Saturday, September 15, 2012

Mission 19: Black and White Collision!



Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________

Sa kanyang silid…..


MEGIDDUS: Palpak nanaman ako sa isang halimaw….hindi na nakakatuwa ito….

CALYX: Pero Master Megiddus, ano na ang ating gagawin ngayon?

MEGIDDUS: Mukhang ito na ang tamang oras para ilabas ang aking huling baraha….Sumama ka sa akin sa Lab, nandoon ang inihanda kong Contingency Plan upang tuluyan ng matapos ang Gammarangers.

Pumunta sa Laboratory sina Megiddus at Calyx upang tingnan ang sinasabi ng una.

Nang nasa Laboratory na sila…pumunta sila sa isang Capsule Panel, sa loob nito ay may isang tila anyong Robotic Soldier.

MEGIDDUS: Kahit papaano ay inaasahan ko na ang pagtiwalag ni Paolo Angeles sa atin, kaya minabuti kong pag-aralan ang lahat ng kilos at kakayahan niya. Nakuha ko ang lahat ng datos niya upang gamitin sa pagbuo ng isang panibagong mandirigma. Di hamak na mas magaling ito kumpara sa kanyang sinundan, dahil ang isang ito ay walang emosyon at mas malakas.

CALYX: Sino po ito?

MEGIDDUS: Pagmasdan mo! Eject Final Form!

CALYX: Oohhh??!!!

At bumukas na ang Capsule….laking gulat ni Calyx nang makita ang itsura ng mandirigma…….si BLACK PATRIOT!



Mission 19: Black and White Collision!

AXIS Mega Base…..

GANELON: Binigo mo nanaman ako Megiddus!!! Unti-unti ng nawawala ang tiwala ko sa iyo!!!

MEGIDDUS: Hindi na po mauulit Panginoon---aaaaahhh!!!!

Tumira ng Death Electric Shock si Ganelon at nasaktan si Megiddus.

Lihim namang natatawa sina Balaam at Dymaro.

GANELON: Hindi ko maintindihan. Simple lang naman ang hinihingi ko, ang talunin ang Gammarangers!....Pero bakit hindi niyo magawa?! Paulit-ulit na lang!!!

BALAAM: Hah, kelan ba nagtagumpay ang hinayupak na ya---

GANELON: Tumigil ka dyan, isa ka pa!!! Puro kayo mga walang silbi!

NECROMA: Sa tingin ko ay oras na para ako naman ang magpakitang gilas sa inyo Panginoon.

GANELON: At ano nanaman iyan?

Pumitik si Necroma, at ilang saglit pa ay biglang nagpakita ang isang halimaw na may apat na kamay.

BALAAM: Aba, ngayon lang ako nakakita ng ganyang Terrozoid….saan mo naman galing iyan Necroma?


NECROMA: Siya si Quadrazoid. Naisip kong mahihirapan ang Gammarangers kung kakalabanin nila ang isang halimaw na may apat na kamay. Nilikha ko siya sa Laboratory at sinubukan kong dinoble ang Arm Tissues niya. Magagamit niya ang kanyang mga kamay upang sirain ang lahat ng madadaanan niya ng doble sa bilis ng ordinaryong Terrozoid.

GANELON: Hmmm…siguraduhin mong may silbi ang halimaw na yan, kung hindi ay isusunod kitang parurusahan!

NECROMA: Makakaasa po kayo Panginoon.

Bumulong si Calyx kay Megiddus.

CALYX: Master, hindi niyo ba sasabihin ang tungkol kay Black Patriot?

MEGIDDUS: Hindi na. Mas maganda kung masosorpresa natin sila--

GANELON: May sinasabi ka ba Megiddus?

MEGIDDUS: Wala po, Panginoon.

Ilang saglit pa ay sumabat si Corvus.

CORVUS: Master Megiddus, totoo ba na bumalik na si Idol Black? Yehey! Bumalik na si Idol Black---Aruy!!!!

POK!!!

Bigla siyang sinapok ni Calyx.

GANELON: Ngayon ay maglunsad kayo ng isang maliit na Attack sa isang area sa Metro Manila kasama ang mga Omnicrons at yang Terrozoid na yan, doon niyo na tapusin ang mga bwiset na Gammarangers! Ayoko munang maglunsad ng malakihang pag-atake….habang hangga’t maaari ay ayoko munang gumamit ng .G.E.A.R. Spider dahil kasalukuyan pa silang nirereprogram…….Gawin mo na, Necroma!

NECROMA: Masusunod po!
______________________________________

UDF Gamma Base…..

Nasa Laboratory sina Owen at Alice, tila may tinatapos na mga bagong sandata.

ALICE: Owen, pakita nga ng Final Schemes.

OWEN: Ready na Alice. Kumpleto na ang lahat, mula Arsenal, Programs, Mechanisms at Defense System. Ang kulang na lang…Operator.

Ipinakita ni Owen kay Alice ang isang bagong Gammachine at isang Patrol Vehicle.

ALICE: Ang ganda….Sayang at wala munang gagamit niyan. Buti na lang at iniwan sa atin ni Engr. Gordon ang Main Schematics bago siya umalis.

Ilang saglit pa ay pumasok si Gen. Angeles upang humingi ng update sa mga bagong imbensiyon.

GEN. ANGELES: Any updates on Project Gamma-06?

ALICE: Sir, tapos na po, kumpleto na po. Pati po ang bagong Patrol Vehicle.

At ipinakita nga nina Alice at Owen ang itsura ng bagong Gammachine at ang bagong Patrol Vehicle.

Lingid sa kanilang kaalaman, napadaan si Paolo sa Corridor ng Lab at di sinasadyang makita ang ginagawa nina Alice. Kaya minabuti niyang sumilip mula sa Glass Panel ng Automatic Door.

OWEN: Sir, I introduce to you….The Desert Panzer! And…the Deltron Rover!

GEN. ANGELES: Hmmmm….mukhang matataas ang Specifications nito….

ALICE: Ang dalawang iyan po na iyan ay fueled by Pyrronium Crystals.

Nagulat si Paolo nang makita sa Screen ng Hologram PC na may Pyrronium Fuel ang nasabing sasakyan.

PAOLO: (sa sarili) Pyrronium? Ibig sabihin, ako lang ang makakagamit ng bagong sasakyan!

Tuloy ang usapan sa Lab.

GEN. ANGELES: So…kelan natin pwedeng magamit iyan?

ALICE: Ready na siya anytime Sir….ang problema lang po….si Paolo. Kung wala si Gamma Patriot, walang silbi ang Desert Panzer at ang Deltron Rover. Meron po kasing Sophisticated Weapons System ang mga ito na tanging ang Gamma Patriot lang ang makakagamit.

GEN. ANGELES: Since wala munang Gamma Patriot, let’s just hope na kaya nating i-manage ang laban kahit wala ang dalawang Machines.

OWEN: Sa ngayon ise-save ko muna sa Gammachine Files ang Panzer Scheme, tapos na rin po ang Construction nito kaya anytime ay ready to go na ito.

Matapos iyon, ay umalis na si Paolo.
________________________________________

Nasa Café sina Jake, Brian, Abby at Scott at umiinom ng Iced Coffee habang nagkukwentuhan.

BRIAN: Napapansin ko nga na tila may problema si Paolo. Nahalata ko lang nung matapos ang Gammatron Battle.

SCOTT: Yeah, he seems a bit fazed. Something is bothering him.

ABBY: (habang nagbabasa ng Magazine) Pero di natin maikakaila na si Fonseca ang bida kahapon. Muntik ka ng mamatay, eh no?

Tila wala sa sarili si Jake. Iniisip pa rin ang usapan nila ni Paolo.

ABBY: (siniko si Jake) Hoy kinakausap kita!

JAKE: Hah? Eh…oo nga eh! Langya natakot din ako nung sumabog ang lugar na iyon. Buti at mabilis mawala ang mga sugat ko. Salamat sa Laser Treatment.

Ilang saglit pa ay biglang dumating si Malin galing Main Base. Humihingal ito at tila taranta.

MALIN: Guys, narinig niyo na ba ang latest chismax?

ABBY: Hah? Anong chismax?

MALIN: Hindi na Gamma Patriot si Kuya Pao!

Nagulat ang lahat pagkarinig ng balita, maliban kay Jake. Na-choke tuloy ni Scott ang iniinom na Iced Coffee.

SCOTT: What, you mean Paolo is no longer a Ranger?

ABBY: Pero bakit daw?

MALIN: Ewan, pero…desisyon daw ni General.

BRIAN: Paano yan, kung kelan mas lumakas ang AXIS, doon pa siya mawawala.

ABBY: Kelangang-kelangan pa man din natin ang capabilities niya.

JAKE: Sabi na nga ba eh.

BRIAN: Bakit may alam ka?

JAKE: Sasabihin ko na. Kaya natanggal si Paolo ay dahil may tinatago siyang AXIS Circuit Virus sa katawan niya.

ALL: AXIS CIRCUIT VIRUS?

JAKE: Yun ang dahilan ng sakit niya sa dibdib. Sa tuwing nagmomorph siya bilang Gamma Patriot, nabubuhay din ang Virus at kumakalat sa katawan niya, hanggang patayin siya nito. Kaya minabuti ng Erpat niya na kunin ang Patriot Badge upang hindi na makapagmorph si Paolo, nang sa gayon ay hindi na rin kakalat ang Virus.

BRIAN: Delikado pala ang lagay niya.

ABBY: Tingin ko nasa katawan na niya ang Virus kahit nung nasa AXIS pa siya, ngayon lang nabuhay.

MALIN: Naku…papaano natin lalabanan ang AXIS niyan? Kaloka naman to!

JAKE: Hah, kahit wala si Pao, kayan-kaya nating talunin ang lintek na AXIS na yan!

Nang biglang….

“RED ALERT, RED ALERT, ENEMY SPOTTED! ENEMY SPOTTED!
ATTENTION GAMMARANGERS PLEASE PROCEED TO THE DATABASE ON THE DOUBLE!”

JAKE: May bago nanaman, let’s go!

Agad kumaripas ang mga Rangers papunta sa Database, sandaling bumalik si Scott at inubos ang kanyang Iced Coffee at muling tumakbo.
_______________________________________

Database…..

JAKE: Huhulaan ko, Terrazoid?

ALICE: Mismo! Kasama pa ang mga extrang Omnicrons. Nasa Area73, Sector 102 South 67 Degrees 59 Minutes East sa Novaliches!

SCOTT: Wow, just look at that monster, has four arms!

MALIN: Kaloka naman yan!

JAKE: Kahit sampu pa kamay nyan, walang binatbat yan!

GEN. ANGELES: Kaya kelangang kumilos kayo ngayon din! Move now!

RANGERS: Roger!

Agad tumakbo ang lima, ngunit tumigil sila.

GEN. ANGELES: Rangers, anong problema?

Lumapit si Gen. Angeles upang tingnan ang problema at laking ulat nila nang sa dinadaanan ng Rangers, nakaharang si Paolo.

PAOLO: Sasama ako!

GEN. ANGELES: Paolo, tumabi ka!

Tahimik lang si Paolo na hinaharang ang daan.

GEN. ANGELES: Rangers, move now! GO!!!

Kahit alangan ay tumuloy pa rin ang lima sa kanilang misyon, tila inisnab nila si Paolo. Nang makaalis na ang lima, nagtinginan ang mag-ama. Ilang saglit pa, umiling si Gen. Angeles at isinara ang pinto ng Database. Malungkot na bumalik sa kanyang silid si Paolo.
_____________________________________

Nagpulasan ang mga tao nang makita ang isang AXIS Tane na kargado ng mga Omnicrons. At sa may itaas ay nandoon sina Necroma at si Quadrazoid. Bumaba ang mga ito upang maghasok ng paninira sa lugar. Kasabay nito ang pagpapaputok ng mga AXIS Tanks sa lahat ng ari-ariang makikita nito.

NECROMA: Sige, sirain niyo ang lahat ng makikita niyo! Buburahin natin sa mapa ang lugar na ito!

Ngunit naudlot ito nang dumating ang Gammarangers na sakay ng kanilang mga Patrol Vehicles. Agad silang bumaba upang pagbabarilin ang mga kalaban.

NECROMA: Aba dumating na rin ang mga bastardong bata!

GAMMA RED: Aba nandito pala ang matandang bruha! G-Firearms, Open Fire!!!

Nagpaputok na nga ang mga Gammarangers sa mga Omnicrons, nang unti-unti ay nauubos sila, nagdesisyon si Necroma na makipag-Hand-to-Hand Combat na lang sila.

NECROMA: Omnicrons, Hand-to-Hand Combat!

GAMMA RED: Rangers, Gamma Bayonets, Assemble!

At binuo ng mga Gammarangers ang kanilang mga Gamma Bayonets at pinagtataga ang mga kalabang Omnicrons. Madali nilang natalo ang mga Omnicrons gamit ang kanilang sandata at husay sa pakikipaglaban gamit ang alam nilang Martial Arts.

GAMMA RED: Okay si Necroma naman!

Ngunit aatake na sana si Gamma Red nang hinarang siya ni Quadrazoid. Pinagsusuntok ng halimaw si Gamma Red, at dahil apat ang braso nito, hindi kayang sumabay ng Ranger. Sunud-sunod ang suntok na natamo niya, pagkatapos ay bigla siyang binuhat ng halimaw at inihagis sa isang pader.

Sumunod sina Gamma Blue at Gamma Green, lumundag sila sabay taga ng Gamma Bayonet. Ngunit naharang ni Quadrazoid ang mga sandata gamit ang dalawang braso…habang ang dalawang braso naman sa ilalim ang sumuntok sa dalawa ng malakas na malakas. Napatilapon ang dalawa dahil sa suntok at napabagsak sila sa isang Flyover.

Mula sa likod naman ay umatake sina Gamma Vio at Gamma Yellow, ngunit kahit nakatalikod at nagawa pang mai-grab ni Quadrazoid ang dalawa sabay suntok ng sunud-sunod. Pagkatapos ay itinapon sa kinaroroonan ni Gamma Red. Lalong nasaktan si Gamma Red nang madaganan siya ng dalawa.

Ilang saglit pa ay kumuha ng dalawang malalaking kotse si Quadrazoid gamit ang apat na braso at inihagis sa mga Rangers. Dahil sa panghihina ay hindi nakailag ang lima, kaya nasaktan sila matapos mahagisan ng kotse.

Ilang saglit pa ay lumapit si Necroma.

NECROMA: Ha ha ha ha! Anong problema Gammarangers? Ni hindi pa nga nagpapainit si Quadrazoid e!......Sandali….tila may kulang…..nasaan ang ahas na si Paolo Angeles?

Pilit bumabangon ang lima sa kabila ng pinsala.

GAMMA RED: Huwag mo ng hanapin…..kahit wala siya, lalabanan pa rin namin kayo!

NECROMA: Talaga lang ha….Quadrazoid, tapusin sila!

Lumalapit si Quadrazoid sa lima na nakahandusay pa rin. Tatapusin na sana niya ang lima nang…..

BAAAAAAAANNNNNGGGG!!!!

Isang malakas na Blast ang pumigil sa halimaw. Nagulat si Necroma at ang mga Rangers.

NECROMA: Huh? Saan galing iyon?

GAMMA BLUE: Huh? Pamilyar yun ah!

At mula sa malayo ay nakita nila ang isang pamilyar na nilalang…..habang papalapit ito….ay lalo silang nabigla….

NECROMA: Ikaw?! Imposible!!!

GAMMA RED: Ano?!
GAMMA BLUE: Siya nanaman!
GAMMA GREEN: Hah?!
GAMMA VIO: What the---
GAMMA YELLOW: Oh no….

Nakita nila ang bagong dating……si BLACK PATRIOT!


_____________________________________

ALICE: Hah?! Bumalik si Black Patriot?

GEN. ANGELES: Baka isang impostor yan. Kung hindi si Paolo yan, sino iyan?

Saktong pumasok si Paolo sa Database, at maski siya ay gulat na gulat sa nilalang na nasa Screen.

PAOLO: Black Patriot?! Paanong--?

GEN. ANGELES: May isa pa palang Black Patriot ang AXIS.

PAOLO: Hindi ko po alam yan….di ko akalaing gagawa ulit sila ng isa pang Black Patriot!
________________________________________

Maski ang mga nasa AXIS ay nagulat din sa biglaang paglitaw ni Black Patriot.

GANELON: Anong ibig sabihin nito?

BALAAM: Isa nanamang Black Patriot?

DYMARO: Ngunit natalo na siya!

At nabaling ang tingin nila kay Megiddus.

GANELON: Ikaw ba ang may pakana nito?

MEGIDDUS: He he. Pasensya na po kung hindi ko sinabi ito sa inyo. Gumawa po ako ulit ng isang Black Patriot Clone matapos kong makuha ang lahat ng galaw ni Angeles. Mas pinalakas ko po ito at mas bayolente. Hindi ko po sinabi sa inyo upang sorpresahin kayo.

CALYX: Tama po si Master Megiddus. Paniguradong wala nang kaligtas ang Gammarangers dahil hindi na rin nila maaasahan si Angeles dahil sa Circuit Virus.

GANELON: Mukhang magiging interesado ang laban……
_____________________________________

NECROMA: Hindi ba’t natalo ka na ng Gammarangers?

BLACK PATRIOT: Hindi ako tulad ng bastardong si KO-36. Di hamak na mas malakas ako ngayon. Wag kayong makikialam, ako ang tatapos sa kanila!

NECROMA: Wag mo kaming ipagmumukhang walang silbi! Mabuti pa pagtulungan na lang natin ang mga yan!

Lalong nalagay sa alanganin ang Gammarangers.

GAMMA YELLOW: Return of the Comback! Yiiih…..

GAMMA GREEN: Hindi na maganda ito.

GAMMA RED: Hah, yan lang ba? Wala na bang darating na iba? Dagdagan niyo pa ang mga bata niyo!

GAMMA BLUE: Langya ka, namemeligro na tayo, ganyan pa rin ang hirit mo.

GAMMA RED: Akin ang Balugang yan! Sa inyo ang may apat na braso at ang matandang bruha!

Tumayo ang limang Gammarangers upang harapin sina Black Patriot, Necroma at Quadrazoid.

GAMMARANGERS: Yaaaaaaahhhh!!!!

At sumugod na ang lima, hinarap ni Gamma Red si Black Patriot, habang ang mga babae ay hinarap si Necroma, sina Gamma Blue at Gamma Vio naman kay Quadrazoid.
_____________________________________

Sa Gamma Lab….

Sinusuri ni Alice ang Circuit Virus ni Paolo gamit ang Wireless X-Ray Hologram Imagery. Kumalat na sa buong Upper Body ni Paolo ang Marka ng Virus.

ALICE: Based sa Scan Results, nasa sentro ng dibdib mo ang Microchip na nagcacause ng Circuit Virus. Malakas ang Energy Reaction nito kapag nagmomorph ka, kaya mabilis itong kumalat.

PAOLO: Ms. Alice, papaano mawawala ang Virus na to? Di ako pwedeng manood lang dito na nahihirapan ang mga kasama ko!

ALICE: Ang tanging magagawa na lang natin ay sirain ang Microchip sa loob ng katawan mo…pero…ang tanong, paano? Kung mag-uundergo ka ng surgery, matatagalan pa ang recovery mo.

PAOLO: Hindi ako pwedeng maghintay ng ganun katagal, kailangan ako ng mga kasama ko. Lalo na at bumalik nanaman ang Black Patriot.

ALICE: We can all just hope for the safety of the Rangers, Pao. Sana kayanin nila ang bagong laban na iyan.
_______________________________________

Matinding laban ang manayani sa lugar na iyon. Kahit papaano ay nakakasabay si Gamma Red kay Black Patriot. Ngunit dahil nadagdagan ng lakas ang huli, mabilis ding bumaba ang Energy Level ng Armor niya.

Tinamaan ng malakas na Pyrronium Blast si Gamma Red at napahiga ito. Babangon na sana siya nang apakan siya bigla sa dibdib. Tinadyakan pa ni Black Patriot ang dibdib ni Gamma Red….

GAMMA RED: Aaaaaaaahhhh…..

BLACK PATRIOT: Hah, yang ang nababagay sa mga mayayabang na katulad mo!

GAMMA RED: Hindi rin!

BAAAAAANNNNGGG!!!!

Napaatras si Black Patriot matapos bumaril ng G-Magnum si Gamma Red habang naapakan siya. Tumayo si Gamma Red at saka umatake, ngunit naharang ng kalaban ang mga atake niya ang sinipa palayo. Habang patipaon si Gamma Red ay naghagis pa ng malalaking Steel Posts si Black Patriot na lalong nagpasakit sa Ranger.

Pinagtulungan naman nina Gamma Blue at Gamma Green si Quadrazoid. Nasa magkabilang gilid ng halimaw ang dalawa habang walang habas nilang pinagbabaril ito gamit ang kanilang G-Firearms. Lumundag si Gamma Vio at nagpakawala ng malakas na G-Machinegun, ngunit biglang humaba ang dalawa sa apat na braso ni Quadrazoid at sinuntok siya. Sa lakas ng suntok ay binangga niya ang Ranger sa isang gusali, na ikinawasak nito.

Sinamantala ni Gamma Blue ang pagkakataon, sumipa ito ng malakas mula sa likod, pero nagulat si Gamma Blue nang maharang ni Quadrazoid ang sipa niya gamit ang dalawa pang braso. Hinila nito ang dalawang paa ng Ranger at saka pinaghahampas sa aspaltong kalye. Nawasak ang kalye sa lakas ng hampas…nasaktan din ng husto si Gamma Blue.

Abala naman sina Gamma Green at Gamma Yellow sa pakikipagsagupa kay Necroma. Matindi rin ang sagupaan ng mga babaeng mandirigma. Ngunti hindi nila inaasahan nag sumunod na atake ni Necroma, nang habang gamit ang kanyang sandatang Entasis ay gumawa siya ng Necro Bombs, na ibinato ng minsanan sa dalawang Rangers. Napahandusay ang dalawa sa lakas ng mga pasabog.

Nang magtipon-tipon ang limang Rangers na nanghihina…

NECROMA: Ha ha ha ha, anong problema? Mukhang kailangan niyo nang tawagin ang isa pa ninyong kasama!

Nakadapa pa rin ang mga Gammarangers.

GAMMA BLUE: Fonseca, ano na?

GAMMA RED: Malas…kung nandito lang si Paolo…

Unti-unting lumalapit si Black Patriot.

BLACK PATRIOT: Nakakawalang-gana. Ni hindi man lang ako pinagpawisan sa inyo. Mabuti pa ay patayin ko na kayo lahat!

Itinaas niya ang kanyang Pyrrovolver at….

BLACK PATRIOT: Pyrrovolver Death Blow!.......FIRE!!!!

Binuga ito sa lima at….

BOOOOOOOOOOOMMMMMMM…..

Nagsitilapon ang limang Rangers sa lakas ng pagsabog. At muli ay bumalik sila sa kanilang human form. Puno sila ng mga pasa at galos.

Dahan-dahang lumalapit si Black Patriot sa mga Rangers.

NECROMA: Mukhang hindi na tayo dapat mag-aksaya ng oras dito, Quadrazoid. Tara na at ipagpatuloy ang pananalasa sa ibang lugar!

At umalis na sina Necroma at Quadrazoid upang ipagpatuloy ang pagsira sa ibang area.
________________________________________

Gamma Base….

PAOLO: Hindi! Mga kasama!

GEN. ANGELES: Delikado….

ALICE: Sir, mukhang namemeligro ang mga Rangers. Ano na po ang gagawin natin?

GEN. ANGELES: Hmmmm….

Walang anu-ano ay biglang tumayo si Paolo at aktong lalabas ng Database upang pumunta sa location.

GEN. ANGELES: Paolo! Saan ka pupunta?

PAOLO: Pupunta ako sa laban! Tutulong ako sa ayaw at sa gusto niyo!

GEN. ANGELES: Ano?! Pero--

PAOLO: Hihintayin pa ba natin na mamatay sila! Wala na akong pakialam kung mamatay man ako sa Virus na ito, pero isa lang ang nasa isip ko, ang tulungan ang mga kaibigan ko at iligtas ang mundo!

GEN. ANGELES: Pero Paolo---!

PAOLO: Dad, payagan niyo na ako! Please! Nakikiusap po ako! Ayokong maupo na lang dito at pinapanood ang mga pangyayari! Ayokong maging inutil! Di ba’t kayo na rin ang nagsabi na part ng pagiging sundalo ang ibuwis ang buhay para sa ikaliligtas ng mga tao?!

Natahimik si Gen. Angeles. Saglit na katahimikan….

PAOLO: Dad….

GEN. ANGELES: Alice, ibigay mo ang Patriot Badge!

ALICE: Po?

GEN. ANGELES: I said ibigay mo ang Patriot Badge!

ALICE: Roger Sir!

Napangiti naman si Paolo. Ibinigay ni Alice ang Patriot Badge kay Paolo.

PAOLO: Salamat po Dad!

GEN. ANGELES: Bilisan mo! Move now!

PAOLO: Roger Sir! (sabay saludo)

At nagmadaling umalis si Paolo.

ALICE: Sir…

GEN. ANGELES: Minsan kailangan ding sumugal para sa ikabubuti ng lahat, kahit kapalit pa nito ay ang buhay ng iyong minamahal.
______________________________________

Unti-unting lumalapit si Black Patriot upang tapusin ng tuluyan ang limang Rangers.

Walang anu-ano ay bumangon si Jake at sumugod…ngunit nasakal siya ni Black Patriot at saka tinadyakan sa tiyan….napahiga na lamang siya sa sobrang sakit.

ABBY: Fonseca….

BRIAN: (humihingal) Hindi….

BLACK PATRIOT: Mabuti pa ay magdasal na lang kayo Rangers…ihahanda ko na ang inyong libingan sa mismong lugar na ito!

MALIN: Hindi tayo pwedeng matalo….

SCOTT: No….

Sasaksahin na sana ni Black Patriot si Jake, nang……

BOOOOOOOOOOMMMMM!!!!

Siyang dating naman ng isang malakas na Blast mula sa kung saan. Nagulat ang lahat.

BRIAN: Sino iyon?

BLACK PATRIOT: Hmmm sa wakas….

Napatingin ang Rangers sa pinagmulan ng pasabog….nakita nila ang isang sasakyan na may lulang sundalo.

ABBY: Hah?

BRIAN: Sino ito?

Lalo silang nasorpresa sa nilalang na bumaba sa sasakyan…..si Paolo.

PAOLO: Na-late ba ako?

JAKE: Paolo!
BRIAN: Pero…
MALIN: Yehey!
SCOTT: Whoa! Nice Ride!
ABBY: Paano ang virus mo?

PAOLO: Wala akong pakialam sa Virus, nandito ako para tulungan kayo!

BLACK PATRIOT: Dumating ka rin sa wakas.

Napatingin si Paolo sa Black Patriot.

PAOLO: Hoy Impostor! Mukha ka ngang malakas, pero tandaan mo, di hamak na mas malakas ang tunay na Black Patriot!

BLACK PATRIOT: Sige KO-36, ipakita mo ang tunay mong lakas! Nakahanda kitang tapusin!

PAOLO: Tingnan natin…..(inilabas ang Patriot Badge) PATRIOT, GAMMA ON!!!

Nagpalit anyo na si Paolo bilang Gamma Patriot. Ngunit kumirot pa rin ang Virus…pero tiniis na lang niya ito.


GAMMA PATRIOT: Ngayon, ako ang harapin mo!

Nagsisimula na ang isang matinding laban sa pagitan ni Gamma Patriot at Black Patriot.

Nagsagupaan na ang dalawa, matitinding palitan ng atake gamit ang kanilang mga sandata. Kahit kumimirot ang Virus ay iniinda na lang ni Gamma Patriot ang sakit upang makasabay sa bilis at lakas ni Black Patriot.

Kada buga ng Pyrrovolver ng isa ay may resbak ang isa. Palitan ng lakas at bilis…isang napakagandang laban.

Samantala….sumugod si Quadrazoid sa lima, ngunit nakabangon agad sila. Agad silang tumalon papunta sa itaas ng gusali.

JAKE: Ngayong nandito na si Paolo, chance na natin ito! Ready!

OTHERS: Ready!

“GAMMAMODE, ACTIVATE!”

At nagpalit anyo na ang lima upang maging Gammarangers.

GAMMA GREEN: Hanapin natin sina Necroma at ang halimaw niya!

GAMMA RED: Okay! Tayo na! Sana kayanin ni Paolo ang Balugang Ranger na yan!

Umalis ang Rangers upang hanapin ang dalawang kalaban, gamit ang kanilang Patrol Vehicles at natunton nila ang location. Nasa may Balintawak na naghahasik ng lagim ang mga kalaban.

Nadatnan ng Rangers na nananakit ng tao si Quadrazoid. Habang sakay ng kanilang sasakyan ay pinagbabaril nila ang halimaw at pumreno sa harapan nito.

GAMMA RED: Oras na para ikaw naman totodasin namin! Guys, Activate Gamma Daggers!

RANGERS: Okay!

Binunot nila ang kanilang Daggers mula sa kanilang Leg Armor at inatake sabay-sabay ang halimaw….sa itaas naman ng isang gusali ay nandoon si Necroma at nanonood ng mga pangyayari.

Sabay-sabay ang ginawang pag-atake ng Gammarangers sa kalaban upang mahirapan itong gamitin ang kanyang apat na braso. Nagawang maharang ni Quadrazoid ang kanilang mga sandata at sila’y hinagis sa lapag. Tila may naisip si Gamma Blue.

GAMMA BLUE: Fonseca, aabalahin namin ang mga kamay ng halimaw, kapag naawat namin ang mga braso niya, tirahin mo na!

GAMMA RED: Ako pa inutusan mo?! Pero sige!

Umatake ang apat na Rangers sa halimaw, ginawa nila ang kanilang makakaya upang abalahin ang mga braso nito, habang si Gamma Red naman ay pumunta sa may likuran ng halimaw.Nang unti-unti ay nahawakan na ng apat na Rangers ang lahat ng apat na braso nito.

GAMMA BLUE: Fonseca!

GAMMA RED: Bayonet Blade Mode!!!

Isang malakas na saksak ang pinatama ni Gamma Red kay Quadrazoid. Nadale ang halimaw at nasaktan.

GAMMA BLUE: Ayos!

GAMMA RED: Okay Panghuling tira!!! Bayonet Rifle Mode! Lock-on Target!

RANGERS:  FIRE!!!

Isang buga ng Gamma Bayonet Blast ay sabog na ang kalaban.

NECROMA: Kaasar! Sayang at hindi pa magagamit ang mga G.E.A.R. Spiders! Bahala na muna si Black Patriot sa kanila!

At biglang naglaho si Necroma.

GAMMA YELLOW: Naku, si Kuya Pao!

GAMMA RED: Tara puntahan natin siya!
_______________________________________

Samantala ay unti-unti nang nahihirapan si Gamma Patriot sa pakikipagsagupa kay Black Patriot. Unti-unti na kasing kumakalat sa buong katawan niya ang Virus, umabot na ito sa mga paa at kamay niya. Hirap siyang makagalaw.

BLACK PATRIOT: Bakit hindi mo ako bigyan ng magandang laban, KO-36?! Ha ha ha ha!

GAMMA PATRIOT: (sa sarili) Hindi ako pwedeng matalo! Kailangang umisip ng ibang taktika! Di ako pwedeng daigin ng Virus na ito!

Pilit tumatayo ni Gamma Patriot ngunit lumapit si Black Patriot at pinagtataga siya. Saktong dumating naman ang Gammarangers upang tulungan si Gamma Patriot….

GAMMA RED: Paolo!

GAMMA PATRIOT: (tonong nasasaktan) Huwag niyo akong tulungan….kaya ko ito. Gusto kong makalbawi sa lahat ng perwisyong ginawa ko, tamang pambawi lang ito.

BLACK PATRIOT: Dami mong satsat! (hinambalos ng Pyrrovolver.)

GAMMA PATRIOT: Aaaaaaaahhhhh!!!!!

GAMMA GREEN: Paolo!

Sa pagkakataong ito ay hinang-hina na si Gamma Patriot. Bumalik siya sa pagiging Paolo. Nagulat ang mga Rangers nang makita nilang umabot na sa kalahati ng ulo niya ang Virus. Nagpower-down na rin ang mga Rangers dahil di rin nila matutulungan si Gamma Patriot.

BRIAN: Namemeligro na siya….Umaabot na sa utak niya ang Virus!

ABBY: Nakuha na ng Virus ang lahat ng lakas niya.

MALIN: Kuya Pao….

Nakahandusay si Paolo na wala na halos laban. Lumapit si Black Patriot at tumayo sa may ibabaw niya.

BLACK  PATRIOT: Dito na kita ililibing KO-36. Magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay!!!

Itinaas niya ang kanyang Pyrrovolver Blade at….

TSSSAAAAKKKKK!!!!!

JAKE: Waaaaaaaggggg!!!!!
________________________________________

GEN. ANGELES: Paolooooooo!!!!

Maging si Alice ay nashock sa nasaksihang pagkakasaksak kay Paolo sa dibdib.
_________________________________________

Nasaksak sa dibdib si Paolo. Nashock naman ang limang Rangers sa nasaksihang pangyayari. Ilang minutong hindi gumagalaw si Paolo, tila wala ng buhay….

Ngunit isang kakaibang pangyayari ang naganap….unti-unting nanghihina si Black Patriot.

BLACK PATRIOT: Aaaaaahhh….ano itong nangyayari sa akin! Bakit bumababa ang lakas ko??!!

Ipinagtaka naman ito ng Rangers. At mas lalong nagulat ang lima nang unti-unti ay bumangon si Paolo.

SCOTT: Look he is alive!

ABBY: Paolo?

Unti-unti ay tumatayo si Paolo. Tila nakadama siya ng pagtaas ng lakas niya. Doon din niya nalaman na mula sa sugat na dulot ng pagkakasaksak sa kanya, lumabas doon ang basag na Microchip ng AXIS Circuit Virus.  Ito pala ang nasaksak ni Black Patriot kaya hindi tuluyang nadale si Paolo. Ito rin ang dahilan ng panghihina ng kalaban, dahil ito ang kanyang Life Force.

MALIN: Tingnan niyo, wala na ang Marka sa katawan ni Kuya Pao!

BRIAN: Alam ko na! Nasira mismo ni Black Patriot ang Microchip ng Virus! Kaya nanghihina siya ngayon at nawala na sa katawan ni Paolo ang Marka!

Pagkuwa’y tumayo si Paolo at itinapon ang sirang Microchip. Pinagmasdan ang nanghihinang si Black Patriot. Habang hawak sa sugatang bahagi ng dibdib ay lumapit ito.

PAOLO: Nagpapasalamat ako sa iyo! Dahil sa iyo natanggal na ang Virus sa aking katawan! Ngayon, pagkakataon na para bigyan kita ng regalo bilang pasasalamat! Raaaaaaaaa!!!!!!

Biglang nagliwanag ang katawan ni Paolo, at muli ay bumalik siya sa pagiging Gamma Patriot. Inilabas niya ang kanyang Pyrrovolver Blade mode pinagtataga ang naghihingalong si Black Patriot. Sa pagkakataong ito si Black Patriot naman ang hindi makalaban. Lumundag si Gamma Patriot at nagpakawala ng malakas na Pyrronium Blast na siyang naminsala ng husto kay Black Patriot. Napagulong si Black Patriot.

GAMMA PATRIOT: Paalam! Pyrrovolver Final Slash!!!

Isang matinding Slash ang ibinigay niya sa Black Patriot. Ilang saglit pa…

BLACK PATRIOT: Magaling…KO-36…..natalo mo ako…..

BOOOOOOOOOOMMMMMMM!!!!!!!

Sumabog na si Black Patriot.
_______________________________________

Laking tuwa ni Gen. Angeles matapos mapanood ang tagumpay ni Paolo.

GEN. ANGELES: Sa wakas at nawala na ang Virus.

ALICE: (maluha-luha pa rin ang mata) Grabe po ang araw na ito….
_______________________________________

Nagpower-down na si Gamma Patriot at bumalik na bilang Paolo, saka siya nilapitan ng limang sundalo.

JAKE: Paolo!!!! Langya ka, akala ko patay ka na!

BRIAN: Sa wakas at nawala na ang Virus.

PAOLO: Salamat mga kasama. Oo nga at wala na ang Virus.

ABBY: Pero yung sugat mo...

PAOLO: Wala ito, di naman ganun kalalim...yung Microchip lang ang nasira.

MALIN: Kami dapat magpasalamat sayo Kuya. Kung di ka dumating, baka dedbols na kami!

SCOTT: Your dad will surely be proud of you!

ABBY: Mukhang hindi ka na suspendido ng Daddy mo ngayon. Halos maiyak kami doon.

PAOLO: Sana nga…pero nagsisimula pa lang ang lahat….nagsisimula pa lang ang aking misyon bilang Gamma Patriot….Mabuti pa bumalik na tayo sa base.

At bumalik na nga sa Gamma Base ang anim na Rangers.
_____________________________________

UDF Gamma Base…..

“CHEERS!”

Nagkaroon ng maliit na salu-salo ang mga nasa Gamma Base.

GEN. ANGELES: Ang salu-salong ito ay inihanda ko bilang paghirang sa aking anak bilang isang ganap nang Ranger! Wala ng Virus, wala ng Sumpa! Kaya wala na rin pipigil sa lalo pang paglakas ng Gammarangers!

Palakpakan ang lahat ng nandoon. Ilang sandali pa ay nagsalita si Paolo.

PAOLO: Nagpapasalamat po ako at nabigyan ulit ako ng pagkakataon na patunayan ang aking sarili. Ngayon ay makakatulong niyo na ako sa pagprotekta sa mundong ito. Kaya isang tagay sa tagumpay!

JAKE: Bravo!!! Sa mulng pagkabuhay ni Paolo!

BRIAN: Sira! Hindi naman siya namatay e!

Tawanan ang lahat ng nandoon.

GEN. ANGELES: Mabuti pa ay ituloy na ang saya!

At masayang nagdiwang ang lahat ng nandoon.
_________________________________________

AXIS Mega Base….

GANELON: Raaaaaaaaa!!!!!! (tinira ng makamandang na Death Scepter sina Necroma at Megiddus.) May pa-Black-Black Patriot pa kayong nalalaman! Wala rin palang kwenta!

MEGIDDUS: Pero hindi ko po akalaing---

GANELON: Tahimik! Kahit anong planong ilabas mo, palaging palpak!

Hindi na umimik ang dalawa.

GANELON: Nakakainis! Nakakainis kayong lahat! Mga inutil! Mga bobo! Wala ba sa inyo na marunong tumapos ng misyon?

Sa sobrang galit ay umalis si Ganelon.

BALAAM: Ha ha ha! Paano yan?

Umalis sina Balaam at Dymaro na nakangiti. Dinamayan naman ni Calyx si Megiddus.

MEGIDDUS: (pabulong) Sumosobra ka na Ganelon!



Itutuloy…..

No comments:

Post a Comment