Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
“Gamma Base, can you read us? Tulungan niyo po kami! We’re under
attack!”
“Pakiusap kailangan namin ang tulong niyo! We lost our troops! May
unknown lifeform dito!”
Ito ang
distress signal na sinusubukang i-read ng Gamma Base. Agad rumesponde ang buong
Gamma Base, lalo na si Gen. Angeles. Kasama niya sa Database sina Alice at
Owen.
GEN. ANGELES: Alice, sino ang nasa kabilang linya?
ALICE: Sir, ang 51st Engineering Bridage, tila nasa panganib
sila. Ang masaklap, malabo ang signal kaya mahirap maintindihan ang sinasabi
nila.
GEN. ANGELES: This is General Julian Angeles of UDF Gamma Base. Identify your
position!
Ngunit
patuloy pa rin sa pagsasalita ang mga nasa panganib, tila hindi narinig ang
sinabi ni Gen. Angeles.
GEN. ANGELES: Si General Julian Angeles of UDF Gamma Base ito. Identify your
position!
“Sir, we need….Aahhhhhhh----!”
Ngunit
tuluyan ng naputol ang communication at wala ng sumagot.
GEN. ANGELES: Everybody go to Alert Status! Alice, alamin mo kung saan nanggagaling
ang signal at location nila!
ALICE: Roger Sir!
GEN. ANGELES: Owen, gumawa ka ng report regarding sa nangyari! Magreport ka sa
Higher Command ASAP!
OWEN: Yes Sir!
Mission 20: Ang Pagsagip
Nasa
Conference Room ang buong Elite Squad ng Gamma Base habang pinapanood ang
nirecord na distress signal mula sa di pa natutukoy na location.
ABBY: Sir, wala po ba talagang exact location ng insidente?
GEN. ANGELES: Iniidentify pa ni Alice, sa ngayon ay---
Ngunit ilang
saglit pa ay pumasok na sa Conference Room si Alice.
ALICE: Excuse me. Sir natukoy ko na ang Exact Location ng 51st
Engineering Brigade.
GEN. ANGELES: Okay please take over.
Inactivate
ni Alice ang Hologram Global Radar na nasa gitna ng Table at itinuro ang
eksaktong location ng pinanggalingan ng distress call.
ALICE: Nasa Area 102E Sector 95, South 5 Degrees 48 Minutes East, sa
isang mabundok na area ng Butuan.
GEN. ANGELES: Di ba’t nakastation ang 51st Bridage sa Davao? Paano
sila napunta sa Butuan?
SCOTT: And this means we have to reach that area ASAP before they will
be harmed completely.
JAKE: Baka AXIS nanaman ang may kagagawan niyan. Wala na talagang
ginawang matino ang mga iyon.
MALIN: Oo nga baka si Bruhildang Calyx nanaman yan!
Ilang saglit
pa ay pumasok na si Owen.
GEN. ANGELES: Owen, ano ang latest report?
OWEN: Sir base sa nakalap kong info mula na rin sa Review ng Video, may
isang Unknown Lifeform ang biglang umatake sa kanila habang nagpapatrolya sila
sa lugar na iyon.
GEN. ANGELES: Any signs na ito ay AXIS-related?
OWEN: Wala po akong nakuhang ganun, pero it seems na wala pong
kinalaman ang AXIS sa nangyari.
JAKE: Huh?
MALIN: Ows?
ABBY: Mukhang kakaiba ang kasong ito.
GEN. ANGELES: Isa itong Rescue Operation, kaya ipapadala ko ang pinakamagaling
na Rescue Team sa misyon na ito. Kailangan maging alerto din sa pagdating ng
Unknown Lifeform na yan. Tavarez, ikaw ang mangunguna sa misyong ito.
Makakasama mo ang 1st Light Armor Battalion sa pagrescue sa mga
biktima.
BRIAN: Roger Sir!
JAKE: Paano kami?
GEN. ANGELES: Stand-by muna tayo. Baka biglang sumalisi ang AXIS kailangan kayo
magstay dito. Okay move!
ALL: Roger!
____________________________________
Agad
naghanda ng Rescue Air Craft ang Gamma Base para sa misyon. Sa pangunguna ni
Brian ay agad umalis ang buong tropa patungo sa kanilang destinasyon.
BRIAN: Everybody check your ammunitions!
ALL: Yes Sir!
Habang
papunta sa Butuan ay minomonitor naman ng Gamma Base ang lahat ng kilos ng
ipinadalang tropa.
GEN. ANGELES: Alice, activate the Automated GPS Activity Sensor.
ALICE: Roger Sir!
____________________________________
Ilang oras
pa ay malapit na sa location ng signal ang Rescue Air Craft na kinalulunan nina
Brian. Kasama din niya sa misyon ang mga dati na niyang nakasama sa Military,
isa na dito si 1st Lt. Lance Perez na dati rin niyang kasama sa PMA.
BRIAN: Long time no see Lance.
LANCE: Musta ka na Brian? Mukhang kinareer mo na ang pagiging
Gammaranger ah.
BRIAN: Okay naman. Buti na lang at kasama kita dito.
LANCE: Ha ha ha, baka nakakalimutan mo nang kami ang isa sa best Rescue
Team sa buong Army.
Naputol ang
usapan nila nang…
PILOT: Sir, seems natagpuan ko na ang exact location ng source ng
distress call! At mula ito sa isang sirang Jumbo Jet!
BRIAN: Okay ilapag mo ang Rescue Air Craft. (inactivate ang Communicator)
Gamma Base, si Tavarez ito, nahanap na namin ang source ng distress call, sa isang
Military Jumbo Jet.
GEN. ANGELES: (sa kabilang linya) Okay pasukin niyo ang Jet ngayon din.
Sumunod naman
sina Brian at lumapag ang Rescue Air Craft malapit sa Wrecked Jumbo Jet.
BRIAN: Let’s go!
Agad sinipa
ang saradong pinto ng Jumbo Jet at dahil madilim na, ay gumamit sila ng
Emergency Light upang makita ang loob ng Jet.
LANCE: Puro agiw ang nakikita ko.
BRIAN: Alerto lang tayo. (inactivate ulit ang communicator) Si Tavarez ito,
nasa loob na kami ng Jumbo Jet. Wala pa kaming nari-read na signs of life dito.
Pero nababalot ang loob ng mga kakaibang agiw.
______________________________________
GEN. ANGELES: Tuloy lang ang paghahanap sa mga biktima. Alice, iactivate mo ang
Tracking System sa Jumbo Jet.
ALICE: Yes Sir.
Sa Work
Station ni Alice ay inactivate niya ang isang animo’y floor plan ng loob ng Jumbo
Jet upang mamonitor ang kinalalagyan nina Brian.
_____________________________________
Patuloy lang
sa paglalakad sa loob ng Jet sina Brian, ngunit habang naglalakad sila, tila
may naapakan si Lance na isang kakaibang likido. Dumikit ito sa kanyang Combat
Shoes.
LANCE: Bryan tignan mo ito!
BRIAN: Ano iyan?
LANCE: Parang slime…
BRIAN: Slime? Palagay ko galing iyan sa Unknown Lifeform na sinasabi sa
Base kanina.
Napansin din
nila na may pinanggalingan ang Slime, base sa mga tulo ng Slime na nasa sahig.
Gamit ang Emergency Light ay sinundan nila ang pinagmulan ng Slime…..at nalaman
nila na galing pala ito sa isang saradong vault.
BRIAN: Guys, be alert, buksan niyo ang vault!
Isa sa mga
tauhan ng Light Armor Batallion ang naatasang bumukas ng pinto ng vault….bigla
niyang binuksan ito!
……Bumulaga
sa kanila ang isang kalansay na nababalutan ng agiw!
Isang
babaeng sundalo ang napasigaw sa takot. Ito ay si 2nd Lt. Belinda
Yuchengco, kasamahan ni Lance.
LANCE: Ssshhhh….. Belinda, wag maingay.
BELINDA: Mukhang isa iyan sa mga sundalong biktima. Parang sinusubukan
niyang kumawala mula sa vault.
LANCE: Sa palagay ko ay pinatay siya ng Unknown Lifeform na iyon.
BRIAN: Mukhang isa ito sa mga sundalong biktima. (inactivate ulit ang
communicator) Sir, seems nahanap na namin ang isa sa ma Crew Members ng Jumbo
Jet.
_______________________________________
GEN. ANGELES: Take extra precaution. Seems nasa paligid lang ang ibang biktima.
_______________________________________
BRIAN: Roger that.
LANCE: Guys over here!
Napatingin
naman ang iba kay Lance, tila may nakita siyang isang bangkay. Nakaipit ito sa
sliding door ng Jumbo Jet
BRIAN: Mukhang madami nang nasawi sa mga tao dito.
BELINDA: Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito.
LANCE: Relax lang Bel.
BRIAN: Guys pasukin natin ang loob.
Itinabi muna
ng ilang sundalo ang bangkay at pinasok na nila ang loob ng isa nanamang silid
ng Jumbo Jet. Gamit ang Emergency Light ay hinalughog nila ang buong lugar.
Biglang
natigilan si Brian nang makita niya ang isang Control Panel.
BRIAN: Ito na siguro ang Main Control Board ng Jet.
Nakita rin
niya mula sa Screen ang Distress Signal na napanood niya kanina sa Gamma Base.
Isa sa mga
katropa ni Brian, si Private Jun Albano, ay may nakitang isang tila External Hard
Drive, nababalutan pa ito ng agiw. Hawak ito ng isa pang bangkay ng Jet.
JUN: Mga kasama, tignan niyo ito!
Agad lumapit
ang lahat at tiningnan ang bagay. Nabasa din nila ang nakasulat sa case nito…..SIGMA.
BRIAN: Sigma?
JUN: Ano kaya iyan?
LANCE: Mabuti pa dalhin na natin iyan mamaya.
BELINDA: Guys, posible kaya na wala ng natitirang buhay sa Jet na ito?
BRIAN: Wag kang magsalita ng ganyan, may kutob ako na may survivors pa.
BRIAN: (inactivate ulit ang communicator) Sir, may nakita kaming isang
External Drive dito na hawak ng isa sa mga biktima.
_______________________________________
GEN. ANGELES: Baka isa iyan sa mga dahilan ng pag-atake ng Unknown Lifeform.
Ngunit
biglang nataranta si Alice nang madetect sa kanyang Radar ang biglang pagsulpot
ng di pa natutukoy na Life Form.
ALICE: Sir, may isang kakaibang nilalang ang papunta sa location nila!
GEN. ANGELES: Ano?
Nang makita
ito ng heneral….
GEN. ANGELES: Tavarez, I order you to evacuate now!
_______________________________________
BRIAN: Po?...Sir di ko po kayo marinig. Biglang lumabo ang signal.
_______________________________________
GEN. ANGELES: Tavarez, may isang Unknown Lifeform na papunta sa location ninyo,
get out of there now!
_______________________________________
BRIAN: Sir di ko po kayo marinig….
Hanggang sa
tuluyan ng nawala ang signal.
Saglit na
natahimik ang mga sundalo……nang biglang………RAAAAAWWWWRRRR!!!!
Agad
nagpaputok ng kanilang Laser Rifles sa pinagmulan ng ingay.
BRIAN: Guys hold your fire!
Agad sumunod
ang lahat kay Brian. Nagulat sila nang malaman na wala namang ibang nilalang
ang naroroon.
LANCE: Nasaan ang may-ari ng tinig na iyon? Biglang nawala.
Mas nagulat
sila ng marinig ang sinabi ni Belinda.
BELINDA: Mga kasama, wala na si Ortega at Palma!
BRIAN: Ano?!
JUN: Kanina lang kasama natin sila ah.
LANCE: Baka naligaw lang sila. (kinontact ang dalawa sa pamamagitan ng
Communicator Device) Ortega, Palma, do you read me? Ortega, Palma, do you read
me?
Natigilan sila
ng malamang wala ng reply ang dalawa.
BRIAN: Hindi kaya….natangay na sila ng Lifeform na iyon?
BELINDA: Diyos ko….
BRIAN: Jun, dito ka lang, abangan mo ang Lifeform. Kami na bahalang
maghanap sa mga biktima.
JUN: Pero…
BRIAN: Gawin mo na lang!
JUN: Roger.
BRIAN: Guys tayo na.
Agad umalis
ang iba maliban kay Jun.
BRIAN: (inactivate ulit ang communicator) Sir, nawala bigla sina Palma
at Ortega…..Sir do you read me?
_______________________________________
Ngunit hindi
na makakuha ng signal ang Gamma Base.
ALICE: Sir wala na akong masagap na signal mula sa location.
GEN. ANGELES: Bakit kaya?
_______________________________________
BRIAN: Gamma Base do you read me?
Ngunit wala
ni isang reply na narinig si Brian.
LANCE: Delikado, wala nang signal sa lugar na ito.
BELINDA: Paano na?
BRIAN: Mga kasama, Rescue Team tayo di ba? Gawin na lang natin ang
trabaho natin! Kaya natin ito kahit walang signal or kahit ano pa. Ang
importante ay masagip natin ang mga survivors ng Jet na ito! Let’s roll!
ALL: Roger!
_______________________________________
Naglalakad
pasulong-pabalik si Gen. Angeles na tila nag-aalala na sa sitwasyon nina Brian.
Dahil wala na silang makuhang signal sa kanila, tila hindi maiaalis na isiping
may nangyaring masama na sa kanila.
ALICE: Sir, wala na po talaga akong makuhang signal mula doon. Tila
malayu-layo na ang narating nila sa Jumbo Jet.
GEN. ANGELES: Hindi na maganda ang kutob ko dito….wala ng ibang options……Alice,
tawagin mo ang Gammarangers ngayon din!
ALICE: Roger Sir!
_______________________________________
Patuloy pa
rin sa paglalakad sina Brian, Lance at Belinda. Nasa isang madilim na bahagi na
sila ng Jet.
Naglalakad
sila nag biglang may tumulong slime sa Rifle ni Brian. Tiningnan niya ito. Dahan-dahan
siyang tumingin sa itaas…..
BRIAN: MAY HALIMAW! EVERYBODY FIIIRREEE!!!!
Biglang may
nahulog na isang halimaw mula sa itaas. Parang gagamba ang itsura nito. Mabilis
namang nagpaputok ng Laser Rifles ang tatlong sundalo. Ngunit malakas ang
halimaw at napatumba niya si Lance.
BRIAN: Lance!
BELINDA: Yaaaaaaahh!!!!
Dere-derechong
putok din ang ibinuhos ni Belinda, ngunit maging siya ay nasaktan din ng
halimaw at itinapon sa lokasyon ni Lance.
Bubunutin na
sana ni Brian ang kanyang Morphing Badge, nang sunggaban siya ng halimaw.
Nabitawan niya ang Morpher at natapon sa kung saan. Wala ng ibang choice si
Brian kundi makipaglaban sa halimaw ng mano-mano. Biglang inihagis ng halimaw
si Brian at itinapon sa kinalalagyan nina Belinda. Ilang saglit pa ay nawala na
ang halimaw.
Tumayo ang tatlong
sundalo.
LANCE: Ayos lang ba kayo?
BRIAN: Nawala ang halimaw…..teka ang Morphing Badge ko, nasaan?
BELINDA: Nakupo…..si Jun!!!!
_______________________________________
Samantala,
nag-iisa pa rin si Jun na nagbabantay sa pinanggalingan nila kanina.
JUN: Guys, nandyan pa ba kayo?....Guys…..
Dahan-dahang
naglalakad si Jun papunta sa pinto……bubuksan na niya ito…..nang……
RRRAAAAAAWWWWRRRR!!!!!
JUN: Aaaaaaaahhhh!!!!
Biglang
lumabas sa pinto ang halimaw….napaatras si Jun at pinagbabaril ang halimaw.
Ngunit tuloy pa ring lumalapit ang halimaw at tinulak si Jun…
JUN: Waaaaaaaa………
Hanggang sa
makorner si Jun sa isang balcony ng Jet, halos mahulog na siya sa ginagawa ng
halimaw….
Susunggaban
na sana siya ng halimaw nang….
BANG! BANG!
BANG! BANG!
Napabalikwas
ang halimaw matapos tamaan ng sunud-sunod na Laser Rifle…..galing ito kay
Brian.
JUN: Brian!
BRIAN: Jun ayos ka lang?
Sa sobrang
tama ng Rifle, ay umakyat sa kisame ang halimaw at nagtangkang tumakas. Patuloy
pa rin siyang pinagbabaril ni Brian. At ng mawala na ang halimaw.
BRIAN: Jun! Nasaktan ka ba?
JUN: Hindi masyado…..pero grabe natatakot na ako sa maaaring gawin ng
halimaw na iyon.
BRIAN: Kailangang hanapin natin ang mga biktima. Sina Belinda at Lance
naman ang maghahanap kina Ortega at Palma. Tara na!
JUN: Okay!
At
nagpatuloy sila sa paglalakad. Napadaan sila sa hallway ng Jet nang may makita
silang isa nanaang Sliding door.
JUN: Ano kaya iyon?
BRIAN: Pasukin natin.
Dahan-dahan
silang binuksan ang pinto….at bumungad sa kanila ang isang silid….nagulantang
sila nang makita ang isang lumpon ng mga tao na nababalutan ng agiw!
BRIAN: Mukhang ito na nga ang mga biktima!
JUN: Tignan mo, humihinga pa sila!
Agad inalis
nina Brian ang nakabalot na agiw, at nakita nilang humihinga pa ang mga
biktima.
BRIAN: Panyero….panyero, gising! Gamma Squad ito!
Unti-unting
nagkamalay ang tao.
TAO: Ugggghhhh….salamat…..dumating kayo….
BRIAN: Tara na at umalis na tayo dito.
JUN: Brian, buhay pa ang mga nandito! Nandito rin sina Ortega at
Palma!
BRIAN: Mga kasama! Ayos lang ba kayo?
ORTEGA: Okay lang Tavarez, pero yung halimaw…..
BRIAN: Kailangang makaalis na tayo dito!
Agad tumayo
ang mga nanghihinang biktima, palabas na sana sila sa pintuan…nang biglang
bumungad sa pintuan ang halimaw! Hawak nito sina Lance at Belinda na pawang
walang malay.
BRIAN: Hah?!
Itinapon ng
halimaw ang dalawang walang-malay na sundalo. Bigla itong sumugod sa mga
biktima at kina Brian.
Hinarap ni
Brian ang halimaw nang mag-isa.
BRIAN: Jun, tumakas na kayong lahat! Ako na bahala dito!
JUN: Paano ka?
BRIAN: Kaya ko na ito!
JUN: Sige, mga kasama umalis na tayo dito!
At sumama
kay Jun ang lahat ng survivors ng Wrecked Jumbo Jet. Naiwan si Brian na
nakikipaglaban sa halimaw.
Dahil walang
Morphing Badge, ay hirap na hirap si Brian na labanan ang halimaw, lalo na’t
napatilapon ang hawak niyang sandata. Bigla siyang itinulak ng halimaw sa
Control Board at susunggaban ulit.
BRIAN: Aaaaaahhhh!!!!
Akmang
sasaksahin na siya ng halimaw gamit ang matutulis na kuko nito….nang…..
BAAAAANNNNGGGGG!!!!!
Napaluhod
ang halimaw matapos magtamo ng pinsala…..laking tuwa ni Brian nang dumating ang
Gammarangers.
GAMMA RED: Hoy Tavarez, okay ka lang ba?
BRIAN: Mga kasama! Buti at dumating kayo!
GAMMA GREEN: Mistah, nawala bigla ang signal niyo, kaya minabuti na naming
pumunta dito!
GAMMA YELLOW: Oo nga, kaloka naman ang halimaw na yan, I hate Spiders pa man
din! Eeeww!
Ngunit
biglang bumangon ulit ang halimaw at sinugod ang apat. Agad namang rumesponde
ang mga Rangers at nilabanan ang halimaw. Nakaiwas si Gamma Vio at nilapitan si
Brian.
GAMMA VIO: Dude, I saw your Morpher near the Compartment, here take it!
BRIAN: Okay thanks!.......GAMMAMODE, ACTIVATE!
Nagbagong
anyo na si Brian at naging si Gamma Blue. Tumulong siya sa pakikipaglaban sa
halimaw.
GAMMA RED: Abby, Malin, puntahan niyo ang mga survivors, tulungan niyo silang
makaalis dito! Kami na ang bahala sa impaktong ito!
GAMMA GREEN/GAMMA YELLOW: Roger!
Agad umalis
ang dalawang babaeng Rangers at naiwan ang tatlong Rangers na nakikipaglaban sa
halimaw.
_______________________________________
Sa may Exit
Door ng Jumbo Jet ay hindi makalabas ang mga Survivors dahil sa di malamang
dahilan ay nakasara ulit ang Exit Door. Nagising na noon sina Lance at Belinda.
JUN: Naku, paano tayo makakaalis dito, nakabukas ito kanina ah.
LANCE: Delikado.
“TABI!”
Isang tinig
ang bumulaga mula sa likuran nila. Sina Gamma Green at Gamma Yellow.
GAMMA GREEN: G-Booster!
GAMMA YELLOW: G-Smasher!
FEMALE RANGERS: FIRE!!!
Isang putok
lang ng G-Firearms nila ay sabog agad ang Exit Door.
GAMMA GREEN: Mga kasama tara na, umalis na tayo dito!
BELINDA: Salamat Gammarangers!
LANCE: Papaano si Brian?
GAMMA YELLOW: Don’t worry! Kasama niya ang ibang Gammarangers, at nilalabanan
ang halimaw. Go na tayo!
At walang
sabi-sabi ay naglabasan na ang mga survivors ng sirang Jet. Sumakay na sila sa
Rescue Jet.
BELINDA: Si Brian….
GAMMA GREEN: Magtiwala ka sa kanila, kaya nila yan, ligtas silang makakalabas
diyan.
_______________________________________
Samantala,
patuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng Gammarangers at ng halimaw sa loob ng
Jet.
GAMMA RED: Aba, malakas din pala ang isang ito ah!
GAMMA BLUE: Tirahin na natin siya!
GAMMA VIO: Okay let’s blast him!
Susugod na
ang halimaw nang biglang nagpaputok ng G-Firearms ang tatlong Rangers. Ngunit
hindi nila sinasadyang pati ang Main Control Board ay mabaril nila. Dahil doon
ay nagliyab ang buong silid.
GAMMA BLUE: Nakupo, sasabog ang Jet na ito!!!
GAMMA RED: Umalis na tayo dito! Iwan na natin ang halimaw na yan dito!
Agad tumakbo
ang tatlo upang hanapin ang Exit Door. Ngunit sinundan pa rin sila ng halimaw.
________________________________________
GAMMA VIO: Guys, there’s the Exit Door!
GAMMA RED: Okay tara na!
Saktong
patake-off na ang Rescue Jet at pumwesto sa may Exit Door ng Jumbo Jet upang
isakay ang tatlong Rangers.
GAMMA GREEN: Mga kasama, sakay na kayo!
GAMMA RED: Okay!
Lumundag
sila mula sa Exit Door papunta sa Rescue Jet, una si Gamma Red, tapos ay si
Gamma Vio. Nang si Gamma Blue na ang lalabas……..bigla siyang nahawakan ng
halimaw!
GAMMA YELLOW: Kuya Brian!
JUN: Brian!
GAMMA BLUE: Aaaaaahhhhh!!!!
Ngunit biglang
dumating ang isa pang Fighter Jet at pinagbabaril ang halimaw. Nabitawan nito
si Gamma Blue.
GAMMA VIO: Huh?
At nakita ng
lahat ang gumawa ng pag-atake….si Gamma Patriot.
GAMMA BLUE: Uy Paolo!
GAMMA PATRIOT: Buti nakahabol pa ako!
GAMMA RED: Tavarez, sakay ka na!!!
Agad
lumundag si Gamma Blue papunta sa Rescue Jet…..naiwan ang halimaw sa loob ng
Jumbo Jet…..at tuluyan na nilang iniwan ito.
BOOOOOOOOOOOMMMMMMMM!!!!!!!
Tuluyan ng
sumabog ang Jumbo Jet, pati na ang halimaw. Habang lumalayo ang Rescue Jet, pinagmasdan
nila ang nagliliyab na Jumbo Jet.
_______________________________________
Dahil wala
pa rin silang signal, hindi mapakali ang Gamma Base sa resulta ng mission….ngunit
isang tawag ang biglang dumating…..si Gamma Blue.
GAMMA BLUE: Gamma Base….Mission Accomplished!
Nagsaya
naman ang lahat sa narinig na balita.
GEN. ANGELES: Congratulations Cadettes! Job well done!
ALICE: Sir nasagap ko na ang signal ng Rescue Jet. Everything is back to
normal.
GEN.
ANGELES: Salamat naman at maayos na ang lahat.
______________________________________
Sa Rescue
Jet…..
LALAKI: Maraming-maraming salamat sa pagligtas niyo sa amin….
LANCE: Walang anuman iyon.
BRIAN: Sir, maari bang magtanong? Ano ang halimaw na iyon? At paano
kayong napunta sa Butuan samantalang nakastation kayo sa Davao?
LALAKI: Totoo yan, nakadestino kaming 51st Engineering Brigade
sa Davao, ngunit umalis kami upang lumipad papunta sa Gamma Base, dahil may
ibibigay kami sa inyong importanteng impormasyon. Ngunit biglang dumating ang
halimaw na iyan at sinugod kami. Di rin main alam kung saan nanggaling ang
halimaw na iyon.
JAKE: At ano naman ang impormasyon na tinutukoy mo?
LALAKI: Ang…..naku, naiwan ata sa isa naming kasamahan!
JUN: Ito ba ang tinutukoy ninyo?
Inilabas ni
Jun ang nakita nilang External Drive.
LALAKI: Yan nga! Mabuti at nakita ninyo! Yan ang Project S.I.G.M.A.!
ABBY: Project S.I.G.M.A.?
_______________________________________
Samantala,
mula sa pinagsabugan ng Jumbo Jet…..
Isang
nilalang ang umahon doon…..ito ay ang Gagambang Halimaw na natalo kanina….lasug-lasog
na ito at halos wala ng lakas…..
Ilang
sandali pa ay may isa pang nilalang ang bumaba sa may lokasyon ng halimaw.
NILALANG: Hindi ka nagtagumpay na makuha ang Project S.I.G.M.A.
Napakawalang kwenta mo! Dapat sa iyo ay mamatay!
Naglabas ito
ng malakas na Energy Blast at tuluyan ng tinapos ang halimaw.
NILALANG: Kailangan kong mabawi iyon!
Itutuloy……