Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
Mission 16: Ang Huling Laban ni Black Patriot
Matapos mag-demoprh ay itinapon ng limang Rangers ang kanilang Morphing Badges sa harapan ni Megiddus. Pinulot ito lahat ni Megiddus.
Matapos mag-demoprh ay itinapon ng limang Rangers ang kanilang Morphing Badges sa harapan ni Megiddus. Pinulot ito lahat ni Megiddus.
MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Ayan madali naman pala kayong kausap eh!
JAKE: Ngayon, pakawalan mo na si Gen. Angeles!
MEGIDDUS: Ganun ba? Tanggapin niyo na lang ito!
BOOOOOOMMMMM!!!!
Nagpakawala
ng Macron Wave si Megiddus sa limang Rangers. Sinubukang umilag ng lima ngunit
sa lakas ng buga ng kalaban ay tumilapon sila.
MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Ano kayo hilo? Sa akin na ang mga Morphing Badges na
ito! Wala na kayong magagawa! Ano mang oras ay mamamatay na ang Padrino ninyo!
Haaa ha ha ha ha!!!
Ilang saglit
ay nagteleport si Megiddus at naglaho.
JAKE: Putragis kaaa!!!! Traydor!!!
Susugod na
sana si Jake ngunit inawat siya ni Brian.
BRIAN: Fonseca, tama na. Wala tayong laban sa kanya. Kelangang umisip
tayo ng ibang paraan upang mailigtas si General.
JAKE: Pero….
ABBY: Tama si Brian. Wala na ang mga Morphing Badges natin. Sa ngayon
ang tanging paraang naiisip ko ay humingi ng tulong sa ating Allied Forces para
i–rescue si General.
SCOTT: Easy Jake. All we need to do now is regroup.
Hindi
umiimik si Jake, ngunit ilang saglit ay nagsalita din.
JAKE: Kasalanan ko ito. Sana hindi ko na lang ipinamigay ang mga
Badges.
MALIN: Kuya, wala kang kasalanan. Ginawa mo lang iyon dahil gusto mong
iligtas ang buhay ni General. Kaya nga kami sumunod sa iyo di ba? Kasi gusto
rin naming maligtas siya. Yun nga lang hindi talaga matinong kausap ang mga
AXIS.
BRIAN: (humawak sa balikat ni Jake) Hindi ito ang oras para magsisihan.
Gagawin natin ang lahat upang mabawi si General Angeles.
Tumango
naman si Jake…
Ilang saglit
pa ay tumunog ang communicator phone ng mga Rangers, si Alice ang nasa kabilang
linya.
ALICE: Rangers, return to base at once. We need to regroup.
JAKE: (bunting-hininga) Noted Alice…
Lumingon si
Jake sa mga kasamahan.
JAKE: Tayo na…..
_____________________________________
Sa UDF
Gammabase….
Balisa pa
rin ang mga Rangers dahil sa nangyari kay Gen. Angeles. Habang nasa Lounge ay
mababakas ang kanilang kalungkutan at pagkahina sa sitwasyon. Nandoon sina
Jake, Brian, Abby at Scott habang si Malin naman ay nasa kusina. Ilang saglit
pa ay dumating si Alice.
ALICE: What are those long faces?!
Hindi
umiimik ang mga Rangers. Biglang kumuha ng throw pillow si Alice mula sa sofa
at inihagis ito sa ulo ng Jake.
JAKE: Aray! Ano ba?!
ALICE: Hoy gising! Ano ba kayo? Kung nandito lang si Gen. Angeles baka
pinagtatadyakan na niya kayo! Wag nga kayong magmukmok diyan! Oo kahit ako
nag-aalala sa kalagayan niya ngayon. Pero, for Christ’s sake, cheer up!
JAKE: Yun na nga eh! Paano namin maililigtas si General kung wala na
ang mga Morphing Badges namin!
ALICE: Bakit, kung wala ba ang Morphing Badge hindi kayo kikilos? Umaasa
lang pala kayo sa Morphing Badges! Baka nakakalimutan niyo na mga sundalo kayo
in the first place! May Morphing Badge o wala, ililigtas natin si Gen. Angeles
at ang mundo!
Ilang saglit
pa ay pumasok si Malin kasama si Charlie 9.
MALIN: Guys…
ALL: ANO?! (medyo galit)
CHARLIE 9: Choco choco choco cake! Yum yum yum!!!
Nilapitan ni
Jake si Malin.
JAKE: Ayos ah, sa sitwasyon ngayon, nagagawa mo pang ang mga ganyan….
MALIN: Ano ba naman kayo, laki na nga ng problema natin, gagatungan niyo
pa ng pagka-bad trip nyo. Cheer up guys! Malalampasan din natin ito! Magtiwala
lang tayo kay Papa God! Hindi niya pababayaan si General!
Bahagyang
lumiwanag ang itsura ng iba.
MALIN: Mabuti pa tikman niyo cake ko, tsalap yan!
ALICE: Hmmm mukha ngang masarap yan a. Matikman nga…..
Kumuha ng
tinidor si Alice at kumain.
ALICE: Mmmmm….sarap! Galing mo naman Malin! Parang si Tito Logro lang!
Ilang saglit
pa ay kumuha na rin ng tinidor si Abby. Kumuha ng isang slice at sinubo
ito….nang matikman ni Abby ang cake, nag-iba ang ekspresyon ng kanyang
mukha….masaya niyang tiningnan si Malin. Gumanti naman ng ngiti at kindat si
Malin.
Sumunod na
sina Scott, Jake at Brian na tumikim ng cake. Nang matikman nila ang cake,
napawi ang kanilang lungkot.
SCOTT: Tastes great!
BRIAN: Sarap!
JAKE: Anak ng pototoy, ang sarap! Isa pa nga!
ALICE: Mabuti pa si Malin, kahit ganyan kalala ang sitwasyon, nagagawa
pa rin ngumiti at magbake ng cake.
MALIN: Naisip ko kasi Ate, ano mapapala natin kung magmumukmok lang
tayo? Problema na nga, poproblemahin pa ba? Kaya I made this cake to cheer you
up guys! Baka sakaling makatulong para makaisip ng paraan upang mailigtas si
General!
ABBY: Mukhang tama ka Malin. Wala tayong mapapala kung bubusangot lang
tayo sa problema.
MALIN: Tsaka pray lang guys!
ALICE: Yan ang gusto ko sa iyo Malin! Very optimistic girl!
MALIN: Hi hi hi!
JAKE: Mukhang ginaganahan na ako sa cake mo! He he he!
CHARLIE 9: Paano ko malalaman na tsalap tsalap tsalap yan?
MALIN: E di tikman mo rin!
CHARLIE 9: Paano? Robot aku….
MALIN: Ngek?!
Tawanan ang
lahat ng nasa Lounge….
_____________________________________
AXIS Mega
Base….
GANELON: Mukhang maganda ang takbo ng iyong plano, Megiddus.
MEGIDDUS: Ang lahat ay umaayon sa ating plano, Panginoon. Ngayong bihag
natin si Angeles, at napasakamay na rin natin ang Morphing Badges ng mga
Gammarangers, samantalahin na natin ang pagkakataon upang tuluyan nang
mapasaatin ang Pilipinas!
BALAAM: Ano ang susunod mong hakbang?
MEGIDDUS: Bubuhayin nating muli si Ixodizoid gamit ang G.E.A.R. Spider.
Wawasakin natin ang buong lungsod nang walang kahirap-hirap dahil wala nang
Gammarangers na hahadlang pa sa atin!
NECROMA: Nasasabik ko nang makita ang tuluyang pagpapailalim ng buong
mundo sa AXIS!
GANELON: Konting oras na lang mula ngayon, mapapasaatin na ang buong
mundo! Ha ha ha ha ha!!!!
____________________________________
“RED ALERT,
RED ALERT, TERROZOID SPOTTED! TERROZOID SPOTTED!”
Agad naging
alerto ang buong Gamma Base sa narinig na alarm. Agad ring pumasok ang limang
Rangers upang tingnan ang bagong kaganapan. Bakas pa sa kanilang bibig ang
bahid ng Chocolate Cake na gawa ni Malin. Si Jake ngumunguya pa rin.
JAKE: Alice, anong meron?
BRIAN: Ano? Paano namin siya lalabanan nang walang Ranger Armor?
ALICE: Malalabanan niyo pa rin siya. Gagamitin niyo ang mga Gammachines,
yun nga lang, limitado lang ang Energy Levels nito dahil walang additional
Energy Source galling sa inyong armor.
SCOTT: I am a bit anxious that the monster might be too powerful. It
could bring the Gammatron Energy levels to negative.
Ilang saglit
pa ay pumasok na si Owen sa loob ng database.
OWEN: Alice, okay na ang mga Gammachines! Ready to go na!
ALICE: Very good! Rangers, as much as possible, wag niyong itodo ang
pag-ubos ng Gammatron Energy. Worst case scenario na maubusan kayo, magpapadala
kami ng back-up.
JAKE: Okay! Rangers, let’s rock and roll!
ALL: Roger!
Agad umalis
ang limang Rangers papunta sa kani-kanilang Gammachines.
ALICE: Ngayon kelangan kong madetect kung nasaan si Gen. Angeles!
____________________________________
Sa isang
tagong lugar….
Maraming
Cranumite soldiers ang nagbabantay sa lugar na iyon. Sa isang malaking silid,
may isang malaking kawa namay lamang kumukulong asido. Sa ibabaw nun ay
naroroon ang isang plank kung saan nandoon si Gen. Angeles, walang damit
pang-itaas, sugatan, nanghihina at
nakatali.
Ilang saglit
pa ay dumating si Black Patriot. Nakita siyang agad ni Gen. Angeles.
GEN. ANGELES: Paolo….
BLACK PATRIOT: Tumigil ka nga diyan!
GEN. ANGELES: Paolo….alam kong may natitira pang kabutihan siyan sa puso
mo….itigil mo na ito!
BLACK PATRIOT: Sinabi nang hindi ako si Paolo!
Bigla siyang
tumira ng Pyrro Shock sa heneral.
GEN. ANGELES: Aaaaaaaahhhhh!!!!!!!
Nanginig sa
sobrang kuryente ang heneral.
BLACK PATRIOT: Sa susunod na tawagin mo ako sa kanyang pangalan, tatapusin kita!
Ilang saglit
lang….
“Huminahon
ka Black Patriot.”
BLACK PATRIOT: Panginoong Megiddus.
MEGIDDUS: Huwag kang magmadali. Dahan-dahan nating tatapusin ang taong
iyan. Konting pasensya muna.
Umakyat sa
High Plank si Megiddus kung saan nandoon si Gen. Angeles.
MEGIDDUS: Kumusta na, Angeles? Nagustuhan mo ba ang inihanda naming libreng
Jacuzzi?
“PWEH!”
Biglang
dinuraan ni General Angeles ang mukha ni Megiddus.
GEN. ANGELES: Walang hiya ka Megiddus! Inalipin mo ang anak ko!
Walang
anu-ano….
“BOG!!!”
Sinikmuraan
ni Megiddus si Gen. Angeles.
MEGIDDUS: Ang ayaw ko sa lahat ay ang dinuduraan ang mukha ko!!!
GEN. ANGELES: Hah, gusto mo ulitin ko? Sigurado akong darating ditto ang
Gammarangers upang iligpit ka!
MEGIDDUS: Ha ha ha ha ha!!! Bobo! Yang mga bata mo, ang lalaking tanga! Nakikita
mo ba ito?
Ipinakita ni
Megiddus ang mga Morphing Badges ng mga Rangers….
GEN. ANGELES: Paano napunta sa iyo ang mga yan?
MEGIDDUS: Ha ha ha ha, ibinigay nila sa akin ang mga ito kapalit ng
kaligtasan mo….pero alam mo naman ako, minsan hindi marunong tumupad sa
usapan…he he he.
GEN. ANGELES: Putragis ka!
MEGIDDUS: Kahit ngumawa kang parang kalabaw bakla diyan, wala ka nang
magagawa! Ano mang oras ay mapapasaamin na ang buong mundo!
GEN. ANGELES: Ano?
MEGIDDUS: Dahil wala nang kapangyarihan ang mga alipores mo, malaya na
naming masisira ang buong lungsod na ito! At ikaw, dahan-dahang lulubog sa
kumukulong asido! Bwa ha ha ha ha!!!
Walang
anu-ano ay pinagtatadyak at pinagsusuntok ni Megiddus si Gen. Angeles.
MEGIDDUS: Yan ang nababagay sa iyo!!!
Habang
patuloy ang paggulpi ni Megiddus kay Gen. Angeles, medyo may naramdaman awa si
Black Patriot. Isang kakaibang damdaming biglang umusbong sa kanya, tila
malapit sa kanya ang taong ginugulpi.
BLACK PATRIOT: Dad…..
Nasasaksihan
niya kung paano mapuno ng dugo at pasa ang katawan ni Gen. Angeles.
BLACK PATRIOT: TAMA NA!
Tumigil si
Megiddus: Huh? Bakit, anong problema, Black Patriot?
BLACK PATRIOT: Ako na ang tatapos sa kanya.
Hingal-kabayo
si Gen. Angeles dahil sa natamong panggugulpi. Maga na ang mata niya sa pasa,
puno na rin ng dugo ang katawan. Sa loob-looban ni Black Patriot, awa ang
naghahari.
__________________________________
Nadetect ng
Limang Rangers ang lokasyon ng halimaw.
ABBY: Guys ayun ang target!
JAKE: Mga
tol, hinay-hinay sa pag-atake. Limitado ang lakas ng mga Gammachines dahil
walang additional energy mula sa armor. Naintindihan?
ALL: Roger!
Nakita naman
ng halimaw ang mga Gammachines, kaya agad itong nagpakawala ng Sting Fireball
sa mga umaatakeng sasakyan.
JAKE: Guys wag na natin patagalin, Gammatron Time!
ALL: Roger! Integrate Gammatron!
At
nagsama-sama ang limang Gammachines upang mabuo ang Gammatron.
JAKE: Okay, rakrakan na!
Ngunit hindi
pa nakakaporma ang Gammatron, nagpakawala na ng Sting Needles si Ixodizoid.
RANGERS: Aaaaaaaa……
ABBY: Sting Needles!
SCOTT: This sucks!
BRIAN: Grabe, hindi makagalaw ang Gammatron!
Agad sumugod
si Ixodizoid at pinagsusuntok ang Gammatron.
JAKE: Lintek!
Sa tindi ng
epekto ng Sting Needles, hindi makagalaw ang Gammatron, kaya napahandusay ang
robot.
MALIN: Grabe, hindi makagalaw ang Robotski natin!
JAKE: Ganon ha? Eto tikman mo! Armor Thunderstrike!
Biglang
bumukas ang right arm ng Gammatron at nagbuga ito ng magnetic ball. Tumalsik si
Ixodizoid.
SCOTT: That weapon already cost us 10% of our Energy Levels!
BRIAN: Dahan-dahan, Fonseca!
JAKE: Alam ko!
Agad tumayo
ang Gammatron at ganun din ang Ixodizoid. Nagawang alisin ng Gammatron ang mga
Sting Needles.
JAKE: Okay, back to the ballgame!
Sumugod ang
Gammatron, akmang susuntok, ngunit sumuntok din si Ixodizoid. Sumipa ang robot,
ngunit sumipa din ang halimaw.
ABBY: Ginagaya niya ulit ang atake natin!
BRIAN: Nababawasan pa lalo ang Energy Level ng Gammatron!
JAKE: Activate Heavy Arms Ammunition!
Bumukas ang
lahat ng armories ng Gammatron, at….
JAKE: Gamma Mechatronic Ultrablaster!
ALL: Fire!!!
Ngunit
laking gulat nila nang ganun din ang ginawa ni Ixodizoid. Nagpakawala din ito
ng Ultrablaster na mas malakas kesa sa Gammatron, kaya natalo ang sa Gammatron
at tumilapon ulit ito.
ALL: Aaaaaaaa!!!!
SCOTT: It’s useless! No matter what we give him, it doesn’t faze him!
JAKE: 50% na lang…..bwiset!!!
______________________________________
UDF Gamma
Base….
ALICE: Owen, kelangan madetect natin ang location ni Gen. Angeles!
Habang abala ang Rangers, kikilos tayo at i-rescue si General.
OWEN: Roger Alice! Inaactivate ko lang ang GPS System.
Ilang saglit
pa ay…..
OWEN: Nakita ko na! Nasa Area 9, Sector 33, North 26 Degrees 14 Minutes
West! Sa isang tagong warehouse!
ALICE: Okay (lumapit sa mic) ALL INFANTRY DIVISIONS, PREPARE FOR COMBAT
AND RESCUE OPERATIONS! PLEASE PROCEED TO AREA 9, SECTOR 33, N 26 D 14 M W! ON
THE DOUBLE!
Agad naging
alerto ang mga sundalo upang i-rescue si Gen. Angeles.
___________________________________
MEGIDDUS: Kung ganon, ikaw mismo ang tatapos sa kanya! Ngayon na! Putulin
mo ang Electric Chain upang mahulog siya sa kumukulong asido!
Nag-aalangan
man ay lumapit si Black Patriot paakyat sa kinalalagyan ni Gen. Angeles. Sa
kalooban niya, tila labag na sa kalooban niyang tapusin ang heneral dahil
unti-unting lumiliwanag ang kaniyang kaisipan….Ngunit biglang nanaig ulit ang
pagiging Black Patriot niya.
BLACK PATRIOT: Katapusan mo na!!!
“HOLD RIGHT
THERE!!!”
Biglang
natigilan si Black Patriot at ang ibang nasa warehouse na iyon. Mas lalo silang
nagulat nang magsidatingan ang mga sundalong ipinadala ni Alice.
GEN. ANGELES: Gamma Army!
MEGIDDUS: Mga sundalo?! Animal ka talaga Angeles! Cranumites, attack! Black
Patriot, tapusin sila!!!
____________________________________
Pababa ng
pababa ang energy level ng Gammatron. Sa bawat panggagaya ni Ixodizoid ng
atake, nababawasan din ang lakas nito. Kahit anong gawin ng robot ay nacocounter
ito ng kalaban gamit ang parehong istilo.
ABBY: 30% and counting!
BRIAN: Naloko na!
MALIN: Waaaa Daddyyyy…..
JAKE: Anak ng Pototoy naman oh! Yari tayo neto!
Dahil mababa
na ang lakas ng Gammatron ay sinamantala ito ni Ixodizoid, nagbuga ito ng
malakas na Sting Fireball. Nadale ulit ang Gammatron.
RANGERS: Aaaaaaahhh!!!!!!
____________________________________
Nagsagupaan
ang mga Gamma Soldiers at Cranumites. Lumaban na din si Black Patriot. Barilang
umaatikabo ang umiral sa lugar na iyon. Ngunit sadyang mas malakas ang AXIS
Forces. Lalo’t madali lang nadispatcha ni Black Patriot ang mga sundalo.
Balisang pinanood lang ni Gen. Angeles ang pagkatalo ng kanyang mga hukbo.
MEGIDDUS: Ano Angeles? Masdan mong matalo yang mga bata mo! Gandang panoorin
di ba?
GEN. ANGELES: Baka nakakalimutan mong may lima pa akong mandirigma na kaya kang
talunin?
MEGIDDUS: Ows talaga? Ang limang iyon, matutulad lang sila sa mga sundalong
talunan na yan! Ha ha ha ha!!!
______________________________________
Lumalakad
palapit si Ixodizoid sa Gammatron habang nahatihaya ang robot.
JAKE: Malas, paano na?
Tila may
naisip si Abby.
ABBY: Fonseca, muntik ko ng makalimutan na may Thunder Loader pala
tayo! Gamitin natin!
Ilang saglit
pa ay dumating na ang Thunder Loader. Nagpaputok na agad ito ng Thunder Cannons
sa halimaw. Nagulat man ay nakontra ito ni Ixodizoid ng kanyang Sting Fireball.
Pero dahil matibay ang Thunder Loader, hindi ito nadamage.
SCOTT: Yeah boy! Let’s do it now!
JAKE: Alright, Thunder Gammatron!
Ngunit hindi
pa nabubuo ang Thunder Gammatron ay nagpakawala ng Sting Fireball ulit ang
halimaw, na siyang pumigil sa pagbuo ng Thunder Gammatron. Hinabol ng halimaw
ang Loader at kinuha at binalibag.
MALIN: Ngye? Ang Thunder Loader!
JAKE: Puutek!!! Naunahan tayo!
ABBY: Nababasa niya ang mga diskarte natin!
SCOTT: We must think of something he’s never seen before!
Matapos
madale ang Thunder Loader ay lumapit ulit si Ixodizoid sa Gammatron upang
tapusin.
BRIAN: Fonseca, di ba’t may Falcon Blazer pa tayo? Gamitin natin!
JAKE: Oo nga pala, sana lang hindi na magaya ng mokong na ‘to! Sige,
Falcon Blazer Take Off!
JAKE: Okay, form Falcon Gammatr---
ABBY: Sandali Fonseca, may naisip ako, magugulantang siya sa naisip ko!
JAKE: Sige, ano ba iyon?
Lumapit ang
Falcon Blazer sa Gammatron, napansin ito ng halimaw kaya inexpect nito na
bubuuin nila ang Falcon Gammatron. Yun ang akala ng halimaw dahil lumapit imbes
na lumapit ang Falcon Blazer sa Gammatron, ay lumapit ito sa Thunder Loader!
JAKE: Ngayon na! Form Gamma Thunderblazer!
Walang
anu-ano ay biglang nagsanib ang Thunder Loader at Falcon Blazer, at nabuo ang
isa pang Robot.
ABBY: Wow! Buti compatible ang specs ng dalawa!
MALIN: Owver!
SCOTT: Wow a new robot!
BRIAN: Galing!
JAKE: Gulat ka ano? Patay ka ngayon!!!
Gamit ang
Remote Control Technology ay nakokontrol ng Rangers ang Gamma Thunderblazer.
Mula sa bagong Arsenal Menu ay pumili sila ng weapons na meron ang
Thunderblazer.
JAKE: Thunderstorm Whirlpool Blast!!!
Bumukas ang
Chest Part ng Thunderblazer at naglabas ito ng napakalakas na animo’y ipo-ipong
power surge. Ito ang dumale sa Ixodizoid. Napahandusay ang Ixodizoid at
naghihingalo.
JAKE: Itotodo ka ang 10% na natitirang lakas, Gamma Mechatronic
Ultrablaster!
RANGERS: Target Locked! Ready…..Aim…..Fire!!!!
Isang putok
lang ng Ultrablaster ay sabog sa pira-piraso si Ixodizoid….
RANGERS: Yeah!!!
JAKE: Astig ng Gamma Thunderblazer! Galing mo talaga Abs!
BRIAN: PMA Topnothcer ata yan!
ABBY: He he he, mas dapat pasalamatan si Malin, swerte talaga ang
Chocolate Cake na ginawa niya.
MALIN: Hi hi hi! Kayo naman guys….Echos lang yun…
Ilang saglit
pa ay tumunog ang Communicator Screen ng Cockpit, si Alice ang nasa kabilang
linya.
ALICE: Rangers, kelangan niyo pumunta sa location na ito…(pinakita ang
direction) Diyan nila dinala si Gen. Angeles.
JAKE: Got it Alice, Rangers, larga na!
RANGERS: Okay!
At lumipad
ang Gammatron papunta sa Hostage Location. Bumalik naman sa Gamma Base ang
Thunder Loader at Falcon Blazer.
______________________________________
Dahil sa
patuloy na pagkatalo ng Gamma Forces, mukhang malabong mailigtas ng mgs sundalo
si Gen. Angeles.
MEGIDDUS: Ha ha ha ha!!! Ano ba naman yang mga sundalo mo Angeles?! Parang
mga kuto na madaling tirisin!
GEN. ANGELES: Ilang sandali na lang at darating na ang Gammarangers! May
Morphing Badge man o wala, lalaban sila!
MEGIDDUS: Talaga lang ha, mabuti pa tapusin na kita. Black Patriot, ikaw na
ang gumawa!
Tahimik na
tinutukan ni Black Patriot ang kanyang Pyrrovolver, pero sa loob ng kanyang
helmet, tila lumuluha ang mga mata ni Black Patriot. Pansin ito ni General
Angeles.
GEN. ANGELES: Paolo…..
Nanginginig
ang mga kamay ni Black Patriot. Tila may pumipigil sa kanya na gawin ang
iniuutos ni Megiddus.
MEGIDDUS: Ano pa hinihintay mo, Biyernes Santo? Gawin mo na!!!
GEN. ANGELES: Paolo…..sige gawin mo na…..tanggap ko nang hindi ka na babalik sa
dati….
BLACK PATRIOT: Patawaaaaaddd!!!!
BAAAAANNNNGGGGG!!!!!
Naputol ang
Electric Chain kaya nahulog si Gen. Angeles pababa papunta sa kumukulong
asido….Napapikit na lang si Gen. Angeles at tinanggap na lang ang kamatayan…..
….pero
biglang may….
“GOTCHA!”
Biglang may
sumalo kay Gen. Angeles!
MEGIDDUS: Anong--?
Nagulat si
Gen. Angeles nang may sumalo sa kanya. At pagkakita sa nilalang…
GEN. ANGELES: Edwards!!!
SCOTT: Are you alright Sir?
MEGIDDUS: Isang Gammaranger!!!
Akmang
titirahin ni Black Patriot si Scott ngunit….
BAAAANNNGGG!!!!
Nabitawan ni
Black Patriot ang kanyang Pyrrovolver nang matamaan ng Magnum Gun. Pagkakita sa
itaas ng warehouse….
MEGIDDUS: Kayo?!
JAKE: Pwedeng sumali?
BRIAN: Akala ko late na kami.
ABBY: Muntikan na si General doon.
MALIN: Blah blah blah!
GEN. ANGELES: Rangers!!!
MEGIDDUS: Mga panira?!
JAKE: Que may Morphing Badge o wala, lalabanan namin kayo! At ililigtas
si General!
MEGIDDUS: Cranumites, attack!!!
JAKE: Guys, rakrakan na!
RANGERS: Okay!
At lumundag
mula sa itaas sina Jake, Brian, Abby at Malin. Sumali na rin si Scott sa laban.
At nagsimula
na ang matinding laban. Kahit nasa civilian form ay nagagawa pa ring
makipagsabayan ng limang Rangers sa mga Cranumites. Gamit ang kanilang
iba’t-ibang technique sa Martial Arts, at puso ay napapatumba nila ang mga
kalaban.
Samantala,
habang abala ang limang Rangers, ay nasa isang sulok si Gen. Angeles. Biglang
may humablot sa kanya…..si Black Patriot.
GEN. ANGELES: Paolo….
BLACK PATRIOT: Umalis na tayo dito…..
Nang
biglang….
“G-MAGNUM!!!”
Tinamaan ng
G-Magnum si Black Patriot. Galing kay Jake.
JAKE: Hoy, wag mong sasaktan yang erpat mo!
GEN. ANGELES: Fonseca, wag mong sasaktan si Paolo…
JAKE: Sir, wala na tayong choice, patawarin niyo po ako pero kelangang
matigil na ito!
BLACK PATRIOT: Pangahas!
Biglang
tumira ng Pyrrovolver si Black Patriot na agad naiwasan ni Jake.
Samantala ay
abala namang nanonood ng labanan si Megiddus. Agad siyang nakita ni Gen.
Angeles mula sa likuran. May nakitang Laser Pistol si Gen. Angeles mula sa
sahig (sandata ng mga natalong sundalo) at pinulot ito. Target niya ang limang
Morphing Badges na nasa kamay ni Megiddus. At dahil kilalang asintado din si
General, pagkatutok ng baril, sabay putok….
BBAAAANNNNGGG!!!!
MEGIDDUS: Aaaaaarrrrggghhhh!!!!
Sa lakas ng
putok, sumambulat sa ere ang mga Morphing Badges, agad lumundag sa ere si Gen.
Angeles at sinalo ang mga ito.
MEGIDDUS: (hawak ang sugatang braso) ANGELEEEESSS!!!!!
GEN. ANGELES: Mas tanga ka pala kesa sa inaakala ko! (sabay tingin sa lima)
Rangers saluhin niyo ito!!!
Inihagis ni
General ang mga Morphing Badges sa ere at agad lumundag ang lima para saluhin
ang mga ito.
JAKE: Salamat General!
BRIAN: Nice! Narecover na natin ang mga Badges!
JAKE: Okay Guys, ready?
RANGERS: Ready! GAMMAMODE, ACTIVATE!!!
Nagmorph ang
lima at muli ay naging mga Gammarangers sila.
MEGIDDUS: Bwiset……BWISET!!!
Akmang
hahabulin ni Megiddus si Gen. Angeles, ngunit naharang siya nina Gamma Blue at
Gamma Vio.
GAMMA BLUE: Wag mo nang sasaktan si General…
GAMMA VIO: Or we’ll kick your pathetic ass!
MEGIDDUS: Raaaaaaahhhh!!!!
At naglaban
si Megiddus at ang dalawang Rangers.
GAMMA BLUE: (tumingin kay Gen. Angeles) Sir, umalis na kayo dito!
GEN. ANGELES: Huh……sige…..
Habang abala
ang dalawa kay Megiddus, abala naman ang dalawang babaeng Rangers sa mga
Cranumites.
GAMMA GREEN: Ano Malin, ubusin na natin ang mga ito!
GAMMA YELLOW: Okay Ate!
FEMALE RANGERS: Gamma Bayonets! Yaaaaahhhh!!!!!
Pinagdugtong
nila ang kanilang mga G-Firearms at Gamma Daggers upang buuin ang Gamma
Bayonets. At madali nilang nilabanan ang mga Cranumites.
Samantala,
abala si Gamma Red sa pakikipaglaban kay Black Patriot. Matinding eskrimahan
ang namayani sa kanilang dalawa. Gamit ni Gamma Red ang Gamma Bayonet, habang
Pyrrovolver Blade Mode naman ang gamit ni Black Patriot….Halos pantay lang ang
lakas ng dalawa. Kung nung una ay dehado si Gamma Red, ngayon ay nakakasabay na
siya.
_____________________________________
Sa Gamma
Base….
Minomonitor
ni Alice ang kaganapan sa warehouse, habang pinag-aaralan ni Owen ang main weak
spot ni Black Patriot.
ALICE: Mukhang paalis na si Gen. Angeles. Salamat at nakaabot ang mga
Rangers. Owen, ano nahanap mo na ba ang weak spot ni Black Patriot?
OWEN: Malapit na Alice.
Makalipas
ang ilang sandali….
OWEN: Nakita ko na!
ALICE: Nasaan?
OWEN: Nasa helmet mismo, nasa middle section ng kanyang forehead, isang
Microchip. Sa tingin ko ito ang kumokontrol sa kanya!
ALICE: Patingin! (tiningnan ang hologram monitor) Okay sasabihin ko kay
Fonseca!
Agad
inactivate ni Alice ang communicator at tinawagan si Gamma Red.
___________________________________
Abala pa rin
sa pakikipaglaban kay Black Patriot si Gamma Red. Biglang tumunog ang
communicator nito sa helmet.
GAMMA RED: Oh Alice, bakit?
ALICE: Alam ko na ang weak point ni Black Patriot!
Habang may
kausap si Gamma Red ay nagpaputok ng Pyrrovolver si Black Patriot na agad
naiwasan ni Gamma Red.
GAMMA RED: Ituloy mo na…
ALICE: Nasa forehead niya, kelangang madale mo ang forehead niya, yun
ang kumokontrol sa kanya. Pag nasira mo iyon, babalik na siya bilang Paolo!
GAMMA RED: Okay nakuha ko na, salamat!
Samantala sa
isang laban, matindi rin ang labanan sa pagitan nina Megiddus at ng dalawang
Rangers. Halos napapasuko na nina Gamma Blue at Gamma Vio ang AXIS General….
GAMMA BLUE: Ano Megiddus, sumusuko ka na?
GAMMA VIO: Surrender now, sucker!
MEGIDDUS: Maaaring nadale niyo ako ngayon, pero babawi ako sa susunod!!!
At
nagteleport si Megiddus at nawala.
GAMMA BLUE: Nakatakas!
GAMMA VIO: He won’t escape next time!
Sa kabilang
banda, naubos na ang lahat ng Cranumites dahil sa lakas nina Gamma Green at
Gamma Yellow.
GAMMA GREEN: Ano meron pa ba?
GAMMA YELLOW: Ha ha ha hanggang Chenelens lang mga yan! Apir Ate!
Agad
nakipag-apir naman si Gamma Green.
Nang wala
nang kalaban ang apat na Rangers, ay agad nilang nakita si Gen. Angeles sa may
exit door. Tila hirap makalabas dahil sa natamong pinsala.
GAMMA BLUE: General!
GAMMA GREEN: Sir, tara umalis na po tayo dito…
GEN. ANGELES: Pero si Paolo….
GAMMA YELLOW: Si Kuya Jake na po ang bahala, tara na….
Nang….
GAMMA RED: Aaaaaarrrggghhhh!!!!
Napahandusay
si Gamma Red nang matamaan ng malakas na Pyrrovolver ni Black Patriot. Nasa
elevated platform sila na nasa ibabaw lang ng kumukulong asido.
GAMMA VIO: Jake!
GEN. ANGELES: Fonseca!!!
Nang
napahiga si Gamma Red ay agad lumakad palapit si Black Patriot upang tapusin si
ang Red Ranger. Tumira ng malakas na Pyrrovolver Blast si Black Patriot, ngunit
agad gumulong pasulong si Gamma Red at naiwasan ito. Nang nasa harapan na siya
ni Black Patriot, mabilis na tinutukan ni Gamma Red ang G-Magnum sa kanyang
noo….
GAMMA RED: Patawarin niyo ako General!!!
BBAAAAAANNNNNNGGGGG!!!!!
Sumabog ang
bandang ulo ni Black Patriot. Kitang-kita ito ng apat na Rangers at ni General
Angeles. Ilang saglit pa ay nakita nila si Black Patriot na nakahandusay…
GAMMA RED: Tapos na ba?
GEN. ANGELES: Paolo……
Nagulat ang
lahat nang makitang bumabangon si Black Patriot….Tila wala sa sarili si Black
Patriot ng bumangon….
GAMMA RED: Aba, buhay ka pa ha!!! Yaaaaaahhh!!!! (agad sumugod gamit ang
Gamma Bayonet)
GEN. ANGELES: Fonseca, huwag!!!
BLACK PATRIOT: Anong…..
GEN. ANGELES: PAOLOOOO!!!! ILAAAGG!!!
BLACK PATRIOT: Dad….
Ngunit tuloy
lang ang atake ni Gamma Red, nadale ng Gamma Bayonet si Black Patriot kaya
natumba ito at nahulog sa kumukulong asido….
GAMMA BLUE: Hindi!!!
GAMMA GREEN: Huwag!!!
GAMMA VIO: Nooooo!!!
GAMMA YELLOW: Kuya Pao!!!
GEN. ANGELES: PAAAOOOLLLOOOOOOOO!!!!!
Nahulog sa
kumukulong asido si Black Patriot….
….Itutuloy….
No comments:
Post a Comment