Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang
isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit ay para lamang mabigyan ng
makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon
ng copyright infringement.
__________________ Opening Song ___________________
“WAAAAGGGGG!!!!!”
BOOOOOOOOOMMMMM!!!!!
Isang
malakas na pagsabog ang naganap sa bulwagan ng AXIS matapos mapatay nina
Osmalik si Balaam. Napagpasiyahan ni Ganelon na tapusin na lang si Balaam dahil
sa kapalpakan nito sa kanyang misyon, idagdag pa ang natamo niyang malaking
pinsala kay Brian nang nasa Ultimate Form na siya.
Matapos ang
pagkawala ni Balaam, hindi umimik ang iba pang AXIS Generals. Ilang saglit pa
ay nagsalita si Ganelon.
GANELON: Magmula ngayon, wala ng puwang sa aking Imperyo ang mga walang
silbing nilalang! Kundi ay matutulad kayo sa bastardong iyan! Kayo! Magmula
ngayon ay magiging mas agresibo na ang AXIS laban sa mga humahadlang sa ating
mga plano! Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nasusupil ang Gammarangers!
Maliwanag?!
Napaluhod
ang lahat ng AXIS Generals sa paanan ni Ganelon….at nagsabing…
“MASUSUNOD
PO MASTER GANELON!”
___________________________________________
Samantala…..
Brisbane,
Australia…..2:35
Isang
nagliliwanag na bagay ang biglang lumitaw sa kalangitan doon. Sa direksiyon nito
ay tila pabagsak ito sa mundo……Hanggang sa……
BOOOOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!!
Bumagsak ang
nasabing bagay. Lumikha ito ng isang malakas na ingay hindi lang sa Australia
kundi maging sa mga karatig bansa.
Nagulantang
ang lahat ng mga tagaroon sa nangyari. Naging alerto ang awtoridad at pinaalis
ang lahat ng naroroon habang kaagad sumugod ang mga ito upang matignan ang
bumagsak na bagay.
____________________________________________
Mission 30: OMG! Ang Anak ni Abby!
Naging laman
ng Global News ang nangyari.
“An unknown space object streaked
across the sky and exploded over the Eastern Seaboard of Australia,
particularly in Brisbane area on Friday, raining fireballs over a vast area and
causing a shock wave that smashed a massive area of the grassland. Luckily
there were no casualties recorded according to the Local Disaster and Emergency
Bureau.
According to NASA, the said object was believed to be a Space Pod from
another planet. The authorities are yet to confirm any Alien Lifeforms within
the object.
Sa
pinagbagsakan ng di pa matukoy na bagay ay naroroon ang Australian Space
Research Institute upang masiyasat ito. Pinamumunuan ito ni Director General
Matthew Fikowski.
DIR. GEN. FIKOWSKI: Patterson, there’s the object! Come on, let’s have a look!
PERSONNEL 1: Yes Sir.
Lumapit ang
mga ito sa bagay, na sa oras na iyon ay nagliliwanag.
PERSONNEL 1: What is this thing?
DIR. GEN. FIKOWSKI: Maybe some kind of an Alien Pod ship.
PERSONNEL 2: Just look at that massive crater it created!
PERSONNEL 3: We better bring it to the Philippines Sir, we cannot just keep it
here or else AXIS will take it. Let GAMMA take care of it.
DIR. GEN. FIKOWSKI: Good idea. I’ll contact Gen. Angeles.
Gamit ang
Super Smart Phone ay tinawagan nito ang Heneral.
_____________________________________________
UDF GAMMA
Base….6:12
Nakarating
na rin sa GAMMA ang tungkol sa nangyari sa Australia.
GEN. ANGELES: Alice, may latest na ba sa bumagsak na bagay sa Australia?
ALICE: Yes Sir, according sa NASA, isa daw po itong Alien Space Pod…pero
wala pa pong signs na may lamang Alien ang loob nito.
“VIDEO CALL
COMING…..VIDEO CALL COMING”
GEN. ANGELES: Alice, sino ang tumatawag?
ALICE: Sir, ang Australian Space Research Institute, si Dir. Gen.
Fikowski po gusto kayong makausap.
GEN. ANGELES: Okay, connect to them.
Kaagad
sinagot nila ang tawag, hanggang sa lumitaw na sa Control Panel Screen si Dir.
Gen. Fikowski.
GEN. ANGELES: Good morning, Mr. Fikowski. What’s the latest?
DIR. GEN. FIKOWSKI: Good morning Gen. Angeles. We noticed some drastic changes on the
Unknown Space Object. We saw signs of Alien Lifeform inside. We thought that we
might as well turn it over to your agency to keep it safe from AXIS. Only you
can take care of it, since NASA said that they can’t take it for security
reasons.
GEN. ANGELES: Okay then, I will send my Special Crew there to take the Object.
DIR. GEN. FIKOWSKI: Thank you Sir, we are standing by for your Crew’s arrival.
At nawala na
sa Screen si Dir. Gen. Fikowski.
GEN. ANGELES: Alice, tawagin mo si De Leon. Ipapadala natin siya sa Brisbane
upang kunin ang Alien Object.
ALICE: Ngayon din po.
_________________________________________
AXIS Mega
Base…..
Naroroon ang
lahat ng AXIS Generals upang makibalita tungkol sa bumagsak na Space Object.
NECROMA: Nabalitaan niyo na ba ang tungkol sa bumagsak na Space Object sa
Australia?
DYMARO: Oo naman, napapaisip nga ako kung anong klaseng bagay iyon.
MEGIDDUS: Hindi kaya isang Alien Lifeform ang naturang bagay?
NECROMA: Ayon sa reports ay iyon nga ang laman ng Space Pod.
OSMALIK: Hah, ano naman ang mapapala natin sa bagay na iyan? Baka naman
isang walang kwentang bagay lang iyan na galing sa kalawakan.
CALYX: Tumahimik ka! Wala kang alam sa patakaran ng AXIS tungkol sa mga
bagay na iyan! Palibhasa wala ka ng inatupag kundi yang SIGMA mo!
OSMALIK: Bawiin mo yang sinabi mo!
CALYX: Eh totoo naman eh!
GANELON: TUMIGIL KAYO!
Natigilan
ang lahat nang magsalita si Ganelon.
GANELON: Nakasisiguro ako na makikipag-unahan ang GAMMA sa pagkuha sa
naturang bagay. Kailangang makuha natin ang Alien Object na iyan! Dahil sa
nakikita ko ay malaki ang ating magiging pakinabang sa bagay na iyan! Necroma!
NECROMA: Po?!
GANELON: Gusto kong pumunta ka sa pinagbagsakan ng bagay na iyon. Agawin
mo sa kanila ang Alien Object at dalhin dito! Upang magawa natin siyang isang
bagong sandata na makakatalo sa Gammarangers!
NECROMA: Masusunod po!
Kaagad
nagteleport si Necroma at naglaho.
_________________________________________
Brisbane,
Australia…..7:27
Maraming tao
na ang nasa Crash site. Karamihan doon ay mga usisero na kumukuha ng litrato ng
Alien Space Pod, habang ang iba ay mga Australian Authorities na kinakarga ang
Alien Space Pod gamit ang Crane.
Ilang saglit
pa ay dumating na ang Gamma Combat Chopper na lulan si Abby. Bumaba ang Chopper
at saka bumaba na ang mga sakay nito. Kasama ni Abby ang iba pang mga sundalo.
Kaagad nakita ni Abby si Dir. Gen. Fikowski.
ABBY: (saludo) 1st Lt. Abigail Marie De Leon of UDF GAMMA
Sir. I am here to take the Alien Space Object like what Gen. Angeles has
ordered.
DIR. GEN. FIKOWSKI: Nice to meet you Ms. De Leon. Thank you for your response. (lumingon
sa mga tauhan) Gentlemen, bring the Object to the Chopper!
Kaagad
kumilos ang mga tauhan ni Fikowski upang isakay ang bagay sa Chopper…..nang……
BOOOOOOOMMMMM!!!!!
Nagambala
ang paglipat nang magkaroon ng pagsabog. Biglang may umatake sa mga naroon. At
nagulat sila sa pinagmulan ng pagpapasabog.
DIR. GEN. FIKOWSKI: What the---
ABBY: AXIS!!!
Nasa isang
burol si Necroma at mga Omnicrons.
NECROMA: Ang bilis niyo, Gamma Green! Kaagad-agad ay narito kayo upang
kunin ang bagay na iyan!
ABBY: Huwag mong sabihing balak niyo ring kunin ang bagay na ito!
NECROMA: Eh ano ngayon kung oo? Wala ka ng pakialam doon! Omnicrons,
attack!
Umatake ang
mga Omnicrons sa mga naroroon. Kaagad nagpaputok ang Australian Forces sa mga
kalaban.
ABBY: Mr. Fikowski, I suggest to leave now! Just leave this to us!
DIR. GEN. FIKOWSKI: Okay then! Thanks!
Kaagad
umalis ang mga taga-ASRI habang pinoprotektahan sila ng mga sundalong kasama ni
Abby. Matinding sagupaan ang naganap sa lugar na iyon. May mga Omnicrons na
tangkang agawin ang Pod ngunit napigilan sila ng mga GAMMA soldiers.
Umeksena na
rin si Necroma sa laban at nilabanan si Abby.
NECROMA: Hampaslupa ka!
ABBY: Yaaaaah!!!
Nakipagmano-mano
si Abby kay Necroma, biglang tumira ng Eyebeams si Necroma, ngunit lumundag si
Abby upang umiwas, sabay taas ng Badge at….
GAMMAMODE,
ACTIVATE!
Pagkasabi
nito ay naging si Gamma Green na siya.
GAMMA GREEN: Sige laban lang, Necroma!
Patuloy pa
rin ang nagaganap na laban. Nang makitang dehado na ang mga sundalo, kaagad
sumaklolo si Gamma Green at niratrat ng G-Booster ang mga Omnicrons hanggang sa
maubos ang mga ito.
GAMMA GREEN: Mga kasama sakay na!
Pasakay na
sina Gamma Green sa Combat Chopper na karga ang Space Object, ngunit pinigilan
sila ni Necroma.
NECROMA: Hindi ka makakatakas!
Palipad na
ang Combat Chopper ngunit nakuha pang makasabit ni Necroma, hanggang sa magawa
niyang umakyat sa Chopper. Nakita ni Gamma Green mula sa Screen si Necroma na
nasa bandang ibaba ng Combat Chopper.
GAMMA GREEN: Lintik! Nakasabit pa! Chopper Lasers!
Nagpakawala
ng Chopper Lasers ang Combat Chopper upang tamaan si Necroma, ngunit nagawang
iwasan ito ng kalaban.
GAMMA GREEN: Ah ganon ha, sige pagbibigyan ko ang gusto mo!
Lumabas si
Gamma Green at hinarap si Necroma sa may labas ng Chopper. Dahil walang
nagmamaneho, nagkawindang-windang ang takbo ng sasakyan. Maging ang mga
sundalong sakay nito ay nangadulas dahil sa pagwindang ng Chopper.
GAMMA GREEN: Umalis ka dito butiki ka!
NECROMA: Ibigay mo ang Space Pod!
Naglaban ang
dalawang mandirigma sa labas ng Chopper. Matinding sagupaan ang naganap, dagdag
pa sa laban ang mabilis na ikot ng Propeller na nagpapahirap sa kanila. Gamit
ang kanyang Gamma Dagger ay nakipagpalitan ng talim si Gamma Green kay Necroma.
Hanggang sa
naitulak ni Gamma Green si Necroma at nahulog ito, ngunit nagawa pang makakapit
ng kalaban.
GAMMA GREEN: Bitawan mo diyan! G-Booster!!!
BANG-BANG-BANG-BANG!!!!!
NECROMA: Aaaaaaaahhhh!!!
Binaril ni
Gamma Green ang mga kamay ni Necroma. Nahulog si Necroma sa lupa sa lakas ng
pwersa ng G-Booster ni Gamma Green.
KABOG!
NECROMA: Ugghh…..Asar! Magbabayad ka, Gamma Green!
________________________________________
Bumalik na
si Gamma Green sa Combat Chopper Cockpit at naiayos na ang takbo ng sasakyan.
Nagbalik na rin siya sa pagiging Abby.
NECROMA: Salamat naman at nawala din ang bruha. Hirap palang makipaglaban
sa labas ng Chopper….
Nang biglang
nagulantang si Abby ng sundalong kasama niya. Pumasok sa Cockpit ni Abby ito.
SUNDALO 1: Ma’am, may Alien na lumabas sa Space Pod!
ABBY: Ano?! Alien?! So tama pala ang sinabi ni Mr. Fikowski. Nagwala
ba?
SUNDALO 1: Hindi naman, maliit lang na Alien, tsaka mukhang hindi naman
nananakit….
ABBY: Ganoon ba, sige ikaw na muna ang magpatakbo ng Chopper, gusto
kong makita ang Alien.
Kaagad
nagpapalit si Abby sa sundalo sa pagmamaneho ng Chopper upang makita ang Alien.
Sa ibang
Compartment ng Chopper nakita ni Abby ang ibang sundalo na pinagmamasdan ang
Alien na lumabas sa Space Pod.
SUNDALO 2: Ma’am, basta na lang po lumabas sa Space Pod ito.
ABBY: So iyan pala iyon….Ngayon lang ako nakakita ng ganito….Mukhang
kakaiba nga siya.
Dahan-dahang
lumapit si Abby sa Alien, habang ang Alien naman ay titig na titig kay Abby.
Umupo si Abby malapit sa Alien. Laking gulat niya nang bigla siyang sinagpang
ng Alien at yumakap ito sa kanya.
ALIEN: Maming…..Maming…..Hi hi hi….Maming….
ABBY: Huh?!
SUNDALO 3: Ma’am, mukhang gustung-gusto niya po kayo. Baka akala niya kayo
ang nanay niya. Mukhang bata pa yang Alien na iyan.
ALIEN: Maming….hu hu hu….Maming…..
Yakap na
yakap pa rin ang Alien kay Abby.
ABBY: Diyos ko….Ano ba naman ito?
___________________________________________
UDF GAMMA
Base…..
Nakabalik na
ang Combat Chopper sa Base. Nag-aabang mula sa labas sina Gen. Angeles, Owen,
Brian, Scott, Malin, Paolo, Alice at iba pang sundalo. Si Jake naman ay nasa
loob dahil hindi pa gaano nakakalakad gawa ng natamong injury dulot ng
nakaraang misyon.
Lumapag na
ang Chopper. Bumaba na ang mga sundalo. Huling bumaba si Abby habang kinakarga
ang Alien. Napatawa naman ang ibang Rangers nang makita si Abby na kinakarga
ang Baby Alien.
GEN. ANGELES: De Leon, ano yang karga mo?
ABBY: Ah eh…Sir, eto na po ang Alien na galing sa bumagsak na Space
Pod.
GEN. ANGELES: Ano? So totoo pala yung sinabi ni Mr. Fikowski. May Alien sa loob
ng Pod.
MALIN: Wow ang cute! Parang si Kokey lang, hi hi hi….mas cute pa kay
Charlie!
CHARLIE 9: Grrrrr…..Charlie ayaw Malin! Charlie selos! Charlie selos!
PAOLO: Abby, mukhang Baby pa yang Alien na iyan. Huwag mong sabihing
ikaw ang magiging nanay ng Alien na iyan.
SCOTT: Seems that it is not a harmful Alien.
BRIAN: Saan kaya galing yang Alien na iyan?
ALICE: Mukhang kailangang mapag-aralan ko ang origins ng Alien na iyan.
GEN. ANGELES: Mabuti pa doon na tayo sa loob at nang malaman natin kung saan
siya galing----Teka De Leon, wala ka bang balak na bitawan ang Alien na iyan?
ABBY: Eh ayaw po niya akong bitawan Sir….
ALIEN: Maming…..Maming….Maming….
Natawa
nanaman ang mga naroon sa sinabi ng Alien.
OWEN: Ha ha ha! Mukhang may instant anak ka na Abby! Ha ha ha!
ABBY: Che!
__________________________________________
“BWAHAHAHAHAHAHA!!!!”
Malakas na
tawa ni Jake nang makitang nakapatong sa ulo ni Abby ang Alien.
ABBY: Huwag ka ngang tumawa diyan! Hindi nakakatawa!
JAKE: Bagay na bagay sa iyo maging nanay Abs! Ang cute oh, mukha kang
Bumbay na may turban sa ulo! Bwaaa ha ha ha ha!
PAOLO: Abby, mukhang ikaw nga ang mag-aalaga sa Alien na iyan….
ABBY: Haynaku, mukhang iyon na nga ang magiging papel ko.
MALIN: Ang cute-cute talaga niya….nakakagigil….kuchi-kuchi-kooo…..
Nilalapirot
naman ni Malin ang pisngi ng Alien.
JAKE: Ha ha ha ha! Abby, ang aga mo naman maging nanay! Gusto mo ako
maging tatay niyan, ikaw magiging asawa ko----
BAAAGGG!!!
JAKE: ARAAAAAYYY!!!!
Tinadyakan
ni Abby ang pilay ni Jake.
JAKE: Aruuuuyyy….bakit mo tinadyakan ang pilay koooooo…..hu hu huuu….
ABBY: Kung di ka titigil, di lang iyan ang aabutin ng pilay mo!
Tila may
naisip si Paolo mula sa narinig niya kay Jake….
Ngunit
biglang bumaba ang Alien papunta sa paa ni Jake. Nagulat ang lahat ng maglabas
ito ng kakaibang Wave sa pilay na paa ni Jake, isang minuto pa ang lumipas at
natapos na ang ginawa ng Alien.
ABBY: Ano ang ginawa niya?
JAKE: Wait…..ang paa ko magaling na! Hindi na ako pilay! Nakakalakad na
ako! Yahooooo!!!! Yeah!
Napalundag
si Jake matapos magamot ng Alien. Naglundag-lundag ito sa sobrang saya.
PAOLO: May kapangyarihan pala ang Alien na iyan…..kaya niyang gumamot!
MALIN: Amazing! Unbelievable!
ABBY: Oo nga….
ALIEN: Maming…..
Bumalik ang
Alien kay Abby at yumakap ito.
PAOLO: Ano kaya ang magandang name ng Alien?
JAKE: Alam ko na! Garapacho! Magtanggol! Restituto! Berting!
MALIN: Langya ka naman Kuya Jake, ambabantot ng mga yan! Dapat yung
cute! Skittles, Hershey! Oreo! Tootsie!
ABBY: Alam ko na…..dahil sa Australia ko sya nakita….tatawagin ko na
lang siyang Coco….
PAOLO: Pwede!
Binuhat ni
Abby ang Alien at kinausap.
ABBY: Mula ngayon, ikaw na si Coco! At ako na ang Maming mo!
Tila
naintindihan naman ito ng Alien.
ALIEN: Coco….Yipeee!!! Coco Maming! Coco Maming!
________________________________________
GAMMA Lab….
Pinag-aaralan
naman nina Alice at Owen ang Alien gamit ang Slime na nakuha mula sa Space Pod.
ALICE: Base sa analysis ko sa sample, galing ang Alien sa Planetang Alpherios,
na nasa Andromeda Galaxy….pero di ko akalaing aabot ang Alien na ito sa ating
planeta, samantalang ang layo ng Milky Way sa Andromeda.
OWEN: Ganoon ba, di ko akalain na totoo pala ang mga Aliens.
ALICE: Ang Characteristics ng mga Alpherian Aliens ay may kapangyarihang
manggamot gamit ang kanilang kakaibang Electromagnetic Wave.
OWEN: Kaya pala gumaling kaagad ang pilay ni Jake kanina.
ALICE: Kailangang malaman ito ni General.
____________________________________________
GAMMA
Database….
Kaagad
nireport ni Gen. Angeles ang pagsulpot ng Alien mula sa Space Pod.
GEN. ANGELES: Yes, Mr. Fikowski…it was confirmed, there’s an Alien inside the
Pod.
DIR. GEN. FIKOWSKI: (sa kabilang linya) Then we have to inform NASA about that.
That’s a proof that Aliens do exist. We might as well ask NASA to return the
Alien into Space with their Space Shuttle, but for now, we advice you to take
care of it and make some studies about it. And maintain its security from AXIS.
GEN. ANGELES: Actually my Team is already studying it. We will tell you the
details as soon as we could come up with our findings.
DIR. GEN. FIKOWSKI: Okay then, I’ll contact you later. Thank you.
Nang mawala
na sa Screen si Dir. Gen. Fikowski, saktong pumasok naman sa Database sina
Alice at Owen.
ALICE: Sir, alam na po namin ang tungkol sa Alien.
GEN. ANGELES: Talaga? Sige bigyan niyo ako ng detalye.
________________________________________
Sa silid ni
Abby….
ABBY: Coco, heto ang magiging kwarto mo!
COCO: Maming! Maming! Yipeeee!!!
May nakitang
saradong Cup Noodles si Coco sa may mesa ni Abby at kinuha ito, saka kinain ang
Cup.
ABBY: Coco, hindi ganyan kinakain yan, mamaya bibigyan kita ng
Chocolate Chip cookies….eto suot mo ito….
Kumuha ng
damit si Abby mula sa kanyang closet. Masyadong malaki ang damit para kay Coco
dahil damit ni Abby ito.
ABBY: Ay mali, dapat pala pang-baby ang damit mo…….….aha! Alam ko na!
__________________________________________
JAKE: Ano?! Ibibili ko ng damit yan Alien na iyan?
ABBY: Teka, akala ko ba gusto mo maging tatay ni Coco? Aba dapat lang
bilang tatay, samahan mo ako sa pamimili ng gamit niya!
JAKE: Hoy, hindi gawain ng tatay ang mamili ng damit! Gawain iyon ng
chimay!
ABBY: May reklamo?! Kung ayaw mo e di huwag! Sayang may reward pa man
din ako sa iyo sa pagprisinta mo bilang parent ni Coco!
JAKE: Talaga? Aba e di sige pumapayag na ako!
ABBY: O, tara na mamimili pa tayo!
Lingid sa
kanilang kaalaman ay may nagmamatiyag pala sa dalawa…..sina Paolo, Scott, at
Owen. Kanina pa sila nagtatago sa may Storage Room at siksikan sila doon.
Pagkaalis ng dalawa ay binuksan nila ang pinto ng Storage.
PAOLO: Hi hi hi, bagay sila eh no…
OWEN: Oo nga parang isang masayang pamilya sila….
SCOTT: One big happy family, he he he…
PAOLO: Masaya ito….diyan natin makikita ang diskarte ni Jake….bwe he he
he….alam naman natin na may balak si Jake kay Abby, at ito ang pagkakataon para
malaman ang totoo!
_______________________________________________
Sa isang
Shopping Center ay magkasamang namili sina Jake at Abby habang nakalagay naman
sa loob ng Back Pack si Coco. Namili sila ng mga gamit na pambaby at saka
gatas. Pagkatapos noon ay pinasuot nila ito kay Coco. Pinasuot nila ito ng Cap
at Shades para hindi mahalatang Alien ito. Sumakay sila sa Merry-Go-Round at
kumain sa Fast Food.
Masaya naman
sina Jake at Abby dahil tila nagugustuhan ni Coco ang mga ginagawa niya. Masaya
din ang dalawa dahil hindi maipaliwanag na kasiyahan ang nadama nila nang
makitang nag-eenjoy ang alaga. Doon nila naramdaman ang pagiging magulang….
_______________________________________________
Masayang
bumalik ng GAMMA Base sina Jake, Abby at si Coco. Bitbit ni Abby ang ilang
gamit pambata habang buhat naman ni Jake si Coco. Hirap na hirap si Jake sa
pagbuhat sa Alien dahil magalaw ito.
ABBY: Hoy Fonseca, bilisan mo naman diyan!
Kailangan maligo si Coco!
JAKE: Langya, ang likot pala nitong alaga
mo----arrrruuuyyy!
Di
sinasadyang nasuntok ni Coco si Jake sa ilong.
JAKE: Diyos por Santo…..ano ba itong
pinasok kooooo…..
Habang
dumadaan sa Lobby ay pansin naman nina Malin at Brian ang dalawa mula sa Gym.
BRIAN: Himala, si Fonseca sunud-sunuran kay
Abby?
MALIN: Hi hi hi! Ang cute naman nilang
tignan! Parang isang pamilya sila!
_____________________________________________
Sa
kwarto nina Abby ay inayos ng dalawang kadete ang mga gamit ni Coco.
ABBY: Fonseca, ikaw na maglagay ng Diapers
ni Coco.
JAKE: Hah? Ikaw na, wala akong alam diyan!
ABBY: Nagrereklamo ka?!
JAKE: Hindi ah, oo ako na, para paglalagay
lang ng Diapers….
Ilalagay
na ni Jake ang Diapers ni Coco, nang…..
PSSSSSSSSS…….
JAKE: Oh shiiiittt!!!!!
ABBY: Oh napano ka?
JAKE: Langyang Alien ka! Inihian mo ako!
ABBY: Ha ha ha ha ha!
______________________________________________
Pinagtimpla
ni Abby ng gatas si Coco.
ABBY: Coco, drink your milk!
COCO: Maming Maming!
Sabik
namang dinede ng Alien ang Feeding Bottle na may gatas.
ABBY: Naku Fonseca, nakalimutan nating
bumili ng Pacifier! Pwedeng bumili ka muna?
JAKE: Haaaayyysstt….Eto na!
Padabog
na lumabas ng silid ni Abby si Jake, sabay pabagsak na binuksan ang pinto.
PAAAAAAAKKKK!!!!
“ARAAAAAAAYYYYY!!!!”
Nagulat
si Jake sa mga boses na narinig. Nang hilain ulit ang pinto, gulat siya nang
makita sina Paolo, Scott at Owen na nasaktan nang mahampas ng pinto. Kanina pa
pala sila nasa labas ng silid at minamatyag ang ginagawa nina Jake at Abby.
JAKE: Hoy! Anong ginagawa niyo dito?!
PAOLO: Hah? Ah…eh….wala! Nagpapractice lang
kami ng Military Drills dito sa Corridor, mainit kasi sa labas eh, he he he
…..di ba Scott?
SCOTT: Umm…..yeah yeah that’s right!
OWEN: Tama tama! Everybodeeeee…..1-2-3-4!
1-2-3-4! Wa-kanaaaan…wa kanaaaa….wa…wa!
Nagkunwari
pang nagmamarcha ang tatlo para hindi mahalata ni Jake.
JAKE: Mga bugok! Mga tsismoso!
________________________________________
Kinagabihan
ay oras na para matulog, tulog na halos ang mga nasa Base. Naisip ni Abby na
i-hele si Coco upang makatulog ito.
COCO: Maming….Maming…
ABBY: Tahan na Coco, gusto mong ipagkanta
kita ng Lullaby?
COCO: Maming….
ABBY: Okay heto ha….
At
nagsimula nang kumanta ng Lullaby song si Abby. Maganda ang pagkakakanta ni
Abby ng Lullaby, kaya naging epektibo ito kay Coco. Hanggang sa makatulog ito.
ABBY: Salamat at nakatulog din….
Tumayo
si Abby at iniwan muna si Coco. Naisipa niyang lumabas sa Balcony ng kanyang
kwarto upang magpahangin. Nang lumingon siya sa kanyang kanan, nakita niya si
Jake na nagyoyosi sa kabilang Balcony. Magkatabi lang kasi ang kanilang
Sleeping Quarters.
ABBY: Aba, gising ka pa pala.
JAKE: Hah, di ako makatulog. (buga ng usok)
Musta na ang Alien?
ABBY: Tulog na siya.
JAKE: Matanong lang, hanggang kelan ba sa
atin yang Alien na iyan? Hindi naman pwedeng habambuhay tayo magpapalaklak
diyan.
ABBY: May binanggit sa akin si General
tungkol diyan, ibibigay natin siya sa NASA, at pagkatapos ay sila ang bahalang
magbalik sa kanya sa Space…
JAKE: Nagtataka lang ako kung bakit napunta
iyan dito…may dahilan kaya?
ABBY: Hindi ko alam, pero isa lang ang
masasabi ko….hangga’t nandito siya, tayo ang magaalaga sa kanya….Hindi ko
hahayaan na masaktan siya ng kahit na sino, aalagaan ko siya na parang isang
anak. Parang ngayon pa lang nga eh umuukit na siya sa puso ko…
JAKE: Mukhang napapamahal ka na sa kanya.
ABBY: Hindi ko rin maintindihan….siya nga
pala….
JAKE: Ano?
ABBY: Salamat ha….sa pagiging ama niya. Di
ko akalain na kaya mo palang gumanap bilang ama kahit na ganyan ang attitude
mo. May soft side ka pala pagdating sa bata.
JAKE: Hah? Ha ha ha wala iyon. (sabay
hithit ng yosi)
Ngiti
lang ang iginanti ni Abby….
ABBY: Siyanga pala, may Toy Fair pala bukas
sa may Central Park, baka gusto mong samahan kami ni Coco.
JAKE: Ummm….sige.
_____________________________________________
AXIS
Mega Base…..
Inis
pa rin si Ganelon kay Necroma dahil sa hindi niya nagawang makuha ang Space
Pod.
GANELON: Kahit kailan talaga palpak ka!
Nandoon ka na, hindi mo pa rin nakuha!
NECROMA: Maagap ang GAMMA! Maski ako ay gulat
na nandoon na sila at kukunin na ang Space Object.
GANELON: Siguradong ginagawan na nila ng
pakinabang ang bagay na iyon!
Ilang
sandali pa ay pumasok si Calyx na may dalang Findings.
GANELON: Calyx, may natuklasan ka ba sa Space
Object?
CALYX: Mayroon po Master. Ang naturang bagay
ay galing pala sa Planetang Alpherios, isang Civilized Planet na nasa Andromeda
Galaxy. At may nasagap po akong balita mula sa isang mapagkakatiwalaang source.
GANELON: Ano iyon?
CALYX: Ang Space Pod na iyon ay may lamang
isang Alpherian Alien. And mga Alpherians ay may kakayahang manggamot ng sakit
gamit ang kanilang Electromagnetic Waves at naglalabas din ng Poisonous Aura
bilang Defense Mechanism.
GANELON: Kung ganoon ay totoong may mga
Aliens…
DYMARO: Sayang lang at napasakamay na ng
GAMMA ang naturang Alien. Kasalanan mo ito Necroma!
MEGIDDUS: Masyado kayong mainit, sa tingin ko
may paraan pa para makuha ang Alien at tayo ang makinabang!
NECROMA: Baka nakakalimutang niyong may paraan
para mapasaatin ang Alien!
OSMALIK: At paano naman? Sa kitid ng utak mo
malabong may maisip ka—
NECROMA: Tumigil ka! Baka nakakalimutan niyong
mahusay ako sa paggamit ng hipnotismo….kaya kong pasunurin ang Alien gamit iyon….
GANELON: Hmmm….at papaano mo naman gagawin
iyon?
NECROMA: He he he he…..maliban sa hipnotismo
ay kaya ko ring gawin ito…..
May
sinaksak na maliit na Disc si Necroma sa kanyang dibdib, at ilang sandali pa ay
tila nagbabago siya ng anyo. Ilang sandali pa, ay tuluyan nang nagbago ng anyo
ito, at tumambad sa kanila ang isang pamilyar na mukha.
GANELON: Kamangha-mangha!
____________________________________________
Bataan
Toy Fair……
Maraming tao ang
naroroon sa Toy Fair na karamihan ay mga bata. Iba’t-ibang klaseng mga laruan
ang naroroon. May mga Food Kiosks din na sagana sa iba’t-ibang mga pagkain.
Dumalo sa Toy Fair sina
Jake, Abby at si Coco. Karga ni Jake si Coco habang may bitbit namang mga
laruan si Abby.
JAKE: Grabe andaming tao!
ABBY: Oo nga eh, halos siksikan na sa dami
ng dumalo.
Ilang sandali pa….
JAKE: Nasaan kaya ang CR dito? Kanina pa
ako naiihi….Abby, pwedeng iwan ko muna sa iyo itong si Coco. Magsi-CR muna ako.
ABBY: Sige, bilisan mo lang ha.
At umalis na si Jake
upang mag-CR.
Ilang sandali pa ay may
nakita si Abby na nagtitinda ng Cotton Candy.
ABBY: Coco, gusto mo ng Cotton Candy?
COCO: Maming! Maming!
ABBY: Wait lang ha, wag kang aalis diyan.
Ibibili lang kita ng Cotton Candy.
Habang bumibili si Abby
ng Cotton Candy, may nakita si Coco na isang nagtitinda ng Ice Cream. Kaagad
niyang nilapitan ito.
COCO: Maming! Maming!
Nagulat naman si Coco
nang nasa likod na niya si Abby….
ABBY: Gusto mo rin ba ng Ice Cream?
COCO: Maming!
ABBY: Tara sumama ka sa akin! Mas maraming
Ice Cream doon!
COCO: Maming! Hi hi hi! Maming!
Kaagad na sumama si Coco
kay Abby…..
Ang nakakagulat…….
Doon sa pinanggalingan
ng dalawa ay bumalik na si Abby galing sa pagbili ng Cotton Candy. Eh sino ang
Abby na kasama ni Coco kanina sa Ice Cream stall?
ABBY: Coco, heto na ang Cotton Candy
mo!------teka nasaan na yun? Cocooooo!!!!
Hinanap ni Abby si Coco
sa iba’t-ibang dako ng Toy Fair pero hindi niya mahanap ito.
ABBY: Diyos ko….nawawala si Coco….
Sakto namang bumalik si
Jake galing sa CR.
JAKE: Oh Abby, nasaan ang Alien?
ABBY: Hindi ko alam, iniwan ko lang siya
dito!
JAKE: Nak ng patola, naligaw na iyon! Tara
hanapin natin siya!
Nilibot ng dalawa ang
buong Toy Fair, ngunit bigo silang mahanap si Coco.
ABBY: Cocoooo…..kasalanan ko ito, iniwan ko
siya.
JAKE: Tama na sisihan, sa tingin ko naligaw
lang iyo------
BOOOOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!!
Isang malakas na
pagsabog ang gumulantang sa mga nasa Toy Fair. Takbuhan ang lahat ng tao. My
iilang mga sibilyan ang nasawi at sugatan sa insidente.
JAKE: Ano iyon?
ABBY: Hindi maganda ang pakiramdam ko dito!
Nang mawala na ang mga
tao laking gulat nila nang may biglang lumitaw na isang nilalang, karga nito si
Coco na walang malay….at ang mas ikinagulat ng dalawa, ay kamukhang-kamukha ni
Abby ang nilalang….
JAKE: Teka, dalawang Abby? (napasulyap sa
Abby na katabi niya)
ABBY: Sino ka? Bakit magkamukha tayo?
ABBY(?): Ha ha ha ha! Effective ba ang
pagpapanggap ko? Kopyang-kopya di ba? Salamat sa Copying Disc at nakopya ko ang
Genes mo kanina sa Australia habang naglalaban tayo….
ABBY: Ibalik mo sa amin si Coco!
Ilang saglit pa ay
nagpalit na ng anyo ang impostor na Abby….nagulat sila kung sino ito.
JAKE: Necroma!
ABBY: Ang sama mo! Dinukot mo si Coco!
NECROMA: Akala niyo ba mapapasainyo ang Alien
na ito? Baka nakakalimutan niyong kami ang AXIS, at lahat ay kayang naming
makuha! Ngayong nasa akin na ang Alien, makakaalis na ako dito!
Nagteleport na si
Necroma kasama ang walang malay na Alien…
ABBY: COCOOOOOOOOOO!!!!!
Napaluhod na lang si
Abby at umiiyak….
Itutuloy……..