Sunday, July 15, 2012

Mission 14: Katotohanan sa Loob ng Baluti




Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement.

__________________ Opening Song ___________________


Mission 14: Katotohanan sa Loob ng Baluti


Pilit bumabangon ng Gammarangers mula sa mabagsik na pag-atake ni Black Patriot. Ngunit hindi pa nakakabangon ng todo, sinikmuraan agad ni Black Patriot si Gamma Blue at binayo ang ulo nito. Mabilis na nagawa ito ng kalaban kaya hindi nakaganti si Gamma Blue.

Susugod naman sina Gamma Green at Gamma Yellow gamit ang kanilang Daggers, ngunit mabilis na hinila ni Patriot ang kamay ng dalawa at saka pinalipit ang mga ito. Pagkatapos ay hinampas niya ang dalawa sa poste ng Flyover, sa lakas ng impact halos mabiyak ang konkretong poste.

Bigla naman sumugod si Gamma Vio mula sa likod ngunit naunahan siya ng sipa ni Black Patriot. Habang patilapon ni Gamma Vio at hinagisan pa siya ng Lamp post ng kalaban.

GAMMA RED: TAMA NAAAAA!!!!!

Biglang pinagbabaril ni Gamma Red ng G-Magnum ng walang tigil si Black Patriot, ngunit hindi natinag ang huli. Nang makitang hindi ito tinatablan, kusa nang sumugod si Gamma Red at nakipaglaban ng mano-mano. Ginawa na ni Gamma Red ang lahat ngunit nauunahan siya palagi ni Black Patriot. Nahuli nanaman ng kalaban ang ulo ng Gammaranger at binangga ulit sa poste ng Flyover.

Siyang-siya naman si Megiddus sa napapanood.

MEGIDDUS: Ha ha ha ha ang sarap panoorin ang ganitong eksena, ang pagtalo ni Black Patriot sa Gammarangers ng walang kahirap-hirap. Ha ha ha ha!

Ngunit maya-maya pa ay dumating ang mga pulis sa nangyayaring gulo.

PULIS 1: Hoy kayo diyan! Itigil niyo ang pagsira sa lugar na ito, kung ayaw niyong masakta--!

BAAAAAMMMM!!!!

Naunahan sila ng Laser Blast ni Black Patriot gamit ang kanyang Pyrrovolver.

MEGIDDUS: Mga istorbo! Black Patriot, iligpit ang mga yan!

Pinagbabaril ni Black Patriot ang mga pulis gamit ang Pyrrovolver. Napatay ang ilan habang ang ibang tumatakbo ay hinagisan niya ng Police Car.

Unti-unting lumalapit si Black Patriot sa isa sa mga pulis na naiwang buhay. Kinwelyuhan niya ito saka akmang titirahan ng Pyrrovolver sa mukha, nang….

G-FIREARMS…FFFIIIIIIRRREEEE!!!!!!

Biglang tinamaan ng combined G-Firearms ang likod ni Black Patriot. Napatumba siya ng konti ngunit hindi tuluyang nahulog. Nabitawan niya ang kawawang pulis, na siya namang tumakbo palayo sa takot.

MEGIDDUS: Hmmm ang tibay niyo rin ha….

Napasulyap si Black Patriot sa limang Rangers na pilit tumatayo.

GAMMA RED: Napakawalang-hiya niyo! Ninakaw niyo ang sandatang iyan para gamitin sa walang kwenta niyong balak! Ako…ako dapat ang gumagamit niyan…..

GAMMA BLUE: Hindi ito ang tamang oras para diyan, nasa peligro tayo at ang lugar na to…..

Halos puno na ng lamat ang armor ng limang Rangers dahil sa sobrang lakas ni Black Patriot.

Susugod sana ulit si Gamma Red nang….

GEN. ANGELES: (sa kabilang linya) Rangers, retreat! Return to base at once!

GAMMA BLUE: Fonseca sandali!

Ngunit hindi nakinig si Gamma Red. Umatake siya ulit ngunit nasikmuraan ulit siya ni Black Patriot. Napasandal si Gamma Red at sinipa ang ulo nito ng kalaban.Akmang susugod ulit si Gamma Red nang awatin siya ulit ni Gamma Blue.

GAMMA BLUE: Fonseca tama na! Bumalik na tayo sa base! Wala tayong laban sa kanya!

GAMMA RED: Pero kung hahayaan lang natin siya, marami pang sibilyan ang madadamay sa pananalasa niya.

GAMMA BLUE: Kahit anong gawin natin, hindi tayo mananalo. At isa pa, mababa na ang Energy Levels natin, kelangang mabawi natin ito agad.

Labag man sa kalooban ni Gamma Red, sumang-ayon na sin siya kay Gamma Blue.

GAMMA RED: (kay Black Patriot at Megiddus) Maaaring nanalo kayo ngayon, pero babawian namin kayo! Hindi pa tayo tapos!

Agad sumakay sa Patrol Vehicles ang lima at umalis….

MEGIDDUS: Ha ha ha ha mga duwag! Black Patriot, tayo na at ituloy ang pananalasa!

Sumunod naman si Black Patriot kay Megiddus at nagpatuloy sa pagsira sa iba pang lugar.
_____________________________________

AXIS Megabase….

Habang nasasaksihan ang nangyayaring gulo sa Screen….

BALAAM: Hmmm mukhang maganda ang takbo ng mga pangyayari….

CALYX: Napakahusay talaga ni Black Patriot….mag-isa lang niyang natalo ang Gammarangers.

GANELON: Hmmm mukhang gusto ko ang nakikita ko. Mukhang si Black Patriot na an gating susi sa tagumpay….

Napasimangot naman si Dymaro sa narinig.

DYMARO: Pero ewan ko na lang kung maipagpatuloy niya yan sa katagalan.

NECROMA: Tila duda ka sa husay ni KO-36, Dymaro.

DYMARO: Hindi naman sa ganon. Hindi lang ako gaanong tiwala sa taong yan…

GANELON: Pabayaan muna natin sina Megiddus at KO-36 sa kanilang plano. Tingnan natin kung tuluyan silang magtagumpay…..pero sa ngayon ay parang nasa tamang direksiyon sila… Ha ha ha ha ha!!!!
______________________________________

“Ito po ang RGB Newsbreak. Isang mapanirang nilalang na kung tawagin ay Black Patriot ang kasalukuyang namiminsala sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Daan-daang mga sibilyan na ang nasawi habang libu-lubo naman ang sugatan kabilang na ang mga miyembro ng United Defense Force Gammarangers. Ilang lugar na sa Lungsod ng Maynila ang napinsala na ng naturang nilalang, at nangangama ang mga awtoridad na patuloy pang lolobo ang bilang ng mga biktima nito!”

Ang balitang ito ang siyang sanhi ng pangamba ng lahat ng mamamayan sa Kalakhang Maynila. Lumilikas na ang mga mamamayan sa mga malalayong lugar upang maiwasan ang posibeng pananalasa ni Black Patriot.

Di rin nakaligtas ang balitang ito sa mga nasa Gamma Base.

ALICE: Hindi na maganda ito. Ginamit nila ang Patriot Morpher upang maminsala.

GEN. ANGELES: Mas lumala pa ang sitwasyon dahil hindi siya kayang labanan ng Gammarangers. Kelangang umisip ayo ng paraan upang mapigilan siya.

ALICE: Mas mahirap dahil malaki ang natamong injuries ng lima. Matatagalan bago sila makarecover, at if ever makarecover man sila, huli na ang lahat.

OWEN: Sana nandito si Engr. Gordon para tulungan tayo, pero nabaril din siya nung AXIS Spy.

GEN. ANGELES: We need a contingency plan in case walang kayang tumapat sa lakas ni Black Patriot. All we need is the entire Military Force.
________________________________________

Gamma Medical Center, 11:23

Balot ng benda sa ulo at katawan, kasalukuyang nagpapagaing ang limang Rangers matapos silang patumbahin ni Back Patriot.

Magkasama sa isang Ward sina Brian at Scott, sa isang Ward naman sina Abby at Malin, habang nasa solo room si Jake.

Puno ng pasa at sugat ang kanilang katawan. Halos mabali na din ang kanilang mga buto sa lakas ng pag-atake ng kalaban.

Sa Ward 207:

SCOTT: That freakin’ guy is powerful. We never had a chance to fight back.

BRIAN: He’s too strong. I’ve never been hit that hard my whole life.

SCOTT: The force of his blows are overpowering our Energy Levels. Hope there must be a way to stop him.

BRIAN: If he can do this to us, imagine what he can do to the innocent civilians…..

Ilang saglit pa ay pumasok sa ward si Owen na may dalang pagkain at sterilized milk.

OWEN: Musta na mga katoto?

SCOTT: Hey Owen!

BRIAN: He he salamat Owen ha. Pero ano na balita sa Black Patriot?

Sa Ward 208:

MALIN: Ate Abby…..paano kaya natin matatalo si Black Patriot? Owver ang lakas e. Nakakaloka lang na hinahampas-hampas lang tayo.

ABBY: Kung hindi dahil sa Gamma Armor baka na-paralyze na tayo. Halos mabiyak na ang suot natin sa lakas ng atake niya.

MALIN: Paano na Ate? (Aray ko pooo…..)

Ilang saglit may pumasok sa Ward nila, si Alice kasama si Charlie 9. May dalang prutas si Alice.

ABBY: Uy, Ms. Alice!

MALIN: Aaaww…ang pet ko….(sabay yakap kay Charlie 9)

CHARLIE 9: Malin, ganda…Malin ganda….

MALIN: Di ka pa rin nagbabago Charlie, malambing ka pa rin….

ALICE: Musta na kayo? Okay na ba pakiramdam niyo?

ABBY: So far medyo masakit pa, pero pipilitin naming gumaling. Di kami pwedeng mahiga na lang dito habang patuloy na namiminsala ang AXIS.

ALICE: Yun nga ang masamang balita. Ayon sa monitoring ng Gamma Base, nasa La Pinas na ang Black Patriot at doon naghahasik ng lagim.

Napabuntung-hininga naman ang dalawa.

MALIN: (habang yakap si Charlie 9) Sana may magawa kami…..

ALICE: Sige magpagaling lang kayo, bahala na muna ang Gamma Allied Forces upang pigilan sila while you are under recovery. Pupunahan ko muna si Engr. Gordon.

Tumungo naman agad si Alice sa Ward na kinaroroonan ni Engr. Gordon.

ALICE: Good morning Sir….

ENGR. GORDON: Hey Alice….

ALICE: How are you? Seems your recovering so fast.

ENGR. GORDON: He he it’s because of you.

Natulala naman si Alice sa narinig.

ALICE: Say that again?

ENGR. GORDON: (nataranta) Hah? Ah I mean it’s because you are always there whenever I need help. Hey by the way, have you captured the guy who stole the Morpher?

ALICE: It’s a worst case scenario, Sir. They stole the morpher and used it against us. Now AXIS has this so-called Black Patriot who is unstoppable. We can’t do anything about it.

ENGR. GORDON: I knew it! They will use that morpher to counter our efforts and to attack the entire city.

ALICE: The Rangers were all down. Hope we can do something about it. All their weapons are nothing compared to the opponent.

Saglit na nag-isip si Engr. Gordon.

ENGR. GORDON: I am not sure about it but I hope it works.

ALICE: What is it?

ENGR. GORDON: Please go to the Lab. I think I have reserved weapons configuration on the Computer. I created this weapon way back, I just forgot the name. Go check it out, hope it can help.

ALICE: Really Sir? Wow Thank you!

Agad napayakap si Alice sa Engineer. Natulala naman ang lalaki sa ginawa ni Alice.

ALICE: Oops, sorry Sir—

ENGR. GORDON: Just call me Joel, okay?

ALICE: But—

ENGR. GORDON: No buts, no ifs….

ALICE: Okay….Joel….thank you so much! If not for you, we might have lost a long time ago….

Sa Ward 209:

Kasalukuyang inaasikaso si Jake ng isang nurse.

JAKE: Aaaaaaaa…..Miss dahan-dahan naman….

NURSE: Sensya na po Sir, pero kelangan niyo poi to para ma-eliminate and pain. Dami niyong pasa ah.

JAKE: Hindi, konti nga lang yan e!….pasalamat ka maganda at sexy ka, kung hindi baka sinipa na kita palabas.

NURSE: Sir naman, nambola pa.

Saktong pumasok sa silid si Gen. Angeles.

GEN. ANGELES: Kumusta ka na, Fonseca?

NURSE: Good morning po Sir. Pano lalabas po muna ako.

JAKE: Miss, balik ka mamaya ha. (sabay kindat sa babae)

Agad namang siyang initsapwera ng babaeng nurse. Isinara nito ang pinto.

JAKE: Chip, ano na balita sa Black Patriot? Ano may laban pa ba tayo? Halos durugin kami kanina e.

GEN. ANGELES: Ipinadala ko na an gating Allied Forces upang labanan ang Black Patriot habang nagpapagaling pa kayo.

JAKE: Hah, kahit isang batalyong Terminator pa ang ipadala niyo dun, lalampasuhin lang ng kumag na yon. Kami lang ang makakatalo dun!

GEN. ANGELES: Wala ka ba talagang tiwala sa kakayahan ng mga sundalo natin? Wala kang karapatang maliitin ang mga ibang sundalo porket Gammaranger ka! Wag kang magyabang na akala mo ikaw lang ang magaling! Baka nakakalimutan mo hindi ka dapat kasali sa Team na yan dahil unang-una, duda na ako sa kakayahan mo! Pasalamat ka kay Macaraya dahil napunta sa iyo ang dapat ay sa kanya! Tapos magsasalita ka na akala mo kayo lang ang pwersa ng UDF Gamma!

JAKE: Nagpunta ba kayo dito para kumustahin ako o para ipamukha sa akin yan?

GEN. ANGELES: Sa nangyayari ngayon, hindi ito ang tamang oras para maghilahan pababa. Nasa peligro ang bansa natin kaya kelangan tayong magtulungan.

Natahimk na lang si Jake sa sinabi ni Gen. Angeles. Nang biglang tumunog ang communicator gadget ng heneral.

GEN. ANGELES: Panther 7, ano na updates diyan?

PANTHER 7: Sir, our troops are decreasing. Hindi kaya ng ating pwersa ang Black Patriot! And we are just down to 50 personnel, and still counting!

GEN. ANGELES: From 200, naging 50 na lang kayo?!

Pagkarinig nito, agad bumangon si Jake sa higaan.

GEN. ANGELES: Fonseca, saan ka pupunta?

JAKE: Ano pa e di makikipaglaban!

GEN. ANGELES: Wait hindi ka pa magaling!

Ngunit hindi nakinig si Jake. Bagkus iniwan niya ang heneral sa Ward.

GEN. ANGELES: Tigas talaga ng ulo ng batang to!

Agad tinawag ni Gen. Angeles ang security ng hospital.

GEN. ANGELES: Wag niyo palalabasin ng Gamma Med si Cadet Major Jake Fonseca!

SECURITY: (nasa kanilang linya) Sir, nakaalis na po siya. He singlehandedly defeated our security personnel.

GEN. ANGELES: Ano?! (Sa lagay niyang iyon, nagawa pa niyang mapatumba ang lahat ng security?)
_____________________________________

Sa Database…..

Biglang pumasok si Jake sa silid na ikinagulat ni Alice.

ALICE: Fonseca, anong ginagawa mo dito? Di ba’t under recovery ka pa?

JAKE: Nasaan ang Morphing Badge? Ibigay mo sa akin!

ALICE: Pano ka lalaban sa lagay mong yan--

JAKE: Sabi ng ibigay mo na ang Badge ko e!

ALICE: Ikaw talaga! (kinuha sa Badge Case ang Morpher) Oh, heto, kapag naparalyze ka, wag mo akong sisisihin ha! Ang tigas ng ulo mo!

JAKE: Salamat ha!

Agad ding umalis si Jake papunta sa kinaroroonan ni Black Patriot.

ALICE: Kelangang matapos ko ang sinabi ni Engr. Gordon. Para makatulong ay Fonseca.
_____________________________________

Las Pinas, 14:44

Nauubos na ang Gamma Allied Forces na lumalaban kay Black Patriot. Ang kanilang mga Advanced Weaponry ay walang panama sa Pyrrovolver ng kalaban. Isa-isa silang nasasawi. Nagmistulang Ghost Area ang lugar dahil sa mga nasawing sibilyan dulot ng pananalasa niya.

Si Megiddus naman ay masayang pinapanood ang pinsalang dulot ng kanyang alagad.

MEGIDDUS: Ha ha ha ha ha!!!! Sige sugod lang! Kahit anong gawin niyo hindi niyo kayang labanan si Black Patriot! Mga kuto lang kayo na kaya niyang tirisin! Bwahahahaha!!!!

Pero…..

BAAAAAGGGGGG!!!!!!

May nanagasa kay Black Patriot na isang sasakyan. Napakapit ang kalaban sa hood ng sasakyan subalit binarurot ito at binangga sa isang concrete barrier.

Ang sasakyan ay ang Cyclone Panther. Lulan nito si Jake.

Bumaba si Jake at hinanap ang binanggang kaaway.

JAKE: Hah, nakaisa rin ako sayo, Black Dyak! Hmmm nasaan na kaya siya?

Lumapit siya sa binanggang barrier, ngunit wala ang binangga niya.

JAKE: Nasaan na kaya---Aaaaaahhh!!!!

Bigla siyang sinakal ni Black Patriot na galing pala sa likuran niya. Dahil sa hindi pa siya lubusang gumagaling, limitado ang kanyang lakas.

Siyang dumating naman si Megiddus.

MEGIDDUS: Aba aba, akalain mo nga naman, andami mo nang pasa at sugat, nandito ka pa rin at lumalaban? Bilib din ako sa tibay mo bata!

Halos mamutla na si Jake sa kinalalagyan nya. Ngunit nakaisip siya ng paraan, ginamit niya ang kanyang nalalaman sa Judo. Hinawakan ng isa niyang kamay ang tiyan ng kalaban at itinaas, sabay bagsak. Sa kabila ng limitadong lakas ay nagawa niya ito.

MEGIDDUS: Hah? Paano mong---

JAKE: Langya ka Black Dyak, halos mabali ang leeg ko!

Ngunit hindi pa nakakaporma si Jake ay bigla namang tumira ng Pyrrovolver si Black Patriot. Umiiwas si Jake sa mga atake ng kalaban. Sa huling tira ng Pyrrovolver, lumundag si Jake sabay sigaw ng….

GAMMA MODE ACTIVATE!!!

Paglapag ay naging Gamma Red na siya.

Ngunit hindi pa nakakapaghanda ay bigla na siyang sinugod ni Black Patriot. Sinuntok siya sa ulo tapos sinipa sa dibdib.

GAMMA RED: Aaaaaahhhh…..

Madali siyang masaktan dahil hindi pa siya nakakarecover sa mga natamong pinsala.

Aktong susuntukin na siya ni Black Patriot ngunit nasalo ito ni Gamma Red.

Ngunit tinadyakan naman siya ng kalaban sa pagitan ng mga hita, at nasaktang ng husto ang Gammaranger. Napaupo na lang siya habang binuhat siya ni Black Patriot at hinagis sa may Garbage Bins. Natambunan ng basura si Gamma Red.

MEGIDDUS: Kawawa ka naman….sabagay isa ka nga namang basura! Ha ha ha ha!!!

Unti-unting lumalapit si Black Patriot sa Garbage Bins, nang biglang….

G-MAGNUMMMM!!!!!! BAAAANNNNGGGG!!!!

Napaatras si Black Patriot sa natanggap na Laser Blast. Hindi pa nakakalingon ito, biglang sumugod si Gamma Red at pinagtataga si Black Patriot ng walang puknat gamit ang Gamma Dagger.

Napadapa si Black Patriot. Sinamantala ito ni Gamma Red at pinagsabay ang G-Magnum at Arm laser.

GAMMA RED: Magnum Arm Laser Combo!!!!

Tinodo ni Gamma Red ang kanyang opensa, napaatras si Black Patriot sa ginawa ni Gamma Red. Nang aktong bumabangon ang kalaban, siyang bato naman ni Gamma Red ng naputol na lamp post dito. Nasaktan si Black Patriot sa natanggap niya, ngunit saktong pagbagsak niya, biglang nasa ibabaw niya si Gamma Red, pinaulanan ng huli ng suntok ang kalaban.

Gulat na gulat naman si Megiddus sa nasasaksihan.
_____________________________________

Sa Gamma Base…..

ALICE: Sir, nakakacounter attack si Fonseca!

GEN. ANGELES: Duda pa rin ako, mukhang hindi magtatagal ang lakas niyang iyan.

ALICE: Sana matapos na ang upload ng bagong weapons configuration na binigay ni Engr. Gordon.

GEN. ANGELES: Anong ibig mong sabihin?

ALICE: Isang weapon configuration ang nilikha nya, na makakatulong sa Gammarangers na labanan si Black Patriot.

GEN. ANGELES: Ano kaya ang weapon na iyan?
______________________________________

MEGIDDUS: Imposible, ang dami niyang natamong pinsala, ngunit paano niya nagagawang daigin si Black Patriot?

Yun ang akala niya.

Sa habang patuloy ang suntok ni Gamma Red….biglang gumanti ng mas malakas na suntok si Black Patriot, na siyang ikinatumba ng Gammaranger. Pagkatihaya ni Gamma Red, inapakan siya ng kalaban sa dibdib.

GAMMA RED: Aaaaaaaaaaaaahhhhhh……..!!!! (namilipit siya sa sakit dahil ang bandang dibdib niya ang napinsala ng husto sa laban kanina)

Lalo pa siyang nasaktang nang inapakan ulit siya ng mas malakas. Sobrang sakit na ang nararamdaman ni Gamma Red.

MEGIDDUS: Ha ha ha ha! Hanggang diyan ka na lang ba? Nasaan ang lakas na pinakita mo kanina?

Walang anu-ano, inapakan din ni Black Patriot ang isang braso ni Gamma Red. Nakatapak na ang dalawang paa niya sa katawan ng Red Ranger.

GAMMA RED: Aaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!

Hawak ang Pyrrovolver, akmang ididikdik niya ito sa ulo ni Gamma Red. Nakakaiwas ang ulo ni Gamma Red sa mga dikdik niya, subalit bigla na lang winasiwas ni Black Patriot ang kanyang sandata na parang Golf, at hinampas ito sa ulo ng Gammaranger. Doon nadale si Gamma Red.
_____________________________________

Sa Gamma Base…..

GEN. ANGELES: Naloko na!

ALICE: Delikado si Fonseca!

Biglang bumukas ang pinto ng Database….

GEN. ANGELES: Anong…?

ALICE: Huh?
_____________________________________

Napadapa si Gamma Red matapos ibagsak ni Black Patriot. Pilit bumabangon ni Gamma Red subalit bigla ulit siyang hinampas ng Pyrrovolver.

Biglang lumapit si Megiddus.

MEGIDDUS: Wala kang kwenta! Dapat sa mga tulad mo pinapatay! Black Patriot, tapusin mo na yan!!!

Inapakan ulit ni Black Patriot ang ulo ni Gamma Red tsaka akmang titirahin ng Ultimate Pyrrovolver Blast, nang….

KA-BOOOOMMMM!!!!!

Tumilapon si Black Patriot sa natanggap na malakas na Blast. Nagulat din si Gamma Red. Lumingon siya upang makita ang pinagmulan ng Blast, at laking gulat at tuwa niya….

BRIAN: Huwag mo ngang solohin yan!

ABBY: Fonseca naman, bakit ka ba nang-iiwan?

SCOTT: You didn’t invite us to this party.

MALIN: Kaloka ka Kuya, halos baldado ka na nga, nandito ka pa rin?

GAMMA RED: (humihingal) Mga kasama! Akala ko di nyo ako pupuntahan….

MEGIDDUS: Aba kumpleto na ang mga Kurimao! Masaya ito!

BRIAN: Ready guys?

ABBY, SCOTT, MALIN: Ready!

GAMMAMODE, ACTIVATE!!!

At ilang saglit pa ay naging Gammarangers na ang apat. Lumapit si Gamma Red sa mga kasama.

GAMMA RED: Ngayong kumpleto na tayo, rarakistahin natin yang Blakdyak na iyan!

MEGIDDUS: Black Patriot, bumangon ka dyan at labanan sila!!!

Sabay sumugod ang limang Rangers at si Black Patriot. Sabayang nilabanan ng lima ang kalaban. Sa kabila ng kanilang limitadong lakas dulot ng natamonng pinsala, ay nakakasabay ang mga Gammarangers kay Black Patriot.
____________________________________

ALICE: Sir, nakakapagtaka, sa kabila ng injuries, bakit parang malakas pa rin ang mga Rangers?

GEN. ANGELES: Puso, Alice….Puso. Yan ang nagbibigay-lakas sa kanila. Sa kagustuhan nilang ipagtanggol ang mundo, parang apoy na biglang nagliyab sa kanilang kalooban ang layuning iyon. Handa nilang ibuwis ang kanilang buhay para lang makamit iyon, ang protektahan ang sangkatauhan.

Ilang saglit pa….

ALICE: Ayos, natapos din!

GEN. ANGELES: Iyan na ba?

ALICE: Ang bagong Weapons Configuration, Gamma Bayonet! Iuupload ko na sa kanilang Armor System.
___________________________________

Sa kabila ng ibayong lakas, hirap na hirap pa rin ang limang Rangers na labanan si Black Patriot.

GAMMA GREEN: Napakalakas talaga niya….

GAMMA YELLOW: Grabe na ito….

GAMMA BLUE: Ano na gagawin natin?

Biglang tumunog ang kanilang communicator sa helmet, si Alice ang nasa kabilang linya.

GAMMA RED: Alice ano yon?

ALICE: Rangers, makinig kayo, i-activate niyo ng sabay ang inyong G-Firearms at Gamma Daggers.

Hindi pa tapos magsalita si Alice, biglang tumira si Black Patriot ng Pyrrovolver Blast. Nakailag naman ang Rangers.

GAMMA RED: Tuloy mo na!

ALICE: Pag nailabas niyo pareho, iactivate niyo ang Gamma Bayonet ON, lalabas iyan sa inyong Helmet screen.

GAMMA RED: Gotcha! Thanks!

Tumira ulit ng Pyrrovolver Blast si Black Patriot. Pagkailag ng Gammarangers….

GAMMA RED: Guys, narinig niyo si Alice?

GAMMA BLUE: Oo loud and clear!

GAMMA RED: Gawin na natin!

ALL: Okay!

Mula sa kanilang Left and Right Leg Armor, inilabas nila ang kanilang G-Firearms at Gamma Daggers.

GAMMARANGERS: Gamma Bayonet, ON!!!

At isang iglap lang, nagmerge ang kanilang G-Firearms at Daggers upang makabuo ng isang malakas na sandata.


GAMMA VIO: Cool!

GAMMA GREEN: Bayonet nga!

GAMMA YELLOW: Bongga!

GAMMA BLUE: Ayos!

GAMMA RED: Sampolin na natin ito!
________________________________________

ALICE: Success Sir! Nagawa nila!

GEN. ANGELES: Ayos!
________________________________________

Agad sumugod ang lima papunta kay Black Patriot. Mas naging palaban ang Gammarangers. Gamit ang kanilang bagong sandata, mahusay nilang nakokontra ang mga pagsugod ni Black Patriot.

Inilabas ulit ni Black Patriot ang kanyang Pyrrovolver, ngunit natamaan ito ng Gamma Bayonets, dahilan upang tumilapon ito.

GAMMA RED: Paano ka ngayon? Wala ka nang sandata!

Ngunit pumalag pa rin si Black Patriot. Nlabanan niya ang lima kahit walang sandata. Ngunit nanaig pa rin ang Gammarangers, medyo napapagod na rin si Black Patriot.

At ilang saglit pa ay napaligiran na siya ng limang Gammarangers.

GAMMARANGERS: Gamma Bayonets, Rifle Mode! FIRE!!!!

Sabay-sabay na tinira ng Gammarangers ng Gamma Bayonets Rifle Mode, malakas ang bagong Blast na ito. Sa sobrang lakas halos lumiwanag ang buong lugar na iyon na tila nasabugan ng granada.
________________________________________

ALICE: Nagawa nila!

Tahimik lang na nanonood si Gen. Angeles
________________________________________

Nang humupa ang pagsabog, nakatayo pa rin ang limang Rangers. At mula sa pinagsabugan, nandoon si Black Patriot na nakahandusay.

MEGIDDUS: Hindi, Black Patriot……

Nang mawala na ang usok, unti-unting bumangon ang kalaban, subalit sa pagkakataong ito, lumitaw ang tunay na itsura na nasa loob ng helmet nito.



Natigilan naman ang Rangers.

GAMMA BLUE: Siya pala iyan.
_______________________________________

ALICE: Ngayon nakita na natin ang tunay na itsura ni Black Patriot.

Subalit nagtataka si Alice na natulala na lang si Gen. Angeles nang makita ang itsura ng nilalang na nasa loob ng Patriot Armor.

ALICE: Sir, may problema ba?

Pinagmasdang mabuti ni Gen. Angeles ang mukha ni KO-36.

GEN. ANGELES: Hindi maaari….Hindi ito maaari……Buhay siya….

ALICE: Huh?
_______________________________________

GAMMA RED: Abaa, buhay ka pa ha?! Rangers, itodo na natin!

GAMMARANGERS: Roger!

GAMMA BAYONETS RIFLE MODE, FULL POWER…………..FIII----

GEN. ANGELES: Rangers, Hold your Fire!!!!

GAMMA GREEN: Ano daw?

Biglang sumabat mula sa kabilang linya si Gen. Angeles.

GEN. ANGELES: I SAID HOLD YOUR FIRE!!!

GAMMA RED: Sir, pero bakit?!

GEN. ANGELES: Return to Base at once!!! Retreat now!!!

GAMMA RED: Hah? Pero--

GEN. ANGELES: THAT’S AN ORDER!!!!

Nanlumo ang Gammarangers s autos ni Gen. Angeles.

GAMMA RED: Bwiset! Bwiset!!! Babalikan namin kayo!!!!

Nagtataka naman sina Megiddus at Black Patriot sa biglaang pag-urong ng lima. Hinang-hina naman si Black Patriot.
_____________________________________

UDF Gamma Base, 15:37

Padabog na pumasok sa Database ang limang Rangers.

JAKE: Retreat?! Anong klaseng utos iyon hah?!!!

SCOTT: We already had him! We are winning!

BRIAN: Ngayon alam na nila na may bago tayong sandata!

ABBY: Yun na ang chance namin Sir! Maybe our ONLY chance na matalo siya!

MALIN: Sir, bakit po?

Hindi makasagot si Gen. Angeles.

ALICE: Sir……

JAKE: Sabihin niyo sa amin! Sumagot kayo!!! Bakit niyo kami pinigilan??!!!

GEN. ANGELES: DAHIL ANAK KO SIYA!!!!

Nagimbal ang buong Database sa narinig na rebelasyon…..



Itutuloy………

No comments:

Post a Comment