Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
UDF Gamma
Base, 15:40
Nagimbal ang
lahat ng nasa Database matapos marinig ang rebelasyon ni Gen. Angeles.
GEN. ANGELES: Yun ang dahilan kaya ko kayo pinigilan. Hindi ko masikmura na
kayo ang tatapos sa sarili kong anak……Si Paolo…
ALICE: Pero Sir….paano po nangyari iyon? Akala ko po ba e nasawi siya sa
isang Military Operation sa Japan?
GEN. ANGELES: Hindi ko rin alam, Alice. Isang taon na ang nakakalipas mula nang
mangyari ang pagkawala niya. Nadestino siya sa Japan upang tulungan ang
Japanese Army na labanan ang AXIS, ngunit nabigo sila. Natalo ang buong
Japanese Army pati na ang Phil. Marines na kinabibilangan niya. Base sa reports
na binigay sa akin, napatay daw siya sa isang engkwentro laban sa mga
Cranumites…..Hindi pala totoo ang ibinigay nilang report. Buhay siya…buhay ang
anak ko….at nasa panig na ng kasamaan…..
ABBY: Paano kaya siya nabuhay? At paano siyang napunta sa AXIS?
Di
mapigilang mapaluha ni Gen. Angeles. Napayuko naman ang limang Rangers sa
narinig na salaysay ng heneral.
__________________ Opening Song ___________________
Mission 15: Pag-alala sa Nakatagong Nakaraan
Flashback……
Sa isang
Army Detachment sa Okinawa…
SOLDIER 1: Angeles, bilisan mo, mahuhuli na tayo!
PAOLO: Sandali lang, nandyan na!
Biglang
tumunog ang Cellphone Ni Paolo, ang ama niyang si Gen. Angeles ang nasa
kabilang linya…
PAOLO: Hello Dad!
GEN. ANGELES: Hello Pao….kumusta na dyan?
PAOLO: Okay naman po. Heto papunta na kami ng Tokushima. May AXIS
activity po kasi doon, kelangang mapigilan namin sila para hindi na sila umabot
dyan. Magagaling naman po kaming 1st Marine Battalion. Eh kayo po?
GEN. ANGELES: Nasa Camp Aguinaldo ako ngayon, may General Assembly na dadaluhan…..Malakas
ang AXIS anak. Hindi sila basta-basta isang Terrorist Group. Sana magawa niyo
ang mission ninyo.
PAOLO: Don’t worry Dad. Kasama ko naman si Bro. (tiningnan ang rosaryo
na suot niya sa kanyang kamay.) Musta na nga po pala si Julianna?
GEN. ANGELES: Okay naman siya. Nasa Tita Frida mo. Magaling na siyang
magdrawing. Manang-mana sayo ha ha ha.
PAOLO: Ha ha ha oo nga po. Pano po mauna na ako, punta na po kami sa
Combat Zone.
GEN. ANGELES: Sige anak, mag-iingat ka….
PAOLO: Salamat po!
At umalis na
si Paolo papunta sa kanyang assignment….
_________________________________
Matapos ang
3 araw…..
Camp
Aguinaldo, Office of the Commanding General….
“Sir, may
phone call po kayo…”
“Sino daw?”
“1st
Marine Battalion daw po from Japan”
“Sige,
salamat…General Julian Angeles speaking….”
“Gen.
Angeles, this is Lt. Col. Rodrigo Nabong…”
GEN. ANGELES: Lt. Col. Nabong, ano na ang balita diyan?
LT. COL. NABONG: Sir, huwag po kayong mabibigla sa ibabalita ko…
GEN. ANGELES: Ano ang ibig mong sabihin…
LT. COL. NABONG: Sir, natalo ang Marines at ang Japanese Army, AXIS is now on a
rampage, they are fast approaching there….
GEN. ANGELES: Ano? Papunta na dito ang AXIS? Si Paolo, kumusta na siya?
LT. COL. NABONG: (bunting-hininga) Sir…..I’m sorry to tell you this…….
GEN. ANGELES: Ano nga?
LT. COL. NABONG: I’m really sorry Sir….He’s gone….Lance Corporal Julian Paolo
Angeles….. is gone…..
Natigilan ng
ilang segundo si Gen. Angeles matapos marinig ang malagim na balita. Nagbalik
sa kanyang isipan ang mga huling pag-uusap nila. Halos maiyak siya sa narinig
na balita.
GEN. ANGELES: Lt. Col. Nabong, baka naman false alarm lang yan. Imposible yan,
nakausap ko pa siya three days ago. That can’t be true---
LT. COL. NABONG: I’m sorry Sir, but reliable sources already confirmed it…I’ll
send you a phone image.
GEN. ANGELES: Hindi! Niloloko mo lang ako! Hindi patay ang anak ko!!!
At pinatay ng
heneral ang telepono. Bigla namang may nagsend ng image sa cellphone niya,
larawan ng isang sundalong nakadapa at may rosaryo sa kamay. Alam nya ang
rosaryong iyon, dahil siya mismo ang nagbigay sa kanya nun bago umalis ang anak
papuntang Japan.
Napahagulgol
si Gen. Angeles sa nakita.
GEN. ANGELES: Hindi, hindi siya ito….imposible….Paolo……
Napasandal
na lang sa kinauupuan si Gen. Angeles. Hindi pa rin makapaniwala sa nakitang
larawan.
Tinawagan
niya ang kanyang piloto upang sumakay sa private jet at pumunta ng Japan para
makita ang labi ng anak. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya nadatnan doon
ang bangkay ni Paolo, na siyang ikinagalit niya ng husto.
Back to present………
GEN. ANGELES: Hindi namin narecover ang kanyang bangkay. Inisip ko na baka buhay
pa siya…pero ang larawang iyon….hindi ako maaaring magkamali, siya iyon….
May kinuha
si Gen. Angeles sa kanyang bulsa….ang rosaryo na suot ni Paolo.
GEN. ANGELES: Ito ang rosaryong bigay ko sa kanya. Ito na lang ang narecover na
bagay mula sa pinangyarihan ng trahedya mula sa kanya.
Lumapit si
Jake at hinawakan ang balikat ni Gen. Angeles.
JAKE: Sir…..wag po kayong mag-alala. Hindi po namin siya lalabanan.
Gagawin po namin ang lahat ipang tulungan na ibalik siya sa inyo.
___________________________________
AXIS Mega
Base
MEGIDDUS: Muntikan na tayo doon! Kung hindi dahil sa kanilang bagong
sandata, baka natapos mo na sila!
KO-36: Patawad po…Hindi na ako mabibigo ulit sa susunod…
NECROMA: Ngunit nakakapagtaka….Bakit sila umurong sa laban? Samantalang
iyon na ang pagkakataon na matalo tayo!
BALAAM: Hindi kaya’t natakot sila?
DYMARO: Imposible, yun na ang pagkakataon nilang matalo si Black Patriot,
ngunit hindi nila tinuloy.
CALYX: Ayaw nyo iyon? Umurong ang butsi nila matapos matikman ang lupit ng
atake ni Black Patriot?
GANELON: Ngayong umurong ang Gammarangers, ito na ang pagkakataong wasakin
ang bansang ito! Black Patriot, humayo ka at ituloy ang pagwasak!!!
KO-36: Masusunod po, Kamahalan…..
Paalis na
sana si KO-36, nang pigilan siya ni Megiddus.
MEGIDDUS: Sandali lang….may ipapagawa pa ako sa iyo…
KO-36: Ano iyon?
MEGIDDUS: Gusto kong tapusin mo ang taong ito….
Inactivate
ni Megiddus ang Monitoring Screen, biglang lumitaw ang larawan ni Gen. Angeles.
MEGIDDUS: Ngayon din ay patayin mo ang taong iyan. Isa siyang masamang
kaaway…
Tinitigan
maigi ni KO-36 ang larawan….
KO-36: Masusunod Kamahalan.
Umalis si
KO-36, habang ang ibang AXIS Generals….
BALAAM: Hindi ba’t iyon ay si…
MEGIDDUS: Tama, siya si Gen. Julian Angeles, ang pinuno ng Gammarangers….ang
kanyang ama.
Nagulat ang
lahat matapos sabihin ni Megiddus ang katagang iyon.
DYMARO: Ibig mong sabihin, ipapapatay mo kay KO-36 ang sarili niyang ama?
MEGIDDUS: Mahigit isang taon na ang nakakaraan, nang masakop natin ang
Japan, naging saksi ako sa katapangan ng batang iyan. Isa siya sa mga
pinakamagaling na sundalo ng Phil. Marines. Hindi siya tuluyang nasawi, bagkus
ay agad namin siyang kinuha dahil baling araw ay mapapakinabangan natin siya.
Binura namin ang lahat ng kanyang alaala, mula noon ay isinilang ang isang
malakas na mandirigma, na siyang nagging aking magaling na espiya upang sakupin
ang mga natitirang bansa sa Asya. Nang ipatawag niyo ako dito, itinago ko siya
sa Basement ng Headwuarters upang doon siya magpalakas.
NECROMA: Kung tatapusin ni KO-36 ang Angeles na iyan, tiyak na masisira na
ang diskarte ng Gammarangers at madali na natin silang matatalo!
MEGIDDUS: Hindi pa ako tapos….dahil may inihanda pa akong isang malakas na
Terrozoid.
At mula sa
Giant Tube, lumabas ang isang Terrozoid….
BALAAM: At ano naman ang mapapala natin sa halimaw na iyan?
MEGIDDUS: Marami! Kaya niyang gayahin ang kahit anong galaw at technique na
ginagawa ng Gammarangers. Lahat ng
fighting styles at attack styles ay kaya niyang kopyahin.
NECROMA: Parang si Convexoid lang---
MEGIDDUS: Ibahin mo ito, Necroma. Kung si Convexoid ay weapons ang
ginagaya, si Ixodizoid ay mas higit pa.
GANELON: Hmmm, mukhang magandang ideya yan. Habang kasalukuyang nananalasa
si Black Patriot, ay abala naman ang Gammarangers sa pakikipaglaban kay
Ixonozoid. At dahil kayang kopyahin ng Ixodizoid angmga atake ng Rangers,
madali silang susuko at wala nang sagabal sa ating mga plano! Sige gawin mo ang
plano mo Megiddus! Ha ha ha ha ha!!!!!
_____________________________________
UDF Gamma
Base…..
Nasa kanyang
sariling silid si Gen. Angeles at balisa pa rin. Nasa balcony ito kasama si
Alice habang umiinom ng kape. Nais ng heneral na may makausap sa kanyang
kinakaharap na sitwasyon ngayon.
GEN. ANGELES: Matapos ang mahigit isang taon….lagi kong iniisip na buhay pa
siya. Umasa ako na magkikita ulit kami. Kung nakikita niyo ako na maayos sa
labas, tuwing tinitingnan ko ang mga larawang iyan, nananariwa ulit ang
sakit….ang pagkawala ng aking asawa, ang kalagayan ni Julianna, at ang
pagkawala ni Paolo.
ALICE: Diko po akalain na ganyan kasaklap ang nangyari sa inyong
pamilya.
GEN. ANGELES: Ang lahat ng pagsisikap ko, paghihirap….parang balewala kung wala
sila….Naaawa ako kay Julianna, ano kayang kinabukasan ang naghihintay sa kanya?
Ano kaya ang magiging reaksiyon niya pag nalaman niyang buhay ang kuya niya?
ALICE: Palagay ko po ay matutuwa siya pag nalaman niyang buhay si Paolo.
GEN. ANGELES: Mahal na mahal niya ang kuya niya. Labis siyang nasaktan nang
malaman niyang wala na si Paolo, kaya lalong lumala ang sakit niya sa puso. Si
Paolo, alam kong may natitira pang kabutihan sa puso niya. Alam kong miss na
rin niya kaming pamilya niya.
ALICE: Magtiwala po kayo, Sir. Babalik din siya sa inyo.
GEN. ANGELES: Sana nga Alice, sana nga…
______________________________________
Kinaumagahan,
Dumadaan sa corridor si Gen. Angeles papunta sa Database, nang makasalubong si
Owen…
OWEN: Sir! (sabay saludo)
Ngunit tila
hindi siya pinansin ng heneral….
OWEN: Huh? Anong problema niya?
Pagdating sa
Database ay nakasalubong niya si Alice…
ALICE: Good morning Sir, heto na po ang latest report sa on-going
repairs sa Gammabase Explosion….
Tiningnan
ito ng heneral at pinirmahan. Saka lumakad palayo.
ALICE: Sir, hindi niyo man lang ba babasahin?
GEN. ANGELES: Huwag muna ngayon.
Ipinagtaka
naman ito ni Alice….
______________________________________
Sa itaas ng
isang gusali sa Makati…
Naglalakad
si Black Patriot sa pinakatuktok ng gusaling iyon. Pinagmasdan niya ang tanawin
sa ibaba at inactivate ang isang image sa kanyang helmet. Larawan ni Gen.
Angeles ito.
BLACK PATRIOT: Kailangang tapusin ko ang taong ito! Kasabay na rin ng pagsira sa
lugar na ito! Raaaaaaaahhhh!!!!
Inilabas
niya mula sa kanyang Leg Armor ang kanyang Pyrrovolver at nirapido ng Laser
Blast ang isang gusali….
BOOOOMMMMM!!!!!!
______________________________________
“RED ALERT!
RED ALERT! AXIS ACTIVITY DETECTED! AXIS ACTIVITY DETECTED!”
Naging
alerto ang lahat ng nasa Gamma Base. Agad ding tumakbo papuntang Database ang
limang Rangers,
Pagkapasok
ng lima….
JAKE: Anong balita, Alice?
ALICE: Rangers, bumalik na si Black Patriot! Ngayon nasa Makati sa may
Ayala Avenue at doon nanggugulo.
Tiningnan
lang ng lima ang gagawin ng kalaban.
JAKE: Nasaan si Gen. Angeles?
OWEN: Umalis nang hindi man lang nagsasalita.
ABBY: You mean hindi man lang niya sinabi kung saan siya pupunta?
BRIAN: Hindi niya ugaling umalis na lang ng walang pasabi.
ALICE: Hindi ko akalaing ganun ang magiging epekto sa kanya ng
pagbabalik ng anak niya.
MALIN: Paano yan, hindi natin pwedeng labanan si Kuya Pao…..
BRIAN: Pero sisirain niya ang lungsod!
SCOTT: This is an emergency! We got to do something!
Kinuha ni
Alice ang communicator niya upang tawagan si Gen. Angeles. Ngunit hindi
sumasagot ito.
ALICE: Ayaw niyang sagutin.
ABBY: Hindi kaya……
_____________________________________
Takbuhan ang
mga tao sa lugar na iyon habang patuloy lang sa pagsira si Black Patriot. Lahat
ng madadaanan niya ay kanyang pinapatamaan ng kanyang Pyrrovolver. Maski ang
mga inosenteng sibilyan ay hindi niya pinatawad. Maraming nasawi sa kanynag
pag-atake.
Ilang saglit
pa ay may batang babaeng nadapa habang tumatakbo palayo. Babarilin niya sana
ito, subalit may lumapit na batang lalaki sa babae at tinulungan itong tumayo
at tumakbo. Biglang natigilan si Black Patriot sa kanyang nakita….tila may
naalala siya.
Flashback….
Umiiyak ang
isang batang babae matapos habang pinagtatawanan siya ng ibang mga bata sa
daan.
BATA 1: Wahahaha Mongoloid! Mongoloid! Mongoloid!
BATA 2: Yan ang bagay sayo Abno! Wahahahaha!!!!
BATANG BABAE: Hu hu hu h u…….(mapait ang iyak)
Ilang saglit
pa…
“Hoy! Anong
ginawa niyo sa kapatid ko?
BATA 1: E Mongoloid kasi yang utol mo e!
BATANG LALAKI: A ganon ha?!
Biglang
sinuntok ng batang lalaki ang tiyan ng nang-aasar na bata. Nasaktan ito, akmang
gaganti ang isa pang bata ngunit inunahan siya ng suntok ng batang lalaki. Sa
takot at sakit ay umalis ang dalawang salbaheng bata. Lumapit ang batang lalaki
sa batang babae at tinulungan itong tumayo.
BATANG LALAKI: Julianna….sinaktan ka ba nila?
BATANG BABAE: Hu hu hu hu…Kuya Pao-pao….tinawag po ako Mongoloid….hu hu hu
hu…..
BATANG LALAKI: Sabi sayong wag kang lalabas ng bahay eh. Tsaka hindi ka Mongoloid,
yan ang tandaan mo.
BATANG BABAE: Talaga Kuya?
BATANG LALAKI: Oo syempre Kuya mo ako. Basta nandito ako, walang mananakit sayo.
Tara uwi na tayo may pasalubong si Daddy….
BATANG BABAE: Yehey!!!
Napayakap
naman ang batang babae sa kuya nito.
BATANG BABAE: Talamat, Kuya ha…..
BLACK PATRIOT: Ano itong naiisip ko?.....Bakit pamilyar ang mga batang iyon?
Ilang saglit
pa ay napaligiran siya ng mga pulis.
PULIS 1:
Itigil mo yan! Huwag kang kikilos ng masama!
BLACK PATRIOT: Mga istorbo!
Biglang pinaulanan
ni Black Patriot ng Pyrrovolver ang mga nakapaligid na pulis. Nasawi ang iba,
habang ang ilan naman ay nagsitakbuhan sa sobrang takot.
BLACK PATRIOT: Kelangang makita ko ang taong iyon….
Nang biglang
may pumaradang Patrol Jeep sa kanyang harapan….
BLACK PATRIOT: Huh?
Bumaba ang
sakay nito, at nagulat si Black Patriot nang makita ang tao. Ito ang kanyang
puntirya. Si Gen. Angeles.
GEN. ANGELES: Itigil mo yan.
BLACK PATRIOT: Ikaw! Ikaw ang taong dapat kong tapusin!
GEN. ANGELES: Ano?
Biglang
nagpaputok ulit ng Pyrrovolver si Black Patriot. Nakaiwas naman ang heneral. Sa
kabila ng kanyang edad ay malakas pa rin ito.
GEN. ANGELES: Paolo! Itigil mo na yan!
BLACK PATRIOT: Sinong Paolo? Hindi Paolo ang pangalan ko!!!
Tumira ulit
ng Pyrrovolver si Black Patriot. Nakailag naman si Gen. Angeles. Ngunit
pag-ilag ng heneral, nagulat siya nang nasa likod na niya ang kalaban. Bigla
siyang binayo ni Black Patriot mula sa likod.
GEN. ANGELES: Aaaaaaahhh…..
Napahiga si
Gen. Angeles. Bigla siyang inapakan ni Black Patriot sa dibdib at akmang
papuputukin ulit sa ulo.
BLACK PATRIOT: Mamamatay ka!
GEN. ANGELES: Paolo, anak….tama na…..
BLACK PATRIOT: Anak? Anong pinagsasasabi mo?! Nahihibang ka na ba?!
Lalong
diniinan pa ni Black Patriot ang pag-apak sa dibdib ng heneral.
GEN. ANGELES: Makinig ka Paolo! Miss ka na ni Julianna!
Biglang
natigilan si Black Patriot nang marinig niya ang pangalang nabanggit. Tila
isang matinding alaala ang biglang sumagi sa kanyang isip….
BLACK PATRIOT: Julianna…?
Tila nalito
ito pagkarinig ng pangalang Julianna. Biglang sumagi sa kanyang isip ang isang
batang lalaki na sinasagip ang batang babae mula sa mga manunuksong bata, ang
pakikipaglaro nito sa damuhan, ang pagbibigay ng batang lalaki ng regalo sa
batang babae, at ang mga katagang, “Dad, pangako poprotektahan ko si Julianna,
walang mananakit sa kanya”….
BLACK PATRIOT: Julianna…?
Tinitigang
mabuti ni Black Patriot ang nakahandusay na heneral.
GEN. ANGELES: Mahigit isang taon na ang lumipas, nasa Japan ka at may Operasyon
kayo doon. Dala mo ang rosaryong bigay ko sayo. Kinumusta mo rin ang kapatid
mong si Julianna. Alam ko kung gaano mo kamahal ang kapatid mo. Nangako ka na
poprotektahan mo siya sa lahat ng magtatangkang mananakit sa kanya dahil sa
kanyang pagiging special child…
Litung-lito
si Black Patriot sa puntong iyon.
BLACK PATRIOT: Dad?
GEN. ANGELES: Oo anak. Ako ang ama mo, at ang pangalan mo ay Paolo…ikaw si
Lance Corporal Julian Paolo Angeles…..
Tila
nag-iiba ang kilos ni Black Patriot…..subalit….
BLACK PATRIOT: HINDI MO AKO MALOLOKO! KATAPUSAN MO NA!!!
BAAAANNNNGGGG!!!!
Nabitawan ni
Black Patriot ang kanyang Pyrrovolver matapos tamaan ito ng isang Laser Blast
galing sa…
GEN. ANGELES: Rangers!!!
Dumating ang
Gammarangers upang tulungan si Gen. Angeles.
GAMMA RED: Huwag mong sasaktan yang erpat mo!
BLACK PATRIOT: Mga istorbo!
Nagpaputok
ulit ng Pyrrovolver si Black Patriot sa lima, ngunit hindi natinag ang mga ito
sa kabila ng lakas ng Blast.
GEN. ANGELES: Rangers huwag! Huwag niyo syang sasaktan!
GAMMA BLUE: Pero kailangang matigil na po ang ginagawa niya!
Alanganing
umatake ang Gammarangers, kaya sinamantala ito ni Black Patriot.
BLACK PATRIOT: Pyrrovolver Blade Mode!
Pinagtataga
niya ang limang Rangers ng sabay-sabay. Hindi gaanong makalaban ang lima dahil
ayaw itong mangyari ni Gen. Angeles.
GAMMA GREEN: Sir, tumakas na kayo, Bumalik na po kayo sa Base---aaaahh!!!
(nataga siya ni Black Patriot)
GEN. ANGELES: Pero si Paolo….
GAMMA RED: Rangers, activate Gamma Bayonets!
Inilabas
nila ang kanilang G-Firearms at Gamma Daggers at pinagdugtong ang mga ito. Saka
lumaban si sabayan kay Black Patriot. Sa taglay na sandata ng limang Rangers,
ay unti-unti nilang napapasuko si Black Patriot.
Akmang
sabayan n asana nilang tatagain si Black Patriot, nang…
BLACK PATRIOT: Bwiset, malaking porsiyento ng Power Level ko ang nawala.
Makaalis na nga muna! Babalikan ko kayo!
Tumakbo
palayo si Black Patriot.
GEN. ANGELES: Paolo!
BLACK PATRIOT: May araw ka rin, Angeles!
At tumakbo
na ng tuluyan ang kalaban.
GEN. ANGELES: Paolo, sandali! Rangers
sundan natin siya!
GAMMA RED: Okay po!
Tumakbo ang
Gammarangers at si Gen. Angeles upang sundan si Black Patriot, ngunit….
“SAAN KAYO
PUPUNTA?”
GEN. ANGELES: Megiddus?
Hinarang
sila ni Megiddus kasama si Ixodizoid.
GAMMA RED: Sir, lumayo na po kayo dito. Mukhang hindi natin mahahabol si
Paolo dahil sa mga asungot na ‘to!
GEN. ANGELES: Fonseca…
GAMMA RED: Kami na po ang bahala dito.
GEN. ANGELES: Sige.
MEGIDDUS: Ixodizoid, attack!
Sumugod si
Ixodizoid sa limang Rangers.
Dali-daling
sumakay ng Patrol si Gen. Angeles. Ngunit hinarang siya ni Megiddus.
MEGIDDUS: Hindi ka makakatakas, Angeles!
Tatapusin na
sana ni Megiddus ang heneral, ngunit napigilan siya ni Gamma Red.
GAMMA RED: Ako ang harapin mo Megiddus!
Naglaban ang
dalawa ng mano-mano.
GAMMA RED: Sir, umalis na kayo!
GEN. ANGELES: Sige, salamat Fonseca.
At pinaandar
na ng heneral ang Patrol Jeep at saka lumayo.
MEGIDDUS: Panira ka talaga, Gamma Red!
GAMMA RED: Mas ikaw, gunggong!
At matinding
naglaban ang dalawang mandirigma.
Samantala,
hirap na hirap ang apat na Rangers na makipagsabayan kay Ixodizoid. Bulagta
silang lahat matapos madale ng matitinding Sting Needles ng halimaw. Tumilapon
lang ang mga sandata nila dahil sa lakas ng hamilaw.
GAMMA BLUE: Malakas ang isang ito.
GAMMA YELLOW: Owver!
Pagkuwa’y
tumayo ulit si Gamma Yellow at nilabanan ulit si Ixodizoid gamit ang kanyang
technique sa Wushu. Subalit laking gulat at pagtataka niya nang makitang
ginagawa rin ng halimaw ang mga atake ng Ranger.
GAMMA YELLOW: Huh? Gumagamit din siya ng Wushu?
At siya’y
nasipa palayo…
GAMMA YELLOW: Aaaaaahhhhh…..!
GAMMA VIO: My turn! He can’t do Jujitsu!
Ngunit mali
ang akala niya, nagagaya rin ni Ixodizoid ang mga atake ni Gamma Vio.
GAMMA VIO: Wha---?
At bigla
siyang binuhat at pinabagsak…
GAMMA VIO: I can’t believe it!
GAMMA GREEN: Ako naman!
Bihasa sa
karate si Gamma Green, ang problema ay pati ito ay gayang-gaya ng halimaw. Kung
ano ang atakeng ibinibigay ni Gamma Green, ganun din ang balik sa kanya at mas
higit pa. Napahandusay na lang si Gamma Green.
GAMMA BLUE: Abby!
GAMMA GREEN: Paano niya nagagaya mga kilos natin?
GAMMA BLUE: Hindi maaari!
Umatake si
Gamma Blue gamit ang Taekwondo techniques, ngunit gaya ng mga naunang
p-ag-atake…
GAMMA BLUE: Nakokopya rin niya mga kilos ko!
Habang sa
isang laban naman…
MEGIDDUS: Malakas ka Gamma Red!
GAMMA RED: Dapat sa iyo kinakaskas ang mukha sa aspalto!
MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Ayokong masira ang aking guwapong mukha! Bahala na
si Ixodizoid sa inyo! Bwa ha ha ha!!!
At bigla na
lang naglaho si Megiddus.
GAMMA RED: Bumalik ka dito, bakla!!!
Agad
napalingon si Gamma Red sa halimaw.
GAMMA RED: Isa ka pa! Yaaaaaa!!!!
Umatake si
Gamma Red gamit ang kanyang Gamma Bayonet, ngunit gumanti ng Sting Needle si
Ixodizoid, dahilan upang tumilapon ang Bayonet.
GAMMA RED: Asar! Jujudohin na lang kita!
GAMMA BLUE: Fonseca, huwag! Gagayahin lang niya ang atake mo!
GAMMA RED: Tingnan natin!
Agad
ginamitan ni Gamma Red ng Judo si Ixodizoid, ngunit gaya ng apat, kopya rin ng
halimaw ang atake niya, kaya siya ay napabagsak din.
GAMMA BLUE: Sabi sa’yo eh.
GAMMA RED: Sabi ko nga….
Sinusubukang
tumayo ng lima, ngunit isang malakas na Sting Fireball ang ibinigay ni
Ixodizoid sa lima, kaya
BOOOOOOOMMMM!!!!
Napatilapon
sa ere ang Gammarangers dahil sa matinding atake ng halimaw….
Matapos iyon
ay agad din umalis ang halimaw…
GAMMA RED: Ang malas naman ng araw na’to!
______________________________________
UDF Gamma
Base…..
JAKE: Anak ng tokwang bayawak! Paano tayo mananalo sa kupal na halimaw
na yon? Kung ginagaya niya mga galaw natin?
BRIAN: Kesa pumutak ka diyan, mag-isip ka na lang ng paraan kung paano
tayo mananalo!
JAKE: Ikaw palagi mo na lang akong pinangungunahan ha!
BRIAN: Ayusin mo kasi yang pananalita mo! Para kang hindi sundalo.
ALICE: Tumigil na nga kayong dalawa! Palagi na lang….
ABBY: Kelangang makaisip tayo ng paraan para hindi niya magaya ang mga
galaw natin…
SCOTT: We must think of something he never seen before….we must have a
surprise attack.
MALIN: Ate Alice, nasaan si General?
ALICE: Hindi pa bumabalik dito.
JAKE: Akala ko bumalik siya dito matapos kamuntikan kay Megiddus….
ALICE: Sa tingin ko gusto niya muna mapag-isa.
BRIAN: Hindi kaya sinundan niya si Black Patriot?
Sa gitna ng usapan,
biglang may naisip si Abby.
ABBY: Mukhang alam ko na kung paano natin matatalo ang halimaw!
MALIN: Paano Ate?
ABBY: Magpalit tayo ng Fighting Styles!
JAKE: Ano?!
ABBY: Pansin ko kanina habang susugod tayo, umilaw ang mata niya. Sa
palagay ko iaanalyze niya muna ang mga galaw natin, at yun ang iuupload niya sa
program niya, para kung anuman ang ibato natin sa kanya, yun din ang ibabalik
niya.
BRIAN: Pansin ko rin iyon.
ABBY: Kung magpapalit-palit tayo ng atake, malilito siya kasi ang nasa
program niya ay ang natural Fighting Styles natin.
MALIN: Like ko yan Ate! Galing mo talaga!
SCOTT: Damn Abs, you are one brainy chick!
BRIAN: Galing mo talaga Abby.
JAKE: Okay sige! Gawin natin yan. Mukhang magaling din naman tayo sa
ibang styles eh.
Nang
biglang…..
“AXIS ALERT!
AXIS ALERT! ENEMY SPOTTED! ENEMY SPOTTED!”
ALICE: Guys, bumalik na ang halimaw! At nasa MOA Area!
JAKE: Okay Rangers, tayo na! Gawin natin ang napag-usapan!
ALL: Roger!
_____________________________________
Sa may Mall
of Asia, takbuhan ang mga tao nang nanalasa na si Ixodizoid. Maraming ari-arian
ang napinsala ng halimaw at marami ring sibilyan ang napatay niya. Saktong
dumating naman ang limang Gammarangers.
GAMMA RED: Hoy halimaw! Bistado na namin yang style mo!
Agad naming
humarap ang halimaw at inatake ang limang Rangers. Nagbuga ulit ito ng Sting
Needles. Mabilis na naiwasan ito ng Rangers.
Agad sumugod
si Gamma Yellow sa halimaw, akmang gagayahin na ng halimaw ang kilos niya,
subalit laking gulat nito nang imbes na Wushu, Karate ang ginamit niyang atake.
Nalito ang halimaw at sinamantala naman ito ni Gamma Yellow.
GAMMA YELLOW: Haiiiiyaaaaaa!!!! (napahandusay ang halimaw). Hahaha hindi mo
keribels yan!
GAMMA VIO: My turn!
Pinilit
tumayo ni Ixodizoid, ngunit sumugod na si Gamma Vio. Akala ng halimaw ay
Jujitsu ang gagawin niya, ngunit Judo ang ginamit ng Ranger.
GAMMA VIO: Surprised? Now take this!
Isang Grab
at take-down ang ginawa ni Gamma Vio. Nasaktan ng husto ang halimaw.
GAMMA GREEN: Sabayan ko na!
Gagamit sana
ng Karate si Ixodizoid ngunit nabigla ang hamilaw nang Wushu pala ang atakeng
gagamitin ni Gamma Green. Nataranta ang halimaw dahil nakaprogram na sa kanya
na Karate ang atake ni Gamma Green. Tumilapon ang halimaw nang masipa siya ng
Ranger.
GAMMA BLUE: Ako naman!
Jujitsu ang
ginamit ni Gamma Blue imbes na Taekwondo na bihasa siya. Buong husay niyang
ginamit ang technique upang matalo ang halimaw.
GAMMA RED:
Panghuli naman! Tikman mo ang Taekwondo ko!
Taekwondo naman
ang ginamit ni Gamma Red. Sa sobrang lito ng halimaw ay hindi na ito nakalaban.
Sumabog nang kaunti si Ixoidizoid dahil nasira ang Attack Memory System nito.
GAMMA RED:
Guys nawiwindang na siya. Pasabugin na natin ang mokong na to!
ALL: Roger!
GAMMA RED:
Activate Gamma Bayonets!
Inilabas
nila ang kanilang Gamma Daggers at G-Firearms upang mabuo ang Gamma Batonets.
Lumundag sina Gamma Blue at Gamma Vio at tinaga ang halimaw. Sunod naming
umatake sina Gamma Green at Gamma Yellow upang tagain din ito. Panghuling
lumundag si Gamma Red at dinale ang tiyan ng halimaw.
At bilang
panghuling hirit….
GAMMA RED: Gamma Bayonets Rifle Mode! Lock-On Target!.......Ready…Aim….
ALL: Fire!!!!
Isang putok
lang ng mga Gamma Bayonets, sabog na ang halimaw.
GAMMA RED: Ayos!
GAMMA YELLOW: Pasalamat tayo kay Ate Abby!
GAMMA GREEN: Lang anuman iyon…
Ngunit
biglang….
BOOOOMMMM!!!!!
Nagulat ang
lima nang biglang sumabog sa kanilang likuran. Sumambulat sila at napalagpak...
GAMMA BLUE: Ano iyon?
Nang humupa
ang usok, nakita nila ang nilalang na nagpasimula ng pagsabog…..Si Megiddus, tumira siya ng isang higanteng Macron Wave…..
MEGIDDUS: Ha
ha ha ha ha!!!! Magaling Gammarangers! Matalino talaga kayo! Nagawa ninyong
talunin ang aking Ixodizoid….Pero kung iniisip niyo na nanalo na kayo, nagkakamali kayo! Sa akin pa rin ang
huling halakhak! Ha ha ha ha!!!!
GAMMA RED: Anong ibig mong sabihin?
MEGIDDUS:
Magugustuhan niyo ang ipapakita ko!
Naglabas ng
isang animo’y hologram portal screen si Megiddus. Laking gulat ng lima nang
makita nila ang nasa screen….
…Si General
Angeles na walang malay at naka-Electric Chain! Ay unti-unting nilulubog sa
kumukulong asido!...
GAMMA GREEN: General Angeles!
GAMMA VIO: Noo!!!
GAMMA RED: Hindi! Anong ginawa niyo kay General!
At mas
nagulantang ang lima nang makita sa screen si Black Patriot na tinututukan ang heneral
ng kanyang Pyrrovolver.
GAMMA YELLOW: Mga wala kayong awa! Pakawalan niyo siya!
GAMMA BLUE: Ipapapatay niyo si General Angeles sa sarili niyang anak?
GAMMA BLUE: Ipapapatay niyo si General Angeles sa sarili niyang anak?
MEGIDDUS: Hindi ba’t nakakatuwa? Si Black Patriot pa ang tatapos sa heneral
ninyo! Ang kanyang anak! Magandang ideya di ba?
GAMMA GREEN: Paano niyong nagawang maging ganyan si Paolo?
MEGIDDUS: Marahil ay nagtataka kayo kung paanong napunta sa amin ang kanyang anak. Isang taon na ang nakakalipas, inakala ng marami na napatay si Paolo Angeles. Ngunit yun ay isang palabas lang namin. Nang makita kong humihinga pa siya, ipinadakip ko siya at ginawang holding captive. Nagpupumiglas siyang makatakas, at nakita ko ang kanyang taglay na lakas, kaya naisip ko na magagamit namin ang isang tulad niya. Binrainwash namin siya at mas pinalakas, nilagyan namin siya ng Microchip at Genetically-Enhanced Mechanism upang maging pinakamagaling kong mandirigma. Kaya naging matagumpay ang pagsakop ko sa Asya ay dahil sa kanya.
GAMMA RED: Napakasama mo! Hudas ka!!!!
GAMMA GREEN: Paano niyong nagawang maging ganyan si Paolo?
MEGIDDUS: Marahil ay nagtataka kayo kung paanong napunta sa amin ang kanyang anak. Isang taon na ang nakakalipas, inakala ng marami na napatay si Paolo Angeles. Ngunit yun ay isang palabas lang namin. Nang makita kong humihinga pa siya, ipinadakip ko siya at ginawang holding captive. Nagpupumiglas siyang makatakas, at nakita ko ang kanyang taglay na lakas, kaya naisip ko na magagamit namin ang isang tulad niya. Binrainwash namin siya at mas pinalakas, nilagyan namin siya ng Microchip at Genetically-Enhanced Mechanism upang maging pinakamagaling kong mandirigma. Kaya naging matagumpay ang pagsakop ko sa Asya ay dahil sa kanya.
GAMMA RED: Napakasama mo! Hudas ka!!!!
GAMMA BLUE: Parang awa mo na Megiddus! Pakawalan mo si General Angeles!
MEGIDDUS: Madali akong kausap….Upang mailigtas ang inyong Padrino…wala kayong
gagawin kundi ibigay sa amin ang inyong Morphing Badges! Kapalit ng kanyang
kaligtasan.
GAMMA BLUE: Ano?!
GAMMA RED: Hindi pwede! Ano ka hilo?
MEGIDDUS: Nasa sa inyo ang pagpapasya. Sa loob lamang ng isang oras ay
mamamatay na ang taong nakikita niyo sa inyong screen….Ha ha ha ha!!!!
GAMMA YELLOW: Paano na...anong gagawin natin?
GAMMA VIO: Damn it!
GAMMA VIO: Damn it!
______________________________________
Sa Gamma
Base naman…
Kitang-kita
ng lahat ng nandoon ang pangyayari sa Battle Field…Balisa ang lahat dahil sa
nangyari kay General Angeles at ang kapalit ng kanyang kaligtasan.
ALICE: Rangers….huwag…….(napaluha ang mata)
______________________________________
______________________________________
Tahimik ang lima dahil hindi malaman ang gagawin, ngunit ilang saglit pa ay....
GAMMA RED: Mga kasama, i-deactivate na natin ang mga Badges....
GAMMA BLUE: Ano? Ibig mong sabihin...
GAMMA RED: Tama Tavarez. Isusuko na natin ang ating mga Morphers....
GAMMA GREEN: Pero Fonseca---
GAMMA RED: Wala na tayong choice. Mas importante si Gen. Angeles kesa sa mga Morphers natin.
Tumunog ang communicator ni Gammarangers, si Alice ang nasa kabilang linya...
ALICE: Rangers, huwag! Huwag niyong gagawin iyan!
GAMMA RED: Wala na kaming magagawa Alice...kelangang maligtas si Gen. Angeles...patawad.
Hindi pa tapos magsalita si Alice, dineactivatye na ni Gamma Red ang kanyang Armor....Matapos iyon, labag man sa kanilang kalooban, dineactivate din ng apat ang kanilang morphers....
MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Yaaan e di nagkasundo tayo!
Itinapon ng limang Rangers ang kanilang Morphing Badges....
Itutuloy…..
No comments:
Post a Comment