Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
Mission 12: Panganib sa Gitna ng Kapayapaan
UDF Gamma
Base, 9:46
Kasalukuyang
nasa Database si Alice at nagmomonitor ng mga activities sa vicinity nang
pumasok si Gen. Angeles.
ALICE: Good morning Sir.
GEN. ANGELES: Good morning Alice. Kumusta ang monitoring?
ALICE: Mukhang okay po lahat Sir. So far these past few days wala pa po
tayong natatanggap na AXIS alerts at threats.
GEN. ANGELES: Huh? Nakakapagtaka naman. Ang last AXIS attack ay nung 3 days ago
pa nung sa Doomsday Jet incident.
ALICE: Sir hindi kaya nais na nilang sumuko sa paulit-ulit na pagkatalo
nila?
GEN. ANGELES: Imposible Alice. Kaduda-duda ang pananahimik nila. Sa palagay ko
may hinahanda silang panibagong assault na mas matindi pa kesa sa mga attempts
nilang nauna. Basta’t alert lang tayo any time. Di tayo pwedeng makampante.
ALICE: Okay po Sir. Lagi pong nakahanda ang lahat ng infantry at
artillery natin, even our soldiers, they’ve been to extensive training upang
tulungan ang Gammarangers in our campaign against the terrorists.
GEN. ANGELES: Kumusta ang mga Rangers?
ALICE: Nasa labas po sila at kasalukuyang nasa military drills.
GEN. ANGELES: Ganun ba, mabuti naman.
____________________________________
“Kaliwa-kanan-kaliwa-kanan-kaliwa…kaliwa!”
“Kaliwa-kanan-kaliwa-kanan-kaliwa…kaliwa!”
“Kaliwa-kanan-kaliwa-kanan—hold one two!
Kasalukuyang
nasa drill exercises sina Jake at ang kanyang Special Airborne Forces. Bilang
pinuno ng Airborne Squad, si Jake ang nanguna sa drill exercises ng kanyang mga
tropa. Sa edad na 24, naabot ni Jake ang rangkong Major, dahil sa galing sa
military drills at dahil magaling sumipsip sa mga superiors niya.
JAKE: Harap sa kanaaan….ta! Tikaaaas….pahinga!
Habang nasa
drills si Jake ay nasa Shooting Range naman si Brian at nagsasanay ng Rifle
shooting gamit ang kanyang caliber 45 gun. Kilalang asintado si Brian pagdating
sa pamamaril, maliban pa sag galing niya sa taekwondo.
Si 1st
Lieutenant Abby naman ay nasa Obstacle Field at nagsasanay ng War Games. Gamit
ang kanyang M16 rifle ay mahusay na naiilagan ang mga gun attacks mula sa mga
robotic rifles na nakatago sa mga damuhan. Pagdating sa military warfare, ang
diskarte ni Abby ang bentahe niya sa anumang sitwasyon.
Si Private 1st
Class Malin naman ay kasalukuyang nasa race track at kasauluyang nagjojogging
kasama ang mga kapwa Private Officers sa ARESCOM.
Nagtapos ang
kani-kanilang sessions nang sila ay magkita-kita sa labas ng locker room.
ABBY: Oh, musta araw niyo guys?
JAKE: Eto okay naman. Mukhang nagpahinga muna ang AXIS ngayon. Hindi pa
sila nagpaparamdam ah.
MALIN: Ayos nga yun e, at least walang istorbo…he he…na-miss ko rin ang
mga kasama ko sa ARESCOM no…
BRIAN: Pero guys, wag tayong pakasisiguro….hndi maganda ang kutob ko
dito. I think they are planning a rather more dangerous attack against us.
JAKE: Alam mo, napakaserious mo. Masyado mong dinidibdib ang pagiging
Gammaranger mo eh!
BRIAN: Hindi naman sa ganon. Sinasabi ko lang na dapat handa tayo kahit
anong oras kasi hindi natin alam kung kelan sila aatake…
JAKE: Pinangungunahan mo ba ako?
BRIAN: Hayan ka nanaman e! Ang hirap sa iyo, lider ka nga, hindi mo
naman sineseryoso ang mga operasyon natin, nauuna ang kayabangan mo---
ABBY: Hayan nanaman kayo e! Tama na nga yan! Mabuti pa umakyat na tayo
sa Database at tingnan ang mga updates sa AXIS…
JAKE: Pero wala pa si Scott.
MALIN: Hayan o!
Saktong
bumaba ng Patrol Jeep si Scott.
SCOTT: Sorry I’m late guys!
ABBY: Uy Scott!
JAKE: Hayan na pala e.
SCOTT: It’s been a while since we battled ugly monsters. Any news?
BRIAN: None so far, but we better be prepared. Let’s go upstairs and get
some updates.
At umakyat
na ang lima sa Database….
______________________________________
AXIS
Megabase, 10:23
Nasa
malaking hi-tech conference room ang lahat ng Heneral ng AXIS upang
magpulong-pulong kung papaano matatalo ang Gammarangers. Pabilog ang hugis ng
mesa na may mga built-in na computer panels at isang malaking Hologram Globe
Radar sa gitna.
Nasa loob
ang lahat ng Heneral, sina Balaam, Necroma, Dymaro, Megiddus, Calyx at Corvus.
Dumating na si Master Ganelon.
Tumayo ang
anim at saka nagtaas ng kamay ala-Nazi.
GANELON: Marahil nagtataka kayo kung bakit nagpahinga muna tayo sa ating
pag-atake sa Gammarangers. Naisip ko kasi na magpahinga muna matapos ang
sunud-sunod niyong kapalpakan. At naisip ko rin na kailangan nating magbago ng
istratehiya dahil sa palagay ko ay hindi na epektibo ang lahat ng taktikang
ginawa natin sa ibang bansa.
BALAAM: Panginoon, hindi po kami titigil hangga’t hindi natatalo ang
Gammarangers…
DYMARO: Kung ganon ay nais kong magbigay kayo ng mga mabisang paraan
upang matalo ang Gammarangers.
CORVUS: Panginoon, e di higanteng halimaw ulit!
GANELON: Sawa na ako sa walang katapusang pagpapalaki ng halimaw na sa
bandang huli ay natatalo din!
NECROMA: E kung atakihin natin ang kanilang himpilan!
BALAAM: Mainam yan, pero alam mo ring malakas ang kanilang Defense
Barrier upang kontrahin ang ating mga atake….
MEGIDDUS: Alam ko kung papano!
GANELON: May naisip ka ba Megiddus? Baka tulad lang iyan ng Doomsday Jet
mo na sa bandang huli ay napasakamay din nila.
MEGIDDUS: Kamahalan, marahil ay nagtataka kayo kung papaano kong napasok
ang Defense Systems ng mga bansa sa Asya.
NECROMA: Ano ang ibig mong sabihin?
CALYX: Mukhang ilalabas niyo na siya Master Megiddus….
MEGIDDUS: Hindi ko pa nasasabi sa inyo, pero may isa akong tauhan na siyang
makakagawa noon. Isa siyang magaling na espiya, nagawa niyang mapasok ang lahat
ng Defense Systems ng lahat ng bansa kaya madali natin silang nasakop…
DYMARO: Kung ganon, naman pala, bakit hindi mo siya ginamit noong una pa?
MEGIDDUS: Dahil inakala ko na madali lang sakupin ang bansang ito gamit ang
ordinaryong taktika. Ngunit ngayong nabibigo tayo, oras na para gamitin ito.
Biglang
pumitik si Megiddus ng kanyang mga daliri, biglang bumukas ang automatic door
ng silid at kumislap ang mga ilaw. Nagulat naman ang lahat ng nasa conference
room sa nangyayari. Mula sa labas ng pinto, unti-unting lumapit ang nilalang na
tinutukoy ni Megiddus.
MEGIDDUS: Mga kasama, ipinakikilala ko sa inyo, si Knight Outlaw 36!
GANELON: Hmmm….siya pala ang tinutukoy mo.
Ang ibang
heneral naman ay sinipat ang bagong dating na mandirigma mula ulo hanggang paa.
MEGIDDUS: Ganito ang aking balak: Mamayang gabi ay maglulunsad tayo ng
isang malawakang atake sa kanilang himpilan, at habang abala ang lahat sa
kanila sa pakikipagsagupa ay siya namang papasok si KO36 upang sirain ang
Defense Systems ng Gammabase at mabawi ang Pyrronium.
BALAAM: Paano niya magagawa iyon? Paniguradong hindi siya basta-basta
makakapasok sa kanilang himpilan.
MEGIDDUS: Minamaliit niyo ba ang kakayahan ni KO-36? Makikita niyo….(bumaling
kay KO-26) Humayo ka mamayang gabi, at gawin ang aking mga sinabi.
Agad lumuhod
si KO-36 sa harapan ng lahat ng heneral….
____________________________________
UDF Gamma
Base
Pagpasok ng
lima….
ALL: Good morning Sir! (sabay saludo)
GEN. ANGELES: Good morning cadettes. Kumusta ang inyong pagsasanay?
JAKE: Okay naman po. Tila hindi pa ata nagpaparamdam ang AXIS a!
GEN. ANGELES: Huwag kayong makampante. We all know AXIS has a lot of surprises.
Dapat handa tayo anumang oras.
Ilang saglit
pa ay iglang pumasok sina Engr. Gordon at Owen.
ENGR. GORDON: Good morning everyone, I have some great news for you. The morpher
is done and ready!
ALICE: Oh really?
OWEN: Mabuti pa sumama kayo sa amin sa lab at ipapakita namin sa inyo.
GEN. ANGELES: Okay.
Sumama ang
lahat sa dalawa upang makita ang bagong Morphing Badge na nilikha ni Engr.
Gordon.
ENGR. GORDON: Ladies and gentlemen, we now present to you…..the Patriot Badge.
JAKE: Wow astig!
BRIAN: Yan pala ang Project Patriot…
ENGR. GORDON: We’ve compressed all the Pyrronium into this morpher, to provide
more power to the user. I already assigned the Voice Recognition Signal for it.
To be able to activate it, say the words “Patriot, Gamma On” and push the
activate button. I want a volunteer to test it.
Nagtinginan
ang lahat pagkarinig ito.
JAKE: Me Sir! I want to try it!
GEN. ANGELES: Sigurado ka ba Fonseca?
JAKE: Oo naman po. Okay lang po ba na ako na rin po ang gagamit ng
Patriot Badge? Para kung hindi na gumana ang aking Red Badge, may backup ako---
GEN. ANGELES: Dahan-dahan ka sa pananalita mo. Hindi pa natin alam kung uubra
ang bagong morpher na yan. At isa pa, may ibang gagamit niyan.
ALICE: Okay umpisahan na ang testing.
JAKE: He he masaya ito!
Pinapasok si
Jake sa isang Glass Cylinder hawak ang Patriot morpher. Ang mga nasa labas naman
ay nasasabik na malaman ang kayang gawin ng Patriot morpher once nasa kamay na
ito ng gumagamit.
ABBY: Kayanin kaya niya?
ENGR. GORDON: Are you ready Mr. Fonseca?
Tumango
naman si Jake.
Itinaas ni
Jake ang kanyang kamay na may hawak ng Patriot Badge, pinindot ang button nito
sabay sigaw ng…
PATRIOT,
GAMMA ON!
Biglang
nabalot ng napakalakas na Energy Wave ang buong Cylinder na kinaroroonan ni
Jake. Sa sobrang lakas ng Power na inilabas ng morpher, tila hindi kayang
i-absorb ni Jake ito, tila nakukuryente siya dito.
JAKE: Aaaaaaarrrrrrggggghhh……aaaaaahhhhhh…….
Nagulat
naman ang lahat at nag-alala sa nangyayari kay Jake.
ENGR. GORDON: Oh no….
ALICE: Mukhang hindi niya kaya.
GEN. ANGELES: Mukhang masyadong malakas ang Morpher para i-absorb ng katawan
niya.
Unti-unti
namang nagbabago ng anyo si Jake, nababalutan na siya ng Patriot Armor, subalit
tila hindi nagtatagal ito sa kanyang katawan.
JAKE: Aaaaaaaaahhhhhh…….
ENGR. GORDON: He can’t handle the Pyrronium’s power!
Agad
pinindot ni Engr. Gordon ang Off Button upang ma-shut down ang morpher. Matapos
iyon, napahandusay si Jake at hinang-hina.
Agad lumapit
sa Cylinder si Scott at Owen upang tulungan makabangon si Jake na kasalukuyang
humihingal at hinang-hina.
SCOTT: Jake are you alright?
OWEN: Kaya mo pa ba?
JAKE: (Hah…hah…) Grabe, sobrang lakas…..hindi ko kinaya…..
ALICE: Fonseca….
GEN. ANGELES: Mr. Gordon, what’s with the morpher?
ENGR. GORDON: I think the Concentrated Power of the Pyrronium is too much for a
human to take. I think we must re-evaluate it.
ABBY: Jake, mabuti pa pumunta ka sa clinic, mukhang nahigop ng morpher
ang lahat ng lakas mo.
JAKE: Wag na, Energy Drink lang katapat nito, hehehe.
GEN. ANGELES: Mr. Gordon, we will take care of our usual business. Just
reconfigure the morpher. Ikaw na rin Owen.
ENGR. GORDON: Yes Sir.
OWEN: Okay po.
Inilagay
muna ni Engr. Gordon ang morpher sa isang Secret Chamber habang pinag-aralan ulit
nila ang Specifications nito.
________________________________________
Sa Opisina
naman ni Gen. Angeles, habang humihithit ng sigarilyo ay nagmuni-muni siya sa
may Balcony. Inaalala niya ang kanyang mga anak. Pumanaw na kasi ang kanyang
asawa sa kakapanganak ng kanyang anak na babae.
Ang kanyang
anak na lalaki ay pinaniniwalaan niyang napatay sa isang operation sa Japan
habang nakikipagdigmaan mahigit isang taon na ang nakakalipas. Ang kanyang anak
na babae na isang Special Child naman ay nasa pangangalaga ng tita nito.
Sa mga
ala-alang ito, hini maiwasan ni Gen. Angeles na maluha sa sinapit ng kanyang
pamilya.
Napatingin
ulit siya sa larawan na nasa mesa niya. Larawan ng kanyang mga anak ang nandoon
at isa pang larawan na nandoon ang kanyang asawa.
GEN. ANGELES: Kung nasaan man kayo, sana masaya kayo.
________________________________________
22:34
Ang mga nasa
loob ng Gamma Base ay tulog na habang ang mga bantay naman ay alertong nagmamanman
ng paligid ng himpilan. Patuloy pa rin ang monitoring ng mga ito.
Ilang saglit
pa biglang…..
BOOOOOOMMMM!!!!
Yumanig ang
buong Base sa nangyaring pagsabog.
“RED ALERT,
RED ALERT, WE’RE UNDER ATTACK! WERE UNDER ATTACK!”
Nagising ang
lahat sa narinig na pagsabog at sirenang dulot ng alarm. Napatakbo sa Database
sina Gen. Angeles at mga Rangers na tila inaantok pa.
GEN. ANGELES: Alice (na noon ay gising pa), anong nangyayari?
ALICE: Sir, we’re under attack! Inaatake tayo ng AXIS!
JAKE: (pupungas-pungas) Sa ganitong oras?
GEN. ANGELES: Sinasabi ko na nga ba! Rangers, prepare for counter attack!
Deploy all Gammachines at once!
ALL: Yes Sir!
Pagkaalis ng
Rangers ay siyang pagpasok naman nina Owen at Engr. Gordon.
ENGR. GORDON: What’s going on?!
OWEN: Ano nangyayari?
ALICE: Inaatake tayo ng AXIS!
GEN. ANGELES: I-deploy ang lahat ng ammunitions at artillery! On the Double!
ALICE: Roger Sir!
Maliban sa
Gammachines, naglabasan din ang lahat ng Military Tanks at Fighter Jets ng
Gamma Forces. Nakipaglaban sila sa mga ito.
Habang ang
mga Gammachines naman….
GAMMA RED: Okay guys, tapusin na natin ito para makatulog agad ulit tayo!
ALL: Roger!
Dahil
all-out ang ibinuhos na atake ng Gamma Troops, ang lahat ng sundalo ay nasa
labas ng himpilan, kaya naiwan ang Base na walang bantay. Ang resulta, isang
anino ang biglang nakapasok sa himpilan.
Abala sina
Gen. Angeles at iba pa sa pagmonitor sa nagaganap na labanan. Lingid sa
kanilang kaalaman ay may isang misteryosong nilalang na nakapasok sa loob ng
Base. Ito ay si KO-36.
Hinahanap ni
KO-36 ang kinaroroonan ng Pyrronium, subalit bigo siyang mahanap ito.
Subalit
biglang tumunog ang Pyrronium sensor niya, ibig sabihin ay nadetect na niya ang
kinaroroonan ng pakay, kaya agad niyang narating ang laboratory at lumapit sa Secret
Chamber na siyang kinaroroonan ng pakay niya.
Akmang kukunin
na niya ang morpher nang….
“WHO ARE
YOU?!”
Napabalikwas
naman si KO-36 nang mahuli siya ni Engr. Gordon.
ENGR. GORDON: Give that morpher back!!!
Biglang
bumunot ng baril Laser Gun si KO-36 at binaril si Engr. Gordon. Napahandusay
ang lalaki. Agad nakaalis si KO-3 tangay ang morpher.
________________________________
OWEN: Anong ingay yon?
GEN. ANGELES: Huh?
ALICE: Sa lab! Sandali titingnan ko!
Agad tumakbo
si Alice papunta sa pinagmulan ng putok, laking gulat niya nang makitang
naghihingalo si Engr. Gordon.
ALICE: Mr. Gordon!!!! No!
Agad lumapit
si Alice at binuhat ang lalaki.
ALICE: Sir, hang on, I ‘ll bring you to the hospital!
ENGR. GORDON: (namimilipit sa sakit) The…morpher….Someone...stole…the….morpher…
ALICE: What?!
____________________________________
Sa Battle
site, nagtataka naman ang mga Gamma Troops sa biglaang pag-urong ng mga
kalaban.
GAMMA RED: Huh? Umurong na?
GAMMA GREEN: Anong nangyari?
GAMMA BLUE: Nakakapagtaka naman.
GAMMA VIO: I think we go back to base now.
Sa di
kalayuan ay nandoon si KO-36, tangan ang Morpher at may hawak na Detonator.
KO-36: Asta La Vista, Gamma!
Pagpindot ng
Detonator….
BBOOOOOOOOOOMMMM!!!!!
Sumabog ang
ibang bahagi ng Gamma Base.
KO-36: Ha ha ha ha ha!!!!
At saka ito umalis…..
_______________________________________
GAMMA RED: Ang Gamma Base!!!
GAMMA YELLOW: Hindi!!!! Sina General nandoon pa!
GAMMA BLUE: Iligtas natin ang mga nandoon!
________________________________________
OWEN: Sir, may nagpasabog sa base natin!
GEN. ANGELES: I-activate ang Centralized Sprinkler System!!!
Agad
inactivate ni Owen ang Sprinkler System ng Base. Matapos ang kalahating oras,
naapula na ang apoy.
Saktong dumating
ang Rangers.
JAKE: Sir okay lang ba kayo?
GEN. ANGELES: Oo, pero paano nangyaring may nakapagtanim ng bomba sa ibat-ibang
bahagi ng Base?
BRIAN: Ibig sabihin may nanloob sa Gamma Base habang abala kami sa
pakikipaglaban?
ABBY: Pero hindi ba’t mahigpit ang Laser Security System natin?
GEN. ANGELES: Yun ang hindi ko maintindihan. Paanong may nakapasok dito at
nakapagtanim ng pasabog?
SCOTT: I think he deactivated the Laser Security.
OWEN: Pero paano, e nandito ang Main Control Board ng Laser Security.
GEN. ANGELES: Kung sino man ang gumawa nito, hindi ito magandang balita. Nasa
peligro ang Gamma Base!
Biglang
umactivate ang Communicator Screen ng Database at nandoon sa kabilang Screen si
Alice.
GEN. ANGELES: Alice, nasaan ka?
ALICE: Sir, nandito po ako sa Gamma Med, binaril si Engr. Gordon! Nasa
ICU siya!
GEN. ANGELES: Ano?
MALIN: Oh no!
___________________________________
Agad pumunta
sa Gamma Med Center ang lahat upang kumustahin si Engr. Gordon. Paglapit sa labas
ng ICU ay nakita nila si Alice sa may bench.
GEN. ANGELES: Alice, kumusta si Mr. Gordon?
ALICE: Ginagamot pa siya Sir.
ABBY: Ms. Alice, sino naman ang gagawa nito?
MALIN: Grabe, hindi ko akalaing mangyayari ito.
ALICE: May isang nilalang na nanghimasok sa ating Base. At ito ang mas
nakakagimbal….
BRIAN: Ano?
ALICE: Ninakaw ang Patriot Morpher!
Nagimbal at
natigilan ang lahat sa narinig na pahayag ni Alice.
GEN. ANGELES: Sabi ko na nga ba’t ang kanilang pananahimik ay isang masamang
senyales.
Minasdan
naman niya mula sa Bintana ang nasirang bahagi ng Gamma Base dulot ng pagsabog.
GEN. ANGELES: Mahusay ang kanilang ginawang pagsalakay. Habang abala tayo sa
pakikipaglaban, sinalisi nila tayo. Malaking pinsala ang dinulot nito sa ating
base.
JAKE: Sir, kahit anong mangyari handa naming ibuwis ang buhay namin
para sa kaligtasan ng lahat. Kahit sirain pa nila ang lahat-lahat ng armas
natin, basta wag lang ang bansang pinoprotektahan natin!
Napangiti
naman si Gen. Angeles sa sinabi ni Jake….
___________________________________
AXIS Mega Base……11:36
KO-36: Narito na po ang inyong hinihiling….
NECROMA: Nahihibang ka ba? Ang kailangan natin ay Pyrronium, hindi
Morpher!
GANELON: Tumigil ka Necroma. Suriin natin ang laman niyan.
MEGIDDUS: Paano mo nasabing hindi Pyrronium ito? Masdan mo….
Kinuha ni
Megiddus ang Morpher at binuksan ito, nakita nila ang ilang Pyrronium Crystals
na nasa loob.
BALAAM: Oo nga….
NECROMA: Ang tanong, anong gagawin natin diyan?
MEGIDDUS: Malaki….malaki Necroma. Ginawa nila ang morpher na ito upang
gamitin laban sa atin. Ngayon matitikman nila ang bagsik ng sandatang ginawa
nila. At ang tanging gagamit nito ay walang iba kundi si KO-36!
DYMARO: Siguradong may Voice Recognition System yan. Hindi basta-basta
maaactivate yan kung hindi nasasabi ang mga kataga.
CALYX: Madali lang iyan, irereformat natin ang Configuration ng Morpher.
At upang medaling maabsord ni KO-36 ang lakas nito, magtatanim tayo ng microchip
sa kanyang katawan upang kaya niyang tagalan ang lakas ng Pyrronium.
GANELON: Magaling…..magaling……napakagaling na ideya. Ha ha ha ha ha!!!!
_______________________________________
Kinabukasan…….
“Red Alert!
Red Alert! Intruder Spotted! Intruder Spotted!”
Agad sumugod
sa Database sina Gen. Angeles at ang mga Rangers.
GEN. ANGELES: Alice, anong nangyayari?
ALICE: Sir, may AXIS Signals sa may Area B7, Sector 18, South 25 Degrees
18 Minutes East, sa may Manila! Mukhang hinahamon nila ang mga Rangers!
GEN. ANGELES: Rangers, you know what to do!
ALL: Roger Sir! (sabay saludo)
Agad umalis
ang lima sakay ng kanilang Gammachines.
__________________________________________
Area B7,
Sector 18, South 25 Degrees 18 Minutes East, 8:37
Takbuhan ang
mga tao sa patuloy na pagsira ng mga Cranumites sa kahabaan ng Taft Ave.
MEGIDDUS: Hahahaha nasaan na ang Gammarangers niyo?! Tawagin niyo sila, kapag
wala pa sila, sisirain naming ang lugar na to! Bwahahahaha!!!!
Bago pa
masira ng husto ang lugar na iyon, ay dumating na ang limang Rangers.
GAMMA RED: Itigil niyo yan!!!
MEGIDDUS: Ha ha ha ha dumating din sa wakas! Kanina ko pa kayo hinihintay.
GAMMA GREEN: Si Megiddus yan dib a?
GAMMA VIO: At last we faced him!
GAMMA BLUE: Wag kang mandadamay ng sibilyan! Kami harapin mo!
MEGIDDUS: E di sige! Cranumites sugod!!!
Agad sumugod
ang mga Cranumites sa limang Rangers. Madali namang natalo ng Gammarangers ang
mga kalaban.
GAMMA RED: Ano, meron pa ba?
MEGIDDUS: Huwag kayong mayabang! Ito na ang tamang oras upang ilabas ang
aking bagong alagad!!!
Pumitik si
Megiddus at biglang may malakas na Force Field na nagpatilapon sa mga
Gammarangers. Napahandusay sila sa sobrang lakas ng enerhiya.
GAMMA YELLOW: Ano iyon?
GAMMA GREEN: Masdan niyo!
At mula sa
pinanggalingan ng Force Field ay may lumitaw na isang tila Armored Warrior. And
itsura nito ay katulad na katulad ng Armor ng Gammarangers.
GAMMA BLUE: Teka, yan ang…
GAMMA RED: Yan ang suit kahapon sa Lab!
Unti-unting
lumalapit ang nilalang, at pagbungad sa kanila….
MEGIDDUS: Ipinakikilala ko sa inyo, si Black Patriot!!!!
GAMMA VIO: Black Patriot?
MEGIDDUS: Black Patriot, pakitaan mo sila!
Sumugod si
Gamma Blue.
GAMMA BLUE: Yaaaaaa!!!!
Mabilis
siyang sumugod, subalit na-grab siya ni Black Patriot at hinawakan sa ulo.
Binagsak niya ang ulo nito sa semento, tsaka ito inapakan at sinuntok.
GAMMA GREEN: Mistah!!!
GAMMA RED: Hindi!!!
Pinulot ulit
ni Black Patriot ang ulo ni Gamma Blue at akmang titirahin ng Blaster, subalit
“Bitawan mo
siya! G-Booster!!!!”
Binaril ni
Gamma Green ang kalaban ngunit hindi ito natinag. Ibinato ni Black Patriot si
Gamma Blue papunta kay Gamma Green.
GAMMA YELLOW: Ate Abby, Kuya Brian!!!
GAMMA VIO: My turn!
Sunod na sumugod
si Gamma Vio gamit ang Dagger nito, subalit nailagan lamang ito ni Black
Patriot at gumanti ng suntok. Tumilapon si Gamma Vio sa may Gasoline Station,
na siyang ikinasabog nito.
GAMMA RED: Sabay tayong sumugod Malin!
GAMMA YELLOW: Okay Kuya Jake!
Sabay
sumugod ang dalawa subalit biglang sinakal ni Black Patriot si Gamma Yellow
samantalang nakipagsparring kay Gamma Red.
GAMMA RED: Bitawan mo siya!!!
Ngunit bago
pa nakaporma si Gamma Red ay na-grab na ng kalaban ang ulo nito tsaka ibinagsak
sa aspaltong daan, tsaka inapakan. Sa sobrang lakas ng kalaban ay nabiyak pa
ang daan. Halos mabiyak na ang Helmet ni Gamma Red.
Pagkuwa’y
hinagis ni Black Patriot si Gamma Yellow at tinirahan siya ng Blaster.
Hindi
makabangon ang Gammarangers.
MEGIDDUS: Ha ha ha ha ha!!! Nasaan ang tapang niyo Gammarangers?! Wala
kayong laban sa aking agong mandirigma!!! Bwahahahahaha!!!!
_____________________________________
ALICE: Sir, delikado ang Rangers!
GEN. ANGELES: Black Patriot…..
Natulala na
lang ang nasa database matapos patumbahin ni Black Patriot ang limang
Gammarangers……
Itutuloy……
No comments:
Post a Comment