS
Megabase, 9:01
BALAAM: Kalawang?
CALYX: Tama, ang halimaw na aking nilikha si Porcuzoid, at may
kakayahang gawing kalawang ang lahat ng matamaan ng kanyang Rust Spikes. At
kapag hindi agad nalunasan sa loob ng dalawang oras, unti-unting malulusaw ang
katawan nito. Sa ganitong paraan, madali nating maexterminate ang lahat ng tao
at mas madali na ang pagsakop natin!
MEGIDDUS: Napakagaling na pamamaraan, Calyx. Pero ano nga ba ang lunas sa
pagtanggal ng kalawang sa katawan?
DYMARO: Kalokohan! Ibabalewala lamang ni Panginoong Ganelon iyan!
NECROMA: Paniguradong palpak iyan!
CALYX: Minamaliit niyo ba ang kakayahan ni Porcuzoid? Ang lunas na
inyong tinatanong ay hawak niya, kaya walang pag-asang gumaling ang mga
tinamaan ng kalawang, ha ha ha ha!
“Magaling
kung ganon!”
Yumukod ang
lahat sa pagpasok ni Ganelon.
GANELON: Napakagaling ng iyong naisip, Calyx. Isang simple ngunit mabisang
pamamaraan ng pagpatay sa mga tao!
CALYX: Makakaasa po kayong tatapusin ni Porcuzoid ang Gammarangers upang
wala nang hahadlang sa pagsakop natin!
Nagbubulungan
naman sina Balaam, Necroma at Dymaro.
_________________________________
Gamma Lab,
9:16
ABBY: Ms. Alice, base sa analysis na aking nakuha, ang talim ng halimaw
ay nagtataglay ng iron oxides. Madaling kumalat ang kalawang sa katawan dahil
70% ng katawan ng tao ay tubig.
ALICE: Wala akong makitang antidote na panlaban sa kalawang. Imposibleng
walang lunas dito.
ABBY: Subukan mo kaya ulit ianalyze ang halimaw mismo.
ALICE: Sige. (inanalyze ulit ang halimaw, at dito may nadiskubre si
Alice)
Nakita ko na
ang antidote! Ito ay hawak mismo ng halimaw!
ABBY: Ano? Kelangan palang makuha sa halimaw ang antidote!
ALICE: Pero ayon sa research ko, sa loob lamang ng dalawang oras, kapag
hindi nabigyan ng antidote ang biktima, malulusaw ang katawan niya!
Tila
natigilan si Abby. Pinagmasdan ulit ang halimaw sa monitor. Tila napako ang
tingin niya dito. Nag-iba ang aura niya na tila nagbago ang takbo ng kanyang
isip. Parang may kung anong pumasok sa kanya. Biglang sumakit ang kanyang ulo.
ABBY: Aaaaaaaa.......(napahawak sa ulo sabay yuko sa mesa)
Ipinagtaka naman ito ni Alice.
ABBY: Aaaaaaaa.......(napahawak sa ulo sabay yuko sa mesa)
Ipinagtaka naman ito ni Alice.
ALICE: Abby, may problema ba?
Ilang saglit at kusang tumayo si Abby. Bigla na
lang umalis ito nang hindi nagsasalita.
ALICE: Abby saan ka pupunta? Abby!
Pagpasok ni
Owen sa Lab…
OWEN: Huh? Ano nangyari dun?
ALICE: Ewan, pagtingin lang sa halimaw, biglang sumait ang kanyang ulo, parang sinaniban siya ng kung
ano.
Hinabol ni
Owen si Abby.
_________________________________
Sa battle
site…..9:15
“Aaaaaarrrrggghhhh….”
Tumilapon
ang apat na Rangers sa atake ni Porcuzoid. Malakas ang kalaban dahil sa taglay
na talim sa katawan nito, nahihirapan
silang lumapit.
GAMMA YELLOW: Sana nandito si Ate Abby!
GAMMA BLUE: Pero kelangang mahanapan ng antidote ang kalawang!
GAMMA RED: Delikado tayo, matatalim ang mga tusok niya!
GAMMA VIO: Here he comes again----
Umilag ang
apat sa pagragasa ni Porcuzoid. Pagkagulong sa daan….
GAMMA BLUE: G-Launcher!
Umilag ang
halimaw at gumanti ng Rust Spikes sa Ranger, tinamaan si Gamma Blue ng talim at
naging kalawang ito. Bumalik sa human form ito.
BRIAN: Aaaaaaaaaaaa!!!! (nagpagulong-gulong sa sobrang sakit)
GAMMA YELLOW: Kuya Brian!
GAMMA VIO: He’s been hit!
Sumunod na
sumugo si Gamma Red.
GAMMA RED: Napakawalang hiya mo, Boy Toothpick! Gamma Dagger!
Paglundag ni
Gamma Red, sabay buga rin ang halimaw ng Rust Spikes, pagkatama kay Gamma Red
ay bumali ito sa human form at naging kalawang din.
GAMMA VIO: This is not good!
“Ha ha ha ha
ha!”
GAMMA YELLOW: Huh? Sino yun?
Lumingon ang
dalawa sa kinaroroonan ng tinig, at nakita nila si Calyx na nasa itaas ng isang
warehouse.
GAMMA VIO: Who are you?
GAMMA YELLOW: Ngayon ko lang nakita ang babaeng yan!
CALYX: Ha ha ha ha, hindi pala kayo malakas gaya ng aking inaasahan! (lumapag
ito sa sahig) Ako si Calyx! Ang bagong magbiigay sa inyo ng sakit ng ulo! At si
Porcuzoid ang gagawa nun para sa akin! Porcuzoid, gawin mo silang mga kalawang!
Agad sumugod ang halimaw sa dalawa, nang……
“Sandali
lang!”
Lumingon ang
lahat sa dumating na nilalang….
GAMMA YELLOW: Ate Abby! Buti dumating ka!
GAMMA VIO: Wow, nice entrance!
Subalit tila
hindi nakinig si Abby.
ABBY: Kung iniisip ninyong dalawa na tutulungan ko kayo, nagkakamali
kayo! Nandito ako upang tulungan ang halimaw!
GAMMA YELLOW: Hah? Ano pinagsasasabi mo Ate?
GAMMA VIO: We’re in trouble and we need you here! Are you on drugs?
CALYX: Hmmmm....?
CALYX: Hmmmm....?
ABBY: Porcuzoid, tapusin mo na sila!
Sumugod ang
halimaw kina Gamma Vio at Gamma Yellow. Gulung-gulo ang dalawa sa inasal ng
kanilang kasama. Lumaban pa rin ang dalawang Rangers subalit tumilapon sa lakas
ng halimaw. Pagkabagsak nila, nagpakawala ulit ng Rust Spine si Porcuzoid,
target niya si Gamma Yellow, subalit humarang si Gamma Vio at siya ang
tinamaan.
GAMMA YELLOW: Scott! Oh my God, Scott!
SCOTT: Uuugggghhh……
Unti-unting
lumapit ang halimaw kasama si Abby.
GAMMA YELLOW: Ate Abby…..bakit? Anong nagyayari sa iyo? Bakit ka nagtatraydor
sa amin?
ABBY: Wala ka nang pakialam! Hindi
magtatagal at lahat ng tao ay magiging kalawang, ha ha ha ha!
Sa sobrang
galit ay binunot ni Gamma Yellow ang G-Smasher.
GAMMA YELLOW: Yaaaaaaaahhhhh!!!!!
Pinagbabaril
niya ng pinagbabaril ang halimaw at natumba ito ng konti. Matapos ito ay
itinutok ni Gamma Yellow ang sandata kay Abby.
GAMMA YELLOW: (umiiyak) Hindi ko alam kung anong nakain mo or kung ano sumanib
sa iyo? Pero bakit mo ginagawa sa amin ito? Idol pa naman kita, pero isa ka
palang ahas! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanila!
Natigilan si
Abby.
Ipuputok na
sana ni Gamma Yellow ang G-Smasher, subalit nagpaputok ulit si Porcuzoid, dahilan
upang umilag si Gamma Yellow.
CALYX: (lumapit kay Abby) Hmmmm tila may bago akong kasangga....ha ha ha.
ABBY: Handa na akong sumama sa inyo, Calyx. Ngayon ay ang AXIS na ang aking pagsisilbihan.
CALYX: (lumingon kay Gamma Yellow) So paano, hindi ka muna namin tatapusin, dahil paghahandaan namin ang mas masaklap na katapusan para sa iyo! Ha ha ha tayo na!
Ilang saglit pa ay umalis na ang tatlo.

Tumunog ang
communicator ni Gamma Yellow…
“Rangers,
return to base at once….”
GAMMA YELLOW: (garalgal ang boses) Yes Sir……
_________________________________
AXIS
Megabase, 9:30……..
Bumalik na sina Calyx sa Base.
CALYX: Nandito na ako! Ha ha ha ha nakita niyo iyon? Nakita niyo kung paano naging
kalawang ang Gammarangers?
MEGIDDUS: Napakagaling Calyx, pinapahanga mo ako!
CORVUS: Hi hi hi, idol talaga kita Calyx, hihihi….
CALYX: Siyanga pala, may bago tayong bisita!
Nagulat ang
lahat pagkakita sa nilalang mula sa dilim........si Abby….
BALAAM: Isang Gammaranger?!
DYMARO: Anong ginagawa mo dito?
Akmang
susugod na ang mga AXIS Generals kay Abby, nang…..
“Sandali
lang!”
Lumabas si
Ganelon at nilapitan si Abby.
GANELON: Hanga ako sa lakas at tapang na ipinakita niyo laban sa amin,
Gammaranger. Subalit maaari ko bang malaman kung ano ang pakay mo at sumama ka
kay Porcuzoid?
ABBY: Kayo pala ang dakilang si Ganelon. Ang siyang sumakop sa halos
lahat ng bansa sa daigdig. Nandito po ako upang paglingkuran kayo. Tinalikuran
ko na po ang pagiging Gammaranger upang suportahan ang inyong pagsakop. Maaari
ko pong sabihin sa inyo ang lahat ng tungkol sa aming himpilan.
Tila duda
naman sina Balaam at Necroma sa biglang pagdatng ni Abby sa kanilang himpilan.
NECROMA: Hindi maganda ang kutob ko dito.
BALAAM: Ako rin.
CALYX: Hmmmm…..
CORVUS: Ang cute naman niya…hihihi----araykupo! (sinapok siya ni Megiddus)
Kita ni Ganelon ang sinseridad sa mga mata ni Abby.
GANELON: Kung ganon, sige tinatanggap ko ang iyong alok na tulong, malaki ang maiaambag mo sa pagtalo sa Gammarangers gamit ang iyong mga nalalaman tungkol sa inyong himpilan!
GANELON: Kung ganon, sige tinatanggap ko ang iyong alok na tulong, malaki ang maiaambag mo sa pagtalo sa Gammarangers gamit ang iyong mga nalalaman tungkol sa inyong himpilan!
ABBY: Makakaasa po kayo!
Pagkuwa’y
umalis ulit sina Porcuzoid at Abby. Pag-alis ng dalawa.
MEGIDDUS: Panginoon, tila ba ang dali nyong magtiwala sa kanya.
GANELON: Ano ako hilo? Sa palagay ninyo ay basta ko pagkakatiwalaan ang
isang nilalang na kagaya niya? Lalo na’t galing sa kaaway? Manmanan nyo siyang
mabuti! At ikaw Calyx ang gagawa non!
CALYX: Masusunod Kamahalan!
_________________________________
Gamma
Medical Center, Emergency Room…..9:44
Kasalukuyang
ginagamot sina Jake, Brian at Scott sa E.R. nandoon si Malin at ang Doctor.
MALIN: Doc, musta na po ang mga kasama ko?
DOCTOR: Miss Ong, to tell you the truth, walang kasiguraduhan ang life
chances ng iyong mga kasama. Wala pa akong nakikitang lunas sa natamo nilang
kalawang sa katawan. Malabong mabuhay pa sila within two hours.
MALIN: (umiiyak) Doc, gawin nyo po lahat, para mabuhay sila!
DOCTOR: Hindi ko maipapangako, pero we will do our best to help them. Sa
ngayon, only prayers will do.
_________________________________
Gamma
Database, 9:50
GEN. ANGELES: Alice, musta na ang mga Rangers?
ALICE: Nandoon po si Cadet Ong para alamin ang kalagayan nila. Sa ngayon
mukhang malabong gumaling ang mga Rangers hangga’t hindi nakukuha ang antidote
mla sa halimaw.
Ilang saglit
pa ay pumasok na si Malin…
GEN. ANGELES: Cadet Ong, please report.
Hindi
umiimik si Malin.
GEN. ANGELES: Bingi ka ba? Magsalita ka!
MALIN: Napakawalang hiya niya! Paano niyang magagawa sa atin ito!
Tinraydor niya tayo! Nasa panganib na kami, pero siya, imbes na tulungan kami,
kumampi pa sa kalaban! Naloloka na ba siya?
ALICE: Si Abby ba? Hindi ko maintindihan, pero nung tiningnan niya ang
halimaw sa analysis, tila nagbago ang aura niya. Bigla na lamang siyang umalis.
GEN. ANGELES: Hindi ko lubos maisip na magagawa ni De Leon sa atin ang ganon,
pero parang iba ang nararamdaman ko sa ginawa niya. I just cant find any reason
for her to betray us. Cadet Ong, ngayong your fellow Rangers are in deep
trouble, and your fellow Ranger betrayed our fold, ikaw na lang ang tanging
inaasahan ko. Alam kong mahirap on your part, pero sa ngayon, only you can save
your friends’ lives.
MALIN: (umiiyak pa rin) Kakayanin ko po Sir…
GEN. ANGELES: And if maaari, save Cadet De Leon, alam kong galit ka sa kanya,
pero I can still feel na may parte sa sarili niya na tayo pa rin ang kakampi
niya. Kilala ko siya, sa taglay niyang talino ay hindi siya basta-basta
magpapadikta sa ibang tao. Kaya gawin mo ang lahat upang magbalik-loob siya.
MALIN: (umiiyak pa rin) I’ll do my best Sir…..
__________________________
Commercial ________________________________
“Patuloy pa rin po ang pananalasa ng halimaw na tinaguriang si
Porcuzoid na siyang responsible sa malawakang pangangalawang libu-libong biktima.
Nangangamba ang mga awtoridad na ang susunod na target ng halimaw ay ang Metro
Manila…..”
Sa kahabaan
ng Recto ay nagtatakbuhan ang mga tao dahil sa pagdating ng halimaw, kasama ang
mga Cranumites at si Abby, na iba na ang suot ngayon. Suot niya ngayon ang
isang itim na leather suit na ma metallic armor at helmet.
Nandoon din
ang mga pulis at iba pang militar upang pigilan ang halimaw sibalit wala silang
magawa.
ABBY: Sige, mga kampon, ilang minuto na lang at malulusaw na ang mga
tinamaan ng kalawang ni Porcuzoid! Ha ha ha ha!
Habang
naninira ang mga Cranumites, ay patuloy sa pagbuga ng Rust Spikes si Porcuzoid.
Inakbayan naman ni Abby si Porcuzoid mula sa likod.
ABBY: Magaling Porcuzoid! Ipagpatuloy mo lang! Ako ay aalis muna upang
bumalik sa ating himpilan!
Nakakalayo
na si Abby nang biglang may humarang sa kanya.
CALYX: At saan ka pupunta?
ABBY: Nais ko lamang na mag-ulat sa ating Panginoong Ganelon.
CALYX: At bakit dala mo ang antidote?
ABBY: Yun ay upang ibigay sa nyo, nang wala nang makaligtas sa mga tao!
CALYX: Magaling! Sige bumalik ka na sa himpilan! Panonoorin ko muna ang
aking alaga!
ABBY: Opo!
Patakbo na
si Aby papunta sa kanyang sasakyan nang…
“SANDALI
LANG!”
Lumingon si
Abby sa tinig na narinig. Nakita niya si Malin na nakasakay sa kanyang Desert
Lightning sabay harang sa dinadaanan ni Abby.
MALIN: At saan ka pupunta Hudas ka?
ABBY: Wala akong oras makipaglokohan sa iyo! Tumabi ka diyan!
MALIN: Alam mo bang lalong lumala ang sitwasyon ng dahil sa ginawa mo?!
Bakit ka nagkaganyan?!
ABBY: Tumabi ka sabi!!! (sabay tulak kay Malin.)
MALIN: How are you!
Gumanti si
Malin ng isang sipa, hanggang sa naglaban ang dalawa. Pareho silang magaling sa
pakikipaglaban. Subalit nanaig si Abby sa pagkakataong ito.
ABBY: Kelangan kong magmadali bago mahuli ang lahat! (sumakay sa
sasakyan at umalis)
MALIN: Ate Abby…..damn you!
Nabaling
naman ang atensyon ni Malin sa nangyayaring pananalasa ni Porcuzoid.
MALIN: Naku ang halimaw!
Tumakbo si
Malin papunta sa kinaroroonan ng halimaw.
MALIN: Hoy, panget! Ako harapin
mo!
Bumaling ang
halimaw at sinugod si Malin. Lumundag si Malin sabay…..
GAMMAMODE,
ACTIVATE!!!
At naging
Gamma Yellow na siya. Paglapag at pinaputok na nito ng G-Smasher si Porcuzoid.
Hindi natinag ang halimaw at tuloy lang sa pag-atake.
GAMMA YELLOW: Gamma Dagger!
Sumugod ito
at gumamit ng Wushu syle of fighting upang matapatan ang bilis ng halimaw.
Nakakasabay naman si Malin, subalit dahil mas malaki ang halimaw, nacorner siya
nito. Sinubukang kumawala ni Malin ngunit hawak siya ng halimaw sa kamay at
ibinalibag sa isang garbage can.
Pagkatapon
ay saka naman nagpakita si Calyx.
CALYX: Ha ha ha ha! Ano Gammaranger? Suko ka na ba? Bakit hindi mo
tawagin ang mga kasama mo?.....Ay mali, kinalawang nga pala sila! Kawawa ka
naman…..Ha ha ha ha ha!!!!
GAMMA YELLOW: Hoy bruha! Wag mo akong ismolin! Ako ang taalo sa inyo magsama
kayo ng halimaw mo at ng traydor na babaeng yun!
CALYX: Tama na dada! Porcuzoid, kalawangin mo na rin yan!
BOOOOMMMM!!!!!
Sumabog bigla
ang isang braso ni Porcuzoid, na siyang ikinatumba nito.
Gulat naman
sina Malin at Calyx nang makita ang pinagmulan ng pagsabog.
“Hoy Boy
Kalawang, wag mong sasaktang yang muse namin!”
GAMMA YELLOW: Kuya Jake! Kuya Brian! Scottie!
CALYX: Hah? Hindi ba’t naging kalawang kayong tatlo?
GAMMA BLUE: Oo, pero buti na lang at dumating ang antidote, kaya gumaling
kami! Naikalat na rin ang antidote sa lahat ng ospital kaya sorry ka na lang,
ligtas na ang mga bikima!
CALYX: Imposible! Paano niyo nakuha ang antidote? Samantalang heto at
hawak ko?
“Heto ba ang
hanap mo, Calyx?”
Gulat ang
lahat sa dumating na nilalang……si Abby. May dala si Abby na isang garapong
walang laman.
CALYX: Anong ibig mong sabihin?
GAMMA YELLOW: Ate Abby?
ABBY: Kung akala niyo ay kumampi na ako sa AXIS, nagkakamali kayo!
Nagkunwari akong bumaligtad sa Gamma upang madali kong makuha ang antidote mula
sa halimaw, buti na lang at tanga ang halimaw mo! Yang hawak mo, liquid soap
lang yan!
Tiningnan ni
Calyx ang botelya, sinuri mabuti, tama nga si Abby, liquid soap nga lang ito.
CALYX: Putragis ka! Niloko mo lang kami!
ABBY: Akala nyo ba kakampi ako sa isang grupong walang ginawa kundi
sakupin ang mundo? Puwes hindi ako papayag doon!
Lumapit pa
ang ibang Rangers kay Abby.
GAMMA RED: Da best talaga ang acting mo, Abby!
GAMMA BLUE: Pinaandar mo nanaman yang Topnotcher mode mo!
GAMMA VIO: I can’t believe you would do that to save us!
GAMMA YELLOW: Ibig mong sabihin, acting lang ang pakikipagaway mo sa akin?
ABBY: Sorry sa inyong lahat, kung kelangan ko pang lumipat ng bakod
para lang maligtas kayo. Pero yun lang ang naisip kong paraan upang makuha ang
antidote.
GAMMA YELLOW: Sorry din Ate. Tinawag kitang traydor.
GAMMA RED: Mamaya na yang dramahan nyo! May laban pa tayong tatapusin!
Lumalapit
ang halimaw at si Calyx.
CALYX: Magbabayad ka sa panloloko mo babae ka!
ABBY: Pagbabayaran nyo rin ang pananakit sa mga tao!......GAMMAMODE
ACTIVATE!!!
At ilang
saglit pa ay naging Gamma Green na si Abby.
CALYX: Grrrrrr….Porcuzoid, tapusin na yang mga lintik na yan!!!!
Cranumites, attack!!!
Sumugod ang
mga Cranumites at si Porcuzoid sa limang Rangers.
Mahusay na nilabanan ng mga Rangers ang mga Cranumites. Gamit ang kanilang husay sa Martial Arts ay napapatumba nila ang mga ito.
Akmang tatakas na si Calyx nang harangin sya ni Gamma Green.
GAMMA GREEN: Saan ka pupunta?
CALYX: Grrrrraaaaaahhhhh!!!!! (gumanti ng Lynx Saber si Calyx na tinapatan naman ng Gamma Dagger ni Gamma Green.)
Naglaban ng armas sa armas sina Calyx at Gamma Green, habang nilalabanan naman ng apat na Rangers si Porcuzoid.
GAMMA RED & GAMMA BLUE: G-Firearms!!!
Nagpaputok ang dalawa ng kanilang G-Firearms, ininda naman ito ng halimaw, subalit nagulat ito nang salubungin siya ng Gamma Dagger nina Gamma Vio at Gamma Yellow. Nasaksak ang halimaw.
Naghihingalo na ang halimaw sa natamong saksak, at sinamantala naman ito ng apat.
GAMMA RED: G-Firearms, Full Power!
ALL: Fire!!!!!
Pagkaputok nito sa halimaw, ay sumabog ito.
Samantala sa isang laban.....nakahandusay na si Calyx sa paanan ni Gamma Green.
GAMMA GREEN: Ano Calyx? Suko ka na? Baka gusto mong ikaw naman ang kalawangin ko?!
CALYX: Pangahas ka!
Lumndag si Calyx paakyat sa isang gusali at itinapon ang GEAR Spider sa nasirang Porcuzoid.
CALYX: Tingnan natin kung kaya niyo ang mas pinalaki at mas pinalakas na Porcuzoid! (at saka ito naglaho)
Muling nabuhay at lumaki ang Porcuzoid.
GAMMA RED: (inactivate ang communicator) Gamma Base, activate Gammachines now!
At isa-isang nagsilabasan ang limang Gammachines....
GAMMA RED: Gammatron time!
ALL: Roger! Integrate Gammatron!
At nagsama-sama na ang limang Gammachines upang buuin si Gammatron.
"Gammatron Systems Online" sabi ng female voice alarm ng cockpit.
GAMMA RED: Okay labana-----
Hindi pa nakakapaghanda ang Gammatron ay bigla nang umatake si Giant Porcuzoid.
GAMMA RED: Anak ng----naninirisyon ito ah!
Nagpatama ng Porcublast ang halimaw. Gumanti ng Gamma Chopper Blade ang Gammatron na nakadamage naman sa kalaban.
GAMMA BLUE: Wag na natin patagalin ito, tapusin na natin!
Subalit biglang nagpakawala ng Rust Spikes si Porcuzoid, dahilan upang maging kalawang din ang Gammatron.
GAMMA YELLOW: Nakupo, kinalawang din ang Gammatron!
GAMMA VIO: Now that sucks!
GAMMA BLUE: Hindi na gumagana ang mga Mechanical Gears ng Robots, barado na!
GAMMA RED: Ano na ang gagawin natin?
Hindi makagalaw ang Gammatron sa natamong kalawang. Sinamantala naman ito ng halimaw at saka inatake ng inatake ang robot.
ALL: Aaaaaaaa......!!!!!
Natumba ang robot at sinipa pa ito ng halimaw.
GAMMA GREEN: Paano kaya ito? (tila may naalala siya)
Tiningnan ni Gamma Green kung may laman pa ang vial na nagtataglay ng antidote. Natuwa siya ng makiang may laman pa kahit konti.
GAMMA GREEN: Guys alam ko na! May natitira pang antidote sa botelya, gagawin nating lubricant para bulamik sa dati ang Gammatron!
GAMMA RED: Mukhang maganda yan! Sige, ibuhos mo sa control pipe ng Control Panel natin!
GAMMA GREEN: Sige, at icoconert ko siyang Lubricant!
Ginawa naman ito ni Gamma Green. Pagkabuhos ng antidote sa Control Pipe, ay gumawa siya ng isang chemical equation upang i-convert ito as Lubricant. Epektibo ang naisip ni Gamma Green, kumalat sa iba't-ibang parte ng Robot ang antidote lubricant. Natanggal ang kalawang sa Gammatron.
GAMMA GREEN: Ayos! Gumana!
GAMMA RED: Now back to the ballgame!
Nagbuga ulit ng Rust Spikes ang halimaw subalit nakailag na ang Gammatron.
GAMMA RED: Launch Thunder Loader!
Biglang dumating ang Thunder Loader na kasalukuyang tumitira sa halimaw.
GAMMA RED: Form Thunder Gammatron!!!
Nakipagsanib ang Thunder Loader sa Gammatron upang mabuo ang Thunder Gammatron.
GAMMA RED: Thunder Assault Megacannons! Target Locked!
ALL: Ready....Aim.......FIIRRREE!!!!!!
Nagpakawala ng napakalakas na Energy Blast ang Thunder Gammatron, dahilan upang sumabog ang halimaw at tuluyan nang mawala.
_____________________________________
Gamma Base: 12:02
Kasalukuyang nasa laboratory si Abby at nagreresearch.....nilapitan siya ni Malin.
MALIN: Hi Ate!
ABBY: Oh Malin!
MALIN: So-sorry ha....tinawag kitang traydor kanina....ikaw naman kasi e, di mo sinabing acting mo lang iyon.
ABBY: Sorry din kung ginulpi kita kanina. Hindi ko talaga pwedeng sabihin dahil part ng strategy ko iyon. Kelangang mapaniwala ko sila na tumalikod ako sa Gamma para makuha ang anidote.
Nang biglang.....
"And the winner for Best Actress is.........Abigail Marie De Leon para sa pelikulang Traidor!!!!!"
"Wooooooooo!!!!"
Laking gulat ng dalawa nang pumasok sina Jake, Brian, Scott, Alice, Gen. Angeles at Owen sa Lab. Inabot ni Jake kay Abby ang isang pekeng trophy na gawa sa Styro.
ABBY: Kayo ha anong nanamang kalokohan ito?
JAKE: Langya ka! Napaniwala mo kami na lumipat ka na sa AXIS!
BRIAN: In fairness ang galing mong umarte!
SCOTT: We thought you turned evil.
ALICE: Ako nga akala ko sinaniban na siya ng kung ano e!
OWEN: Hahahaha Na-WOW MALI mo kami doon Abs!
GEN. ANGELES: Pero delikado ang ginawa mo De Leon. Nagawa mong mapenetrate ang kampo ng kalaban upang magawa ang isa pang mas importanteng misyon. Kung hindi ko lang nalaman na part ng strategy mo iyon, baka pinarusahan na kita.
ABBY: Sorry po talaga, pero iyon lang po kasi ang naiisip kong paraan upang makuha ang panlaban sa kalawang.....Pero alam niyo, ganun pala kalaki ang kampo ng AXIS, nakakapangilabot! Mamaya ikikuwento ko sa inyo!
JAKE: Ang mabuti pa, icelebrate natin ang pagiging Best Actress ni Abby!!!!
YEHEEEEYYYY!!!!
Itutuloy.................

No comments:
Post a Comment