Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
Mission 10: Panimula ng isang Bagong Kapangyarihan (Part 1)
UDF Gamma
Base General’s Office, 11:42
Kasalukuyang
nakikipagpulong si Gen. Angeles sa Sec. General at sa iba pang Officers ng UN
Armed Forces. Sa kanyang office ay may 10 malalaking hologram screen panels
kung saan ay naroroon ang mga kasama niya sa pulong.
SEC. GEN. DOUGLAS: Gen. Angeles, any updates on the anti-AXIS campaign?
GEN. ANGELES: The enemy has been producing genetically-engineered Terrozoids
these past few weeks. Based on our analysis, AXIS only started producing these
creatures by the time they reached the Philippine soil and found out about the
Gammarangers. Good thing the Gamma Technology is working pretty well against
them.
STAFF 1: And how’s the Thunder Loader?
GEN. ANGELES: It gave the Gammatron a big boost of power to defeat the
Terrozoids.Good thing the US Military came up with such technology. A great
addition, indeed.
SEC. GEN. DOUGLAS: Speaking of technology, General, we received a very alarming
report from the Japanese Government. One of the AXIS Generals stationed in
Japan is now in-assistance in conquering your country. His name is Sgt. Megiddus
Saarinen.
GEN. ANGELES: Megiddus Saarinen? (tiningnan ang profile na ipinakita ni Douglas
sa screen)
SEC. GEN. DOUGLAS: Yes and he brought with him advanced technology which he corrupted
from the Japanese. This only means that the AXIS Technology is now surpassing
ours.
GEN. ANGELES: What? So you’re saying that the current Gammaranger Arsenal is no
longer enough to defeat AXIS?
STAFF 2: You might have won those previous battles against them, but based
on our Intelligence Report, there is a greater danger awaiting us. That’s why you
need to find this item for our new weapon to materialize.
Ipinakita ng
Staff ang isang Power Cell sa anyo ng isang 3D Presentation.
GEN. ANGELES: Hmmm….it looks like it is the same Power Cell that we use for the
Morphing Badges. Are you saying that we will be making a new Morphing Badge?
SEC. GEN. DOUGLAS: Exactly, but a little different from the Gammaranger Badges. This
one contains Pyrronium, elements not present in the 5 Morphing Badges. The
element was created by this person.
Ipinakita ni
Douglas ang larawan ng isang batang engineer na lumikha ng Nergallium.
GEN. ANGELES: Engr. Joel Gordon?
SEC. GEN. DOUGLAS: He is coming there tomorrow to present the said element in an
Expo to be held in World Trade Center. We want you to meet him and get the Pyrronium.
GEN. ANGELES: I don’t understand. What is this Project all about?
SEC. GEN. DOUGLAS: Let’s just call it…..THE PROJECT PATRIOT.
GEN. ANGELES: Project Patriot?
__________________________________
Sa Lounge ng
Gamma Base ay nandoon ang mga Rangers at nag-uusap.
MALIN: Talaga, Ate Abs? Ganoon kalaki ang AXIS Base?
ABBY: Siguro mga 10 times the size ng Gamma Base. Pero hindi ko na alam
kung paano ako napunta doon e, basta napunta ako doon habang nagteleport sina
Calyx. Kaya mahirap iinfiltrate yun basta-basta. Nakakapangilabot.
Ilang saglit
pa ay dumating na si Gen. Angeles.
ALL: Sir (saludo)
GEN. ANGELES: Nasaan si Alice?
BRIAN: Pumasok po kanina sa kwarto niya mga lunchtime. Pero hindi pa po
nakakabalik.
JAKE: Hmmm….antagal naman niyang bumalik, baka may regla---aray!!!
(sinapok ni Abby)
GEN. ANGELES: Pakitawag siya, importante ang pag-uusapan natin ngayon.
Subalit….
ALICE: Nandito na po ako….
GEN. ANGELES: Okay buti naman, I had a meeting a while ago regarding sa status
ng ating campaign against AXIS. At mukhang mabilis ang development ng
technology nila kesa sa atin nang hindi namamalayan.
ABBY: Po?
SCOTT: How come? We are beating their asses lately, how come they are
surpassing us?
JAKE: Hindi pa ba sapat ang Thunder Loader? Ang lakas na nun a.
OWEN: Tsk tsk tsk, hindi maganda ang kutob ko dito.
GEN. ANGELES: Kahit ako nagulat, at mukhang mas lumakas pa sila sa pagdating ng
isang nagngangalang Megiddus.
JAKE: Megiddus? Sino iyon?
MALIN: Naku, baka kasama rin niya yung babaeng kasama ni Porcuzoid! Sino
na nga ulit iyon?
ABBY: Si Calyx.
SCOTT: I think he is also the one who released those frog-like robots.
BRIAN: Mukhang habang tumatagal ay lalong lumalakas ang AXIS.
GEN. ANGELES: Ngunit huwag kayong mag-alala, ayon kay Sec. Gen. Douglas ay may
bago rin tayong technology na pwedeng pantapat sa kanila, isang bagong Morphing
Badge.
ALL: MORPHING BADGE?
OWEN: Ibig pong sabihin Sir, maaaring hindi na sapat ang Technology ng
ordinary Ranger suit na hawak ng team natin?
JAKE: Ano iyon? May bagong Gammaranger nanaman?
GEN. ANGELES: Hindi ko pa alam kung sino ang gagamit nito, baka isa sa inyo or
bagong recruit, at kung bakit kelangan pa ng isa pang Ranger kung nandyan na
kayo, ngunit upang magawa ang bagong Badge, kelangan natin ang element na
Pyrronium.
ALICE: Ngayon ko lang po narinig ang element na iyan. Wala akong nakikitang
ganyan sa Periodic Table of Elements.
GEN. ANGELES: Ginawa ito ng isang nagngangalang Joel Gordon. Bukas ay
magkakaroon ng Exposition sa World Trade Center, at darating siya upang ipresent
ang Pyrronium.
BRIAN: May concern lang ako Sir. Paano kung malaman din ng AXIS ang
tungkol sa element na yan? Baka maunahan tayo at kung saan pa nila gamitin
iyon.
GEN. ANGELES: Kaya kelangang kumilos tayo! Alice at Fonseca, kayo ang dadalo sa
Expo bukas. Kelangan makuha niyo ang Pyrronium.
ALICE: Yes Sir!
JAKE: Ayos!
GEN. ANGELES: Owen, ikaw muna ang bahala dito kapag umalis si Alice.
OWEN: Okay po!
GEN. ANGELES: Rangers, stand-by lang kayo. Prepare for a possible AXIS assault!
ALL: Sir yes Sir!!!
_______________________________________
AXIS Mega
Base, 12:08
Dumating si
Necroma sa Database ng AXIS upang may ibalita ay Ganelon.
NECROMA: Kamahalan, may ibabalita po ako sa inyo na maaari nating
mapakinabangan.
GANELON: Hmmm, ano nanaman yan Necroma? Sigurado ka ba sa ibabalita mong
yan?
MEGIDDUS: Sa pagsasalita mo, tila isang napakahalagang balita nyan.
NECROMA: Panoorin nyo ito.
Inactivate
ni Necroma ang isang 3D Screen Display….
NECROMA: Masdan nyo ito.
BALAAM: Ano yan?
NECROMA: Isang panibagong tuklas na element. Ang tawag dito ay Pyrronium.
GANELON: Pyrronium?
DYMARO: Saan mo naman nabalitaan iyan?
NECROMA: Ayon sa datos, isang nagngangalang Joel Gordon ang siyang
umimbento ng nasabing elemento. At kaya nitong palakasin ang kahit anong armas
ng mahigit 10 beses! Kapag nakuha natin ang elemrntong ito, sigurao na ang
ating tagumpay! Wala nang laban sa atin ang Gammarangers!
MEGIDDUS: Mukhang maganda iyan! Kahit ang mga Phibianoids at Cranumites ko
ay lalakas kapag nabigyan ng ganyang enerhiya!
CALYX: Papaano natin makukuha iyan?
NECROMA: Boba! Ano pa e di hanapin ang Joel Gordon na iyan at kunin natin
sa kanya ang Pyrronium, saka natin siya kukunin upang magtrabaho para sa atin!
GANELON: Magandang ideya. Kapag napasaatin na ang Pyrronium at ang Joel
Gordon na iyan, pagagawan natin siya ng mga makabagong armas at enerhiya upang
lalo tayong lumakas! Nang sa gayon tuluyan na nating mapapasakamay ang daigdig!
NECROMA: Bukas daw po ay nasa Pilipinas si Gordon upang ipresent ang
Pyrronium, iyon na ang tamang oras upang dakpin siya at ang elemento.
BALAAM: Paano kung makialam nanaman ang Gammarangers?
NECROMA: Madali lang iyan. Convexoid, lumabas ka!!!
NECROMA: Yan si Convexoid. Kaya niyang kopyahin ang kahit anong sandatang
ilalaas ng Gammarangers.
BALAAM: Talaga lang ha?
Inilabas ni
Balaam ang kanyang patalim, paglaas pa lang nito ay biglang kumislap ang mirror
body ni Convexoid. Ilang saglit pa, ang sandata ni Balaam ay nakopya na niya.
BALAAM: Anong---?! Paano mo nakopya ang aking patalim?!
NECROMA: Sabi ko naman sa inyo, hahaha!
GANELON: Sige Necroma at Convexoid, gawin ninyo lahat upang maisakatuparan
ang ating balak!!!
_______________________________________
World Trade
Center Manila, 10:02
Kinabukasan
ay pumunta na sa WTC sina Jake at Alice upang umattend sa Exposition ng
Pyrronium. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang malalaking mga tao, mga pulitiko, mga
negosyante at iba pang military leaders ng iba’t-ibang bansa.
Pagkababa ng
kotse ay pumasok na sa loob ang dalawa.
JAKE: (nakasuot ng Americana) Grabe, di ako sanay sa ganito.
ALICE: (nakasuot ng casual attire) Ano ka ba, umayos ka nga. Wag mong
dalhin ang ugaling maangas mo dito.
JAKE: Sana may pagkain dito. Gutom na ako e.
ALICE: Uy dyan ka lang ha, magsi-CR muna ako.
JAKE: Bilisan mo ha, gusto ko nang umalis e.
Nagmadaling
umalis si Alice, sa kakamadali ay…..
BOG!!!
Nakabangga
siya ng isang lalaki. Nagulat man ay humingi agad ng sorry si Alice.
ALICE: Oh no, sorry Sir!
LALAKI: It’ s okay, Miss.
Laking gulat
niya nang mabasa ang name card na nakasabit sa dibdib ng lalaki.
ALICE: Engr. Joel Gordon?!
ENGR. GORDON: Well, you read my name huh.
ALICE: You are the man behind the latest invention Pyrronium!
ENGR. GORDON: Thank you Miss. I will present my invention in a few minutes. And
you are…?
Ipinakita ni
Alice ang ID niya ng GAMMA.
ENGR. GORDON: What?! You are from UDF Gamma? Wow what a coincidence! Actually
the Pyrronium is made especially for you guys. I am also a big fan of your
Gammarangers. I came up with the Pyrronium to help you end the reign of AXIS!
It’s an honor to meet you, Miss Alice!
ALICE: Likewise, Mr. Gordon.
Habang
nag-uusap ang dalawa ay naiinip naman si Jake sa kinatatayuan niya.
JAKE: Anak ng tokwa naman o, mukhang niregla na talaga ang babaeng
iyon! Tagal niya!
Naisip
niyang kumuha ng yosi sa kanyang bulsa. Lalabas na sana ito upang magyosi, nang
may mapansin syang isang babae na nakadamit pangpormal.
JAKE: (sa sarili) Teka, pamilyar ang babaeng ito a!
Hindi
sinasadyang napalingon naman ang babae kay Jake. Nagulat din ito pagkakita sa
kanya. Napako ang tingin nila sa isa’t-isa.
JAKE: (sa sarili) Saan ko na nga ba nakita ito?
Ngunit
nawala ang atensyon niya sa abae nang bumalik si Alice.
ALICE: Sensya na sa kahihintay ha, ano okay ka lang ba?
JAKE: Ay oo, sa katunayan nga inaagiw na ako dito e! Bakit ba ang tagal
mo?! Matagal pa ba ang main event? Langya naman o!
ALICE: Magsisimula na, hayan na o!
Nagsimula
nang magsalita ang emcee upang ipakilala ang panauhing pandangal ng nasabing
Exposition.
EMCEE: Thank you for waiting Ladies and Gentlemen, now s the moment that
we’ve been waiting for. It is about time to introduce to you the man behind the
newest invention that will change our lives, the man of the moment, please give
him a round of applause, ENGR. JOEL GORDON!!!
Nagpakalpakan
ang lahat ng panauhin lalo na si Alice.
ALICE: Alam mo Fonseca, kaya ako natagalan, nakausap ko ang taong iyan!
JAKE: So siya pala ang promoter ng bagong Morphing Badge natin?
Nagsimula na
ang presentation ni Engr. Gordon. Nag-umpisa ito sa Power Point Presentation,
napahanga naman ang mga panauhin sa pagpapaliwanag ng Engineer sa Pyrronium.
ALICE: Kahanga-hanga, ang galing ng naimbento niya.
JAKE: (humihikab na) Sana nanood na lang ako ng NBA sa Gammabase.
Ngunit
naputol ang antok ni Jake nang mapansin ulit ang misteryosong babae na halos
isang mesa lang ang pagitan mula sa kanila.
JAKE: (sa sarili) Siya nanaman…may kamukha talaga siya e.
Dumating ang
pinakahihintay na sandal ng lahat, ang unang pagkakataon na ipapakita sa madla
ang Pyrronium. Sa may gitna ng atrium ay nandoon ang isang malaking cylinder na
natatabingan ng telong kulay itim. Lumapit si Engr. Gordon ditto at….
ENGR. GORDON: Ladies and Gentlemen, may I present to you……THE PYRRONIUM!!!!
Hinila ni
Gordon ang telon at bumulaga sa lahat ang Pyrronium. Nagulat ang lahat
pagkakita sa elementong kumikislap at umiilaw. Malakas na palakpakan ang yanig
sa atrium.
ALICE: Wow….
Ngunit ang
atensyon ni Jake ay wala sa Pyrronium, napansin kasi niya ang pagtayo ng babae
at pumunta sa CR.
Susundan
sana ni Jake ang babae nang biglang nawalan ng ilaw sa buong WTC. Nagulat ang
lahat sa nangyari.
Ilang segundo
pa ay bumalik na ang kuryente, subalit nagulat ang lahat pagkakita sa eksenang
nasa gitna ng atrium.
Nasa gitna
ang misteryosong babae habang hawak ang Pyrronium at nakatali si Engr. Gordon
na walang malay!
ALICE: Sino yan?
JAKE: Ang babae!
Nagsalita
ang babae.
BABAE: Huwag kayong magkakamaling kumilos kung ayaw niyong mamatay ang
taong ito!!!
_________________________________Commercial______________________________
Mabilis na
kumilos si Jake at binunot ang Laser Pistol nito. Binaril nito ang kamay ng
babae.
BAAAANNNGGG!!!!
Nabitawan ng
babae ang hawak nitong Pyrronium. Sa nangyari ay nagtakbuhan na ang lahat ng
panauhin palabas sa sobrang takot.
JAKE: Kanina pa ako nakakahalata sa iyo, ngayon sabihin mo kung sino ka
talaga!!!
Nagpalit ng
anyo ang babae, at nagulat sina Jake at Alice.
JAKE: Necroma!!! Sinasabi ko na nga ba!
NECROMA: Akala niyo kayo lang ang nagkakainteres sa Pyrronium? Hindi kami
makakapayag doon dahil amin na ang elemento!!!
JAKE: Alice, tumakas ka na, isama mo si Engr. Gordon at ang Pyrronium!
Akmang
itatakas na ni Alice si Gordon at ang Pyrronium nang biglang nagpakawala ng
Death Laser si Necroma. Ngunit naharang ito ni Jake.
NECROMA: Pakialamero!!!
JAKE: Alice tumakas na kayo! Ako na ang bahala dito!
ALICE: Sige salamat, mag-iingat ka!
At umalis si
Alice kasama si Engr. Gordon at ang Pyrronium.
JAKE: Tama nga si Tavarez, pati pala kayo dumidiskarte sa Pyrronium na
iyon!
NECROMA: Wala akong pakialam! Amin na iyon!
At
nagpakawala ulit ito ng Death Laser na nailagan naman ni Jake. Pagkailag….
Nagbagong
anyo si Jake ilang Gamma Red saka sumugod kay Necroma. Naglaban sila gamit ang
kanilang Blade weapons. Nadale ni Gamma Red si Necroma sa braso.
NECROMA: Pangahas ka!
Naghagis ng
Microchips si Necroma, at naging Omnicrons ang mga ito.
NECROMA: Omnicrons, tapusin niyo yan!!!
Sumugod ang
mga Omnicrons kay Gamma Red, subalit nagpakawala ng sunud-sunod na G-Magnum
Blasts ito at nadale ang mga kalaban.
________________________________________
Samantala ay
nagmamadaling tumakbo si Alice pabalik sa kotse upang itakas si Engr. Gordon at
ang Pyrronium, subalit laking gulat niya nang bigla siyang hinarang ng isang
halimaw, si Convexoid.
ALICE: Eeeeeeeeee!!!!!
Ang mga
taong nasa paligid ay nagtakuhan din pagkakita sa halimaw. Papalapit na ang
halimaw upang atakihin sina Alice, mabuti na lang at may dala ring Laser Pistol
si Alice kaya binaril ni Alice ang halimaw. Subalit biglang umilaw ang mirror
sa katawan nito, kaya nakopya niya ang baril na hawak ni Alice.
ALICE: Naku hindi, paanong---?!
Hindi na
alam ni Alice ang gagawin. Habang akbay ang walang malay na engineer at hawak
ang Pyrronium ay napapaatras siya sa unti-unting paglapit ng halimaw. Tuturahin
n asana siya ng halimaw nang…..
G-LAUNCHER!!!
BOOOOMMMM!!!!
Biglang
tinamaan ang halimaw sa biglang pagsulpot ng isang Blast. Napaupo ang halimaw
sa atake.
ALICE: Rangers!!!
Dumating ang
mga Gammarangers at nilabanan si Convexoid.
GAMMA BLUE: Ms. Alice, tumakas na kayo! Bumalik na kayo sa Base ngayon din!
ALICE: Sige!
At aga na
smakay ng kotse si Alice, dala ang walang malay na engineer at ang Pyrronium.
GAMMA BLUE: Tama nga ang hinala ko! Pati AXIS balak agawin ang Pyrronium!
GAMMA GREEN: Tapusin na natin ito mga kasama!
GAMMA VIO: Let’s do it!
GAMMA YELLOW: Tomo!!!
Unang
sumugod ang dalawang babaeng Rangers. Gamit ang Gamma Daggers, tumalon ang
dalawa tsaka anyong tatagain ang halimaw. Ngunit mailis na nakopya ng halimaw
ang kanilang daggers, kaya paglapag ng dalawa at sila ang nataga.
GAMMA GREEN: Aaaaa!!!!
GAMMA YELLOW: Ooooouuuuch!!!
Napahandusay
ang dalawa at nagulat nang makita ang kanilang Daggers na nasa kamay ng
halimaw.
GAMMA GREEN: Paano niya nakopya ang mga sandata natin?
GAMMA YELLOW: Gosh! Sakit nun a!
GAMMA BLUE: Kami naman!
GAMMA VIO: Alright!
Sunod na
sumugod ang mga lalaking Rangers. Gamit ang kanilang G-Firearms ay agad
nagpaputok ang dalawa, nakailag ang halimaw at biglang umilaw unit ang kanyang
body mirror, tsaka nakopya ang mga sandata nila.
GAMMA VIO: Hell no!
GAMMA BLUE: Pati G-Firearms nakopya nya!
Napagdesisiyunan
ni Gamma Blue na labanan ng mano-mano ang halimaw.
GAMMA BLUE: Guys, mukhang pangongopya ng sandata lang ang kaya niyang gawin.
Mabuti pa labanan natin siya ng mano-mano!
OTHERS: Okay!
Nagpaputok
ang halimaw ng G-Firearm Blasts ngunit umilag ang apat. Nakalundag sina Gamma
Blue at Gamma Vio at sinipa ang halimaw.
Napaatras
ang halimaw sa sipa ng dalawa, ngunit hindi niya alam ay smugod na ang dalawang
babaeng Rangers at sinuntok ang halimaw mula sa likod.
Nasaktan ang
halimaw. Nagsabay-sabay ang apat na susugod sa halimaw, sabay sipa.
Napahandusay ang halimaw sa natamong pag-atake.
_____________________________________
Samantala sa
loob ng World Trade Center…..
Napahandusay
si Necroma habang umaatras, hawak ang napinsalang braso. Nilalapitan siya ni Gamma
Rd na anyong titirahin siya ng G-Magnum.
GAMMA RED: Ano, papalag ka pa? Laki ng perwisyong ginawa mo, brunas ka!
NECROMA: Hindi pa tayo tapos!!!
Biglang nagteleport
si Necroma at biglang nawala. Sa labas ng WTC, nawala din ang halimaw na
nilalabanan ng apat na Rangers.
Nakita naman
ni Gamma Red ang apat na nasa labas, agad lumabas ito.
GAMMA RED: Anong nangyari sa inyo?
GAMMA BLUE: May halimaw na biglang nagpakita dito.
GAMMA GREEN: Grabe ang halimaw na iyon. Kaya niyang kopyahin ang kahit anong
sandata natin.
GAMMA RED: Langya, pati si Necroma umepal sa loob!
GAMMA YELLOW: Sana nakabalik na sina Ate Alice! Muntik na sila kanina a.
GAMMA RED: Mabuti pa bumalik na tayo sa base.
_____________________________________
AXIS
Megabase, 14:12
MEGIDDUS: Anong nangyari sa iyo Necroma? Mukhang hindi mo nakuha ang
Pyrronium.
NECROMA: Napakawalang hiya ng Gammarangers na iyan! Sai ko na nga ba’t
makikialam sila!
BALAAM: Mukhang pati ang halimaw mo ay walang nagawa.
CALYX: Kawawa ka naman, Necroma. Akala ko maning-mani lang sa iyo ang
misyong iyon. Mali pala ako---
NECROMA: Huwag kang makialam Hudas ka! Di ko hinihingi opinion mo!
GANELON: TUMAHIMIK KAYO!!!
Natahimik
ang lahat sa sigaw ni Ganelon.
GANELON: Necroma, sige, bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon para
magawa nag iyong misyon. Kapag pumalpak ka ulit, baka mapatay na kita!!!
NECROMA: Babawi po ako, Panginoon! Pangako iyan!
________________________________________
UDF Gamma
Base, 14:46
JAKE: Langya talaga, sabi na nga ba’t may interes din sila sa Pyrronium
e!
BRIAN: Tama nga ang sinabi nyo kanina Sir. Mukhang lalong lumalakas ang
AXIS. Di namin akalaing makakagawa sila ng isang halimaw na kayang kopyahin ang
mga sandata namin.
ABBY: Ang inaalala ko lang Sir, kung kaya niyang kopyahin ang aming mga
weapons, paano namin siya tatalunin gamit ang mano-manong laban lang?
GEN. ANGELES: Sigurado akong may paraan para matalo ang halimaw. Sa kabilang
banda, sana ay okay lang si Engr. Gordon.
_______________________________________
UDF Gamma
Base Medical Center.
Nasa isang
ward si Alice ung saan nakaconfine si Engr. Gordon. Unti-unting nagising ang
engineer at nakita si Alice.
ENGR. GORDON: Where am I?
ALICE: You are in a hospital Mr. Gordon.
Biglang may
naalala ang lalaki.
ENGR. GORDON: Oh no, the Pyrronium!
ALICE: It’s okay Sir, it is now safe. We kept it in a secret chamber.
ENGR. GORDON: I never though someone is interested in my invention.
ALICE: That woman who hostaged you is an AXIS General. She disguised
herself as a guest to easily access your presentation. AXIS, I think, is also
interested in the Pyrronium to use it for their evil plans.
ENGR. GORDON: The Pyrronium is a special radioactive element that can boost the
energy of a weapon 10 times, bcause of fast chemical reaction. Sec. Gen.
Douglas told me that AXIS Technology is developing faster, that’s why he asked
me to invent a new substance to help you guys. If I am not mistaken, something
called “Project Patriot” is under design phase.
ALICE: What is that Project Patriot? Why is there a need for a new
Badge?
ENGR. GORDON: To tell you the truth, based on my analysis on the Gammaranger
suit, the current technology is still superior, but not enough for the fast
development of the terrorists technology. The Pyrronium is the main energy
source of the new Badge and will also be used on a possible new Gammachine.
Naputol ang
pag-uusap ng dalawa nang……
“RED ALERT,
RED ALERT, TERROZOID SPOTTED, TERROZOID SPOTTED!”
ALICE: Sir, excuse me I have to get back to the Database. The Rangers
are on a fight once again. Just follow the doctor’s order okay?
ENGR. GORDON: Okay Ms. Alice, thank you.
Pag-alis ni
Alice, naiwan si Engr. Gordon na napabuntng-hininga. Hindi niya alam ay may mga
kakaibang nilalang na nagmamasid sa kanyang ward.
_____________________________________
SCOTT: The monster is back!
MALIN: At mas malaki na siya OMG!
GEN. ANGELES: Rangers, madali kayo, fight the monster on the double!
ALL: Yes Sir!
Sumaludo ang
apat at umalis papunta sa kani-kanilang mga Gammachines.
Saktong
pumasok naman si Alice.
GEN. ANGELES: Alice, kumusta si Engr. Gordon?
ALICE: Okay na po siya Sir. Sa ngayon stable na ang lagay niya. Musta na
po ang halimaw?
OWEN: Based sa aking analysis, kayang kopyahin ng halimaw ang kahit
anong sandata ng Gammarangers. Mukhang mahihirapan sila na talunin ang halimaw.
ALICE: Sana may paraan para matalo ang halimaw.
Napatingin
si Alice sa gitna ng Database, nandoon sa isang safety chamber ang Pyrronium.
GEN. ANGELES: Habang nilalabanan ng Rangers ang halimaw, mauti pa ay pag-aralan
natin ang Pyrronium na yan.
ALICE: Opo
Sir. Pag gumaling na si Engr. Gordon, magpapatulong tayo sa kanya.
______________________________________
Makati,
16:27
Kasalukuyang
nananalasa si Convexoid. Sinira niya ang iilang mga gusali. Nasa State of
Emergency na ang nasabing lungsod dulot ng pangyayari. Marami na ring mga
sibilyan ang namatay.
GAMMA BLUE: Dalhin natin ang halimaw sa may Pasig River, nang wala ng madamay
na sibilyan!
GAMMA RED: Oo alam ko!
Binuhat ng
Gammatron si Convexoid papunta sa ilog upang doon maglaban.
Umatake ang Gammatron
ng mga sipa at suntok subalit tila hindi na tinatablan ang halimaw.
GAMMA GREEN: Huh? Bakit hindi man lang siya natinag?
GAMMA VIO: That monster is tough!
GAMMA YELLOW: Gamitan na kaya natin siya ng weapons natin?
GAMMA BLUE: Wag! Kokopyahin lamang niya an gating mga sandata!
GAMMA RED: Ano tatayo na lang tayo dito, nganga? Bahala na si Chuck Norris! Gamma Mechatronic Ultrablaster!
GAMMA
RED: Lock on Target!
ALL: Ready….Aim…..FIRE!!!
Subalit nakopya ni
Convexoid ang sandata nila, tumira din ito ng parehong atake. Naglaban ang
dalawang Laser Blasts ng dalawang pwersa, subalit dahil nakaipon ng lakas ang
halimaw dahil sa mga naipong copied weapons ay natalo nito ang Gammatron.
ALL: Aaaaaaaa!!!!!
Napahandusay ang
Gammatron sa tubig.
GAMMA
BLUE: Sabi sa inyo e!
Agad dumating ang
Thunder Loader at nagpakawala ng mga weapons. Hindi naman tinalan ang
Convexoid.
GAMMA
YELLOW: Imposible,
parang lalong tumibay ang kalaban!
GAMMA
RED: Bahala na! Form
Thunder Gammatron!!!
At nakipagsanib ang
Thunder Loader sa Gammatron, kaya nabuo ang Thunder Gammatron.
ALL: Ready….Aim…..FIRE!!!
Subalit laking gulat
nila nang pati ang Thunder Assault Megacannons ay
nagawang kopyahin ni Convexoid. Tumira din ito ng parehong atake kaya
napabagsak ang Gammatron.
GAMMA VIO: I can’t believe it! He can also copy our strongest attack!
GAMMA GREEN: Mababa na ang energy levels ng Gammatron! Paano na ito?
GAMMA BLUE: Ang kulit nyo kasi e, gagayahin lamang nya an gating mga sandata.
GAMMA RED: Bwiset! Bwiset talaga!!!
Habang
nakahandusay sa ilog ang Thunder Gammatron ay lumalapit ang halimaw upang
tapusin ang robot. Sa mga sunud-sunod na suntok at sipa ng halimaw, hindi man
lang makaganti ang Gammatron.
__________________________________
ALICE: Hirap na hirap ang mga Rangers! Ano
kaya ang dapat nilang gawin?
GEN.
ANGELES: Kailangang
umisip tayo ng paraan!
Ilang saglit pa ay
tumunog ang Intercom ng Database.
ALICE: Gamma Database, plase come in.
DOCTOR: (sa kabilang linya) Gamma Database,ito
ang Gamma Medical Center. Ang patient sa Ward No. 306, biglang nawala!
ALICE: Ano? Paano siya makakalabas
samantalang hinang-hina siya?
DOCTOR: Negative, pagpasok ko nandoon pa
siya, ngunit nang hinahanda ko ang gamot, paglingon ko wala na siya! May
dumukot sa kanya!
Namutla si Alice sa
narinig na balita.
GEN.
ANGELES: Alice anong
nangyari?
ALICE: Sir, dinukot si Engr. Gordon!
GEN.
ANGELES: Ano?!
Itutuloy……..
No comments:
Post a Comment