Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
GAMMA RED: Aba buhay ka pa ha! Etong sayo!!! Gamma Bayonet Rifle Mode Full
Power!!!
Unti-unting
bumabangon si Black Patriot.
BLACK PATRIOT: Nasaan ako?
GEN. ANGELES: Fonseca, huwaaag!!!
BLACK PATRIOT: Anong—
GEN. ANGELES: PAOLOOOO!!! ILAAAGG!!!
BLACK PATRIOT: Dad?
“FIRE!!!”
Pagharap ni
Black Patriot….
BOOOOOOOOOOOMMMMM!!!!!
Sa lakas ng
atake, tuluyang nahulog si Black Patriot sa kumukulong asido.
GAMMA BLUE:
Hindi!!!
GAMMA GREEN:
Huwag!!!
GAMMA VIO:
Nooooo!!!
GAMMA YELLOW:
Kuya Pao!!!
GEN. ANGELES:
PAAAOOOLLLOOOOOOOO!!!!!
Gulat na gulat pa rin ang lahat sa nangyari. Maski si Jake
ay natulala din sa nagawa. Nakalimutan niya na ang nahulog sa kumukulong asido
ay anak pala ni Gen. Angeles.
Napasalampak na lang ang
heneral sa nasaksihan. Agad namang tumakbo papunta sa malaking kawa ng
kumukulong asido ang apat na Rangers. Si Jake ay dahan-dahang lumapit din na
humuhingal.
BRIAN: Kung kelan nagtagumpay ka sa pagbalik
ng alaala niya, doon mo pa siya tinapos.
ABBY: Fonseca, bakit mo ginawa iyon?
Hindi pa rin umiimik si
Jake. Tila nagi-guilty sa nagawa.
BRIAN: Hindi mo man lang ba nakita sa kilos
niya na bumalik na siya sa normal?! Bakit mo pa rin tinuloy ang atake mo?!
Hindi pa rin umiimik si
Jake.
BRIAN: (kinwelyohan si Jake) Magsalita ka--!!!
JAKE: Oo na!!! Kasalanan ko na! Ako tumapos
sa kanya! Na kahit bumalik na siya sa dati ay tinuloy ko pa rin ang atake
ko!....Ano masaya na kayo? Lahat na lang ng kamalasang nangyayari sa team na
‘to ako may kagagawan! Una si Macaraya, tapos eto naman! Bakit di niyo pa
sabihin na wala akong kwentang---
“Tama na!”
Nagulat ang lima nang
Makita si Gen. Angeles na nasa likuran nila.
GEN.
ANGELES: Tavarez, wag
mong sisihin si Fonseca. Hindi rin niya ginusto ang nangyari. Hindi niya alam
na nakabalik na sa normal na pag-iisip si Paolo.
Sina Malin at Abby ay
nagsimula naman umiyak…
MALIN: Hindi dapat naging ganito ang ending…
ABBY: Paolo…..
SCOTT: (umakbay sa dalawang babae) Calm
down….there’s no use to crying….it’s done….
GEN.
ANGELES: Tanggap ko
na ang nangyari kay Paolo. Siguro kagustuhan na rin ng Diyos na hindi ko na
makasama ulit ang anak ko. Marahil may dahilan Siya kung bakit. Mabuti nga at
natapos na ito, matatahimik na siya.
Subalit ilang saglit,
biglang may umahon mula sa kumukulong asido!
MALIN: Tingan niyo!!!
GEN.
ANGELES: Paolo?
BRIAN: Buhay siya!!!
JAKE: Huh….
At lalo silang nagulat
nang makita ang nilalang na umiilaw ang buong katawan.
GEN.
ANGELES: Buhay siya!
Buhay ang anak ko! Paolo!
Agad inabot ng heneral
ang kamay nito sa anak, ngunit halos walang lakas si Paolo upang abutin ito,
kaya nahulog na lang ito sa sahig mula sa bukana ng kawa. Agad nagmadali ang
anim at bumaba para puntahan si Paolo.
Inakbayan ng heneral ang
anak na nakahandusay sa sahig.
GEN.
ANGELES: Paolo! Paolo!
Gising ka Paolo!
Niyuyugyog ni Gen.
Angeles ang anak. Unting nagkamalay si Paolo…
PAOLO: …..Dad?...
GEN.
ANGELES: Paolo! (napaluha
sabay lakap ng mahigpit sa anak)
Na-touch naman ang lima
sa nasaksihan, lalo na si Scott. Naalala nanaman niya ang kanyang ama. Kaya
dumistansya siya ng konti. Si Jake naman ay nakahinga ng maluwag.
PAOLO: Dad….nasaan ako?...
GEN.
ANGELES: Mahabang
kwento anak.
ABBY: Teka, naggo-glow ang katawan niya!
BRIAN: Yan siguro ang dahilan kaya hindi
siya natunaw.
Ilang saglit pa at may
nakitang bagay na nakahawak sa kamay ni Paolo.
SCOTT: That’s---
MALIN: Ang Patriot Morpher! Buo pa!!!
JAKE: Oo nga. Hindi kaya---
ABBY: Alam ko na! Ang Pyrronium ang
nagligtas kay Paolo! Kelangang mapag-aralan yan pagbalik sa Base!
Ngunit dahil sa sobrang
nawalang enerhiya sa kanyang katawan, ay nawalan ulit ng malay si Paolo.
GEN.
ANGELES: Mukhang
kelangan niyang magpahinga.
Binuhat ni Gen. Angeles
ang anak at kinarga.
GEN.
ANGELES: Tayo na at
bumalik sa Base.
____________________________________
UDF Gamma Base Medical
Center….
Sa isang Ward….
Unti-unting dumudilat
ang mata ni Paolo….at pagdilat niya….
Una niyang nakita ang
ama, kasama ng limang Rangers.
GEN.
ANGELES: Paolo,
anak….
PAOLO: Dad?.....
Masaya naman ang limang
Rangers nang makitang gumising si Paolo, napabuntung-hininga sila ng maluwag.
GEN.
ANGELES: Salamat at
ligtas ka…
PAOLO: Nasaan po ako?
GEN.
ANGELES: Nandito ka
ngayon sa Gamma Base, mas ligtas ka dito.
Tiningnan din ni Paolo
ang limang Rangers.
GEN.
ANGELES: Sila ang
iyong mga bagong kaibigan.
MALIN: Hi Kuya ako si Malin! (sabay gawa ng
peace sign)
ABBY: Abby.
SCOTT: Scott here.
BRIAN: Ako naman si Brian.
JAKE: Jake tol.
MALIN: Kuya Pao! Heto ginawan kita ng cake!
Gawa ko yan!
PAOLO: Salamat.
Ilang saglit ay tila
nalungkot ulit si Paolo at binaling ang tingin paalis sa lima.
GEN.
ANGELES: Paolo bakit?
May problema ba?
PAOLO: Hindi po ako nararapat dito….tila
hindi pa rin po umaalis sa isipan ko ang katauhan ni Black Patriot….Patawarin
niyo po ako sa lahat ng ginawa ko.
GEN.
ANGELES: Anak, huwag
mo nang isipin iyon. Ang mahalaga ay ligtas ka na at hindi ka na nila hawak.
JAKE: Sir, alis po muna kami, may training
pa po kaming gagawin.
GEN.
ANGELES: Sige
Rangers.
At iniwan ng lima ang
mag-ama sa Ward.
GEN.
ANGELES: Anak,
matagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito, ang iyong pagbabalik.
PAOLO: Dad, masamang tao po ba ako?
GEN.
ANGELES: Anak, ano ka
ba? Kahit kailan hindi ka naging masamang tao.
PAOLO:
Pero Dad, oo nga’t
nakabalik na ako sa normal, pero parang hindi ko na kilala ang sarili ko.
Natigilan naman ang ama
sa sinabi ng anak.
PAOLO: Sa loob ng isang taon, nabalot ako ng
takot at galit. Hindi ko po alam kung may kabutihan pang natitira sa
akin….Hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano akong pumatay ng tao, ang
manira, ang manakit---
GEN.
ANGELES: Anak, iyon
ay dahil hindi mo alam ang ginagawa mo nung panahon na iyon. Alam kong labag sa
kalooban mo ang gawin ang mga iyon. Noong oras na dapat ay tinapos ka na ng
Gammarangers, pinigilan ko sila, dahil umaasa akong babalik ka ulit. Ngayon,
narito ka na, ito na ang tamang oras para magsimula ulit.
Ilang sandali ay
dumating ang nurse.
NURSE: Sir oras na po para sa inyong
Medication….
GEN.
ANGELES: Nurse, ikaw
na muna ang bahala sa kanya. Punta muna ako ng Database.
NURSE: Opo Sir.
GEN.
ANGELES: (tiningnan
si Paolo) Pagaling ka Anak.
Hindi umimik si Paolo.
_________________________________________
Gamma Database….
GEN.
ANGELES: Alice, wala
bang latest activity ang AXIS?
ALICE: So far wala pa po. Pero nasesense ko
po na may mas malaking sorpresa silang hinahanda laban sa atin, so we must be
prepared.
Biglang nagsalita si
Owen.
OWEN: Alam ko na!
ALICE:
Ano iyon Owen?
OWEN: Kaya pala hindi nalusaw si Paolo ng
asido ay dahil sa Strong Chemical Reaction na taglay ng Pyrronium na nasa
Patriot Morpher! Nang mahulog si Paolo sa kumukulong asido, sort of nakatulong
pa ang asido upang ilabas ng Pyrronium ang isang malakas na Energy Barrier na
siyang bumalot sa kanyang katawan.
“YOU HIT IT RIGHT,
OWEN!”
Nagulat ang lahat sa
narinig na boses…
GEN.
ANGELES: Mr. Gordon!
ENGR.
GORDON: How’s
everything going?
ALICE: Engr. Gordon! (napatakbo sanay yakap
sa Engineer) Welcome back!
OWEN: Uy Sir!
GEN.
ANGELES: You had a
fast recovery. How do you feel now?
ENGR.
GORDON: Well thanks
to Alice, she really took care of me.
Tila namula naman si
Alice.
ENGR.
GORDON: Good thing
you managed to recover the Morpher. Now all we need to do is reprogram it to
restore its original state.
ALICE:
Good thing you’ve
come back Sir, we really need your help regarding this matter.
ENGR.
GORDON: Okay, let’s
begin!
______________________________________
AXIS Mega Base….
“WALA KA TALAGANG
KWENTA!!!!”
Napahandusay na lang si
Megiddus matapos matamaan ng malakas na Electric Shock mula sa Death Scepter ni
Ganelon.
GANELON:
Yun ba ang
ipinagyayabang mong alagad na si KO-36? Madaling natapos lang ng Gammarangers!
At ayun, naging mabait na tupa!!!
MEGIDDUS: Panginoon, hindi ko rin po ginusto
ang mga pangyayari--
GANELON: BOBO! At dahil na rin sa katangahan
mo ay nabawi nila ang kanilang mga Morphing Badges! Napakataas pa man din ng
pag-asa ko sa iyo! Katulad ka rin pala ng mga gunggong na ito!!!
Sabay turo kina Balaam,
Necroma, Dymaro, Calyx at Corvus. Nabuwisit naman ang mga nasabing alagad.
GANELON: Umasa ako na sa pamamagitan ni Black
Patriot ay matatalo na natin ang Gammarangers at masasakop ng tuluyan ang buong
mundo, pero nagkamali ako….patalo rin pala yang bata mo!!!
MEGIDDUS: Panginoon, bigyan niyo po ako ng isa
pang pagkakataon….hindi po dito natatapos ang aking mga plano, dahil
napag-isipan ko na po iyan.
GANELON: Hmmm….ano ang ibig mong sabihin.
MEGIDDUS: Napaghandaan ko na po ito. Kung
sakaling matalo nila si Black Patriot at maibalik sa dati, may isa pa akong
malaking pasabog na hindi nila namamalayan. At iyon ay na kay Paolo Angeles
mismo!
GANELON: At ano naman iyan?
MEGIDDUS: Malalaman niyo po sa takdang panahon.
Pero sa ngayon, gusto ko pong makabawi sa aking konting pagkakamali.
GANELON: Puro na lang babawi! Ang gusto ko lang
naman ay talunin niyo ang panira ng mga plano natin, at iyon ay ang
Gammarangers!
BALAAM:
Hmmm mukhang may
naisip akong ideya Panginoon, mukhang ito na ang tamang oras para gamitin ang
aking Terrozoid.
GANELON: Hah, mukhang duda na ako sa ilalabas
mo, Balaam!
BALAAM:
Panginoon, hindi ito
basta-basta Terrozoid, hindi natin idadaan lang sa dahas ang laban, idadaan din
natin sa banayad na paraan…
Naghagis ng Microchip si
Balaam sa sahig at pumitik….pagkapitik, ay lumabas mula sa Microchip ang isang
Terrozoid na anyong halaman…
DYMARO: Halaman?
NECROMA: Nagpapatawa ka ba? Mukhang nababading
ka na ata!
BALAAM: Tumahimik kayo! Ito si Zinniazoid,
ang aking alaga.
CALYX: Eh ano naman ang kayang gawin ng
isang yan?
BALAAM: Gaya ng sabi ko, idadaan natin sa
banayad na paraan. Naglalabas siya ng mga mapaminsalang Zinnia Flowers sa buong
lungsod, sa una ay maiisip mong ordinaryong bulaklak lang ito. Paglubog ng araw,
ang lahat ng bulaklak na naikalat ay sasabog, na siyang pupulbos sa buong
lungsod!
MEGIDDUS: At paano ang Gammarangers?
BALAAM: Si Zinniazoid ang isa sa
pinakamalakas na Terrozoid na aking nilikha, kaya maski sila ay hindi kayang
tapatan ang aking alaga. Ang tanging paraan lang upang mapigilan ang pagsabog
ng mga bulaklak ay talunin si Zinniazoid! Pero malabong mangyari iyon! Ha ha
ha!!!
GANELON: Sige bibigyan kita ng pagkakataon,
Balaam. Siguraduhin mong magtatagumpay ka, kung ayaw mong matulad kay Megiddus!
BALAAM: Magtiwala kayo Panginoon, hindi ako
mabibigo tulad ng inutil na iyan! (sabay tingin kay Megiddus)
Nainis naman si Megiddus
sa ginawa ni Balaam.
_____________________________________
Lumipas ang isang araw,
mabilis ang naging recovery ni Paolo, wala pang isang araw matapos maconfine ay
nakalabas na ito ng Gamma Med, dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kaagad
siyang pumunta sa opisina ni Gen. Angeles.
“VISITOR DETECTED”
GEN.
ANGELES: Papasukin
mo, Eva. (pangalan ng Voice Alarm ng kanyang opisina.)
Nagulat siya sa dumating
na panauhin…..ang kanyang anak na si Paolo.
GEN.
ANGELES: Paolo! Mabuti
at maayos ka na. Dito pumasok ka.
Pumasok sa loob si
Paolo.
GEN.
ANGELES: Salamat
naman at nakarecover ka na---
PAOLO: Hindi po ako magtatagal…..Nandito po
ako para magpaalam.
GEN.
ANGELES: Aalis ka?
Pero bakit? Ngayong alam mo na kung sino ka, ito ang pinakamagandang lugar para
sa iyo. Mas ligtas ka dito.
PAOLO: Lalayo na po ako sa lugar na ito.
Kailangang mahanap ko ang sarili ko.
GEN.
ANGELES: Pero saan ka
pupunta?
PAOLO: Bahala na po. Basta mahanap ko lang
kung sino talaga ako. Sa loob ng isang taon na nasa poder ako ng AXIS, mahirap
para sa akin na makasama kayo, kayo na aking sinaktan at halos patayin. Hindi
ko pa rin mapapatawad ang sarili ko…..Mauna na po ako.
At lumabas na ng opisina
si Paolo. Naiwan ang kanyang ama na natulala. Biglang may naalala si Gen.
Angeles. May kinuhang isang importanteng bagay sa kanyang desk. At hinabol si
Paolo.
GEN.
ANGELES: Paolo!
Tumigil si Paolo at
hinarap ang ama.
GEN.
ANGELES: Maaaring
hindi mo pa rin kilala ang sarili mo, pero ito lang ang masasabi ko….Hindi ka
masama. Alam kong sa iyong puso ay may natitira pa ring kabutihan. Kapag
nahanap mo na ang iyong sarili, gusto kong buksan mo ito.
Inabot ni Gen. Angeles
ang isang maliit na Steel Case. Kinuha ito ni Paolo.
Walang sabi-sabing
umalis si Paolo nang hindi nagpapasalamat.
Habang dumadaan sa
hallway papunta sa elevator si Paolo, nakita siya ni Malin.
MALIN: Kuya Pao?
Agad tumakbo si Malin
upang habulin si Paolo, ngunit magsasara na ang elevator.
____________________________________
Mariveles, Bataan, 4:46
Matiwasay ang lungsod ng
mga oras na iyon, abala ang lahat ng tao sa kani-kanilang gawain. Ngunit hindi
alam ng lahat, sa itaas ng isang building, biglang lumitaw si Zinniazoid.
ZINNIAZOID: Wahahahaha! Oras na para magsabog ng
aking mga naggagandahang mga bulaklak!
At ilang saglit pa ay
lumitaw sa mga kamay niya ang ilang pulumpon ng Zinnia.
ZINNIAZOID: Napakaganda mga bulaklak para sa
isang napakagandang katapusan ng lugar na ito!
Inihagis niya ang lahat
ng ito upang kumalat sa buong lugar na natatanaw niya.
____________________________________
Sa isang playground sa
Mariveles ay may mga batang masayang naglalaro. May mga batang naglalaro ng
Dodge Ball, napalakas ang hagis ng isa, kaya lumabas ito sa bakod. Bumagsak ang
bola sa isang sidewalk, kung saan naglalakad ang isang binata…..ang binatang
ito ay si Paolo, na umalis sa Gamma Base upang hanapin ang sarili.
Pinulot ni Paolo ang
bola at ibinalik sa batang lumapit.
BATA: Naku salamat po Kuya! Pasensya na po,
medyo hindi magaling maglaro ang kapatid ko.
PAOLO: Turuan mo siya para matuto siya.
BATA:
Kaso nakakapikon po
siya e.
Umupo si Paolo upang
kausapin ang bata.
PAOLO: Alam mo, dapat mahalin mo ang kapatid
mo, kapatid mo yan e. Kung wala siya, siguradong mami-miss mo siya.
BATA: Hindi po siguro, he he he…
Ilang saglit pa ay may
nakitang isang pirasong bulaklak ng Zinnia si Paolo sa may damuhan. Natuwa si
Paolo sa bulaklak, kaya pinulot ito.
PAOLO: Heto, bigay mo sa kanya ito.
BATA: Naku, salamat po! (at ibinigay nga ng
bata ang bulaklak sa kapatid niya)
Tila naalala ni Paolo si
Julianna pagkakita sa magkapatid na bata…nakaramdam siya ng lungkot ng dahil
doon.
______________________________________
Nakarating si Paolo sa
isang bus station, ngunit nag-aalangan pa rin siya kung saan siya pupunta. At
dahil walang dalang pera, ay umupo na lamang siya sa isang bangko at tila
nag-iisip ng paraan kung papaano makakabiyahe.
Tinanong siya ng isang
matandang babae na nasa tabi niya.
LOLA: Iho, saan ang punta mo?
PAOLO: Sana alam ko po kung saan.
LOLA: Naku Iho, sundin mo lang ang nasa
puso mo…mararating mo din ang iyong gustong marating….
Kumuha ng PhP 500 sa
wallet ang matanda at inabot kay Paolo
LOLA: Kunin mo ito Iho...paano mauna na
ako…
Tiningnan ni Paolo ang
pera, natuwa siya dahil may pamasahe na siya,
PAOLO: Salama---
Nagulat siya ng malamang
wala na ang matanda na ipinagtaka ni Paolo.
_____________________________________
“RED ALERT! RED ALERT!
ENEMY SPOTTED! ENEMY SPOTTED!”
Agad naging alerto ang
lahat ng nasa Gamma Base, mabilis ding nakarating ng Database ang limang
Rangers.
SCOTT: What’s up?
GEN.
ANGELES: AXIS
Terrozoid Alert. Sa Area 73, Sector 9, North 94 D, 16 Mintes West sa Mariveles,
mobilize now Rangers!
RANGERS: Roger! (sabay saludo)
At mabilis na pumunta
ang lima sa Designated Area.
_______________________________________
Naging magulo ang isang
plaza sa Mariveles ng dahil sa paglitaw ni Zinniazoid. Ilang saglit pa ay
dumating na ang limang Rangers gamit ang kanilang Patrl Vehicles.
JAKE: Hoy ikaw, wag kang gagalaw!
ZINNIAZOID: Hoy Pogi ang bongga naman ng dating
niyo!
MALIN: Baklang-bakla naman magsalita ang
isang ito!
JAKE: Baklain natin yang kumag na yan!
Let’s do it!
RANGERS: Gammamode, Activate!
At naging Gammarangers
na ang lima pagka-morph.Sabay-sabay na umatake ang lima, ngunit tila mabilis
nakaiwas si Zinniazoid.
GAMMA
BLUE: Nasaan siya?
Biglang may humila kay
Gamma Vio mula sa likod at itinapon sa isang kotse.
GAMMA
VIO: Aaaaaahhh!!!
GAMMA
GREEN: Scott!!!
Hindi makasabay si Gamma
Vio sa kalaban, pinagpupukpok ni Zinniazoid ang ulo ng Ranger sa hood ng kotse.
Nakabawi si Gamma Vio, ngunit nagulat siya ng wala na ang halimaw. Maging ang
apat na Rangers ay hindi alam kung nasaan ang kalaban.
GAMMA
VIO: Where did he go?
(sabay tutok ng G-Machinegun)
Biglang may tumamang
bakal sa likod ni Gamma Vio at napasandal sa kotse.
GAMMA
VIO: Aaaaahhh!!!
ZINNIAZOID: Babooo!!!!
Biglang sumabog ang
kotse na kinaroroonan ni Scott, dinapuan pala ng Zinnia Flower ang kotse.
Napatalsik sa ere ang Ranger.
Sunod na lumaban sina
Gamma Red at Gamma Blue gamit ang Gamma Daggers, ngunit gumamit ng Rotating
Attack si Zinniazoid, kaya habang umiikot ang halimaw ay napipinsala din ang
dalawang Ranger. Halos masira ang Armor nila sa natamong atake.
Sumunod na sumugod sina
Gamma Green at Gamma Yellow, ngunit malakas si Zinniazoid, ginawa niyang
Juggling Balls ang dalawang Rangers, pinaghahagis sa ere bago sila tirahin ng
Zinnia Pollens na sumabog sa kanilang katawan.
GAMMA
VIO: Man, what’s with
that Monster?
GAMMA
RED: Di ko alam, pero
ang lakas niya!
ZINNIAZOID: Kung para sa inyo ay malakas na iyon,
aba paano pa kaya ang mangyayari mamayang gabi?
GAMMA
GREEN: Anong ibig
mong sabihin?
ZINNIAZOID: Tanggapin niyo ito!
Inihagis ni Zinniazoid
ang isang Zinnia Flower na nasalo naman ni Gamma Red.
GAMMA
RED: Bulaklak?
ZINNIAZOID: Oo, ngunit mga ispesyal na bulaklak
iyan! Ang bobongga no? Pero pagsapit ng dilim, ang lahat ng naikalat kong
Zinnia Flowers sa buong lugar ay sasabog at wawasak sa lugar na ito!!! Wala na
kayong magagawa, dahil masyadong maraming bulaklak na ang naikalat at hindi na
ninyo mababawi lahat, ang tanging paraan lamang upang hindi sumabog ang mga
iyan….ay talunin ako bago ang paglubog na araw!!!
GAMMA
YELLOW: Kalurkey ka!
Hindi kami papayag na mabura sa mapa ang lugar na ito!
GAMMA
BLUE: Tama! Kaya
pipigilan ka namin!
Sumugod ang lima upang
labanan si Zinniazoid ulit.
_____________________________________
Kitang-kita mula sa
Database ang mga pangyayari sa Combat Zone.
GEN.
ANGELES: Alice,
magtakda ka ng Area-Wide Alert! Kontakin mo ang lahat ng authorities sa lugar
na iyon, kailangang ma-retrieve ang lahat ng Zinnia Flowers!
ALICE: Roger Sir!
____________________________________
Sumakay na sa Bus si
Paolo, ilang minuto na lang ay aalis na ang bus papuntang Manila. Kasalukuyang
nakaupo sa bandang unahan si Paolo nang mapunta ang pansin niya sa TV na nasa
itaas ng Driver’s Seat…
“Breaking
News po. Nagpakalat ng Area-Wide Alert ang UDF Gamma matapos magkalat ang mga
misteryosong Zinnia Flowers sa Mariveles. Nasa State of Emergency ngayon ang
nasabing lugar. Ayon sa UDF Gamma, ang mga nasabing bulaklak ay mga
hinihinalang mga explosives at kailangang maiwasan. Naging alerto na ang lahat
ng kinauukulan ng Mariveles upang ipunin ang lahat ng Zinnia Flowers na ito.
May teorya din na ang AXIS ang hinihinalang nagpakalat ng nasabing mga
bulaklak.
Pagkapanood sa balita,
biglang naalala ni Paolo ang batang binigyan niya ng bulaklak.
KONDOKTOR: (sa driver) Tara abante mo na!
PAOLO: Sandali! Bababa ako!
KONDOKTOR: Ano--?!
Ngunit nagmadaling
bumaba si Paolo upang bumalik sa Playground upang habulin ang mga bata, sabay
punit sa Bus Ticket niya.
Habang tumatakbo ay
nagpapanic naman ang mga tao sa lugar na iyon. Pinalikas ang lahat ng mamamayan
habang pinagdadampot ng mga awtoridad ang mga Zinnia Flowers na hinihinalang
mga pasabog.
Ngunit sa mga oras na
iyon, 30 minutos na lang bago ang paglubog ng araw….
____________________________________
Hirap na hirap pa rin
ang Gammarangers sa pakikipagsagupa kay Zinniazoid.
GAMMA
RED: Lintek,
nauubusan na tayo ng oras!
ZINNAZOID:
Palubog na ang araw,
maging kayo rin! Bwa ha ha ha!!!
GAMMA
BLUE: Anong gagawin
natin?
GAMMA
RED: May naisip akong
diskarte….
GAMMA
GREEN: Ano naman?
GAMMA
RED: Hoy Halimaw,
kaya mo ba kaming habulin?
ZINNIAZOID: Ha ha ha ano ito, laro?
GAMMA
RED: Oo, kapag
nahabol mo kami, panalo ka na at susuko na kami!
GAMMA
BLUE: Anong kalokohan
nanaman ito?
GAMMA
RED: Basta akong
bahala! Sundin niyo lang ako!
Tumakbo ang limang
Rangers at sumunod na lang kay Gamma Red, hinabol naman sila ni Zinniazoid.
Hanggang sa makarating
sila sa isang tagong lugar. Pagliko ni Zinnazoid, nagulat siya nang malamang
wala na amg lima.
ZINNIAZOID: Huh? Nasaan na sila? Isang dead end
ito!
Hinanap ni Zinniazoid
ang Gammarangers….nang….
“GAMMA
BAYONETS!....FIRE!!!!!”
Biglang natamaan ng
malakas na Bayonet Blast si Zinniazoid at sumabog….
Mula sa itaas ng pader
ay nandoon ang limang Rangers, bumaba sila.
GAMMA
RED: Hah, natapos
din!
Ngunit….
BOOOOMMMMM!!!!!!!
Isang malakas na Zinnia
Pollen Explosion ang bumalik sa Gammarangers nas siyang nakadamage sa lima.
Napahandusay na lang ang Gammarangers.
ZINNIAZOID: Ha ha ha ha!!! Yun lang ba ang
ibubuga niyo?!
GAMMA
RED: Hindi! Malakas
na ang Gamma Bayonets…pero wala pa rin!
ZINNIAZOID: Oras na para tapusin ito!
Nagbuga ng maraming
Zinnia Flowers ang ahlimaw at binuga sa Rangers.
_______________________________________
Sa isang tulay, pauwi na
ang dalawang bata na naglalaro kanina.
BATA
1: Kuya, sino po ang
nagbigay nito?
BATA
2: May mabait na mama
na pumulot ng bola kanina….
“SANDALIIII!!!!!”
Napalingon ang dalawang
bata, at nakita nilang tumatakbo ang isang pamilyar na lalaki….si Paolo.
BATA
2: Uy, yan yung
lalaking nagbigay ng bulaklak! Kuya! (kumaway)
Walang sabi-sabi ay
kinuha ni Paolo ang bulaklak at itinapon sa ilog sa ilalim ng tulay.
PAOLO: Dapaaaaa!!!!
Tuluyan ng lumubog ang
araw….at sumabog ang lahat ng bulaklak….maging ang bulaklak na tinapon ni
Paolo.
_____________________________________
Sumabog na din ang mga
bulaklak na ibinuga sa Rangers na siyang dumale ng husto sa kanila. Sa lakas ng
pagsabog ay nasira ang pader na nasa likod nila at nadaganan sila. Bumalik sila
sa kanilang civilian form.
ZINNIAZOID: Ngayon ang aking huling atake!!!!
Pilit bumabangon ng
limang Rangers….
JAKE: Hindi…..
_____________________________________
Muling tumayo si Paolo
at ang dalawang bata.
BATA
2: Kuya! Naku bomba
pala yung bulaklak! Maraming salamat po at niligtas niyo kami!
BATA
1: Isa kang bayani
Kuya!
BATA
2: Napakabuti niyo
pong tao! Maraming salamat po ulit! Mauna na po kami!
Kumaway pa ang batang
babae kay Paolo habang naglalakad sila pauwi.
PAOLO: Ako…isang mabuting tao? (biglang
naalala ang sinabi ng ama kanina)
“Maaaring
hindi mo pa rin kilala ang sarili mo, pero ito lang ang masasabi ko….Hindi ka
masama. Alam kong sa iyong puso ay may natitira pa ring kabutihan. Kapag
nahanap mo na ang iyong sarili, gusto kong buksan mo ito.”
Agad niyang kinuha ang
Steel Case na bigay ng ama niya bago siya umalis. At nang buksan niya ito…….
_____________________________________
ZINNIAZOID: Ha ha ha ha!!! Ngayong nakita niyo na
kung ano ang kayang gawin ng aking mga bulaklak, ipapakita ko na sa inyo kung
ano pa ang aking kayang gawin!
Nawawalan na ng pag-asa
ang limang Rangers dahil hindi nila kayang talunin si Zinniazoid. Nanonood na
lang ang lumang bugbog-saradong Rangers habang naghahanda ng isang malakihang
blast ang halimaw…
ZINNIAZOID: Paalam Gammarangers!
Nang biglang…..
BAAAAGGGG!!!!!!
Biglang may sumipa kay
Zinniazoid na isang nilalang galing sa kung saan! Napadapa si Zinniazoid, at
nagulat naman ang limang Rangers.
JAKE: PAOLO?!
BRIAN: Hah?!
ABBY: Pao?
SCOTT: What?
MALIN: Kuya Pao?
PAOLO: Eksakto ang dating ko. Buti na lang
may GPS Radar System ang Morpher na ito at nadetect ko kayo! Salamat at
naihabol ni Dad ito.
JAKE: Anong ginagawa mo dito?
ZINNIAZOID: Aba! Ikaw ba yung tinatawag nilang
Black Patriot? Tingnan mo nga naman, nagbabalik ang isang traidor!
PAOLO: Patay na si Black Patriot! At ngayon
oras na para mabuhay ang isang bagong Patriot!
Iniangat ni Paolo ang
Patriot Morpher sabay sigaw ng….
“PATRIOT, GAMMA ON!!!!”
Nagbagong anyo si Paolo,
at naging isang bagong Ranger.
“DEFENDER OF HUMANITY,
GAMMA PATRIOT!”
_______________________________________
Saksi naman ang Database
sa pagbabalik ni Paolo at sa pagbabagong anyo nito.
ALICE: Ayos!
ENGR.
GORDON: Looks like a
new Patriot Warrior is born!
OWEN: Astig!
GEN.
ANGELES: (napangiti) Sinasabi
ko na nga ba at babalik siya. Kaya mo yan, Paolo.
________________________________________
BRIAN: Yan pala si Gamma Patriot…..
ABBY: Ang galing….
ZINNIAZOID: Kahit puti na ang kulay ng baluti mo,
wala ka pa ring binatbat!
GAMMA
PATRIOT: Pwes,
tingnan natin! Yaaaaahhh!!!!
Sumugod si Zinniazoid
ngunit mabilis na tumalon si Gamma Patriot sabay sipa ng malakas sa halimaw,
napatalsik si Zinniazoid ng malakas at napabagsak sa isang pader.
GAMMA
PATRIOT: Pyrrovolver,
Blade Mode!
Umatake si Gamma Patriot
sa halimaw, nakabangon ang halimaw ngunit hindi niya maiwasan ang mga taga ng
Pyrrovolver Blade, napinsala ng husto si Zinniazoid.
GAMMA
PATRIOT: Yan lang ba
ang kaya mo?
Nagbuga ng malakas na
blast si Zinniazoid, ngunit….
GAMMA
PATRIOT: Pyrronium
Shield!
Naglabas ng Pyrronium
Shield si Gamma Patriot kaya hindi siya tinablan ng atake ni Zinniazoid. Nagpakawala
ulit ng Zinnia Explosive Flowers ang halimaw ngunit naiwasan ito ni Gamma
Patriot, sabay lundag, nang nasa ere na…
GAMMA
PATRIOT: Pyrrovolver
Pistol Mode, Maximum Power!!!! Fire!!!
Nagpakawala ng isang
todong lakas na Blast ang Pyrrovolver, at nang tumama kay Zinniazoid….
ZINNIAZOID: Hindeeeee!!!!!!
BOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!!!
______________________________________
Nagbunyi ang lahat ng
nasa Gamma Base matapos mapanood ang tagumpay ni Gamma Patriot.
GEN.
ANGELES: Magaling,
Paolo.
ALICE:
Sir, kaunti lang po
ang pinsala sa Area at wala rin pong nasaktan.
GEN.
ANGELES: Buti na lang
at agad naipon ang mga bulaklak. At salamat na rin kay Paolo…
_____________________________________
Nagpower down na si
Gamma Patriot at bumalik sa pagiging Paolo. Agad siyang nilapitan ng limang
Rangers.
JAKE: Pare!!! Ang galing mo!
BRIAN: Galing mo Paolo.
ABBY: Mukhang mas magaling ka pay kesa kay
Black Patriot.
MALIN: Akala ko umalis ka na Kuya Pao, buti
na lang at bumalik ka.
SCOTT: Welcome back, Dude. It’s great that
you are now with us!
PAOLO: Salamat….mga kaibigan. Dito talaga
ang paroroonan ko. Pangako, tutulong ako upang mapuksa ang AXIS.
At nag-high five silang
lahat sa kanya.
______________________________________
UDF Gamma Base, 21:42
Masayang sinalubong ng
lahat ang pagbabalik ni Paolo. May makikitang tarpaulin na may nakasulat na “Welcome Back Lance Corporal Julian Paolo
Angeles a.k.a. Gamma Patriot”. Nagkaroon ng munting salu-salo ang mga
nandoon upang ipagdiwang ang pagbabalik ni Paolo bilang isang sundalo.
Nandoon ang lahat ng
kasapi ng militar na kinumbida ni Gen. Angeles.
GEN.
ANGELES: Welcome back
Anak. Sabi ko na nga ba’t dito ka rin uuwi. Ngayon, isa ka nang ganap na
Gammaranger, (humarap sa lahat ng tao) Kayong lahat, iwelcome niyo ang bagong
miyembro ng Gammarangers, si Gamma Patriot!
Palakpakan ang lahat ng
nandoon, kasama na ang limang Rangers, sina Alice, Owen, Engr. Gordon, at iba
pa.
PAOLO: Ummmm….hindi ko po alam ang sasabihin
ko. Maraming-maraming salamat po at binigyan niyo ako ng pagkakataong tulad
nito.
SCOTT: Welcome to the team!
Ngunit may isang espesyal na panauhin na dumating.
GEN. ANGELES: Paolo, may sorpresa ako sa iyo....
Ilangs aglit pa mula sa pinto, nagpakita si Julianna...
PAOLO: Julianna!!!
JULIANNA: Kuya Pao!!! Hu hu huuuu!!!
Agad nagyakap ang magkapatid! Kahit na Special Child si Julianna, masasabi mong parang normal na bata ang reaction niya.
MALIN: Aawww....(halos maiyak)
BRIAN: Namiss talaga nila ang isa't-isa...
JAKE: O ano pa hinihintay natin? Let’s
Party!!!
_____________________________________
AXIS Mega Base…..
GANELON: Isang malaking kataksilan! Si KO-36,
na ating inalagaan, ang siya pang lumaban at tumalo sa atin! Nararapat sa mga
tulad niya ay mamatay!
BALAAM: Panginoon, patawad po at hindi ko
inaasahan ang pagbabalik ni Black Patrio---
MEGIDDUS: Hindi na siya si Black Patriot. Siya
na si Gamma Patriot!
Lumapit si Megiddus kay
Ganelon.
MEGIDDUS: Panginoon, ito na ang tamang oras
upang gamitin ang planong binabanggit ko sa inyo nung nakaraan. Ito ang siyang
tatapos kay Paolo Angeles!
GANELON: Hmmm….ano iyon?
______________________________________
Natapos ang party ng
madaling araw na, at nakatulog na ang lahat ng naroroon. Si Paolo ay
kasalukuyang naghihilamos, nang may mapansing kakaiba sa kanyang leeg…
PAOLO: Ano ito?
Isang Tattoo na anyong
Computer Circuit ang biglang lumitaw sa
kanyang leeg…..
…..Itutuloy……
No comments:
Post a Comment