Saturday, July 28, 2012

Mission 15: Pag-alala sa Nakatagong Nakaraan




Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

UDF Gamma Base, 15:40


Nagimbal ang lahat ng nasa Database matapos marinig ang rebelasyon ni Gen. Angeles.

GEN. ANGELES: Yun ang dahilan kaya ko kayo pinigilan. Hindi ko masikmura na kayo ang tatapos sa sarili kong anak……Si Paolo…

ALICE: Pero Sir….paano po nangyari iyon? Akala ko po ba e nasawi siya sa isang Military Operation sa Japan?

GEN. ANGELES: Hindi ko rin alam, Alice. Isang taon na ang nakakalipas mula nang mangyari ang pagkawala niya. Nadestino siya sa Japan upang tulungan ang Japanese Army na labanan ang AXIS, ngunit nabigo sila. Natalo ang buong Japanese Army pati na ang Phil. Marines na kinabibilangan niya. Base sa reports na binigay sa akin, napatay daw siya sa isang engkwentro laban sa mga Cranumites…..Hindi pala totoo ang ibinigay nilang report. Buhay siya…buhay ang anak ko….at nasa panig na ng kasamaan…..

ABBY: Paano kaya siya nabuhay? At paano siyang napunta sa AXIS?

Di mapigilang mapaluha ni Gen. Angeles. Napayuko naman ang limang Rangers sa narinig na salaysay ng heneral.

__________________ Opening Song ___________________


Mission 15: Pag-alala sa Nakatagong Nakaraan

Flashback……



Sa isang Army Detachment sa Okinawa…

SOLDIER 1: Angeles, bilisan mo, mahuhuli na tayo!

PAOLO: Sandali lang, nandyan na!

Biglang tumunog ang Cellphone Ni Paolo, ang ama niyang si Gen. Angeles ang nasa kabilang linya…

PAOLO: Hello Dad!

GEN. ANGELES: Hello Pao….kumusta na dyan?

PAOLO: Okay naman po. Heto papunta na kami ng Tokushima. May AXIS activity po kasi doon, kelangang mapigilan namin sila para hindi na sila umabot dyan. Magagaling naman po kaming 1st Marine Battalion. Eh kayo po?

GEN. ANGELES: Nasa Camp Aguinaldo ako ngayon, may General Assembly na dadaluhan…..Malakas ang AXIS anak. Hindi sila basta-basta isang Terrorist Group. Sana magawa niyo ang mission ninyo.

PAOLO: Don’t worry Dad. Kasama ko naman si Bro. (tiningnan ang rosaryo na suot niya sa kanyang kamay.) Musta na nga po pala si Julianna?

GEN. ANGELES: Okay naman siya. Nasa Tita Frida mo. Magaling na siyang magdrawing. Manang-mana sayo ha ha ha.

PAOLO: Ha ha ha oo nga po. Pano po mauna na ako, punta na po kami sa Combat Zone.

GEN. ANGELES: Sige anak, mag-iingat ka….

PAOLO: Salamat po!

At umalis na si Paolo papunta sa kanyang assignment….

_________________________________

Matapos ang 3 araw…..

Camp Aguinaldo, Office of the Commanding General….

“Sir, may phone call po kayo…”

“Sino daw?”

“1st Marine Battalion daw po from Japan”

“Sige, salamat…General Julian Angeles speaking….”

“Gen. Angeles, this is Lt. Col. Rodrigo Nabong…”

GEN. ANGELES: Lt. Col. Nabong, ano na ang balita diyan?

LT. COL. NABONG: Sir, huwag po kayong mabibigla sa ibabalita ko…

GEN. ANGELES: Ano ang ibig mong sabihin…

LT. COL. NABONG: Sir, natalo ang Marines at ang Japanese Army, AXIS is now on a rampage, they are fast approaching there….

GEN. ANGELES: Ano? Papunta na dito ang AXIS? Si Paolo, kumusta na siya?

LT. COL. NABONG: (bunting-hininga) Sir…..I’m sorry to tell you this…….

GEN. ANGELES: Ano nga?

LT. COL. NABONG: I’m really sorry Sir….He’s gone….Lance Corporal Julian Paolo Angeles….. is gone…..

Natigilan ng ilang segundo si Gen. Angeles matapos marinig ang malagim na balita. Nagbalik sa kanyang isipan ang mga huling pag-uusap nila. Halos maiyak siya sa narinig na balita.

GEN. ANGELES: Lt. Col. Nabong, baka naman false alarm lang yan. Imposible yan, nakausap ko pa siya three days ago. That can’t be true---

LT. COL. NABONG: I’m sorry Sir, but reliable sources already confirmed it…I’ll send you a phone image.

GEN. ANGELES: Hindi! Niloloko mo lang ako! Hindi patay ang anak ko!!!

At pinatay ng heneral ang telepono. Bigla namang may nagsend ng image sa cellphone niya, larawan ng isang sundalong nakadapa at may rosaryo sa kamay. Alam nya ang rosaryong iyon, dahil siya mismo ang nagbigay sa kanya nun bago umalis ang anak papuntang Japan.

Napahagulgol si Gen. Angeles sa nakita.

GEN. ANGELES: Hindi, hindi siya ito….imposible….Paolo……

Napasandal na lang sa kinauupuan si Gen. Angeles. Hindi pa rin makapaniwala sa nakitang larawan.

Tinawagan niya ang kanyang piloto upang sumakay sa private jet at pumunta ng Japan para makita ang labi ng anak. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya nadatnan doon ang bangkay ni Paolo, na siyang ikinagalit niya ng husto.

Back to present………

GEN. ANGELES: Hindi namin narecover ang kanyang bangkay. Inisip ko na baka buhay pa siya…pero ang larawang iyon….hindi ako maaaring magkamali, siya iyon….

May kinuha si Gen. Angeles sa kanyang bulsa….ang rosaryo na suot ni Paolo.

GEN. ANGELES: Ito ang rosaryong bigay ko sa kanya. Ito na lang ang narecover na bagay mula sa pinangyarihan ng trahedya mula sa kanya.

Lumapit si Jake at hinawakan ang balikat ni Gen. Angeles.

JAKE: Sir…..wag po kayong mag-alala. Hindi po namin siya lalabanan. Gagawin po namin ang lahat ipang tulungan na ibalik siya sa inyo.
___________________________________

AXIS Mega Base

MEGIDDUS: Muntikan na tayo doon! Kung hindi dahil sa kanilang bagong sandata, baka natapos mo na sila!

KO-36: Patawad po…Hindi na ako mabibigo ulit sa susunod…

NECROMA: Ngunit nakakapagtaka….Bakit sila umurong sa laban? Samantalang iyon na ang pagkakataon na matalo tayo!

BALAAM: Hindi kaya’t natakot sila?

DYMARO: Imposible, yun na ang pagkakataon nilang matalo si Black Patriot, ngunit hindi nila tinuloy.

CALYX: Ayaw nyo iyon? Umurong ang butsi nila matapos matikman ang lupit ng atake ni Black Patriot?

GANELON: Ngayong umurong ang Gammarangers, ito na ang pagkakataong wasakin ang bansang ito! Black Patriot, humayo ka at ituloy ang pagwasak!!!

KO-36: Masusunod po, Kamahalan…..

Paalis na sana si KO-36, nang pigilan siya ni Megiddus.

MEGIDDUS: Sandali lang….may ipapagawa pa ako sa iyo…

KO-36: Ano iyon?

MEGIDDUS: Gusto kong tapusin mo ang taong ito….

Inactivate ni Megiddus ang Monitoring Screen, biglang lumitaw ang larawan ni Gen. Angeles.

MEGIDDUS: Ngayon din ay patayin mo ang taong iyan. Isa siyang masamang kaaway…

Tinitigan maigi ni KO-36 ang larawan….

KO-36: Masusunod Kamahalan.

Umalis si KO-36, habang ang ibang AXIS Generals….

BALAAM: Hindi ba’t iyon ay si…

MEGIDDUS: Tama, siya si Gen. Julian Angeles, ang pinuno ng Gammarangers….ang kanyang ama.

Nagulat ang lahat matapos sabihin ni Megiddus ang katagang iyon.

DYMARO: Ibig mong sabihin, ipapapatay mo kay KO-36 ang sarili niyang ama?

MEGIDDUS: Mahigit isang taon na ang nakakaraan, nang masakop natin ang Japan, naging saksi ako sa katapangan ng batang iyan. Isa siya sa mga pinakamagaling na sundalo ng Phil. Marines. Hindi siya tuluyang nasawi, bagkus ay agad namin siyang kinuha dahil baling araw ay mapapakinabangan natin siya. Binura namin ang lahat ng kanyang alaala, mula noon ay isinilang ang isang malakas na mandirigma, na siyang nagging aking magaling na espiya upang sakupin ang mga natitirang bansa sa Asya. Nang ipatawag niyo ako dito, itinago ko siya sa Basement ng Headwuarters upang doon siya magpalakas.

NECROMA: Kung tatapusin ni KO-36 ang Angeles na iyan, tiyak na masisira na ang diskarte ng Gammarangers at madali na natin silang matatalo!

MEGIDDUS: Hindi pa ako tapos….dahil may inihanda pa akong isang malakas na Terrozoid.

At mula sa Giant Tube, lumabas ang isang Terrozoid….

MEGIDDUS: Ipinakikilala ko sa inyo, si Ixodizoid!!!!


BALAAM: At ano naman ang mapapala natin sa halimaw na iyan?

MEGIDDUS: Marami! Kaya niyang gayahin ang kahit anong galaw at technique na ginagawa ng Gammarangers.  Lahat ng fighting styles at attack styles ay kaya niyang kopyahin.

NECROMA: Parang si Convexoid lang---

MEGIDDUS: Ibahin mo ito, Necroma. Kung si Convexoid ay weapons ang ginagaya, si Ixodizoid ay mas higit pa.

GANELON: Hmmm, mukhang magandang ideya yan. Habang kasalukuyang nananalasa si Black Patriot, ay abala naman ang Gammarangers sa pakikipaglaban kay Ixonozoid. At dahil kayang kopyahin ng Ixodizoid angmga atake ng Rangers, madali silang susuko at wala nang sagabal sa ating mga plano! Sige gawin mo ang plano mo Megiddus! Ha ha ha ha ha!!!!!
_____________________________________

UDF Gamma Base…..

Nasa kanyang sariling silid si Gen. Angeles at balisa pa rin. Nasa balcony ito kasama si Alice habang umiinom ng kape. Nais ng heneral na may makausap sa kanyang kinakaharap na sitwasyon ngayon.

GEN. ANGELES: Matapos ang mahigit isang taon….lagi kong iniisip na buhay pa siya. Umasa ako na magkikita ulit kami. Kung nakikita niyo ako na maayos sa labas, tuwing tinitingnan ko ang mga larawang iyan, nananariwa ulit ang sakit….ang pagkawala ng aking asawa, ang kalagayan ni Julianna, at ang pagkawala ni Paolo.

ALICE: Diko po akalain na ganyan kasaklap ang nangyari sa inyong pamilya.

GEN. ANGELES: Ang lahat ng pagsisikap ko, paghihirap….parang balewala kung wala sila….Naaawa ako kay Julianna, ano kayang kinabukasan ang naghihintay sa kanya? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya pag nalaman niyang buhay ang kuya niya?

ALICE: Palagay ko po ay matutuwa siya pag nalaman niyang buhay si Paolo.

GEN. ANGELES: Mahal na mahal niya ang kuya niya. Labis siyang nasaktan nang malaman niyang wala na si Paolo, kaya lalong lumala ang sakit niya sa puso. Si Paolo, alam kong may natitira pang kabutihan sa puso niya. Alam kong miss na rin niya kaming pamilya niya.

ALICE: Magtiwala po kayo, Sir. Babalik din siya sa inyo.

GEN. ANGELES: Sana nga Alice, sana nga…
______________________________________

Kinaumagahan, Dumadaan sa corridor si Gen. Angeles papunta sa Database, nang makasalubong si Owen…

OWEN: Sir! (sabay saludo)

Ngunit tila hindi siya pinansin ng heneral….

OWEN: Huh? Anong problema niya?

Pagdating sa Database ay nakasalubong niya si Alice…

ALICE: Good morning Sir, heto na po ang latest report sa on-going repairs sa Gammabase Explosion….

Tiningnan ito ng heneral at pinirmahan. Saka lumakad palayo.

ALICE: Sir, hindi niyo man lang ba babasahin?

GEN. ANGELES: Huwag muna ngayon.

Ipinagtaka naman ito ni Alice….
______________________________________

Sa itaas ng isang gusali sa Makati…

Naglalakad si Black Patriot sa pinakatuktok ng gusaling iyon. Pinagmasdan niya ang tanawin sa ibaba at inactivate ang isang image sa kanyang helmet. Larawan ni Gen. Angeles ito.

BLACK PATRIOT: Kailangang tapusin ko ang taong ito! Kasabay na rin ng pagsira sa lugar na ito! Raaaaaaaahhhh!!!!

Inilabas niya mula sa kanyang Leg Armor ang kanyang Pyrrovolver at nirapido ng Laser Blast ang isang gusali….

BOOOOMMMMM!!!!!!
______________________________________

“RED ALERT! RED ALERT! AXIS ACTIVITY DETECTED! AXIS ACTIVITY DETECTED!”

Naging alerto ang lahat ng nasa Gamma Base. Agad ding tumakbo papuntang Database ang limang Rangers,

Pagkapasok ng lima….

JAKE: Anong balita, Alice?

ALICE: Rangers, bumalik na si Black Patriot! Ngayon nasa Makati sa may Ayala Avenue at doon nanggugulo.

Tiningnan lang ng lima ang gagawin ng kalaban.

JAKE: Nasaan si Gen. Angeles?

OWEN: Umalis nang hindi man lang nagsasalita.

ABBY: You mean hindi man lang niya sinabi kung saan siya pupunta?

BRIAN: Hindi niya ugaling umalis na lang ng walang pasabi.

ALICE: Hindi ko akalaing ganun ang magiging epekto sa kanya ng pagbabalik ng anak niya.

MALIN: Paano yan, hindi natin pwedeng labanan si Kuya Pao…..

BRIAN: Pero sisirain niya ang lungsod!

SCOTT: This is an emergency! We got to do something!

Kinuha ni Alice ang communicator niya upang tawagan si Gen. Angeles. Ngunit hindi sumasagot ito.

ALICE: Ayaw niyang sagutin.

ABBY: Hindi kaya……
_____________________________________

Takbuhan ang mga tao sa lugar na iyon habang patuloy lang sa pagsira si Black Patriot. Lahat ng madadaanan niya ay kanyang pinapatamaan ng kanyang Pyrrovolver. Maski ang mga inosenteng sibilyan ay hindi niya pinatawad. Maraming nasawi sa kanynag pag-atake.

Ilang saglit pa ay may batang babaeng nadapa habang tumatakbo palayo. Babarilin niya sana ito, subalit may lumapit na batang lalaki sa babae at tinulungan itong tumayo at tumakbo. Biglang natigilan si Black Patriot sa kanyang nakita….tila may naalala siya.

Flashback….

Umiiyak ang isang batang babae matapos habang pinagtatawanan siya ng ibang mga bata sa daan.

BATA 1: Wahahaha Mongoloid! Mongoloid! Mongoloid!

BATA 2: Yan ang bagay sayo Abno! Wahahahaha!!!!

BATANG BABAE: Hu hu hu h u…….(mapait ang iyak)

Ilang saglit pa…

“Hoy! Anong ginawa niyo sa kapatid ko?

BATA 1: E Mongoloid kasi yang utol mo e!

BATANG LALAKI: A ganon ha?!

Biglang sinuntok ng batang lalaki ang tiyan ng nang-aasar na bata. Nasaktan ito, akmang gaganti ang isa pang bata ngunit inunahan siya ng suntok ng batang lalaki. Sa takot at sakit ay umalis ang dalawang salbaheng bata. Lumapit ang batang lalaki sa batang babae at tinulungan itong tumayo.


BATANG LALAKI: Julianna….sinaktan ka ba nila?

BATANG BABAE: Hu hu hu hu…Kuya Pao-pao….tinawag po ako Mongoloid….hu hu hu hu…..

BATANG LALAKI: Sabi sayong wag kang lalabas ng bahay eh. Tsaka hindi ka Mongoloid, yan ang tandaan mo.

BATANG BABAE: Talaga Kuya?

BATANG LALAKI: Oo syempre Kuya mo ako. Basta nandito ako, walang mananakit sayo. Tara uwi na tayo may pasalubong si Daddy….

BATANG BABAE: Yehey!!!

Napayakap naman ang batang babae sa kuya nito.

BATANG BABAE: Talamat, Kuya ha…..


BLACK PATRIOT: Ano itong naiisip ko?.....Bakit pamilyar ang mga batang iyon?

Ilang saglit pa ay napaligiran siya ng mga pulis.

PULIS 1: Itigil mo yan! Huwag kang kikilos ng masama!

BLACK PATRIOT: Mga istorbo!

Biglang pinaulanan ni Black Patriot ng Pyrrovolver ang mga nakapaligid na pulis. Nasawi ang iba, habang ang ilan naman ay nagsitakbuhan sa sobrang takot.

BLACK PATRIOT: Kelangang makita ko ang taong iyon….

Nang biglang may pumaradang Patrol Jeep sa kanyang harapan….

BLACK PATRIOT: Huh?

Bumaba ang sakay nito, at nagulat si Black Patriot nang makita ang tao. Ito ang kanyang puntirya. Si Gen. Angeles.

GEN. ANGELES: Itigil mo yan.

BLACK PATRIOT: Ikaw! Ikaw ang taong dapat kong tapusin!

GEN. ANGELES: Ano?

Biglang nagpaputok ulit ng Pyrrovolver si Black Patriot. Nakaiwas naman ang heneral. Sa kabila ng kanyang edad ay malakas pa rin ito.

GEN. ANGELES: Paolo! Itigil mo na yan!

BLACK PATRIOT: Sinong Paolo? Hindi Paolo ang pangalan ko!!!

Tumira ulit ng Pyrrovolver si Black Patriot. Nakailag naman si Gen. Angeles. Ngunit pag-ilag ng heneral, nagulat siya nang nasa likod na niya ang kalaban. Bigla siyang binayo ni Black Patriot mula sa likod.

GEN. ANGELES: Aaaaaaahhh…..

Napahiga si Gen. Angeles. Bigla siyang inapakan ni Black Patriot sa dibdib at akmang papuputukin ulit sa ulo.

BLACK PATRIOT: Mamamatay ka!

GEN. ANGELES: Paolo, anak….tama na…..

BLACK PATRIOT: Anak? Anong pinagsasasabi mo?! Nahihibang ka na ba?!

Lalong diniinan pa ni Black Patriot ang pag-apak sa dibdib ng heneral.

GEN. ANGELES: Makinig ka Paolo! Miss ka na ni Julianna!

Biglang natigilan si Black Patriot nang marinig niya ang pangalang nabanggit. Tila isang matinding alaala ang biglang sumagi sa kanyang isip….

BLACK PATRIOT: Julianna…?

Tila nalito ito pagkarinig ng pangalang Julianna. Biglang sumagi sa kanyang isip ang isang batang lalaki na sinasagip ang batang babae mula sa mga manunuksong bata, ang pakikipaglaro nito sa damuhan, ang pagbibigay ng batang lalaki ng regalo sa batang babae, at ang mga katagang, “Dad, pangako poprotektahan ko si Julianna, walang mananakit sa kanya”….

BLACK PATRIOT: Julianna…?

Tinitigang mabuti ni Black Patriot ang nakahandusay na heneral.

GEN. ANGELES: Mahigit isang taon na ang lumipas, nasa Japan ka at may Operasyon kayo doon. Dala mo ang rosaryong bigay ko sayo. Kinumusta mo rin ang kapatid mong si Julianna. Alam ko kung gaano mo kamahal ang kapatid mo. Nangako ka na poprotektahan mo siya sa lahat ng magtatangkang mananakit sa kanya dahil sa kanyang pagiging special child…

Litung-lito si Black Patriot sa puntong iyon.

BLACK PATRIOT: Dad?

GEN. ANGELES: Oo anak. Ako ang ama mo, at ang pangalan mo ay Paolo…ikaw si Lance Corporal Julian Paolo Angeles…..

Tila nag-iiba ang kilos ni Black Patriot…..subalit….

BLACK PATRIOT: HINDI MO AKO MALOLOKO! KATAPUSAN MO NA!!!

BAAAANNNNGGGG!!!!

Nabitawan ni Black Patriot ang kanyang Pyrrovolver matapos tamaan ito ng isang Laser Blast galing sa…

GEN. ANGELES: Rangers!!!

Dumating ang Gammarangers upang tulungan si Gen. Angeles.

GAMMA RED: Huwag mong sasaktan yang erpat mo!

BLACK PATRIOT: Mga istorbo!

Nagpaputok ulit ng Pyrrovolver si Black Patriot sa lima, ngunit hindi natinag ang mga ito sa kabila ng lakas ng Blast.

GEN. ANGELES: Rangers huwag! Huwag niyo syang sasaktan!

GAMMA BLUE: Pero kailangang matigil na po ang ginagawa niya!

Alanganing umatake ang Gammarangers, kaya sinamantala ito ni Black Patriot.

BLACK PATRIOT: Pyrrovolver Blade Mode!

Pinagtataga niya ang limang Rangers ng sabay-sabay. Hindi gaanong makalaban ang lima dahil ayaw itong mangyari ni Gen. Angeles.

GAMMA GREEN: Sir, tumakas na kayo, Bumalik na po kayo sa Base---aaaahh!!! (nataga siya ni Black Patriot)

GEN. ANGELES: Pero si Paolo….

GAMMA RED: Rangers, activate Gamma Bayonets!

Inilabas nila ang kanilang G-Firearms at Gamma Daggers at pinagdugtong ang mga ito. Saka lumaban si sabayan kay Black Patriot. Sa taglay na sandata ng limang Rangers, ay unti-unti nilang napapasuko si Black Patriot.

Akmang sabayan n asana nilang tatagain si Black Patriot, nang…

BLACK PATRIOT: Bwiset, malaking porsiyento ng Power Level ko ang nawala. Makaalis na nga muna! Babalikan ko kayo!

Tumakbo palayo si Black Patriot.

GEN. ANGELES: Paolo!

BLACK PATRIOT: May araw ka rin, Angeles!

At tumakbo na ng tuluyan ang kalaban.

GEN. ANGELES: Paolo, sandali!  Rangers sundan natin siya!

GAMMA RED: Okay po!

Tumakbo ang Gammarangers at si Gen. Angeles upang sundan si Black Patriot, ngunit….

“SAAN KAYO PUPUNTA?”

GEN. ANGELES: Megiddus?

Hinarang sila ni Megiddus kasama si Ixodizoid.

GAMMA RED: Sir, lumayo na po kayo dito. Mukhang hindi natin mahahabol si Paolo dahil sa mga asungot na ‘to!

GEN. ANGELES: Fonseca…

GAMMA RED: Kami na po ang bahala dito.

GEN. ANGELES: Sige.

MEGIDDUS: Ixodizoid, attack!

Sumugod si Ixodizoid sa limang Rangers.

Dali-daling sumakay ng Patrol si Gen. Angeles. Ngunit hinarang siya ni Megiddus.

MEGIDDUS: Hindi ka makakatakas, Angeles!

Tatapusin na sana ni Megiddus ang heneral, ngunit napigilan siya ni Gamma Red.

GAMMA RED: Ako ang harapin mo Megiddus!

Naglaban ang dalawa ng mano-mano.

GAMMA RED: Sir, umalis na kayo!

GEN. ANGELES: Sige, salamat Fonseca.

At pinaandar na ng heneral ang Patrol Jeep at saka lumayo.

MEGIDDUS: Panira ka talaga, Gamma Red!

GAMMA RED: Mas ikaw, gunggong!

At matinding naglaban ang dalawang mandirigma.

Samantala, hirap na hirap ang apat na Rangers na makipagsabayan kay Ixodizoid. Bulagta silang lahat matapos madale ng matitinding Sting Needles ng halimaw. Tumilapon lang ang mga sandata nila dahil sa lakas ng hamilaw.

GAMMA BLUE: Malakas ang isang ito.

GAMMA YELLOW: Owver!

Pagkuwa’y tumayo ulit si Gamma Yellow at nilabanan ulit si Ixodizoid gamit ang kanyang technique sa Wushu. Subalit laking gulat at pagtataka niya nang makitang ginagawa rin ng halimaw ang mga atake ng Ranger.

GAMMA YELLOW: Huh? Gumagamit din siya ng Wushu?

At siya’y nasipa palayo…

GAMMA YELLOW: Aaaaaahhhhh…..!

GAMMA VIO: My turn! He can’t do Jujitsu!

Ngunit mali ang akala niya, nagagaya rin ni Ixodizoid ang mga atake ni Gamma Vio.

GAMMA VIO: Wha---?

At bigla siyang binuhat at pinabagsak…

GAMMA VIO: I can’t believe it!

GAMMA GREEN: Ako naman!

Bihasa sa karate si Gamma Green, ang problema ay pati ito ay gayang-gaya ng halimaw. Kung ano ang atakeng ibinibigay ni Gamma Green, ganun din ang balik sa kanya at mas higit pa. Napahandusay na lang si Gamma Green.

GAMMA BLUE: Abby!

GAMMA GREEN: Paano niya nagagaya mga kilos natin?

GAMMA BLUE: Hindi maaari!

Umatake si Gamma Blue gamit ang Taekwondo techniques, ngunit gaya ng mga naunang p-ag-atake…

GAMMA BLUE: Nakokopya rin niya mga kilos ko!

Habang sa isang laban naman…

MEGIDDUS: Malakas ka Gamma Red!

GAMMA RED: Dapat sa iyo kinakaskas ang mukha sa aspalto!

MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Ayokong masira ang aking guwapong mukha! Bahala na si Ixodizoid sa inyo! Bwa ha ha ha!!!

At bigla na lang naglaho si Megiddus.

GAMMA RED: Bumalik ka dito, bakla!!!

Agad napalingon si Gamma Red sa halimaw.

GAMMA RED: Isa ka pa! Yaaaaaa!!!!

Umatake si Gamma Red gamit ang kanyang Gamma Bayonet, ngunit gumanti ng Sting Needle si Ixodizoid, dahilan upang tumilapon ang Bayonet.

GAMMA RED: Asar! Jujudohin na lang kita!

GAMMA BLUE: Fonseca, huwag! Gagayahin lang niya ang atake mo!

GAMMA RED: Tingnan natin!

Agad ginamitan ni Gamma Red ng Judo si Ixodizoid, ngunit gaya ng apat, kopya rin ng halimaw ang atake niya, kaya siya ay napabagsak din.

GAMMA BLUE: Sabi sa’yo eh.

GAMMA RED: Sabi ko nga….

Sinusubukang tumayo ng lima, ngunit isang malakas na Sting Fireball ang ibinigay ni Ixodizoid sa lima, kaya

BOOOOOOOMMMM!!!!

Napatilapon sa ere ang Gammarangers dahil sa matinding atake ng halimaw….

Matapos iyon ay agad din umalis ang halimaw…

GAMMA RED: Ang malas naman ng araw na’to!
______________________________________

UDF Gamma Base…..

JAKE: Anak ng tokwang bayawak! Paano tayo mananalo sa kupal na halimaw na yon? Kung ginagaya niya mga galaw natin?

BRIAN: Kesa pumutak ka diyan, mag-isip ka na lang ng paraan kung paano tayo mananalo!

JAKE: Ikaw palagi mo na lang akong pinangungunahan ha!

BRIAN: Ayusin mo kasi yang pananalita mo! Para kang hindi sundalo.

ALICE: Tumigil na nga kayong dalawa! Palagi na lang….

ABBY: Kelangang makaisip tayo ng paraan para hindi niya magaya ang mga galaw natin…

SCOTT: We must think of something he never seen before….we must have a surprise attack.

MALIN: Ate Alice, nasaan si General?

ALICE: Hindi pa bumabalik dito.

JAKE: Akala ko bumalik siya dito matapos kamuntikan kay Megiddus….

ALICE: Sa tingin ko gusto niya muna mapag-isa.

BRIAN: Hindi kaya sinundan niya si Black Patriot?

Sa gitna ng usapan, biglang may naisip si Abby.

ABBY: Mukhang alam ko na kung paano natin matatalo ang halimaw!

MALIN: Paano Ate?

ABBY: Magpalit tayo ng Fighting Styles!

JAKE: Ano?!

ABBY: Pansin ko kanina habang susugod tayo, umilaw ang mata niya. Sa palagay ko iaanalyze niya muna ang mga galaw natin, at yun ang iuupload niya sa program niya, para kung anuman ang ibato natin sa kanya, yun din ang ibabalik niya.

BRIAN: Pansin ko rin iyon.

ABBY: Kung magpapalit-palit tayo ng atake, malilito siya kasi ang nasa program niya ay ang natural Fighting Styles natin.

MALIN: Like ko yan Ate! Galing mo talaga!

SCOTT: Damn Abs, you are one brainy chick!

BRIAN: Galing mo talaga Abby.

JAKE: Okay sige! Gawin natin yan. Mukhang magaling din naman tayo sa ibang styles eh.

Nang biglang…..

“AXIS ALERT! AXIS ALERT! ENEMY SPOTTED! ENEMY SPOTTED!”

ALICE: Guys, bumalik na ang halimaw! At nasa MOA Area!

JAKE: Okay Rangers, tayo na! Gawin natin ang napag-usapan!

ALL: Roger!
_____________________________________

Sa may Mall of Asia, takbuhan ang mga tao nang nanalasa na si Ixodizoid. Maraming ari-arian ang napinsala ng halimaw at marami ring sibilyan ang napatay niya. Saktong dumating naman ang limang Gammarangers.

GAMMA RED: Hoy halimaw! Bistado na namin yang style mo!

Agad naming humarap ang halimaw at inatake ang limang Rangers. Nagbuga ulit ito ng Sting Needles. Mabilis na naiwasan ito ng Rangers.

Agad sumugod si Gamma Yellow sa halimaw, akmang gagayahin na ng halimaw ang kilos niya, subalit laking gulat nito nang imbes na Wushu, Karate ang ginamit niyang atake. Nalito ang halimaw at sinamantala naman ito ni Gamma Yellow.

GAMMA YELLOW: Haiiiiyaaaaaa!!!! (napahandusay ang halimaw). Hahaha hindi mo keribels yan!

GAMMA VIO: My turn!

Pinilit tumayo ni Ixodizoid, ngunit sumugod na si Gamma Vio. Akala ng halimaw ay Jujitsu ang gagawin niya, ngunit Judo ang ginamit ng Ranger.

GAMMA VIO: Surprised? Now take this!

Isang Grab at take-down ang ginawa ni Gamma Vio. Nasaktan ng husto ang halimaw.

GAMMA GREEN: Sabayan ko na!

Gagamit sana ng Karate si Ixodizoid ngunit nabigla ang hamilaw nang Wushu pala ang atakeng gagamitin ni Gamma Green. Nataranta ang halimaw dahil nakaprogram na sa kanya na Karate ang atake ni Gamma Green. Tumilapon ang halimaw nang masipa siya ng Ranger.

GAMMA BLUE: Ako naman!

Jujitsu ang ginamit ni Gamma Blue imbes na Taekwondo na bihasa siya. Buong husay niyang ginamit ang technique upang matalo ang halimaw.

GAMMA RED: Panghuli naman! Tikman mo ang Taekwondo ko!

Taekwondo naman ang ginamit ni Gamma Red. Sa sobrang lito ng halimaw ay hindi na ito nakalaban. Sumabog nang kaunti si Ixoidizoid dahil nasira ang Attack Memory System nito.

GAMMA RED: Guys nawiwindang na siya. Pasabugin na natin ang mokong na to!

ALL: Roger!

GAMMA RED: Activate Gamma Bayonets!

Inilabas nila ang kanilang Gamma Daggers at G-Firearms upang mabuo ang Gamma Batonets. Lumundag sina Gamma Blue at Gamma Vio at tinaga ang halimaw. Sunod naming umatake sina Gamma Green at Gamma Yellow upang tagain din ito. Panghuling lumundag si Gamma Red at dinale ang tiyan ng halimaw.

At bilang panghuling hirit….

GAMMA RED: Gamma Bayonets Rifle Mode! Lock-On Target!.......Ready…Aim….

ALL: Fire!!!!

Isang putok lang ng mga Gamma Bayonets, sabog na ang halimaw.

GAMMA RED: Ayos!

GAMMA YELLOW: Pasalamat tayo kay Ate Abby!

GAMMA GREEN: Lang anuman iyon…

Ngunit biglang….

BOOOOMMMM!!!!!

Nagulat ang lima nang biglang sumabog sa kanilang likuran. Sumambulat sila at napalagpak...

GAMMA BLUE: Ano iyon?

Nang humupa ang usok, nakita nila ang nilalang na nagpasimula ng pagsabog…..Si Megiddus, tumira siya ng isang higanteng Macron Wave…..

MEGIDDUS: Ha ha ha ha ha!!!! Magaling Gammarangers! Matalino talaga kayo! Nagawa ninyong talunin ang aking Ixodizoid….Pero kung iniisip niyo na nanalo na kayo, nagkakamali kayo! Sa akin pa rin ang huling halakhak! Ha ha ha ha!!!!

GAMMA RED: Anong ibig mong sabihin?

MEGIDDUS: Magugustuhan niyo ang ipapakita ko!

Naglabas ng isang animo’y hologram portal screen si Megiddus. Laking gulat ng lima nang makita nila ang nasa screen….

…Si General Angeles na walang malay at naka-Electric Chain! Ay unti-unting nilulubog sa kumukulong asido!...

GAMMA GREEN: General Angeles!

GAMMA VIO: Noo!!!

GAMMA RED: Hindi! Anong ginawa niyo kay General!

At mas nagulantang ang lima nang makita sa screen si Black Patriot na tinututukan ang heneral ng kanyang Pyrrovolver.

GAMMA YELLOW: Mga wala kayong awa! Pakawalan niyo siya!

GAMMA BLUE: Ipapapatay niyo si General Angeles sa sarili niyang anak?

MEGIDDUS: Hindi ba’t nakakatuwa? Si Black Patriot pa ang tatapos sa heneral ninyo! Ang kanyang anak! Magandang ideya di ba?

GAMMA GREEN: Paano niyong nagawang maging ganyan si Paolo?

MEGIDDUS: Marahil ay nagtataka kayo kung paanong napunta sa amin ang kanyang anak. Isang taon na ang nakakalipas, inakala ng marami na napatay si Paolo Angeles. Ngunit yun ay isang palabas lang namin. Nang makita kong humihinga pa siya, ipinadakip ko siya at ginawang holding captive. Nagpupumiglas siyang makatakas, at nakita ko ang kanyang taglay na lakas, kaya naisip ko na magagamit namin ang isang tulad niya. Binrainwash namin siya at mas pinalakas, nilagyan namin siya ng Microchip at Genetically-Enhanced Mechanism upang maging pinakamagaling kong mandirigma. Kaya naging matagumpay ang pagsakop ko sa Asya ay dahil sa kanya.


GAMMA RED: Napakasama mo! Hudas ka!!!!

GAMMA BLUE: Parang awa mo na Megiddus! Pakawalan mo si General Angeles!

MEGIDDUS: Madali akong kausap….Upang mailigtas ang inyong Padrino…wala kayong gagawin kundi ibigay sa amin ang inyong Morphing Badges! Kapalit ng kanyang kaligtasan.

GAMMA BLUE: Ano?!

GAMMA RED: Hindi pwede! Ano ka hilo?

MEGIDDUS: Nasa sa inyo ang pagpapasya. Sa loob lamang ng isang oras ay mamamatay na ang taong nakikita niyo sa inyong screen….Ha ha ha ha!!!!

GAMMA YELLOW: Paano na...anong gagawin natin?

GAMMA VIO: Damn it!
______________________________________

Sa Gamma Base naman…

Kitang-kita ng lahat ng nandoon ang pangyayari sa Battle Field…Balisa ang lahat dahil sa nangyari kay General Angeles at ang kapalit ng kanyang kaligtasan.

ALICE: Rangers….huwag…….(napaluha ang mata)
______________________________________

Tahimik ang lima dahil hindi malaman ang gagawin, ngunit ilang saglit pa ay....

GAMMA RED: Mga kasama, i-deactivate na natin ang mga Badges....

GAMMA BLUE: Ano? Ibig mong sabihin...

GAMMA RED: Tama Tavarez. Isusuko na natin ang ating mga Morphers....

GAMMA GREEN: Pero Fonseca---

GAMMA RED: Wala na tayong choice. Mas importante si Gen. Angeles kesa sa mga Morphers natin.


Tumunog ang communicator ni Gammarangers, si Alice ang nasa kabilang linya...


ALICE: Rangers, huwag! Huwag niyong gagawin iyan!


GAMMA RED: Wala na kaming magagawa Alice...kelangang maligtas si Gen. Angeles...patawad.


Hindi pa tapos magsalita si Alice, dineactivatye na ni Gamma Red ang kanyang Armor....Matapos iyon, labag man sa kanilang kalooban, dineactivate din ng apat ang kanilang morphers....


MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Yaaan e di nagkasundo tayo!


Itinapon ng limang Rangers ang kanilang Morphing Badges....


Itutuloy…..