Saturday, September 8, 2012

Mission 18: Panibagong Sumpa



Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________

Naglalakad si Paolo sa isang lugar pabalik sa Base. Dala niya ang isang laruan na ibibigay niya kay Julianna.

PAOLO: Siguradong magugustuhan ni Julianna ito, he he he.

Habang naglalakad, biglang….

BOOOMMM!!!

May tumira ng malakas na Blast sa kanya na kanyang nailagan. Napadapa siya sa damuhan, at nang makita ang pinagmulan ng blast, nakita niya ang isang pamilyar na nilalang.

PAOLO: Megiddus!

MEGIDDUS: KO-36….hindi, Paolo Angeles, ang lakas ng loob mong magtraidor laban sa akin! Matapos kitang inalagaan at binigyan ng kakaibang lakas, ito pa ang igaganti mo?! Ngayon tanggapin mo ang kabayaran ng iyong pagtataksil!

PAOLO: Ngayong alam ko na ang katotohanan sa pagkatao ko, hinding-hindi na kita pagsisilbihan!

MEGIDDUS: Ingrato!!!!

Nagpakawala ng Macron Wave si Megiddus kay Paolo, napatilapon si Paolo sa isang malaking puno.

MEGIDDUS: Magbabayad ka!!!

Isa pang Macron Wave ang binuhos niya kay Paolo, lalong nasaktan si Paolo at nagtamo ng sugat. Napadapa si Paolo, at di pa nakakabangon ay natapakan na siya ni Megiddus sa likod.

MEGIDDUS: Tanggapin mo ang aking regalo! Habambuhay mo itong dadalhin!

Inilabas ni Megiddus ang kanyang daliri at nagpakawala ito ng mala-laser na beam, tumagos ito sa loob ng katawan ni Paolo. Ilang saglit pa ay nag-iwan ito ng markang tila Computer Circuit sa balat niya.

PAOLO: Ano to?

MEGIDDUS: Mula ngayon, sa bawat pagkakataong ikaw ay magmorph bilang Gamma Patriot, ay aactivate din ang AXIS Circuit Virus sa iyong katawan na siyang kakalat at lalason sa iyo, at kikitil sa iyong buhay!!! Ha ha ha ha!!! (isang apak pa sa kanyang likod)

PAOLO: Aaaaahhhh….hindi…..

Hanggang tuluyan nang kumalat sa buong katawan niya ang Circuit at umabot na sa utak niya…

PAOLO: Huwaaaaaggg!!!!!
______________________________________

PAOLO: (napagising ng humihingal) Hah….hah….hah…..

Ang lahat ay masamang panaginip lang.
______________________________________

Mission 18: Panibagong Sumpa

AXIS Mega Base….sa may Bulwagan

NECROMA: Hah, akala ko ba ay ganun na kalakas ang iyong Terrozoid, anong nagyari?

BALAAM: Buwiset! Tatapusin na ni Zinniazoid sana ang Gammarangers kung hindi lang nakialam si KO-36!

Biglang pumasok si Megiddus…

MEGIDDUS: Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi na siya si KO-36! Hindi siya nararapat na maging AXIS Soldier! Napakalaki ng tiwala ko sa kanya, subalit nilapastangan niya ako! Ang dapat sa mga tulad niya ay mamatay!

DYMARO: Sa bagay, sa una pa lang ay wala na akong tiwala sa lalaking iyon!

CALYX: Ano na ang susunod na plano?

MEGIDDUS: Kung tungkol lang kay Angeles ay may plano na ako.

BALAAM: At ano naman iyon?

MEGIDDUS: Naalala niyo na nung masira ang Microchip na nakatanim sa ulo niya na siyang nagpabalik sa kanyang pagkatao? Puwes ay may isa pang Microchip na nakatanim sa kanyang katawan. Inimplant ko ito nung mabrainwash siya, ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas. Ngunit dahil sa kanyang pagbaligtad sa atin, ay oras na upang iactivate ang AXIS Circuit Virus na taglay nito. Sa bawat pagkakataong maging Gamma Patriot siya ay gigising din ang Virus at kakalat sa katawan niya. Kapag nakaabot na sa utak niya ito, ay mamamatay na si Angeles!

NECROMA: Tila nakakapangilabot ang iyong plano Megiddus!

DYMARO: At paano naman ang Gammarangers?

MEGIDDUS: Gusto kong makaganti kay Angeles dahil sa kanyang ginawa…kaya may inihanda na akong bagong Terrozoid para tapusin silang lahat, lalo na siya!

_______________________________________

UDF Gamma Base…

Kasama ang ama ay nilibot nina Paolo ang buong Base upang maging pamilyar ang huli sa kanyang bagong tirahan. Ipinakita ni Gen. Angeles sa anak ang lahat ng sulok ng Base.

PAOLO: Wow, ang ganda pala ng Gamma Base, state-of-the-art….pero Dad, sino po ang gumawa ng lahat ng ito?

GEN. ANGELES: Ang lahat ng nakikita mo, mula sa Technology, Programs, Gammachines, Arsenal, Patrol Vehicles, Morphers hanggang sa Soldier Ammunitions ay pinagtulungang gawin ng UN Allied Nations. Ang Gamma Base ang siyang Pinakamodernong Defense System ng mundo laban sa AXIS at iba pang masasamang elemento sa daigdig…..Maya-maya ay sasamahan ka ni Fonseca para dalhin ka sa kanilang Training Camp.

PAOLO: Mukhang marami po akong dapat matutunan….Sa tagal ko pong nawala sa Military, medyo naninibago pa po ako.

GEN. ANGELES: Huwag kang mag-alala…tutulungan ka ng Gammarangers, magtiwala ka lang sa kanila.

PAOLO: Sa totoo po nagulat ako ng malaman kong kayo ang pinakanamamahala dito…dati po kasi eh Philippine Army lang ang hinahawakan ninyo.

GEN. ANGELES: Mahabang kwento Anak. Pero nagpapasalamat ako at nabigyan ako ng ganitong klaseng pagkakataon. Isang karangalan ang mapasama sa ganitong uri ng proyekto at misyon.

Biglang tumigil si Gen. Angeles at kinausap ang anak.

GEN. ANGELES: Hindi ko kayang sabihin kung gaano ako kasaya na nandito ka ulit, Anak. Pagkatapos ng lahat ng mga nagdaang pangyayari, nagpapasalamat ako sa Diyos at dininig niya ang aking dasal….ang makasama kang muli.

PAOLO: Salamat Dad. Ako rin po…..Umm, Umuwi na po ba si Julianna?

GEN. ANGELES: Hindi siya pwedeng tumagal dito dahil sa mga aktibidades dito. Pero napakasaya niya nang makita ka,….hindi mo lang alam kung gaano ka namiss ng husto ni Julianna.

PAOLO: Ang bilis po niyang lumaki….parang kelan lang nung iwan ko siya kay Tita Frida…

GEN. ANGELES: So paano, magkita na lang tayo mamaya, may aasikasuhin lang ako sa Database….

PAOLO: Sige po.

Pagkaalis ni Gen. Angeles, ang ngiti ni Paolo ay napalitan ng pangamba, pangamba dahil sa natuklasan niya sa kanyang katawan at sa kanyang panaginip.

Pagbalik sa kanyang Quarters ay bumabalik pa rin sa isipan niya ang panaginip niya. Muli niyang inalis ang kanyang damit at laking gulat nang mas lumaki pa ang AXIS Circuit Virus na nasa kanyang dibdib.

Saktong papunta si Jake sa silid ni Paolo, kakatok na sana siya nag makita niya sa Glass Panel ng pintuan si Paolo, nagulat siya nang makita ang tila Tattoo na nasa dibdib niya.

JAKE: (sa sarili) Pambihira, may tinatago palang Tattoo ang mokong na ‘to. Dinaig pa si Joaquin Bordado.

Nagulat na lang si Jake nang biglang buksan ni Paolo ang pinto. Maging si Paolo ay nagulat sa biglang paglitaw ni Jake.

PAOLO: Uy, pareng Jake. Naparito ka?

JAKE: Umm….ang alam ko kasi ito-tour kita sa Training Camp namin.

PAOLO: Ah oo nga pala, nasabi nga ni Dad….Tara na!

Naglakad na silang dalawa nang….

“ATTENTION GAMMARANGERS, PLEASE PROCEED TO THE DATABASE….”
“I REPEAT, ATTENTION GAMMARANGERS, PLEASE PROCEED TO THE DATABASE….”

JAKE: Mukhang wala ng training-training, he he. Tara!

PAOLO: Sige!
____________________________________

Sa Database….

Agad rumesponde ang anim na Rangers sa Database upang tingnan ang bagong Operation.

JAKE: Anong meron?

ALICE: Tignan niyo. Isang bagong Terrozoid na umaatake sa may Cabanatuan. Base sa Data Analysis, ang pangalan niya ay Ograzoid.

GEN. ANGELES: (kay Paolo) Handa ka na ba?

PAOLO: Opo.

GEN. ANGELES: Ipakita niyo kung ano ang kayang gawin ng anim na Gammarangers!

RANGERS: Yes Sir! (sabay saludo)

At umalis na ang anim na Rangers papunta sa Hot Zone, sakay ng kani-kanilang mga Patrol Vehicles. Agad naman silang nakarating sa Target Area dahil mabilis ang kanilang mga sasakyan.
____________________________________

Cabanatuan City, 8:34

Takbuhan ang mga sibilyan sa pag-atake ni Ograzoid. Siyang pagdating naman ng Gammarangers.

JAKE: Hoy itigil mo yan!

Nakita naman ni Ograzoid ang pagdating ng anim.

MALIN: Eeeww, ampangit naman ng Monster na yan!

ABBY: Kahit guwapo pa yan, lalabanan pa rin natin yan!

Ngunit biglang….

BAAAANNNGG!!!

Isang biglaang Blast ang sumabog sa kinalalagyan ng mga Rangers.

PAOLO: Huh, pamilyar ang Blast na iyon!

Nagpakita ang may-ari ng Blast….si Megiddus.

MEGIDDUS: Hah, sabi ko na nga ba at darating kayo….at kasama niyo pala ang ingratong yan! Magbabayad ka ng malaki sa pagtalikod mo sa akin!!!

PAOLO: Hah, mas gugustuhin ko nang tawagin niyo akong ingrato kesa sumali sa inyong katarantaduhan!

MEGIDDUS: Ang lakas ng loob mong sabihin yan! Ograzoid, tapusin sila!

Sumugod si Ograzoid sa anim. Malakas si Ograzoid, sumuntok ito kina Jake at Abby ngunit nailagan nila ito, tumama ang suntok sa pader, ilang saglit pa ay nagiba ang pader.

JAKE: Grabe nagiba ang pader sa isang suntok lang!

ABBY: Durog tayo kung di tayo umilag!

MEGIDDUS: Patikim pa lang yan, sugod Ograzoid!

Biglang bumuga ng mala-asidong kemikal si Ograzoid at muntik tinamaan sina Malin at Brian. Tinamaan ang isang tumatakas na sibilyan, at naging bato ito.

MALIN: OMG! Naging bato yung tao!

BRIAN: Huh? Muntik na tayo dun!

Biglang humaba ang mga kamay ni Ograzoid at inaatake nito sina Scott at Paolo, nakakaiwas naman ang dalawa ngunit halos sumuko sila sa sund-sunod na atake.

SCOTT: Man, I don’t know if I can last much longer on his attacks!

PAOLO: Ambilis niya!

Nagtipun-tipon ang anim…

JAKE: Mga katropa, oras na para magbihis!

RANGERS: Okay!

JAKE, BRIAN, ABBY, SCOTT, MALIN: Gammamode, Activate!
PAOLO: Patriot, Gamma On!

Ilang saglit pa ay naging Gammarangers na ang lima at Gamma Patriot naman si Paolo…

GAMMA RED: Alright, laban lang!

CALYX: Ograzoid, attack!

Naglaban na ang Gammarangers at si Ograzoid, unang umatake sina Gamma Vio at Gamma Green, gamit ang kanilang mga Gamma Daggers ay nilabanan nila ang Terrozoid, ngunit dahil sadyang malakas at mabilis ito, hindi sila makasabay. Biglang ginrab ni Ograzoid si Gamma Green at inihagis kay Gamma Vio…

GAMMA VIO / GAMMA GREEN: Aaahhhhh!!!!

GAMMA GREEN: Sorry Scott!

GAMMA VIO: It’s okay Abs!

Nang sumugod ulit sila, nagbuga ng Stoning Acid si Ograzoid at naging bato sina Gamma Green at Gamma Vio.

GAMMA RED: Ano?
GAMMA BLUE: Hindi!
GAMMA YELLOW: Oh no!
GAMMA PATRIOT: Huh?

MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Nakalimutan kong sabihin sa inyo na ang Stoning Acid ni Ograzoid ay kayang gawing bato ang lahat ng tatamaan nito....malas nga lang at sila ang tinamaan! Ha ha ha ha!!!

GAMMA RED: Napakasama niyo!

MEGIDDUS: Paano yan, apat na lang kayo?!

Sumugod ulit si Ograzoid sa apat na Rangers. Hirap na hirap ang Gammarangers na makipagsabayan sa halimaw, bawat atake ng Gammarangers ay susuntukin sila ng kamay ni Ograzoid at titilapon sila ng malakas.

Bumuga ulit ng Stoning Acid si Ograzoid, ngunit…..

GAMMA PATRIOT: Pyrronium Shield!

Nalabas ng Pyrronium Shield si Gamma Patriot kaya hindi tinablan ng Stoning Acid ang apat.

Kaya sumugod ulit ang apat na Rangers, nang sausugod na si Gamma Patriot, naharang siya ni Megiddus.

MEGIDDUS: Ako ang harapin mo Angeles! Kailangan kitang singilin sa katraiduran mo! Matapos kitang alagaan ito pa ang igaganti mo!!!

GAMMA PATRIOT: Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kesa magpaalaga sa isang tulad mo!!! Yaaaaaahhhh!!!

Sumugod si Gamma Patriot kay Megiddus, at nagpalitan sila ng atake. Matinding laban ang namayani sa kanilang dalawa.

Samantala abala naman ang tatlong Rangers sa pakikipagsagupa kay Ograzoid. Sabay-sabay nilang inatake ito ngunit isang suntok lang ay tilapon agad ang tatlong Rangers. Unang tumayo si Gamma Blue upang lumundag at sumugod ulit ngunit nagbuga ng Stoning Acid si Ograzoid sa kanya sa ere, at naging bato si Gamma Blue.

GAMMA RED: Brian!
GAMMA YELLOW: Kuya Brian!

GAMMA PATRIOT: Brian!

Tutulong na sana si Gamma Patriot ngunit…

MEGIDDUS: Saan ka pupunta? Wag mo akong takasan!

Walang nagawa si Gamma Patriot kundi harapin si Megiddus.
________________________________________

ALICE: Sir, ano na gagawin natin ngayon? Tatlo na sa Rangers ang naging bato?!

GEN. ANGELES: There must be a way para mawala sila sa pagiging bato….
_________________________________________

GAMMA RED: Malin, mag-iingat ka, baka gawing bato ka rin ng hinayupak na yan!

GAMMA YELLOW: Oo Kuya….

Gamit ang kanilang G-Firearms ay pinagbabaril nila ang halimaw upang masira ang diskarte nito. Maayos ang takbo ng atake nila ngunit biglang namuhat ng kotse si Ograzoid at ibinato sa dalawang Rangers. Nakaiwas sila, ngunit nang makatayo ay nagulat sila nang makitang wala na ang halimaw.

GAMMA RED: Huh? Nasaan siya?

GAMMA YELLOW: Kahit ang Detector sa helmet ko hindi siya makita.

Ngunit ilang saglit pa, biglang may humablot kay Gamma Yellow at inihagis sa ere…

GAMMA YELLOW: Aaaaaaaahhhhh!!!

GAMMA RED: Malin!

Habang nasa ere ay natamaan ng Stoning Acid si Gamma Yellow at tulad ng unang tatlo ay naging bato din.

GAMMA RED: Hindiiii!!!!

Habang nasa alanganin si Gamma Red, patuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Gamma Patriot kay Megiddus sa itaas ng isang gusali….nakakalamang na si Gamma Patriot sa laban nila, nakahandusay na si Megiddus at kasalukuyang inaapakan ni Gamma Patriot.

MEGIDDUS: Pangahas ka!

GAMMA PATRIOT: Ngayon oras na para tuluyan ka ng mawala!

Itinaas niya ang kanyang Pyrrovolver at tututukan na kay Megiddus, ngunit bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit…

GAMMA PATRIOT: Aaaaaaaahhhhh!!!! (sabay hawak sa dibdib)

Napaluhod si Gamma Patriot na siyang sinamantala ni Megiddus.

MEGIDDUS: Anong problema, Angeles? Ha ha ha ha!!! Akala ko ba ay tatapusin mo ako?!

GAMMA PATRIOT: (hawak sa dibdib at namimilipit sa sakit) Aaaaaaaahhhh….ang sakiiiit…..

Nagpagulong-gulong si Gamma Patriot sa sobrang sakit na nararamdaman.

MEGIDDUS: Kung di mo ako kayang tapusin, ako na lang ang gagawa non!

Naglabas ng isang malaking Dagger si Megiddus at pinagtataga si Gamma Patriot. Hindi makakilos si Gamma Patriot sa sakit, tinaggap na lang niya ang mga patama ni Megiddus. Umiilaw din ang bahagi ng kanyang dibdib na may Circuit Virus…

Naglabas ng Macron Wave si Megiddus at pinatama kay Gamma Patriot. Pilit tumatayo ng Ranger ngunit natumba na siya at bumagsak sa kalsada.

GAMMA RED: Paolo!

Nagbuga ulit ng Stoning Acid si Ograzoid kay Gamma Red ngunit nailagan niya ito, sabay lapit kay Gamma Patriot na hindi na makatayo sa sobrang sakit.

GAMMA RED: Paolo! Ayos ka lang ba?

GAMMA PATRIOT: Oo ayos lang….Aaaaaaahhhhh (kumirot ulit ang Circuit Virus)

Napansin ni Gamma Red na naggo-glow ang bahain ng dibdib ni Gamma Patriot kung saan naroroon ang Tattoo na nakita niya kanina…

GAMMA RED: Ano yan?

GAMMA PATRIOT: Wala ito….

MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Anong nangyari, kanina anim kayo, bakit ngayon dalawa na lang? At namemeligro pang mawala ang isa!

GAMMA RED: Tumahimik ka! Kaya pa rin naming lumaban kahit dalawa na lang kami!

Susugod na sana si Gamma Red nang biglang tumunog ang communicator niya sa Helmet, si Gen. Angeles ang nasa kabilang linya.

GEN. ANGELES: Fonseca, return to base at once, isama mo na rin ang iyong mga kasamahang naging bato. Hindi niyo sila kakayanin lalo na at tila masama ang lagay ni Paolo.

GAMMA RED: Pero…

GEN. ANGELES: That’s an order!

GAMMA RED: (labag sa kalooban) Roger. (kay Megiddus) Hindi pa tayo tapos, babalik kami at dudurugin kayo!

MEGIDDUS: Sige! Tumakbo kayo, sisirain namin ang lugar na ito! Ha ha ha ha!!!

At umalis na sina Gamma Red at Gamma Patriot, gamit ang Cyclone Panther, isinakay nila ang apat na Rangers na naging bato.
______________________________________

UDF Gamma Base, 12:16

Sa Database ay naroroon ang apat na Rangers na naging bato, at nasa Glass Cylinder habang pinagaaralan ang pwedeng maging solusyon sa problema. Habang wala ang Rangers ay ipinadala ni Gen. Angeles ang kanyang ga Support Troops upang labanan pansamantala ang Terrozoid.

GEN. ANGELES: Alice, ano ang findings mo?

ALICE: Sir, ang Stoning Acid na binuga sa kanila ay may Pozzolanic Elements at Metamorphic Particles, mga components na makikita sa semento. Ang masaklap nito, kapag hindi agad naagapan, maaaring any moment ay magcrack ang tinamaan nito at mababasag.

JAKE: Ano? Mababasag silang apat?

GEN. ANGELES: Nakakapangilabot….

JAKE: Pero sa tingin ko hindi lang yan ang problema natin.

GEN. ANGELES: Si Paolo ba ang tinutukoy mo?

JAKE: Kanina ko pa napapansin na may dinaramdam siyang sakit sa dibdib. Kaya nahihirapan siyang makipaglaban kanina. Di ko alam kung ano.

GEN. ANGELES: Kung ganon ay kelangan siyang mapatingin sa doctor. Nasaan siya?

JAKE: Nasa kwarto niya ata.
____________________________________

Sa kanyang silid ay namimilipit sa sakit si Paolo. Humarap siya sa salamin at hinubad ang T-Shirt, nagulat siya ng makitang mas lumaki na ang Tattoo sa kanyang katawan dulot ng AXIS Circuit Virus.

PAOLO: Shit, ano bang nangyayari sa akin? Ano itong kumakalat sa katawan ko? Hindi kaya yung napanaginipan ko….sa bawat pagmorph ko bilang Gamma Patriot at kakalat din ang markang ito…..

Nasa ganoong kalagayan si Paolo, nang….

“TOK TOK TOK!”

Tarantang nagbihis si Paolo.

PAOLO: Sino yan?

JAKE: Si Jake ito.

PAOLO: Sandali!

Pagkabihis ay binuksan ni Paolo ang pinto.

PAOLO: Oh bakit?

JAKE: Uy, ano ba nangyayari sayo? Bakit ka nanghihina kanina?

PAOLO: Ah, eh…wala ito. Ayos lang ako.

JAKE: Sure ka Tol? Para kang namumutla e, tsaka may sakit ka ba?

PAOLO: Wala nga. Kita mo naman oh, yakang-yaka pa to! He he he…

JAKE: Pinapasabi kasi ng Erpat mo na kelangan kang magpatingin sa doktor. Baka kung ano nag sakit ang tumama sayo.

PAOLO: Wala nga akong sakit. Kulit mo rin ano?

Ilangs sandali pa ay….

“RED ALERT, RED ALERT, GAMMA FORCES IN DANGER! GAMMA FORCES IN DANGER!”

PAOLO: May problema, tara.

JAKE: Mukha nga.

Agad tumakbo ang dalawa at pumunta sa Database.

JAKE: Sabi na nga ba eh.

Nakita nila sa screen na naging bato halos ang lahat ng Support Troops na ipinadala ng Gamma Base.

ALICE: Hindi na maganda to. Pati sila naging bato na.

JAKE: Mukhang kami rin pala ang tatapos sa Ogrong yan!

GEN. ANGELES: Mahirap ang sitwasyon ngayon, pero kailangang mapigilan ang halimaw. Fonseca, kaya mo ba?

JAKE: Kaya yan Ser!

PAOLO: Sasama din po ako.

GEN. ANGELES: Pero Paolo, hindi mabuti ang lagay mo.

PAOLO: Hindi totoo yan, malakas na malakas po ako at tutulungan ko si Jake.

JAKE: Pare ako na bahala—

PAOLO: Hindi, sasamahan kita! Gusto ko rin makaganti kay Megiddus!

GEN. ANGELES: Well, if that’s the case, sige pinapayagan kita, pero mag-iingat kayo. Lao na’t dadalawa na lang kayo.

JAKE: Kaya po namin Sir!

At agad umalis ang dalawa upang puntahan ang halimaw.

ALICE: Kailangang makakita ako ng lunas para bumalik sa normal ang apat. (sabay tingin sa mga Glass Cylinders na kinaroroonan ng batong Rangers.)
_____________________________________

Sa Gapan, patuloy ang pananalasa ni Ograzoid, halos naging bato na ang lahat ng mamamayan doon. Masaya namang nanonood mula sa itaas si Megiddus.

MEGIDDUS: Ang sarap manalasa kapag walang istorbo!

Ngunit sakay ng Cyclone Panther ay dumating sina Gamma Red at Gamma Patriot.

GAMMA RED: Hah, mukhang ikakalat niyo ang kabatuhan sa buong Pinas ah!

MEGIDDUS: Aba, ang tatapang niyo rin ano?! Kaya niyo pa bang tapatan ang lakas ni Ograzoid?

GAMMA RED: Bring it on, Canton!

MEGIDDUS: Naku, paano kaya kung dumoble ang problema niyo?

GAMMA PATRIOT: Huh?

Ilang saglit pa ay nagduplicate si Ograzoid, kaya naging dalawa na sila.

GAMMA RED: Hah?! Dalawa na?!

MEGIDDUS: Ograzoids, pagtulungan niyo ang dalawang yan!

Sumugod ang dalawang Ograzoids, ang isa kay Gamma Red at ang isa kay Gamma Patriot.

Nakakasabay si Gamma Red sa kanyang kalaban, ngunit hindi si Gamma Patriot. Matapos ang magandang simula ay nagsimula ulit sumakit ang dibdib niya.

GAMMA PATRIOT: Aaaahhhh…heto nanaman…..

Bakas sa kanyang kilos ang panghihina kaya madali siyang napapatumba ng kalaban.

GAMMA RED: Paolo, anong nangyayari sayo?

Hinampas ng isang Ograzoid si Gamma Patriot at napatilapon ang huli. Hirap nang makabangon si Gamma Patriot sa sobrang sakit at panghihina. Umiilaw ang kanyang katawan at tila nawawala sa pagiging Gamma Patriot.

Biglang napalupot ng isang Ograzoid si Gamma Red.

MEGIDDUS: Ograzoid 2, gawin mo ng bato si Gamma Red!

Handa nang magpakawala ng Stoning Acid ang isang Ograzoid kay Gamma Red na kasalukuyang hawak ng isa pang Ograzoid…

GAMMA RED: Hindi muna ngayon!

Biglang bumukas ang Leg Armor ni Gamma Red, sabay baril sa Ograzoid na nasa harapan niya. Ang nakakagulat ay pati ang humahawak sa kanya ay tinamaan din kahit nasa likuran.

GAMMA RED: Huh? Paanong---

Muli nang bumangon si Gamma Patriot at tuloy na sa pakikipaglaban.

GAMMA PATRIOT: Jake, ayos ka lang?

GAMMA RED: Oo ako pa!

At pinagtulungan nilang labanan ang dalawang Ograzoids.

GAMMA RED: Gamma Bayonet! Yaaaahhhh!!!

Subalit nakaiwas ang Ograzoid sa atake ni Gamma Red at hinagis sa pader, ngunit agad nakakuha ng buwelo si Gamma Red at lumundag ulit papunta sa kalaban, sabay….

GAMMA RED: Bayonet Rifle Mode…Fire!!!!

Tinamaan ng matinding Bayonet Blast si Ograzoid. Samantala, gamit ang Pyrrovolver Blade Mode ay nakipagsabayan si Gamma Patriot sa isa pang Ograzoid. Ngunit tinamaan ng halimaw ang dibdib ni Gamma Patriot, kaya lalong nasaktan ang Ranger at napaluhod sa sobrang sakit…

GAMMA PATRIOT: Aaaaaaahhhhh!!!!

Lalong nanghina si Gamma Patriot at napadapa. Inapakan siya ni Ograzoid at pinagtatadyak ng sunud-sunod. At di nagtagal ay tuluyan ng nawalang ng lakas si Gamma Patriot at bumalik sa pagiging Paolo.

Masaya namang nanonood mula sa itaas si Megiddus.

MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Anong problema, Angeles? Nasaan ang lakas mo nung Black Patriot ka pa?

PAOLO: Malas…..

Unti-unting lumalapit si Ograzoid at tila tatapusin na si Paolo. Nakaluhod pa rin si Paolo habang hawak ang dibdib.

Samantala, abala si Gamma Red sa pakikipaglaban sa isa pang Ograzoid, napahandusay siya nang masuntok nito.

GAMMA RED: Lintek, paano ko ba matatalo ang gagong to?....(Teka, kaninang inilabas ko ang Leg Rifle ko, nung binaril ko ang isa, nadale din yung umaawat sa akin….ibig sabihin, kaya kong tapusin sila ng minsanan lang!) Hoy Bakulaw, habulin mo ako!

Tumakbo si Gamma Red at hinabol ni Ograzoid. Naiwan si Paolo na nakahandusay pa rin at ilang sandali ay nilapitan ni Megiddus.

MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Paano yan, wala ka ng laban?! Huwag ka ng pumalag dahil wala ka ng magagawa! Ograzoid, patayin mo na siya!

Agad sumunod ang isa pang Ograzoid at pinagsusuntok si Paolo, halos bumigay na si Paolo sa dami ng natanggap na suntok at abayan pa ng sakit niya sa dibdib.

PAOLO: Aaaaaaaahhhhh!!!!! (masakit na hiyaw)

MEGIDDUS: Yan ang nababagay sa mga taksil na katulad mo!!!!

Hindi na makaimik si Paolo, duguan at puno na siya ng pasa. Nahigop na ng AXIS Circuit Virus ang lahat ng lakas niya.

Samantala, nagulat naman ang isa pang Ograzoid nang hindi na niya makita ang hinahabol niya. Napunta siya sa isang lugar na maraming Container Vans na naglalaman ng Gasolina.

Laking gulat ng halimaw nang…

GAMMA RED: Hanggang diyan ka na lang!!!

Sumulpot si Gamma Red mula sa isang eskinita sabay tutok ng kanyang Bayonet Rifle sa tiyan ni Ograzoid.

GAMMA RED: Wag kang gagalaw kung ayaw mong matodas!!! Kung gusto mo pang mabuhay, tawagin mo ang kakambal mo!!!

Hindi nga gumalaw si Ograzoid sa takot na maputukan ni Gamma Red.

GAMMA RED: Wag mo akong pilitin! Kung ayaw mong tapusin ko kayo pareho!!!

“SIGE ITULOY MO!!!”

Biglang nagpakita si Megiddus sa eksena.

MEGIDDUS: Ituloy mo ang binabalak mo, baka nakakalimutan mo nang napapaligiran ka ng tone-toneladang gasolina. Kung tinuloy mo yan, pati ikaw ay sasabog din!

Biglang nag-alangan si Gamma Red. Nakita nga niya na puno ng gasolina ang buong area na kinalalagyan nila.

MEGIDDUS: Sige iputok mo na bata! Ha ha ha ha!!!

GAMMA RED: Hindi, hindi ko itutuloy….babalik na lang muna ako sa Base…

Lumakad palayo si Gamma Red, ngunit habang nakatalikod siya, ay biglang umatake si Ograzoid upang suntukin siya. Lumingon si Gamma Red sabay…..

BAAAAAAANNNNNGGGGGG!!!!!

Binaril ni Gamma Red si Ograzoid!

MEGIDDUS: Ano?!

BOOOOOOOOOMMMMMMM!!!!!!

Sumabog ang buong area na kinalalagyan nila, malakas ang pagsabog dahil sa dami ng gasolina sa lugar na iyon.

Samantala, sumabog din ang Ograzoid na halos tumapos kay Paolo. Nagulat si Paolo. Kahit nanghihina ay pinilit tumayo ni Paolo ay kinontact si Gamma Red.

PAOLO: (inactivate ang Communicator) Jake, do you read me, Jake!.....Bakit walang signal?
_____________________________________

Pagkasabog ni Ograzoid, biglang bumalik na din sa normal ang apat na Gammarangers na naging bato kanina. Napakasandal sila sa Glass Cylinder.

ALICE: Bumalik na sila sa normal! Rangers, ayos lang ba kayo?

GAMMA BLUE: Teka, bakit kami nandito?

GAMMA GREEN: Nasaan ang kalaban?

GEN. ANGELES: Naging bato kayo matapos tamaan ng Stoning Acid ni Ograzoid. Ngunit dahil napuksa na ang halimaw, nakabalik na kayo sa normal.

GAMMA YELLOW: Nasaan sina Kuya Jake at Kuya Pao?

ALICE: Si Paolo ay nasa Combat Location pa rin. Pero bakit ganon, hindi ko masagap ang signals ni Fonseca.

GEN. ANGELES: Siya ang tumapos sa halimaw, ngunit tila maging siya ay nadamay sa pagsabog dahil sa Gasoline na present sa lugar.

GAMMA VIO: What?! Jake was also hit?

GAMMA GREEN: Hindi!!!

GAMMA BLUE: Diyos ko….Fonseca….

GAMMA YELLOW: Kuya Jake….(umiiyak na)
________________________________________

Nakita ni Paolo ang isang pagsabog at pinuntahan niya ito. At doon niya nakita ang remnants ng Ograzoid, maging ang ibang debris sa armor ni Gamma Red. Pinulot niya ito.

PAOLO: Hindi….hindi maaari…Jake!!!!

Napaluhod na lang si Paolo habang pinagmamasdan ang liyab. Maging si Megiddus ay nasa itaas at gulat na pinagmamasdan ang malaking apoy.
________________________________________

Shock pa rin ang naghari sa Gamma Base matapos ang insidente.

ALICE: Hindi ko pa rin masagap, huwag naman sana…..

GEN. ANGELES: Fonseca…..magparamdam ka.

GAMMA BLUE: Guys, bumalik tayo sa Location!

ALL: Okay!

Gamit ang kanilang Patrol Vehicles ay mabilis silang nakarating sa location.
________________________________________

Pilit hinahanap ni Paolo si Gamma Red.

PAOLO: Jake! Jake! Nasaan ka?!

Kahit nanghihina ay pilit sinuong ni Paolo ang mausok na lugar.

Ilang sandali pa ay dumating na ang apat na Gammarangers.

GAMMA BLUE: Paolo!

PAOLO: Buti at nakabalik na kayo sa dati….si Jake, hindi pa rin sumasagot…

GAMMA GREEN: Fonseca….

GAMMA YELLOW: Tiwala akong buhay pa siya!

Ilang saglit pa ay biglang gumalaw ang isang kabundok na drum…isang nilalang ang biglang tumayo at halos wasak ang armor….

“Langya, nagmistula akong Chicken Inasal dito ah!”

PAOLO: Jake!!!!

GAMMA GREEN: Buhay siya!!!
GAMMA YELLOW: Yehey! Sabi sa inyo eh!
GAMMA VIO: Dang! Nice Boy!
GAMMA BLUE: Ay salamat…..

Agad nilang nilapitan si Gamma Red at niyakap. Kita sa Armor niya ang epekto ng pagsabog, nagkalamat ang helmet niya at nagkalat ang ibang parte ng Armor niya.

PAOLO: Pinakaba mo kami! Akala ko natodas ka na!

GAMMA RED: Ako pa?! Eh mahirap ata akong mamatay! Ha ha ha ha! Yang pagsabog na yan, wala yan!----

Natumba si Gamma Red ng konti, buti at nasalo siya ni Gamma Vio.

GAMMA VIO: Looks like you need some recovery.

GAMMA GREEN: Tinakot mo kami!
_________________________________________

GEN. ANGELES: Diyos ko salamat…

ALICE: Haaayyy salamat sa Diyos at buhay pa siya….
_________________________________________

Pabalik na sa Gamma Base ang anim, nang….

MEGIDDUS: Akalain mo nga namang buhay ka pa sa kabila ng malakas na pagsabog! At nagawa mong puksain si Ograzoid!

GAMMA RED: Hah, mahirap mamatay ang Guwapong Damo!

MEGIDDUS: Huwag muna kayong magsaya! Dahil hindi pa tapos ang laban!

Naghagis ng G.E.A.R. Spider si Megiddus sa pinagsabugan ni Ograzoid. Ilang saglit pa ay lumaki si Ograzoid at mas lumakas. Umalis na rin si Megiddus.

PAOLO: Huh? Nabuhay ulit siya at lumaki!

GAMMA RED: Okay, Gammatron Time! Gammachines Mobilize!!!


Agad naglaunch ang limang Gammachines sa ere. Nagsanib-sanib ang mga ito at binuo si Gammatron.

“Gammatron Systems Ready!”


GAMMA RED: Okay, laban na Ogro!

Napahanga naman si Paolo sa nakitang pagbuo ng Gammatron. Ngayon lang siya nakakita ng higanteng robot sa buong buhay niya.

PAOLO: Wow, ang galing!

At nagsimula na ang matinding labanan ng Gammatron at Giant Ograzoid. Inilabas ng Gammatron ang kanyang Cyclone Chopper Blade at pinagtataga ang halimaw. Ngunit nagbuga ng Stoning Acid ang halimaw sa Gammatron, at tinamaan ang kaliwang braso ng Robot.

GAMMA YELLOW: Ngyah?! Ang Patrol Armor!

GAMMA RED: Di pa rin nawawala ang kanyang Pusong Bato!

Sinamantala ito ni Ograzoid ang pagkakataon kaya pinagsusuntok niya ang Gammatron. Sa lakas ng suntok ay napatumba ang Robot.

GAMMARANGERS: Aaaaaaaahhhh!!!!!

Inapakan ni Ograzoid ang Gammatron ng ubod lakas….

GAMMA BLUE: Patuloy ulit sa pagbaba ang Energy Levels!

GAMMA RED: Puwes subukan natin ito! Gamma Mechatronic Ultrablaster!!!
  



Inilabas ng Gammatron ang isa sa kanyang Finishing Attacks at tumilapon si Ograzoid pagkabaril.

GAMMA RED: Hah, wag na nating patagalin ito! Thunder Loader Mobilize!

Ilang sandali pa ay naglaunch ang Thunder Loader at nagpakawala ng malalakas na Thunder Blasts…

GAMMA RED: Matagal ko ng hindi nagagamit ito! Form Thunder Gammatron!

Nakipagsanib ang Thunder Loader sa Gammatron upang buuin ang Thunder Gammatron.

GAMMA RED: Thunder Assault Megacannons! Lock on Target!

ALL: Ready…Aim….Fire!!!

At isang pasabog lang ng Thunder Gammatron ay sabog agad ang halimaw na si Ograzoid.

Napasandal si Gamma Red sa sobrang pagod, panghihiuna at exhaustion.

GAMMA RED: Haaaay….maryosep na araw ‘to…..

GAMMA GREEN: Okay lang yan Fonseca! Ikaw ang bayani ngayong araw!

GAMMA YELLOW: Mabuhay si Kuya Jake!

At mula sa ibaba, lumapit si Paolo sa Gammatron.

PAOLO: Ang galing niyo mga kasama! Great job!

GAMMA RED: Salamat Paolo!

Ngunit….

PAOLO: Aaaaaaaahhhh…..

Napaluhod ulit siya at napahawak sa dibdib gawa ng lumalalang Circuit Virus sa kanyang katawan.
_______________________________________

Kinagabihan sa UDF Gamma Base…

Sa kanyang silid, tinitingnan pa rin ni Paolo sa salamin ang kanyang lumalaking Circuit Birus Mark, nang biglang….

TOK! TOK! TOK!

PAOLO: Tuloy! (isinuot agad ang damit)

Bumukas ang Automatic Sliding Door ng kanyang silid at pumasok si Jake. May benda sa braso at noo si Jake dahil sa natamong pinsala kanina.

JAKE: Uy Tol, nandito ako para kamustahin ka…

PAOLO: Ayos lang, ikaw, ayos ka na ba? Mukhang kelangan mo ng recovery.

JAKE: Wala ito….Teka sigurado ka bang ayos ka lang?

PAOLO: Oo naman, Bakit ba?

JAKE: Paolo, may napansin lang kasi ako….Kaninang umaga nakita ko ang Tattoo mo sa iyong dibdib.

PAOLO: Aahh…ito ba? Wala ito, remembrance lang galing sa AXIS.

JAKE: Pero parang yan ang dahilan kung bakit ka nahihirapang lumaban kanina!  Parang may kung anong meron sa Tattoong yan na nagpapahirap sayo!

Natigilan si Paolo. Wala na siyang ibang choice kundi sabihin ang totoo.

PAOLO: Jake, kapag sinabi ko ang totoo, ipangako mong wag ipagsasabi ito kahit kanino, kahit kay Daddy.

JAKE: Hah? O sige, promise!

PAOLO: Totoo ang hinala mo. Ang Tattoong ito ay isang Virus na kumakalat sa katawan ko. Sa tuwing nagtatransform ako bilang si Gamma Patriot, nabubuhay din ang Virus at kumakalat sa buong katawan ko, hanggang sa umabot na sa utak ko at lasunin ako, na siyang ikamamatay ko!

JAKE: Pare, sa tingin ko, kelangang malaman ito ng Erpat mo!

PAOLO: Hindi pwede! Ito na ang pagkakataon kong gumawa ng mabuti! Gusto kong bumawi sa lahat ng ginawa ko! Kapag nalaman ni Daddy ito, tatanggalin niya ako sa pagiging Gammaranger--

JAKE: Kapag hindi ka pinigilan ng Daddy mo, yang Virus na yan ang pipigil sa iyo!

“Tama si Fonseca!”

Nagulat ang dalawa nang bumukas ang Automatic Door, at biglang pumasok si Gen. Angeles. Napadaan siya sa silid at kanina pa pala siya nakikinig sa usapan.

PAOLO: …Dad…..

JAKE: Lalabas po muna ako. Kelangan ko magpacheck-up.

At lumabas si Jake sa silid ni Paolo, naiwan ang mag-ama sa loob.

PAOLO: Dad…hayaan niyo po akong magpaliwana---

GEN. ANGELES: Ipakita mo sa akin ang Tattoo.

PAOLO: Pero hindi namn po Big Deal it---

GEN. ANGELES: Ipakita mo sa akin ang Tattoo!

Wala ng nagawa si Paolo kundi alisin ang kanyang damit at ipakita ang Tattoo na dulot ng AXIS Circuit Virus….nang makita ito ni Gen. Angeles….

GEN. ANGELES: I’m sorry Paolo…Pero hangga’t hindi natin nahahanapan ng paraan yan, hindi ka muna makakapagmorph bilang Gamma Patriot. Understand?

PAOLO: Pero Dad---

GEN. ANGELES: Walang pero-pero!

PAOLO: (buntung-hininga) Sige po.

Ibinigay ni Paolo ang Patriot Badge sa ama. Lalabas na sana ng silid si Gen. Angeles, ngunit tumigil siya at nagsalita.

GEN. ANGELES: Minsan ka ng nawala sa akin….ayoko nang mawala ka ulit….

Naiwan sa silid si Paolo na balisa at malungkot….



Itutuloy……


No comments:

Post a Comment